2Araling PanlipunanPatnubay ng GuroTagalogAng kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang nainihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko atpribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayatnamin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon namag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ngEdukasyon sa action@deped.gov.ph.Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.Kagawaran ng EdukasyonRepublika ng Pilipinasi
Araling Panlipunan 2 – Ikalawang BaitangPatnubay ng GuroUnang Edisyon, 2013ISBN:Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng BatasPambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mangakda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ngpamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sapagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabingahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat naito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap atmahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdangito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda angkarapatang-aring iyon.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin A. Luistro FSCPangalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph.D.Mga Bumuo ng Patnubay ng GuroConsultant:Koordinator:Mga Manunulat:Tagasuri:Naglayout:Tagaguhit:Zenaida E. EspinoGloria M. CruzGloria M. Cruz, Charity A. CapunitanEmelita C. dela Rosa, Leo F. ArrobangLerma V. JandaEsmeraldo G. LaloBesy C. AgamataMa. Theresa M. CastroRomulo O. ManoosInilimbag sa Pilipinas ngDepartment of Eduction-Instructional Materials Council Secretariat(DepEd-IMCS)ndOffice Address:2 Floor Dorm G, PSC ComplexMeralco Avenue, Pasig CityPhilippines 1600Telefax:(02) 634-1054 or 634-1072E-mail Address:imcsetd@yahoo.comii
Ang Patnubay na ito ay inilaan para sa mga guro sa IKALAWANGBAITANG. Ang mga aralin ay ibinatay sa mga kasanayang nakapaloob sabagong K to 12 Basic Education Curriculum ng Kagawaran ng Edukasyon.Inaasahang ang patnubay na ito ay tutugon sa pangangailangan ngmga guro sa pagtuturo ng asignaturang Araling Panlipunan.Ang mga gawain sa bawat aralin ay naaayon sa kakayahan ng mgabatang mag-aaral sa baitang na ito. Kawili-wili at may pagka-malikhain angmga gawain upang mapukaw ang isip at damdamin ng mga bata sa bawatpaksang tatalakayin. Maaaring pagamitin ang mga mag-aaral ng “ActivityNotebook” o papel sa pagsasagawa/pagsagot sa mga gawain at pagtataya.Magsisilbi itong Portfolio ng mga mag-aaral na maaaring gamitin ng guro sapagdisenyo ng interbensyon at programa; pagbuo ng mga bago at angkopna araling gawain; at pagbibigay ng kaukulang marka.Madaling masusundan at mauunawaan ang patnubay na ito. Ito aynaaayon sa kaakibat nitong Modyul para sa mga mag-aaral. Binubuo ito ngsumusunod na bahagi:I.LayuninNakabatay ito sa hinihinging kasanayan (competencies) sa Kto 12 Basic Education CurriculumII. Paksang AralinNakasulat dito ang gagamiting paksa, sanggunian at mgakagamitan. Nakatala rin dito ang integrasyon ng mga kasanayanmula sa iba-ibang asignatura na napapaloob sa aralin na sadyangikinahon upang mabigyan-pansin.III. PamamaraanNahahati ito sa tatlong bahagi: Panimula, Paglinang at Pagunawa. Nakalahad sa bawat bahagi ang mga dapat isagawa atihanda ng guro upang madaling masundan ng sinumangmagtuturo nito. Iminumungkahing maglaan ng bilang ng araw sabawat bahagi ng aralin. Halimbawa: Panimula hanggang saPaglinang ay isasagawa sa loob ng 2 araw; Pag-unawa hanggangsa Pagtataya ay 2-3 araw.iii
