IKALAWANG MARKAHAN Araling Panlipunan

2y ago
471 Views
31 Downloads
5.17 MB
40 Pages
Last View : 22d ago
Last Download : 2m ago
Upload by : Brenna Zink
Transcription

IKALAWANG MARKAHANAraling PanlipunanG2

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindimaaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda angPamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna angpahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan nanaghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mgamaaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay angpagtakda ng kaukulang bayad.Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabassa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito aynagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapangmatunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot athala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailanganng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.Walang anomang parte ng materyales na ito angmaaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walangpahintulot ng Kagawaran.Ang modyul na ito ay masusing sinuri at niribisa ayon sapamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculumand Learning Management Division CALABARZON. Ang bawatbahagi ay tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan naisinasaad ng Intellectual Property Rights (IPR) para sakarapatang pampagkatuto.Mga TagasuriPIVOT 4A CALABARZON - AP G2

PIVOT 4A Learner’s MaterialIkalawang MarkahanUnang Edisyon, 2020AralingPanlipunanIkalawang BaitangJob S. Zape, Jr.PIVOT 4A Instructional Design & Development LeadAsher H. PascoContent Creator & WriterJaypee E. Lopo, Leonardo C. Cargullo & Eugene Ray F. SantosInternal Reviewers & EditorFe M. Ong-ongowan & Hiyasmin D. CapeloLayout Artist & IllustratorAlvin G. Alejandro & Melanie Mae N. MorenoGraphic Artist & Cover DesignerEphraim L. GibasIT & LogisticsEarvin Pelagio, Komisyon sa Wikang FilipinoExternal Reviewer & Language EditorInilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon 4A CALABARZONPatnugot: Wilfredo E. CabralPangalawang Patnugot: Ruth L. FuentesPIVOT 4A CALABARZON - AP G2

Gabay sa Paggamit ng PIVOT 4A Learner’s MaterialPara sa TagapagpadaloyAng modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa ating mgamag-aaral na madaling matutuhan ang mga aralin sa asignaturangAraling Panlipunan. Ang mga bahaging nakapaloob dito ay sinigurongnaaayon sa mga ibinigay na layunin.Hinihiling ang iyong paggabay sa ating mga mag-aaral para sapaggamit nito. Malaki ang iyong maitutulong sa pag-unlad nila sapagpapakita ng kakayahang may tiwala sa sarili na kanilang magiginggabay sa mga sumusunod na aralin.Salamat sa iyo!Para sa Mag-aaralAng modyul na ito ay ginawa bilang sagot sa iyongpangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaralhabang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan kang mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ngmodyul na ito:1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan nganomang marka o sulat ang anomang bahagi nito. Gumamit nghiwalay na papel sa pagsagot sa mga gawain sa pagkatuto.2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat gawain.3. Maging tapat sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawastong mga kasagutan.4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pangpagsasanay.5. Punan ang PIVOT Assessment Card for Learners sa pahina 38 sapamamagitan ng akmang simbolo sa iyong Lebel ng Performanspagkatapos ng bawat gawain.6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kungtapos nang sagutin ang lahat ng pagsasanay.Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain samodyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro otagapagpadaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong magulang otaga pag-alaga, o sinomang mga kasama sa bahay na masnakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanaska ng makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim napang-unawa. Kaya mo ito!PIVOT 4A CALABARZON - AP G2

