Eal Of Artnership Araling Panlipunan

2y ago
875 Views
158 Downloads
1.43 MB
16 Pages
Last View : 7d ago
Last Download : 1m ago
Upload by : Angela Sonnier
Transcription

Republic of the PhilippinesDepartment of EducationRegional Office IX, Zamboanga Peninsula8Zest for ProgressZ Peal ofartnershipAraling PanlipunanIkatlong Markahan- Modyul 5:Ang Rebolusyong AmerikanoName of Learner:Grade & Section:Name of School:

Bumuo sa Pagsusulat ng ModyulManunulat:Blythe Lou G. UrbanoEditor:Abner CarpioTagasuri:Earl B. NeriAl R. PastorTagaguhit/Tagakuha ng Larawan:Tagalapat:Blythe Lou G. UrbanoTagapamahala:Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VIOIC, Schools Division SuperintendentVisminda Q. Valde, EdDOIC, Assistant Schools Division SuperintendentRaymond M. Salvador, EdD, CESEOIC, Assistant Schools Division SuperintendentJuliet A. Magallanes, EdDCID ChiefFlorencio R. Caballero, DTEEPS - LRMDSAlma L. Carbonilla, EdDEPS – Araling Panlipunan2

AlaminSa modyul na ito, inaasahang maipamalas mo ang sumusunod na kaalaman,kakayahan at pang-unawa:Naipapaliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa RebolusyongAmerikano at Pranses.Layunin:a. naisasalaysay ang dahilan at pasimula ng Digmaan para sa Kalayaan saAmerika;b. nakikilala ang ang mga pangunahing tagapagtaguyod ng Kalayaan; atc. nasusuri ang naging epekto sa lipunan at pamumuhay ng mga AmerikanoBalikanPanuto: Basahing Mabuti ang bawat aytem o tanong. Piliin ang titik ng tamangsagot at isulat sa sagutang papel.1. Siya ang itinuring na isang mahusay na heneral sa RebolusyongAmerikano at naging unang pangulo ng Estados UnidosA. WashingtonC. Louis XVIB. Henry VIIID. Peter I2. Ito ay dahilan na nagsimula ang paghahangad ng kalayaan ng 13kolonya sa Timog Amerika sa BritanyaA. hangad na patalsikin ang hari ng BritanyaB. paghingi ng karagdagang buwisC. pagpigil sa malayang pagsasagawa ng kanilang pananampalatayaD. pagkuwestiyon sa aral at doktrina ng Simbahan3

3. Alin sa mga lugar na nakalista sa ibaba ang hindi kabilang sa 13kolonya?A. BostonC. New YorkB. New JerseyD. South Carolina4. Ang mga sumusunod ay ang pagpupulong at ang pagsasama ng mgakolonya at pagpapakilala at paglaban sa mga batas at polisiyangipinatupad ng mga Ingles.A. Ang Pagsisimula ng DigmaanB. Ang Ikalawang Kongresong KontinentalC. Ang Unang Kongresong KontinentalD. Pagtulong ng mga Pranses sa Labanan5. Kailan sumuko ang hukbong British na pinamumunuan ni Heneral JohnBurgoyne laban sa hukbo na pinamumunuan ni Heneral Horacio Bates?A. Oktubre 1777C. Disyembre 1776B. Oktubre 1781D. Disyembre 17814

Aralin 4AAng Rebolusyong AmerikanoTuklasinDigmaan Para sa Kalayaan sa AmerikaAng Digmaan para sa kalayaan sa Amerika ay kilala sa katawagangHimagsikan sa Amerika. Nagpasimula ang himagsikan nang ang mga Inglesnanaging mga migrante sa Timog Amerika ay nagrebelde sa malabis napagbubuwis na ipinataw sa kanila ng Parliamentong Ingles nguni’t wala namansilang kinatawan sa Parliamento upang sabihin ang kanilang mga hinaing.Nagdeklara sila ng paglaya sa mga Ingles noong 1776 at pagkatapos sila’y nagbuong isang malakas na hukbo na magiging tagapagtanggol nila sa mga hinaharap naalitan o sigalot sa Britanya. Ang Digmaan para sa kalayaan ay naging dahilan sapagbubuo ng Estados Unidos ng AmerikaAng Labingtatlong KolonyaAng malaking bilang ng mga Ingles ay nagpasimula nang lumipat atmanirahan sa Hilagang Amerika noong pang ika-17 siglo. Karamihan sa kanila aynakaranas ng mga persekyusyon dahil sa kanilang mga bagong pananamplatayana resulta ng Repormasyon at Enlightenment sa Europa. Sa kalagitnaan ng ika-18siglo ay nakabuo na sila ng 13 magkakahiwalay na kolonya. Bawa’t isa ay maymga sariling lokal na pamahalaan. Noong 1750 ay gumastos ng napalaking halagaang Britanya laban sa Pransiya upang mapanatili sa ilalim ng kanilang imperyoang 13 kolonya. Ito ang dahilan kung bakit nais ng Britanya na ang mga kolonyaay mag-ambag sa naging gastusin ng Britanya at ito’y nais nilang kunin sapamamagitan ng pagdaragdag ng mga buwis.5

