Pananakop Ng Mga Hapones Sa Pilipinas

2y ago
635 Views
48 Downloads
9.05 MB
8 Pages
Last View : 4d ago
Last Download : 1m ago
Upload by : Noelle Grant
Transcription

Republic of the PhilippinesDepartment of EducationRegional Office IX, Zamboanga Peninsula6Zest for ProgressZ Peal ofartnershipAraling PanlipunanIkalawang Markahan- Modyul 6:Pananakop ng mga Hapones sa PilipinasName of Learner:Grade & Section:Name of School:

Bumuo sa Pagsusulat ng ModyulManunulat: Maria Shiela A. FermocilEditor: Genevieve C. BaelTagasuri: Florence S. GallemitTagaguhit: Cristito G. Elumba Jr.Tagalapat:Tagapamahala: Isabelita M. Borres, Ed.D – Regional DirectorEugene B. Penales, Ed.D- CLMD ChiefSonia D. Gonzales, Ed.D - EPS In Charge of LRMSSonia D. Gonzales, Ed.D - Regional ADM CoordinatorElla Grace M. Tagupa, Ed.D - CID ChiefJephone P. Yorong, Ed.D - Division EPS In Charge of LRMSJephone P. Yorong, Ed.D - Division ADM CoordinatorAlaminSa araw na ito, ating inaasahang at gawing nakalaan para sa araling ito:Pagkatapos ng modyul, ikaw ay inaasahang: *Nasusuri ang mga patakaran at resulta ng pananakop ng mga HaponesBalikanTukuyin ang pangyayaring naganap sa mga sumusunod na petsa. Piliin ang titik natamang sagot sa ibaba at isulat sa patlang na nakalaan bago ang bilang.1. Disyembre 8, 1941a. Ang Maynila ay ginawang Open City2. Disyembre 26, 1941b. Sumuko si Heneral Wainwright samga Hapon3. Pebrero 20, 1942c. Sumalakay ang hukbo ni Homma saBataan4. Marso 11, 1942d. Sinalakay ng Hapones ang PearlHarbor5. Abril 9, 1942e. Inalis si Quezon sa Corregidor6. Mayo 6, 1942f. Si MacArthur at ang kanyang pamilyay nagtungo sa Australia

Aralin6Pananakop ng mga Hapones sa PilipinasTuklasinIsang bagong pamahalaan ang itinatag ng mga Hapones. Itinalaga nila si JorgeVargas bilang tagapangulo ng Philippine Executive Commission.Sa bisa ng ExecutiveOrder No. 109,itinatag ang Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas(KALIBAPI),ang tanging partidong politikal na pinahintulutan ng mga Hapones ulturaMga Pagbabagong IpinatupadHinirang si Jose P. Laurel bilang pangulo ngbagong republika ng Pilipinas.Tinaguriang "puppet government" angpamahalaan noong panahon ng mga Haponesdahil walang kapangyarihan ang mga pinunonito na magpatupad ng mga programa atgumawa ng sarili nilang pagpapasiya. Bagkusay naging sunod-sunuran ito sa kagustuhanng mgs Hapones.Lumaganap ang kahirapahan dahil sa (a)pagtigil ng mga maggagawa at magsasaka sapagtatrabaho sa takot na maging biktima ngpagmamalupit ng mga Hapones; at (b)pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil sakakulangan ng suplay ng mga pangunahingpangangailangan .Sapilitang ipinatanim ang bulak dahilkailangan ito ng mga Haponessa paggawa ngdinamita.Nagpalabas ng salapi ang mga Hapones.Tinawag itong "mickey mouse money" dahil sakakulangan ng mahahalagang impormasyonsa disenyo nito. Tinawag din itong"gurami",maliliit na isda na kahit madami angbilang ay walang halaga; o "apa", dahil parangmahina o mapurok ito--- ang mga katawagangito ay nagpapahiwatig na walang halaga angnaturang salapi.Sinupil ng mga Hapones ang kalayaan ng mgaPilipino. Nagpatupad ng paghigpit sa mgapahayagan at inalis mula sa mga batayangaklat na ginamit sa mga paaralan anganumang patungkol sa kulturang Amerikanoat sa English.Nagpatupad ang mga Hapones ng mgapatakaran upang ibalik ang pagiging Asyanong mga Pilipino na pinaniniwalaan nilangnawala ng dahil sa pananakop ng mgaKanluranin. (Espanya at United States)Itinuro nila ang wikang Nippongo.