Mga Bahagi ng PIVOT 4A ulaK to 12 LearningDelivery )PaglalapatIangkopIsaisipTayahinNilalamanAng bahaging ito ay naglalahad ng MELC at ninanais naresulta ng pagkatuto para sa araw o linggo, layunin ngaralin, pangunahing nilalaman at mga kaugnay nahalimbawa para makita ng mag-aaral ang sarilingkaalaman tungkol sa nilalaman at kasanayangkailangan para sa aralin.Ang bahaging ito ay nagtataglay ng mga aktibidad,gawain at nilalaman na mahalaga at kawili-wili samag-aaral. Ang karamihan sa mga gawain ay umiinogsa mga konseptong magpapaunlad at magpapahusayng mga kasanayan sa MELC. Layunin nito na makita omatukoy ngmag-aaral ang alam niya, hindi pa niyaalam at ano pa ang gusto niyang malaman atmatutuhan.Binibigyang pagkakataon ang mag-aaral sa bahagingito na makisali sa iba’tibang gawain atoportunidad sa pagbuo ng kanilang mga KnowledgeSkills at Attitudes (KSA) upang makahulugang mapagugnay-ugnayangkaniyangmganatutuhanpagkatapos ng mga gawain sa Pagpapaunlad o D.Inilalantad ng bahaging ito sa mag-aaral ang totoongsitwasyon/gawain sa buhayna magpapasidhi ngkaniyang interes upang matugunan ang inaasahan,gawing kasiya-siya ang kaniyang pagganap o lumikhang isang produkto o gawain upang ganap niyangmaunawaan ang mga kasanayan at konsepto.Ang bahaging ito ay maghahatid sa mag-aaral saproseso ng pagpapakita ng mga ideya, interpretasyon,pananaw, o pagpapahalaga upang makalikha ng mgapiraso ng impormasyon na magiging bahagi ngkaniyang kaalaman sa pagbibigay ng epektibongrepleksiyon, pag-uugnay o paggamit sa alinmangsitwasyon o konteksto. Hinihikayat ng bahaging ito angmag-aaral na lumikha ng mga estrukturang konseptuwalna magbibigay sa kaniya ng pagkakataong pagsamasamahin ang mga bago at dati ng natutuhan.Ang modyul na ito ay nagtataglay ng mga pangunahing impormasyon at gabaysa pag-unawa ng mga Most Essential Learning Competencies (MELCs). Ang higit napag-aaral ng mga nilalaman, konsepto at mga kasanayan ay maisasakatuparan satulong ng K to 12 Learning Materials at iba pang karagdagang kagamitan tulad ngWorktext at Textbook na ipagkakaloob ng mga paaralan at/o mga Sangay ngKagawaran ng Edukasyon. Magagamit din ang iba pang mga paraan ng paghahatid ngkaalaman tulad ng Radio-based at TV-based Instructions o RBI at TVI.PIVOT 4A CALABARZON- AP G2

Ang Pinagmulan ng Aking KomunidadWEEK1AralínIMahalagang malaman at maunawaan mo ang pinagmulan ngiyong komunidad. May mga pagkakataon na nababago angpangalan ng komunidad, batay sa pagbabago ng pamumuhay ngmga tao at ng kapaligiran.Sa araling ito, inaasahang maisasalaysay mo ang pinagmulanng iyong sariling komunidad, batay sa pagtatanong at pakikinig samga kuwento ng mga nakatatanda.Ano ang na-obserbahan mo sa larawan? Meron din banglansangang ganito sa inyong lugar? Ano ang pinagmulan nglansangang ito sa inyong komunidad?Ang Imus ay dáting bahagi ng Cavite el Viejo na naging Kawitngayon. Noong mga panahong iyon ay wala pang mga sasakyan.Ang mga mamamayan ay naglalakad lámang papuntang Kawitupang magsimba at makipag-ugnayan sa pamahalaan.Mahigit na 100 taong tiniis ng mga tao ang hirap ng paglalakad.Subalit noong 1762 ay may itinayong simbahan sa Bayan Luma. Hindirin ito nagtagal dahil sinira ito ng bagyo noong Setyembre 1779. Kayâito ay inilipat sa Baryo ng Toclong at nang magtagal ay inilipat sa Sitiode Balangon na ngayon ay Imus Plaza.Noong 1774, ipinetisyon ni Padre Pedro Buenaventura naihiwalay ang mga nakatira sa Imus sa pamamahala ng Cavite elViejo. Noong Oktubre 3, 1795 ay naaprubahan ito at inihiwalay angImus.PIVOT 4A CALABARZON – AP G26

Naging Kabisera ng Kabite o Cavite ang Imus noong Hunyo 11,1977 sa bisa ng Presidential Decree no. 1163 ng dáting PangulongFerdinand E. Marcos.Sinasabing nagmula ang pangalan ng Imus sa salitang Tagalogna nangangahulugang lupa na napapagitnaan ng dalawang ilog.Sa kaso ng Lungsod ng Imus, ito ang Ilog Imus at Ilog Julian. Noonnamang Hunyo 30, 2012 ang Imus ay naging ganap na lungsod. Sapaglipas ng panahon, masasabing malaki na ang ipinagbago ngkomunidad ng Imus. Isa na rin itong ganap na maunlad na lungsoddahil marami nang makikitang bagong estruktura at mga industriyalna gusali. Mayaman din ang Imus sa mga makasaysayang lugar obantayog.DGawain sa Pagkatuto Bílang 1: Sagutin ang mga tanong. Piliin angsagot sa mga nasa loob ng kahon. Isulat ito sa iyong kwaderno.marami ng industriyaLungsod ng Imuslupa na napapagitnaan ng dalawang ilogHunyo 30, 20121. Anong komunidad ang inilarawan sa kuwento?2. Ano ang kahulugan nito?3. Kailan naging ganap na lungsod ang Imus?4. Anong mga pagbabago ang naganap sa Lungsod ng Imus?Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: Punan ang graphic organizer sasusunod na pahina. Gawin ito sa iyong kuwaderno.7PIVOT 4A CALABARZON – AP G2

Konsepto: Ang Pinagmulan ng Pangalan ng Aking KomunidadAno ang alam ko tungkol sapangalan ng aking komunidad?Ano pa ang gusto kongmalaman?Paano ko ito malalaman?Ano ang dapat kong matuklasan tungkol sa pangalan ng akingkomunidad?EGawain sa Pagkatuto Bílang 3: Magtanong sa iyong magulang onakatatandang kasapi ng pamilya tungkol sa pinagmulan ng inyongkomunidad. Hilingin mo na ikuwento sa iyo ang pinagmulan nito.Pagkatapos ay isulat ang mga mahahalagang impormasyong iyongnatutuhan. Gawin ito sa iyong kuwaderno.Ang mahahalagang impormasyon tungkol sa pinagmulan ngaking komunidad ay.Gawain sa Pagkatuto Bílang 4: Ipakilala ang pinagmulan ng sarilingkomunidad sa pamamagitan ng paglikha o pagguhit ng isang PictureStory ng iyong komunidad. Isulat ang mahahalagang detalye tuladng dáting pangalan, makasaysayang istruktura at lugar na mayroonsa iyong komunidad. Gawin ito sa iyong kuwaderno.PIVOT 4A CALABARZON – AP G28

Gawain sa Pagkatuto Bílang 5: Sumulat ng tatlo (3) hanggang limang(5) pangungusap na nagpapakita ng pagpapahalaga mo sapinagmulan ng iyong komunidad. Gawin ito sa iyong kuwaderno.Basahin ito sa harap ng iyong pamilya. Hayaang tukuyin ng iyongpamilya ang iyong mga naisagawa batay sa rubric sa ibaba.GawainNaisagawa Di-naisagawa1. kilalanin ang mga katangian ngsariling komunidad2. pahalagahan ang sarilingkomunidad3. kilalanin at ipagmalaki ang mgalugar na matatagpuan sa komunidadAPunan ang mga patlang upang makabuo ng makabuluhangpangungusap tungkol sa araling lingkasaysayang9komunidadPIVOT 4A CALABARZON – AP G2

WEEKS2-3Mga Pagbabago sa Sariling KomunidadAralínITinalakay sa nakaraang aralin ang pinagmulan ng iyongkomunidad. Natutuhan mo rito ang kuwento ng dáting pangalan,maging ang kapaligiran ng iyong komunidad. Ganito pa rin ba anganyo ng iyong komunidad sa kasalukuyan? May napansin ka bangpagbabago sa iyong komunidad? Ang mga pagbabagong iyan angbibigyan ng pansin sa araling ito.Pagkatapos ng araling ito, inaasahang mailalahad mo angmga pagbabago sa katangiang pisikal, pamahalaan, hanapbuhay okabuhayan at sosyo-kultural ng iyong sariling komunidad.Masdan ang larawan. Pag-aralan ito.Ano ang nakita mo sa larawan? Ganito rin ba ang larawan nginyong komunidad?Ang Aking Komunidad Noon at NgayonAng aking komunidad ay nasa tabing-dagat. Payak angpamumuhay dito. Malawak ang lupang sakop nito. Mayroon ditongilog, bundok at sakahan.Minsan, nagtanong ako sa aking lolo at lola kung ano ang anyong aming komunidad noon. Nasa susunod na pahina ang kanilangkuwento.PIVOT 4A CALABARZON – AP G210

