Unang Markahan Modyul 7: Disaster Response

2y ago
288 Views
76 Downloads
1.47 MB
28 Pages
Last View : 5d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Mika Lloyd
Transcription

10Araling PanlipunanUnang Markahan – Modyul 7:Disaster Response

Araling Panlipunan– Ikasampung BaitangAlternative Delivery ModeUnang Markahan – Modyul 7: Disaster ResponseUnang Edisyon, 2020Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ngkarapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailanganmuna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung itoay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ayang pagtakda ng kaukulang bayad.Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brandname, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na itoay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upangmakuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala atmga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito aykinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag saanomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonNicolas T. Capulong, PhD, CESO VRonilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO VLibrada M. Rubio, PhD.Bumuo sa Pagsusulat ng ModyulManunulat:Lawrence A. dela CruzTagasuri ng Nilalaman:Rowel S. Padernal / Angelica M. Burayag PhDVirgilio L. Laggui PhDTagasuri ng Wika:Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhDRomeo P.Lorido /Anastacia M.Victorino PhDTagasuri sa ADM:John Paul C. PajeTagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jay Ahr E. SisonTagaguhit:Vincent D. RoblesTagalapat:Joyce O. SarazaTagapamahala:Nicolas T. Capulong PhD, CESO VLibrada M. Rubio PhDAngelica M. Burayag PhDNestor Nuesca EdDGregorio C. Quinto, Jr. EdDRainelda M. Blanco PhDAgnes R.Bernardo PhDVirgilio L. Laggui PhDInilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon IIIOffice Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)Telephone Number: (045) 598-8580 to 89E-mail Address: region3@deped.gov.phii

10Araling PanlipunanUnang Markahan – Modyul 7:Disaster Responseiii

Paunang SalitaPara sa tagapagdaloy:Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng AlternativeDelivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Disaster Response.Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mgaedukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, anggurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayangitinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral samapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit angmga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mgapangangailangan at kalagayan.Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo angkahong ito sa pinakakatawan ng modyul:Mga Tala para sa GuroIto'y naglalaman ng mga paalala, panulongo estratehiyang magagamit sa paggabay samag-aaral.Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman angmag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayanat itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilangsariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin atgabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob samodyul.Para sa mag-aaral:Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative DeliveryMode (ADM) Modyul ukol sa Disaster Response.Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, atmagsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo naikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mgaiv

kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay aynakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layuninnitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.AlaminSa bahaging ito, malalaman mo ang mgadapat mong matutuhan sa modyul.SubukinSa pagsusulit na ito, makikita natin kungano na ang kaalaman mo sa aralin ngmodyul. Kung nakuha mo ang lahat ngtamang sagot (100%), maaari mong laktawanang bahaging ito ng modyul.BalikanIto ay maikling pagsasanay o balik-aralupang matulungan kang maiugnay angkasalukuyang aralin sa naunang leksyon.TuklasinSa bahaging ito, ang bagong aralin ayipakikilala sa iyo sa maraming paraan tuladng isang kuwento, awitin, tula, pambukas nasuliranin, gawain o isang sitwasyon.SuriinSa seksyong ito, bibigyan ka ng maiklingpagtalakay sa aralin. Layunin nitongmatulungan kang maunawaan ang bagongkonsepto at mga kasanayan.PagyamaninBinubuo ito ng mga gawaing para samalayang pagsasanay upang mapagtibay angiyong pang-unawa at mga kasanayan sapaksa. Maaari mong iwasto ang mga sagotmo sa pagsasanay gamit ang susi sapagwawasto sa huling bahagi ng modyul.IsaisipNaglalaman ito ng mga katanungan opupunan ang patlang ng pangungusap otalata upang maproseso kung anongnatutuhan mo mula sa aralin.IsagawaIto ay naglalaman ng gawaing makatutulongsa iyo upang maisalin ang bagong kaalamano kasanayan sa tunay na sitwasyon orealidad ng buhay.v