Nagpalabas sila ng mga dokumentaryo tuladng "Song of the Orient" at "The Dawn ofFreedom" tungkol sa pagwawagi ng mgaHapones sa Bataan at Corregidor.Pinatutugtog din nila ang "Awit sa Paglikha ngBagong Pilipinas" kapalit ng "LupangHinirang" sa mga opisyal na gawain atpagtitipon.Ayon sa salaysay ng mga nabuhay noongpanahon ng mga Hapones,nabalot ng takot atlagim ang Pilipinas noon.PanlipunanLabis na kinatakutan ang malupitat buktotna pamamaraan ng mga kempeitai o pulismilitar ng Japan sa mga Pilipino.Sa Fort Santiago karaniwang isinasagawa angpagpaparusa at pagpapahirap, maaari dinpara sa pagkuha ng impormasyon, sa mgaPilipinong pinaghinalaang mga gerilya. Ilan samga paraan nito ay angpinugutan,tinubig,kinulata at binilad.Naging laganap ang pang-aabuso sakababaihan sa panahon ng okupasyongHapones.Upang pigilin ang anumang tangka sa pagaalsa o paglaban sa Japan ,nagbayad angmga Hapones ng ilang Pilipino para magespiya para sa kanila.Tinawag ang mgaespiyang Pilipino na ito na buslo.SuriinSagutin ang mga katanungan. Isulat sa patlang ang inyong mga sagot1. Ano ang tawag sa pamahalaang itinatag ng mga Hapones sa Pilipinas?2. Sino ang naging pangulo ng Philippine Executive Commission?3. Bakit tinawag na puppet ang pamahalaan sa panahon ng pnanakop ng Hapon?4. Paano binago ng mga patakarang Hapones ang lipunang Pilipino?5. Mayroon bang mabuting bunga ang mga nasabing patakaran?6. Nakabuti ba o nakasama ba ito sa kalayaan ng bansa? Paano?7. Paano kaya nakaimpluwensiya sa paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino angpananakop ng mga Hapones?

PagyamaninGawain I. Bumuo ng isang larawan o simbolong maglalarawan sa motibo ng pananakop ngHapon sa Pilipinas. Gayundin, upang higit na maging makabuluhan ang iyong ginawaay bigyan mo ito ng angkop na pagpapaliwanag. Gawin ito sa mga nakalaang espasyosa ibaba.Iguhit dito ang napili mong simboloMotibo ng Pananakop ng mga HaponesGawain II.1.2.3.4.5.Sino ang tinutukoy sa bawat bilang? Binigay ang unang titik ng pangalan paramakatulong sa pagsagot.Pangulo ng Philippine Executive CommissionJPangulo ng Ikalawang RepublikaJNamuno sa puwersang Hapones sa pananakop nito sa PilipinasMNagbilin ng Gawain kay Jose P. Laurel nang lisanin niya ang bansa patungong AustraliaMUnang Direktor-Heneral ng KALIBAPIBGawain III. Bilugan ang T kung ang pangungusap ay tama at M kung ito ay mali.1. Sinundan ng KALIBAPI ang propaganda ng Japan, sang –ayon sa GreaterEast Asia Co- Prosperity Sphere, sa pagtataguyod ng “ Pilipinas para samga Pilipino2. Naging Malaya mula sa pagbabantay ng mga opisyal na Haponesang mga pahayagan upang mahikayat ang mga manunulat na magambag3. Itinatag ng mga Hapones ang Philippine Executive Commission namay tatlong kagawaran upang magsilbing pamahalaang sentral4. Tinawag na puppet government o tau-tauhan ang pamahalaangitinatag dahil kahit na mga Pilipino ang hinirang na lider ay sunodsunuran ito sa utos ng Japan5. Kinumpiska ng mga Hapones ang salapi at ginto sa bansa atpinalitan ito ng salaping papel na mataas ang halaga kaya tinawagna Mickey moneyTMTMTMTMTM

