Araling Panlipunan - 307020-srnhs

2y ago
155 Views
19 Downloads
1.85 MB
28 Pages
Last View : 25d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Sabrina Baez
Transcription

8Araling PanlipunanUnang Markahan – Modyul 3:Yugto ng Pag-unlad ng Kultura saPanahong Prehistoriko

Araling Panlipunan – Ikawalong BaitangAlternative Delivery ModeUnang Markahan – Modyul 3: Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong PrehistorikoUnang Edisyon, 2020Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ngkarapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailanganmuna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung itoay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ayang pagtakda ng kaukulang bayad.Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brandname, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na itoay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upangmakuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala atmga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito aykinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag saanomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonNicolas T. Capulong, PhD, CESO VRonelo Al K. Firmo, PhD, CESO VLibrada M. Rubio, PhDBumuo sa Pagsusulat ng ModyulManunulat:Tagasuri ng Nilalaman:Tagasuri ng Wika:Tagasuri ng :Geline T. FajardoRowel S. Padernal / Angelica M. Burayag, PhDMary Jane P. Soriano / Ma. Leonora B. CruzNenita J. Barro / Ma. Leonora B. CruzDiosdado S. Mateo / Erfe Donna A. AspirasEdelwiza L. CadagJonathan Paranada / Ryan Corpuz PastorJoey-Rey D. MagraciaPhoebe Marie B. SantarromanaNicolas T. Capulong, EdD, CESO VLibrada M. Rubio, PhDAngelica M. Burayag, PhDMa. Editha R. Caparas, PhDNestor P. Nuesca, EdDMarie Ann C. Ligsay, PhDDominador M. Cabrera, PhDEdward C. Jimenez, PhDMa. Leonora B. CruzInilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon IIIOffice Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San FernandoTelefax:(045) 598-8580 to 89E-mail Address: region3@deped.gov.ph

8Araling PanlipunanUnang Markahan – Modyul 3:Yugto ng Pag-unlad ng Kultura saPanahong Prehistoriko

Paunang SalitaPara sa tagapagdaloy:Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 AlternativeDelivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Yugto ng Pag-unlad ng Kultura saPanahong Prehistoriko!Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mgaedukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, anggurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayangitinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral samapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit angmga kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mgapangangailangan at kalagayan.Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo angkahong ito sa pinakakatawan ng modyul:Mga Tala para sa GuroIto'y naglalaman ng mga paalala, panulongo estratehiyang magagamit sa paggabay samag-aaral.Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman angmag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayanat itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilangsariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin atgabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob samodyul.ii

Para sa mag-aaral:Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 AlternativeDelivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Yugto ng Pag-unlad ng Kultura saPanahong Prehistoriko!Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, atmagsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo naikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mgakaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay aynakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layuninnitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.AlaminSa bahaging ito, malalaman mo ang mgadapat mong matutuhan sa modyul.SubukinSa pagsusulit na ito, makikita natin kungano na ang kaalaman mo sa aralin ngmodyul. Kung nakuha mo ang lahat ngtamang sagot (100%), maaari mong laktawanang bahaging ito ng modyul.BalikanIto ay maikling pagsasanay o balik-aralupang matulungan kang maiugnay angkasalukuyang aralin sa naunang leksyon.TuklasinSa bahaging ito, ang bagong aralin ayipakikilala sa iyo sa maraming paraan tuladng isang kuwento, awitin, tula, pambukas nasuliranin, gawain o isang sitwasyon.SuriinSa seksyong ito, bibigyan ka ng maiklingpagtalakay sa aralin. Layunin nitongmatulungan kang maunawaan ang bagongkonsepto at mga kasanayan.PagyamaninBinubuo ito ng mga gawaing para samalayang pagsasanay upang mapagtibay angiyong pang-unawa at mga kasanayan sapaksa. Maaari mong iwasto ang mga sagotmo sa pagsasanay gamit ang susi sapagwawasto sa huling bahagi ng modyul.iii

IsaisipNaglalaman ito ng mga katanungan opupunan ang patlang ng pangungusap otalata upang maproseso kung anongnatutuhan mo mula sa aralin.IsagawaIto ay naglalaman ng gawaing makatutulongsa iyo upang maisalin ang bagong kaalamano kasanayan sa tunay na sitwasyon orealidad ng buhay.TayahinIto ay gawain na naglalayong matasa omasukat ang antas ng pagkatuto sapagkamit ng natutuhang kompetensi.KaragdagangGawainSa bahaging ito, may ibibigay sa iyongpanibagong gawain upang pagyamanin angiyong kaalaman o kasanayan sa natutuhangaralin.Susi sa PagwawastoNaglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahatng mga gawain sa modyul.Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:SanggunianIto ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sapaglikha o paglinang ng modyul na ito.Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumangmarka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papelsa pagsagot sa mga pagsasanay.2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaingnapapaloob sa modyul.3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain atsa pagwawasto ng mga kasagutan.5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nangsagutin lahat ng pagsasanay.Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari karin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sinoman sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim saiyong isipang hindi ka nag-iisa.Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ngmakahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sakaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!iv

