Unang Markahan Modyul 12: Angkop Na Kilos Sa Maunlad Na .

2y ago
555 Views
32 Downloads
1.11 MB
29 Pages
Last View : 18d ago
Last Download : 2m ago
Upload by : River Barajas
Transcription

8Edukasyon saPagpapakataoUnang Markahan – Modyul 12:Angkop na Kilos sa Maunlad naKomunikasyong Pampamilya

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong BaitangAlternative Delivery ModeUnang Markahan - Modyul 12: Angkop na Kilos sa Maunlad na KomunikasyongPampamilyaUnang Edisyon, 2020Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ngkarapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailanganmuna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung itoay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan ayang pagtakda ng kaukulang bayad.Ang mga akda (kwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brandname, tatak o trademark, palabas sa telebsyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na itoay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upangmakuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala atmga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito aykinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag saanomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Leonor Magtolis BrionesPangalawang Kalihim: Diosdado M. San AntonioBumuo sa Pagsusulat ng ModyulManunulat:Jezzine F. Salar, Judith Ecoben,Editor:Emelinda L. Raza, Mark Lorenz C. LuibTagasuri:Elizabeth M. Ysulan, Saturnino C. Mutia, Concorde Alber J.Deniega, Jean C. Caluyong, Linda T. Geraldino, Junny D. Ramirez,Rashiel Joy F. Lepaopao, Megie M. Lillo, John Rey C. ClarionTagaguhit:Mark Lorenz C. LuibTagalapat:Nerissa G. Ga, Mark Lorenz C. LuibTagapamahala:Francis Cesar B. BringasIsidro M. Biol Jr.Maripaz F. Magno,Josephine Chonie M. ObseňaresLope C. PapelerasMichael C. PasoJuan Jr. L. EspinaInilimbag sa:Department of Education - Caraga RegionOffice Address:Telefax No.:Email Address:Teacher Development CenterJ.P. Rosales Avenue Butuan City, Philippines 8600(085) 342-5969caraga@deped.gov.ph

8Edukasyon saPagpapakataoUnang Markahan – Modyul 12:Angkop na Kilos sa Maunlad naKomunikasyong Pampamilya

Paunang SalitaPara sa Tagapagdaloy:Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ngAlternative Delivery Mode (ADM) Modyul 12 para sa Aralin 1 - Angkop na Kilos saMaunlad na Komunikasyong Pampamilya!Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mgaedukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, anggurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayangitinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinatatagumpayan ang pansarili,panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral samapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit angmga kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mgapangangailangan at kalagayan.Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo angkahong ito sa pinakakatawan ng modyul:Mga Tala para sa GuroIto'y naglalaman ng mga paalala, panulongo estratehiyang magagamit sa paggabay samag-aaral.Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman angmag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayanat itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilangsariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin atgabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob samodyul.ii

Para sa Mag-aaral:Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ngAlternative Delivery Mode (ADM) Modyul 12 para sa Aralin 1 - Angkop na Kilos saMaunlad na Komunikasyong Pampamilya!Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon, at layunin.Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, atmagsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo naikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mgakaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay aynakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layuninnitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.AlaminSa bahaging ito, malalaman mo ang mgadapat mong matutuhan sa modyul.SubukinSa pagsusulit na ito, makikita natin kungano na ang kaalaman mo sa aralin ngmodyul. Kung nakuha mo ang lahat ngtamang sagot (100%), maaari mong laktawanang bahaging ito ng modyul.BalikanIto ay maikling pagsasanay o balik-aralupang matulungan kang maiugnay angkasalukuyang aralin sa naunang leksyon.TuklasinSa bahaging ito, ang bagong aralin ayipakikilala sa iyo sa maraming paraan tuladng isang kwento, awitin, tula, pambukas nasuliranin, gawain o isang sitwasyon.SuriinSa seksyong ito, bibigyan ka ng maiklingpagtalakay sa aralin. Layunin nitongmatulungan kang maunawaan ang bagongkonsepto at mga kasanayan.iii