“Sa paglipas ng panahon, nagsimula nang magkaroon ngpagbabago ang ating komunidad. Taóng 1980, nadagdagan angmga táong nanirahan dito. Dumami ang mga bahay. Nagkaroon ngkuryente at nagkailaw ang maraming kabahayan. Nagkaroon din ngpaaralan na may apat na baitang at dalawang guro.”DGawain sa Pagkatuto Bílang 1: Sagutin ang mga tanong sa ibababatay sa binásang sipi ng kuwento tungkol sa pagbabago ngkomunidad. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.1. Saan matatagpuan ang komunidad ayon sa kuwento?2. Ano-ano ang pagbabagong naganap sa komunidad matapos angiláng taon?Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: Isulat ang T kung Tama ang inilalahadng pangungusap at M naman kung Mali. Isulat ang sagot sa iyongkuwaderno.1. Nananatili pa ring walang kuryente ang lahat ng bahay sakasalukuyan.2. Baro at sáya ang pang-araw-araw na damit sa kasalukuyan.3. Marami ng lansangan sa kasalukuyan ang sementado.4. Gumagamit na ng bagong makinarya sa pagtatanim ang mgamagsasaka.5. Ibinoboto na ngayon ng mga tao ang kanilang nais na pinunò.Gawain sa Pagkatuto Bílang 3: Magtanong sa iyong mga magulang onakatatandang kasapi ng pamilya. Alamin mo ang mgapagbabagong naganap sa iyong komunidad gámit angtalahanayan sa susunod na pahina. Gawin ito sa iyong kuwaderno.11PIVOT 4A CALABARZON – AP G2

Pagbabago sa.A. bahayB. pinunò ng komunidadC. hanapbuhayD. sasakyanE. pananamitF. libanganNoonNgayonEGawain sa Pagkatuto Bílang 4: Ilarawan ang mga pagbabago saiyong komunidad kahapon at ngayon. Ipakita ito gamit ang VennDiagram. Gawin ito sa iyong kuwaderno.KahaponHindi nagbagoNgayonGawain sa Pagkatuto Bílang 5: Mangalap ng mahahalagangimpormasyon tungkol sa iba’t ibang pagbabago sa iyong komunidadsa túlong ng iyong magulang o nakatatandang kasapi ng pamilya.Bumuo ng timeline ng pagbabago sa túlong ng mga impormasyongiyong nakalap. Gawin ito sa iyong kuwaderno.200520152010KasalukuyanGawain sa Pagkatuto Bílang 6: Mula sa naisulat sa nakaraang gawain,iguhit sa iyong kuwaderno ang nakíta mong pagbabago sa iyongkomunidad.PIVOT 4A CALABARZON – AP G212

Gawain sa Pagkatuto Bílang 7: Sagutin ang mga tanong tungkol saaralin. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyongkuwaderno.1. Alin sa mga sumusunod ang nagbabago sa isang komunidad?A. tulay B. gusaliC. kagamitan D. lahat ng nabanggit2. Alin sa mga sumusunod ang maaaring gawin sa isang gusali tuladng aklatan na nananatili pa rin sa komunidad hanggang sakasalukuyan?A. ingatan ang mga kagamitan C. panatilihin ang kalinisan nitoB. gamitin nang maayosD. Lahat ay tama.3. Sino ang higit na makapagbibigay ng wastong impormasyontungkol sa naganap na mga pagbabago sa komunidad?A. nakababatang kapatidC. dayoB. kamag-aralD. nakatatanda4. Alin sa mga katangiang ito ang dapat ipakita ng mga tao kaugnayng pananatili o hindi pagbabago ng mga bagay sa atingkomunidad?A. pagmamahalC. pagmamalakiB. pagpapahalagaD. lahat nang nabanggit5. Ano ang dapat gawin sa mga bagay na nanatili sa atingkomunidad?A. Palitan ng mas maganda.B. Ingatan, alagaan at ipagmalaki.C. Bigyan ng pansin tuwing may okasyon.D. Pabayaan hanggang masira.APunan ang mga patlang ng mga angkop na salita upangmakabuo ng mga makabuluhang talata.Maraming ang nagaganap sa iba’t ibang bagay,lugar o pangyayari sa pagdaan ng mga taon.May mga paraan upang makapangalap ng mgatungkolsa iba’t ibangpagbabagosa komunidad tuladngsa mga nakatatanda, mga larawan at nakasulat sa.Kailangang mahalin, pahalagahan at ipagmalaki mo angmagagandangngiyong.Huwaghayaang masira, kalimutan o balewalain ang mga goPIVOT 4A CALABARZON – AP G2