AlaminAng modyul na ito ay ginawa upang makatulong na higit mong maunawaanang aralin tungkol sa yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehestoriko.Pagtutuonan ng pansin sa ating pag-aaral sa modyul na ito ang mga mahahalagangbagay o datos sa pinagmulan ng sinaunang tao, kalagayang heograpikal,pamumuhay, at yugto ng pag-unlad o ebolusyong kultural.Ang modyul na ito ay nahahati sa mga sumusunod na paksang talakayan:Talakayan 1 – Kondisyong Heograpikal sa Panahon ng mga Unang Taosa DaigdigTalakayan 2 – Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao sa DaigdigTalakayan 3 – Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong PrehistorikoPagkatapos na mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahanga. nakapagsusuri ng kondisyong heograpikal sa panahon ng mga unang taosa daigdig;b. nakapagpaliliwanag ng uri ng pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig;atc. nakapagsusuri ng yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahongprehistoriko.1

SubukinBasahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito saiyong sagutang papel.1. Anong yugto ng kasaysayan kung saan ang mga tao ay gumamit ng mgatinipak at magaspang na mga kagamitan at sandata?A. Panahong PaleolitikoC. Panahong MesolitikoB. Panahong NeolitikoD. Panahong Metal2. Ano ang pinaniniwalaang nabuo sa pamamagitan ng pagtama ng kidlat saisang punong kahoy?A. aboC. ulingB. usokD. apoy3. Ano-anong panahon nahahati ang Cenozoic?A. Pleistocene at HoloceneC. Tertiary at QuartenaryB. Vendian at CambrianD. Jurassic at Cretaceous4. Alin sa mga sumusunod ang patunay na ang mga Homo habilis ay bihasa sagawaing ito?A. nakagagawa ng mga kasangkapang yari sa batoB. natutong gumawa ng apoyC. may mga kaalaman sa pagpintaD. may kaalaman sa pagluluto5. Ano ang mga unang anyo ng buhay ayon sa mga eksperto?A. selyulaC. rhinocerosB. homoD. reptilya6. Ano ang specie na nahukay ni Donald Johanson noong 1974 na tinatayangnasa 3-5 milyong taon na ang mga labi nito?A. Australopithecus AfarensisC. Australopithecus AprikanusB. Australopithecus RobustusD. Ramapithecus7. Anong yugto sa Panahon ng Bato nagkaroon ng konsepto ng permanentengtirahan?A. MesolitikoC. NeolitikoB. PaleolitikoD. copper8. Ano ang panahon sa kasaysayan ng tao kung saan nagkaroon ngmodipikasyon sa bato sa pamamagitan ng pagkinis nito?A. Panahong PaleolitikoC. Panahong MesolitikoB. Panahong NeolitikoD. Panahong Metal9. Malaki ang inunlad ng taong Neanderthal sa mga unang nahukay, malaki angkanyang bungo at siya ay may kaliitan lamang ang sukat. Saan natagpuanang kanyang labi?A. FranceC. IndonesiaB. GermanyD. Pilipinas2

10. Ano ang tinuturing na panahon ng transisyon sa paglinang ng kaalaman ngtao, lalo na sa paggawa ng kagamitan?A. Panahong PaleolitikoC. Panahong MesolitikoB. Panahong NeolitikoD. Panahong Metal11. Ano ang isa sa mga Homo Species na tinatawag na mga taong nag-iisip?A. Homo ErectusC. Homo SapiensB. Homo HabilisD. Homo Afarensis12. Bakit ang Homo Sapiens ang pinakamaunlad sa sinaunang tao?A. malaki ang sukat ng kanilang bungoB. naitala na ang kanilang mga nagawaC. may mga armas at guhit-kamay ang mga kuweba na tinitirhan nilaD. maraming labi ng ganitong uri ang nahukay13. Ano ang Homo Specie na tinatayang ang sukat ng utak ay nasa 1000 cc o 2/3katumbas ng laki ng utak ng modernong tao?A. Homo ErectusC. Homo SapiensB. Homo HabilisD. Homo Afarensis14. Ano ang kahulugan ng salitang “homo”?A. batoC. taoB. hayopD. ibon15. Alin sa mga sumusunod ang gawain ng mga sinaunang tao sa Panahon ngNeolitiko?A. mangaso at mangisdaB. nagpalipat-lipat ng tirahan para may makainC. gumawa ng mga bagay na makinis mula sa putik tulad ng brickD. gumawa ng mga kasangkapan na yari sa bato3

