Patnubay Ng Guro - WordPress

2y ago
156 Views
2 Downloads
1.12 MB
124 Pages
Last View : 1m ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Nixon Dill
Transcription

3Edukasyon saPagpapakataoPatnubay ng GuroAng kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwangna inihanda ng mga edukador mula sa mga publiko atpribadong paaralan, kolehiyo, at/o unibersidad. Hinihikayatnaming ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyonna mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaranng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.Kagawaran ng EdukasyonRepublika ng Pilipinas1

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikatlong BaitangPatnubay ng GuroUnang Edisyon, 2013ISBN:Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ngBatas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipisa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailanganmuna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa angisang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilangsa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay angpatawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dr. Dina S. OcampoKawaksing Kalihim: Dr. Lorna D. DinoMga Bumuo ng Patnubay ng GuroConsultant: Dr. Fe A. HidalgoTagasuri at Editor: Dr. Erico M. Habijan, Ms. Irene C. De Robles,Prof. Elanor O. Bayten, Dr. Corazon L. SantosManunulat: Maria Carla M. Caraan, Rolan B. Catapang,Rodel A. Castillo, Portia R. Soriano, Rubie D. Sajise,Victoria V. Ambat, Violeta R. Roson, Rosa Anna A. Canlas,Leah D. Bongat, Marilou D. Pandiño, Dr. Erico M. Habijan, IreneC. de RoblesTagapag-ambag: Rosalinda T. Serrano, Erik U. Labre, Juel C. Calabio,Randy G. MendozaTagaguhit:Randy G. Mendoza, Eric S. De GuiaTagapagtala: Gabriel Paolo C. Ramos, Enrique T. UretaTaga-anyo: Ferdinand S. BergadoPangalawang Tagapangasiwa: Joselita B. GulapaPunong Tagapangasiwa: Marilou D. PandiñoInilimbag sa Pilipinas ngDepartment of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEdIMCS)Office Address:2nd Floor Dorm G, PSC ComplexMeralco Avenue, Pasig CityPhilippines 1600Telefax:(02) 634-1054 or 634-1072E-mail Address:imcsetd@yahoo.com2

Para sa Iyo, Guro ng Edukasyon sa PagpapakataoInihanda ang patnubay na ito upang magabayan ka sa iyongpagtuturo ng Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) sa Ikatlong Baitang. Layuninng asignaturang ito na magabayan ang mga mag-aaral na makilala angkaniyang sarili, ang bahaging ginagampanan sa kaniyang pamilya,pamayanang ginagalawan bilang isang Pilipino upang makibahagi sila sapagtatayo ng pamayanang pinaiiral ang katotohanan, kalayaan,katarungan, at pagmamahal.Isinaalang-alang sa paghahanda ng patnubay ang sumusunod:A. BatayanPatnubay ng kurikulum ng K to 12 pokus ang EsPKagamitan ng Mag-aaral EsP Baitang 3Balangkas ng DepEd sa PagpapahalagaNapapanahong paksa at thrust gaya ng pakikiangkop sa panahonng pangangailangan, kaligtasan, likas kayang pag-unlad,paggalang sa sarili, pagiging positibo at iba pang pagpapahalagana makatutulong sa mabuting pagkatao Ang 30 minutong oras at araw-araw na pagtuturo ng EsP B. Prosesong GinamitBahagi ng magiging pag-aaral ng mga bata sa ikatlong baitangang mga proseso ng pag-unawa, pagninilay, pagsangguni, pagpapasya,at pagkilos upang higit nilang maunawaan ang mensahe ng anumangleksyon, maisabuhay at maisakatuparan ang tamang desisyon na maytamang pagkilos. Narito ang sumusunod na proseso na dapat gamitin: Alamin o Isipin. Sa prosesong ito, ang mga mag-aaral aybinibigyan ng pagkakataong maalala o maipakita ang anumangdating kaalaman na may kinalaman sa leksyon. Dito rin maaaringmalaman o matandaan ng mga bata at maiproseso sa sarili anganumang maling kilos o gawa at tuluyan itong itama sa patnubayng guro. Isagawa. Upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral angbawat aralin, sila ay magsasagawa ng iba’t ibang gawaing bataysa anumang layunin upang higit na maunawaan ng mag-aaralang bawat aralin. May mga gawaing pang-indibiwal atpampangkatan. Isapuso. Ang prosesong ito ay naglalaman ng mga kaisipangdapat tandaan at pahalagahan ng mag-aaral. Ang pagbibigayng iba’t ibang gawaing higit na magpapatibay sa anumangnatutuhan ay dapat ding isaalang-alang.3

