ARALING PANLIPUNAN II - LEARNING RESOURCE CENTER

2y ago
239 Views
4 Downloads
1.42 MB
34 Pages
Last View : Today
Last Download : 3m ago
Upload by : River Barajas
Transcription

(Effective Alternative Secondary Education)ARALING PANLIPUNAN IIMODYUL 7ANG PAGLAGANAP NG KOLONYALISMOAT SIMULA NG IMPERYALISMO SA ASYABUREAU OF SECONDARY EDUCATIONDepartment of EducationDepEd Complex, Meralco AvenuePasig City1

MODYUL 7ANG PAGLAGANAP NG KOLONYALISMO AT SIMULA NGIMPERYALISMO SA ASYASa dahilang marami ang mga magagandang naging ulat ng mga Europeongnakapaglakbay sa rehiyon ng Asya at tuwiran nilang naobserbahan ang mahusay naproduksyon ng seda, pagtatanim ng palay, at paggawa ng mga aklat, armas, atsasakyang pandagat, maging ang mga modelong estado gaya ng mga Imperyo ngTsino at Hapon ay naging motibasyon para sa kanila na ipagpatuloy ang pagpapalaking kanilang mga sakop sa rehiyon ng Asya.Ang unang bahagi ng kanilang panggagalugad kung ating susuriin sa atingmakabagong pananaw ay panahon din ng pagtuklas ng mga Kanluranin sa kanilangsarili sa aspetong pangkulturang pamumuhay, pagbabalanse ng kanilang mgapaniniwala, at pagsusuri ukol sa kanilang mga katutubong kaalaman ukol sa mundo, satao, at sa hinaharap.Ipinagpatuloy nila ang pagtuklas sa mga yamang-mineral ng Asya at pagpapairalng sistemang merkantilismo upang patuloy nilang pagkunan ng mga hilaw namateryales ang mga bansa sa Asya at ikonberto ang mga ito bilang malaking pamilihanng kanilang mga sobrang produkto gawa.May tatlong araling inihanda para sa inyo sa modyul na ito:Aralin 1: Ang Iba’t Ibang Mukha at Teorya ng ImperyalismoAralin 2: Ang Paghahati ng AsyaAralin 3: Resulta at Epekto ng Imperyalismo sa AsyaPagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo angmga sumusunod:1. Mailalarawan ang iba’t ibang mukha at teorya ng imperyalismo saAsya;2. Maipaliliwanag ang dahilan ng paglaganap ng imperyalismo sa Asya;2

3. Maituturo sa mapa ang mga bansang Asyano na naapektuhan nanglubusan ng imperyalismo;4. Mailalarawan ang mga pagbabagong dulot ng imperyalismo saaspetong kultural, pulitikal, at ekonomikong pamumuhay ng mgaAsyano; at5. Masusuri ang resulta at epekto ng imperyalismo sa pamumuhay atpangkabuhayan ng mga Asyano.Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda parasa iyo.PANIMULANG PAGSUSULIT:I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.1. Ito ay isang teritoryo na direktong pinangangasiwaan ng isang imperyalistikongbansaA. ProtectorateB. ColonyC. Sphere of influenceD. Civilizing mission2. Isang uri ng pananakop na kung saan ang kolonya ay mayroong sarilingpamahalaan nguni’t tinutulungan at indirektong pinangangasiwaan ng pamunuanng bansang mananakopA. Sphere of influenceB. ProtectorateC. Civilizing MissionD. Colony3

3. Isang uri ng pananakop na kung saan ang isang rehiyon o bahagi ng bansangsinakop ay mayroong ekslusibong investment o karapatan sa kalakalan angbansang mananakopA. Civilizing MissionB. ProtectorateC. ColonyD. Sphere of Influence4. Ang mga estado ng Tsina ay itinuturing ng mga Europeo na modelong estadodahil saA. May mga epektibong lokal na pinunoB. Pagkakaroon ng serbisyong kagalinganC. Disiplinadong mamamayanD. Pagpapahalaga sa kalinisan at kapayapaan5. Isang simpleng proseso ng pagpupunyagi ng mga malalakas at malalakingnasyon-estado na dominahan, sakupin at gamitan ng lakas ang mga mahihina atmaliliit na nasyon-estadoA. NasyonalismoB. ImperyalismoC. KolonyalismoD. Komunismo6. Teoryang ipinalaganap ng mga Ingles na nangangahulugan ng pagpapataas ngantas ng sibilisasyon ng mga katutubong sinakopA. Culture systemB. Ethical PolicyC. Civilizing MissionD. Imperyalismo4

7. Mga sundalong Hindu na nag-alsa noong 1857-59 laban sa mga awtoridad naInglesA. SepoyB. ShiiteC. Hindu patriotD. Sikh8. Isang sikretong organisasyon ng mga Tsino na may malaking galit sa mgaKristiyanong Tsino at mga dayuhang mananakop ay kilala sa tawag naA. Kung Fu mastersB. SamuraisC. BoxersD. Sumo wrestlers9. Ang kasunduan na nagbigay daan sa tuwirang pananakop ng Amerika saPilipinasA. Kasunduan sa ViennaB. Kasunduan sa VeniceC. Kasunduan sa GhentD. Kasunduan sa Paris10. Mga nakapag-aral at makapangyarihang pangkat sa lipunang Asyano na nagingdaan sa lubusang pagpasok ng mga ideya at kulturang dayuhanA. IlustradoB. BurgisC. PensionadoD. Iskolar11. Napakalaki ng naging epekto ng kolonisasyon sa Asya maliban saA. Pagpapatayo ng mga paaralanB. Naging pamilihan ng mga hilaw na materyal5

C. PagsasariliD. Pagtatatag ng mga organisasyon ukol sa paglaban sa mga mananakop12. Kinilala siya bilang Empress Dowager sa Tsina at naging pangunahin siya sapagsuporta sa pagpapaalis sa mga dayuhan at pagkakaroon ng modernisasyon saTsinaA. Ci XiB. ConfuciusC. Lao TseD. Tu Fu13. Gobernador o kinatawan ng mga maharlika na nangangasiwa sa East IndiaCompanyA. HeneralB. PanguloC. ViceroyD. Ministro14. Amerikanong Commodore na nakipagkasundo sa Shogun ng Hapon upangmagbukas ng kalakalan sa pagitan ng Hapon at AmerikaA. George DeweyB. Matthew PerryC. Douglas MacArthurD. Henry Wainright15. Kilala siya bilang “Enlightened Emperor” sa HaponA. MustsuhitoB. HirohitoC. MatsukuhitoD. Naruhito6

ARALIN 1ANG IBA’T IBANG MUKHA AT TEORYA NG IMPERYALISMOAng salitang imperyalismo ay isang salitang Latin na nagpasimulang gamitin sapanahon ng pananakop ng Imperyong Roma. Ang imperyalismo ay nangangahuluganng dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspektong politika,pangkabuhayan at kultural na pamumuhay ng isang mahina at maliit na nasyon-estado.Sa loob ng dalawang libong taon, ang Imperyong Roma ay nakontrol ang haloskabuuan ng Mediterranean. Bago matapos ang ika-18 siglo, ang ilan sa mga bansangEuropeo at ang Estados Unidos ay nagpasimulang mag-kontrol ng ibang mga bansa salupalop ng Asya, Aprika at Latin Amerika. Ang panahon mula 1800 hanggang 1914 aynaging kilala bilang Panahon ng Imperyalismo.Ang imperyalismo noong ika-18 siglo ay naging resulta ng tatlongpangunahing salik. Una, dahil sa udyok ng nasyonalismo, nais ng mga nasyon saEuropa na magkaroon ng malawak na kapangyarihan upang labanan ang kanilang mgakaribal na mga bansa. Ikalawa, dulot ng Rebolusyong Industriyal, nangangailangan ngmga hilaw na materyal na pagkukunan at pamilihan na laglagan ng mga produktongyari na gawa mula sa kanila kaya sila ay nagpalawak ng kanilang mga teritoryo. Ikatloang paghahangad na ipakilala ang kanilang superyor na kultura, relihiyon at paniniwalasa iba pang mga bansa sa mundo.Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo angmga sumusunod:1. Maipaliliwanag ang katuturan ng imperyalismo;2. Masusuri ang mga salik na nag-udyok ng paglaganap ng imperyalismo;3. Maipapakilala ang iba’t ibang teorya na ginamit at binuo ng mga mananakopupang bigyan ng patotoo ang kanilang ginawang pananakop;4. Mapaghahambing ang iba’t ibang anyo ng imperyalismo; at5. Makapaglilista ng halimbawa ng mga hilaw na materyal na pinakinabangan ngmga bansang mananakop sa kanilang industriyalisasyon.7