Ang 13 kolonya ng ESTADOS UNIDOS (nakatala magmula hilaga hanggang satimog) ay ang mga sumusunod1.2.3.4.5.6.7.MassachusettsNew HampsphireRhode IslandConnecticutNew YorkNew JerseyPennsylvania8. Dalaware9. Maryland10. Virginia11. North Carolina12. South Carolina13.Georgia“Walang Pagbubuwis kung walang Representasyon”Ang mga kolonya ay walang representante sa Parliamento ng Britanya sa Londonkaya sila ay nagprotesta sa pagbabayad sa malabis na buwis na ipinapataw sakanila. Ang kanilang naging paboritong islogan ay ang” walang pagbubuwiskung walang representasyon”. Noong 1773 ay isang grupo ng mga kolonistaang nagsuot ng katutubong kasuotan ng mga Katutubong Amerikano atnakapasok sa isang pangkalakal na bapor ng mga Ingles. Kanilang itinapon angmga tone-toneladang tsaa sa pantalan ng Boston harbor sa Massachusetts. Sila’ynagprotesta sa ipinataw na buwis sa tsaa na inaangkat sa mga kolonya. Kinilalasa kasaysayan ang pangyayaring ito bilang Boston Tea Party. Nagpasa angpamahalaan ng Britanya ng kaparusahan sa mga kolonista na naging kabahagi ngnabanggit na insidente. Tinawag ang mga batas na ito sa Amerika bilangIntolerable Acts.Ang Stamp Act na ipinasa ng Parliamento noong 1765 ay nagdagdag ngbuwis para sa pamahalaan ng Britanya sa pamamagitan ng paglalagay ng mgaselyo sa anumang produkto na dadalhin sa Britanya mula sa mga kolonyaAng Unang Kongresong KontinentalAng mga 13 kolonyang bumubuo ng Britanya sa Amerika ay daglingsumaklolo sa naging kahinatnan ng Insidente sa Massachusetts. B inuo nila angUnang Kongresong Kontinental na dinaluhan ng mga representante ng bawa’tisang kolonya maliban sa Georgia. Ang pagpupulong na ito at pagsasama-sama ngmga kolonya ay isang pagpapakilala ng kanilang paglaban sa mga batas atpolisiyang ipinatutupad ng mga Ingles sa kanila. Setyembre 5,1774, 56kinatawan ng mga kolonya ang dumalo dito at binigyang diin ng grupo na sapagkakataong iyon mula sa isang kialalng kinatawan na si Patrick Henry, na walang dapat makitang pagkakaiba ang isang taga-Virginia, Pennsylvania, New York atNew England. Dapat na tandaan na sila’y nagkakaisa at sama-samang6