Isabuhay. Naglalaman ang bahaging ito ng mga gawaingmagpapalalim ng pag-unawa sa bawat pagpapahalagangtinalakay sa bawat aralin at kung paano ito isasabuhay.Subukin. Naglalaman ang bahaging ito ng mga pagtataya ngmga natutuhan ng bawat mag-aaral tungkol sa mga aralin bataysa mga layunin na nasa EsP Curriculum Guide.Naglaan ng tatlumpung minuto (30 minutes) kada araw upangmalinang ang mga pagpapahalaga sa bawat aralin sa Edukasyon saPagpapakatao. Ang bawat aralin ay maaaring umabot ng limang araw.Nilalayon nito na tumimo sa isipan ng mga bata ang mga kasanayan atpagpapahalaga.C. Mga Teorya at Istratehiyang Ginamit1. Interaktibong Teorya ng Pagkatuto (Social Learning Theory ) ni AlbertBanduraAyon sa paliwanag ng Inateraktibong Teorya ng Pagkatuto oSocial Learning Theory ni Albert Bandura na isang CanadianPsychologist, ang mga pagkatuto tulad ng pagkakaroon ng mabutingugali at bagong impormasyon ay maaaring makuha sa pagmamasidsa ibang tao. Sa teoryang ito, naniniwala na ang kapaligirangkinamulatan o kinalakhan ng isang bata ang siyang humuhubog sapagkatuto at sa pag-uugali niya. Higit din silang natututo sapagbibigay ng direksyon at mga paulit-ulit na mga gawain.Pinaniniwalaan din sa ilalim ng teoryang ito na ang anumang marahaso malupit na pag-uugali o gawi ay natutuhan ng bata ayon sakaniyang nakita at hindi likas sa kanya. Ang mga gagawin ng mgabata sa pag-aaral ng EsP ay dapat magmula sa guro.2. Teorya ng ConstructivismLayunin sa pagtuturo ng Constructivism na pagnilayan omagbalik-tanaw ang mga bata sa kanilang mga naging karanasan.Maaaring dito makabuo ng kongkretong ideya, kasagutan, tamangkilos, at pag-uugali ang mga bata. Sa ganitong pagkakataon dinmaaaring maituwid ang anumang maling kaalaman, konsepto, kilos,at pag-uugali sa pamatnubay ng guro.3. Teorya ng Pagkatuto mula sa Karanasan (Experiential Learning) niDavid KolbAyon sa Teorya ng Pagkatuto mula Karanasan, ang mgakaranasan din ang pinagkukunan ng mga pagkatuto kung saan ito aysinusuportahan ng Teorya ng Constructivism. Ayon sa isang artikulo,4