IV.PagtatayaSusukatin sa bahaging ito ang husay ng proseso ng pagtuturo ngguro, kaangkupan ng mga araling gawain, antas ng pagkatuto ng mag-aaralat kung nalinang ang mga kasanayang itinuro.V.Culminating ActivityBibigyang - diin sa bahaging ito ang pagpapalalim at pagpapayamansa mga kasanayang natutuhan ng mga bata. Maaari itong pagbasehan ngpagmamarka sa performance level ng mag-aaral. Isasagawa ito sakatapusan ng bawat aralin. Maglaan ng 1-2 araw sa pagsasagawa nito odepende sa gawaing nakatala na dapat isagawa ng mga bata.Hangad ng mga may-akda na ang pagtuturo ng Araling Panlipunan saIkalawang Baitang ay maging kawili-wili sa mga mag-aaral. Inaasahan naang mga guro ay magiging malikhain sa pagtuturo nito at iaayon sakakayahan ng kanyang mag-aaral. Ang nilalaman ng patnubay na ito ayhindi preskriptibo, bagkus ay suhestiyon at maaaring magdagdag ngangkop na istratehiya, mga araling gawain at pamamaraan ang gurongmagtuturo nito.Ang mga May-akdaiv
UNANG YUNITMODYUL 1 :Ang Aking KomunidadAng Komunidad3Ano Ang KomunidadGawain at Tungkulin ng mga Bumubuo ng KomunidadLarawan ng Aking KomunidadKomunidad Ko, Mahal Ko46910MODYUL 2 :Iba-Ibang Larawan ng Komunidad12ARALIN 2.1 :ARALIN 2.2 :ARALIN 2.3 :Komunidad Ko, Kikilalanin KoMga Sagisag at Simbolo sa Aking KomunidadKomunidad Ko, Ilalarawan Ko131517ARALIN 1.1ARALIN 1.2ARALIN 1.3ARALIN 1.4::::IKALAWANG YUNITMODYUL 3 :ARALIN 3.1ARALIN 3.2ARALIN 3.3ARALIN 3.4::::MODYUL 4 :ARALIN 4.1ARALIN 4.2ARALIN 4.3ARALIN 4.4::::Kapaligiran, Pinagmulanat Pamumuhay sa KomunidadAng Kapaligiran ng Aking Komunidad21Payak na Mapa ng Aking KomunidadAng Katangiang Pisikal ng Aking KomunidadKapaligiran at Uri ng Panahon sa Aking KomunidadKapaligiran Ko, Ilalarawan Ko23252730Ang Pinagmulan at Pamumuhay sa AkingKomunidad33Ang Pinagmulan ng Aking KomunidadMga Pagdiriwang sa Aking KomunidadMga Pagbabago sa Aking KomunidadMga Bagay na Nananatili sa Aking Komunidad34363739v
IKATLONG YUNITMODYUL 5 :Buhay Komunidad:Hanapbuhay at PamumunoHanapbuhay at Pamumuhay saKomunidad44Mga Likas na Yaman ng Aking KomunidadMga Hanapbuhay sa Aking KomunidadMga Produkto sa Aking KomunidadAng Pamumuhay sa Komunidad44464951MODYUL 6 :Pamumuno at Paglilingkod sa Komunidad53ARALIN 6.1 :ARALIN 6.2 :ARALIN 6.3 :Pinuno at Pamumuno sa KomunidadPaglilingkod sa KomunidadEpekto ng Pamumuno at Paglilingkod sa Komunidad545658ARALIN 5.1ARALIN 5.2ARALIN 5.3ARALIN 5.4::::IKAAPAT NA YUNITPagiging Bahagi ng KomunidadMODYUL 7 :Ang Kahalagahan ng Serbisyo sa Komunidad62ARALIN 7.1 :ARALIN 7.2 :Mga Serbisyo sa KomunidadMga Karapatan sa Komunidad6365MODYUL 8 :Ang Aking Papel sa Komunidad67ARALIN 8.1ARALIN 8.2ARALIN 8.3ARALIN 8.4Tungkulin Ko sa Aking KomunidadMga Alituntunin sa KomunidadMay Pagtutulungan sa Aking KomunidadAng Pangarap Kong Komunidad68707274::::vi
1