PagyamaninBinubuo ito ng mga gawaing para samalayang pagsasanay upang mapagtibay angiyong pang-unawa at mga kasanayan sapaksa. Maaari mong iwasto ang mga sagotmo sa pagsasanay gamit ang susi sapagwawasto sa huling bahagi ng modyul.IsaisipNaglalaman ito ng mga katanungan opupunan ang patlang ng pangungusap otalata upang maproseso kung anongnatutuhan mo mula sa aralin.IsagawaIto ay naglalaman ng gawaing makatutulongsa iyo upang maisalin ang bagong kaalamano kasanayan sa tunay na sitwasyon orealidad ng buhay.TayahinIto ay gawain na naglalayong matasa omasukat ang antas ng pagkatuto sapagkamit ng natutuhang kompetensi.KaragdagangGawainSa bahaging ito, may ibibigay sa iyongpanibagong gawain upang pagyamanin angiyong kaalaman o kasanayan sa natutuhangaralin.Susi sa PagwawastoNaglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahatng mga gawain sa modyul.Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:SanggunianIto ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sapaglikha o paglinang ng modyul na ito.Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumangmarka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papelsa pagsagot sa mga pagsasanay.2. Huwag kalimutang sagutan ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaingnapapaloob sa modyul.3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain atsa pagwawasto ng mga kasagutan.5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nangsagutan lahat ng pagsasanay.Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutan ang mga gawain sa modyul na ito,huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari kaiv

ring humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sinoman sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim saiyong isipang hindi ka nag-iisa.Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ngmakahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sakaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!v

AlaminMatagumpay ang araw-araw sa pakikibaka sa buhay kung sa bawatpagkakataon at karanasan ay may natutunan ang tao. Bagaman ang karanasang itoay limitado lamang kung hindi magawang makipag-ugnayan ng tao sa kanyangkapwa o sa lipunan.Ang pakikipag-ugnayang ito ay nagsisimula sa sariling pamilya o tahanan nakung saan ay unang nalilinang ang mga pagpapahalagang nakatutulong sapagkakaroon ng kakayahang makisalamuha sa iba. Gayun pa man ang mgapagpapahalagang natutunan sa pakikisalamuha ay nakatutulong sa ikauunlad ngsarili at pamilya.Sa ugnayang ito ay mahalagang matutunan ang tungkol sa kahalagahan nangmaayos na komunikasyon, pagkakaroon o kawalan ng bukas na komunikasyon atmga uri at antas ng komunikasyong umiiral sa pamilya at lipunan bilangpangkalahatan na nakapaloob sa mga naunang modyul. Datapwat mas magandakung ang mga kaalamang ito ay maisasakilos at maipapamalas upang makamit angtunay o ganap na pagkakaunawaan at pagkakaisa na nagpapatibay sa ugnayan orelasyon sa pamilya at kapuwa.Ngayon, ihanda ang sarili sa pagsasagawa ng mga angkop na kilos namakapagpapaunlad sa komunikasyong umiiral sa sariling pamilya.Sa modyul na ito ay malilinang ang kasanayang pampagkatuto na:a. Naisasagawa mo ang mga angkop na kilos tungo sa pagkakaroon atpagpapaunlad ng komunikasyon sa pamilya. (EsP8PB-If-3.4)1

SubukinMaraming PagpipilianBasahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot.Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.1. Ano ang mabisang paraan upang ang isang pamilya ay magkakaintindihan?A. Ang bawat miyembro ay bukas palad.B. Ang bawat miyembro ay bukas sa pagtulong.C. Ang bawat miyembro ay bukas sa pagsisikap.D. Ang bawat miyembro may bukas na kumunikasyon.2. Ano ang nararapat gawin bilang isang ina kung napapansin mo na balisa angiyong anak at tila ay may bumabagabag?A. hayaan siyang magkwentoB. palilipasin muna ang kanyang nararamdamanC. kakausapin siya at bigyan ng payo kung kinakailanganD. tatanungin siya kung masama ba ang kaniyang pakiramdam3. Bilang isang mabuting magulang, paano mo maitataguyod ang pagkakaroonnang maayos na komunikasyon sa pamilya?A. Maging mapagmatyag ka sa kilos ng bawat miyembro.B. Hikayating maging bukas ka sa saloobin anumang oras.C. Makinig ka lamang sa malapit na miyembro ng pamilya.D. Wala kang pakikinggan kapag may hidwaang nagaganap.4. Paano masasabi na maunlad ang komunikasyon ng isang pamilya?A. kapag pabalang na sumagot sa katanunganB. kapag naninindigan kahit mali ang paniniwalaC. kapag sumagot nang walang pag-unawa sa sitwasyonD. kapag malayang makapagbigay ng pansariling pananaw5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng angkop na kilos tungo sapagkakaroon at pagpapaunlad ng komunikasyon sa pamilya?A. pagkaiinggit sa natamo ng ibaB. paglilihim ng problema sa mga magulangC. pagbibigay ng pantay na pagtingin o hatolD. pagpapakita ng pagsang-ayon sa lahat ng oras2

