Filipino Baitang 9 Ikaapat Na Markahan

2y ago
499 Views
20 Downloads
1.40 MB
15 Pages
Last View : 2m ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Isobel Thacker
Transcription

Filipino Baitang 9Ikaapat na Markahan1

2

Ikaapat na Markahan Baitang 9Supplemental Lesson PlanAralin 1: Isang Maikling Kasaysaysan ng NobelaA.PanimulaItanong sa mga mag-aaral kung ano ang mganobelang kanilang nabasa na. Ipalarawan ito samga mag-aaral batay sa tauhan, tagpuan, daloy ngkuwento, at tunggalian.Matapos na mapag-usapan ang kanilang datingkaalaman sa isang nobela, sabihin na tatalakayin saaraw na iyon ang isang nobelang obra maestra.Maaaring itanong sa mga mag-aaral kung mayideya ba ang mga ito sa nobela.Iparinig din ang awiting “Awit ni Maria Clara”mula sa http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/Other Language Activities %28Intermediate Readings%29/Jose%20Rizal%20Readings/ang awit nimaria clara.htm.Pagkatapos ay itanong ito:B. Ano kaya ang layunin ng may-akda sa pagsulatng awit? Ano kaya ang mga nangyayari sa lipunan nasiyang dahilan kung bakit naisulat ang awit?Ipaliwanag ang sagot.KatawanIpabasa sa mga mag-aaral ang ilang tala tungkolsa kaligirang pangkasaysayan ng akda.Noli Me Tangereni Louie Jon SanchezAng nobela ay isang genre o uri ng panitikanng modernong panahon. Sa isang pagkakataon,kinilala ito bilang isang modernong pag-aanyo ngklasikong epiko, kung saan madalas may bayaningdumaraan sa mga pakikipagsapalaran. Sa literal napagpapakahulugan, ang ibig sabihin ng nobela ay“bago” (novel or new sa Ingles, novella sa Latin).PamantayangPangnilalaman:Naipamamalasng mga mag-aaralang pag-unawa saisang obra maestrangpampanitikan ngPilipinasPamantayangPagganap:Ang mag-aaralay nakikilahok sapagpapalabas ngisang movie trailer ostoryboard tungkol saisa ilang tauhan ng NoliMe Tangere na binagoang mga katangian(dekonstruksiyon).Mga KasanayangPampagkatuto:1. Napakingganat natitiyakang kaligirangpangkasaysayanng akda sapamamagitan ng:– pagtukoy salayunin ng mayakda sa pagsulatnito– pag-isa-isa samga kondisyonng lipunan sapanahong isinulatito– pagpapatunaysa pag-iralpa ng mgakondisyong itosa kasalukuyangpanahon salipunang Pilipino3

