Z P Araling Panlipunan - Dipologcitydivision

2y ago
271 Views
25 Downloads
6.54 MB
8 Pages
Last View : 7d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Alexia Money
Transcription

Republic of the PhilippinesDepartment of EducationRegional Office IX, Zamboanga Peninsula6Zest for ProgressZ Peal ofartnershipAraling PanlipunanIkalawang Markahan- Modyul 8: Iba’t-IbangPagmamahal sa Bansa ng mga Pilipinomula 1946 hanggang 1972Name of Learner:Grade & Section:Name of School:

Bumuo sa Pagsusulat ng ModyulManunulat: Reychen Mark A. AganEditor: Genevieve C. BaelTagasuri: Florence S. GallemitTagaguhit:Tagalapat:Tagapamahala: Isabelita M. Borres, Ed.D – Regional DirectorEugene B. Penales, Ed.D- CLMD ChiefSonia D. Gonzales, Ed.D - EPS In Charge of LRMSSonia D. Gonzales, Ed.D - Regional ADM CoordinatorElla Grace M. Tagupa, Ed.D - CID ChiefJephone P. Yorong, Ed.D - Division EPS In Charge of LRMSJephone P. Yorong, Ed.D - Division ADM CoordinatorAlaminSa araw na ito, ating inaasahang at gawing nakalaan para sa araling ito:Pagkatapos ng modyul, ikaw ay inaasahang:1. Napapahalagahan ang iba’t-ibang paraan ng pagmamahal sa bayan na ipinamalas ngmga Pilipino mula 1946 hanggang 1972.2. Natatalakay ang epekto ng mga ugaling ipinamalas ng mga Pilipino sa taong 1946hanggang 19723. Nailalarawan ang mga iba’t-ibang paraan ng pagmamahal sa bayan.BalikanPanuto: Sagutin ang mga tanong upang mataya ang lalim ng pagkakaunawa saparaan nga pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa kalayaan.1. Ano-ano ang mga motibo at layunin sa pananakop ng Hapon sa bansangPilipinas? Ano-ano ang pagkakapareho at pagkakaiba nito sa Estados Unidos?2. Paano tinugon ng mga Pilipino ang pagkabalam ng inaasam na kalayaan?3. Paano ipinamalas ng mga Pilipino ang pagmamahal sa kalayaan sa harap ngmga mananakop na Hapon?4. Paano nakaapekto sa pagkabansa ng mga Pilipino ang pananakop ng Hapon?Nakabuti o nakasama ba sa bansa ang pananakop ng mga Hapones?

Aralin8Iba’ t-Ibang Paraan Ng Pagmamahal Sa Bayan NaIpinamalas Ng Mga Pilipino Mula 1946 Hanggang1972.TuklasinGaano katibay ang iyong pagmamahal sa bansang Pilipinas? Naalala mo pa ba anghuling nagawa mong sakripisyo para sa iyong pamilya, sa iyong kapwa, o sa iyong bayan?Sabi nila mahirap na ang pagkakaroon ng lubos na pagmamahal sa bayan. Kailangan dawkasi ng pagbubuwis sa buhay . Gusto mo lamang ay payapa at tahimik na pamumuhay.Totoo na noon ibinuwis ng ating mga bayani ang kanilang buhay para sa bayan. Mgapiling sipi ng isang tulang pinamagatang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacioang nakahandang basahin para sa inyo.”Aling pag-ibig pa ang hihigit kayaSa pagkadalisay at pagkadakilaGaya ng pag-ibig sa Tinubuang Lupa?Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.Walang mahalagang hindi inihandogNg pusong mahal sa Bayang nagkupkop ,Dugo, yaman, dunong, tiisa’t pagod,Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot”Bagaman sa panahon ngayon, hindi kailangang magbuwis ng buhay para ipakita angpagmamahal sa bayan, sapat na ang katapatan, paggalang, at pagpapahalaga. Ating suriin angiba’t-ibang paraan ng pagmamahal sa bayan na ipinamalas ng mga Pilipino sa pambungad ngikatlong republika ng Pilipinas.Nakamtan ng Pilipinas ang kalayaan inaasam mula sa mga Amerikano noong Hulyo 4, 1946.Nagdulot ito ng malaking pagbabago sa larangan ng politika, ekonomiya, kaisipang liberal, atkamalayang pambansa. Ang mga sumusunod ang iilan sa mga katangian na ipinakita ng mgaPilipino sa panahong iyong bilang simbolo ng pagmamahal sa bayan.1. Pagpapahalaga sa sariling lahi.2. Paggalang o respeto sa bandila.3. Pagbibigay ng kapayapaan sa lahat ng oras.4. Pakikialam sa mga isyung pambansa.5. Pakikiisa sa mga proyekto ng pamahalaanSuriinSagutin ang mga katanungan. Gawin ito sa iyong activity notebook.1. Bakit kailangang ipamalas ng isang mamamayan ang pagmamahal sa bayan?2. Ano ang maaaring epekto kung hindi naipakita o naipamalas ng mga Pilipino noon angpagmamahal sa bansa?3. Sino-sino sa mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng Hapon ang dapat itanghal na bayaniat ang dapat kamuhian? Bakit?4. Dapat bang pahahalagahan ng mga kabataang Pilipino ang ginawa ng mga bayaning Pilipinonoon sa panahon ng digmaan?5. Bakit kailangang pahalagahan natin sa kasalukuyan ang mga ginawa ng mga bayaningPilipino noon sa panahon ng digmaan?6. Bilang isang mag-aaral sa ikaanim na baiting paano mo mapahalagahan angmga ginawa ng mga bayaning Pilipino noon sa panahon ng digmaan?7. Paano naipamalas ng mga Pilipino ang pagpapahalaga sa kalayaan sa panahonng pagsupil sa ilalim ng kolonyalismong Hapon?