IsaisipAng “Asya Para sa Asyano” at “Greater East Asia Co – Prosperity Sphere” ang ginamit naislogan ng Hapon sa pananakop sa Asya.Ang bansang Hapon ay isa sa mga pangunahing tauhan noong Ikalawang DigmaangPandaigdigan.Ang Pilipinas ay nasangkot sa digmaang ito nang lubusin ito ng mga Hapones noongDisyembre 8, 1941, ilang oras matapos pasabugin ang Pearl Harbor sa Hawaii.Sa pangunguna ni Douglas MacArthur ay nabuo ang USAFFE. Ito ay ang pinagsanib nalakas ng mga hukbong Pilipino at Amerikanong magiting na lumaban sa puwersa ng mgaHapones.Idineklara ni MacArthur na Open City ang Maynila upang ito ay iligtas sa trahedya ngdigmaan na sa kasawiang palad ay hindi rin nakaligtas sa kalupitan ng mga Hapones.Pangunahing layunin ng mga Hapon sa pagsakop sa ating bansa ay ang pag – isahin angmga bansa sa dulong Silangang Asya para sa kaunlarang pang – ekonomiya ng rehiyon.Dagdag na layunin ang paglawak ng kanilang teritoryo dahil sa paglobo ng kanilangpopulasyon, pagkakaroon ng pamilihan ng kanilang kalakal at gamitin ang likas nayaman ng Pilipinas sa kagamitang panteknolohiya at pandigma.Pinangakuan ng mga Hapon ang Pilipino ng kasarinlan upang mahikayat ang huli nasumunod sa kanilang mga patakaran.GawainSa kasaysayan ng daigdig, dalawang malalaking digmaan ang nangyari at ang mgaito ay pumatay sa napakaraming tao. Bata man o matanda, sibilyan man o sundalo,inosente man o may kasalanan ay di nakaligtas sa nakalulunos na bunga ng mgadigmaang pandaigdigan.Ikaw bilang kabataan, ano ang maaari mong gawin upang maiwasan ang mgadigmaan o mga paglalaban – laban ng mga bansa o maging ang mga digmaang sibil saloob ng isang nasyon? Buoin ang chart sa kabilang pahina sa pamamagitan ngpaglalahad ng mga simpleng bagay na maaari mong gawin upang maiwasan ang digmaanat makamit ang mapayapang sandaigdigan.Mapayapang daigdigPangarap KoTayahinA. Natutukoy ang mahahalagang detalye tungkol sa pananakop ng mga Hapones.Piliin sa hanay B ang tinutukoy sa hanay A. Titik lamang ang isulat sa patlangbago ang bilang.

Hanay A1. Nagtungong Australia siMacArthur2. Idineklarang Open City angMaynila3. Sinalakay ng mga Haponesang Pearl Harbor4. Unang kumander ng USAFFE5. Ang pangako ng mga Haponsa PilinasHanay Ba. kasarinlanb. Douglas MacArthurc. Disyembre 26, 1941d. Marso 11, 194e. Disyembre 8, 1941B. Basahing mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot.1. Anong uri ng pamahalaan ang pinamumunuan ni Jose P. Laurel noong panahon ngpananakop ng mga Hapones sa PilipinasA. totalitarian B. PuppetC. MalayaD. Demokratiko2. Bakit tinawag na Puppet Republic ang pamahalaan ng Ikalawang Republika ng Pilipinas?A. ang pangulo ay napasailalim sa kapangyarihan ng mga Hapones.B. Palaging nagtatanghal ng mga puppet shows ang mga HaponesC. Pinamamahalaan ng mga Hapones ang bansa.D. Pilipino lahat ang mga namumuno3. Ano ang naging implikasyon nang pag-alis ng mga Hapones sa mga lapiang pulitikal ngbansa?A. pag-alis ng kabuhayanC. pag-alis ng pamahalaanB. pag-alis ng kalayaanD. pag-alis ng mga samahan4. Ang mga Pilipino noong panahon ng pamumuno ng mga Hapones ay namuhay sa takot atpag alinlangan.Alin sa mga sumusunod ang tawag sa uri ng pamahalaan napinamumunuan ng mga Hapones?A. Panahon ng KahirapanC. Panahon ng KasaganaanB. Panahon ng KadilimanD. Panahon ng Pandemya5. Alin sa mga wika sa ibaba ang itinuro at ipinagamit sa mga paaralan?A. InglesB. FilipinoC. KastilaD. NiponggoKaragdagang GawainAno ang iyong saloobin at opinion kaugnay ng pagtanggi ng mga Amerikano na kilalaninang pamahalaan ng Ikalawang Republika at tawagin itong puppet government ? Ipaliwanag angiyong sagot.SaguniianAraling Panlipunan 6 TG – pahina 402-405Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 6 – pahina 155-160

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden LandHere the trees and flowers bloomHere the breezes gently Blow,Here the birds sing Merrily,The liberty forever Stays,Here the Badjaos roam the seasHere the Samals live in peaceHere the Tausogs thrive so freeWith the Yakans in unityGallant men And Ladies fairLinger with love and careGolden beams of sunrise and sunsetAre visions you’ll never forgetOh! That’s Region IXHardworking people Abound,Every valleys and DaleZamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,Ilongos,All of them are proud and trueRegion IX our Eden LandRegion IXOur.Eden.Land.The Footprints PrayerTreesby Joyce KilmerOne night I had a dream. I dreamed I think that I shall never seethat I was walking along the beach A poem lovely as a tree.with the LORD.A tree whose hungry mouth is prestIn the beach, there were two (2) sets Against the earth’s sweet flowingof footprints – one belong to me and breast;the other to the LORD.A tree that looks at God all day,Then, later, after a long walk, I And lifts her leafy arms to pray;noticed only one set of footprints.A tree that may in Summer wear“And I ask the LORD. Why? Why?A nest of robins in her hair;Why did you leave me when I am sadand helpless?”Upon whose bosom snow has lain;And the LORD replied “My son, My Who intimately lives with rain.son, I have never left you. There wasonly one (1) set of footprints in the Poems are made by fools like me,sand, because it was then that I But only God can make a tree.CARRIED YOU!1

Gawain I. Bumuo ng isang larawan o simbolong maglalarawan sa motibo ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas. Gayundin, upang higit na maging makabuluhan ang iyong ginawa ay bigyan mo ito ng angkop na pagpapaliwanag. Gawin ito sa mga nakalaang espasyo sa ibaba. Iguhit dito ang napili mong simbolo Motib

Related Documents:

Ang mga Coronavirus ay isang malaking pamilya ng mga virus at napangalanan ang mga ito ng ganito dahil sa crown-like spikes na nasa labas nito. Ang mga ito ay pangkaraniwang uri sa mga hayop, tulad ng mga camel, baka, pusa, at mga paniki. Bihira na ang mga coronavirus ng mga hayop ay malilipat sa mga tao at kakalat mula tao sa tao.

Nagpatupad ang mga Hapones ng mga patakaran upang ibalik ang pagiging Asyano ng mga Pilipino na pinaniniwalaan nilang nawala ng dahil sa pananakop ng mga Kanluranin. (Espanya at United States)Itinuro nila ang wikang Nippongo.Nagpalabas sila ng mga dokumentaryo tulad ng "Song of the Orient" at "The Dawn

Ang Diyos ng mga taga-Europa ng Edad Medya ay dinala rito ng mga Espanyol noong Siglo 16. Ito ang ginamit nilang instrumento sa pasipikasyon ng mga katutubong dinatnan nila sa mga isla ng Filipinas. Naiiba ang Diyos ng mga Kristyano sa mga mumunting diyos na kilala ng mga katutubo. Para sa mga ito, may mga puwersang nagpapalago ng mga

Sa mga paaralan na ito, ang mga bata ay maaaring magpatala sa isang programa pagkatapos ng klase para sa musika, isports, tulong sa homework, o ibang mga gawain. Ang ilan sa mga paaralan ay sumisingil ng bayad para sa mga programang ito. Dapat ninyong ipatala ang inyong mga anak sa mga espesyal na programa at

1995b). Sa pananakop ng mga Amerikano, nagsagawa sila ng mga pag-aaral o etnograpiya ng ilan pang grupong etniko, upang gamitin sa pananakop (cf Tan 2010). Nasundan ang ganitong pag-aaral ng iba pa na isinagawa ng mga sumunod na henerasyon ng mga antropologo galing sa ib

paraan ang mga tawag sa telepono, mga e-mail, mga hindi pormal na ulat ng progreso, mga pulong ng magulang at guro, mga komperensiyang pinamumunuan ang mag-aaral at mga newsletter ng paaralan. Ano ang dapat kong gawin kung nag-aalala ako tungkol sa pagganap ng anak ko sa

ng mga kopya ng kredito at mga pagkakakilanlan at mahalagang mga dokumento, tulad ng mga polisa ng seguro at mga rekord/ kasulatan na nauukol sa pananalapi. Mga kasangkapan. Bukod sa liyabe-de-tubo at gasuklay na liyabe (para sa pagsara ng balbula ng gas at tubig), dapat mayroon ka ring pansindi, mga istak ng posporo na nasa lalagyang hindi

Writing Human Factors Plans & Reports for Medical Technology Development pReVIeW COpY This is a preview edition of an AAMI guidance document and is intended to allow potential purchasers to evaluate the content of the document before making a purchasing decision. For a complete copy of this AAMI document contact AAMI at 1- 77-2-22 or visit www.aami.org. PREVIEW COPY This is a preview edition .