6. Ano ang nararapat gawin kung napagalitan ka ng iyong ina dahil umalis ka nangwalang paalam?A. lalambingin ito at aaluinB. hihingi ng dispensa o paumanhinC. hahayaan na lamang na magagalit itoD. iiyak nang malakas upang mapatawad7. Ano ang nararapat gawin kung nakita mong hindi sinasadyang nabasag ng iyongkapatid ang mamahaling vase na collection ng iyong ina?A. tatakutin at isusumbongB. sisigawan at pagagalitanC. isusumbong agad sa magulang ng mapagalitanD. pakalmahin at payuhang magtapat sa magulang8. Ano ang nararapat gawin kung napansin palaging pinapaburan ng iyong mgamagulang ang iyong bunsong kapatid?A. pagselosan mo ang bunsong kapatidB. aawayin ito nang madalas hanggang sa mapansinC. kakausapin ang magulang at ipagtapat ang napunaD. Kakausapin ang magulang at sabihing ikaw ang mas magaling9. Ano ang nararapat gawin kung nagalit ang iyong ama dahil pinakialaman mo angkanyang gamit na hindi nagpapaalam?A. magalit din sa kanyaB. yayakapin ang ama at iiyakC. magkunwaring walang alamD. makinig sa pangaral at humingi ng paumanhin10. Paano mapauunlad ang komunikasyon sa pamilya?A. Ipilit ang nais mangyari.B. Pakinggan ang panig ng bawat isa.C. Isaalang-alang ang pansariling desisyon.D. Sabay-sabay na magsasalita ang pamilya.11. Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng magulang sa pagtuturo ngangkop na kilos?A. dahil ang kanilang mga ipinakikitang kilos at gawi ang tutularan ng mgabataB. dahil sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal sa pag-aaral atkaalamanC. dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng isang bata sa pagtamo ngkaalamanD. dahil magulang ang unang tagapaghubog sa pagpapahalaga o buongpagkatao ng isang bata3

12. Ano ang ipinakikita sa paglalahad ng katuwiran sa pakikipagkomunikasyon sapamilya?A. kaangasanB. kapangahasanC. katapanganD. paninindigan13. Alin sa sumusunod ang nagsisilbing tagapag-ugnay ng bawat tao?A. komunikasyonB. koneksiyonC. kumunidadD. pagmamahal14. Anong pagpapahalaga ang lubos na maipapakita sa pagkakaroon ng bukas nakomunikasyon?A. pagiging makataoB. pagiging magalangC. pagiging matapangD. pagiging maka-Diyos15. Kanino unang natutuhan ng bata ang mga pagpapahalaga bilang tao?A. guroB. pamilyaC. pariD. prinsipal4

Aralin1Angkop na Kilos sa Maunladna KomunikasyongPampamilya“Ang magandang tahanan ay hindi nakikita sa magandang gusali at mga palamuti.Nakikita ito sa kagandahan ng pagsasama ng pamilyang nasa loob nito.”-AnonymousNgayon, subukin sa Balikan ang natutuhan mo sa nakaraang modyul upanghindi ka mahirapan sa pag-unawa sa konseptong tatalakayin sa panibagong aralin.BalikanGawain 1. Iugnay Mo!Suriin ang mga konsepto sa Hanay A at iugnay ito sa mga antas ngkomunikasyon sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.Hanay AHanay B1. pakikinig sa sariliA. organisasyonal2. pagpupulong ng mga guroB. interpersonal3. pakikipag-usap sa katabing kaklaseC. pampubliko4. pagtatalumpati ng punong-barangayD. intrapersonalsa pista ng kanilang nayon.E. pangmasa5. paghahatid ng balita sa panahonF. pangkaunlaran5

