Unang Markahan Modyul 5: Mga Salik Na Nakakaapekto Sa .

2y ago
749 Views
52 Downloads
1.01 MB
23 Pages
Last View : 16d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Ophelia Arruda
Transcription

9Araling PanlipunanUnang Markahan – Modyul 5:Mga Salik na Nakakaapektosa Pagkonsumo

Araling Panlipunan – Ikasiyam na BaitangAlternative Delivery ModeUnang Markahan – Modyul 5: Mga Salik na Nakakaapekto sa PagkonsumoUnang Edisyon, 2020Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ngkarapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailanganmuna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung itoay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ayang pagtakda ng kaukulang bayad.Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brandname, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na itoay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upangmakuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala atmga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito aykinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag saanomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Leonor Magtolis BrionesPangalawang Kalihim: Diosdado M. San AntonioBumuo sa Pagsusulat ng ModyulManunulat: Mohamar D. Rindo PhDEditor: Alma L. Carbonilla EdD, Nelson S. LasagasTagasuri: Alma L. Carbonilla EdD, Ramel P. Cael, EdDTagaguhit: Mohamar D. Rindo PhDTagalapat: Mohamar D. Rindo PhDTagapamahala: Dr. Isabelita M. Borres CESO IIIPedro Melchor M. Natividad, PhD, CSEEEugenio B. Penales, EdDSonia D. GonzalesMajarani M. Jacinto, EdD, CESO VIJuliet A. Magallanes, EdDFlorencio R. Caballero DTEAlma D. Belarmino EdDInilimbag sa Pilipinas ngDepartment of Education – Region IXOffice Address:Regional Center, Balintawak, Pagadian CityE-mail Address:region9@deped.gov.ph

9Araling PanlipunanUnang Markahan – Modyul 5:Mga Salik na Nakakaapektosa Pagkonsumo

Paunang SalitaPara sa tagapagdaloy:Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan-9 ng AlternativeDelivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Salik na Nakakaapekto saPagkonsumo!Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukadormula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurongtagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakdang Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay atmalayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mgakasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mgapangangailangan at kalagayan.Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahongito sa pinakakatawan ng modyul:Mga Tala para sa GuroIto'y naglalaman ng mga paalala, panulongo estratehiyang magagamit sa paggabay samag-aaral.Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaralkung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala angpag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sarilingpagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayanang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.ii

Para sa mag-aaral:Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan-9 ng Alternative Delivery Mode (ADM)Modyul ukol sa Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo!Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sapamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, atmagsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo naikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mgakaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay aynakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitongmatulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangaddin nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.AlaminSa bahaging ito, malalaman mo ang mgadapat mong matutuhan sa modyul.SubukinSa pagsusulit na ito, makikita natin kungano na ang kaalaman mo sa aralin ngmodyul. Kung nakuha mo ang lahat ngtamang sagot (100%), maaari mong laktawanang bahaging ito ng modyul.BalikanIto ay maikling pagsasanay o balik-aralupang matulungan kang maiugnay angkasalukuyang aralin sa naunang leksyon.TuklasinSa bahaging ito, ang bagong aralin ayipakikilala sa iyo sa maraming paraan tuladng isang kuwento, awitin, tula, pambukas nasuliranin, gawain o isang sitwasyon.SuriinSa seksyong ito, bibigyan ka ng maiklingpagtalakay sa aralin. Layunin nitongmatulungan kang maunawaan ang bagongkonsepto at mga kasanayan.PagyamaninBinubuo ito ng mga gawaing para samalayang pagsasanay upang mapagtibay angiyong pang-unawa at mga kasanayan sapaksa. Maaari mong iwasto ang mga sagotmo sa pagsasanay gamit ang susi sapagwawasto sa huling bahagi ng modyul.iii

IsaisipNaglalaman ito ng mga katanungan opupunan ang patlang ng pangungusap otalata upang maproseso kung anongnatutuhan mo mula sa aralin.IsagawaIto ay naglalaman ng gawaing makatutulongsa iyo upang maisalin ang bagong kaalamano kasanayan sa tunay na sitwasyon orealidad ng buhay.TayahinIto ay gawain na naglalayong matasa omasukat ang antas ng pagkatuto sapagkamit ng natutuhang kompetensi.KaragdagangGawainSa bahaging ito, may ibibigay sa iyongpanibagong gawain upang pagyamanin angiyong kaalaman o kasanayan sa natutuhangaralin.Susi sa PagwawastoNaglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahatng mga gawain sa modyul.Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:SanggunianIto ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sapaglikha o paglinang ng modyul na ito.Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumangmarka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papelsa pagsagot sa mga pagsasanay.2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaingnapapaloob sa modyul.3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain atsa pagwawasto ng mga kasagutan.5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nangsagutin lahat ng pagsasanay.Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwagmag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rinhumingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sinoman sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim saiyong isipang hindi ka nag-iisa.Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ngmakahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sakaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!iv