ang teoryang ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga bata namakabuo ng kaalaman at kasanayan sa kanilang pag-aaral sa silidaralan. Ito rin ay isang paraan kung saan mahuhubog ang kanilangkakayahang mamuno at mamahala. Sa paraang ito, ang mga bataay maaaring makagawa ng positibong pagbabago sa kanilang buhaybilang bata.Mga tatlong hakbang sa modelong ito:a. Pagpaplano. Kaagapay ng guro ang mga bata sa pagbibigayng kaniyang ideya o saloobin tungkol sa anumang pinagusapan. Magpasya kung ano ang dapat pang pag-aralan,gawin, at tandaan.b. Paggawa. Mahalagang isaalang-alang ng guro sa kaniyangpaggabay ang kakayahan ng bata upang maunawaan angpakikialam kung hindi kailangan.c.Pagsusuri. Pagkatapos ng gawain, pabalikan ang mga prosesoat karanasang pinagdaanan mula sa simula hanggang sa sila aymatapos. Sa ganito, matutulungan ang mga bata na makabuong mas malinaw na mensahe, kaisipan o ideya, at katotohananna may kinalaman sa kanilang buhay.4. Panlipunan-Pandamdaming Pagkatuto (Social-Emotional Learning)Ito ay ang pagkakaroon ng mga kakayahang kailangan sapagkilala at pamamahala ng sarili, paglinang ng pagmamalasakit sakapwa, paggawa ng mapananagutang pagpasya, pakikipagugnayan, at pagharap nang epektibo sa mga mapanghamongsitwasyon. Ito ay paraan ng paglinang ng mga kakayahan ng magaaral upang magtagumpay sa mga pang-araw-araw na gawain pagkatutuo (SEL) ay binubuo ng sumusunod:Kamalayang Pansarili (Self-awareness). Sa kakayahang ito aynakikilala at nasusuri ng mga mag-aaral ang sariling damdamin,interes, at gusto. Natutukoy rin ng mga mag-aaral ang kanilangkalakasan at kayang panindigan, gayundin ang hindi pa nila kayangmagawa o maipakita.Pamamahala ng Sarili (Self-management). Naipakikita ng mga magaaral ang kanilang pamamahala sa sarili sa pagtatakda ng tunguhino hangarin sa pamamagitan ng pagkilala sa mga pamaraangmaaaring makatulong gayundin ang paghanap ng magagamit(resources) upang mapamahalaan ang anumang problema opangamba, pagkontrol sa udyok ng damdamin, at ang masigasig namapagtagumpayan ang anumang balakid. Ang mga mag-aaral aynakapagtatakda at nasusubaybayan ang kanilang sariling pag-unlad5

bilang bata at makamtam ang pang-akademikong mithiin. Ang mgamag-aaral ay nagpakikita rin ng tamang damdamin o emosyon saiba’t ibang pagkakataon.Kamalayang Panlipunan (Social Awareness). Naipakikita ng mgamag-aaral ang pagdama at pag-unawa sa damdamin ng ibang taoo grupo, sa pamamagitan ng pagkilala ng mga pahiwatig o senyasna maaaring pasalita o nakikita sa akyon o sitwasyon. Nahihinuha rinang nadarama ng ibang tao sa iba’t ibang kalagayan kaya madalisiyang makiramay.Pamamahala ng Pakikipag-ugnayan (Relationship Management).Naipakikita ng mga mag-aaral ang pagpapanatili ng katatagan,malusog, at maayos na pakikipag-ugnayan sa kapwa nang maypagtutulungan. Madali silang maging kabahagi ng isang team ogrupo. Napaglalabanan ang anumang panggigipit at naiiwasan,napapamahalaan, at kayang lutasin ang anumang kasalungat nasaloobin. Sila rin ay humihingi ng tulong kung kinakailangan.Mapananagutang Pagpapasya (Responsible Decision Making). Ditoang mga mag-aaral ay nakabubuo ng isang desisyon na naaayon saetikal na pamantayan na may pagsasaalang-alang sa kaligtasan.Ang anumang desisyon ay naaangkop sa panlipunang kaugalian, namay paggalang sa kapwa, at inaasahan ang anumang kahihinatnanng iba’t ibang pagkilos.6

