Edukasyon Bilang Tagpuan Ng Katwirang Lungsod At

2y ago
618 Views
18 Downloads
658.58 KB
16 Pages
Last View : 1m ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Maxton Kershaw
Transcription

KRITIKE VOLUME TEN NUMBER ONE (JUNE 2016) 83-98On Filipino Philosophy and CultureEdukasyon bilang Tagpuan ng KatwirangLungsod at Katwirang LalawiganNoel L. ClementeAbstract: The city-province distinction is usually construed ineconomic terms: the city is the center of consumption and wealth, whilethe province the center of production and raw materials. In this paper,I propose that we can also draw the distinction epistemologically;instead of distinguishing between city-dwellers and provincedwellers, we can talk about city-minded and province-minded people.In this perspective, we discover the crucial position of education as theparadoxical interplay of the city mentality and province mentality.After examining this “paradox of education” as witnessed inPhilippine history, especially during the Spanish and Americanoccupations, I suggest that we can resolve the paradox by developingour system of education towards a more “nationalistic education,” asper Renato Constantino.Keywords: Constantino, Rodriguez, city, educationKaramihan, kung hindi man lahat, ng mga lungsod sa kasaysayan ngmundo ay naitaguyod bílang sentro ng kalakalan. Dahil may labis nalikás-yaman at produktong hindi kailangang gugulin agad-agad,iniimpok ito, at ikinakalakal, at nagkakaroon ng kíta, na kailangang tipuninsa isang kabisera: ang lungsod. Kayâ naman, maraming sosyologo anggumuguhit ng pagkakaiba ng lungsod at lalawigan sa ekonomikong batayan.Subalit maaari rin nating pagtambisin ang lungsod at lalawiganbatay sa epistemolohikong perspektiba. Hindi natin maikakailang malakiang pagkakaiba ng uri ng pangangatwiran ng mga tagalungsod attagalalawigan. Kung tatanawin natin ang kalagayan ng mga lungsod ngFilipinas sa ganitong pananaw, 1 matutuklasan nating edukasyon ang siyangnamamamagitan sa dalawang magkaibang katwiran.1 Hindi ko sinasabing epistemolohiko ang angkop o mas tamang batayan ngdistinksiyon ng lungsod at lalawigan. Hindi ko pangunahing haka sa papel na ito ang paglapatng epistemolohikong lente, sa halip, isa itong palagáy ng aking punto: kung pagtatambisin natin 2016 Noel L. Clementehttp://www.kritike.org/journal/issue 18/clemente june2016.pdfISSN 1908-7330