TayahinIto ay gawain na naglalayong matasa omasukat ang antas ng pagkatuto sapagkamit ng natutuhang kompetensi.KaragdagangGawainSa bahaging ito, may ibibigay sa iyongpanibagong gawain upang pagyamanin angiyong kaalaman o kasanayan sa natutuhangaralin.Susi sa PagwawastoNaglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahatng mga gawain sa modyul.Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:SanggunianIto ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sapaglikha o paglinang ng modyul na ito.Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumangmarka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papelsa pagsagot sa mga pagsasanay.2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaingnapapaloob sa modyul.3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain atsa pagwawasto ng mga kasagutan.5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nangsagutin lahat ng pagsasanay.Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari karin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sinoman sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim saiyong isipang hindi ka nag-iisa.Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ngmakahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sakaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!vi

AlaminAng modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Itoay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa AralingPanlipunan Baitang 10.PAMANTAYAN SA PAGKATUTO: Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng Community-Based DisasterRisk Reduction and Management (CBDRRM) Plan.Sa Modyul na ito, pag-aaralan mo ang konsepto ng Ikatlong Yugto ng DisasterRisk Reduction and Management Plan. Partikular ang mga nararapat gawin sapanahon ng pagtugon sa panahon ng kalamidad. Nahahati ito sa tatlong leksyon: Leksyon 1 – Kahulugan ng Disaster Response Leksyon 2 – Mga Pagtataya sa Disaster Response Leksyon 3 – Kahalagahan ng Pagsasagawa ng Disaster ResponseKapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:1. natutukoy ang kahulugan at mga konsepto ng Disaster Response;2. natatalakay ang tatlong uri ng pagtataya sa Disaster Response; at3. nasusuri ang kahalagahan ng mga gawain nakapaloob sa yugto ngDisaster Response.Mga Tala para sa GuroKailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upangmaiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro angkonsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaingpamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito.Makikita rin sa huling bahagi ng modyul na ito ang mga rubric nagagamitin sa pagmamarka sa ilang mga gawain.1

SubukinPanuto: Basahin ang sumusunod na pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sainilaang sagutang papel.1. Ano ang tawag sa ikatlong yugto ng Disaster Risk Reduction and Management(DRRM) Plan?A. Disaster Rehabilitation and RecoveryB. Disaster Prevention and MitigationC. Disaster PreparednessD. Disaster Response2. Alin sa sumusunod ang ginagawa sa Ikatlong Yugto ng Disaster Risk Reductionand Management Plan?A. tinutulungang makabangon ang mga nasalanta ng kalamidadB. gumagawa ng mga hakbang upang maiwasan o mabawasan angmasamang epekto ng mga kalamidadC. inihahanda ang mamamayan sa paparating na kalamidadD. sinusuri kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad3. Bakit mahalaga ang mga impormasyong makukuha mula sa mga gawain ngIkatlong Yugto ng DRRM Plan?A. Matutulungan nito ang maraming tao na makabangon matapos ang isangkalamidad.B. Matutukoy nito ang mga hazard, vulnerability, risk at capacity ng isangkomunidad na magagamit naman nila sa paghahanda sa mga paparatingna kalamidad.C. Makapaghahanda ang mga pamayanang sasalantahin ng kalamidad.D. Magsisilbi itong batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mgapangangailangan ng isang pamayanang nakaranas ng isang kalamidad.4. Alin sa sumusunod na pagtataya ang tumutukoy sa mga pangangailangan ngmga biktima ng kalamidad?A. Damage AssessmentB. Loss AssessmentC. Needs AssessmentD. Risk Assessment5. Alin sa sumusunod na pagtataya ang tumutukoy sa bahagya o pangkalahatangpagkasira ng mga ari-arian at/o imprastruktura dulot ng kalamidad?A. Damage AssessmentB. Loss AssessmentC. Needs AssessmentD. Risk Assessment2