AlaminPamantayang PangnilalamanPamantayan sa PagganapNaipamamalas ng mag-aaral angpagunawasamgapangunahingkonsepto ng Ekonomiks bilang batayanng matalino at maunlad na pang-arawaraw na pamumuhay.Naisasabuhay ang pag-unawa sa mgapangunahing konsepto ng Ekonomiksbilang batayan ng matalino at maunladna pang-araw-araw na pamumuhay.Mga Nilalaman (Paksa/ Aralin)1. Mga Salik na Nakakaapekto sa PagkonsumoMga Pamantayan sa PagkatutoPagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahan na ang mga magaaral ay:1. Nasusuri ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo.Sa nakaraang aralin, natutunan ang tungkol sa Pambansang Kita. Ditonasuri ang Pambansang Kita/ Gross National Product – Gross Domestic Product)bilang panukat ng kakayahan ng isang ekonomiya. Nakilala rin ang mgapamamaraan sa pagsukat ng pambansang produkto at napag-alaman ang mgakahalagahan sa pagsukat ng pambasanbg kita.Sa modyul na ito ay mapag-aaralan ang tungkol sa ugnayan ng Kita, Pagiimpok at Pagkonsumo.Ang kakayahang kumonsumo ng tao ay nakabatay sa salapi na maaarinitong gastusin. Ang salapi namang maaaring iimpok ay nakabatay kungmagkano ang matitirang salapi matapos ibawas ang salaping ginamit sapagkonsumo. Mauunawaan sa araling ito ang ugnayan ng pangkalahatang kita,pag-iimpok, at pagkonsumo.1

SubukinPanimulang Gawain: Paunang PagtatayaPanuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamangtitik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel angmga sagot.1. Bakit nagkakaiba ang paraan at dahilan ng pagkonsumo?a.b.c.d.Maraming kalagayan ang isinasaalang-alangMagkakaiba ang katangian ng mga nakakaapekto ditoMagkakaiba ang pangangailangan ng taoHindi tiyak ang pangyayari sa lipunan2. Sa anong salik na nakakaapekto sa pagkonsumo napapabilang ang mgakalamidad?a.b.c.d.Demostration EffectKitaMga InaasahanPagkakautang3. Alin sa sumusunod ang nagsasaad na ang tao ay hindi naapektuhan ngdemonstration effect?a.b.c.d.Hindi sumusunod sa usoNahuhumaling sa suot ng mga artistaBinibili ang mga napapanahong gamitSuportado ang mga ini-endorso nga paboritong artista4. Bakit nakakaapekto ang pagkakaroon ng utang sa pagkonsumo ng tao?a.b.c.d.Lumulubo ang kanyang utang kapag hindi nababayaranTumataas ang kanyang kakayahang makabili ng produktoNababawasan ang kanyang kakayahan na makabili ng produktoKakaunti ang naiipon sa pera mula sa kita5. Kapag pinag-uusapan ang pagkonsumo, bakit mas mainam na kaunti angutang?a.b.c.d.Walang naniningil kapag nakatanggap ng sahodLumalaki ang ipon sa bangkoWalang utang na kailangang bayaranTumataas ang kakayahang kumonsumo6. Paano nakakaapekto ang kalamidad sa pagtaas ng konsumo?a.b.c.d.Nagkakaroon ng kakulangan sa supply ng produktoHindi na nakakabili ang mga tao sa pamilihanNagsasara ang mga malalaking tindahanInuuna ng mga tao ang kanilang tirahan2

7. Sino ang may akda ng aklat na The General Theory of Employment, Interest, andMoney na inilathala noong 1936?a.b.c.d.Antonio AbatemarcoJohn Maynard KeynesFrank AckermanSandra Andraszewicz8. Ang sumusunod ay ilan sa mga nakasaad sa aklat na pinamagatang The GeneralTheory of Employment, Interest, and Money na inilathala noong 1936 MALIBANsa:a.b.c.d.Malaki ang epekto ng kita sa konsumoKapag lumalaki ang kita lumalaki din ang kakayahang kumonsumoKapag lumiliit ang kita lumiliit din ang kakayahang kumonsumoAng ekonomiya ay nakabatay sa kita ng mga tao sa lipunan9. Anong salik ang nakakaapekto sa pagkonsumo na kinabibilangan ng mgaanunsiyo sa radyo, telebisyon, pahayagan, at maging sa internet at iba pangsocial media?a.b.c.d.Demostration EffectKitaMga InaasahanPagkakautang10. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng mga inaasahan na kabilang sa mga salikna nakakaapekto sa pagkonsumo?a.b.c.d.Araw ng eleksyonKaarawanKalamidadPalabas sa telebisyon3