Talaan ng NilalamanYunit I Tungkulin Ko sa Aking Sarili at PamilyaAralin 1Aralin 2Aralin 3Aralin 4Aralin 5Aralin 6Aralin 7Aralin 8Aralin 9Yunit IIAralin 1Aralin 2Aralin 3Aralin 4Aralin 5Aralin 6Aralin 7Aralin 8Aralin 9Yunit IIIAralin 1Aralin 2Aralin 3Aralin 4Aralin 5Aralin 6Aralin 7Aralin 8Aralin 9Yunit IVAralin 1Aralin 2Aralin 3Aralin 4Aralin 5Aralin 6Aralin 7Aralin 8Aralin 9Kaya Ko, Sasali Ako! . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .Iniatang na Gawain, Kaya Kong Gawin . . . . . . . . . .Hawak Ko: Tatag ng Loob . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .Matatag Ako, Kaya Kong Gawin! . . . . . . . . . . . . . . .Malusog na Katawan, Damdamin, at Kaisipan:Pangalagaan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .Sama-sama Kaligtasan, Panghawakan! . . . . . . . .Panalo Ako! Sa Isip, Salita, at Gawa . . . . . . . . .Pamilyang Nagkakaisa, Tahanang Masaya . . . . . . .Ako, Ang Simula! . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .Mahal Ko, Kapwa KoMga May Karamdaman: Tulungan at Alagaan! . . . .Mga May Karamdaman: Dalawin at Aliwin! . . . . . . . .Mga May Kapansanan: Mahalin at Igalang . . . . . .Kakayahan Mo, Pangangalagaan Ko! . . . . . . . . . . . .Maging Sino Ka Man, Dapat Igalang! . . . . . . . . . . . . .Kapwa Ko, Nauunawaan Ko! . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .Magkaiba Man Tayo . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .Ikaw at Ako ay Masaya! Tayo’y Nagkakaisa . . . . . . .Halina! Tayo’y Magkaisa . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .Para sa Kabutihan ng Lahat, Sumunod TayoKaugaliang Pilipino, Mahalin at Panatilihin . . . . . . . . .Kalugod-lugod ang Pagsunod . . . . . . . . . . . . . . . . . . .Sumunod Tayo sa Tuntunin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .Ugaling Pilipino ang Pagsunod . . . . . . . . . . . . . . . . . . .Kalinisan Nagsisimula sa Tahanan . . . . . . . . . . . . . . . . .Magtutulungan Para sa Kalinisan ng Ating PamayananAko: Tagapangalaga ng Kapaligiran . . . . . . . . . . . . . .Kaya Nating Sumunod! . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .Laging Handa . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .Paggawa nang Mabuti, Kinalulugdan ng DiyosPananalig sa Diyos . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .Paniniwala Mo, Iginagalang Ko . . . . . . . . . . . . . . . . . .Pag-asa: Susi Para sa Minimithing Pangarap . . . . . . .Ang Pag-asang Mayroon Ako, Ibinabahagi Kosa Kapwa KoSalamat O Diyos sa Pagmamahal Mo sa Akin. . . . . . .Tagumpay Mo, Kasiyahan Ko . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .Manindigan Tayo Para sa Kabutihan . . . . . . . . . . . . . . . .Pagmamahal ng Diyos Ibinabahagi Ko Sa Aking KapwaBiyayang Kaloob ng Diyos, Pangangalagaan Ko . . . . . .7

Yunit ITungkulin Ko sa Aking Sarili at PamilyaKapayapaan!Ang Yunit I ng Edukasyong sa Pagpapakatao para sa inyongmga mag-aaral sa ikatlong baitang ay masusing isinulat sapamamagitan ng pagbibigay pansin at pagsasa-alang-alang sa mgagawaing makapagbibigay ng kaganapan sa inyong buhay bilangmatapat, at masipag na mga mag-aaral.Kasabay nito ang paglinang sa mga pagpapahalaga namagbibigay ng kasiyahan at dedikasyon ng mga guro na siyangmagiging tagapamagitan sa inyong pagkatuto sa mga aralin nainyong matutunghayan.Ang tagumpay ng Yunit na ito ay ang inyong tagumpay nakung saan ang bawat bahagi ng inyong buhay ay makakikilala ngtunay na ibig sabihin ng PAGPAPAKATAO. Tandaan ninyo palagi angkasabihang “Madaling maging tao, Mahirap magpakatao.” Kungkaya’t pagsumikapan ninyong mailagay sa puso ang mga aralingtatalakay sa pananagutang pansarili at pagiging mabuting kasapi nginyong pamilya.Pagpalain kayo ng Diyos sa inyong pagtahak sa tamanglandasin sa mga araling nakapaloob para sa pagsasa-isip,pagsasapuso, at pagsasagawa ng kabutihan sa bawat sandali nginyong buhay.Aralin 1Kaya Ko, Sasali Ako!8

Layunin:Paksa/Pagpapahalaga:Mga Kagamitan:Nakatutukoy at nakapagpakikita ng mganatatanging kakayahan nang may pagtitiwala sasariliPositibong Pagkilala sa Sarilli (self-esteem)Pagtitiwala sa Sarili (confidence)Sulatang papel, bond paper, pangkulay, lapis, atpamburaPamamaraan:Alamin Natin1. Itanong: Ano-ano ang kakayahan ng mga batang tulad ninyo?Pagsumikapang maipalabas sa mga mag-aaral ang kanilangmga naisin sa buhay na kaya nilang gawin sa kanilang edad. Gamitinang konsepto ng konstruktibismo kung saan gagamitin ng mga magaaral ang kanilang mga karanasan para masagot ang iyong tanong.2. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain 1 at 2 at talakayin angkanilang mga kasagutan. Maaaringmaghanda ng iba panglarawang nagpapakita ng natatanging kakayahan. Sino sa mga bata sa Gawain 2 ang nais mong tularan? Bakit?Sa bahaging ito ng pagtalakay, maging sensitibo sa kanilangmga kakayahan na di nakita o nabanggit sa kahong iyong ipinasuri oipinakita. Kailangan mong malinang ang kanilang pagkamalikhaingkakayahan para lumabas ang tamang pagproseso sa aralin.Pagsumikapan mong gamitin ang iyong kaalaman sa CreativeThinking na istilo.3. Bigyang pokus ang pagkakaroon ng kakayahan ng bawat bata.Sikaping mapag-isipan ng mga bata ang sariling kakayahan.Talakayin ang kasagutan ng mga bata sa mga tanong na nasaKagamitan ng Mag-aaral.Isagawa NatinMakatutulong sa pagkilala sa sariling kakayahan ang mga gawain saIsagawa.1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain 1 sa unang araw. Talakayinang mga kasagutan.2. Patnubayan ang mga mag-aaral sa susunod na araw na maisagawaang Gawain 2 Pagbabalak. Gabayan sila sa mga balakin o iniisip nagagawin.3. Maglaan ng isang araw para sa Gawain 3, Araw ng Pagtatanghal.Matapos ang pagtatanghal ay alamin ang mga kasagutan sa mgakatanungang nakapaloob sa Gawain 3 sa Kagamitan ng Mag-aaral.Sa bahaging ito, kailangang mong magamit ang teoryangsocial-interactive learning. Iparamdam sa mga mag-aaral na sila ay9

matututo sa pamamagitan ng pakikipagtalakayan sa kanilang kapwamag-aaral. Hayaan silang magkaroon ng ingay habangnagtatalakayan. Huwag kalimutang bigyan sila ng mga alituntuninkung papaano nila gagawin ang talakayan na hindi makaiistorbo saibang pangkat.Isapuso NatinSa pagkilala sa mga kayang magawa, mapapansin ninyo namadaling maisusulat ng mga mag-aaral ang kaya nilang gawin.1. Ipagawa ang Isapuso Natin.2. Ipaskil ang inyong gawain sa isang bahagi ng dinding bilang lunsaran,pamantayan, o paalaalang kaisipan sa klase.Sa mga gawaing ito, gabayan ang mga mag-aaral sa mgaipinaskil na gawain sa pader ng silid-paaralan. Nilalayon nito namagkaroon ng pagbibigay papuri at bukas na talakayan hinggil sakanilang mga reaksyon sa mga bagay na sinusuri.3. Bigyang-diin ang Tandaan Natin. Ipabasa ito sa mga mag-aaral nangmay pang-unawa. Ipaliwanag nang mahusay ang mensahe nitoupang lubos na maisapuso ito ng mga mag-aaral.Isabuhay NatinIpagawa ang Isabuhay Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral.Ang bahaging ito ng talakayan ay dapat na pagpapalalim ng iyongtinalakay na paksa. Huwag itong hayaang matapos sa pamamagitan ngpagsusumite ng mga natapos na gawain ng mga mag-aaral. Isakatuparanang proseso upang maintindihan at maikintal sa kanilang kaisipan angpaksang tinalakay sa aralin. Palabasin ang kahalagahan ng pagtitiwala sasarili at kakayahan. Magdagdag ng mga likhang-kuwento tungkol dito kungkinakailangan.Subukin Natin1. Ipahanda sa mga bata ang papel na sagutan at ipasagot angSubukin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral.2. Pagkatapos masagutan ng bata ang gawain, muli itong iproseso.Mahalaga na maipakita ang kanilang pagninilay sa kanilang mgasagot.Bigyan ng mga kasagutan ang mga tanong na: Ano ang iyong masasabi sa iyong mga sagot? Naniniwala ka ba sa iyong mga sagot? Pinaninindigan mo ba ang iyong mga sagot?Muli mo itong pagnilayan.10