8. Ano ang magandang epekto ng pagpapahalaga ng mga kabataan sa kasalukuyang panahon samga nagawa ng mga bayaning Pilipino noon?PagyamaninGawain I.Ang pagmamahal sa bayan ay isang mahalagang tungkulin ng isang mamamayan saisang bansa. Lahat tayo kahit kabataan ay may tungkulin na mahalin ang sariling bayandahil kung wala tayo nito ay “daig pa natin ang hayop at malansang isda” katulad ng sinabini Dr. Jose Rizal. Maraming paraan para maipakita natin an gating pagmamahal sa bayan.Kung gagawin natin bilang isang batayan ang mga paraan ng pagmamahal sa bayanna ipinakita ng mga sinaunang Pilipino, paano kaya natin ito mapapahalagahan sapanahong kasalukuyan?. Isulat ang iyong sagot sa pamamagitan ng isang tula.Gawain II.Ang mga Filipino ay may katangiang mapang-usisa sa mga kaganapan sa bansalalong- lalo na sa isyung pulitika at kultura. May mga pag-aaklas pang naganap paramaipagtanggol ang sarili, ang karapatan at ang bansang sinilangan.Ang mga naging pangulo ng ikatlong Republika ay sina Manuel Roxas, ElpidioQuirino, Ramon Magsaysay, Carlos Garcia, Diosadado Macapagal, at Ferdinand Marcos.Laganap sa mga panahong ito ang pagbabayinahan tungo sa kaunlaran ng bagong tatag narepublika. Naging mas produktibo ang takbo ng ekonomiya at pamamahala sapagkat tayo namismo ang may hawak sa ating bansang kinamulatan. Para tayong mga kalapatingnakalabas sa ilang dekadang pagkakulong sa hawla. Makikita rin ang mga samo’t-saringkultura na ating minana sa mga nagdaang mananakop ngunit nanatili ang pusong Pilipino.Gaano kahalaga ang mga paraang makabayan na ipinamalas ng mga naunang Pilipinosa ating bansa? Ano ang posibleng epekto nito sa damdamin at isipan n gating lahi?Isulat ang iyong sagot sa pamamagitan ng isang sanaysay.Gawain III.Maraming paraan para maipakita natin ang ating pagmamahal sa bayan. Maaari natinitong maipamalas sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kultura na nakagisnan, paggalang samga matatanda at paggamit ng po at opo, paggalang sa watawat at pag- awit ng LupangHinirang sa tamang paraan. Hindi mahirap gawin ang pagmamahal sa bayan, kailangan langng disiplina, pagiging matapat, at higit sa lahat pagmamahal sa pamilya at pati na rin sakapwa. Iguhit ang iba’t-ibang paraan ng pagmamahal sa bayan. Gawin itong makulay atkaakit-akit.IsaisipPanuto: Tapusin ang sumusunod na mga udyukan ( prompt) sa pamamagitan ngpagsulat ng mga pangungusap na nauukol nito.Maipapakita ko ang aking pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng.

Malaking ambag sa ating bayan ang pagkakaroon ng mga taong may pusong makabayan dahil.Ang mga ugaling naipamalas ng mga Pilipino noong 1946 hanggang 1972 ay napaka halagasapagkat.Panuto: Sumulat ng isang reflection paper o maikling sanaysay tungkol sa tanongna makikita sa ibaba.Sa panahong kasalukuyan kung saan tayo ay nakikidigma sa pandemyang Covid-19,bilang isang kabataang puno ng pangarap, paano mo maipapakita ang pagmamahal sa bayan?GawainPanuto: Sumulat ng isang reflection paper o maikling sanaysay tungkol sa tanongna makikita sa ibaba.Sa panahong kasalukuyan kung saan tayo ay nakikidigma sa pandemyang Covid19, bilang isang kabataang puno ng pangarap, paano mo maipapakita ang pagmamahalsa bayan?TayahinBasahin at unawaing mabuti. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.1. Nagmamadaling naglakad patungong opisina si Tito Ben nang naabutan siyang flag ceremony. Paano maipapamalas ni Tito Ben ang akma at tama sakanyang sitwasyong sinapit?A. Sasabay sa pagkanta ng Lupang Hinirang.B. Patuloy na maglakad na hindi mapapansin ng iba.C. Tumungo muna sa opisina at babalik para sa flag ceremony.D. Huminto at ilagay ang kanang kamay sa dibdib at sumabay sa pagkanta.2. Mahalaga ang pagiging tapat at pagmamahal ng mga mamamayan sa bansaupang makatulong sa pag-unlad nito. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ngpagmamahal sa bayan na maaaring ipamalas ng isang mag-aaral sa ikaanimna baitang?A. Pagsunod sa mga batas na ipinapatupad ng bansa.B. Pagsasawalang kibo sa mga proyekto ng barangayC. Pagiging aktibo sa mga gawain tulad ng fraternity and sorority.D. Pagsali sa mga organisasyon na kinabibilangan ng mga kabataan.

3. Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang maglagay ng bandila ngPilipinas sa kanilang sasakyan tuwing ipagdaraos ang Araw ng Kalayaan.Ano ang ipinakikita ng pamilyang ito na dapat mong tularan?A. Buo at matatagB. May disiplina ang bawat isaC. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanmanD. Nagkakaisa sa paraan ng pagmamahal sa bansa.4. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapakita ng pagpapahalaga saginawa ng mga Pilipino noong panahon ng digmaan?A. Pag-aaral sa talambuhay ng mga bayani.B. Gawing modelo at idolo ang mga bayani.C. Pagkainis tuwing magkaroon ng leksiyon tungkol sa mga bayani.D. Pagbabasa ng mga aklat na naglalaman ng mga mabubuting naggawa ngmga bayani.5. Kung hindi nagpamalas ng katapangan ang mga bayaning Pilipino noon sapanahon ng digmaan, alin sa sumusunod ang maaaring mangyari saPilipinas?A. Magkaroon ng magandang pamumuhay ang mga Pilipino.B. Malalasap ng mga Pilipino ang mga karapatan na natamasa ngayon.C. Maging makulay at makasaysayan ang pamumuhay ng bawat Pilipino.D. Maging hanggang sa kasalukuyang panahon ay naging alipin pa rintayo ng mga dayuhan.II. Lagyan ng tsek ( / ) ang patlang bago ang bilang kung ang sumusunod napangungusap ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa iba’t ibang paraan ngpagmamahal sa bayan ng mga Pilipino sa panahon ng digmaan at ekis ( X )naman kung hindi.1. Pinili ng ilang Pilipino na itaguyod ang propaganda ng ibang bansasapagkat ito ang hiling ng mga kasapi ng kanilang organisasyon.2. Namundok ang ilang mga Pilipino ngayon upang iwasan ang mgapatakaran at batas ng pamahalaan.3. Ang kabataan sa mga unibersidad ay bumuo ng mga kilusanlaban sa kasalukuyang pamahalaan.4. Ang mga mamamayan ay sistematiko at sumusunod nang mahusay samga panukala sa basura kaya napanatili nila ang malinis nakapaligiran.5. Paglaan ng panahon na kilalanin ang mga yamang taglay ng bansa nangsa gayon ay mas lumalim ang iyong pagpapahalaga at pagtatampok samga kalinangang mayroon ito.Karagdagang GawainBumuo ng isang poster na nagpapakilala sa sarili na isang mamamayan na nagmamahal sabayan.

Susi sa guniianhttps://www.panitikan.com.ph/sanaysay tungkol -sa-pagmamahal -sahttps://tl.m.pedia.org./wiki/kasaysayan ng Pilipinas ( 1946-1972 )-bayan

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden LandHere the trees and flowers bloomHere the breezes gently Blow,Here the birds sing Merrily,The liberty forever Stays,Here the Badjaos roam the seasHere the Samals live in peaceHere the Tausogs thrive so freeWith the Yakans in unityGallant men And Ladies fairLinger with love and careGolden beams of sunrise and sunsetAre visions you’ll never forgetOh! That’s Region IXHardworking people Abound,Every valleys and DaleZamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,Ilongos,All of them are proud and trueRegion IX our Eden LandRegion IXOur.Eden.Land.The Footprints PrayerTreesby Joyce KilmerOne night I had a dream. I dreamed I think that I shall never seethat I was walking along the beach A poem lovely as a tree.with the LORD.A tree whose hungry mouth is prestIn the beach, there were two (2) sets Against the earth’s sweet flowingof footprints – one belong to me and breast;the other to the LORD.A tree that looks at God all day,Then, later, after a long walk, I And lifts her leafy arms to pray;noticed only one set of footprints.A tree that may in Summer wear“And I ask the LORD. Why? Why?A nest of robins in her hair;Why did you leave me when I am sadand helpless?”Upon whose bosom snow has lain;And the LORD replied “My son, My Who intimately lives with rain.son, I have never left you. There wasonly one (1) set of footprints in the Poems are made by fools like me,sand, because it was then that I But only God can make a tree.CARRIED YOU!1

Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 8: Iba’t-Ibang Pagmamahal sa Bansa ng mga Pilipino mula 1946 hanggang 1972 Z est for P rogress Z eal of P artnership 6 Name of Learner: _

Related Documents:

Araling Panlipunan . ii Araling Panlipunan 2 ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan n Pangalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph.D. Consultant: –Ikalawang Baitang Patnubay ng Guro Unang Edisyon, 2013 ISBN: Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa .

Araling Panlipunan . 2 Araling Panlipunan 2 Ma. Ther Inilimbag sa Pilipinas ng _ Department of Eduction-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address: nd 2 Floor Dorm G, PSC Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072 E-mail Address: imcsetd@yahoo.com Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Consultant: Zenaida E. Espino .

Masusing Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan Ika-8 Baitang I. Layunin Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Nakapagsasabi ng dahilan at epekto ng unang yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo. 2. Naipapaliwanag ang iba

2 ARALING PANLIPUNAN 1 DRR LESSON EXEMPLAR Layunin Pagkatapos ng araling ito, inaasahan ang mga mag-aaral na: Matukoy ang kahulugan ng polusyon. Maisa-isa ang mga bahagi ng kapaligiran na naaapektuhan ng

Araling Panlipunan Grade 10 . Alternative Delivery Mode . Ikalawang Markahan- Modyul 3: Mga Dahilan at Epekto ng Migrasyon . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad ng Batas Republika 8293, Seksiyon 176na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang- sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung .

Araling Panlipunan. Ikalawang Markahan- Modyul 2: Mga Isyu sa Paggawa . II . Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pagaaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa - kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay .

Araling Panlipunan Ikalawang Markahan - Modyul 5: Interaksiyon ng Demand at Supply Z est for P rogress Z eal of P artnership 9 Name of Learner: _ Grade & Section: _ Name of School: _ Alamin Ang pinakatiyak na layunin ng modyul na ito ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa interaksiyon ng demand at supply. Mula sa mga inihandang gawain at .

A02 Authorised: return title page only to supplier A03 Authorised: keep as complimentary copy, credit will be given in full A04 Hold pending further investigation A05 Return to supplier regardless of condition A06 Claim authorised for credit Although it remains customary for the distributor to require the return of the complete book before giving credit, the code lists also provide for .