Physical Education - Dipolog City Division

2y ago
550 Views
48 Downloads
1.00 MB
18 Pages
Last View : 20d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : River Barajas
Transcription

4Physical EducationUnang Markahan - Modyul 4Linggo 3-8: Paglinang ng PuwersaKagawaran ng EdukasyonRepublika ng Pilipinas

Physical Education – Grade 4Alternative Delivery ModeUnahang Markahan-Modyul 4: Paglinang ng PuwersaUnang Limbag, 2020Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ngPambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-isip sa ano mang akda ngPamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan otanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabingakda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ngbayad na royalty bilang kondisyon.Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ngprodukto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglayng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga maykarapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mgatagapaglathala (publishiers) at may-akda ang karapatang-aring iyon.Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Division of Valencia CitySchools Division Superintendent:Rebonfamil R. BaguioDevelopment Team of the ModuleAuthor:Beverly O. AndoEditor:Marina A. ImpigReviewers:Freddie L. Palapar – PSDSJunie P. FloresIllustrator:Layout Artists:Valerie Agnes D. NovalJohn Rimmon I. TaquisoManagement Team:Chairperson:Co-Chairperson:Members:Rebonfamil R. BaguioSchools Division SuperintendentEugene I. Macahis, Jr.Asst. Schools Division SuperintendentJayvy C. Vegafria, CID Chief ESJourven B. Okit, EPS – MAPEHAnalisa C. Unabia, EPS – LRMSJoan Sirica V. Camposo, Librarian IIIsrael C. Adrigado, PDO IIInilimbag sa Pilipinas ng:Department of Education - Division of Valencia CityOffice Address: Lapu-lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709Telefax:(088) 828-4615Website:deped-valencia.org1

4Physical EducationUnang Markahan - Modyul 4Linggo 3-8: Paglinang ng PuwersaAng kagamitan sa pagkatutong ito ay magkatuwang nainihanda at sinuri ng mga guro mula sa pampublikongpaaralang elementarya. Hinihikayat namin na ang mga guro atiba pang mga propesyonal na nasa larangan ng Edukasyon namagpadala ng kanilang puna, komento at rekumendasyon saKagawaran ng Edukasyon sa pamamagitan ng email na ito:region10@deped.gov.ph.Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mga puna atrekumendasyon.Kagawaran ng Edukasyon2Republika ng Pilipinas

3

PanimulaAlam mo na ba kung paano lilinangin ang iyong puwersa(muscular power)? Ang mga gawaing pisikal na iyong ginagawa arawaraw ay nagpapahusay sa lahat ng sangkap ng iyong physical fitness.Pero mayroong mga gawaing pisikal at mga laro na higit nanagpapaunlad ng iyong puwersa.Ang modyul na ito ay maglalahad sa aralin na maghahatid sa inyong mga kasanayan na higit na magpapatatag ng iyong puwersa.Matututunan ninyo ang mga kasanayan sa paglaro ng mga larong pinoyna lalong nagpapaunlad ng iyong puwersa tulad ng Batuhang Bola atiba pang mga striking o fielding games.Mga tala para sa GuroGabayan ang bawat mag-aaral sapagbasa sa mekaniks ng mga larong pinoy nanakapaloob sa modyul na ito bago silasasalang sa aktuwal na paglalaro sa kanikanilang mga tahanan.4i

Alamin Mga layunin sa pagkatuto:1. Naisasagawa ang larong nakakalinang ng cardiovascularendurance at puwersa (muscular power)2. Naipaliwanag ang mechanics ng larong Batuhang Bola3. Nalalaman ang isang larong pinoy gaya ng Batuhang Bola4. Nalalaro ang Batuhang Bola na may kasiglahan at pag-iingat Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin angsumusunod mga hakbang: Basahin at unawain nang mabuti ang aralin. Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagtataya atpagsasanay. Sagutin ang lahat na mga tanong sa pagtataya at pagsasanay. Gumamit lamang ng lapis sa pagsagot.5ii

Mga Icons sa ModyulAlaminSubukinAng bahaging ito ay naglalaman nglayunin sa pagkatuto na inihandaupang maging gabay sa iyongpagkatuto.Ito ay mga pagsasanay na sasagutinupang masukat ang iyong datingkaalaman at sa paksang tatalakayinBalikanAng bahaging ito ay may kaugnayansa nakaraang aralin at sa iyongbagong matututunanTuklasinIpakikilala ang bagong aralin sapamamagitan ng gawaing pagkatutobago ilahad ang paksang tatalakayinSuriinIto ay pagtatalakay sa pamamagitanng gawain sa pagkatuto upangmalinang ang iyong natuklasan sapag-unawa sa konsepto.Ito ay mga karagdagang gawain nainihanda para sa iyo upang ikaw aymagiging bihasa sa mga kasanayan.PagyamaninIsaisipMga gawaing idinisenyo upangmaproseso ang inyong natutunanmula sa aralin.IsagawaIto ay mga gawaing dinisenyo upangmaipakita ang iyong mga natutunanna kasanayan at kaalaman at ito aymagamit sa totoong sitwasyon.Ang pagtatasang ito ay ginamit upangmasusi ang inyong antas ngkasanayan sa pagkamit ng layunin sapagkatutoIto ay mga karagdagang gawaingpagkatuto na dinisenyo upang masmahasa ang iyong kasanayan atkaalaman.TayahinKaragdagangGawainiii6

SubukinPanuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.1. Anong sangkap ng physical fitness ang pinapaunlad sa paglalarong mga striking o fieding games?A. AgilityB. Muscular PowerC. Muscular EnduranceB. Cardiovascular Endurance2. Alin ang halimbawa sa striking o fielding game?A. SyatoB. Batuhang BolaC. Tumbang PresoD. Agawang Panyo3. Paano mo mapapaunlad ang iyong puwersa (muscular power)?A. Dahil sa panonood ng TV buong arawB. Sa pamamagitan ng pagtulog ng 8-10 orasC. Dahil sa pagkain ng mga masustansyang pagkainD. Sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga larong pinoy4. Alin ang mga kasanayan sa paglalaro ng Batuhang Bola (Kickball)?A. Paglakad, pag-upo, at paghagisB. Paglukso, pagtalon, at paglakbayC. Pagsalo, pagdidribol, at paghagisD. Pagtalon, pagpapagulong, pagsipa, at paghagis5. Bakit kailangan na maging maingat sa paglalaro?A. Upang mas malilinang pa ang kalusugan.B. Upang maintindihan ang mga mekaniks sa larong pinoy nasinasalihanC. Upang maangkin ang mga kasanayan na kailangangmatutunanD. Upang mararanasan ang tunay na kaligayahan at kabutihanna dulot ng larong nilalahukan7iv

ZAralin1Paglinang ng PuwersaSa araling ito matututunan mo ang paglinang ng puwersa. Ito aybinibigyang pansin sa aralin upang mas mapapaunlad ang kalusugansa pamamagitan ng paglalahok sa mga gawaing sumusubok nito tuladng paglalaro ng iba’t-ibang larong pinoy.BalikanPanuto: Ayusin ang mga salitang nakarambol. Isulat ang tamangsagot sa n8

Gusto mo bang malaman kung may malakas na puwersa angiyong mga kalamnan? Alam mo ba kung paano mo itomasusubok?Panuto: Ngayon, gawin mo ang banderitas challenge sa iyong bahayupang matuklasan mo ang iyong kakayahan. Sundin lamang angsumusunod na mga hakbang.Mga hakbang:a. Sa tulong ng iyong kapatid o magulang, magsabit ng banderitas sainyong bahay gamit ang kahit anong bagay na mabibitin.b. Kapag may nasabit na kayo, tumalon ka sa loob ng isang minuto atabutin mo ang mga banderitas na nakasabit. Pagkatapos ng isangminutong pag-abot;Ilan ang nakuha mong banderitas?Nahirapan ka ba sa pag-abot ng mga ito?Napagod kaba sa paggamit ng iyong puwersa?Ano kaya ang kakayahan na kailangan mo upang makalundag nangmataas at maka-abot ng maraming banderitas?Paano mo ito mapapaunlad?Suriin9

Alam mo ba na ang puwersa o power ay ang kakayahangmakapagpalabas ng lakas nang mabilisan base sa kombinasyon nglakas at bilis ng pagkilos. Maaari itong maipalabas ng mga kalamnan(muscles) sa iba’t-ibang parte ng katawan tulad ng kamay, braso, hita,binti, paa, at iba pa.Naipapakita rin ito sa mga gawain tulad ng pagtalon nang mataas,pagpukol sa bola ng baseball, paghagis ng bola nang malayuan,pagsipa nang malakas, pagtulak o paghila sa isang bagay, at iba pa.Gayon pa man, kailangan mong matutunan kung paano maglarong batuhang bola o kickball dahil ito ay ang pinakamagandang laro nanakakapaglinang sa iyong puwersa.Ang kickball ay isang larong pinoy na hango sa larong baseball atsoftball kaya madali lang itong matutunan. Ang mga kagamitan salarong ito ay ang bola na yari sa rattan, beanbag bilang base, goma omanipis na tabla, at metrong panukat.Mga paraan sa paglaro:1. Gumuhit ng isang parisukat na katulad ng palaruan ng softball obaseball. Ang sukat sa pagitan ng bawat sulok ay sampung metro.2. Lagyan ng base ang bawat sulok. Tandaan kung alin ang unangbase, pangalawang base, ikatlong base, at home base. Ang home baseay dapat isang goma o manipis na table na nakabaon sa lupa upanghumarang sa bolang rattan na pinagugulong ng pitser (pitcher).3. Maglagay ng isang tuwid na guhit na ang haba ay dalawang metrosa pagitan ng home base at pangalawang base. Sa guhit na ito tatayoang pitser na magpapagulong sa bolang sisipain.4. Bumuo ng dalawang grupo na may tigsiyam na kasapi. Ang lider ngbawat grupo ay magtatakda ng katser (catcher), pitser, tagabantay nguna (1st base), ikalawa, at ikatlong base (2nd and 3rd base), short stop,kanang fielder, gitnang fielder, at kaliwang fielder. Ang katser ay tatayosa likod ng home base. Siya ang magbabalik ng bola sa pitser kunghindi ito masisipa.10

5. Magmamanuhan ang lider ng bawat grupo upang malaman kungsino ang magiging taya. Ang grupo ng taya ay isasaayos ang mgakasapi doon sa field.6. Kumuha ng isang bola para sa pitser. Pagugulungin ito ng pitserpatungo sa tagasipa ng kabilang grupo na sisikaping mapalayo angbola.7. Pagkasipa sa bola, ang manlalarong sumipa ay tatakbo patungonguna, ikalawa, at ikatlong base hanggang sa home base. Samantala,ihahagis naman ng mga taya ang bola sa mga base hanggang sa homebase. Kapag naunang dumating ang sumipa sa home base kaysa sabola, bibigyan ng isang puntos ang kanyang grupo. Kapag naunangdumating ang bola sa base na pakay takbuhan ng manlalaro, out naang manlalaro.8. Ang sumipang na-out ay hahalinhinan ng isang kagrupo sa pagsipang bola. Tatlong out na tagasipa ang kailangan para mapalitan angtaya. Ang grupong may mas maraming puntos o home run ang siyangpanalo.9. Tandaan ang pagkakasunod-sunod ng tagapagsipa ng isang grupodahil hindi maaaring baguhin ito hanggang sa matapos ang laro.Sagutin ang mga tanong:Sa anong paraan naipapakita ang iyong puwersa sa larongkickball o batuhang bola?Anu-anong bahagi ng katawan ang nagagamit sa paglahok salarong ito?Nalilinang o napapaunlad ba ng larong ito ang iyong puwersa opower? Bakit?Pagyamanin11

Panuto: Sagutin ang mga tanong.1. Sumulat ng 3 kagamitan sa larong kickball/batuhang bola.2. Sumulat ng 5 kasanayan sa larong kickball/batuhang bola.3. Isulat ang dalawang pinaka-maikling paraan/hakbang sa paglaro ngkickball/batuhang bola.IsaisipAng paglinang ng puwersa (power) ng iyong mga kalamnan aymahalaga para mas maiging magawa ang mga gawaingnangangailangan nito. Ang mga gawain tulad ng pagtalon ngmataas, pagpapagulong, pagsipa, at paghagis ng bola sa kickballay mainam na mga paraan upang malinang o mapaunlad angpower. Mas mainam kung madalas na gagawin ang mga gawaingtulad nito. Malalaman ang pag-unlad ng power sa pamamagitanng posttest.Isagawa12

Panuto: Suriin ang iyong pakikilahok sa larong kickball kanina kasamaang iyong mga kaibigan doon sa plasa. Sa iyong PE notebook isulatang tsart na ito at sagutin ang bawat pahayag. Lagyan ng tsek (/) kungOo at ekis (x) naman kung Hindi.Mga PahayagOoHindiA. Naisasagawa ko nang may sapat na power ang mga kasanayansa paglalaro ng kickball.1. Pagtakbo2. Pagsipa3. Pagsalo4. PaghagisB. Naipapakita ko ang pagiging isport.C. Naipapakita ko ang pakikiisa sa grupo.D. Nagagawa ko na may pag-iingat ang laro.TayahinPanuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.1. Anong sangkap ng physical fitness ang pinapaunlad sa paglalarong mga striking o fieding games?A. AgilityB. Muscular PowerC. Muscular EnduranceD. Cardiovascular Endurance2. Alin ang halimbawa sa striking o fielding game?A. SyatoB. Batuhang BolaC. Agawang PanyoD. Tumbang Preso3. Paano mo mapapaunlad ang iyong puwersa (muscular power)?A. Dahil sa panonood ng TV buong araw13

B. Sa pamamagitan ng pagtulog ng 8-10 orasC. Dahil sa pagkain ng mga masustansyang pagkainD. Sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga larong pinoy4. Alin ang mga kasanayan sa paglalaro ng Batuhang Bola (Kickball)?A. Paglukso, pagtalon, at paglakbayB. Paglakad, pag-upo, at paghagisC. Pagsalo, pagdidribol, at paghagisD. Pagtalon, pagpapagulong, pagsipa, at paghagis5. Bakit kailangan na maging maingat sa paglalaro?A. Upang mas malilinang pa ang kalusugan.B. Upang maiintindihan ang mga mekaniks sa larong pinoy nasinasalihanC. Upang maangkin ang mga kasanayan na kailangan matutunanD. Upang mararanasan ang tunay na kaligayahan at kabutihanna dulot ng larong nilalahukanKaragdagang GawainPanuto: Mula sa tala noong nakaraang aralin, dagdagan ang iyongmga gawaing nakakalinang ng cardiovascular endurance ng mgagawaing nakakalinang ng iyong power. Itala kung gaano kadalas moitong ginagawa sa isang linggo. Dagdagan lang ang tsart na nasa iyongPE notebook.Halimbawa:LinggoLunes Martes Miyerkules Huwebes Kickball BasketballSoftballSusi ng mga Sagot14

s2.physical3.pyramid4.guide5. PhilippineSubukin1. B2. B3. D4. D5. D

Forniz, G.M. et.al. (2015). Edukasyong Pangkatawan atPangkalusugan 4 – Kagamitan sa Mag-aaral. Department ofEducation-Instructional Council Secretariat (DepEd-IMCS). VICARISHPublication and Trading, 4For inquiries and feedback, please write or call:Department of Education – Division16of Valencia CityLapu - Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709

17

Physical Education – Grade 4 Alternative Delivery Mode Unahang Markahan-Modyul 4: Paglinang ng Puwersa Unang Limbag, 2020 Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ng Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-isip sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.

Related Documents:

DIPOLOG CITY GOVERNMENT TLE - Dressmaking Grade 7/8 SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT Quarter 1 - Module 1: Sewing Tools and Their Uses First Edition, 2020 Printed in the Philippines by _ Department of Education - Region IX - Dipolog City Schools Division Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City

physical education curriculum table of contents acknowledgements 2 district mission statement 3 physical education department mission statement 3 physical education task force 3 physical education and academic performance 4 naspe learning standards 8 new york state physical education learning standards 8 physical education high school curriculum guide 15 physical education curriculum analysis .

2016 NHDOT Division 600 Construction Manual Link to: Division 100 Division 200 Division 300 Division 400 Division 500 Division 600 Division 700 Division 800 Division 900 Master Table of Contents 600-6 The following table list design requirements for 3750-D RCP pipe. Design Requirements For Reinforced Concrete Pipe (3) .

2016 NHDOT Division 400 Construction Manual Link to: Division 100 Division 200 Division 300 Division 400 Division 500 Division 600 Division 700 Division 800 Division 900 Master Table of Contents 400-6 The State's Asphalt Plant Inspector should visit the commercial plant operation or portable plant as soon as it is set up and ready to operate .

2016 NHDOT Division 100 Construction Manual Link to: Division 100 Division 200 Division 300 Division 400 Division 500 Division 600 Division 700 Division 800 Division 900 Master Table of Contents 100-7 101.5 - INTRA- DEPARTMENTAL RELATIONS Harmonious working relations among all employees are essential to the efficient operation of the .

2016 NHDOT Division 700 Construction Manual Link to: Division 100 Division 200 Division 300 Division 400 Division 500 Division 600 Division 700 Division 800 Division 900 Master Table of Contents 700-5 Therefore, the inspector is obligated to know the following: Which materials must be sampled

2016 NHDOT Division 800 Construction Manual Link to: Division 100 Division 200 Division 300 Division 400 Division 500 Division 600 Division 700 Division 800 Division 900 Master Table of Contents 800-2 Speak with the right -of-way agent responsible for agreements made for the project.

2016 NHDOT Division 500 Construction Manual Link to: Division 100 Division 200 Division 300 Division 400 Division 500 Division 600 Division 700 Division 800 Division 900 Master Table of Contents 500-7 Care should be taken to drive the sheets well below the bottom elevation of the excavation (toe-in). The Contract Administrator can put a grade .