Batiin ang mga mag-aaral sa natapos na aralin at ihanda silasa susunod na aralin. Maaaring magbigay ng takdang-aralin kungkinakailangan para magsilbi itong motibasyon sa susunod na pagaaralan.Aralin 2Iniatang na Gawain, Kaya Kong GawinLayunin:Napahahalagahan ang kakayahan sa paggawaPaksa/Pagpapahalaga:Positibong Pagkilala sa Sarilli (self-esteem)Pagtitiwala sa Sarili (confidence)Tsart ng pinalaking Talahanayan, 1 kahon ngginupit na pulang bituin, 1 kahon ng ginupit na asulna bituin, masking tape o scotch tapeMga Kagamitan:Para sa bawat pangkat:Gunting, pandikit, manilalumang magasin, at lapispaper,pambura,PamamaraanAlamin NatinMakabubuti na umpisahan ang talakayan sa ibig sabihin ngTalahanayan. Bagong salita ito sa kanila kung kaya dapat ay malinaw mongmaipaliwanag ang depenisyon nito sa simpleng pahayag. Pagkatapos ayumpisahang ipakita ang iba’t ibang uri ng talahanayan. (Manaliksik kungkinakailangan).1. Itanong: Ano-ano ang gawain ninyo sa bahay? Ginagawa ba ninyo ito? Bakit?Sa bahaging ito, ipapaskil ang talahanayan. Itala rito ang mgagawaing sasabihin ng mga mag-aaral.2. Matapos itala ang mga gawain, isa-isang pakukuhanin ng hugis sakahon ang mga mag-aaral at ipadidikit ito sa tapat ng gawain sabahay na ginagawa nila. Ang kahong kulay dilaw ay para sa mgababae at ang asul ay para sa mga lalaki.3. Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral sa Talahanayan. Pagkataposay tatalakayin ang Talahanayan.Mga halimbawang tanong: Ilang bata ang naghuhugas ng pinggan? Ilan ang lalaki? Babae?Ano ang ipinakikita ng Talahanayan?Mahalaga bang malaman ninyo ang inyong gawain? Bakit?11