Ang Aking KomunidadNilalaman:Ang yunit na ito ay binubuo ng dalawang modyul:Modyul 1: Ano ang Komunidad?Aralin 1.1: Ano Ang KomunidadAralin 1.2: Gawain at Tungkulin ng mga Bumubuo ngKomunidadAralin 1.3: Larawan ng Aking KomunidadAralin 1.4: Komunidad Ko, Mahal Ko!.Modyul 2: Iba-ibang Larawan ng Komunidad.Aralin 2.1: Komunidad Ko, Kilala KoAralin 2.2: Mga Sagisag at Simbolosa Aking KomunidadAralin 2.3: Komunidad Ko, Ilalarawan KoAng mga araling ito ay naglalayong maipaunawa sa mga batangPilipino ang kahulugan ng komunidad, mga bumubuo nito, at mga batayangimpormasyon tungkol dito.Higit na makikilala at mauunawaan ng mga bata ang mgaimpormasyon tungkol sa kanilang kinabibilangang komunidad. Mababatidang pinagmulan ng sariling komunidad, ang kapaligiran at katangiang pisikalnito gamit ang konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago sa pamamagitan ngmapanuri at malikhaing pag-iisip. Apatnapung (40) araw ang mungkahingtakdang panahon ng pag-aaral sa yunit na ito.Panlahat na LayuninNakapagpapahayag ng pag-unawa at pagpapahalaga sa kahulugan atkonsepto ng komunidad at sa mga bumubuo nito.2
Ang KomunidadAng modyul na ito ay naglalaman ng pagtalakay sa kamalayan at pagunawa sa konsepto ng komunidad, bumubuo sa komunidad at mga batayangimpormasyon nito.Ito ay nahahati sa apat na (4) aralin:Aralin 1.1: Ano Ang Komunidad?Aralin 1.2: Gawain at Tungkulin ng mga Bumubuo ng KomunidadAralin 1.3: Larawan ng Aking KomunidadAralin 1.4: Komunidad Ko, Mahal KoInaasahang maipamamalas ng mag-aaral ang sumusunod:1. pag-unawa sa kahulugan ng komunidad;2. pagtukoy sa bumubuo ng komunidad at ang papel at tungkulinng bawat isa;3. paglalarawan sa kinabibilangang komunidad ayon sa mgabatayang impormasyon at kinalalagyan;4. Pagpapahalaga sa kinabibilangang komunidad.3
ARALIN 1.1: Ano Ang KomunidadTakdang Panahon: 5-7 arawI. Layunin:1. Naibibigay ang kahulugan ng komunidad.2. Natutukoy ang mga bumubuo ng isang komunidad.3. Nasasabi ang kinaroroonan ng komunidad.II. Paksang Aralin:Paksa:KomunidadKagamitan: clay, krayola, papel, manila paper, Modyul 1, Aralin 1.1Integrasyon: pagpapahalaga sa kalikasan, siningIII. Pamamaraan:A. Panimula:1. Magpakita ng larawan ng iba-ibang uri ng komunidad.2. Itanong:Anong katangian mayroon ang bawat komunidad na nasalarawan?3. Isulat sa pisara ang mga kasagutan at pag-usapan ito.4. Iugnay sa aralin.B. Paglinang:1. Ilahad ang aralin gamit ang mga susing tanong sa Alamin Mo.2. Magdaos ng “brainstorming” kaugnay ng tanong. Tanggapin lahatang sagot ng mag-aaral.3. Ipabasa ang “Basahin” sa ilalim ng Alamin Mo.Hatiin sa apat na pangkat ang klase para sa pagsagot sa mgatanong na nasa ilalim ng babasahin.4. Bigyan ng pagkakataon ang bawat pangkat na masagutan ang mgatanong.5. Ipaulat sa bawat pangkat ang sagot sa malikhaing paraan.6. Talakayin ang ulat ng bawat pangkat. Bigyang-diin ang mga sagotng mga bata.7. Ipaliwanag ang panuto sa pagsasagawa ng bawat gawain.8. Itanong/ Ipagawa ang sumusunod:4
Gawain A:Hayaang ilarawan nila ang iginuhit na komunidad. Ipaskil angginawa ng mga bata.Ipasagot ang sumusunod na tanong.- Ano-ano ang bumubuo sa bawat komunidad na iginuhitninyo?- Sino-sino sa inyo ang magkakapareho ang iginuhit?- Sino-sino ang naiba?Gawain B:Sino-sino ang nagkulay ng dagat? kapatagan? komersiyal?industriyal? kabundukan? talampas?Bakit kaya may magkapareho at magkaibang sagot?Ano ang ipinahihiwatig nito?Sino-sino ang gumuhit ng wala sa larawan? Ano-ano ito?Gawain C:Ano ang unang nawawalang salita? ikalawa? ikatlo?Ano ang inyong mga sagot. Magkakapareho ba?Basahin ang buong pangungusap.9.Talakayin ang mga kasagutan sa bawat gawain. Kung may mgamaling kasagutan, ipaliwanag at iwasto ito. Inaaasahan na lahatng gawain ay maisasagawa ng mga bata.10. Bigyang diin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo.IV. Pagtataya:1. Pasagutan ang Natutuhan Ko.V. Takdang Gawain:1. Pagdalahin ang mga bata ng mga magasin at larawan nanagpapakita ng gawain at tungkulin ng mga bumubuo ng komunidad:paaralan, barangay hall, health center, simbahan at iba pa.VI. Culminating Activity :1. Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Ipagawa ang sumusunod:Pangkat 1 – Bumuo ng isang taludtod na tula tungkol sa komunidadPangkat 2 – Bumuo ng islogan tungkol sa komunidadPangkat 3 –Gumawa ng isang modelong komunidad. Gumamit ngclay sa pagbuo ng komunidadPangkat 4 – Bumuo ng isang awit tungkol sa komunidad sa himigng “Bahay Kubo”5
ARALIN 1.2: Gawain at Tungkulin ng mga Bumubuo ngKomunidadTakdang Panahon: 5-6 arawI.Layunin:1. Nailalarawan ang papel, tungkulin at gawain ng mga bumubuo ngkomunidad2. Naiuugnay ang papel, tungkulin at gawain ng mga bumubuo ngkomunidad sa sarili at sa pamilyaII. Paksang Aralin:Paksa: Ang mga Bumubuo ng Komunidad; “Doon po sa Amin”Kagamitan: larawan ng mga bumubuo ng komunidad tulad ngsimbahan, paaralan at iba pa, paper bag puppet,papel, manila paper, Modyul 1, Aralin 1.2Integrasyon: SiningIII. Pamamaraan:A. Panimula:1. Magpakita ng larawan ng mga bumubuo ng komunidad: paaralan,simbahan, plasa, health center, barangay hall, police outpost at ibapa.2. Ipasuri ang larawan at itanong kung ano ang gawain ng bawat isasa komunidad.3. Ipaskil sa pisara ang mga larawan at isulat sa katapat nito angmga sagot ng mga bata. Tanggapin lahat ang kasagutan.4. Iugnay sa araling tatalakayin.B. Paglinang:1. Ilahad ang aralin gamit ang mga susing tanong sa Alamin Mo.2. Ipabasa ang kuwentong “Doon Po sa Amin.” Upang maging kawiliwili sa mga bata, maaaring gawing “role play” o gumamit ng puppetsa pagbasa nito. (Pangkatin ang klase sa 4 at ibigay ang kanilangbahagi, isang araw bago ituro ang aralin.)6
3. Ipasagot ang mga tanong kaugnay dito. Pag-usapan ang mgasagot ng klase.4. Ipagawa ang mga pagsasanay sa Gawin Mo na nasa modyulupang higit na maunawaan ang aralin.5. Ipaliwanag ang panuto ng pagsasagawa ng bawat gawain.6. Maaaring isagawa ng pangkatan ang mga gawaing ito.7. Kung pangkatan ang pagsasagawa, bigyan ang bawat pangkat ngmanila paper, pentel pen at krayola upang dito isulat o iguhit angisinasaad ng bawat gawain. Ipapaskil.8. Pag-usapan ang mga ipinaskil na output.9. Itanong: Ano-ano ang bumubuo ng komunidad? Ano ang gawain attungkulin ng bawat isa.10. Pag-usapan at pagtuunan ng pansin ang mga ideya o kaisipan saTandaan Mo.IV.Pagtataya:1.2.V.Pasagutan ang Natutuhan Ko.Gabayan ang mga bata upang maiwasto ang kanilang kasagutan.Takdang Gawain:1. Magpadala sa klase ng sumusunod na kagamitan para sa susunodna aralin.pangkulaybond paperrulermapa ng kinabibilangang komunidad ng bawat bataVI.Culminating Activity:1. Ipagawa ang laro.Bato-Bato sa Langit1.2.Isulat ang mga bumubuo ng komunidad sa maliliit na papel. Bilutin isaisa ang papel at ilagay sa isang kahon.Maghanda ng radio o tape recorder. Sundin ang sumusunod.a. Gumuhit ng isang bilog at hayaang magmartsa o magsayaw angmga bata sa loob nito.b. Pumili ng lider. Tatayo ang lider sa gitna ng bilog na hawak angcabbage ball na ang bawat ballot ay may nakasulat na bumubuo ngkomunidad.7
c. Pagtigil ng tugtog o martsa, sisigaw ang lider nang ganito.” Batobato sa langit, ang tamaan ay huwag magagalit.” Pagkatapos ayitatapon niya ang cabbage ball sa mga bata.3. Ang tamaan ng cabbage ball ay mag-aalis ng isang dahon.Babasahinang nakasulat dito at ibibigay ang tungkulin nito. Ibukod ang papel nanasagot na. Gawin ito nang isa-isa. Ang hindi makapagsabi kaagad ayaalisin sa bilog ng lider.Ulitin ang laro. Ang matira ang panalo.ARALIN 1.3 –Larawan ng Aking KomunidadTakdang Panahon: 5 arawI.Layunin:1. Nailalarawan ang kabuuan ng kinabibilangang komunidad.2. Natutukoy ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga komunidad.II. Paksang Aralin:Paksa:Kagamitan:Tula: Larawan ng Komunidad Komanila paper, pentel pen, bond paper, sand table,picture map, Modyul 1, Aralin 1.3Integrasyon: sining, wika at pagbasaIII. Pamamaraan:A. Panimula:1. Ituro ang awit:Ako, Ikaw, Tayo ay Isang Komunidad(Himig: It’s I, You, We)Ako, ako, ako’y isang komunidad (2x)Ako’y isang komunidad.Sumayaw-sayaw at umindak-indakSumayaw-sayaw katulad ng dagatSumayaw-sayaw at umindak-indakSumayaw-sayaw katulad ng dagat(Ulitin ang awit. Palitan ang ako, ng ikaw at tayo)8
2. Pag-usapan ang nilalaman ng awit.3. Tumawag ng ilang mag-aaral na makapaglalarawan sa kanilangkinabibilangang komunidad. Ipagamit ang mga larawan ng mgabumubuo ng komunidad sa nakaraang aralin sa paglalarawan.4. Pag-usapan ang paglalarawang ginawa ng mga bata5. Iugnay sa aralin.B. Paglinang:1. Ilahad ang aralin gamit ang mga susing tanong sa Alamin Mo.2. Basahin ang tula “Larawan ng Komunidad Ko”3. Ipasagot ang mga tanong na kasunod ng tula.4. Talakayin ang mga kasagutan. Pagtuunan ng pansin ang ikaapatna tanong.5. Pangkatin ang klase ayon sa kinabibilangang komunidad ng mgabata6. Ipaliwanag ang bawat panuto sa pagsasagawa ng bawat gawainsa Gawin Mo (A, B, C)upang maisagawa ang mga ito nangmaayos.7. Gabayan ang klase sa bawat gawain.8. Ipaulat ang mga ginawang output.9. Pag-usapan at bigyang diin ang mga kaisipang nakatala sa kahonsa Tandaan Mo.IV.Pagtataya:1. Ipaliwanag ang panuto sa pagsasagawa ng Natutuhan Ko.Magpakita ng halimbawa ng picture map.2. Ipapaskil ang ginawa ng bawat bata.3. Markahan ang ginawa ng mga bata gamit ang rubrics na nasa ibaba.Rubrics3 pts – Nailarawan nang tama ang kabuuan ng kinabibilangangkomunidad sa maikhaing paraan2 pts – Nailarawan nang tama ang kabuuan ng kinabibilangangkomunidad subalit may kakulangan sa paraang ginamit(halimbawa ay hindi nakulayan; hindi malinis angpagkakagawa)1 pt – Nailarawan ang kinabibilangang komunidad subalit hindinaipakita ang mga bumubuo at ang kinaroroonan nito.9
V. Takdang Gawain:Ipadala sa mga bata ang sumusunod:VI. Culminating Activity:1. Magtanghal ng exhibit ng mga picture map na nagpapakita ngkanilang komunidad.2. Maaaring magdaos ng isang maikling programa na nagtatanghalsa mga natutunan ng mga mag-aaral.ARALIN 1.4: Komunidad ko, Mahal ko!Takdang Panahon: 5 arawI. Layunin:1. Natutukoy ang kahalagahan ng komunidad.2. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng komunidad sa pamumuhay ngtao.II. Paksang Aralin:Paksa:Ang Aking Munting KomunidadKagamitan:Modyul 1, Aralin 1.4; larawan ng bawat mag-aaralIntegrasyon: Edukasyon sa Pagpapakatao (Kooperasyon atPagtutulungan), Pangangalaga sa Kapaligiran)III. Pamamaraan:A. Panimula1. Ipaawit sa mga bata ang kantang “Masaya kung Sama-Sama” at“Ako ay Maligaya.” Talakayin ang kahulugan/mensahe naipinahihiwatig ng awit; kung angbawat isa ay sama-sama aymagiging maligaya ang magkakaibigan sa isang komunidad.(Paala: Ihanda at ituro ang awit bago ang aralin).2. Itanong sa mga bata kung sila ay kabilang sa isang komunidad.Ipalarawan ang komunidad na kinabibilangan nila.10
B. Paglinang:1. Ilahad ang aralin gamit ang mga susing tanong sa Alamin Mo.2. Ipabasa ang kuwentong “Ang Aking Munting Komunidad” samodyul.3. Pasagutan ang mga tanong na kasunod.4. Ipagawa ang Gawain A. Magpadala ng larawan ng mga bata upangidikit sa loob ng puso. Pag-usapan ang kanilang komunidad.Isulatsa pisara ang magagawa ng mga batang katulad nila at ngkanilang pamilya sa sariling komunidad. Ipasabi: “Ako ay maykinabibilangang komunidad.”5. Pangkatin ang klase na may 5 kasapi bawat pangkat. Ipagawa angGawain B at C. Bigyan ng pagkakataon ang bawat pangkat namag-usap at maipakita ang ginawang role play.6. Pag-usapan at bigyang-diin ang mga kaisipang nakatala saTandaan Mo.C. Pagtataya:Ipaliwanag ang panuto sa pagsasagawa ng Natutuhan Ko.D. Takdang Gawain:1. Magpasaliksik sa mga bata ng mga batayang impormasyon tungkolsa kanilang kinabibilangan komunidad. Sabihing magpatulong samga magulang sa pagsasagawa nito. Ipakopya ang tsart sa ibaba:Pangalan ng KomunidadKasalukuyang PinunoWikaGrupong EtnikoRelihiyonDami ng tao batay sa 2007CensusE. Culminating Activity: (1 araw)1. Makipag-ugnayan sa Barangay para sa gagawing pagtulong sapaglilinis ng kapaligiran ng komunidad.2. Papiliin ng isang bakanteng lote sa paaralan/komunidad ang magaaral at pataniman ng gulay/punongkahoy. Maaaring ipagawa ngpangkatan.11
Iba-ibang Larawan ng KomunidadPanimulaIto ay binubuo ng tatlong aralin:Aralin 2.1: Komunidad Ko, Kikilalanin ko!Aralin 2.2: Mga Sagisag at Simbolo sa Aking KomunidadAralin 2.3: Komunidad Ko, Ilalarawan Ko.Inaasahang mailalarawan ng bawat mag-aaral ang sariling komunidadsa tulong ng datos na nakuha sa pagsasaliksik ng mga impormasyon (hal.mga simbolo o sagisag na makikita sa kanyang kapaligiran at ang kahuluganng bawat isa).Sa mga nakalaang gawain, higit na matutuklasan at mauunawaan ngmga bata ang mga impormasyon tungkol sa kanilang kinabibilangangkomunidad.12
ARALIN 2.1: Komunidad Ko, Kikilalanin Ko!Takdang Panahon: 5-7 arawI.Layunin:1.Nakakukuha ng sumusunod na impormasyon tungkol sa komunidad;1.1pangalan ng lugar1.2dami ng tao1.3pinuno1.4wikang sinasalita1.5mga grupong etniko1.6relihiyon1.7at iba pa2.Naitatala ang mga impormasyong nakalap tungkol sa komunidad3.Nasasabi ang mga batayang impormasyon tungkol sa komunidad.4.Nakabubuo ng paglalahat tungkol sa nakalap na impormasyon ukol sakomunidad.II.Paksang Aralin:Paksa:Kagamitan:Ang Aking Komunidadmga larawan, papel, manila paper, krayola, lapis, metastrips; Modyul 2, Aralin 2.1Integrasyon: statistics: populasyon; pagsulat; pagsasaliksikIII. Pamamaraan:A. Panimula:1. Magpakita ng larawan ng isang komunidad.2. Igabay ang mga bata na bumuo ng mga susing tanong upangmapag-usapan ang larawan.3. Isulat ang mga tanong na binuo ng mga bata tungkol sa larawan.4. Magpabigay ng hakang sagot tungkol sa mga tan
Araling Panlipunan . ii Araling Panlipunan 2 ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan n Pangalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph.D. Consultant: –Ikalawang Baitang Patnubay ng Guro Unang Edisyon, 2013 ISBN: Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa .
Araling Panlipunan . 2 Araling Panlipunan 2 Ma. Ther Inilimbag sa Pilipinas ng _ Department of Eduction-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address: nd 2 Floor Dorm G, PSC Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072 E-mail Address: imcsetd@yahoo.com Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Consultant: Zenaida E. Espino .
ISBN 978-621-421-072-5 (PDF) Jointly published by: Department of Education (DepEd) DepEd Complex. Meralco Ave., Pasig City 1800, Philippines Contact: action@deped.gov.ph. website: https://www.deped.gov.ph United Nations Children's Fund (UNICEF) Philippines Country Office 14th Floor, North Tower, Rockwell Business Center Sheridan
by NEAP to provide professional development to teachers and/or school leaders within DepEd under DO No. 001, s. 2020. b. DepEd Service Providers (DSP) are DepEd Central Office bureaus, services or units, DepEd Regional Offices or DepEd Schools Division Offices that have been awarded formal, fixed-term
Grade 7 Deped Araling Panlipunan Teachers Guide.pdf chevrolet tracker 2015 manual, richard wagner morde mythen mittelalter opernfuhrer 3, the routledge companion to l andscape studies thompson ian howard peter wa
ARALING PANLIPUNAN I (Effective and Alternative Secondary Education) MODYUL 14 ANG PILIPINAS SA PANAHON NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City . 2 MODYUL 14 ANG PILIPINAS SA PANAHON NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG Nakatuon ang modyul na ito sa mga pangyayari sa Pilipinas noong panahon ng Ikalawang .
ARALING PANLIPUNAN I (Effective and Alternative Secondary Education) MODYUL 8 PAGSIBOL NG KAMALAYANG PILIPINO BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City . 1 MODYUL 8 PAGSIBOL NG KAMALAYANG PILIPINO Ang Pilipino ay likas na mapagtiis at mapagbigay kung kaya’t ang mga pagmamalabis at pang-aabuso ng mga Espanyol sa kanilang karapatan ay tiniis .
K TO 12 ARALING PANLIPUNAN *Dr. Maria Serena Diokno, LAT Convenor – version as of January 31, 2012 5 MGA TEMA Grade 1 Grade 7 A. Tao, Kapaligiran at Lipunan B. Panahon, Pagpapatuloy at Pagbabago C. Kultura, Pagkakakilanlan at Pagkabansa D. Karapatan, Pan
In Abrasive Jet Machining (AJM), abrasive particles are made to impinge on the work material at a high velocity. The jet of abrasive particles is carried by carrier gas or air. The high velocity stream of abrasive is generated by converting the pressure energy of the carrier gas or air to its kinetic energy and hence high velocity jet. The nozzle directs the abrasive jet in a controlled manner .