84EDUKASYON BILANG TAGPUANSa papel na ito, nais kong suriin ang kabalintunaang kaakibat ngedukasyon bílang tagpuan ng katwirang lungsod at katwirang lalawigan. Saunang bahagi, ipapaliwanag ko ang gamit ng katwiran bílang balangkas ngpag-unawa ng isang tao, at ipapakita ang sapantaha kong magkasalungat ngaang katwiran ng lungsod at lalawigan. Sa ikalawang bahagi, ilalatag ko angkabalintunaan ng edukasyon na kalakip ng pagiging tagpuan ng dalawangkatwiran, na matutunghayan natin sa kasaysayan hanggang kasalukuyan.Bilang pagtatapos, magmumungkahi ako ng mga maaari nating gawin upangsamantalahin itong posibilidad ng edukasyon sa pagtawid sa dalawangkatwiran, tungo sa tinatawag ni Renato Constantino na “makabayangedukasyon.”Ang Lungsod at Lalawigan bílang Magkaibang KatwiranKatwiran bílang Balangkas ng Pag-unawaKaraniwang ginagamit ang salitang “katwiran” bílang paliwanag ngisang bagay. Halimbawa, hinihingan ng mga guro ng katwiran ang mga magaaral na lumiliban sa klase. Mas halata ang ganitong gamit ng katwiran samga araling pang-akademiko: grabedad, halimbawa, ang katwiran ngpagkahulog ng anumang bagay sa lupa matapos bitiwan sa ere. Kadalasan,iniuuwi sa agham at matematika ang mga “makatwirang” pahayag:makatwiran ang anumang maipapaliwanag ng pag-eeksperimento atpagbibiláng. Samantala, hindi itinuturing na makatwiran ang mga pamahiinat mga relihiyon, dahil wala silang siyentipikong batayan.Higit na malawak ang saklaw ng “katwiran” na gagamitin ko sapapel na ito. Ayon kay Agustin Rodriguez, ang katwiran ang siyang“nagbabalangkas ng ating praktikal at teoretikal na pag-unawa sa mundo, saating pagkilala ng mabuti sa nararapat.”2 Dalawang antas ang inilawak ngganitong depinisyon sa palasak na pag-unawa natin sa “katwiran” naipinaliwanag ko sa nakaraang talata. Una, hindi lámang yaong mgasiyentipikal at matematikal ang maituturing na makatwiran. Totoo namangmakatwiran ang agham at matematika, ngunit kailangang igiit namakatwiran lámang ito para sa mga táong nakauunawa at nag-iisip saganitong balangkas. At natural ding ituturing nilang hindi makatwiranyaong mga hindi sumasang-ayon sa kanilang katwiran. Ngunit sa teoriya niRodriguez, hindi lang agham at matematika ang makatwiran. Tingnan natin,bílang halimbawa, ang mga pamahiin ng mga katutubong Filipino. Dahilang dalawa batay sa kanilang pag-iisip, kritikal ang edukasyon bílang tagpuan ng dalawangkatwiran.2 Agustin Martin G. Rodriguez, May Laro ang Diskurso ng Katarungan (Quezon City:Ateneo de Manila University Press, 2014), 116. 2016 Noel L. Clementehttp://www.kritike.org/journal/issue 18/clemente june2016.pdfISSN 1908-7330

N. CLEMENTE85naniniwala sila sa iba’t ibang espirito at diyos, ipinapaliwanag nila angkanilang mga karanasan batay sa mga diyos na ito. Sa gayon, ang kanilangrelihiyon ang kanilang katwiran. Kung may nagkasakít na bata, halimbawa,naniniwala silang may nagambala o napinsala silang espiritu, at bílangparusa, isinumpa ng espiritu ang katawan ng bata. Ganito nila inuunawa angmga karamdaman. Hindi natin sila masisisi, dahil wala pa naman silangkaalaman sa mga bacteria at virus, at ang tanging batayan ng mga hindi nilamaipaliwanag ay ang sobrenatural.Ang ikalawang antas ng paglawak: hindi lamang intelektuwal oteoretikal ang saklaw ng “katwiran” ayon sa gámit ni Rodriguez; kabilangdito ang praktikal na dimensiyon. Kayâ naman, mahalagang aspekto ngkatwiran ang sistema ng pagpapahalaga ng mga tao. 3 Ginagabayan ngbalangkas ng pagpapaliwanag ng tao sa kaniyang kapaligiran ang kaniyangpagpapasiya kung ano ang dapat at hindi dapat gawin. Dagdag sahalimbawa ko sa nakaraang talata, dahil nga ipinapaliwanag nila angkaramdaman bilang kaparusahan ng espiritung nagambala, nagbibigay silang alay para sa espiritu bílang kabayaran sa kanilang paggambala rito. Kungtatanggapin ng espiritu ang alay, naniniwala silang babawiin niya ang sumpasa katawan ng bata, na ikagagaling nito.Bago ako tumungo sa paglalarawan ng katwiran ng mgatagalungsod at ng mga tagalalawigan, nais kong banggitin ang isa pangmahalagang punto: isinisilang tayo sa isang katwiran; hindi natin ito pinipili. 4Sasabihin ni Martin Heidegger: itinapon tayo sa isang katwiran. Ipinanganaktáyong kabilang sa isang kultura na may nakatatag nang katwiran, atminamana natin ang ganitong katwiran. At sapagkat nasanay táyongtanawin ang mundo at ating mga karanasan sa ating katwiran, hindi natinnaiisip na may umiiral na ibang katwiran. Minsan, masaklap ngang kapagtiningnan na natin ang ibang katwiran, itinuturing natin siláng mali, o masmababa kaysa ating katwiran.5Bílang paglalagom, gagamitin ko ang “katwiran” sa papel na itobílang balangkas ng teoretikal at praktikal na pag-unawa ng isang tao samundo. Itinatapon ang tao sa kaniyang katwiran, at sapagkat parati niyangtinitingnan ang katalagahan ayon sa kaniyang katwiran, nakakaligtaanniyang may umiiral na ibang katwiran, at kung makatagpo man siya ng ibangkatwiran, madalas, itinuturing niya itong depektibo, kung hindi man mali.3 Ibid., 107-115. Ginamit ni Rodriguez ang pananaw ni Max Scheler ukol sa mga halagabílang bumubuo sa aspekto ng kalooban.4 Ibid., 95. Igigiit ni Rodriguez na sa isang banda, pinipili rin natin ang ating katwiran,kapag nagkaroon tayo ng karanasang magtutulak sa atin upang kuwestiyonin at tanggihan angnakagawiang katwiran. Hindi ko ikinakaila ang puntong ito, pero bílang paunang depinisyon sagamit ko ng “katwiran,” sapat na muna ang pagsabing hindi natin ito pinipili sa simula.5 Ibid., 96. 2016 Noel L. Clementehttp://www.kritike.org/journal/issue 18/clemente june2016.pdfISSN 1908-7330

86EDUKASYON BILANG TAGPUANDalawang Magkaibang Katwiran ng Lungsod at LalawiganMas madaling mauunawaan ang “katwiran” ni Rodriguez sa mgakongketong halimbawa. Sa kaniyang pagpapaliwanag, nagbigay siya ngdalawang magkasalungat na katwiran na maaari nating ihalintulad mamayasa katwirang lungsod at katwirang lalawigan.Malaki ang pagpapahalaga ng mga táong relihiyoso sa kabanalan.Naniniwala siláng may (mga) umiiral na higit sa kanila, na masmakapangyarihan at mas tumatagal kaysa mga mortal. Iginagalang nila angmga puwersang ito, kayâ naman naniniwala siláng hindi tao ang nagtatakdang kahulugan at katalagahan. Samantala, mataas naman ang tingin ng mgatáong sekular sa sangkatauhan. Para sa kanila, tao, at hindi mga diyos, anito,at espirito, ang siyang nagdidikta ng kahulugan. Naniniwala silang malayaang tao na manipulahin ang kalikasan at panahon ayon sa kaniyangpagpapasiya ng ano ang mahalaga. 6Siyempre, hindi naman natin maiuuwi ang katwirang lungsod sakatwirang sekular, at ang katwirang lalawigan sa katwirang relihiyoso; masmalalim ang pagkakaiba sa pananaw sa kalawakan. Ngunit maaari natingsimulan ang pagguhit ng dalawang katwiran sa halimbawang ito niRodriguez.7 Simulan natin sa katwirang lungsod. Bílang mga nakatira sasentro ng kalakalan, at sa gayon sa sentro ng paggawa at pananalapi, maykáya ang karaniwang tagalungsod. Minsan, higit pa sa may káya, maunladang kaniyang katayuan sa búhay. Dahil dito sa kakayahan niyang kumita ngpera at sa karanasan ng maginhawang búhay, malaki ang pagpapahalaganiya sa mga materyal na bagay. Kayâ naman, palasak sa lungsod angkaisipang kumikiling sa kung ano ang mapagkakakitaan. Ito ang dahilankung bakit sikát at kaakit-akit sa lungsod ang pagiging maalam sapananalapi, sa medisina, o sa abogasya. Nakatuon sila sa pagkakaroon ngsapat na yaman, hindi lang upang mabuhay, kundi para maging“komportable” ang búhay: may sariling tirahan, kotse, at iba pang ari-arian.Samakatwid, maiuugnay natin ang katwirang sekular sa mga tagalalawigan:sapagkat hahamak sila upang kumita, naniniwala siláng tao—sila—ang maykapangyarihan sa mundo.8Kasalungat nito ang katwirang lalawigan. Malayo sa kasukdulan ngimpluwensiya ng ating mga mananakop, napanatili ng karamihan sa atingmga tagalalawigan ang kanilang mga katutubong tradisyon. Sa gayon,Ibid., 94.Sa paglalarawan ng katwiran ng mga tagalungsod at ng mga tagalalawigan, hindi kosinasabing ganito ang katwiran ng bawat isang tagalungsod o tagalalawigan. Inilalarawan kolang ang nangingibabaw na uri ng pag-iisip ng dalawang pangkat ng taong nabanggit.8 Hindi ko sinasabing magkatumbas ang katwirang lungsod at katwirang sekular;sinasabi ko lang na magkaugnay sila; may mga aspektong magkakatulad, marahil.67 2016 Noel L. Clementehttp://www.kritike.org/journal/issue 18/clemente june2016.pdfISSN 1908-7330

N. CLEMENTE87maipagpapalagay nating makakalikasan at relihiyoso ang karaniwangtagalalawigan.9 Marami sa kanila ang tradisyonal na magsasaka omangingisda, kayâ malaki ang pagpapahalaga nila sa lupa at karagatan.Payak ang kanilang materyal na búhay, at hindi sila nakikipagkumpetensiyasa mga ari-arian. Ginagalang din nila ang kanilang diyos at mga ninuno, athitik ang kanilang kultura sa mga pamahiin.Samakatwid, sa isang simplistikong pananaw, maaari natingsabihing materyalistiko at indibidwalistiko ang katwirang lungsod,samantalang relihiyoso at kolektibo ang katwirang lalawigan. Sa ganitongperspektiba, maaaring may mga naninirahan sa lungsod na may katwiranglalawigan (e.g., mga iskwater na namumuhay malapít sa mga pamilya atkamag-anak at kumakapit pa rin sa mga katutubong paniniwala at tradisyon)o mga tagalalawigang may katwirang lungsod (e.g., mga hacienderongnagpapasiya batay sa materyal na pagsasaalang-alang). Sa gayon,napagtatambis natin, hindi kung sino ang tagalungsod at tagalalawigan,kundi sino ang isip-lungsod at isip-lalawigan.10Hindi ko hahamaking magbigay ng komprehensibong paglalarawanng katwirang lungsod at katwirang lalawigan sa papel na ito.11 Sapat nangmakita nating may umiiral na dalawang magkaibang katwiran na humahatisa kinikilala nating lungsod at lalawigan.IAng Kabalintunaan ng Edukasyon, Mula Noon Hanggang NgayonNgayong naipaliwag ko na ang epistemolohikong perspektiba ngpagtingin sa lungsod at lalawigan, matatatap nating nagtatagpo itongdalawang katwiran sa paaralan. 12 Dala ng isang karaniwang batà angkatwirang lalawigan kapag pumasok siya sa paaralang nahubog na ng9 Mas mailap ang ideya ng “karaniwang tagalalawigan” kaysa “karaniwangtagalungsod” sapagkat marami táyong magkakaibang lalawigan sa bansa, ngunit sasapat na angganitong paglalarawan sa pakay ng papel na ito.10 Maaaring magtunog mapanghusga ang mga katagang “isip-lungsod” at “isiplalawigan” na para bang itong dalawa lang ang maaaring pagpilian at walang puwang sabahagya. Bagaman may mga kilos at salita na mailap tukuyin kung katwirang lungsod atkatwiran lalawigan ba ang pinagmulan, igigiit kong sa pangkalahatan, nakikilala naman natinang pagkakaiba ng dalawang kaisipang ito.11 Maaaring palawigin ang pagtatambis ng katwirang lungsod at katwirang lalawigankung titingnan ang kaibhan ng katwirang postmoderno na laganap sa Kanluran, at angkatwirang premoderno na umiiral sa bansa, ayon sa argumento ni Demeterio. See F.P.A.Demeterio III, “Our Premodernity and Their Tokens of Postmodernity: Reflections on thePhilippine Condition,” in Academia, https://www.academia.edu/7340227/Our Premodernityand their Tokens of Postmodernity Reflections on the Philippine Condition , 21 March2016.12 Yaong mga pormal na paaralan, na sumasailalim sa DepEd at CHED ang tinutukoyko rito. Kung tutuusin, hindi natin matatawag na “pormal na edukasyon” ang pag-aaral sa bahaydahil hindi estandardisado ang kaniyang inaaral doon. 2016 Noel L. Clementehttp://www.kritike.org/journal/issue 18/clemente june2016.pdfISSN 1908-7330

88EDUKASYON BILANG TAGPUANkatwirang lungsod, sa tulong ng pagkakaroon ng standard curriculum ngDepEd at CHEd para sa lahat ng paaralan ng bansa. Sa gayon, tinuturuan angmga isip-lalawigan na maging isip-lungsod, at dito nagkakaroon ngtunggalian ang dalawang katwiran.Higit kong maipaliliwanag ang ganitong kabalintunaan ngedukasyon kung tutunghayan natin ang ebolusyon ng edukasyon mula ngitatag ito ng mga Kastila, hanggang samantalahin ito ng mga Amerikano, athanggang sa kasalukuyang sistema ng edukasyon.Edukasyon bílang Panangga sa Pang-aabuso ng mga KastilaKaramihan ng mga lungsod sa Asya at mga bansang nasakop ng mgaEuropeo, kasama na ang Kamaynilaan, ay itinatag bilang sentro ng kalakalanng kanilang mga mananakop.13 Upang tustusan ng mga Kastila angpamamahala sa kanilang mga kolonya, pati na rin ang sari-saring digmaangkinasangkutan nila, kinailangan nilang kamkamin ang mga likas na yamanng bansa. Pagkatapos pagtipon-tipunin ang mga katutubong Filipino mulasa kanilang barangay tungo sa mga reduccion, inalis nila ang karapatan ngmga katutubo sa lupa, at pinatawan nila ng malalaking buwis ang pagsasakasa mga ito. Sapilitan din nilang binibili ang mga produkto ng mga indio 14—bansag nila sa mga Filipino—sa mas mababang halaga. Idagdag pa rito angpolo y servicios o 40 araw ng sapilitang paggawa kada taon, at ang buwis nahinihingi ng simbahan. Ganap na naitatag ang Maynila bilang lungsod nanggawin itong sentro ng kalakalan sa Kalakalang Galleon. 15 Unti-unting nasiraang katutubong kultura ng mga Filipino, at tuluyang naihanay sa interes ngmga dayuhang Kastila ang itinatag na lungsod. 16 Samakatwid, ang Maynilaay nasa teritoryong katutubo ngunit may katwirang dayuhan.Kayâ naman, natatakot pag-aralin ng mga Kastila ang mga indiosapagkat natatakot siláng matuklasan ng mga ito ang kanilang kapalaluan.Wika ni Apolinario Mabini, “Kung ibig palagiin ng mga Español angkanilang paghahari, kailangang pamalagiin nila ang kamangmangan at13 Alan Gilbert and Joseph Gugler, Cities, Poverty and Development: Urbanization in theThird World (New York: Oxford University Press, 1992), 17.14 Malalim ang epekto nitong derogatoryong bansag sa katwiran ng mga Filipino; dahilsa negatibo nitong kahulugan, bumaba ang tingin ng Filipino sa kaniyang sarili at tumaas angkaniyang paghahangad na maging katulad ng kaniyang mananakop. See F.P.A. Demeterio III,“The Primitivization of the Indio Mind and the Explosion of Rationalities: The Politics ademia, https://www.academia.edu/7340242/The Primitivization of the Indio Mind and the Explosion of Rationalities the Politics of Knowledge in the Spanish Colonial Philippines ,21March 2016.15 Patricio N. Abinales at Donna J. Amoroso, State and Society in the Philippines(Mandaluyong City: Anvil Press, 2005), 60-62.16 Gilbert and Gugler, Cities, Poverty and Development, 18. 2016 Noel L. Clementehttp://www.kritike.org/journal/issue 18/clemente june2016.pdfISSN 1908-7330

N. CLEMENTE89kahinaan ng mga Filipino.”17 Taglay ang karunungang nakukuha sapaaralan, mas batid ng isang tao ang kaniyang mga karapatan at magigingmaláy siya sakaling may nananamantala sa kaniya. Manapa, kung maalamang mga indio sa sistemang ekonomiko o politikal ng mga banyaga, bakâmagkaroon pa sila ng pagkakataong makipagsabayan sa mga ito atmakapamuhay nang matiwasay sa lungsod. Kung gayon, mas may dahilanang mga katutubong mag-alsa laban sa mga mananakop, na siyang ayawmangyari ng mga Kastila. Edukasyon ang nagsisilbing panangga laban sapang-aabuso ng mga Kastila—dahil mamumulat ang indio sa katwirangdayuhan—kayâ naman hangga’t maaari, hindi nila hinahayaang makapagaral ang mga indio.Siyempre, hindi naman mapipigilan ng mga Kastila ang mgamayayamang indio na may kakayahang magbayad ng pangmatrikula, kunghindi man sa bansa, sa Europa. Maraming kabataan, kasama na si Dr. JoseRizal, ang tumungo sa Europa nang makapag-aral sa pag-asang makamit angsusi mula sa kahirapan at kamangmangan. Ngunit mapapansing hindi naisnitong mga “propagandista” na mahiwalay ang Filipinas sa Espanya. Sahalip, isinusulong nilang maging opisyal na lalawigan ng Espanya ang bansa,nang sa gayon, magkaroon ng pantay na karapatan ang mga indio at Kastilasa teritoryo ng Filipinas. Asimilasyon, hindi kalayaan, ang hinihiling nila.Dito natin mapupuna ang isa pang bunga ng edukasyon—sapagkatnauunawaan ang katwiran ng banyaga, bahagya ring nagiging kabilang angmga edukado sa katwirang hindi nauunawaan ng kanilang mga kababayanghindi edukado.18 Isipin mo na lang kung paano ipapaliwanag ng mgapropagandista sa mga mahihirap nilang kababayan ang kanilang pagkilingsa asimilasyon, sa halip na ganap na kalayaan. Makikita ng huli ang naunabílang kasapi na rin ng mga Kastila.Bílang paglalagom, naging mahirap ang mga buhay ng mga Filipinosa pananakop ng mga Kastila dahil naging dayuhan sa kanila ang sistemangginagalawan nila—hindi nila nauunawaan ang katwirang Kastila. Yaongmga may kakayahang pinansiyal ay nakapag-aral sa mga lungsod (magingsa mga lungsod ng Europa), upang makasabay sila sa sistemang dayuhan.Lulan ng edukasyon, naunawaan nga nila ang katwirang banyaga, napatúloy na banyaga sa kanilang mga kababayang hindi edukado.Samakatwid, may kaakibat na paglayo sa mga katutubo itong paglapit saApolinario Mabini, Ang Rebolusyong Filipino, trans. by Michael M. Coroza (Manila:Pambansang Komisyon sa Kultura at mga Sining, 2015), 12.18 Hindi ko sinasabing tama ang isa—sa asimilasyon at kalayaan—at mali ang isa pa.Sa halip, mahihiwatig sa dalawang ito ang kaibhan ng katwiran ng mga edukado at di-edukado.Kalayaan ang nanaisin ng mga isip-lalawigan na nakararanas ng marahas na pananamantala ngmga dayuhan, samantalang asimilasyon ang pipiliin niyong mga isip-lungsod na maykayamanan at karunungan, at nauunawaan na may posibilidad ng mapayapang pag-aareglo ngpamamahala.17 2016 Noel L. Clementehttp://www.kritike.org/journal/issue 18/clemente june2016.pdfISSN 1908-7330

90EDUKASYON BILANG TAGPUANkatwiran ng mga dayuhan.Edukasyon bílang Kasangkapan ng Pananakop ng mgaAmerikanoMakikita natin lalò ang ganitong balintunang kalakip ng edukasyonsa panahon ng mga Amerikano. Sa kasalukuyan, mapapansin nating masmalaki ang naging impluwensiya ng mga Amerikano kaysa mga Kastila saating pamumuhay; masdan mo pa lang ang wikang namamayani sa paaralan.Ano ang nagawa ng mga Amerikano sa apat na dekada na hindi nagawa ngmga Kastila sa mah

Filipinas sa ganitong pananaw,1 matutuklasan nating edukasyon ang siyang namamamagitan sa dalawang magkaibang katwiran. 1 Hindi ko sinasabing epistemolohiko ang angkop o mas tamang batayan ng distinksiyon ng lungsod at lalawigan. Hindi ko pangu

Related Documents:

Tomo VI, Bilang 1-4 1995 Tomo VII, Bilang 1-2 1995 Tomo VII, Bilang 3 1996 . ng edukasyon; at ang edukasyon na ginagamitan ng wikang . ng mga ahensiya ng pamahalaan tulad ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (DOST), ilang maasahang lider pampolitika

Edukasyon sa Kagandahang Asal at Wastong Pag-uugali Edukasyon sa Pagpapahalaga Edukasyon sa Pagpapakatao. Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Tunguhin (Goal) Mga Proseso Apat na Tema . Microsoft PowerPoint - K to 12 EsP 09

Bilang ng Modyul: 2 Modyul 2: Sandigan ng Lahi Ikarangal Natin! Bilang ng Sesyon: 7linggo Paalala: Itong Gabay ng Guro ay magsisilbing gabay ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino sa Baitang 8. Naglalaman ito ng kumpletong mga mungkahing gawain para sa bawat aralin at estrateh

tumatanggap ng isang kumpas ay ang quarter note. Isang kumpas din ang tinatanggap ng katumbas nito na quarter rest. Pag-aralan mo ito. 1, 2 Gawin mo ang bilang 1 hanggang 3 sa iyong sagutang papel. 1. Kopyahin ang staff. 2. Isulat ang bilang ng measures. 3. Lagyan ng wastong bilang n

tatwa ninuman ang kahulugan at kahalagahan ng bawat papuri sa pagpapahalaga nila sa iyo. Hindi lang bilang artista o bilang mayor kundi bilang isang totoong tao. Natatangi kang ehemplo at huwaran ng isang tunay na artista, ina, asawa, kapatid, kaibigan, public ser-vant at mamamayan. Sa i

c) Happy Birthday Song Alamin Ang ay time signature na dalawahan ang bilang ng kumpas. Ito ay karaniwang naiuugnay sa kilos o galaw na pangmartsa. Ang bilang niyo ay 1-2 1-2 1-2 . Napapangkat ang mga bilang na ito sa pamamagitan ng paglalagay ng barline. Ang rhythmic pattern sa ti

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikatlong Baitang Kagamitan ng Mag-aaral – Yunit 2 Unang Edisyon, 2014 Paunawa hinggil sa karapatang-sipi: Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.

A programming manual is also available for each Arm Cortex version and can be used for MPU (memory protection unit) description: STM32 Cortex -M33 MCUs programming manual (PM0264) STM32F7 Series and STM32H7 Series Cortex -M7 processor programming manual (PM0253) STM32 Cortex -M4 MCUs and MPUs programming manual (PM0214)