Aralin1Yugto ng Pag-unlad ng Kulturasa Panahong PrehistorikoNatatangi sa daigdig ang pagkakaroon ng buhay. Kung isang malakingkatanungan ang pinagmulan ng daigdig, ay isa ring malaking katanungan kung saannagmula ang tao. Sa modyul na ito ay inaasahang matutuhan mo ang mahahalagangkonsepto patungkol sa sinaunang tao, kondisyong heograpikal, pamumuhay, atyugto ng pag-unlad. Halina’t paluguin pa ang iyong mga nalalaman.BalikanAng heograpiyang pantao ay ang nagbigay liwanag kung bakit kumikilos angmga tao sa isang lugar tulad ng ginagawa nila sa kanilang buhay. Paano nakatulong ang pagkakakilanlan ng rehiyon sa paghubog ngsinaunang tao?Tukuyin ang mga ipinakikita ng larawan bilang pangunahing bumubuo ngkultural na heograpiya. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.W AR I I NL4

Mga Tala para sa GuroMahalagang malaman ang mga teorya na pinagmulan ngtao ayon sa mga eksperto o pangkat ng mga eksperto. Angpanunuod ng video ukol dito ay makatutulong sa mas malalim napag-ntindi at mailarawan sa isip ang kaganapan noon at itsura ngmga sinaunang tao. Gayundin ang pagsuring mabuti sa mgateksto upang mas maintindihan ang yugto ng pag-unlad ng mgasinaunang tao sa panahon ng prehistoriko.TuklasinIpagpalagay na ikaw ay nabuhay noong sinaunang panahon sa Daigdig. Anoanong bagay ang iyong dadalhin upang makatulong sa iyong pang-araw-araw napamumuhay. Iguhit sa kahon at pangalanan. Ilagay sa sagutang papel ang iyongsagot.5

SuriinHeograpikal na Kalagayan sa Panahon ng mga Unang Tao sa DaigdigMilyong taon na ang nagdaan ang mga unang buhay sa Daigdig ay lumitaw.Ang mga unang anyo ng buhay ay mga organismong binubuo ng iisang selyula (cell).Ito ay ayon sa mga eksperto. Naging kompleks ang mga halamang tubig at hayopdagat. Sinasabing gumapang ang mga sinaunang hayop patungong dalampasigandahil kinakailangang umangkop sa kanilang bagong kapaligiran pagkaraan ngmilyon-milyong taon. Para makalakad, nagkaroon sila ng paa at baga upanghuminga. Ito ang pagbabago ng kanilang anyoAng Cenozoic ay nagsimula mga 63 milyong taon na ang nakararaan. Sapanahon na ito nabuo ang mga tao, hanggang ngayon sa kasalukuyan ito parin ang umiiral. Nahahati sa dalawang panahon ang Cenozoic: ang Tertiary atQuartenary. Hinati sa limang epoka ang Tertiary: Paleocene, Eocene, Oligocene,Miocene, Pliocene. Ang mga bakulaw ay naglipana sa panahon ng Eocene.Gayundin, ang mga maliliit na reptilya, paniki, kamelyo, at pusa, kabayo,rhinoceros, at mga balyena. Nabuhay naman ang mga bakulaw na tinawag naproconsul mga 18 milyong taon na ang nakararaan. Hindi ito lumalakad nangpatayo. Maaaring ito ang pinagmulan ng malalaking bakulaw kasama ng mgatao, hinala ng mga siyentipiko. Hinati sa dalawang panahon ang Quartenary.Ang Pleistocene at Holocene. Nagkaroon ng makabagong tao sa panahon ngPleistocene. Ang mga malalaking hayop tulad ng mammoth, mabalahibongRhinoceros, at iba pa ay dumami ngunit namatay rin ang mga ito sa katapusanng epoka. Natutong mangaso at magpaamo ng hayop ang mga tao, nagsimulang agrikultura, gumamit ng metal, karbon, langis, gas at iba pang likas nayaman ang tao, lakas ng hangin at tubig sa panahon ng Holocene.Ang mga reptilya ay ituturing na mga unanghayop kaya naman tinawag ang panahong ito naPanahon ng mga Reptilya. Matigas na kaliskis obutong tumatakip sa katawan tulad ng buwaya,pagong, at butiki ang taglay nitong mga katangian.Ang pinakamalaki sa mga reptilya ay ang Dinosaur.Ngunit sa pagdaan ng panahon, kagulat-gulat angpagkawala nito. Ang pagkatuyo ng katihan ayon sasiyentista ang dahilan ng pagkamatay ng kanilanghalamang pagkain. Ang mga unang anyo ng mammalat iba’t ibang uri ng ibon ay nabuhay at sila namanang naninirahan sa daigdig nang lumabas ang mgaunang tao.6