6. Alin sa sumusunod na pagtataya ang tumutukoy sa pansamantalang pagkawalang serbisyo at pansamantala o pangmatagalang pagkawala ng produksyon?A. Damage AssessmentB. Loss AssessmentC. Needs AssessmentD. Risk Assessment7. Paano nagkakaugnay ang konsepto ng damage at loss?A. ang loss ay resulta ng damageB. ang damage ay resulta ng lossC. walang damage kung walang lossD. wala silang kaugnayan8. Nabaha ang lupang taniman ni Mang Tonyo. Sa anong pagtataya nararapatmailagay ang kanyang sitwasyon?A. Damage AssessmentB. Loss AssessmentC. Needs AssessmentD. Risk Assessment9. Gumuho ang mga gusali sa paaralang pinapasukan ni Ana. Sa anong pagtatayanararapat mailagay ang kanyang sitwasyon?A. Damage AssessmentB. Loss AssessmentC. Needs AssessmentD. Risk Assessment10. Si Joy ay isang cashier sa pinapasukang department store. Baha sa kanyangmga dadaanan at hindi siya makapapasok. Sa anong pagtataya nararapatmailagay ang kanyang sitwasyon?A. Damage AssessmentB. Loss AssessmentC. Needs AssessmentD. Risk Assessment11. Si Juan ay bahagi ng DRRM team sa Bayan ng Bagong Nayon. Ayon sa kanyangginawang assessment ay hindi makakontak ang mga tao sa kanilang mgakaanak upang makahingi ng tulong. Bilang pagtugon, alin sa sumusunod angmaimumungkahi niya sa mga kinauukulan upang matulungan ang mga tao saBagong Nayon?A. Magpamigay ng mga libreng bigas at delata sa nasabing lugar.B. Magsagawa ng medical mission upang magamot ang may sakit.C. Tawagan ang mga telecommunications company upang matulungangisaayos ang mga nasirang poste.D. Magsagawa ng clearing operations sa mga kalsada dulot ng mganagbagsakang puno.3

12. Dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Barangay Santa Rosa ayinerekomendang i-lockdown ito. Ayon sa pinakabagong census ay mas maramiang senior citizens sa kanilang lugar. Alin sa sumusunod ang HIGIT na dapatisama sa kanilang mga relief goods ayon sa kondisyon ng kanilang residente ngkanilang barangay?A. mga delata at instant noodlesB. mga gamot at bitaminaC. mga damit at kumotD. mga sabon at toothpaste13. Alin sa sumusunod ang HINDI halimbawa ng needs o pangangailangan ng mgatao sa panahon ng kalamidad?A. paglalaro ng mobile gamesB. bigas, delata at tubig na inuminC. tahanang may bubong at dingdingD. mga damit na maisusuot14. Bakit mahalaga ang koordinasyon sa pagitan ng mga bumalangkas ng DRRMPlan lalo sa pagpapatupad ng mga gawain sa Ikatlong Yugto nito?A. upang matugunan ang pangangailangan ng iilanB. upang matugunan ang pangangailangan ng mga kamag-anak ng mgaopisyales ng pamahalaanC. upang matugunan ang pangangailangan ng lahat ng apektado ngkalamidadD. upang hindi matugunan ang pangangailangan ng lahat15. Kung ikaw ay isang ordinaryong mamamayan nasa gitna ng isang kalamidadano ang maitutulong mo sa mga gawaing nakapaloob sa Ikatlong Yugto ngDRRM Plan?A. Magmukmok sa bahay hanggang matapos ang kalamidad.B. Mag-post nang mag-post sa social media ng walang katuturang bagay.C. Makiisa sa mga gawain ng mga nagpapatupad ng batas.D. Sumuway sa utos ng mga nagpapatupad ng batas.Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul aymadali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababanaman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihanpa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasang mabuti sa mga teksto atpagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.4

Aralin1Ikatlong Yugto ng DRRMPlan: Disaster ResponseSa pagtugon sa mga panahon ng kalamidad ay mahalagang alam ng mganamamahala ang nararapat gawin upang matugunan ang pangangailangan ng mgatao sa panahon na nagaganap ang kalamidad. Kinakailangan na alam ng mga itoang mga pangangailangan ng mga tao na dapat maibigay; ang mga gusali atimprastruktura na kailangang isaayos; at ang mga serbisyong nawala na kailangangmaibalik upang manumbalik sa normal na daloy ng buhay ang mga tao.BalikanNatutuhan mo sa nakaraang aralin ang tungkol sa Ikalawang Yugto ng DRRMPlan na Disaster Preparedness. Upang mapagtibay ang natutuhan mo ukol rito,punan ang Checklist sa ibaba ng mga nararapat gawin bago tumama ang isangkalamidad. Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel. 5

TuklasinPanuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang mabuo ang mga salitang maykaugnayan sa araling tatalakayin. Isulat ang inyong sagot sa inilaang sagutangpapel.PORENSSEDESENSOSLMAGEDAPamprosesong Tanong:1. Alin sa mga salitang nabuo ang pamilyar sa iyo?2. Ano ang kasing-kahulugan ng mga ito sa wikang Filipino?3. Kaya mo bang bigyan ng kahulugan ang mga ito?Ang aralin ito ay tatalakay sa mga paghahandang nararapat gawin ngpamahalaan at ng mga mamamayan nito sa panahon ng kalamidad. Kung maramikang nasagot sa mga katanungan sa itaas ay madali mong maiintindihan angpaksang pag-aaralan. Kung kaunti naman ang iyong nasagot ay dapat lamang napag-aralan mong mabuti ang susunod na babasahin at gawin ang mga gawain binuopara maintindihan mo ang ating paksang-aralin.SuriinTinatawag na Disaster Response ang ikatlong yugto ng DRRM Plan. Dito ayinaalam ang lawak ng pinsalang dulot ng isang kalamidad. Ang impormasyongmakukuha rito ay magsisilbing batayan upang maging maaayos ang pagtugon samga pangangailangan ng mga mamamayang nakaranas ng kalamidad sa isangkomunidad.6

Binubuo ng tatlong pagtataya ang yugto ng Disaster Response. Ito ay angNeeds Assessment, Damage Assessment at Loss Assessment.1. Needs Assessment-inaalam ang pangunahing pangangailangan ng mganakaranas ng kalamidad katulad ng mga pagkain, tirahan, damit, gamot at ibapang kagamitan. Mahalagang malaman ang mga ito upang maibigay sa mganasalanta ng kalamidad kung ano talaga ang kanilang pangangailangan. Dahildito ay maiiwasan ang pagbibigay ng sobra-sobra o mga bagay na hindi namankailangan ng mga biktima ng kalamidad.2. Damage Assessment-inaalam ang mga nasirang ari-arian at imprastrukturabunsod ng kalamidad. Inaalam rito kung may nasirang mga tulay, kalsada atmaging mga gusali gaya ng sa mga ospital at paaralan. Mahalaga ito upangmalaman ng kinauukulan kung ano dapat ayusin upang manumbalik sa normalna buhay ang mga nasalanta ng kalamidad.7

3. Loss Assessment- inaalam rito ang mga nawalang serbisyo gaya ng suplay ngtubig, kuryente at maging operasyon ng mga ospital at paaralan. Inaalam rin ditokung natigil ang produksyon ng ilang pangunahing pangangailangan gaya ng sapagkain at gamot. Mahalaga ang bahaging ito upang malaman ng mgakinauukulan kung anong serbisyo o produksyon ang kinakailangang maibalikagad upang magamit ng mga tao.Sa tatlong assessment na ito, maituturing na magkaugnay ang damageassessment at loss assessment. Ang mga bagay na nawawala (loss) ay dulot ng mgabagay na nasisira (damage). Halimbawa, kapag nasira ang mga ospital aymaaapektuhan nito ang serbisyo na ibinibigay sa mga taong maysakit. Gayundin samga paaralan, kung saan, natitigil ang pasok ng mga mag-aaral dahil sa mga hindimagamit na pasilidad. Isa pang halimbawa nito ang pagkasira ng mga tulay atkalsada na nagpapatigil sa tuloy-tuloy na daloy ng mga sasakyan. Ang pagkasiranaman ng mga taniman at hayupan ay nagdudulot pagkahinto ng produksyon ngmga yanapamahalaan at lahat ng sektor ng lipunanna may kaugnayan sa paggawa ng DRRMPlan. Ang mga naisagawang paghahanda saUna at Ikalawang Yugto nito ay dapatmagamit at maisagawa sa Ikatlong Yugto.Mayroon kasing mga pagkakataon nanaisasawalang bahala ang mga naiplano samga naunang yugto kapag tumama na angkalamidad sa isang lugar dahil sa kawalanngmaayosnakomunikasyonatkoordinasyon sa mga sektor na tumutugonsa kalamidad. Nararapat ring isaalang-alangang kaligtasan ng bawat isang tumutugonsa gitna ng mga kalamidad. Dapatsiguruhing may sapat na kakayahan atpagsasanay ang mga taong kabilang sa mgatutugon sa mga kalamidad na darating.8Ilustrasyon ng koordinasyon mula sanasyunal na pamahalaan hanggangsa lokal na pamahalaan

Sa kabuuan, mahalagang maisagawa ang mga assessment sa Ikatlong Yugtong Disaster Risk Reduction and Management Plan upang makatugon nang maayosang mga taong nakatalaga para rito. Matutukoy ng mga assessment na ito kung anoano ang pangangailangan ng mga tao, ano-anong gusali at imprastruktura ang dapatmaisaayos upang manumbalik ang mga serbisyo at produksiyon na kailangan ngmga mamamayang umaasa lamang dito para mabuhay. Ang maayos na pagtugon samga kalamidad na dumarating sa isang lugar ay makapagpapadali sa pagbangon atpanunumbalik sa normal na daloy ng buhay ng mga tao.Narito ang isang halimbawa ng disaster monitoring form halaw mula saNational Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Dito ayinaalam ang mga impormasyon ukol sa naganap na sakuna gaya ng lokasyon, bilangng mga sugatan o namatay, mga nasirang imprastruktura at marami pang iba. Sapamamagitan nito ay makikita ng mga tutugon sa kalamidad kung ano ang kanilangaasahan at kung paano nila tutugunan ang kalamidad na naranasan sa isang lugar.Disaster Monitoring FormI. Uri ng kalamidad: Pagbaha dulot ng Bagyong DodongPangalan ngBayan/BarangayBrgy. MaligayaTinatayangbilang ngnakatira:950Pangalan ng namumuno sa komunidad: G. Juan dela CruzPetsa: Setyembre 29, 2017Oras: 8:00am-9:00pmII. DemograpiyaBilang ng mga taong:Namatay: 1Nasugatan: 20Nawawala: 2Bilang ng mga bahay nanaapektuhanBahagyangPinsala: 10MalubhangPinsala: 3TuluyangNawasak: 1Bilang ng pamilyangapektadoKasalukuyang bilang ng mgabakwit: 500Tinatayangkabuuang bilangng mga pamilya:230III. Pangangailangan ng mga tao (lagyan ng tsek) Pagkain Gamot Tubig Toiletries Damit SabongPanlaba Kumot Banig Iba pang pangangailangan (ilista)Mga gamit sa paggawa ng bahay gaya ng pako, plywood at iba paIV. Kalagayan ng mga Imprastruktura Nasira/natabunang kalsadaMay bumagsak na puno sa KalyeMabini. Nasira/bumagsak na tulayWalang nasirang t

Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaro

Related Documents:

Musika – Unang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Sukat ng Pulso Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng kar

Unang Markahan – Modyul 10: Komunikasyon ng Pamilya Unang Edisyon, 2020 . ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay . Ngayon ay nasa ikalawang aralin ka ng modyul na ito. Huwag m

Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng

Unang Markahan – Modyul 2: . 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Mga Hakbang Sa Pagbuo Ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan Unang Edisyon, 2020 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na: “Hindi maaaring magkaroon ng kar

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Katapatan sa Sariling Opinyon Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan

Superior Court of California County of Imperial “NOTICE OF UNCLAIMED MONIES” I, Maria Rhinehart, Court Executive Officer, Superior Court of California, County of