Ang nobela ay madalas na ipinapaliwanag bilangisang mahaba at kathang salaysay ng mga pangyayaringpinagsunod-sunod upang makalikha ng isahang epekto.Sa kumbensiyonal na pamamaraan, ang nobela ay madalasna sumusunod sa pag-unlad ng katauhan ng isang karakter.Isinasalaysay ng mga ganitong naisulat na nobela angmga pagkamulat—pagbabagong mabuti o masama—ng tauhang bayani. Ang pagkamulat ay laging isangproseso ng pagharap sa mga pagsubok, pagkakatukoyat pagharap sa pinakasuliranin, at pananagumpay (kungipinahihintulot).2. Nailalarawan angmga kondisyongpanlipunan sapanahong isinulatang akda at ang mgaepekto nito mataposmaisulat hanggang sakasalukuyanAng nobelang Noli Me Tangere ay maihahanay saganitong uri ng salaysayin sapagkat masasaksihan sanobela ang pagkamulat ni Juan Crisostomo Ibarra sakabuktutan ng kolonyal na pananakop, na noong una’ypanananaligan pa niya sa mithing kilalanin ang Pilipinasbilang ganap na bahagi ng Espanya.4. Napatutunayangang akda ay maypagkakatulad /pagkakaiba sailang napanood natelenobelaIsang kakatwang katotohanan ang pagbasa natinsa Noli Me Tangere sa pamamagitan ng salin. Hindi natinbinabasa ang nobela sa orihinal nitong wika sapagkat iilanlamang sa atin ngayon ang may kakayahang bumasa ngEspanyol. Ngunit minahalaga itong nobela dahil sa BatasRizal noong 1956. Ang batas na ito na kilala bilang RepublicAct 1425 ay naglayong isama sa lahat ng kurikulum ngmga paaralan ang pagpapahalaga sa pambansang bayani.Kabilang sa mga pagpapahalagang ito ang pagpapabasasa madla ng kaniyang dalawang nobela. Dahil dito,nagkaroon ng malaking espasyo sa pagpapasalin ngnobela upang mapalawak ang mambabasa nito.Matagal nang pinagpaplanuhan ni Rizal ang nobelaat natapos lamang niya ito noong 1886 sa Berlin, sampungtaon bago sumiklab ang rebolusyon. Ipinagbawal angpagbabasa at pagmamay-ari ng nobela nang makaratingito sa Pilipinas ilang buwan matapos mailathala. Hindinagustuhan ng mga pari ang anti-simbahang sentimiyentong nobela, bukod pa sa mga “makabago” at “banyaga”nitong adhikaing nasagap ni Rizal at ng kaniyang mgakapanalig sa kilusang Propaganda. Ito rin ang itinuturingna dahilan ng kaniyang pagkakabitay sa Bagumbayannoong Disyembre 31, 1896.43. Natutukoy angmga kontekstuwalna pahiwatigsa pagbibigaykahulugan5. Nailalahad angsariling pananaw,kongklusyon, at bisang akda sa sarili at sanakararami6. Naitatala angnalikom na datos sapananaliksik7. Nagagamit ang mgaangkop na salita/ekspresyon sa:– paglalarawan– paglalahad ngsariling pananaw– pag-iisa-isa– pagpapatunay

Sa simula ng nobela, magandang pagpukulan ng pansin ang siniping epigrape niRizal, maging ang kaniyang paghahandog. Ang epigrape ay mula sa “Anino ni Shakespeare”ng manunulat na Aleman na si Freidrich von Schiller. Mahalaga ang tanong na iniiwannitong epigrape hinggil sa abang bansang ito, na kinakatha ni Rizal sa kaniyang nobela:“Ngunit ang tanong ko, Kaibigan,/ sinong Dakila ang lilitaw/ Sa ganitong mga Hamak?Anong/ Kadakilaan ang mangyayari/ sa pamamagitan nila?” Sa kaniyang paghahandognaman, inilalarawan niya na ang “nakasulat sa kasaysayan ng pagdaralita ng sangkatauhanang isang kanser na may katangiang napakalubha kaya nagpupuyos sa galit munting dimasaling at nanggigising ng matatalim na kirot.”Marubdob ang pagnanasa ni Rizal na itanghal ang sakit na itong dinaranas din ngbansang lagi’t lagi niyang nililingon, lalo na nang nasa Europa siya at binabata ang lamig atpangungulila: “nilulunggati ko ang iyong kalusugan, na kalusugan din namin, at hinahanapang pinakamabuting paglunas.” Ginamit niya ang talinghaga ng mga sinaunang tao nanaglalantad ng mga maysakit sa “baitang ng templo, upang makapangmungkahi ng lunasang sinumang dumating na mananawagan sa Bathala.”Malinaw ang nasa ni Rizal sa pagsulat ng nobela. Nais niyang “ilarawan” ang kalagayanng bayan “nang buong tapat at walang pangingimi.” Sa pagkasangkapan ng imahen nglambong na “tumatabing sa karamdaman,” sinisikap na ibunyag ni Rizal ang mga pagdurusang kaniyang bayan. Sa buod ng mga kabanatang ito sa nobela, mamamalas ang ganitongpagtatanghal ng kalagayang-bayan, lalo na ang paghahari ng iilan sa mga sangay nglipunan.1.TalasalitaanIpatukoy sa mga mag-aaral ang mga kontekstuwal na pahiwatig ng pariralangnakaitim ayon sa pagkakagamit nito sa pangungusap.2.1.Sa kumbensiyonal na pamamaraan, ang nobela ay madalas na sumusunodsa pag-unlad ng katauhan ng isang karakter2.Masasaksihan sa nobela ang pagkamulat ni Juan Crisostomo Ibarra sakabuktutan ng kolonyal na pananakop.3.Hindi nagustuhan ng mga pari ang anti-simbahang sentimiyento ngnobela4.Nakasulat sa kasaysayan ng pagdaralita ng sangkatauhan ang isangkanser na may katangiang napakalubha5.Nilulunggati ko ang iyong kalusugan, na kalusugan din namin, athinahanap ang pinakamabuting paglunas.Pag-unawa sa BinasaUpang matiyak ang pagkaunawa ng mag-aaral sa binasang teksto, ipagawaang sumusunod na mga gawain.1.Isa-isahin at ilarawan ang mga kondisyong panlipunan sa panahongisinulat ang akda at ang mga epekto nito matapos maisulat hanggang sakasalukuyan. Bukod sa impormasyong nabanggit, maaari ding magsaliksiksa aklatan o Internet. Punan ang talahanayan.5