DinosaurExtinctionModern EarthPrimatesAge ofAnimalsApesGrassCitiesStone AgeHomo SapiensCENOIC ERASa panahon ng yelo, unang lumitaw ang unang anyo ng tao. Sa iba’t ibangbahagi ng mundo partikular na sa Africa, Asia, at Europe. Nagkaisa sila sa teoryana hindi iisang lugar ang pinagmulan ng unang tao. Ang unang kasangkapangginamit ng mga sinaunang tao ay napag-alaman na bato o yari sa bato sa pagkuhang pagkain at pang-depensa sa sarili.Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao sa DaigdigNakita ang mga ninuno ng tao may 2.5 milyong taon na ang nakalilipas bataysa makaagham na pag-aaral ng pinagmulan ng tao. Sila ang mga Homo species (homona nangangahulugang tao). Ang mga ito ang nagtagumpay na makiayon sa kanilangkapaligiran at nagawang harapin ang mga hamon ng sitwasyon noong gay na ninuno ng mga Homosapiens o ng kasalukuyang uri ng tao.Nagpapahiwatig na may kawangis angtao na nabuhay mga apat na milyongtaon na ang nakaraan ang mgasinaunang kalansay. Tinawag nilaitong “hominid” na ang kahulugan ay“hayop”.A. AfarensisH. ErectusA. AfricanusEarly HomoH. SapiensAng mga HominidRamapithecusNatagpuan sa Europe, Asia, at Africa. Tinatayang may gulang na 14 hanggang12 milyon na ito nang mahukay. Hinihinalang nginunguya niya ang kanyangpagkain tulad ng kasalukuyang tao.Australopithecus africanusMalapit ang kanyang pagkakahawig sa tao. Natagpuan ni Raymond Dart angmga labi noong 1924. Sa South Africa ito natagpuan.Australopithecus robustusAng mag-asawang Louis at Mary Leakey ng Great Britain ang nakatagpo samga labi noong 1959. May matipunong pangangatawan, may mahabang noo,mahabang mukha, at maliit na panga. Sa Oduvai Gorge, Tanzania ang lugar kungsaan ito natagpuan.7

Australopithecus afarensis (Lucy)Ito ay nahukay ni Donald Johanson ang kalansay noong 1974. Tinatayangmay 3-5 milyong taon na ang mga labi nito. Natagpuan ito sa Afar, Ethiopia.Homo HabilisPinaniniwalaang nakagagawa ng kasangkapangyari sa magagaspang na bato ang unang ginamit ngisang pangkat ng nilikha na may pagkakahawig sa tao.Homo ErectusTinatayang pinakadirektangninuno ng uri ng Homo Sapiens.Ang mga katangian nito aynahahawig sa tao. Nakalalakad itonang tuwid, nakagagawa ng gamityari sa bato, marunong gumamitng apoy, mangaso, at mangisda.Nabuhay ang mga ito may 500,00taon na ang nakalipas. Sa Asia,Africa, at Europe ay maynatagpuan na mga labi ng HomoErectus.Homo HabilisHomo ErectusAng mga Uri ng Homo erectusTaong Peking(Sinanthropus Pekinesis)Noong 1929 sa Choukoutien,China, natuklasan ng isang pangkatng mga arkeologong Tsino ang bungong Taong Peking. May taas nahumigitkumulangsalimangtalampakan at nakalalakad nangtuwid. May utak na hawig sakasalukuyang tao.Taong Java(Pithecanthropus erectus)Isang doktor at antropologongOlandes sa Trinil, Java sa Indonesiana si Eugene Dubois ang nakatagposa labi na may taas na 1.5 metro.Ipinagpapalagay na nakapaglalakadito nang tuwid, at may uak na haloskasinglaki sa kasalukuyang tao.8

Ayon sa mga eksperto, nasa Lambak ng Cagayan ang tinatayangpinakamatandang ebidensiya ng tao sa Pilipinas. Ito ay mga teorya ukol sapinagmulan ng tao sa Pilipinas batay sa pananaliksik ng mga siyentipiko,antropologo, at mananalaysay. Ngunit wala pang natutuklasang labi o kalansay ngmga nasabing tao. Ang mga kagamitang yari sa bato at mga labi ng hayop katuladna lamang ng mga elepante, stegodon, rhinoceros, buwaya, at malaking pawikan angnahukay lamang sa Cagayan.Homo SapiensSa mga pag-aaral na isinagawa, natuklasan namataas na antas ng pag-iisip ng mga Homo Sapiens.Kasama ang kanilang pamilya, namuhay sila sa mgakuweba. Naglilibing ng patay at nakagagawa ng mgasimpleng kasangkapan. Maipagmamalaki rin ngpangkat ang kanilang primitibong sining at relihiyon.Batay sa nahukay na labi, ang pangkat na ito aymayroong malaking utak, maliliit na ngipin, malakingbinti, at higit na nakatatayo nang tuwid kaysa ibangpangkat ng tao.Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong PrehistorikoNakapaloob sa panahong prehistoriko ang mga pangyayari bago nakatagpong mga tala sa kasaysayan o hindi pa nasusulat ang kasaysayan at panahonghistoriko naman ang mga pangyayaring naganap matapos magkaroon nang sistemang pagsusulat. Dumaan sa iba’t ibang yugto ng pagbabago ang kultura ng tao. Angmga kasangkapan ng iba’t ibang lugar sa iba’t ibang panahon ang patunay nito. Angkalinangan, paniniwala, at pag-uugali ng isang pangkat ng mga tao ay tinawag nakultura. Tinawag na Panahon ng Bato at Panahon ng Metal ang paghahati sadalawang panahon. Ito ang yugto ng pagbabago ng kultura noong panahon ngprehistoriko o panahon na wala pang nakasulat sa kasaysayan.9

Panahong Paleolitiko(dakong 2,500,000 – 10,000 B.C.E) Tinatawag ding “Panahon ngLumang Bato” (Old Stone Age) Nagmula ang Paleolitiko sa mgakatagang paleos o matanda atlithos o bato Pinakamahabangyugtosakasaysayan ng sangkatauhan Maiuugat sa pagsisimula ngpaggamit ng kasangkapang batong mga hominid. Unang gumamit ng apoy atnangaso ang mga sinaunang tao.Lower Paleolithic Period Nagwakas dakong 120,

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlang

Related Documents:

Araling Panlipunan . ii Araling Panlipunan 2 ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan n Pangalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph.D. Consultant: –Ikalawang Baitang Patnubay ng Guro Unang Edisyon, 2013 ISBN: Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa .

Araling Panlipunan . 2 Araling Panlipunan 2 Ma. Ther Inilimbag sa Pilipinas ng _ Department of Eduction-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address: nd 2 Floor Dorm G, PSC Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072 E-mail Address: imcsetd@yahoo.com Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Consultant: Zenaida E. Espino .

Masusing Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan Ika-8 Baitang I. Layunin Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Nakapagsasabi ng dahilan at epekto ng unang yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo. 2. Naipapaliwanag ang iba

2 ARALING PANLIPUNAN 1 DRR LESSON EXEMPLAR Layunin Pagkatapos ng araling ito, inaasahan ang mga mag-aaral na: Matukoy ang kahulugan ng polusyon. Maisa-isa ang mga bahagi ng kapaligiran na naaapektuhan ng

Araling Panlipunan Grade 10 . Alternative Delivery Mode . Ikalawang Markahan- Modyul 3: Mga Dahilan at Epekto ng Migrasyon . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad ng Batas Republika 8293, Seksiyon 176na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang- sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung .

Araling Panlipunan. Ikalawang Markahan- Modyul 2: Mga Isyu sa Paggawa . II . Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pagaaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa - kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay .

Araling Panlipunan Ikalawang Markahan - Modyul 5: Interaksiyon ng Demand at Supply Z est for P rogress Z eal of P artnership 9 Name of Learner: _ Grade & Section: _ Name of School: _ Alamin Ang pinakatiyak na layunin ng modyul na ito ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa interaksiyon ng demand at supply. Mula sa mga inihandang gawain at .

Academic literary criticism prior to the rise of “New Criticism” in the United States tended to practice traditional literary history: tracking influence, establishing the canon of major writers in the literary periods, and clarifying historical context and allusions within the text. Literary biography was and still is an important interpretive method in and out of the academy; versions of .