Aralin1Mga Salik naNakakaapekto saPagkonsumoBalikanGawain 1: Concept MappingNakasulat sa kahon na sa nasa gitna ng graphic organizer ang salitangpagkonsumo. Nakakabit dito ang mga blankong kahon. Isulat sa mga ito ang mgasalita o lupon ng mga salita na may kinalaman sa pagkonsumo. Matapos ito aygamitin ang mga salitang inilagay sa kahon upang makabuo ng sarilingpagpapakahulugan sa salitang pagkonsumo batay sa iyong natutunan sa naunangaralin. Gawin ito sa sagutang papel.PagkonsumoAng pagkonsumo ay.4

Pamprosesong Tanong:1. Ano ang naging mga batayan mo upang matukoy ang mga salitang inilagaymo sa mga kahon?2. Anong paraan ang iyong ginamit upang mabuo ang kahulugan ngpagkonsumo?3. Paano nakatulong ang naunang modyul sa pagtukoy mo sa mga naging tugonmo sa gawain?4. Paano kaya makakatulong ang iyong pagpapakahulugan sa salitangpagkonsumo sa pagtalakay sa mga salik na nakakaapekto dito?TuklasinGawain 2: Isip-isipSitwasyon1Sitwasyon2Sitwasyon3Kaarawan mo sasusunod na arawPasukan na sasusunod nabuwanMagkakaroon nglockdown dahilsa isangpandemyaAnu-ano ang iyongbibilhin?Anu-anoisinaalang-alangmo sa mga bibilhinmo?Nakalagay sa ibaba ang tatlong sitwasyon na maaring mangyari sa iyo kungsaan kinakailangan mong magdesisyon kung ano ang dapat na bibilhin. Nakahanaysa ibaba ng bawat sitwasyon ang kahon na kailangan mong punan batay sanakasulat dito. Punan ang mga ito upang mabuo ang mga konsepto.5

SuriinSa parteng ito ng modyul ay iyong lilinangin ang mga kaisipan/kaalamangtutulong sa iyo upang higit na maintindihan ang paksang-aralin. Dito tinitiyakna ikaw ay maihahanda upang tiyak ang mga pang-unawa sa mgaimpormasyong kinakailangan malinang. Sa bahaging ito ay magkakaroon ka ngmahahalagang ideya tungkol sa iba’t ibang salik na nakakaapekto sapagkonsumo. Inaasahang magagabayan ka ng mga inihandang babasahin atgawain upang iyong masuri ang mga salik na ito. Halika at umpisahan na angmasayang pagbabasa at pang-unawa sa paksa.Mga Salik na Nakakaapekto sa PagkonsumoMay iba’t ibang salik na nakaaapekto sa pagkonsumo ng isang tao. Angpagkakaiba-iba ng kanilang katangian ang dahilan kung bakit nagkakaiba-iba angparaan at dahilan ng kanilang pagkonsumo. Sa ibaba ay mababasa ang ilan sa mgasalik na nakakaapekto sa pagkonsumo ng isang tao.Pagbabago ng presyo – may pagkakataon na nagiging motibasyon ang presyong produkto o serbisyo sa pagkonsumo ng isang tao. Kalimitan, mas mataas angpagkonsumo kung mababa ang presyo samantalang mababa ang pagkonsumokapag mataas ang presyo. Kadalasan, mas tinatangkilik ng mga mamimili angprodukto o serbisyo kapag mura dahil mas marami silang mabibili. Samantala,kaunti naman ang kanilang binibili kung mataas ang presyo nito.Kita - nagdidikta sa paraan ng pagkonsumo ng isang tao. Ayon kay JohnMaynard Keynes, isang ekonomistang British, sa kanyang aklat na The GeneralTheory of Employment, Interest, and Money na inilathala noong 1936, malaki angkaugnayan ng kita ng tao sa kanyang pagkonsumo. Ayon sa kaniya, habanglumalaki ang kita ng tao ay lumalaki rin ang kaniyang kakayahan na kumonsumong mga produkto at serbisyo. Sa kabilang banda, ang pagbaba ng kita aynangangahulugan ng pagbaba ng kakayahang kumonsumo. Kaya naman,mapapansin na mas maraming pinamimili ang mga taong may malalaking kita kungihahambing sa mga taong may mababang kita lamang.Mga Inaasahan - ang mga inaasahang mangyayari sa hinaharap aynakaaapekto sa pagkonsumo sa kasalukuyan. Halimbawa, kung inaasahan ng mgatao na magkakaroon ng kakulangan sa supply ng produkto dahil sa kalamidad,tataas ang pagkonsumo nito sa kasalukuyang panahon bilang paghahanda sapangangailangan sa hinaharap. Gayundin naman kapag may banta ng kaguluhansa isang lugar o may inaasahang pagkakagastusan sa hinaharap. Ang mga tao aypinipilit na huwag munang gastusin ang salapi at binabawasan ang pagkonsumoupang mapaghandaan ang mangyayari sa mga susunod na araw o panahon. Kungpositibo o maganda naman ang pananaw sa hinaharap, maaga pa sa inaasahan aytumataas na ang pagkonsumo kahit hindi pa natatanggap ang inaasahang salapitulad ng pagtanggap ng bonus at iba pang insentibo.6

Pagkakautang – kapag maraming utang na dapat bayaran ang isang tao,maaaring maglaan siya ng bahagi ng kaniyang salapi upang ipambayad dito. Ito aymagdudulot ng pagbaba sa kaniyang pagkonsumo dahil nabawasan ang kaniyangkakayahan na makabili ng produkto o serbisyo. Tataas naman ang kakayahanniyang kumonsumo kapag kaunti na lamang ang binabayaran niyang utang.Demonstration Effect – madaling maimpluwensiyahan ang tao ng mgaanunsiyo sa radyo, telebisyon, pahayagan, at maging sa internet at iba pang socialmedia. Ginagaya ng mga tao ang kanilang nakikita, naririnig, at napapanood saiba’t ibang uri ng media kaya naman tumataas ang pagkonsumo dahil sa nasabingsalik. Ang mga taong hindi naman naiimpluwensiyahan ng nabanggit ay maymababang pagkonsumo lalo na sa mga bagay na uso at napapanahon lamang.Pamprosesong Tanong:1. Bakit may iba’t ibang salik na nakakaapekto sa pagkonsumo ng tao?2. Bakit nagkakaiba-iba din ang mga salik na mayroon ang bawat indibidwal?3. Batay sa iyong sariling pag-unawa, ano ang pinakamatimbang na salik sapagkonsumo?4. Alin sa mga salik ng pagkonsumo ang naranasan mo na? Sa papaanongpagkakataon mo ito naranasan?PagyamaninGawain 3. Venn Diagram: Pagbuo ng KonseptoPanuto: Ang Venn Diagram sa susunod na pahina ay nagpapahiwatig sa ugnayan ngpagkonsumo sa iba’t ibang salik. Batay sa binasang teksto, buuin ang VennDiagram tungkol sa mga salik na ito. Pagkatapos nito ay sagutin ang mgapamprosesong tanong sa sagutang papel.MGA SALIK NANAKAKAAPEKTOSAPAGKONSUMO7

Pamprosesong Tanong:1. Anu-ano ang mga naging batayan mo sa pagbuo sa Venn Diagram?2. Batay sa presentasyon ng diagram, bakit kaya nakapatong ang maliliit nakahon sa pinaka-sentrong kahon?3. Anu-ano kaya ang dahilan sa pagsasaalang-alang nga mga bagay na ito bilangsalik na nakakaapekto sa pagkonsumo? Pangatwiran ang sagot.Gawain 4. Isaayos mo!Panuto: Batay sa mga naging sagot mo sa naunang gawain, isaayos ang mga ito ayonsa iyong pinaniniwalaan na siyang pinamahalagang salik na kinakailanganisaalang-alang sa pagkonsumo. Isaayos ang mga ito mula sa itaas bilangpinakamahalaga at pinakababa bilang panghuli sa halaga.Gawain 5. Itala Mo! Salik Mo!Hindi maitatanggi na ang pandemyang COVID-19 ay malaki ang nagingepekto sa ekonomiya ng maraming bansa sa buong mundo, kabilang na angPilipinas. Ibig sabihin nito ay naapektuhan din ang pagkonsumo ng tao. Sapanahong ganito, anu-ano ang mga pangunahing konsumo na inyong isinaalangalang? Anu-ano din ang mga salik na nakaapekto sa naturang desisyon ng inyongpamilya? Sagutin ang mga ito gamit sa pamamagitan ng pagbuo sa graphic organizersa ibaba.8