WEEK4Mga Sagisag at Kasaysayan ng KomunidadAralínISa araling ito ay inaasahang maiugnay mo ang kaalamantungkol sa mga sagisag (halimbawa: natatanging bantayog) namatatagpuan sa komunidad at ng kasaysayan nito.Kalapit ng amingbahayayangsimbahan na kungs a a na ysabay-sabay kamingnagsisimba ng akingpamilya. Mayroon dinditong health center,barangay at parke.Mayroon din bangganitong sagisag osimbolo sa inyongkomunidad?Kumusta! Ako siMinda, ang bagomongkaibigan.Bagong lipat langkamirito.Tara!samahanmoakong maglibot saating komunidad.PIVOT 4A CALABARZON – AP G214

Bawat komunidad ay may makikitang simbolo at sagisag namay kani-kaniyang kahulugan. Ito ay kumakatawan sa mga bagay,makasaysayang lugar at sa alin mang maaaring pagkakilanlan.Makikita rin sa mapa ang mga sagisag upang madali itong makilala omalaman ang lugar na kinaroroonan.DGawain sa Pagkatuto Bílang 1: Sagutin ang mga tanong. Piliin angletra ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong kuwaderno.1. Aling sa mga sumusunod ang HINDI ginagamit sa pagkakakilanlanng komunidad?A. sagisag o simboloC. pangalanB. kasaysayanD. tirahan2. Saang lugar pinaka-angkop gamitin ang sagisag at simbolo?A. sa paaralanB. sa kapaligiran C. sa mapaD. sa tahanan3. Karaniwang makikita sa komunidad ang mga sumusunod, malibansa .A. simbahanB. mallC. tindahanD. paaralan4. Saan ka pupunta kung nais mong mag-aral?A. simbahanB. paaralanC. ospitalD. bahayan5. Kung ikaw ay may karamdaman, saang lugar ka pupunta?A. simbahanB. paaralanC. ospitalD. bahayanGawain sa Pagkatuto Bílang 2: Isulat ang pangalan ng bawat sagisagsa iyong kuwaderno.5.1.3.2.4.PIVOT 4A CALABARZON – AP G215

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3: Isulat ang T kung tama ang pahayagat M kung mali. Gawin ito sa iyong kuwaderno.1. Ang pamumuhay ng mga tao noong araw ay payaklamang.2. Noong araw, ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao aypagsasaka at pangingisda.3. Ang mga kasuotan ng babae noong araw ay maiiksi lámanggaya ng shorts at sando.4. Ang komunikasyon ng mga tao noong araw ay sapamamagitan ng cellphone o computer.5. Mayaman pa noon sa likas na yaman ang komunidad.Gawain sa Pagkatuto Bílang 4: Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ngmga simbolo sa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyongkuwaderno.Hanay AHanay BA. bahay-pamahalaan1.B. himpilan ng pulisyaC. ospitalD. paaralanE. simbahan2.3.4.5.PIVOT 4A CALABARZON – AP G216

Gawain sa Pagkatuto Bílang 5: Tukuyin ang mga sagisag namababasa sa loob ng puzzle. Isulat ang sagot sa iyong himpilanoeEGawain sa Pagkatuto Bílang 6: Gumuhit ng mapa ng inyongkomunidad. Isulat ang mga sagisag o simbolo na makikita sa inyongkapaligiran at ibigay ang mga kahulugan nito. Gawin ito sa iyongkuwaderno.17PIVOT 4A CALABARZON – AP G2

Gawain sa Pagkatuto Bílang 7: Sagutin ang mga sumusunod nakatanungan tungkol sa komunidad. Isulat ang sagot sa iyongkuwaderno.1. Ano-ano ang mga simbolo na nakita mo sa pamayanan?2. Bakit mahalaga na malaman mo ang kahulugan ng mga simbolosa inyong komunidad?3. Paano makakatulong ang mga simbolong ito sa bawat isa?APunan ang mga patlang ng mga salitang natutuhan mo saaraling ito upang makabuo ng makabuluhang pangungusap.Ang ay ginagamit bilang ngisang komunidad. Bawat simbolo na makikita sa komunidad ay maykani-kaniyang .simboloPIVOT 4A CALABARZON – AP G2kahulugan18pagkakakilanlan