Mga Kondisyong Panlipunan2.Epekto Matapos MaisulatSa anong telenobela mo maihahalintulad ang Noli Me Tangere? Patunayan angsagot sa pamamagitan ng paghahambing gamit ang Venn diagram. Sumulat ngisang talatang nagpapaliwanag ng iyong pananaw kung bakit magkapareho angdalawang likhang tangianTelenobela6

C.KongklusyonPagpapahalagaBigyang-diin ang pagpapahalaga sa akdang binasa sa pamamagitan ng pagtiyakng bisa nito sa damdamin at isip ng mga mag-aaral. Maaaring pumili ng gawain angmga mag-aaral sa mga sumusunod:1.Magsulat ng isang talatang panata sa bayan na nagsasaad ng iyong damdamingipagtanggol ang iyong bayan mula sa kaapihan. Gawin itong parang isangmonologo ng tauhan sa Noli Me Tangere.2.Bumuo ng isang storyboard na ang kuwento ay tulad ng Noli Me Tangere. Kungisasapelikula ito, ano-ano ang mahahalagang pangyayari ang isasama? Pumililamang ng mula lima hanggang sampu.7

Ikaapat na Markahan Baitang 9Supplemental Lesson PlanAralin 2: Isang Maikling Kasaysaysan ng ng kung sino-sinong karakter ng Noli MeTangere ang natatandaan nila mula sa datingpagbabasa o mula sa mga unang kabanatangnabasa.Naipamamalas ngmga mag-aaral angpag-unawa sa isang obramaestrang pampanitikanng Pilipinas.2.Iisa-isahing ipalalarawan sa mga mag-aaral angkatangian ng karakter na kanilang napili.PamantayangPagganap:3.Hingan ng patunay o paliwanag ang mag-aaralkung ano ang naging batayan ng kanilangginawang paglalarawan.4.Pagkatapos, iparirinig ang monologo ni Sisa.Pagkatapos marinig o mapanood ito, paguusapan ang dahilan ng kaniyang pagkabaliwat dahilan ng pighati.Ang mag-aaralay nakasusulat ngmonologo batay sakatauhan ng karakter ngnobela.KatawanIpabasa sa mga mag-aaral ang buod ngKabanata 12–22.Kabanata 12–22: Mga Kabanata ng Pagkasawi atTrahedyaBuod ni Louie Jon SanchezMga KasanayangPampagkatuto:1. Nakikilala angmga tauhan bataysa napakinggangpahayag ng bawat isa2. Nahihinuha angkatangian ng mgatauhan at natutukoyang kahalagahan ngbawat isa sa nobela3. Nabibigyangkahulugan angmatatalinghagangpahayag[Spot Illustration: Si Crisostomo Ibarra, sa sementeryo. Sakaniyang likod, ang mga taong abala sa paglilinis ng mgapuntod.] c/o art illus.Magsisimula ang pagpapatuloy ng salaysay sa TodosLos Santos sa bayan ng San Diego. Kababalik-balik lamangni Ibarra, at nagtungo siya sa sementeryo ng bayan upangalamin kung ano ang nangyari sa labi ng kaniyang ama.84. Nahuhulaan angmaaaring magingwakas ng buhay ngbawat tauhan bataysa napanood naparade of characters5. Madamdamingnabibigkas angnabuong monologotungkol sa isangtauhan

Natagpuan niya roon at nakaharap ang sepulturerongnapag-utusan ng kura na hukaying muli ang nailibingnang mga labi upang ilipat sa libingan ng mga Intsik.Nang usisain ng nananaghoy na anak kung nasaan na anglabi, sinabi ng sepulturero na ito’y hinayaan na lamangna lamunin ng lawa. Mas makabubuti raw umano itokaysa maihanay sa mga sumakabilang-buhay na Intsik.Samantalang naituro kung saan unang nailibing ang ama,wala nang nagawa si Ibarra sa pagkawala ng katawan ngkaniyang ama.6. Naisusulat angisang makahuluganat masining namonologo tungkol saisang piling tauhan7. Nagagamit angtamang pang-urisa pagbibigaykatangianSa paglabas niya sa kampo santo, nakasalubong niyasi Padre Salvi at sinugod ito, sa pag-iisip na ito ang kurangnag-utos ng paglapastangan sa kaniyang ama. Itinangginaman ng pari ang paratang habang takot na takot.Nabuwal ang pari at tinulungang tumayo ng katulongnito.Patuloy na nagsasalaysay ang nagkukuwento sapagpapakilala naman sa katauhan ni Tasiong Baliw oPilosopo Tasio. Nagbigay ng maikling talambuhay angnagsasalaysay hinggil sa kaniya, habang nagninilay ito saunos na nangyayari sa kaniyang tagpo habang kausap sinaDon Filipo Lino at sa asawa nitong si Donya Teodora Viña oDoray. Si Pilosopong Tasio ay kilala sa kaniyang matindingkarunungan at palabasa, at dahil doon ay madalas na hindinaiintindihan ng mga taga-San Diego.Samantala, isang munti bagaman nakahihindik nakaguluhan ang nangyayari sa simbahan. Halos kasabay ngpagbuhos ng ulan ang pagbuhos ng kamalasan sa dalawangmagkapatid na sakristan, sina Basilio at Crispin. Angbatang si Crispin ay napagbintangan ng sakristan mayorna nagnakaw ng dalawang onsa sa parokya. Dumadaingang dalawa dahil sa paghihirap nila sa simbahan. Dobleang pagdaing nila sapagkat pinagbawalan itong umuwi.Higit na nahindik ang kuya nang tangayin ang kaniyangnakababatang kapatid upang ito ay maparusahan. Sa huli,tumakas ang bata upang uwian ang kanilang inang si Sisa,na mag-iisang linggo na nilang hindi nakikita.Naghihintay naman ng ina ang kaniyang mga anak.Pinaghanda niya ang mga anak ng makakain at inabanganang kanilang pagdating. Ngunit agad siyang binabaan ngkaba na may nangyayaring masama sa kaniyang mga anak.9

Dinatnan siya ng kaniyang asawang palainom at sugarol na si Pedro. Halos maubos ni Pedroang kakanin ng kaniyang mga anak, at ipinagtanong sa asawa kung nasaan na sila. Umalisdin ang asawang lalaki at iniwang muli si Sisa. Patuloy na naghintay si Sisa, binabagabag,nangungulila sa mga anak. Di naglaon, dumating ang anak na panganay, balisangkumakatok sa pinto. Pinagbuksan niya ito ng pinto ang nalaman niya ngang hindi kasamang panganay ang kaniyang bunso. Nalaman niya rin ang nangyari sa simbahan. Nagpahingaang mag-ina, habang sa isip ni Sisa, binabalak na niya ang pagpunta sa tanggapan ng prayleupang hanapin ang kaniyang hindi umuwing anak. Sa tangkang paghimbing, nabagabagang kuya ng panaginip ng masamang pangyayari sa kapatid. Hindi niya ito inamin sa ina,at nang mag-usisa sa kaniya’y sinabing walang ano mang badya ang panaginip at nais naniyang tumigil magsakristan. Balak ng bata na kausapin si Ibarra na gawin na lamang siyangpastol nito sa kaniyang mga lupain.Kinabukasan, nagtungo ang ina sa simbahan upang makipagkita kay Padre Salvi, nanoong araw na iyon ay maysakit daw. Sa simbahan, naroroong nagpapalitan ng hinuha angmga hermano’t hermana, na hindi nabigyan ng kumpisal ng pari at dahil doon ay masamaang loob dahil hindi nila nakuha ang inaasahang indulhensiya. Nagpapaligsahan pa sa daming indulhensiya ang mga ito. Samantalang ginagawa nila ito, nakita nila si Sisa na paakyat satinutuluyan ng prayle. Sinundan nila ang kinakabahan at naghahagilap na ina. Sunong ngina ang gulay na ipanreregalo sana sa padre upang patawarin na ang mga anak, at sabihinang balak ng anak. Lalo siyang nanlumo nang igiit ang pagnanakaw ng mga anak, at angpagpapahuli sa mga ito sa mga guwardiya sibil. Lumabas si Sisa na nagugulumihanan, pilitna itinatago ang kaniyang pag-iyak sa paglabas niya sa lansangan.Ang pagsasalaysay ay babalik sa patuloy na pag-alam ni Ibarra sa kinahinatnan ngkaniyang ama. Sa may lawa, sinamahan siya ng isang lalaki sa kung saan inilaglag angkatawan ni Don Rafael. Sa paglalakbay na ito sa lawa, muling nabalikan ni Ibarra angkabutihan ng kaniyang ama, tulad ng pagtulong mismo nito sa kasamang nagtungo sapook na iyon. Ang lalaking iyon ang guro sa parokya ni Padre Salvi, na halos sumuko na sahirap ng pagtuturo at pangangailangang disiplinahin ang mga kabataan. Dito sinimulangisalaysay ang plano ni Ibarra na magtayo ng paaralan para sa San Diego.Samantala, dadalo si Ibarra sa pulong ng Tribunal kung saan pagtatalunan ng mgakonserbatibo’t matatandang pinuno at mga liberal at nakababatang kabesa ang kailangangmga pagkagastahan sa darating na pista. Nagbalak ang mga kabataan at liberal na baligtarinang magiging diskusyon at ipanukala ang tiyak na mithi ng mga matatanda. Samantalangnagtagumpay sila at naipasa ang lihim na mithi, wala silang nagawa sapagkat nasa ngkura ang higit na mas magarbong pistahan. Si Ibarra naman, na nagbabalak magtungo sakabisera ng probinsiya, ay nag-alok na magdala ng ano mang usaping nais nilang ipaayos.Nagbalik ang pagsasalaysay sa kuwento ni Sisa, na tumatakbong lito pauwi. Nag-aalalasiya para sa kaniyang mga anak. Nais niyang iligtas ang mga anak, lalo na si Crispin, na hindipa rin niya alam ang naging palad. Nang makalapit sa bahay, nakita niyang naroroon angmga sundalong sinisiyasat ang kanilang lugar. Kinuha ng isang sundalo ang kanilang inahinat saka sinunog ang kanilang bahay. Tinangka ni Sisa na umalis na lamang ngunit nakita siyang isa sa mga guwardiya at inusisa. Nang hindi nila siya mapilit na ilitaw ang kaniyang mga10

anak, pinilit nila siyang madala sa kuwartel. Sa pakiusap ni Sisa, naglakad siya at ang mgaguwardiya nang may distansiya, sa takot na mapahiya siya o makilala. Hindi siya nakaiwassa kahihiyan dahil nakilala siya ng isang nakasalubong. Pagdating sa kuwartel, naghintay siSisa sa alferez na agad naman siyang pinauwi bandang tanghali. Hindi naniwala ang alferezsa kura at sinabing gawa-gawa lamang ang reklamong pagnanakaw. Muling natagpuan niSisa ang sarili sa kalye at tinalunton niya ang landas pauwi. Sa pagbalik, natagpuan niya angretaso ng damit ni Basilio, may bahid ng dugo. Wari bang tuluyang nawalan na ng bait si Sisakalaunan at nagpalaboy-laboy na nga sa San Diego, hinahanap ang kaniyang mga anak.Sa mga araw na ito, nagsisimula nang maging abala ang bayan sa paghahanda para sadarating na pista. Nasa kabisera pa ng probinsiya si Ibarra at nangamusta sa tahanan ninaMaria Clara sa pamamagitan ng telegrama. Si Maria Clara naman, nakadarama ng kakatwasa kurang tila binabantayan siya’t kung ano ang pinagsasabi sa kaniya. Sa pagbabalik niIbarra, ikinuwento niya rito ang napapansin, at ang pagnanais na umiwas dito. Nangatwirannaman si Ibarra na hindi maaaring umiwas sila sa kura, lalo na ang hindi ito anyayahan saplano nilang piging at pamamasyal sa lawa. Nang magpaalam si Ibarra, lumapit sa kaniya siPedro, ang ama ng dalawang batang sawimpalad at asawa ni Sisa. Humihingi ito ng tulongsa binata. Nagpatuloy ang usapan ng dalawa habang papauwi si Ibarra.1.TalasalitaanIpabigay ang kahulugan ng mga matatalinhagang pahayag na ginamit sateksto.2.1.Sinabi ng sepulturero na ito’y hinayaan na lamang na lamunin ng lawa.2.Halos kasabay ng pagbuhos ng ulan ang pagbuhos ng kamalasan sadalawang magkapatid na sakristan, sina Basilio at Crispin.3.Wari bang tuluyang nawalan na ng bait si Sisa.4.Lumapit sa kaniya ang si Pedro, ang ama ng dalawang batang sawimpalad.5.Mas makabubuti ito kaysa maihanay sa mga sumakabilang-buhay na Intsik.Pag-unawa sa BinasaUpang matiyak ang pagkaunawa ng mag-aaral sa binasang teksto, ipagawaang sumusunod na mga gawain.1.Isa-isahin at ilarawan ang tauhan sa nobela gamit ang mga pang-uri. Isulatdin ang maaaring kahalagahan nila sa kuwento at ang maaaring kahinatnanng kanilang karakter sa pagtatapos nito.TauhanKatangianKahalagahanKahihinatnan11

C.2.Mula sa ginawang pagkilala at paghihinuha sa kahihinatnan ng karakter, pumiling isa na gagawan ng pagsasatao. Sabihin sa mag-aaral na magbihis na tuladng isa sa mga karakter. Maaaring gumamit ng props at mag-make-up upangmaitulad ang itsura sa pisikal na anyo ng napiling karakter. Magsasagawa ngparade of characters ang mga mag-aaral. Magpapakilala ang mga ito na parangisang pageant.3.Sumulat ng isang monologo tungkol sa karanasan ng tauhang napili. Maaaringmagpokus sa kasiyahan, takot, o kasawian ng karakter na siyang naging dahilanng kaniyang ugali at gawi sa kuwento. Maghanda sa masining at madamdamingpagbigkas ng monologo.KongklusyonPagpapahalaga at PaglalahatIpaunawa sa mga mag-aaral na ang pagkatao ng isang karakter ay hinuhulmang kaniyang masaya at mapait na karanasan. Maaaring sabihin sa mga mag-aaral nadapat sikapin ng bawat isa na isa-isahin ang biyayang natatanggap kaysa alalahaninang sinapit na kasawian upang mas makita ang liwanag kaysa pighati at upang masgustuhing magsikap na maging mabuti kaysa piliing magpakasama.12

Ikaapat na Markahan Baitang 9Supplemental Lesson PlanAralin 3: Pangwakas na GawainA.Panimula1.Itanong ang opinyon at damdamin ng mgamag-aaral matapos basahin ang buong nobela.Pag-usapan din ang kanilang naging opinyon saparaan ng pakikipaglaban ng bawat tauhan sakanilang kinaharap na pagsubok.2.Bago pa magpagawa ng pangwakas nagawain, pag-usapan sa klase ang naging bisa,impluwensiya, at dating ng nobela sa kanilabilang mabubuhay sa kasalukuyang panahonna nakikipaglaban pa rin sa panunupil ng ibanglahi at ng maging ng kalahi.3.B.Itanong din sa mag-aaral kung naniniwala basila o hindi na ang dahilan ng ligaya at kasawianng mga tauhan ay dahil sa pag-ibig. Iprosesoang bawat sagot na ibibigay ng mga mag-aaral.KatawanIpabasa sa mga mag-aaral ang ilang talatungkol sa kinahinatnan ng ilang tauhan at angpakikipaglaban para sa kalayaan na minimithi ngnobela.Ang Noli Me Tangere ay trahedya, sapagkatnasupil lahat ng solusyon sa suliranin at nasukol lahatng mabubuting mithi ng bayani. Walang ligayangnaghihintay kay Maria Clara at tinanggap na niyangkasamang “namatay” ni Ibarra ang kaniyang puso.Si Kapitan Tiago naman ay nagpabaya sa sarili.Sumakabilang-buhay naman si Padre Dama

kabuktutan ng kolonyal na pananakop. 3. Hindi nagustuhan ng mga pari ang anti-simbahang sentimiyento ng nobela 4. Nakasulat sa kasaysayan ng pagdaralita ng sangkatauhan ang isang kanser na may katangiang napakalubha 5. Nilulu

Related Documents:

Filipino Baitang 8 Ikaapat na Markahan. 2. 3 Ikaapat na Markahan Baitang 8 Supplemental Lesson Plan Aralin 1: Sa Isang Madilim at Mapanglaw na Gubat Florante at Laura (Saknong 1–68) A. Panimula Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang masasabi nila sa kalagayang pampolitika ng bansa:File Size: 1MBPage Count: 23

Ang Araling Asyano sa baitang 7, Araling Pandaigdig sa baitang 8, Ekonomiks sa baitang 9, Mga Kontemporaryong Isyu sa baitang 10, at_ sa baitang 11 at_ sa baitang 12. Makatutulong ang kaalaman tungkol sa ibang bansa sa pag-unawa ng lugar at papel ng Pilipinas sa rehiyon at mundo, at kung paano maaaring kumilos ang Pilipino at ang bansa .

Ikaapat na Markahan Baitang 2 Karagdagang Aralin 2 Aralin: Ang mga Batas sa Aking Komunidad Layunin: Naipaliliwanag na ang mga karapatang tinatamasa ay may katumbas na tungkulin bilang kasapi ng komunidad Natutukoy ang mga tuntuning sinusunod ng bawat kasapi sa komuni

Filipino Baitang 7 Ikatlong Markahan. 2. 3 Ikatlong Markahan Baitang 7 Supplemental Lesson Plan 1 Panitikang Luzon: Larawan ng Pagkakakilanlan Aralin 1: Mga Tulang Panudyo, Tugmang de Gulong, Palaisipan/Bugtong A. Panimula Ipasagot sa mga mag-aaral ang palaisipan.File Size: 1MB

22 marquez, mary joan g. filipino 10,000 0 0014 23 guevara, anna georgina arroyo filipino 10,000 0 0014 24 ng siok go filipino 10,000 0 0014 25 osi, avelino m. filipino 10,000 0 0014 26 reambillo, ma. leonora filipino 10,000 0 0014 27 tan cheng leng filipino

E:\CDD Files\BEC-PELC Refined (Complete) 2008\Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan 2.docx Printed: 11/22/2010 9:52 AM [fsbergado] 6 Ikaapat na Baitang Ikalimang Baitang Ikaanim na Baitang IV. PAGLAHOK SA KATANGI-TANGING GAWAIN A. “Post Test” sa Pagsubok sa Kaangkupang Pisikal naisasagawa ang “Post Test” sa Pagsubok sa

BASIC EDUCATION FILIPINO DEPARTMENT Holy Angel University UNANG MARKAHANG SILABUS SA FILIPINO 10 PAMANTAYAN NG BAITANG Pagkatapos ng Ikasampung Baitang, naipamalas ng mga mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalag

BASIC EDUCATION FILIPINO DEPARTMENT Pamantasang Holy Angel UNANG MARKAHANG SILABUS SA FILIPINO 7 PAMANTAYAN NG BAITANG Pagkatapos ng Ikapitong Baitang, naipamamalas ng mga mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapah