Araling Panlipunan 8

2y ago
613 Views
130 Downloads
574.96 KB
22 Pages
Last View : 16d ago
Last Download : 2m ago
Upload by : Francisco Tran
Transcription

Republic of the PhilippinesDepartment of EducationRegion ISCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTEAralingPanlipunan 8(Ikaapat na Linggo)Ikalawang Markahan – Modyul 4:Mga Kontribusyon ng mgaKabihasnang KlasikoMELC 03: Naipahahayag ang pagpapahalaga sa mgakontribusyon ng kabihasnang klasiko sa pag-unladng pandaigdigang kamalayanInihanda ni:JONALYN A. CALAROGuro ISarrat National High School

Araling Panlipunan – Ikawalong BaitangShare-A-Resource-ProgramIkalawang Markahan – Modyul 4: Mga Kontribusyon ng mga KabihasnangKlasikoUnang Edisyon, 2020Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaringmagkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ngpamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mgamaaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulangbayad.Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produktoo brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) naginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sapaggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akdaang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito aykinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin oilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Leonor Magtolis BrionesPangalawang Kalihim: Diosdado M. San AntonioBumuo sa Pagsusulat ng ModyulManunulat:Jonalyn A. CalaroEditor:Marilou P. Pasalo at Carolyn A. BaguioTagasuri:John Nestlee A. RavinaTagapamahala:Joann A. CorpuzJoye D. MadalipaySantiago L. BaoecJenetrix T. TumanengMilagros Sandra G. MalvarDivision Design & Layout Artist: Michael George C. AcupidoInilimbag sa Pilipinas ngSchools Division of Ilocos NorteOffice Address:Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, IlocosNorteTelefax:(077) 771-0960Telephone No.:(077) 770-5963, (077) 600-2605E-mail Address:ilocos norte@deped.gov.ph

8Araling PanlipunanIkalawang Markahan – Modyul 4:Mga Kontribusyon ng mgaKabihasnang Klasiko

Paunang SalitaAng Contextualized Learning Module o CLM na ito ay maingat nainihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaanang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy nanaglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mgamagulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga magaaral sa kani-kanilang tahanan.Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat angnalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito angmagsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy osa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upangmasukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makitakung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahannamin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang CLM na itoupang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan omamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalayna papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sakanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mgaaralin at paggamit ng CLM na ito.Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mgatagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit walasilasapaaralan.

AlaminSa Modyul na ito, masasalamin sa kasalukuyang kalagayan nito at sapamumuhay ng kanilang mamamayan ang impluwensiya ng mga sinaunangkabihasnang naitatag sa mga kontinenteng ito.Mapag-aaralan mo sa araling ito ang mga kontribusyon ng mgakabihasnang klasiko. Masusuri mo rin kung paano nakaimpluwensiya ang mgaambag na ito sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan.ARALIN 4: Mga Kontribusyon ng mga Kabihasnang KlasikoAng mga paksang iyong matututunan sa araling ito ay ang gngngKabihasnang GriyegoKabihasnang Romanomga Imperyo sa AfricaKabihasnang MesoamericaKabihasnan sa mga Pulo sa PasipikoAng PANGKALAHATANG MGA LAYUNIN na hango sa Batayang Kurikulum(Curriculum Guide) ng K-12 (Grade 8) na iyong hahasain at makakamtan sa pagaaral ng mga paksang nakapaloob sa aralin ay ang sumusunod:I. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (CONTENT STANDARD)Ang mag-aaral ay naipapamalas ang pag- unawa sa kontribusyon ng mgapangyayari sa Klasiko at Transisyunal na Panahon sa pagkabuo at pagkahubog ngpagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig.II. PAMANTAYAN SA PAGGANAP (PERFORMANCE STANDARD)Ang mag-aaral ay nakabubuo ng adbokasiya na nagsusulong ngpangangalaga at pagpapahalaga sa mga natatanging kontribusyon ng Klasiko atTransisyunal na Panahon na nagkaroon ng malaking impluwensya sa pamumuhayng tao sa kasalukuyan.III. PINAKAMAHALAGANG PAMANTAYAN SA PAGKATUTO (MOST ESSENTIALLEARNING COMPETENCIES)1

MELC 4: Naipahahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ngkabihasnang klasiko sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan.SubukinSa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo saaralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaarimong laktawan ang bahaging ito ng : Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Pillin ang letra ngtamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.1. Alin sa sumusunod ang may wastong paglalarawan sa heograpiya ng Greece?a. Ito ay bulubunduking bansa na may makitid na lambak.b. Mayroon itong mga malalaking ilog na angkop sa paglalayag.c. Mayroon itong malalawak na kapatagan na angkop sa pagtatanim.d. Bahagi ito ng malawak na steppe ng Europe at Asia.2. Ano ang tawag sa pinakamagandang arkitekturang nagawa sa Gresya at kilalarin bilang Tenplo ni Athena?a. Axropolisb. Colosseumc. Stadiumd. Pathenon3. Anong bansa ang hugis bota na makikita sa hilaga ng Dagat Mediterranean?a. Gresyab. Ehiptoc. Italyad. Roma4. Ang demokrasya ay isa sa pinakamahalagang ambag ng mga Griyego sa kulturasa daigdig. Ano ang kahulugan ng demokrasya?a. Ito ay sistema ng pamahalaan na naging dahilan kung bakit kinainggitan atkinakatakutan ang Athens.b. Ito ay pinamumunuan ng pinakamahusay na tao.c. Ang kapangyarihan ng estado ay nagmumula sa isang tao.d. Ito ay uri ng pamahalaan na ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mgamamamayan.5. Isa sa naiambag ng kabihasnang Inca ay ang aqueduct. Ano sa tingin mo angmagiging epekto kung hindi nila ito natuklasan?a. Mas hahaba ang pagtagal ng kabihasnang Inca.b. Mas yayabong ang kanilang pakikipagkalakalan sa ibang kabihasnan.c. Mas marami ang masisirang bahay at daan kapag umulan.d. Mas maraming maghihirap dahil walang trabaho sa lugar.6. Anong lugar ang naging sentro ng kalakalan sa Africa noong 350 CE?a. Axumb. Saharac. Ghanad. Mali7. Sino ang may akda ng Illad at Odyssey?

a. Levib. Homerc. Horaced. Virgil8. Paano nakilala ang kabihasnang klasikal sa Gresya at Roma upang makilala angEuropa sa daigdig?a. Malaki ang mga nagawa ng Gresya at Roma.b. Ang mga nagawa ng Gresya at Roma ay kahanga-hanga.c. Malaki ang naging impluwensya ng Gresya at Roma sa kultura ng daigdig.d.Naging makapangyarihan ang Europa dahil sa mga pinunong nagingmakapangyarihan sa Gresya at Roma.9. Ang Twelve Tables ay mahalaga sa kultura ng mga Romano sapagkat ito angkauna-unahang nakasulat na batas sa Roma. Bakit naging mahalaga angTwelve Tables sa kabihasnan ng mga Romano?a. Nagsilbi itong gulod ng Republika.b. Napigilan nito ang digmaang sibil.c. Nagsilbi ang mga plebeian sa legio.d.Nagkaisaangmgaplebeianatpatrician.10. Ang Appian, Hippodromo, at Basilika ay ilan lamang sa mga mahahalagangambag ng Roma sa kasaysayan at kultura ng daigdig. Paano ito nakatulong sakultura ng daigdig?a. Napanatili nito ang kapayapaang Romano noon.b. Napanatili nito ang klasikal na kultura mula sa silangan.c. Napanatili nito ang demokrasya sa Roma.d. Napanatili nito ang karangyaan ng mga maharlika sa Roma.11. Ang ay mga haliging bato na may disenyo na matatagpuan saAxum bilang parangal sa kadakilaan ng mga hari.a. Pyramidb. Stelaec. Stonehenged. Parthenon12. Ano ang isinisimbolo ng pyramid sa mga lungsod-estado ng Maya?a. Sumisimbolo ito sa katatagan ng hari.b. Sumisimbolo ito sa karangyaan ng buhay ng mga Mayan.c. Sumisimbolo ito sa kaunlaran ng bawat pamayanan.d. Lahat ng nabanggit ay tama.13. Lumikha ang mga Aztec ng sa pamamagitan ng pagtabon ng lupasa mga sapa upang maging taniman.a. Rice Terracesc. Floating Cottageb. Chinampasd. Bundok14. Alin sa sumusunod ang isa sa Epiko ng Aprika na patungkol sa kabayanihanni Sundiata bilang tagapagtatag ng Imperyong Mali?a. Illad at Odesseyc. Biag ni Lam- angb. Epic of Son-Jarad. Ramayana15. Ang ay isang anyo ng sining na makikita sa lipunangAustronesian.a. Tattoc. pyramideb. pag-uukit sa mga haligid. pagguhit

Aralin1Mga Kontribusyon ng mgaKabihasnang Klasikal ngDaigdigBalikanIto ay maikling pagsasanaysay o balik-aral upang matulungan kangmaiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksiyon.Panuto: Hanapin sa Hanay B ang inilalarawan ng mga pangungusap sa Hanay A.Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.Hanay AHanay B1. Ito ang kabihasnan na sumibol sa YucatanPeninsula.2. Ito ay pulo sa Pasipiko na nangangahulugangmaliliit na isla.3. Ito ang kauna-unahang Imperyo na naitatag saKanlurang Africa.4. Ito ang nagsilbing sentro ng kalakalan ng ImeryongMali.5. Ito ay panritwal na laro ng mga Olmec na tilakahalintulad ng basketbol.a. Pok-a-tokb. Ghanac. Timbuktod. Mayae. MicronesiaTuklasinGawain 1: Tanong ko, Sagot mo!Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba at subukang sagutin ang mga tanongukol dito.TANONGLARAWAN1. Anong uri ngpamahalaanmayroon SAGOT

2. Ano angkailangan monggamitin upangmalaman moang han-nglong-weekends-sa-2020/kalendaryo/3. Ano angginagamitupang takpanang mukha nanagpapakita com/2018/October/25/index.htm4. Ano angestruktura nahugis tatsulokna ipinatayoupang yramidkukulcan-chichen-itzaSuriinKabihasnang GriyegoNaging sentro ng sinaunang Greece ang mabundok na bahagi ng tangway ngBalkan sa timog at ilang mga pulo sa karagatan ng Aegean. Samantala, angkaragatan ng Mediterranean ang naging tagapag-ugnay ng Greece sa iba pangpanig ng mundo. Sa mundo ng mga sinaunang Greek, ang karagatan angpinakamainam na daanan sa paglalakbay. Dahil dito karamihan sa mgapamayanan nila ay matatagpuan 60 kilometro lamang mula sa baybay-dagat.Ang lupain ng Greece ay mabato at bulubundukin. Ito ang pangunahingnaging sagabal sa mabilis na daloy ng komunikasyon sa mga pamayanan. Nagingmabagal ang paglago ng mga kaisipan at teknolohiya. Subalit ito rin ang nagingdahilan upang ang bawat lungsod-estado ay magkaroon ng kani-kanilangnatatanging katangian na nagpayaman sa kanilang kultura.

Ang mga mainam na daungan na nakapaligid sa Greece ay nagbigay-daansa maunlad na kalakalang pandagat na naging dahilan ng kanilang maunlad nakabuhayan. Ito rin ang nagbigay daan upang magkaroon sila ng kaugnayan saiba’t ibang uri ng tao na nakatulong naman upang mapayaman nila ang kanilangkultura at maibahagi ang kanilang mga naging tagumpay sa iba’t ibang larangan.Mga Ambag at Kontribusyon ng Kabihasnang GriyegoNarito ang mga mahahalagang ambag at kontribusyon ng KabihasnangGriyego sa iba t ibang larangan:PolitikaTampok sa Greece ang pagtataguyod sa konsepto ng demokrasya.Naniniwala ang mga griyego sa taglay na kakayahan ng tao. Itinuturing na ganap odirekta ang demokrasya sa Athens ngunit limitado sa mga kalalakihan angpagiging isang mamamayan. Nakita sa naging kasaysayan nila ang konsepto ngpagiging isang mamamayan. Ang “mamamayan” ay hindi lamang tumutukoy saisang taong naninirahan sa isang lugar, bagkus, isang taong may karapatan atresponsibilidad sa lipunan. Siya ay maalam sa mga pangyayari sa lipunan atnakikilahok sa mga gawaing panlipunan. Ang mamamayan ay sangkot sa pagpiling mga pinuno, paggawa ng batas, pagpapasya at pagpapatupad ng batas, atpagtatanggol sa lungsod-estado.PilosopiyaNaniniwala ang mga Griyego na bahagi ng pagkilala sa kakayahan ng taoang paglinang ng mga kaisipan upang malaman ang mga kasagutan sa mgapangyayari sa mundo. Gamit ang kakayahang makapag-isip at mangatwiran,pinagtutuunan niya ng pansin ang pagsusuri sa mundong ginagalawan upangmaipaliwanag ang iba’t ibang phenomenon. Kabilang din sa pag-aaral angkalikasan ng tao at ang pagkilos ng lipunan. Ang kalipunan ng mga pag-aaral naito ay tinatawag na pilosopiya, hango sa salitang Griyego na ang ibig sabihin ay“pagmamahal sa karunungan.”Tatlong Pinakamagagaling na Pilosopo ng Greek ay sina: SOCRATES- Pangunahing pilosopo ng Greece na nanirahan sa Athens.Naniniwala siyang mahalaga sa isang taong kilalaning mabuti ang sariliupang makita ang saysay ng buhay. Upang matamo ang mga kasagutantungkol sa sarili at lipunan, kailangang suriin ito sa pamamagitan ngmasusing pagtatanong.PLATO- kaibigan at mag-aaral ni Socrates na nagpatuloy ng mga kaisipanng kanyang guro. Itinatag niya ang isang paaralang kung tawagin ayAcademy. Nagturo siya rito ng matematika at pilosopiya. Isinulat niya angThe Republic na naglalarawan ng kanyang mga kaisipan sa isang mainamna pamahalaan at estado. Naniniwala siyang ang isang lipunan ay dapatpamunuan ng pinakamaalam at pinakamatalinong tao at hindi ngpinakamayaman, pinakamakapangyarihan, o pinakasikat.

ARISTOTLE- Mag-aaral siya ni Plato at nakapagtatag din ng sarilingpaaralan sa Athens na tinatawag na Lyceum. Isinulat niya ang mgakaalaman sa larangan ng etika, sining, agham, panitikan, at pulitika.Kinilala rin siya bilang tagapagsimula ng lohika, ang agham ngpangangatwiran. Dito, ang mga pangungusap ay sinusuri at inaayos upangmakabuo ng mga tamangArkitekturaLayunin ng arkitektura ng Greek na parangalan ang mga diyos.Isa sapinakamagandang gusali na kanilang itinayo ay ang mga templo. PARTHENON- isa sa pinakatanyag na templo na ginawa para kay Athena,ang diyosa ng digmaan at karunungan.Ang mga gusaling Greek ay may 3 estilo ng Haligihttps://2.bp.blogspot.com/4jXF9 MyHlI/T ad ng mga eskultur ng Greece na lumikha ng mga pigura sa ganap ateksakto ang hubog, ang mga mukha ay hindi nagpapakita ng galit o pagtawa,tanging katiwasayan lamang. Phidias- hinubog niya nag higanteng estatwa ni Athena para sa Parthenonna may taas na 39 feetat may suot na ginintuang baluti saulo. Yari sa ivoryat ginto.Dula at PanitikanKinikilala ang kahusayan ng mga Griyego sa larangan ng panitikan nakanilang nalinang bilang paraan ng paglalahad ng mga karanasan atpagpapahalaga ng mga tao. Nakabuo sila ng iba’t ibang anyo ng literatura naitinuturing na klasikal dahil sa mga temang waring di kumukupas at ang istilo aynaging pamantayan ng ibang manunulat. DRAMA – isang uri ng palabas sa entablado. Ito ay bahagi ng ritwal sa mgapista alay kay Dionysus, ang diyos ng alak. Ang drama ay dalawang uri: angtrahedya at ang komedya.Trahedya- Ipinapakita dito ang paghihirap ng isang tauhan at angpaniniwala ng mga Griyego na kailangang maging matatag ang mga tao sapagharap ng kanilang kapalaran.

Komedya- patungkol sa mga nakakatawang pagtatanghal. SiAristophanes ang kinilala bilang maestro ng komedya. Binibigyang-pansinng mga akda niya ang mga niyang Archarnians, Peace, at Lysistrata na pareparehong Wasps ay satirikong pagtuligsa sa pamamaraan sa sistemanghudisyal ng Athens.EPIKO – mahahabang tula na naglalarawan ng mga ginawa ng bayani.Halimbawa nito ay ang Iliad at Odyssey ni Homer.Kasaysayan HERODOTUS – Ama ng Kasaysayan. Ang salitang HISTORY ginamit niHerodotus nang isulat niya ang History of Persian Wars bilang isang ulat ngkaganapan sa digmaan ng Greece at Persia.THUCYDIDES- siya ang nagsulat ng History of Pelopponessian War.Agham PYTHAGORAS – Pythagorean TheoremARCHIMEDES – Circumference ng bilog/specific gravityEUCLID – Ama ng geometryARISTARCHUS – nakatuklas na umiikot ang daigdig sa araw at sa sarilinitong axis.ERATOSTHENES – Nakagawa ng halos tumpak na circumference ngdaigdig.Unang gumuhit ng linya ng latitude at longitude sa mapa ng daigdig.DEMOCRITUS – lahat ng bagay ay binubuo ng na maliitna sangkap natinatawag na atom.Medisina HIPPOCRATES – nagtatag ng paaralan para sa pag-aaral ng medisina. Angkanyang estilo ng panggagamot ay nakatulong upang alisin ang pamahiin atpaniniwala sa salamangka.o Hippocratic Oath – sinumpaang pangako ng mga nagtatapos ngmedisina.HEROPHILUS – Ama ng AnatomyERASISTARTUS – Ama ng PhysiologyKabihasnang RomeMalaki ang naiambag ng kabihasnang Rome sa ating panahon ngayon. Angmga kontribusyon nito ay makikita sa iba't ibang larangan, tulad ng batas,panitikan, arkitektura, tirahan, libangan, pananamit at agrikultura.Mga Ambag at Kontribusyon ng Kabihasnang RomanoPolitika at BatasAng mga Roma ay kinilala bilang mga pinakadakilang mambabatas ngsinaunang panahon. TWELVE TABLES – nakasaad dito ang mga karapatan ng mga mamamayanat mga pamamaraan ayon sa batas.

PanitikanAng panitikan ng Rome ay mga salin ng mga tula at dula ng Greece. Livius Andronicus- nagsalin ng Odyssey sa Latin Marcus Plautus at Terence-unang manunulat ng comedy Cicero –manunulat at orador na nagpahalaga sa batas. Ayon sa kanya, angbatas ay hindi dapat maimpluwensyahan ng kapangyarihan o sirain ng perakailanman Lucretius at CatallusArkiterturaAng mga Roman ang tumuklas ng semento. Marunong na rin silanggumamit ng stucco, isang plaster na pampahid at pantakip sa labas ng pader.Umaangkat sila ng marmol mula sa Greece. Ang arch na natutuhan ng mga Romanmula sa mga Etruscan ay ginagamit sa mga templo, aqueduct, at iba pang mgagusali. Ang gusali na ipinakilala ng mga Roman ay ang basilica, isang bulwagan nanagsisilbing korte at pinagpupulungan ng assembly. Mayroon din silangpampublikong paliguan at pamilihan na nagsisilbing tagpuan para sa mga negosyoat pag-uusap. Ito ay nasa forum, ang sentro ng lungsod. Coliseum- isang amphitheater para sa mga labanan ng mga gladiator.InhinyeraIpinakita ng mga Roman ang kanilang galing sa inhenyeriya. Nagtayo sila ngmga daan at tulay upang pag-ugnayin ang buong imperyo kabilang ang malalayonglugar. Marami sa mga daan na ginawa nila noon ay ginagamit pa hanggangngayon. Isang halimbawa ang Appian Way na nag-uugnay sa Rome at timog Italy.Gumawa rin sila ng mga aqueduct upang dalhin ang tubig sa lungsod.Mga Kabihasnan sa AfricaMatatandaan na ang Egypt ang isa sa mga pinakaunang lunduyan ngkabihasnan sa daigdig. Maliban sa Egypt, ang Axum ang kasalukuyang Ethiopia saSilangang Africa ay napatanyag din dahil sa naging sentro ito ng kalakalan.Binibisita ito ng mga mangangalakal mula sa Persia at Arabia. Umusbong din angmga estado sa rehiyon ng Sudan kung saan ang kanilang yaman ay dulot ngkanilang kapangyarihan sa kalakalang tumatawid sa Sahara. Kapwa nasaSilangang Africa ang dalawang kabihasnang ito.Ang Kanlurang Africa ay naging tahanan din ng mga unang kabihasnan.Dito umusbong ang Imperyo ng Ghana, Mali at Songhai.Mga Ambag at Kontribusyon ng mga Kabihasnan sa AfricaArkitektura Pyramyd (Egypt) Stelae- estrukturang gawa sa mga haliging bato na may disenyo namatatagpuan sa Axum. Ipinapatayo ito bilang parangal sa kadakilaan ngmga hari

PanitikanAng paraan ng panitikan at kasysayan sa Africa ay sa pamamagitan ngpasalita o oral tradition. The Epic of Sun-Jara- Epiko ng Aprika na patungkol sa kabayanihan niSundiata bilang tagapagtatag ng Imperyong Mali.Kabihasnang Klasikal ng MesoAmer

5. Ambag ng Kabihasnan sa mga Pulo sa Pasipiko Ang PANGKALAHATANG MGA LAYUNIN na hango sa Batayang Kurikulum (Curriculum Guide) ng K-12 (Grade 8) na iyong hahasain at makakamtan sa pag-aaral ng mga paksang nakapaloob sa aralin ay ang s

Related Documents:

Araling Panlipunan . ii Araling Panlipunan 2 ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan n Pangalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph.D. Consultant: –Ikalawang Baitang Patnubay ng Guro Unang Edisyon, 2013 ISBN: Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa .

Araling Panlipunan . 2 Araling Panlipunan 2 Ma. Ther Inilimbag sa Pilipinas ng _ Department of Eduction-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address: nd 2 Floor Dorm G, PSC Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072 E-mail Address: imcsetd@yahoo.com Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Consultant: Zenaida E. Espino .

Masusing Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan Ika-8 Baitang I. Layunin Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Nakapagsasabi ng dahilan at epekto ng unang yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo. 2. Naipapaliwanag ang iba

2 ARALING PANLIPUNAN 1 DRR LESSON EXEMPLAR Layunin Pagkatapos ng araling ito, inaasahan ang mga mag-aaral na: Matukoy ang kahulugan ng polusyon. Maisa-isa ang mga bahagi ng kapaligiran na naaapektuhan ng

Araling Panlipunan Grade 10 . Alternative Delivery Mode . Ikalawang Markahan- Modyul 3: Mga Dahilan at Epekto ng Migrasyon . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad ng Batas Republika 8293, Seksiyon 176na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang- sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung .

Araling Panlipunan. Ikalawang Markahan- Modyul 2: Mga Isyu sa Paggawa . II . Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pagaaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa - kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay .

Araling Panlipunan Ikalawang Markahan - Modyul 5: Interaksiyon ng Demand at Supply Z est for P rogress Z eal of P artnership 9 Name of Learner: _ Grade & Section: _ Name of School: _ Alamin Ang pinakatiyak na layunin ng modyul na ito ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa interaksiyon ng demand at supply. Mula sa mga inihandang gawain at .

Ang Araling Panlipunan ay pag-aaral ng mga tao at grupo, komunidad at lipunan, kung paano sila namuhay at namumuhay, ang kanilang ugnayan at interaksyon sa kapaligiran at sa isa’t isa, ang kanilang mga paniniwala at kultura, upang makabuo ng pagkakakilanlan bilang Pilipino, tao at miyembro ng lipunan at mundo at maunawaan ang sariling lipunan at ang daigidig, gamit ang mga kasanayan sa .