Gawain 1: Pag-isipan MoSuriin at bigyan ng sariling interpretasyon ang ipinakikita ng cartoon na iyongnakikita. Maaring isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno.Ang Pampulitikang KompetisyonNoong gitnang bahagi ng ika – 18 dantaon, karamihan sa mga bansa sa lupalopng Europa ay naghangad na magkaroon ng sariling mga kolonya sa mga lupalop ngAsya at Aprika. Naging bahagi ito ng kanilang paghahangad sa kapangyarihan atpagtatatag ng mga pamahalaang pinatatakbo ng mga dayuhang mananakop. Nagtagosila sa pagpapaniwala sa mga bansa sa Asya at Aprika na ang kanilang pamumuno aymagtuturo sa mga ito ng mga makabagong pamamaraan ng pagpapatakbo ng kanilangmga pamahalaan, ng pagsasarili at malaking tulong na magkaroon ng nagsasarilingpamahalaan. Ito ang naging dahilan ng patuloy na pagpapalawak ng kanilang mgateritoryo sa iba’t ibang bahagi ng Asya at Aprika at tuluyang paghahangad na ito’ymaging bahagi ng kanilang lupain.8

Paghahangad sa Pagkakaroon ng Bagong PamilihanAng Rebolusyong Industriyal noong ika-18 dantaon ay naging salik sapaghahanap ng mga bansa sa Europa at Hilagang Amerika na maghanap ng mgapamilihan na magiging laglagan ng kanilang mga produktong ginawa. Sa maramingprodukto na kanilang ginawa ay kinakailangan nila ng pagtatayuan ng mga bagongpabrika na kailangan ang mga hilaw na materyales na sa mga bansang kanilang sakoplamang libreng makukuha.Ang mga produktong gaya ng rubber, copper at ginto ay nanggaling sa Aprika,bulak at jute sa India, at tin sa Timog Silangang Asya. Ang mga hilaw na materyales naito ay nakatulong sa pagpapalaki at pagpapalago ng mga industriya sa Amerika at saEuropa. Ang ilan pa sa mga karagdagang produkto na nakilala sa pamilihang panginternasyonal ay ang saging, dalandan, melon at mga prutas na karaniwang sa Asyalamang matatagpuan. Ang mga mamamayan sa Paris, London at Berlin ay natutonguminom ng tsaa, tsokolate, at kape kasabay ng kanilang mga pagkain at gumamit ngmga sabon na nanggaling sa palm oil ng Aprika at langis ng niyog sa Asya.Nagsilbi ring bagong pamilihan at laglagan ng mga produkto ng Kanluranin angkanilang mga bansang nasakop. Naging tagapagluwas ng mga hilaw na materyal angmga bansang sakop samantalang ang pagbubuo ng mga ito ay ginagawa sa mgapabrika ng mga Kanluranin na bansa. Ganito ang naging kalakaran sa napakahabangpanahon kaya nanatili ang pagdepende sa mga produkto ng magkabila lalo na sapagpaparami at pagpapalaki ng produksiyon.Ang kolonisasyon ay nagsilbing paraan upang pakinabangan ng mga tagaKanluran ang mga hilaw na materyalna matatagpuan sa Asya.9

Paghahangad ng Panibagong OportunidadDahil sa paghahangad ng mga taga-Kanluran ng mas malaki pang oportunidad sakanilang mga kolonya kaya hinimok nila ang kanilang mga mamamayan na maglakbaytungo sa mga bansa sa Asya at Pasipiko. Binigyan nila ng pagkakataon na mag-ari ngmga lupain ang mga ito sa kanilang mga kolonya, patakbuhin ang pamahalaang itinatagat pamunuan ito at kontrolin ang mga paaralan at ekonomiya ng mga kolonya. Dahil ditoay nagpatuloy ang mga patakarang kolonyal at naitatatag ang mga institusyongkolonyal na mag-iiwan ng tatak sa pamumuno ng mga bansang Kanluranin gaya ngGran Britanya at Amerika. Tignan ang karikatura sa ibaba ito ay isang pagpapatunay ngoportunidad na paghahangad ng Gran Britanya na ang simbolo ay ang leon at angAmerika na sinisimbolo naman ng agila.Civilizing MissionAng patuloy na paglalakbay ng mga Europeo tungo sa lupalop ng Asya ay hindidahil sa pang-ekonomiyang kadahilanan lamang kundi para magturo ng bagongpaniniwala sa mga katutubo at ikonberto sila sa bagong paniniwala. Pinaniniwalaan ngmga Europeong misyonero na sila’y mayroon misyong dapat gawin sa mga katutubongAsyano sa aspekto ng sosyo-kultural. Naniniwala sila na mataas ang kanilangkalinangan sa kanilang mga kolonya kaya dapat lamang na ituro sa mga mamamayannito ang mga pagbabago para sila ay ituring na mga sibilisado.10

Sa pamamagitan ng relihiyon, edukasyon at lenguahe ay unti-unting itinuro ngmga mananakop ang bagong kultura na nang lumaon ay naging dominante sa mgalipunan sa dahilang maraming mga nakapag-aral na katutubo ang naging kasangkapansa pagpapalaganap nito. Ito’y itinuro sa kanilang mga anak at salin-lahi kaya angnakaraang pamumuhay ay nalimutan na nila at sila’y nagbihis ng bagong anyo saaspektong sosyo-kultural. Mas nagkaroon ng pagpapahalaga ang mga asimiladongkatutubo sa mga naiambag ng mga dayuhan at mga itinuturo ng mga ito kaysa angpagpapanatili at pahalagahan ang dati nilang kaalaman.Ito’y kanilang pinaniwalaan nabahagi ng madilim nilang nakaraan.Iba’t ibang Anyo ng ImperyalismoAng mga imperyalistang bansa ay gumamit ng iba’t ibang pamamaraan upangmakakuha ng bagong lupain. Minsan sila ay gumagamit ng mga kasunduan, binibili angmga lupain mula sa dating mga mananakop o kaya simpleng sinasakop ang isanglupain sa pamamagitan ng puwersang militar.Ang mga imperyalistang bansa ay may iba’t ibang anyo sa pamamaraan ngpagkontrol sa kanilang mga teritoryo. Ang una ay tinatawag na colony, kung saan aydirektang kinokontrol at pinamamahalaan ng imperyalistang bansa ang kanyang sakopna bansa gaya ng ginawa ng Espanya sa Pilipinas, Britanya sa India at Pransiya sadating Indo-Tsina. Ang protectorate ay mayroong sariling pamahalaan nguni’t ang mgapatakaran at kautusan ay dinidirekta ng imperyalistang bansa lalo na sa patakarangpanlabas gaya ng ginawa ng Amerika sa Pilipinas, Britanya sa Hongkong at Portugal sa11

Macau. Ang sphere of influence naman ay may kaugnayan sa mga investment attrading rights ng isang imperyalistang bansa sa isang rehiyon ng bansa gaya ng ginawasa Tsina ng Britanya, Hapon, at Pransiya.Gawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanSa iyong palagay, ang imperyalismo ba ay totoong nagbigay ngmagandang kinabukasan at pag-asa sa mga bansang sinakop? Pangatwiranan.Tandaan Mo!Ang imperyalismo ay nangangahulugan ng dominasyon ng itika,pangkabuhayan, at pangkultura na pamumuhay na isang mahina atmaliit na nahingsalik:nasyonalismo,Rebolusyong Industriyal at paniniwalang ang kultura ng mananakop ay massuperyor kaysa mga bansang sinakop.Ang tatlong pangunahing anyo ng imperyalismo ay ang: colony, direktangpinamamahalaan ng imperyalistang bansa ang kolonya; protectorate, angimperyalistang bansa ay nagbibigay direksiyon sa patakarang panlabas atpamahalaan ng kolonya at ang sphere of influence, ang isang rehiyon ng bansa ayeksklusibong may pamumuhunan o trading rights ang imperyalistang bansa.12

Gawain 3: PaglalapatGumawa ng isang maikling saknong ng tula ukol sa iyong sarilingpananaw o pakahulugan ng salitang Imperyalismo.ARALIN 2ANG PAGHAHATI NG ASYAAng pakikipagkalakalan, pagpapalaganap ng panibagong paniniwala atpilosopiya ay ilan lamang sa naging mga pangunahing dahilan ng pananakop ng mgabansang Kanluranin sa Asya. Upang lalong mapatatag ang kanilang kapangyarihan sapangkabuhayan at pulitikal na pamumuhay ng mga bansang Asyano ay tuluyan ngsinakop at hinati ng mga Imperyalistang mananakop ang Asya.Ang mga British ay pangunahing kinontrol ang kalakalan sa India nguni’t onalismongmagpapabagsak sa kanilang rehimen sa India sa tulong ng Rebelyong Sepoy atpagtatatag ng sariling republika. Hindi lamang ang India ang sinakop ng Gran Britanyasa Asya kundi maging ang Tsina. Pumasok sa mga di makatotohanang kasunduan angTsina hanggang sa ito’y naging spheres of influence ukol sa kalakalan ng mga bansangGran Britanya,Pransiya, Alemanya, Rusya at Hapon. Inilunsad ang Boxer Rebelyonupang patalsikin ang mga dayuhan at Kristiyanong nais na magpalaganap ng bagongkaisipan at pamamaraan ng pangkabuhayan sa Tsina. Noong taong 1911 ay nagwakasang pamumuno ng rehimen dinastiyang Tsino at ang bagong republika ay isinilang satulong ng pamumuno ni Sun Yat Sen.Ang Hapon ay nagkaroon ng panahon ng seklusyon o di pakikipagkalakalan samga dayuhan sa pamamagitan ng pagbubukas lamang ng apat na daungan namagsisilbing laglagan ng mga produkto ng mga dayuhan. Pumasok sila sa panahon ngpagsasarili tungo sa industrialisasyon sa panahon ng pamumuno ng mga Meiji leaders.Ang mga bansa sa Timog Silangang Asya ay patuloy na sinakop ng mgabansang Kanluranin gaya ng Britanya, Espanya at ng Olandiya sa aspektongpangkabuhayan, pulitika at pamumuhay ng mga tao.13

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo angmga sumusunod:1. Maipaliliwanag ang mga salik na nagbigay daan sa paghahati ng Asya sailalim ng pamumuno ng mga dayuhang mananakop;2. Makikilala ang mga naging pangunahing Asyanong pinuno na naglunsadng mga pagtutol sa pananakop;3. Maituturo sa mapa ang mga bansang Asyano na sinakop ng mgabansang Kanluranin;4. Masusuri ang mga pangunahing epekto ng pananakop sa lipunangAsyano; at5. Makapagbibigay ng sariling kuru-kuro ukol sa naging epekto ngpananakop sa karanasan ng mga Asyano.Gawain 1: Pag-isipan Mo!Lagyan ng tanda ang mga bansang Asyanong naging bahagi ng pananakopsa mapa ng Asya sa ibaba.TsinaHaponPilipinasIndonesiaIndiaBurma (Myanmar)14

Ang mga British sa IndiaAng pagsisimula ng panggagalugad ng mga bansang Europeo ang nagtulakupang magkaroon ng pagkakataon ang Britanya na kontrolin ang kalakalan sa India. Sapamamagitan ng pagtatatag ng East India Company ay nakontrol ng mga British angkalakalan ng ruta tungo sa India. Ito ang naging dahilan sa pagiging mayaman ngnabanggit na kumpanya at nagdala ng malaking kita sa imperyo at sa mgamangangalakal na naging bahagi ng kalakalan. Dahil sa malaking kita na tinatanggapng kompanyang British sa kalakalan ay nagkaroon ito ng ka-kumpetensiyang bansa angPransiya. Itinatag ng Pransiya ang French East India Company nguni’t ito’y hinadlanganng mga British sa pamamagitan ng Battle of Plassey noong 1757 na kung saan aynatalo ang mga Pranses. Hindi lamang ang kalakalan ang kinontrol ng mga Britishkundi nagpasimula na rin silang magpasok at magturo ng mga kultural na pagbabagosa India. Isang grupo ng mga kawal sa India o kilala sa tawag na Sepoy ang nag-alsaupang tutulan ang pagsisimula ng pag-impluwensiya ng mga British sa kanilangpamumuhay. Nguni’t may mga ilang datos din ang nagpapatunay na ang pinakadahilanng pag-aalsa ay ang paniniwala ng mga Sepoy na binubuo ng mga Hindu at Muslim nasundalo na ang grasa sa kanilang mga baril ay hinaluan ng langis na mula sa baka atbaboy. Nang panahon na iyon ang pagkakasa ng baril ay di sa kamay lamang kundikinakagat pa ito bago maikasa. Samakatwid sa kanilang pagkagat ay mapupunta ito sakanilang mga bibig at ang baka para sa mga Hindu ay sagrado samantalang ang baboyay pinagbabawal na kainin sa mga Muslim kaya ito’y taliwas sa kanilang mgapananampalatayang Hinduismo at Islam. Kaya ang nasabing usapin sa pag-aalsa ayukol sa pananampalataya at panlipunang pamumuhay ng mga taga-India.Ang nasabing pag-aalsa ay umabot ng dalawangtaon bago tuluyang nasugpo at naging daan sa lalongpaghihigpit ng pamahalaang Britanya sa India. Taong 1858ay tinanggal ang East India Company at naglagayngviceroy o isang gobernador na itinalaga ng hari ng Britanyaupang maging kinatawan sa pamumuno ng teritoryo. Kaya noong 1877 ay ibinigay na15

titulo ng Punong Ministro ng Britanya na si Disraeli kay Reyna Victoria ng Britanya angEmpress of India.Kaya nagpatuloy pa rin ang pagkontrol ng Britanya sa India hanggang samagpatayo ito ng mga daanan, riles ng tren, sistema ng komunikasyon, irigasyon,paaralan at unibersidad dito. Ito’y nagbigay ng mabuti at di mabuting epekto sa Indiadahil una ito’y nakatulong sa pagbabago ng kanilang pangkabuhayan nguni’t ang mgaimprastrakturang nabanggit ay mas nakatulong ng lubusan sa pagpapabilis ngkalakalan at pagbibigay ng malaking kita sa bansang mananakop. Maraming mganasyonalistikong pinuno sa India ang naghangad ng mga reporma attunay na paglaya sa Britanya sa pamamagitan ng kanilangpagtatatag ng Indian National Congress noong 1885. Nguni’t anumanang kanilang mga pagsisikap dahil nga sa malaking kapakinabangansa ekonomiya ay patuloy pa rin itong kinontrol ng Britanya hanggangika-19 na siglo.Pagharap ng Tsina sa mga KanluraninHabang ang Britanya ay patuloy na pinatatatag ang Imperyo sa India ang ilangmga bansang Kanluranin ay nagpapatuloy naman ng paghahangad na mapasok angkalakalan sa Tsina. Sa mahabang panahon ang Tsina ay pinamumunuan ng mgaEmperador na nakatulong ng malaki upang mapatatag ang kabuhayan, lipunan atpulitika ng Tsina. Mayroon lamang limitadong kalakalan sa pagitan ng mga bansangEuropeo at ng Tsina sa loob ng tatlong daan taon.Noongika-18sigloaynakakitangpagkakataon ang mga British na mapasok angkalakalan sa Tsina at malaking kita ang ibinigaynito sa kanila. Sa pakikipagpalitan ng tsaa, silk atporselana mula sa Tsina ay sinadya ng mgamangangalakal na British na huwag gumamit ngsalapi sa palitan kundi nagpasimula silang magluwas ng opyo na nanggagaling sa Indiaat Turkey. Nang ito’y malaman ng mga Tsino ay tinutulan nila ang patuloy na pagpasok16

ng opyo sa Tsina nguni’t naging daan ito sa pagtutol at pagsisimula ng isang digmaannoong 1839. Kinilala ang digmaang ito bilang Opium War. Nanalo ang mga

Mailalarawan ang mga pagbabagong dulot ng imperyalismo sa aspetong kultural, pulitikal, at ekonomikong pamumuhay ng mga Asyano; at . pagtatatag ng mga pamahalaang pinatatakbo ng mga dayuhang mananakop. Nagtago . kolonyal na mag-iiwan ng tatak sa pamumuno ng mga bansang Kanluranin gaya ngFile Size: 1MB

Related Documents:

Araling Panlipunan . ii Araling Panlipunan 2 ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan n Pangalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph.D. Consultant: –Ikalawang Baitang Patnubay ng Guro Unang Edisyon, 2013 ISBN: Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa .

Araling Panlipunan . 2 Araling Panlipunan 2 Ma. Ther Inilimbag sa Pilipinas ng _ Department of Eduction-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address: nd 2 Floor Dorm G, PSC Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072 E-mail Address: imcsetd@yahoo.com Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Consultant: Zenaida E. Espino .

Masusing Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan Ika-8 Baitang I. Layunin Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Nakapagsasabi ng dahilan at epekto ng unang yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo. 2. Naipapaliwanag ang iba

2 ARALING PANLIPUNAN 1 DRR LESSON EXEMPLAR Layunin Pagkatapos ng araling ito, inaasahan ang mga mag-aaral na: Matukoy ang kahulugan ng polusyon. Maisa-isa ang mga bahagi ng kapaligiran na naaapektuhan ng

Araling Panlipunan. Ikalawang Markahan- Modyul 2: Mga Isyu sa Paggawa . II . Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pagaaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa - kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay .

SUBJECT: ARALING PANLIPUNAN 5 YEAR/LEVEL: GRADE 5 DATE TOPIC MINIMUM LEARNING COMPETENCIES ACTIVITY/MATERIALS KEY TERMS EVALUATION OUTPUT HUNYO 18, 2018 ARALIN 1: ANG KINALALAGYAN NG PILIPINAS SA MUNDO p. 2-3 1. Nailalarawan ang lokasyon ng Pilipinas sa mapa 1.1 Natutukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo gamit ang mapa batay sa “absolute location” nito (longitude at latitude) (AP5PLP .

Araling Panlipunan Enrichment Activity Learning Strands 3, 4 and 5 Advanced Elementary and Secondary (Hiligaynon) Ginsulat Nanday: Lendy Q. de los Santos Ritchie B. Modesto Rose Jane Q. Dalen Karen Jay G. Alvarez Hannah B. Sumulong Karen C. Bermudez

SUBJECT: ARALING PANLIPUNAN 4 YEAR/LEVEL: GRADE 4 DATE TOPIC MINIMUM LEARNING COMPETENCIES ACTIVITY/MATERIALS KEY TERMS EVALUATION OUTPUT HUNYO 18, 2018 ARALIN 1: PILIPINAS ANG AKING BANSA p. 2-4 1. Natatalakay ang konsepto ng bansa (AP4AAB-la-1) 1.1 Nakapagbibigay n