Gawain 2. Mangatwiran Ka!Sagutan ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.1. Makatutulong ba ang kaalaman sa antas ng komunikasyon sa pagsasagawa ngangkop na kilos sa pagkakaroon o pagpapaunlad ng komunikasyon sa pamilya?Pangatwiranan.Rubriks sa Pagmamarka ng PangangatwiranPamantayanNapakahusay(10 puntos)Mahusay(7 puntos)Malinaw nanaipahayagang mensaheat kaisipanMalinaw nanakapaglahad ngideya at sapat napangatwiran angkatanungan hinggilsa kahalagahan ngantas ngkomunikasyonNapakaayos angpagkakasunodsunod ng ideya satalataDi- gaanong malinawna nakapaglahad ngideya atnapangatwiranan angkatanungan hinggil sakahalagahan ng antasng komunikasyonOrganisasyonng IdeyaMaayos angpagkakasunod-sunodng ideya sa talataKabuoangpuntos 206Nangangailanganng Pag-unlad(5 puntos)Hindi malinawang pagkalahadng ideya at hindinapangatwirananang sagotHindi maayos angpagkakasunodsunod ng ideyasa talata

Mga Tala para sa GuroKung matagumpay na naisagawa ng bata ang gawaing nasaBalikan ay hayaan siyang magpatuloy sa kasunod na gawain.Kung hindi naman, pabalikan ang sinundang modyul.7

TuklasinGawain 3. Ipapahiwatig Ko! Kahulugan Nito!Basahin at unawain ang tula. Sagutan ang kasunod na mga katanunganpagkatapos. Isulat ang sagot sa sagutang papel.Komunikasyong Pampamilya Paunlarinnina R. Dador, M. Lillo, R. Lepaopao, J. Salar, J. Clarion at J. EcobenPamilyang kinalakihan‘Di pinili, sadyang kinamulatanPanlabas at panloob na katangianHinubog, inagapayMabuting gawi, tayo’y sinanayMga asal na dapat taglayin sa buhayMaalalahanin, mapagmahal at mapagbigayItinuro nang walang humpaySa pamilya ay masasalaminPag-aaruga’y dapat gawinPangungumusta, paggalang palaganapinPagiging tapat ipamalas dinPampamilya usapingSa tahana’y panatilihinHidwaa’y alisin, respeto’y pairalinNang solusyo’y mamalasin natinUpang sarili sa lungkot ‘di makulongPaunlarin bukás na komunikasyonPagkamalikhain taglayin, maging sa simpleng gawainKung may tampuhan, masarap na pagkain ay ihahainO di kaya’y maghunos-diliIlagay muna sa kondisyon ang sariliAngkop na asal at kilos, taglaying lubosKaunlaran ng komunikasyong pampamilya, tiyak maaabot!8

Gabay na Tanong:1. Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng may-akda?2. Paano mapaunlad ang komunikasyong pampamilya?3. Para sa iyo, ano ang taglay mong angkop na kilos na magpapaunlad sa inyongkomunikasyong pampamilya?SuriinSinasabing ang pamilya ay pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo sapagmamahalan ng isang babae at isang lalaki na nauuwi sa isang simple omagarbong kasalan upang maging legal sa batas, mata ng tao at may panalangin saDiyos.Matapos maisilang ang isang sanggol, ang pamilya ang tanging sandiganhanggang sa paglaki nito. Ito ang unang humubog sa pagkatao ng mga Pilipino.Samakatuwid pamilya ang unang guro ng mga kabataan samantalang tumatayongpangalawang magulang naman ang mga guro.Maraming mukha ang pamilya may masaya o malungkot na siyangsumasalamin kung papaano pinapahalagahan ng mga kasapi ng isang pamilya sapagsasagawa ng kilos. Batay sa tula na nabasa, magiging masaya kung may bukasna komunikasyon na maipakikita sa mga kilos tulad ng pagiging maalalahanin,magalang, tapat, pagrespeto at pagmamahal. Samantala magiging malungkot angisang pamilya kung walang pakialam sa bawat miyembro nitoKung bibigyan ka ng pagkakataong pumili ng pamilya, alin ang iyong pipiliin?Hindi ba’t ninanais ng lahat ang mapabilang sa masayang pamilya? Ngunit sareyalidad bawat pamilya ay may kahinaan na kinakailangang punan at payabunginsa pamamagitan ng pagsasabuhay ng angkop na kilos.Ang sumusunod ay ilan lamang sa mga angkop na kilos na kailangangtaglayin upang mapaunlad ang komunikasyong pampamilya:a.Pagiging matapat sa salita at sa gawaIsa sa mga birtud na taglay ng isang tao ay maging tapat sa lahat ngpanahon. Kung maiiwasan ang pagsisinungaling, pandaraya at pagsisiwalatng maling akusasyon sa kapuwa, mas magkaroon ng pagtitiwala ang mgakasapi ng pamilya. Sa madaling salita, ang taong hindi nagsisinungaling aymas umaani ng tiwala sapagkat hindi makaduda-duda ang kilos o gawi.b. Paninindigan sa paniniwalaNatatangi sa isang pamilya na may paninindigan sa binibitiwangpahayag sapagkat nasusukat nito ang integridad ng tao. Ibig sabihin,masasalamin sa pananalita at kilos ang prinsipyo bilang tao. Batid nito kung9