magtataguyod para sa kapakanan ng kabuuang kolonya. Pinagkaisahan nila naitigil na ang pakikipagkalakalan sa Britanya at ito’y nagpasimula pagkatapos ngSetyembre, 1775. Marami sa mga kolonya ang determinadong bumuo at gumamitng mga radikal na pamamaraan upang labanan ang puwersa ng Britanya. Sabawa’t kolonya ay bumuo 12 sila ng magiging kabilang ng kanilang boluntaryongarmy at handang makipaglaban sa pamamagitan ng digmaan.Ang Pagsisimula ng DigmaanNoong Abril 1775 nagpadala ang Britanya ng tropa ng mga sundalo saBoston upang kunin puwersahan ang isang tindahan ng pulbura sa bayan ngConcord. Isang Amerikanong panday na nagngangalang Paul Revere ang nagingkasangkapan upang malaman ng mga tao na may paparating na mga sundalongBritish. Sa pamamagitan ng pagsakay sa kanyang kabayo at pagligid sa buongbayan ay napagsabihan niya ang mga tao na maghanda sa pakikipaglaban. Kayamayroong grupo ng mga tagapangalaga at tagapagbantay na Amerikano anghumadlang sa mga sundalong Brtish na papalapit sa bayan ng Lexington.Nagpalitan ng putukan ang magkabilang pangkat hanggang walong Amerikano angnapatay. Dito na nagpasimula ang Digmaan para sa kalayaan ng mga Amerikano.Sa Concord naman ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga Amerikano na magorganisa at puwersahang mapabalik ang mga sundalong British sa Boston. Dito nanila tuluyang nakubkob ang mga sundalong British sa loob ng siyudad.Ang Ikalawang Kongresong Kontinental (Mayo,1775)Idineklara ang pamahalaan na tinawag nilang “United Colonies ofAmerica”(Pinagbuklod na mga kolonya ng Amerika). Ang hukbo ng mga militar aytinawag na “Continental Army” at ang naatasan na commander-in-chief ay siGeorge Washington. Sinubukan ng hukbong militar na makuha ang Bostonnguni’t natalo sila sa Digmaan sa Bunker Hill. Sinunod ng mga Amerikanongkubkubin ang Canada nguni’t natalo rin sila dito. Maski sunud-sunod angpagkatalo ng mga Amerikano sa labanan ay hindi pa rin sila nawalan ng pag-asasapagka’t tuluyang napaalis nila ang mga sundalong British na patuloy nanakukubkob sa Boston noong Marso, 1776.Ang Deklarasyon ng Kalayaan (Hulyo 4, 1776)Noong Hunyo 1776 ay nagpadala ng malaking tropa ang Britanya saAtlantiko upang tuluyang durugin at pahinain ang puwersang Amerikano. Upang7

matugunan ang ganitong pangyayari ay minarapat ng Kongresong Kontinental naaprubahan ang Deklarasyon ng Kalayaan noong Hulyo 4. Ang dokumento ayisinulat halos lahat ni Thomas Jefferson, isang manananggol at binigyang diin ngdokumento na ang dating mga kolonya ay di na sa kasalukuyan teritoryo ngBritanya. Sila sa panahong iyon ay kinikilala na bilang malayang nasyon sakatawagang Estados Unidos ng Amerika.Noong Disyembre 25,1776 ay naglunsad siya ng isang sopresang pag-atakelaban sa mga British. Ginamit ng hukbo ni Washington ang Ilog Delaware upangmaisakatuparan ang kanyang balak. Ito ang naging dahilan kung bakit nilanapagwagian ang Digmaan sa Trenton at Princeton nguni’t sila’y di nagtagumpaysa pagkuha sa Nueba York.Paglusob mula sa CanadaSimula noong 1777 ay pinasimulan ng mga British ang pag-atake saAmerika mula sa Canada, nguni’t sa bawa’t pagtatangka nila sila ay napipigil ngmga hukbong Amerikano. Ang Continental Army ay lumaki na sa bilang atumaabot na sa halos 20,000 sundalo ang bumubuo nito. Noong Oktubre, 1777 aynanalo sa Labanan sa Saratoga ang mga Amerikano at ito ang naging dahilan sapagwawakas ng mga pagatake ng mga British mula sa Canada. Ang pagsuko nghukbong British ay mula sa pamumuno ni Heneral John Burgoyne laban sahukbong pinamumunuan ni Heneral Horacio BatesPagtulong ng mga Pranses sa LabananAng bansang Pransiya ay tradisyunal na kalaban ng Britanya at ang mgaPranses ay naging lihim na taga-suporta ng mga rebeldeng Amerikano simula palamang ng labanan. Noon pang 1778 ay pinasimulan ng bigyan ng rekognisyon ngpamahalaang Pranses ang Estados Unidos ng Amerika bilang isang malayangestado. Nagpadala sila ng mga bapor pandigma upang matulungan ang mgaAmerikano sa kanilang pakikipaglaban sa mga British. Kaya dahil sa lumalakas napuwersa ng mga rebelde ay minabuti ng Britanya na sakupin ang timugang bahaging kolonya isa-isa. Noong Diyembre, 1778 ay nakuha ng mga British ang daunganng Savannah at nakontrol ng buo ang Georgia. Dahil dito ay naging mahirap samga Amerikano upang muling makuha ang Savannah kahit may tulong nanagmumula sa mga Pranses. Kinubkob naman ng mga British ang ContinentalArmy sa daungan ng Charleston at pinuwersa itong sumuko sa pamahalaan ngBritanya.8