Isagawa NatinSa araw na ito, muling buksan ang talakayan sa mga tanong nakanilang sinagot nang nakaraang araw. Pagsumikapan itong maiugnay sapamamagitan ng kanilang karanasan sa nakaraang araw.Gawain 11. Ipabasa nang sabayan ang tula sa Gawain 1 sa Kagamitan ng Magaaral.2. Pasagutan ang mga katanungan tungkol dito.3. Ipabasa ang mga kasagutan.4. Ipagawa ang Gawain 2. Ipaskil ang ginawang poster sa pisara upangmakita ng lahat.5. Pasagutan ang mga katanungan.Isapuso Natin1. Ipagawa ang gawain sa Isapuso Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral.Ipunin sa kanilang portfolio ang mga natapos na gawain.2. Bigyang-diin ang bahaging Tandaan Natin.Muli, sa talakayang mangyayari, hayaang magsalita ang mga magaaral. Huwag putulin sa kanilang mga sinasabi. Pagsumikapang makuha angkanilang mga iniulat para ito ang iyong basehan kung papaano mo bubuuinat itatama ang mga maling impormasyon (kung mayroon man).Isabuhay NatinPagsumikapang ang gawaing pangkatan ay dapat na nakasusunodsa mga patakaran. Halimbawa, lahat ng mga kasapi ng pangkat ay dapatna nakikibahagi. Wala sa kanila ang umaasa lamang sa lider. Mahalaga namaipaliwanag sa kanila ang brainstorming na proseso bago silamakapagpalabas ng maikling dula.1. Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. (Kung malaki

4. Panlipunan-Pandamdaming Pagkatuto (Social-Emotional Learning) Ito ay ang pagkakaroon ng mga kakayahang kailangan sa pagkilala at pamamahala ng sarili, paglinang ng pagmamalasakit sa kapwa, paggawa ng mapananagutang pagpasya, pakikipag-ugnayan,

Related Documents:

kailangan ang ganitong manwal upang mabigyan ng patnubay ang mga guro, estudyante, at sinumang nagnanais sumulat sa wikang Filipino. Nilalaman ng ganitong patnubay ang mga batas at tuntunin sa paggamit ng wika na mula sa matagal nang paggamit ng wika ng sambayanan at ng mahuhusay na manunulat. Ngunit unang -unang dapat linawin

manggagalaiti ang mga guro kapag nalaman nila na ang pensyon ng pulis at militar ay naka-index sa kasalukuyang sweldo ng nasa serbisyo pa, di gaya sa mga guro at iba pang trabaho. Isama pa ang katotohanang mas mababa ang retirement age ng mga pulis at sundalo. Sa edad na 56 ay retirado na ang pulis at sundalo, samantalang 6

Araling Panlipunan . ii Araling Panlipunan 2 ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan n Pangalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph.D. Consultant: –Ikalawang Baitang Patnubay ng Guro Unang Edisyon, 2013 ISBN: Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa .

1.1.3 WordPress.com dan WordPress.org WordPress menyediakan dua alamat yang berbeda, yaitu WordPress.com dan WordPress.org. WordPress.com merupakan situs layanan blog yang menggunakan mesin WordPress, didirikan oleh perusahaan Automattic. Dengan mendaftar pada situs WordPress.com, pengguna tidak perlu melakukan instalasi atau

mga guro kagandahang asal puno ng tahanan. Sistema ng Edukasyon sa Panahon ng Ninuno Di pormal Walang propesyunal na Sistema na mga guro Mga Asignatura Walang mga gusaling pampaaraalan oras Walang takdang Mga magulang at iba pang nakatatanda ang pagbasa pagsulat pagbilang pananampalataya May mga kasanayang itinuturo lamang sa mga lalaki at .

Bilang ng Modyul: 2 Modyul 2: Sandigan ng Lahi Ikarangal Natin! Bilang ng Sesyon: 7linggo Paalala: Itong Gabay ng Guro ay magsisilbing gabay ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino sa Baitang 8. Naglalaman ito ng kumpletong mga mungkahing gawain para sa bawat aralin at estrateh

4 Araling Panlipunan Unang Markahan - Modyul 8 Linggo 8: Heograpiyang Pantao: Populasyon, Agrikultura at Industriya Ang kagamitan sa pagkatutong ito ay magkatuwang na inihanda ta sinuri ng mga guro mula sa mga pampublikong paaralan. Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasa larangan ng Edukasyon na mag-email ng kanilang puna,

functional elements in human DNA. This includes: protein-coding genes non-protein-coding genes regulatory elements involved in the control of gene transcription DNA sequences that mediate chromosomal structure and dynamics. The ENCODE Project catalog of functional elements ENCODE has catalogued functional elements in human, mouse, Drosophila, and a nematode. Conclusions of the ENCODE project .