kailan magbibigay ng kanyang pagsang-ayon o pagtutol sa isang kilos,pangyayari o sitwasyon.c.Pagbibigay ng pantay na pagtingin o hatolNapansin mo ba na kung ang miyembro ng pamilya ay nagpamalas ngpantay na pagtingin o walang kinikilingang panig ay mas kampanti ang buongpamilya na tama ang paghatol. Nangangahulugan lamang ito na natamo angtiwala sa ipinakitang kilos.d.Pagpapakita ng respetoAng pagsasaalang-alang ng pagbibigay halaga sa ideya ay isang paraanng pagpapakita ng respeto sa pamilya. Maiiwasan din ang pagtatalo sapagitan ng dalawang magkaibang panig. Higit sa lahat mas mapapadali angusapan kung ang bawat panig ay marunong makinig at bukas sa pagtanggapng ideya.e.Pag-ako ng responsibilidadKahanga-hanga ang taong may paninindigan sa kanyang gawi. Ibigsabihin, positibo o negatibo man ang resulta ng kanyang kilos ay maypananagutan siya rito. Ito ay magdadala ng katiwasayan sa isang pamilyasapagkat maiiwasan ang sisihan kung sino ang talagang may sala sa isangproblema.f.Pagpapakita ng malikhaing pag-iisipNag-iisip ang isang tao ng ibang kaparaanan sa paglalahad ng ideya atnararamdaman. Halimbawa, ang pagbibigay ng bulaklak bilang paraan ngpaghingi ng tawad sa nakagalitan.g.Pag-aalala at pagmamalasakitIpinakikita ang nararapat na kilos sa isang sitwasyon. Halimbawa,pakikiramay sa pinagdadaanan ng isang tao sa pamamagitan ng pagbahaging mga salitang magpapalakas sa kanya. Pagbibigay ng payo upang masmakapag-isip hinggil sa kanyang desisyon na gagawin ngunit pagbibigay parin ng kalayaang magpasya sa bandang huli.h.Malayang pagpapahayag o pagiging bukasAng pagiging bukas sa kanyang sariling saloobin ay nagpapakita ngmatapang na pagtanggap sa opinyon at mungkahi ng ibang tao batay sakanyang iniisip o isinagawang kilos. Ito ay hudyat ng pagiging totoo sa sariliat sa iba. Hindi dapat isipin ng kasapi na ang opinyon o reaksyon ng ibangmiyembro ng pamilya sa kanyang kilos ay isang paninirang puri o paghila sakanya pababa at pagdidikta bagkus ito ay positibong titingnan na masmapaunlad ang sarili.i.Pagiging masaya sa kaligayahan ng ibaAng kilos na ito ay magbibigay ng katiwasayan sa pamilya sapamamagitan ng pagpapakita ng wagas na kaligayahan sa natamongtagumpay. Maiiwasan ang pagiging mainggitin at pagiging kontrabida sanatamong tagumpay ng iba.10

P

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan - Modyul 12: Angkop na Kilos sa Maunlad na Komunikasyong Pampamilya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anuman

Related Documents:

Musika – Unang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Sukat ng Pulso Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng kar

Unang Markahan – Modyul 10: Komunikasyon ng Pamilya Unang Edisyon, 2020 . ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay . Ngayon ay nasa ikalawang aralin ka ng modyul na ito. Huwag m

Unang Markahan – Modyul 2: . 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Katapatan sa Sariling Opinyon Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan

Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Mga Hakbang Sa Pagbuo Ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan Unang Edisyon, 2020 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na: “Hindi maaaring magkaroon ng kar

Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaro

accounting equation as shown above. The accounting equation is a simple expression of the fact that at any point in time the assets of the entity will be equal to its liabilities plus its equity. The transactions of a new business entity in its first five days are as follows: Required: