(Effective and Alternative Secondary Education)ARALING PANLIPUNAN IMODYUL 14ANG PILIPINAS SA PANAHON NGIKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIGBUREAU OF SECONDARY EDUCATIONDepartment of EducationDepEd Complex, Meralco AvenuePasig City1
MODYUL 14ANG PILIPINAS SA PANAHON NGIKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIGNakatuon ang modyul na ito sa mga pangyayari sa Pilipinas noong panahonng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kung naaalala mo, sa Modyul 13, nagsisimulana ang mga Pilipino sa sarili nilang pamamahala bilang isang Komonwelt sapamumuno ni Pangulong Manuel Quezon. Maayos na sana at abala para sanalalapit na pagsasarili ang mga Pilipino ngunit dumating ang mga Hapon upangsakupin ang Pilipinas. Sa kabila ng magiting na pagtatanggol ng hukbong Pilipino atAmerikano, napasailalim ang Pilipinas ng ikatlong mananakop.Tutunghayan sa araling ito ang isa pang kalbaryo sa buhay ng mgamamamayang Pilipino.May apat nakaalaman:araling inihanda para sa iyo upang mapalawak ang iyongAralin 1 - Ang Pagsiklab ng Digmaan sa PasipikoAralin 2 - Ang Maynila bilang Open cityAralin 3 - Ang Pagbagsak ng Bataan at ang Death marchAralin 4 - Ang Pagbagsak ng Corregidor at Pagsuko sa mga HaponPagkatapos ng mga aralin sa modyul, inaasahang magagawa mo ang mgasumusunod:1. Matatalakay ang mga pangyayaring nagtulak sa Pilipinas sa digmaan laban samga Hapon;2. Maipagmamalaki ang ipinakitang kagitingan ng mga Pilipino laban sa Hapon;at3. Maipaliliwanag kung bakit ang digmaan ay walang naidulot na kabutihan atkapakinabangan sa bansa.Handa ka na ba?2
PANIMULANG PAGSUSULITPanuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.1. Dumating sa Pilipinas ang mga Hapon noong:A. makaalisang mga Amerikano.B. nagsasanay sa sariling pamamahala ang mga Pilipino.C. nagpapagawa pa ng batas pangkalayaan ang mga Pilipino.D. nakamit na ng mga Pilipino ang ganap na paglaya sa mga Amerikano.2. Anong relasyon ang namagitan sa Amerika at Hapon sa pagsisimula ngikalawang digmaang pandaigdig?A. Matagal na silang may alitanB. Magkaalyado o magkaibiganC. May tiwala sa bawat isaD. Magkalapit ang kinaroroonan3. Saang pangkat kabilang ang mga Hapon noon?A. AlliedB. United NationsC. NATOD. Axis4. Ang tunay na layunin ng mga Hapon sa pagsakop sa Pilipinas:A. pagsunod sa pakiusap ng mga PilipinoB. pagtalima sa utos ng United NationsC. pagsakop sa bansa upang patunayan na makapangyarihan silaD. pagsunod sa kasunduan nila ng Amerika na manakop din5. Ipinahayag ng mga Hapon ang layunin nilang palaganapin ang SamahanngKaganapan ng mga bansa sa Kalakhang Asya (Greater Asia Co-prosperitySphere). Ito ay:A. Totoo, nais nilang tunay na umunlad ang mga bansang Asyano.B. Yabang lamang, kailanma’y di sila maaaring mamuno.C. Mali, gusto lamang nila tayong maakit at mapasunod.D. Tunay na magtatayo sila ng mga industriya sa Asya na kahati ang ibangbansa dito.3
6. Alin sa mga sumusunod and hindi nangyari sa panahon ng pananakop ngHapon sa Pilipinas?A. pagbagsak ng BataanB. pagpapatuloy ng Komonwelt sa AmerikaC. pagbagsak ng CorregidorD. pagbabayad ng Hapon sa Amerika kapalit ng Pilipinas7. Saang pangkat nabibilang ang Amerika sa panahon ng Ikalawang DigmaangPandaigidg?A. AxisB. ASEANC. Allied PowersD. United Nations8. Sino ang Pangulo ng Pilipinas noong panahong sakupin ng Hapon angPilipinas?A. Jose RizalB. Claro M. RectoC. Manuel L. QuezonD. Manuel Roxas9. Siya ang itinalagang pinuno ng USAFFE:A. Hen. Douglas MacArthurB. Hen. Jonathan WainwrightC. Hen. William F. Sharp Jr.D. Hen. Edward P. King10. Ang unang Pilipinong Pilotong pinarangalan sa kanyang pakikidigma sahimpapawid:A. Tinyente Geronimo AclanB. Tinyente Cesar BasaC. Kapitan Jesus VillamorD. Major Jorge B. Vargas11. Siya ang namuno sa USIP na sumuko sa mga Hapon sa Corregidor4
A. Hen. Douglas MacArthurB. Hen. Jonathan WainwrightC. Hen. William F. Sharp Jr.D. Hen. Edward P. King12. Bakit kailangang lisanin ang Maynila ng tropang USAFFE at magtungo saBataan?A. Sapagkat naroon ang mga HaponB. Sapagkat napakalaki nitoC. Sapagkat maraming gerilya doonD. Sapagkat mahirap nang ipagtanggol ito at labis na mawawasak13. Ang kumander ng puwersa sa Bataan na napilitang sumuko sa mga Hapon:A. Hen. Douglas MacArthurB. Hen. Jonathan WainwrightC. Hen. William F. Sharp Jr.D. Hen. Edward P. King14. Paano madaling nagapi ng mga Hapon ang puwersang Pilipino-Amerikano?A. sa pamamagitan ng propagandaB. sa pamamagitan ng pagbabayad ng malaking halagaC. sa pamamagitan ng pagpatay sa mga sumukong sundaloD. sa pamamagitan ng walang humpay na pagbomba sa mga mahahalaganginstalasyong militar15. Ano ang ginawa ng mga Pilipinong opisyal nang sumuko na ang tropangAmerikano sa mga Hapon?A. Sumuko na rinB. Namundok at naglunsad ng pakikidigmang gerilyaC. Nagtago sa malalayong lugarD. Nakipagtulungan sa mga Hapon16. Ano ang ibig sabihin sa pagiging open city ng Maynila?A. Malugod na tinanggap ang mga mananakop na HaponB. Bukas na pakikipag-usap sa mga dayuhanC. Di dapat bombahin sapagkat maraming sibilyan doonD. Isinusuko na ito sa mga Hapon5
17. Bakit nasali ang Pilipinas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig?A. Dahil mayaman itoB. Dahil ito ay isang Komonwelt na protektado ng AmerikaC. Dahil ginalit nito ang mga HaponD. Dahil ito ay bahagi ng kolonya ng Amerika18. Siya ang pinuno ng hukbong Hapon na sumakop sa Pilipinas:A. Hen. NagasakiB. Hen. HirohitoC. Hen. Masaharu HommaD. Hen. Yamashita19. Saan nagmula at nagtapos ang paglalakad ng mga bilanggong kawal satinaguriang “Death march”?A. Mula Mariveles, Bataan hanggang MaynilaB. Mula Mariveles, Bataan hanggang Capas, TarlacC. Mula Mariveles, Bataan hanggang San Fernando, PampangaD. Mula Mariveles, Bataan hanggang Clark Field, Pampanga20. Sino ang Amerikanong heneral ng tropang Visayas at Mindanao na sumukosa mga Hapon sa Malaybalay, Bukidnon?A. Hen. Douglas MacArthurB. Hen. Jonathan WainwrightC. Hen. William F. Sharp Jr.D. Hen. Edward P. King6
ARALIN 1ANG PAGSIKLAB NG DIGMAAN SA PASIPIKOMarahil ay itinatanong mo sa iyong sarili kung bakit nagkaroon ng digmaanang Hapon at Amerika? Naitatanong mo rin marahil kung bakit napasangkot angating bansa sa digmaang iyan? Ang mga katanungan mong iyan ay sasagutin saaraling ito.Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:1. Maipaliliwanag ang mga dahilan ng pagkakasangkot ng Pilipinas sa ikalawangdigmaang pandaigdig;2. Matatalakay ang mga pangyayari sa pagsisimula ng pananakop ng mgaHapon; at3. Mabibigyang halaga ang kagitingan ng mga Pilipino sa pagtatanggol ngkanilang bansa.7
Gawain 1: Pag-isipan Mo!Alam mo ba kung nasaan ang bansang Hapon? Sa ibaba ay may mapang Asya. Tukuyin ang bansang Hapon (Japan) at kulayan ng pula.Tukuyin din ang bansang Pilipinas at kulayan ng berde.Kung napansin mo, ang bansang Hapon ay malapit lamang sa Pilipinas. Hindikatakataka na magkaroon ito ng interes na sakupin ang Pilipinas, hindi ba?8
Ang Dahilan ng Digmaan sa PasipikoPagkaraan ng maraming taon ng pakikipaglaban, sa panahon ng Komonweltay unti-unti nang nakararanas ng kaunlaran at malasariling kalayaan ang Pilipinas.Subalit dumating ang sigwa ng ikalawang digmaang pandaigdig at muli itongnaligalig. Pinangambahan ng maraming lider Pilipino sa pangunguna na rin niPangulong Quezon at ni Claro M. Recto, isang makabayang lider, ang maaaringpagsabog ng digmaaan at pagkasangkot ng Pilipinas sa digmaang iyon.Sa simula, walang balak ang Estados Unidos na sumali sa ikalawangdigmaang pandaigdig. Ang plano ni Pangulong Roosevelt ay tulungan lamang angIngglatera sa pakikihamok sa Europa, ayon sa kasunduang Europe First Policy, atbilang miyembro ng Allied Powers. Subalit nag-iba ang ihip ng hangin sa MalayongSilangan noong magwawakas ang taong 1939. Sa aklat na isinulat ni TeodoroAgoncillo tungkol sa Kasaysayan ng Pilipinas, ipinaliliwanag ang mga pangyayaringnaging daan ng digmaan sa Pasipiko na sinimulan ng mga Hapon:“Mula noong magkaroon ng digmaang Tsina at Hapon na nagsimulanoong1930, nangamba ang mga bansa sa Asya na ang Hapon ay may layongmanakop ng mga bansa sa dulong silangan. Ang mga kolonya ng Alemanya saKaragatang Pasipiko ay naisalin na sa kamay ng Hapon kayat may pangamba angmga Amerikano na sasakupin din ng Hapon ang Pilipinas sa sandaling masangkot sadigmaan ang Estados Unidos. ““Nang sumiklab ang digmaan sa Europa noong 1939 ay nakipagkasundo angHapon sa Alemanya at Italya. Ang tatlong bansang ito’y tinawag na Axis. NoongHulyo 1941, sinakop ng Hapon ang Indo-Tsina (ngayo’y Vietnam). Nasindak angEstados Unidos sapagkat iyo’y nangangahulugang ang Estados Unidos at angPilipinas ay malalagay sa panganib. Iminungkahi ng Estados Unidos na ayusin angkanilang sigalot sa pamamagitan ng patakarang dapat igalang ang kasarinlan nglahat ng bansa. Hindi tinanggap ng Hapon ang mungkahi.”“Lumala ang sigalot ng Estados Unidos at ng Hapon. Sa gitna ng mganegosasyon sa pagkakasundo, walang kaabog-abog na binomba ng Hapon angPearl Harbor sa Hawaii na isang kolonya ng Estados Unidos sa dagat Pasipiko,noong Disyembre 7, 1941. Nabigla at nasindak ang mga Amerikano, nawasak angbase militar sa Hawaii, at kulang-kulang sa 5,000 Amerikanong opisyal at marino ang9
napinsala ( namatay, nasugatan at nawawala). Kinabukasan, ipinahayag ni FranklinD. Roosevelt, pangulo ng Estados Unidos ang pakikidigma sa Hapon. Sumagot angHapon ng pakikidigma rin sa Estados Unidos at sa Ingglatera na nagpahayag na rinng pakikidigma sa Hapon. Ilang oras pagkaraang masalakay ang Pearl Harbor,sumalakay ang mga Hapon sa Pilipinas. Noo’y Disyembre 8, 1941. Ang digmaan saPasipiko ay nagsimula na.”Sinasabi ng mga Hapon na nilalayon nilang palaganapin ang tinaguriangSamahang Kaganapan ng mga Bansa sa Kalakhang Asya (Greater East Asia CoProsperity Sphere) upang makatulong sa pagpapaunlad ng mga bansa sa Asya.Subalit maraming nagsasabi na ang tanging hangad nila ay manakop at magingpinakamapangyarihang bansa sa Asya.Ang Pambobomba sa PilipinasDahil sa nakaambang panganib ng pagsalakay ng mga Hapon mga ilang taonbago nangyari ito, nagkaroonna ngmga paghahanda sa pakikipaglabanangpamahalaang Komonwelt sa tulong ng pamahalaang Amerikano sa Estados Unidos.10
Pinagsanib ni Pangulong Roosevelt ang Hukbong Pilipino at Hukbong Pilipino atipinadala sa Pilipinas si Hen. Douglas MacArthur upang sanayin ang hukbo.Tinawag itong USAFFE (o United States Armed Forces in the Far East), atnagsagawa ng mga pagsasanay sa pakikidigma. May 130,000 kawal ang HukbongPilipino nang sumiklab ang digmaan. Nagbuo din si Pangulong Quezon ng CivilianEmergency Administration sa bawat bayan at nagsagawa ng mga pagsasanay militarpara sa mga kabataan.Noong Disyembre 8, 1941, sumalakay ang mga Hapon sa Pilipinas. Mula sahimpapawid, sabay-sabay na binomba ang Aparri, Davao, Baguio, Tarlac at Iba.Nang gumabi, sinalakay ang base militar sa Clarkfield. Nawasak ang maramingeroplanong Amerikano, kayat namayani ang mga Hapon sa himpapawid. Nagingmalaya silasa pagbomba sa maraming lugar sa kapuluan na ikinabigla atikinagimbal ng lahat. Pinasabog maging ng mga imbakan ng gasolina ng Shell atCaltex.Nang umaga ng Disyembre 9,binomba ang Maynila. Nagdulot itong malaking pinsala sa mga ari-arianat pagkamatay ng maraming sibilyan.NoongDisyembre10,dumaong ang hukbong dagat ngHapon sa Aparri at Vigan, sa hilaga.Nang sumunod na mga araw, patuloyna dumaong ang mga Hapon sa iba’tibang lugar ng bansa. Nasira angmaraming barko ng Hukbong dagat ng USAFFE at nawasak ang maraming eroplanosa mga base militar. Ang pinakapunong puwersang panakop ng Hapon ay dumaongsa Leyte noong Disyembre 22 sa pamumuno ni Tinyente Heneral Masaharu Homma.Bagamat nakagigimbal ang malawakang pambobomba at pagdating ng mgaHapon, buong giting na nakihamok ang mga kawal Pilipinong kabilang sa USAFFE,kabalikat ang hukbong Amerikano. Habang dumadaong ang mga puwersang Hapon,binomba at dinurog ng mga eroplano nito ang US Navy Yard sa Cavite, ang NicholsAir Base, Fort Mckinley at ang Kampo Delgado sa Iloilo.Sa Batangas Airfield,11
naipakita ng mga Pilipinong piloto na sina Kapitan Jesus Villamor, Tinyente CesarBasa at Tinyente Geronimo Aclan ang kanilang kabayanihan sa pamamagitan ngpakikipaglaban sa himpapawid at pagpapabagsak ngmga eroplano ng mgaHapones.Sapagkat kulang na sa mga eroplano at kagamitang pandagat nanangawasak sa walang humpay na pambobomba ng mga Hapon, di na nila napigilanang tuluyang pagpasok ng mga dayuhan sa loob ng kapuluan. Natupok ang mgakagamitan sa mga instalasyong militar. Dahil dito, lubos na humina ang kakayahanng USAFFE na pigilan pa ang paglusob ng mga Hapon. Habang nalalapit ang Pasko,ang labanan at pambobomba ay nagpatuloy at lalong umigting. Hindi na naituloy angtradisyunal na Misa de Gallo sa mga simbahan.Gawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanNgayo’y nabatid mo na ang nakagigimbal na mga pangyayari sapagkakasangkot ng Pilipinas sa digmaang Hapon at Amerikano. Upang mapalalimmo ang iyong kaalaman, gumawa ka ng time line simula sa pagsiklab ng ikalawangdigmaang pandaigdig hanggang sa pagdating ni Hen Masaharu Homma. Magagawamo kaya? Kayang-kaya mo iyan!TIME LINEPetsa (Araw, Buwan, Taon)Mga Pangyayari12
Tandaan Mo!Ang digmaan sa Pasipiko sa pagitan ng Amerika at Hapon aybahagi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nasangkot angPilipinas sa digmaang ito dahil naririto pa ang mga Amerikanonoong sumiklab ang digmaan.Sumiklab ang Digmaan sa Pasipiko sa pagbomba ng mga Hapon sa Pearl Harbornoong Disyembre 7, 1941.Isinunod ang pagbomba sa Pilipinas noongDisyembre 8, 1941.Ganap na nakapasok ang mga Hapon sa Pilipinas noong Disyembre 22, 1941 sapamumuno ni Hen. Masaharu Homma.Ang pinagsanib na Hukbong Pilipino at Hukbong Amerikano o USAFFE sapamumuno ni Hen. Douglas MacArthur, ay magiting na nagtanggol upang pigilinang pagpasok ng mga Hapon sa Pilipinas.Gawain 3: PaglalapatNatalakay sa aralin ang pagsasanib ng puwersa ng HukbongPilipino at Hukbong Amerikano upang magsanay sa pakikidigma samga Hapon. Sa kasalukuyang panahon, nagkaroon din ngkasunduan ang Estados Unidos at Pilipinas upang tulungan ng mgakawal Amerikano ang mga sundalong Pilipinosa pagsasanay at pakikidigma.Tinatawag itong ‘Balikatan’ . Ano ang digmaang inilunsad ng Amerika at Pilipinas sakasalukuyan? Bakit walang tigil sa pagsasanay sa ngayon ang dalawangmagkaibigang bansa? Ano ang kanilang pinaghahahandaan o kaaway? Ipaliwanag.13
ARALIN 2ANG MAYNILA BILANG “OPEN CITY”Noong mga panahon bago dumating ang mga Kastila hanggang sa pagdatingnamgaAmerikano,angMaynilapinakamagandang siyudad sa Asya.angnagingkabiserangPilipinasatTuklasin mo sa araling ito kung ano angnangyari sa Maynila nang dumating ang mga Hapon. Bakit idineklara itong “opencity?”Pagkatapos ng araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:1. Maisasalaysay ang mga pangyayaring naganap na humantong sa pagbagsakng Maynila sa kamay ng mga Hapon; at2. Mapahahalagahan ang pagiging open cityng Maynila sa panahon ngpagsakop ng mga Hapon.Gawain 1: Pag-isipan Mo!Nakarating ka na ba sa Maynila? Ano ang mga larawang naiwan sa isipanmo? Ilista mo dito and mga sagot mo:Kung wawasakin ang siyudad ng Maynila, ano ang mga mararamdaman mo?Ilista mong muli ang mga sagot mo:Ang Pag-atras ng mga Pilipino at AmerikanoAng Maynila ay mahalaga sa mga kaaway sa dahilang ito ang kabisera ngPilipinas noong panahon ng mga Amerikano. Ang pamahalaan ng bansa aypinamumunuan mula sa Palasyo ng Malacañang sa siyudad na ito. Ito rin ang sentrong komersiyo at edukasyon. Ang mga gusaling itinayo noong panahon pa ng Kastila14
at yaong mga itinayo ng panahon ng mga Amerikano ay sumasagisag sa kaunlaranng Pilipinas na hindi na nalalayo sa ibang bansa sa Asya. Kaya nang sinimulangbombahin ng mga Hapon, nangamba ang pamahalaan sa maaaring pagkawasaknito.Sa panahon ng mga pambobomba at paglusob ng mga Hapon, buong gitingna lumaban ang mga USAFFE. Ngunit dahilan sa lakas ng puwersa nang papalapitnang hukbo ni Heneral Homma, napagtanto ni Hen. MacArthur na mawawalangsaysay lamang ang pagtatanggol dito at maaaring matupok ito kung magpapatuloysila sa paglaban. Ipinag-utos ni Hen MacArthur ang paglilipat ng mga kagamitangmilitar sa Corregidor at umurong ang USAFFE sa Corregidor kasama si PangulongQuezon at ang kanyang pamilya. Inilipat ang pamahalaang Komonwelt sa Corregidorat noong Disyembre 30 ay pinasinayaan sa Malinta Tunnel sa Corregidor andpagkapangulo ni Quezon sa ikalawang Komonwelt. Samantala’y patuloy na umatrasang mga tagapagtanggol na Pilipino at Amerikano. Ang ibang puwersa ng USAFFEay umurong sa Bataan at doon itinuloy ang pagtatanggol.Pagdedeklarang open citysa MaynilaHabang umaatras ang mga hukbong USAFFE, patungo naman sa Maynilaang puwersa ni Hen. Homma pagkaraang umahon ang mga ito sa Aparri atLingayen.Naiwan sa Maynila bilang tagapamahala sina Kalihim Jose B,. Vargas, HukomJose P. Laurel at iba pang mataas na opisyal upang pangalagaan ang kapakanan ngmga mamamayan doon sa sandaling masakop ng Hapon ang Kamaynilaan. Dahil sakawalan ng pwersang panghimpapawid at pangdagat, tuluyang nawalan ng paraangipagtanggol maging ng mga sibilyang tagapamahala ang siyudad.Noong Disyembre 26, 1941, idineklara ni Hen. MacArthur na open cityna angMaynila. Ibig sabihin ay maaari nang sakupin ito nang walang paglalaban upangmaiwasan na ang pambobomba at tuluyang pagkasira ng lungsod. Sa kasamaangpalad, binale-wala ito ng mga Hapon. Patuloy nilang binomba ang lungsod, nasiraang maraming gusali, at maraming napinsalang mamamayan. Nagimbal ang buongbansa maging ang pamahalaan ng Amerika.15
Noong Disyembre 27, sa gitna ng ganitong kalagayan at kaguluhan,nagpalabas ng isang mensahe kay Hen. MacArthur si Pangulong Roosevelt ngAmerika: “Ipinangangako ko sa bayang Pilipino na tutubusin ang kanilang kalayaanat ang kanilang kasarinlan ay itatatag at ipagtatanggol.”Ang Pagsakop sa MaynilaMula sa hilaga at timog, malayang nakapasok ang mga tropang Hapon atnagsalikop sa Maynila. Tuluyan nilang napasok ang loob ng Maynila noong Enero 2,1942. Sa kanilang pagdating, nanalanta ang mga Hapon, pinaslang pati ang mgasibilyan at dinakip ang maraming kalalakihan. Ikinulong ang mga bihag sa PwersaSantiago at iba’t iba pangmalalaking gusali na ginawa nilang mga garison okulungan.Nang masakop na ng mga Hapon ang Maynila, hinirang nila si Jose Vargasbilang Tagapangulo ng Komisyong Tagapagpalaganap ng Pilipinas. Ang komisyongito angsiyang tumayong pamahalaang sentral na ang gawain ay ipahayag sasambayanan sa pamamagitan ng radyo ang mga patakaran ng mga Hapon.Sinasabing naghasik ng lagim ang mga Hapon sa Maynila gayundin sa ibapang bahagi ng kapuluan. Iba’t ibang pamamaraan ng pagpapahirap at pagpatayang kanilang ginamit. Dahilan sa digmaan at sa paninikil ng mga Hapon, nagkaubosang mga pagkain, maraming nagutom at namatay, at ang mga pamilya aynagkahiwa-hiwalay. Mangyari pa, ang mga sundalong USAFFE ay nahiwalay sakanilang mga pamilya sa kanilang pag-atras patungong Corregidor at Bataan.16
Gawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanA. Ayon sa nabasa mo sa araling ito, anu-ano ang mga kapinsalaangdulot ng mga Hapon sa kanilang paglusob sa Pilipinas? Ilista mo ang mga ginawasa unang hanay at sa ikalawang hanay ay ilista mo ang mga kapinsalaang dulot ngmga ginawa ng mga Hapon.Mga Ginawa ng HaponKapinsalaang NaidulotSa Paglusob sa Pilipinas1.1.2.2.3.3.4.4.5.5.B. Sa iyong palagay, bakit nasabi ni Pangulong Roosevelt ang mga sumusunodhabang nilulusob ng mga Hapon ang Maynila? Sumulat ng isang talata namagpapaliwanag ng iyong palagay.“Ipinangangako ko sa bayang Pilipino na tutubusin ang kanilang kalayaan atang kanilang kasarinlan ay itatatag at ipagtatanggol.”.C. Bakit kinailangang ideklara ang Maynila bilang “open city”? Magbigay ngdalawang dahilan:1.2.17
Tandaan Mo!Naging madali ang pagpasok ng mga Hapon sa Maynila sadahilang nagsi-atras ang mga sundalong USAFFE patungongCorregidor at Bataan.Sa kagustuhang mailigtas ang Maynila sa malawakang pagwasak ngmga Hapon, idineklara itong Open City ni Hen. Douglas MacArthur noongDisyembre 30, 1941.Hindi sinunod ng mga Hapon ang mga patakaran ng pagiging open city ngMaynila. Ipinagpatuloy ang pambobomba, paninira at paglusob hanggang sanalupig at naikulong ang maraming s
ARALING PANLIPUNAN I (Effective and Alternative Secondary Education) MODYUL 14 ANG PILIPINAS SA PANAHON NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City . 2 MODYUL 14 ANG PILIPINAS SA PANAHON NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG Nakatuon ang modyul na ito sa mga pangyayari sa Pilipinas noong panahon ng Ikalawang .
Araling Panlipunan . ii Araling Panlipunan 2 ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan n Pangalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph.D. Consultant: –Ikalawang Baitang Patnubay ng Guro Unang Edisyon, 2013 ISBN: Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa .
Araling Panlipunan . 2 Araling Panlipunan 2 Ma. Ther Inilimbag sa Pilipinas ng _ Department of Eduction-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address: nd 2 Floor Dorm G, PSC Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072 E-mail Address: imcsetd@yahoo.com Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Consultant: Zenaida E. Espino .
learning, teaching and professional development resources via the LRMDS. The system comprises i. the online catalogue of all quality assured resources that are: -stored in the LRMDS repository, -available from online sites, and; -locates hard copies of resources stored at regions, divisions and or schools/cluster levels.
Masusing Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan Ika-8 Baitang I. Layunin Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Nakapagsasabi ng dahilan at epekto ng unang yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo. 2. Naipapaliwanag ang iba
2 ARALING PANLIPUNAN 1 DRR LESSON EXEMPLAR Layunin Pagkatapos ng araling ito, inaasahan ang mga mag-aaral na: Matukoy ang kahulugan ng polusyon. Maisa-isa ang mga bahagi ng kapaligiran na naaapektuhan ng
Texts of Wow Rosh Hashana II 5780 - Congregation Shearith Israel, Atlanta Georgia Wow ׳ג ׳א:׳א תישארב (א) ׃ץרֶָֽאָּהָּ תאֵֵ֥וְּ םִימִַׁ֖שַָּה תאֵֵ֥ םיקִִ֑לֹאֱ ארָָּ֣ Îָּ תישִִׁ֖ארֵ Îְּ(ב) חַורְָּ֣ו ם
Araling Panlipunan Grade 10 . Alternative Delivery Mode . Ikalawang Markahan- Modyul 3: Mga Dahilan at Epekto ng Migrasyon . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad ng Batas Republika 8293, Seksiyon 176na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang- sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung .
Menyelenggarakan pendidikan akuntansi yang berkualitas dan berkelanjutan yang mudah diakses dan terjangkau oleh masyarakat luas sehingga mampu berperan aktif dalam mencerdaskan bangsa. 3. Melakukan kegiatan penelitian dan pengembangan ilmu ekonomi khususnya dalam bidang akuntansi dan bisnis yang efisien dan efektif sehingga menghasilkan lulusan bidang akuntansi yang kreatif, inovatif dan mampu .