Mga KonsumoMga SalikPamprosesong Tanong:1. Anu-ano ang mga naging basehan mo sa pagsagot?2. Sa iyong palagay, nakaapekto ba ang kalagayan ng bansa sa uri ngpagkonsumo mayroon kayo sa pamilya?3. Anu-ano ang isinaalang-alang mo sa pagtugon sa mga salik ng pagkonsumo?9

IsaisipAng graphic organizer sa ibaba ay nagsasaad ng mga mahahalagang kaalaman nadapat tandaan tungkol sa paksang-aralin.Iba’t ibang Salik na Nakakaapektosa PagkonsumoPagbabago ng Presyo(nagiging motibasyon ang presyo ngprodukto o serbisyo sa pagkonsumo)Kita(habang lumalaki ang kita ng tao aylumalaki rin ang kaniyang kakayahan nakumonsumo)Mga Inaasahan(mga inaasahang mangyayari sa hinaharapay nakaaapekto sa pagkonsumo sakasalukuyan)Pagkakautan(kapag maraming utang na dapat bayaran,maaaring maglaan ng bahagi ng salapipambayad dito)Demonstration Effect(impluwensiya ng mga anunsiyo sa radyo,telebisyon, pahayagan, internet at iba pangsocial media)10

IsagawaGawain 6. Head, Heart, Hands (3H)Sa gawain na ito ay susubukin ang iyong nalaman at naunawaan sa mganabasa at iba pang Gawain na sinubok at sinagutan mo. Buuin ang tsart sa ibabasa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na makikita sa bawat kahon.HeadAnong konsepto angnatutunan ko?HeartAnong mga aral opagpapahalaga angnakuha ko?11HandsPaano ko magagamitang aking natutunansa totoong buhay?

TayahinPanghuling PagtatayaPanuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamangtitik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel angmga sagot.1. Bakit nagkakaiba ang paraan at dahilan ng pagkonsumo?a.b.c.d.Maraming kalagayan ang isinasaalang-alangMagkakaiba ang katangian ng mga nakakaapekto ditoMagkakaiba ang pangangailangan ng taoHindi tiyak ang pangyayari sa lipunan2. Sa pagbabago ng presyo, sa anong pagkakataon tumataas ang pagkonsumo?a.b.c.d.kakaunti ang suplaymarami ang suplaymataas ang presyomababa ang presyo3. Alin sa sumusunod ang nagsasaad na ang tao ay hindi naapektuhan ngdemonstration effect?a.b.c.d.Hindi sumusunod sa usoNahuhumaling sa suot ng mga artistaBinibili ang mga napapanahong gamitSuportado ang mga ini-endorso nga paboritong artista4. Bakit nakakaapekto ang pagkakaroon ng utang sa pagkonsumo ng tao?a.b.c.d.Lumulobo ang kanyang utang kapag hindi nababayaranTumataas ang ka

Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anoman

Related Documents:

Unang Markahan – Modyul 2: . 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

Unang Markahan – Modyul 10: Komunikasyon ng Pamilya Unang Edisyon, 2020 . ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay . Ngayon ay nasa ikalawang aralin ka ng modyul na ito. Huwag m

Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Mga Hakbang Sa Pagbuo Ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan Unang Edisyon, 2020 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na: “Hindi maaaring magkaroon ng kar

Musika – Unang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Sukat ng Pulso Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng kar

Ang mga Coronavirus ay isang malaking pamilya ng mga virus at napangalanan ang mga ito ng ganito dahil sa crown-like spikes na nasa labas nito. Ang mga ito ay pangkaraniwang uri sa mga hayop, tulad ng mga camel, baka, pusa, at mga paniki. Bihira na ang mga coronavirus ng mga hayop ay malilipat sa mga tao at kakalat mula tao sa tao.

Filipino – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 13: Paggamit ng Malaki at Maliit na Letra at mga Bantas Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anoman

Susannah G Tringe*‡, Andreas Wagner† and Stephanie W Ruby* Addresses: *Department of Molecular Genetics and Microbiology, University of New Mexico Health Sciences Center, Albuquerque, NM 87131, USA. †Department of Biology, University of New Mexico, Albuquerque, NM 87131, USA. ‡Current address: DOE Joint Genome Institute, 2800