Ang Labanan sa YorktownSa pamumuno ng British commander na si Heneral Charles Cornwallis aytinangkang sakupin ng Britanya ang Timog Carolina. Nguni’t sa pamamagitan ngmagkasamang puwersa ng mga Amerikano at Pranses ay natalo ang mga British saLabanan sa King’s Mountain noong huling bahagi ng 1780 at sa Labanan saCowpens ng mga unang bahagi ng 1781. Nag-ipon ng lakas sa kanyang hukbo siHeneral Cornwallis kaya pansamantalang humimpil muna sila sa Yorktown. Maykaragdagan pang hukbo ng mga sundalong Pranses ang dumating sa Amerika nabumibilang sa 6,000 kaya napagpasyahan ni Washington na talunin ng lubusanang mga British. Kaya noong Okrubre 19,1781 ay minabuti ng sumuko niHeneral Cornwallis at dito ay tuluyan ng nakamit ng mga Amerikano ang kanilangkalayaan.Paghahangad ng KapayapaanAng pagkapanalo ng mga Amerikano sa digmaan ay malaking pagkamanghasa mga British sa mundo. Ang Britanya ay itinuturing ng panahong iyon bilangisang malakas na kapangyarihan na mayroong mahuhusay na sinanay na mgasundalo subali’t tinalo ng mga Amerikanong sundalo na di nagkaroon ng mgapagsasanay sa pakikipaglaban. Sa isang kumperensiya sa Paris noong 1783 aypormal na tinanggap ng Britanya ang kalayaan ng kanilang dating kolonya, angAmerika. Samantalang ang 17 mga nasa Amerika na nagnanais pa ringpamahalaan ng hari ng Inglaterra ay lumipat sa Canada nanatiling kolonya ngBritanya. Ang Digmaan para sa Kalayaan ng Amerikaay nagbago sa mukha ngkasaysayan ng mundo sa dahilang ito ang naging dahilan ng pagbuo ng isangbagong nasyon na umunlad at naging isang makapangyarihang bansa sahinaharap. Ang mga ideyang iniwan ng digmaan para sa kalayaan ay nagingsimbolo at inspirasyon sa maraming mga kolonya na nais lumaya sa kanilang mgamananakop at lalo na sa mga rebolusyonaryong Pranses. Ang mgarebolusyonaryong Pranses na ito ang naglunsad ng pagpapabagsak sa rehimen ngabsolutong monarkiya sa Pransiya noong 1789 at nagbuo ng isang republika nglumaon.9

SuriinPanuto: Unawaing Mabuti ang bawat aytem. Isulat ang tamang sagot sa patlang.1. Ito ay nagpabago sa mukha ng kasaysayan ng mundo dahil sapagkabuo ng isang bagong Nasyon na umunlad at naging isangmakapangyarihang bansa2. Ang pagsuko ng hukbong British ay mula sa pamumuno ni Hen.Burgoyne laban sa hukbong pinamumunuan ni Hen. Bates3. Isang pagpupulong na idineklara ang pamahalaan na tinawag nilang“United Colonies of Amerika”4. Ang pagpupulong at pagsasama-sama ng mga kolonya ay isangpagpapakilala ng kanilang paglaban sa mga batas at polisiyangipinatupad ng mga Ingles5. Ibang katawagan sa digmaan para sa Kalayaan sa AmerikaPagyamaninHANAPIN MO, SAGOT KO!1. 5 sa labintatlong kolonya2. British commander na namuno sa Labanan ng Yorktown3. Commader-in-chief ng Continental Army4. Ameriknong panday na naging kasangkapan upang malaman ng mga tao namay paparating na sundalong British5. Kumpletohin ang slogan “Walang Pagbubuhis kung walang SACHUSETTSULOIKRESSIAKONABRAN

IsaisipKULANG KO KOMPLETUHIN MO!Panuto: Tukuyin ang mga lugar, pangkat ng tao, o pangyayari na hinihingi sabawat bilang ayon sa pahayag na ibinibigay. Ang initial letter ay makikitabilang iyong gabay.R 1.Ito ang bansang traditional na kalaban ng Britanya at lihim natagasuporta ng mga rebeldeng Amerikano.C RN 2. Isang British commander na sumuko noong Oktubre 19,1781na nagbigay daan upang tuluyang makamit ng Amerika angkanilang kalayaan.W 3. Itinuring na mahusay na heneral sa Rebolusyong Amerikano at nanglumaon ay naging unang pangulo ng Estados Unidos ng AmerikaJ N 4. Ang manananggol na nagsulat ng Deklarasyon ng Kalayaanng AmerikaM S 5. Bansang kasama sa 13 kolonya na pinangyarihansa makasaysayang Boston Tea PartyTayahinPanuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.1.2.3.Insidente na nagpakilala ng labis na galit ng mga kolonyang Amerikano saBritanya dahil sa pagdaragdag ng buwis sa tsaa na kanilang inaangkatA. Saratoga MassacreC. Battle of WaterlooB. Boston Tea PartyD.Unang Kongresong KontinentalAng 13 kolonya sa Timog Amerika ng Britanya ay lumawak mula saMassachusetts sa Hilaga at sa timogA. CarolinaC. MissisipiB. GeorginaD. Nueba YorkAng naging pangunahing islogan na ginamit ng 13 kolonya sa TimogAmerika bilang protesta sa Parliamento ng BritanyaA. Ang paglaya namin ay mahalaga para sa kinabukasanB. Ang pagmamahal sa bayan ay naipapakita sa pamamagitan nghimagsikanC. Maging Malaya at isang karangalanD. Walang pagbubuwis kung walang representasyon11

4.Isang abogado na nagsulat ng deklarasyon ng kalayaan ng dating 13kolonya sa Britanya at pagbubuo ng Estados UnidosA. George WashingtonC. Thomas JeffersonB. Paul RevereD. Thomas Paine5. Ang kasunduan na nagtapos sa digmaan ng 13 kolonya at ng BritanyaA. Kasunduan sa AusburgC. Kasunduan ng TordesillasB. Kasunduan sa ParisD. Kasunduan sa Vienna6. Ito ay bansang kasama sa 13 kolonya na pinangyayarihan ngmakasaysayang Boston Tea PartyA. DalwareC. MassachusettsB. GeorgiaD. Pennsylvania7. Anong batas ang ipinasa ng pamahalaang Britanya upang maparusahanang mga kolonista na sangkot sa insidenteng Boston Tea Party?A. Batas ng SamahanC. Stamp ActB. Intolerance ActD. Union Act8. Sila ang malaking bilang ng mga Ingles na nakaranas ng mga persekyusyondahil sa kanilang mga bagong pananampalataya na resulta ngRepormasyon at Enlightenment sa Europa.A. Ang mga kabilang sa Ikatlong Estado sa pamahalaanB. Ang labingtatlong KolonyaC. Ang mga kabilang sa mga maharlikang InglesD. Wala sa mga nabanggit9. Anong batas na ipinasa ng Parliamento noong 1765 ay nagdagdag ng buwispara sa pamahalaan ng Britanya sa pamamagitan ng paglalagay ng mgaselyo sa anumang produkto na dadalhin sa Britanya mula sa mga kolonya?A. Batas ng SamahanC. Stamp ActB. Intolerance ActD. Union Act10. Ang mga sumusunod na lugar ay ang nagkaisa upang itigil angpakikipagkalakalan sa Britanya noong Setyembre,1775, maliban sa;A. GeorgiaC. PennsylvaniaB. New YorkD. VirginiaKaragdagang GawainPanuto: Sumulat ng maikling sanaysay ukol sa mga tanong. Isulat ito sa sagutangpapel.1. Sa iyong palagay mabisang paraan ba ang paggamit ng dahas atpakikipaglaban upang pagtatamo ng kalayaan? Bakit?.12

2. Ano ang naging epekto ng digmaan para sa kalayaan ng Amerika sa mganasyong naghahangad ng paglaya sa kanilang mga mananakop ngpanahong iyon? Ipaliwanag. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.13

IIN1.2.3.4.5.paghahangad ng kapayapaanPaglusob mula sa Canadaikalawang kongresongkontinentalUnang KongresongcontinentalHimagsikan sa AmerikaSusi sa Pagwawasto

Sanggunian:Kasaysayan ng Daiddig Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral, UnangEdisyon, 2014, pp 386-396Project EASE III; Modyul 1515

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden LandHere the trees and flowers bloomHere the breezes gently Blow,Here the birds sing Merrily,The liberty forever Stays,Here the Badjaos roam the seasHere the Samals live in peaceHere the Tausogs thrive so freeWith the Yakans in unityThe Footprints PrayerGallant men and Ladies fairLinger with love and careGolden beams of sunrise and sunsetAre visions you’ll never forgetOh! That’s Region IXHardworking people Abound,Every valleys and DaleZamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,Ilongos,All of them are proud and trueRegion IX our Eden LandRegion IXOur.Eden.Land.Treesby Joyce KilmerOne night I had a dream. I dreamed I think that I shall never seethat I was walking along the beach A poem lovely as a tree.with the LORD.A tree whose hungry mouth is prestIn the beach, there were two (2) sets Against the earth’s sweet flowingof footprints – one belong to me and breast;the other to the LORD.A tree that looks at God all day,Then, later, after a long walk, I And lifts her leafy arms to pray;noticed only one set of footprints.A tree that may in Summer wear“And I ask the LORD. Why? Why?A nest of robins in her hair;Why did you leave me when I am sadand helpless?”And the LORD repliedUpon whose bosom snow has lain;“My son, My son, I have never leftWho intimately lives with rain.you. There was only one (1) set offootprints in the sand, because it wasPoems are made by fools like me,then that I CARRIED YOU!But only God can make a tree.

Araling Panlipunan Ikatlong Markahan- Modyul 5: Ang Rebolusyong Amerikano 8 Name of Learner: _ Grade & Section: _ Name of School: _ Z est for P rogress Z eal of P artnership. 2 Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunula

Related Documents:

Araling Panlipunan Ikalawang Markahan - Modyul 5: Interaksiyon ng Demand at Supply Z est for P rogress Z eal of P artnership 9 Name of Learner: _ Grade & Section: _ Name of School: _ Alamin Ang pinakatiyak na layunin ng modyul na ito ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa interaksiyon ng demand at supply. Mula sa mga inihandang gawain at .

Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 8: Iba’t-Ibang Pagmamahal sa Bansa ng mga Pilipino mula 1946 hanggang 1972 Z est for P rogress Z eal of P artnership 6 Name of Learner: _

Araling Panlipunan . ii Araling Panlipunan 2 ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan n Pangalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph.D. Consultant: –Ikalawang Baitang Patnubay ng Guro Unang Edisyon, 2013 ISBN: Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa .

Araling Panlipunan . 2 Araling Panlipunan 2 Ma. Ther Inilimbag sa Pilipinas ng _ Department of Eduction-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address: nd 2 Floor Dorm G, PSC Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072 E-mail Address: imcsetd@yahoo.com Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Consultant: Zenaida E. Espino .

Mobil DTE PM 220 Mobil EAL Arctic 15 Mobil EAL Arctic 22 Mobil EAL Arctic 32 Mobil EAL Arctic 46 Mobil EAL Arctic 68 Mobil EAL Arctic 100 . Mobil Glygoyle 11 Mobil Glygoyle 22 Mobil Glygoyle 30 Mobil Glygoyle 220 Mobil Glygoyle 320 Mobil Glygoyle 460 Mobil Glygoyle 680 Mobil Jet Oil 254 Mobil Jet Oil II Mobil Multigrade 10W-40 Mobil .

Masusing Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan Ika-8 Baitang I. Layunin Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Nakapagsasabi ng dahilan at epekto ng unang yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo. 2. Naipapaliwanag ang iba

2 ARALING PANLIPUNAN 1 DRR LESSON EXEMPLAR Layunin Pagkatapos ng araling ito, inaasahan ang mga mag-aaral na: Matukoy ang kahulugan ng polusyon. Maisa-isa ang mga bahagi ng kapaligiran na naaapektuhan ng

2013 BERKELEY COUNTY SCHOOL 2ND & 3RD GRADE WRITING FOLDER 3 2nd grade Second Semester - Pen Pals.38