Mga Katangian ng Sariling KomunidadAralínISa araling ito, inaasahan na maihahambing mo ang katangianng sariling komunidad sa iba pang komunidad tulad ng likas nayaman, produkto at hanapbuhay, kaugalian at mga pagdiriwang namayroon ito. Sa pamamagitan nito maipakikita mo na higit mongkilála ang iyong komunidad.Masdan mo ang larawan.Ano ang ipinakikita ng larawan? Ano-anong katangianmayroon ang iyong komunidad? Mayroon din ba nito sa ibangkomunidad?Ang bawat komunidad ay may iba’t ibang katangian.Maraming biyaya ang Diyos sa ating komunidad. Isa rito ay ang mgalikas na yaman. Ang likas na yaman ay mga bagay na nagmumula sakalikasan tulad ng lupa, kabundukan, karagatan, mga ilog at lawamaging mga depositong mineral. Ang mga ito ay tinatawag nakayamanang mana ng bansa.May mga ipinagmamalaki ring mga produkto at pagkain angiba’t ibang komunidad. Kilala ang lalawigan ng Batangas sa kapengbarako. Ang bayan ng Lucban ay kilála naman sa longganisa atpansit habhab. Ang lalawigan ng Laguna ay tanyag naman sa mgapagkain nito tulad ng kesong puti, puto, espasol, buko pie, itlog namaalat at kinulob na itik.19PIVOT 4A CALABARZON – AP G2WEEK5

Marami ring mahahalagang araw sa ating mga komunidad.Ang mga pagdiriwang na ginagawa taon-taon ay tinatawag natradisyon. Ang mga ito ay maaaring pagdiriwang na panrelihiyon oayon sa paniniwala at pansibiko. Ang pagdiriwang na pansibi

Araling Panlipunan. Ang mga bahaging nakapaloob dito ay sinigurong naaayon sa mga ibinigay na layunin. Hinihiling ang iyong paggabay sa ating mga mag-aaral para sa paggamit nito. Malaki ang iyong maitutulong sa pag-unlad nila sa pagpapakita ng

Related Documents:

ARALING PANLIPUNAN - GRADE 7 Ikalawang Markahan Ebolusyong Kultural sa Asya Kahulugan, Konsepto at Katangian ng Kabihasnan Ang mga Sinaunang Kabihasnang Asyano: Kabihasnang Sumer, Shang at Indus Sinaunang Kanlurang Asya: Ang mga Akkadian, Babylonian, Hittite,

ARALING PANLIPUNAN I (Effective and Alternative Secondary Education) MODYUL 14 ANG PILIPINAS SA PANAHON NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City . 2 MODYUL 14 ANG PILIPINAS SA PANAHON NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG Nakatuon ang modyul na ito sa mga pangyayari sa Pilipinas noong panahon ng Ikalawang .

ARALING PANLIPUNAN - GRADE 5 Ikalawang Markahan Kahulugan at Layunin ng Kolonyalismo Ang Dahilan ng Espanya sa Pananakop ng Pilipinas Pananakop ng Espanya sa Pilipinas Ang Paglalayag ni Ferdinand Magellan Labanan sa Mactan Ang Ekspedisyon nina Loaisa, Cabot, Saavedra at Villalobos Ekspedisyon ng Legazpi Mga Unang Engkwentro sa Pagitan ng mga Espanyol at Pilipino Kristiyanismo sa Buhay ng mga .

Bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig Republic of the Philippines Department of Education 8 . Araling Panlipunan - Ikawalong Baitang Ikaapat Na Markahan - Modyul 2- Week 3-4: Mga Dahilan, Mahahalagang Naganap at Bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig . kagamitang pandigma sa lahat ng lalaban sa mga kasapi ng Axis Powers. Naging miyembro .

Araling Panlipunan . ii Araling Panlipunan 2 ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan n Pangalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph.D. Consultant: –Ikalawang Baitang Patnubay ng Guro Unang Edisyon, 2013 ISBN: Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa .

Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 3: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya Z est for P rogress Z eal of P artnership 7 Name of Learner: _ Grade & Section

Araling Panlipunan Grade 10 . Alternative Delivery Mode . Ikalawang Markahan- Modyul 3: Mga Dahilan at Epekto ng Migrasyon . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad ng Batas Republika 8293, Seksiyon 176na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang- sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung .

Araling Panlipunan. Ikalawang Markahan- Modyul 2: Mga Isyu sa Paggawa . II . Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pagaaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa - kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay .