Filipino - ZNNHS Official Site

2y ago
315 Views
21 Downloads
564.53 KB
21 Pages
Last View : 13d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Cade Thielen
Transcription

Filipino8Unang Markahan – Modyul 1 – Linggo 1Pag-uugnay sa mga MahahalagangKaisipang Nakapaloob sa mgaKarunungang-bayan sa Pangyayari saTunay na Buhay sa KasalukuyanLenie J. OsorioSUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE)A Joint Project ofSCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITYand1 theDIPOLOG CITY GOVERNMENT

Filipino – Ikawalong BaitangSupport Material for Independent Learning Engagement (SMILE)Unang Markahan – Modyul 1: Pag-uunay sa mga Mahahalagang Kaisipan naNakapaloob sa Karunungang-bayan sa mga Pangyayari sa Tunay na BuhayUnang Edisyon, 2020Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ngkarapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailanganmuna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung itoay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ayang pagtakda ng kaukulang bayad.Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brandname, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na itoay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upangmakuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala atmga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban samodyulna ito aykinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag saanumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.Bumuo sa Pagsusulat ng ModyulManunulat:Lenie J. OsorioEditor:Lenie J. OsorioRebyuwer:Michel P. EneroTagasuri:Riela Angela C. Josol, EPS - FILIPINOTagaguhit:Tagalapat:Jessa Rose D. AjeroTagapamahala:Virgilio P. Batan, Jr.– Schools Division SuperintendentJay S. Montealto– Asst. Schools Division SuperintendentAmelinda D. Montero– Chief Education Supervisor, CIDNur N. Hussien– Chief, Education Supervisor SGODRonillo S. Yarag– Education Program Supervisor, LRMSLeo Martinno O. Alejo– Project Development Officer II, LRMSLilia ngE. Abello Ed DInilimbag sa PilipinasDepartment of Education – Rehiyon IX - Dipolog City Schools DivisionOffice Address:Purok Farmers, Olingan, Dipolog CityZamboanga del Norte,7100Telefax:(065) 212-6986E-mail Address:dipolog.city@deped.gov.ph2

AlaminKasabay sa pagtuklas ng panibagong karunungan ay ang dahandahang paghubog ng iyong buong pagkatao. Mas madali para sa iyo naipahayag pasulat man o pasalita ang iyong saloobin, pananaw o ninanaissa buhay kung nakaangkla ka sa iyong pagkakakilanlan. Kung sa tinginmo, hindi ito madali ay wala kang dapat ipag-alala dahil matutulungan kang modyul na ito.Sa modyul na ito ay matutuhan mo ang mataas, matayog, atmarangal na saligan ng buhay ng lahing iyong pinagmulan.Tama! Marangal na lahi ang iyong pinagmulan. Handa ka na bangalamin?Ano-ano ang mga Matutuhan mo sa Modyul na Ito?Pamantayan ng Pagkatuto: Naiuugnay ang mga mahalagang kaisipang nakapaloob samga karunungang-bayan sa mga pangyayari sa tunay nabuhay sa kasalukuyan sa pamamagitan ng pasalita at pasulatng pagpapahayag.(F8PB – 1a – c – 22)Inaasahan din na ikaw ay: nakasusuri sa mga karunungang-bayan na ginamit,nakatutukoy sa ibig ipahiwatig ng mga karunungang-bayan.1

SubukinA. Panuto: Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Pagkatapos aysagutan ang mga tanong ayon sa hinihingi ng bawat bilang. Isulatang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.1. Nagtataingang kawali lang si Daisy nang tawagin siya ng kanyangina.Palibhasa’y ayaw niyang mautusan ng ina kaya nagbibingibingihan siya.Alin ang karunungang-bayan na ginamit sa pahayag?a. Nagtatanging-kawalic. Nagbibingi-bingihan siyab. Nang tawagin siya ng inad. Ayaw niyang mautusan2. Ano ang pinakamalapit na kahulugan ng pahayag na ito “kapagmaaga ang lusong ay maaga rin ang ahon”?a. Dapat maaga kang bumangon at maligo tuwing umaga.b. Dapat matuto kang umahon ng maaga sa problema.c. Kapag maaga kang magsimula ay maaga ka ring matapos.d. Kapag maaga kang magsimula sa trabaho ay malaki ang iyongsweldo.3. Ang “makapal ang mukha”, ay isang halimbawa ng sawikain naang kahulugan ay .a. makapal ang pulboc. nakaface maskb. walang hiyad. nakamake-up4. Alin sa mga ito ang salawikain?a. nagsaulian ng kandilac. nagtataingang-kawalib. may krus ang dilad. Daig ng maagap angmasipag.5.Si Rosa ay palaging bukas ang palad para sa kaniyang mga kasama sa pabrika.Ano ang ibig sabihin ng bukas ang palad?a. matulunginc. masipagb. mahiyaind. matalino6. Alin sa mga ito ang idyoma o sawikain?2a. Pag di ukol ay hindi bubukol.b. Matalino man ang matsing, naiisahan din.c. dinadaga ang dibdibd. Ang nagtanim ng hangin, bagyo ang aanihin.2

7. Bawal ang kilos pagong, ang mahigpit na utos ng hari sa kanyangmga alipin. Ano ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit?a. madaling magalitc. mabilis tumakbob. matigas ang kalooband. mabagal kumilos8. Umakyat ng ligaw ang matandang tinali sa kanyang kababata.Ano ang ibig ipakahulugan ng matandang tinali?a. nagbibinatac. matandang binatab. binatad. matanda9. Pedro, sa tingin ko dapat maglubid ka ng buhangin sa lugar kungsaan walang nakakikilala sa iyo at ng hindi ka mabisto. Ano angibig sabihinng salitang maglubid ng buhangin?a. magtali ng lubidc. magsinungalingb. magpakamatayd. mag-ipon ng buhangin10. Bakit hindi ka makapagsalita? Mukha kang natuka ng ahas. Anoang kahulugan ng mga salitang may salungguhit?a. hindi nakakiboc. nanginginigb. nanlulumod. hindi nakalakadB. Panuto: Subukin mong iugnay ang mga kaisipang nakapaloob sasalawikain na nasa kahon sa mga sitwasyon sa bawat bilang. Isulatang sagot sa sagutang papel.o Mabuti pa ang kubo na ang nakatira ay tao;Kaysa bahay na bato na ang nakatira naman ay kuwago.o Pag dinaan sa tiyagaMaabot din ang nasa.o Saan mang gubat ay may ahas.o Ang kahoy na liko’t baluktotHutukin habang malambotKung lumaki at tumayogMahirap na ang paghutok.o Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.o Matalino man ang matsing, nalalamangan din.3

1. May mag-amang naligaw sa gubat. Masaya sila nang makakitasila ng isang malaking bahay. Nagpatao po ang dalawa upangmakahingi ng kahit kaunting maiinom. Maya-maya pa aytinutukan na sila ng baril sabay sabi. “Magsilayas kayo, hindiniyo ba nakikita ang karatulang nakalagay sa labas “Notrespassing, Private Property!”Salawikain:2. “Anak, hindi ganyan ang tamang pagtapon ng basura, dapatkung nalalanta ang itatapon mo ilagay mo sa basurahan na maymarkang nabubulok. Kung hindi naman nabubulok angbasurang itatapon mo, hanapin mo ang basurahan na maymarkang hindi nabubulok. Tandaan mong mabuti ang mgaitinuturo ko dahil sa susunod kapag hindi mo pa rin nakuhaikaw na ang maghihiwa-hiwalay ng mga basura natin”.Salawikain:3. “Di bale na matandang tinali nalang ako habambuhay kaysamakapag-asawa ng isang babaeng pangit ang ugali”. ang saad ngmatandang binata. Kinabukasan, nagkamabutihan na yata angmatandang binata at ang dalagang may pangit na ugalimagkahak-kamay na sila habang naglalakad.Salawikain:4. “Kahit saan talaga tayo magpunta, hindi mawawala ang mgataong taksil”.Salawikain:5. Bumili ng peanut butter si Eddie. Gusto niya ang may malalakinglalagyan para hindi siya lugi. Pagdating ng bahay sabik niyangbinuksan ang nabiling peanut butter. Ganoon na lang angkanyang panlulumo nang mabuksan. Kalahati lang ang laman.Salawikain:4

Aralin1Panitikan:Karunungang-bayanAng karunungang-bayan ay isang sangay ng panitikan kung saanito ay nagiging daan upang maipahayag at maipabatid ang mga ideya atkaisipan na nabibilang sa bawat kultura at tradisyon ng mga tao.Sumasalamin ito sa magagandang kaugalian ng iba’t ibang tribo at lahi.Sa pamamagitan nito naipapabatid ang sariling kahusayan, mgakapintasan at kahinaan upang maging daan sa pagpapabuti atpagpapaunlad ng kakayahan ng isang tao gayundin, natutuklasan angsariling talino at kasanayan.Ang panitikang ito ay binubuo ng mga salawikain at sawikain.BalikanBasahin ang isang artikulo. Suriin ang mga salita na nakasulatnang pahilig.Isang malugod na pagbati para sa mga haligi ng tahanan sa araw naito. “Happy Father’s Day” po sa inyong lahat.Kaugnay sa pagdiriwang ng araw na ito, nakatataba ng puso naipaalam sa inyo na isa na namang ama ang nag-uwi ng karangalan ditosa ating bansa mula sa Amerika. Sa gitna ng panganib sa COVID 19Pandemic hindi niya tinakasan ang kanyang responsibilidad bilang isangdoktor. Patuloy niyang ginagampanan ang kanyang tungkulin kahit walana siyang kasiguraduhan na makikita pang muli ang kanyang pamilya. Sakabila ng sinusuong niyang panganib buhay ang kanyang loob at buongpusong nanalig na may Panginoon na nagprotekta sa kanya.Higit sa lahattinulungan niya ang kanyang mga kababayan na nagkasakit din.Pinatutunayan, ng bayaning manggagamot na ito na “Ang tunay nasundalo’y hindi sinusukuan ang kahit na anong labanan”. Para sasambayanang Pilipino. Isa kang bayani Ginoong Reyes. Mabuhay po kayoat ang marami pang mga Pilipino na kagaya mo!5

Isinulat ni Lenie J. OsorioNarinig o nabasa mo na ba ang mga salitang nakasulat nang pahilig?Basahing muli!1.2.3.4.haligi ng tahanannakatataba ng pusobuhay ang loobAng tunay na bayani ay hindi sinusukuan, ang kahit na anonglabananAno kaya sa tingin mo ang ibig ipakahulugan ng mga ito?1.2.3.4.haligi ng tahanan-nakatataba ng puso-buhay ang loob-Ang tunay na bayani ay hindi sinusukuan, ang kahit na anonglabananTuklasinHanda ka na bang maghasa ng isipan?Basahin ang diyalogo sa ibaba. Pansinin ang mga pahayag nanakasulat nang pahilig.SITTI, TINTAY AT ZINCO(Nag-uusap ang magkaibigang Sitti, Tintay at Zinco habangnaghihintay na tumila ang malakas na ulan.)Sitti:Kung kailan pa lumuwag-luwag itong quarantine sakapa ulan ng ulan. Hindi tuloy tayo makakapagmall.Tintay:Naku! Talaga itong si Sitti kating-kati na ang mga paa.Zinco:Sinabi mo pa, idadamay pa talaga tayo. Kunwari,magtatampo kung hindi sasamahan.Sitti:Nagsalita ang mga magagaling kong kaibigan! Kasi po, “hindinamumunga ng bayabas ang puno ng santol”.Zinco:Bakit? Nasa’n ba sina Tito at Tita? Huwag mong sabihingnaglalaro na naman ng madjong.6

Tintay:Hindi ba bawal pa ang madjong ngayong GCQ?Sitti:Talagang bawal. Tumatanda kasi nang paurong, hindi monaman mapagsabihan dahil anak ka lang.Zinco:Kaya ikaw, huwag ka ng gumaya sa kanila. Dito ka na lang sainyong bahay. Hay naku! Napakarami ng problema saPilipinas. Huwag na tayong dumagdag pa.Tintay:Sinabi mo pa Zinco, hindi madaling pamumunuan angPilipinas. Kadalasan sa atin matitigas ang ulo. Napakasimpleng patakaran huwag lumabas ng bahay, magsuot ng facemask, maghugas ng kamay. Waley!Zinco:Siguro, hindi sila takot sa VIRUS kasi hindi naman nila itonakikita.Tintay:Sabagay. Hay naku! Ano ba ang gusto nila sinlaki ng kalapatiang mga VIRUS para matakot sila at saka pa sila susunod samga patakaran ng gobyerno.Sitti:Ha! Ha! Ha! Nagpapatawa ka Tintay. Hayaan mo na nga silangkamutin ang sariling kati.Zinco:Basta ikaw Sitti, dito ka lang sa inyo. Tandaan mo “walangmalaking nakapupuwing”. Huwag mong maliitin angpandemya baka mawalan pa kami ng kaibigang Sitti.Tintay:Oo nga, hindi na tayo kumpletong Pasado! SITTINTAYZINCO!-Isinulat ni Lenie J. OsoriUsap Tayo!Panuto: Pagkatapos mong mabasa ang usapan sa itaas. Sagutin angmga katanungan sa ibaba bilang gabay mo tungo sa iyong pag-unawa.1. Ano ang paksa ng usapan sa itaas?2. Anu-anong salita o parirala ang ginamit sa usapan na may ibangnais ipakahulugan? Itala sa kwaderno.3. May naisip ka bang pagpapakahulugan na maaari mong iugnaysa mga salitang ito?4. May mga salita bang maaari mong ipalit dito na mapananatili parin ang diwa na nais ipaabot ng usapan?5. Sa kabila ng pandemyang kinakaharap ng lipunan, magagawa pakayang aliwin ng mga manunulat at mga mamamahayag angsambayanan? Maglahad ng patunay.7

SuriinAng pagbabasa ay tulad ng isang paglalakbay. Katulad ngisang manlalakbay dapat maging mapanuri ka. Kung minsan may mganababasa kang hindi mo nauunawaan, babasahin mo ito ngunitlalampasan pa rin at ipagpaliban ang pag-alam sa kahulugan nito. Hindimo matutulungan ang iyong sarili kapag ganyan ka. Dapat, alamin mo!Kagaya ng ibang wika, ang Filipino ay mayaman sa salawikain(sayings) at sawikain o idyomang pahayag(idioms). Nakatutuwang isipinna madalas ay nagagamit natin ang mga hiyas ng ating wika. Hindituwirang inilalahad ang ibig sabihin ng mga ito bagkus ay gumagamit ngmatatalinghagang pananalita sa likod ng tunay na kahulugan nito.Halimbawa:1. Hindi namumunga ng bayabas ang puno ng santol.Paliwanag: Ito ay halaw sa palasak na salawikain na (“kung ano angpuno ay siya ring bunga”)na madalas tumutukoy sa mga nasunod okinamulatang katangian o gawi ng mga anak mula sa mgamagulang.2. Walang malaking, nakapupuwing.Paliwanag: Hinggil ito sa pagkakaroon ng silbi ng isang bagay okatayuan sa buhay ng isang taoSalawikainAng salawikain (sayings) ay mga pahayag na nagbibigay ngmagagandang aral at gabay sa pamumuhay, sa asal, at sapakikipagkapwa. Ito ay nakaugalian nang sabihin at nagsisilbingbatas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga ninunongnaglalayong mangaral at umakay sa mga kabataan sapagkakaroon ng kabutihang-asal.o Ubos-ubos biyaya,Bukas nakatunganga. (Pangaral hinggil sa pagtitipid)o Gaano man katibay ang piling abaka,Wala ring lakas kapag nag-iisa. (Paalaala hinggil sa pagkakaisa)8

SawikainAng mga sawikain (idioms) ay nagtataglay ngtalinghaga sapagkat ito ay may nakatagong kahulugan.Tinatawag din itong idyoma o kaya naman ay eupemistikongpahayag.ooooooMay gatas pa sa labi – bata paSira ang bakod – bungiNaglulubid buhangin – nagsisinungalingMahaba ang pisi – mahaba ang pasensiyaDinadaga ang dibdib – natatakotNatuka ng ahas – hindi nakakiboPagyamaninA. Panuto: Basahin ang sitwasyong hinango sa tunay na buhay sa bawatbilang. Iugnay ito sa mga salawikain na nakatala sa loob ng kahon sa ibaba.Isulat ang sagot sa sagutang papel.1. Nadatnan ni Tess ang kanyang mga anak sa kanilang tahanan nanagkagulo. Inatake sa puso ang kanyang asawa. Agad na dinala ito sahospital. Kinabukasan, ibinalita niya sa mga anak na hindi na makagalawang kanilang ama. Malungkot ang lahat.Salawikain:2. Isang taon palang mula nang ikinasal sina Brenda at Bernard.Nakapagpasya na silang maghiwalay dahil hindi sila magkasundo samaraming bagay. Nagsisisi si Brenda sa naging desisyon na pagpapakasalkaagad kahit kakakilala pa lamang niya sa kasintahan.Salawikain:3. Gusto ni Ben na makakuha ng mataas na iskor sa pasulit. Kaya,naghanda siya ng napakahabang kodigo. Nang mahuli siya ng gurobinigyan siya ng Zero sa pasulit na iyon.Salawikain:9

4. Ugali na ni Aling Maya ang magtabi ng kahit kaunti mula sa kanyangsahod. Isang araw, nagdeklara ng tigil operasyon ang pagawaan nakanyang pinagtatrabahuan dahil sa pandemya. Mabuti na lang at maynaipon si Aling Maya, hindi magugutom ang kanyang pamilya kahit paumabot ng isang taon ang pandemya.Salawikain:5. Bilang kinatawan o presidente ng kanilang klase, sinabihan si Grace ngkanilang guro na maghanda ng maikling talumpati para sa kanilang mgabisita na mamimigay ng donasyon sa kanilang paaralan. Agad niyangtinawag si Lucy at pinapagawa niya ng talumpati. Sumunod naman siLucy dahil mga magulang ni Grace ang nagpapaaral sa kanya.Pinalakpakan si Grace at hinahangaan dahil sa kanyang napakagandangtalumpati habang si Lucy ay nanonood lang sa isang tabi.Salawikain:Ako ang nagsaing,Iba ang kumain.Sakit ng kalingkinganRamdam ng buong katawan.Kapag may isinuksok,May madudukot.Naghangad ng kagitna,Isang salop ang nawala.Ang pag-aasawa ay hindi biro,Na parang kanin kung isusubo,Na pwede mong iluwa kapag ikaw ay napaso.A. Panuto: Basahin at unawain ang pangungusap sa bawat bilang. Satulong ng mga pahiwatig sa loob ng pangungusap ibigay ang kahuluganng sawikain o idyoma na sinalungguhitan sa loob ng pangungusap.1. Nagbibilang ng poste ang kanyang asawa simula nang magkaroonng pandemya.a.b.c.d.Ang trabaho ay magbilang ng poste.Walang trabaho.May trabaho.Nabaliw.2. Nag-alsa balutan ang mga katulong dahil hindi sila pinakain ngamo. Ang nag-alsa balutan ay nangangahulugang .a. Naglayasb. lumipat ng tirahanc. binalot ang gamitd. nagbalot ng pagkain10

3. indi nila pinagbubuhatan ng kamay ang kanilang kaisa-isang anak. Anoang ibig sabihin ng pariralang may salungguhit?a. hindi inarugac. hindi pinapalo o sinasaktanb. hindi binubuhatd. hindi inuutusan4. Suntok sa buwan ang pangingibang bansa ni Anita. Ang suntok sabuwan ay nangangahulugang .a. Walang katiyakanc. yayaman siyab. Magtagumpay siyad. Mabibigo siya.5. Hindi maliparang uwak ang lupain ni Don Ignacio. Ang idyomang maysalungguhit ay nangangahulugang .a. may pantakot sa uwakc. delikadob. may bitag para sa uwakd. malawak6. Naglulubid-buhangin ang bata ng sabihin niyang wala na siyang mgamagulang.a. naglalaro sa buhanginc. nagsisinungalingb. natutulog sa tabi ng dagatd. nagsasabi ng totoo7. “Magdilat ka nga ng mata, niloloko ka lang ng kasintahan mo”, ano angibig ipakahulugan ng may salungguhit na mga salita?a. ibuka ang matang nakapikitc. magbulag-bulaganb. gumising sa katotohanand. magpaloko8. Masipag na nagsusunog ng kilay ang dalaga upang pumasa sa . binubunot ang buhok sa kilayc. nag-aaralb. sinusunog ang kilayd. nagbabasa9. Nagdilang-anghel si Fatima nang sinabi niyang may sweldo bukas.a. nagkatotoob. hindi nagkatotooc. walang katotohanan ang mga sinasabid. naging manghuhula si Fatima10.Lumilipad ang saya ni Kris dahil kamuntik na siyang maiwan ngeroplano. Ang pariralang may salungguhit ay nangangahulugang.a. nahubad and sayab. nililipad sa hangin ang sayac. hinahabol niya ang nalipad na sayad. nagmamadali siya11

IsaisipPunan ang patlang ng angkop na salita upang mabuo angkatuturan ng pahayag hinggil sa mga karunungang-bayan. Ang karunungang-bayan ay isang sangay ng panitikan kung saanito ay nagiging daan upang maipahayag at maipabatid ang mgaideya at kaisipan na nabibilang sa bawat kultura at tradisyon ngmga tao.Ang sawikain at salawikain ay hindi dapat ipagwalang-bahala dahilito ay pamana ng ating lahi.Parehong nagtataglay ng talinghaga ang sawikain at salawikain.IsagawaA. Panuto: Magbigay ng isang sitwasyon batay sa inilahad na salawikainsa ibaba.Halimbawa: Habang maiksi ang kumot, matuto munangmamaluktot.Sitwasyon: Binigyan ng isang daan si Jose ng kanyang nanay parasa kanyang baon sa loob ng isang linggo. Pinagkasya niya itosa pamamagitan ng pagbili ng minatamis na saging atnagbaon na rin siya ng tubig para hindi na siya bibili pa.1. Magsisi ka man at huliWala nang mangyayariSitwasyon:2. Daig ng taong maagap,Ang taong masipag.Sitwasyon:3. Anak na hindi paluluhain,Ina ang patatangisin.Sitwasyon:12

B. Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga sumusunod na sawikain oidyomang pahayag sa pamamagitan ng pagtatambal-tambal ng mgasawikain sa Hanay A sa kanilang kahulugan sa Hanay B. Isulat angsagot sa sagutang papel.Hanay A1. Matandang tinaliHanay Ba. madalas na binabanggit2. nagsauliang kandilab. matandang binata3.bukas na aklatc. nanliligaw4. naniningalang-pugadd. lantad, hayag, alam ng lahat5. malaking isdae. libingan6. matigas ang katawanf. tamad7. bukambibigg. nagkagalit8. ningas-cogonh. mayaman9. namuti ang matai. panandalian10. Huling hantunganj. nainip sa kahihintayNakuha mo bang lahat ang sagot sa pagsusulit? Mabuti, kungganoon. Kung hindi naman huwag kang mag-alala. Pagbalik.aralan molang ang hindi mo naintindihan.TayahinA. Panuto: Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Pagkatapos aysagutan ang mga tanong ayon sa hinihingi ng bawat bilang. Isulatang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.1. Nagtataingang kawali lang si Daisy nang tawagin siya ng kanyangina.Palibhasa’y ayaw niyang mautusan ng ina kaya nagbibingibingihan siya.Alin ang karunungang-bayan na ginamit sa pahayag?c. Nagtatanging-kawalic. Nagbibingi-bingihan siyad. Nang tawagin siya ng inad. Ayaw niyang mautusan13

2. Ano ang pinakamalapit na kahulugan ng pahayag na ito “kapagmaaga ang lusong ay maaga rin ang ahon”?a. Dapat maaga kang bumangon at maligo tuwing umaga.b. Dapat mat

Kaysa bahay na bato na ang nakatira naman ay kuwago. o Pag dinaan sa tiyaga Maabot din ang nasa. o Saan mang gubat ay may ahas. o Ang kahoy na liko’t baluktot Hutukin habang malambot Kung lumaki at tumayog Mahirap na ang paghutok. o Tulak ng bibig, kabig

Related Documents:

22 marquez, mary joan g. filipino 10,000 0 0014 23 guevara, anna georgina arroyo filipino 10,000 0 0014 24 ng siok go filipino 10,000 0 0014 25 osi, avelino m. filipino 10,000 0 0014 26 reambillo, ma. leonora filipino 10,000 0 0014 27 tan cheng leng filipino

learn the Filipino national language (Tagalog); develop a deeper understanding and appreciation of Filipino culture; cultivate a peer group and network of persons who share a common cultural and linguistic background; facilitate a strong sense of identity; and understand the differences between Filipino and mainstream American culture.

Jun 02, 2016 · JUNE 24, 2017 Filipino Cultural Night at the 50th State Fair Aloha Stadium 5:00 PM A night of celebrating Filipino culture in Hawaii thru Filipino music, fashion and dance! Brought to you by E.K. Fernandez Shows and 96.7FM KPHI Filipino Radio For more information Contact Person: Al

capital development, science, technology and innovation. Following are the priority sectors that have direct impact on AmBisyon: . ties must be strengthened where every Filipino cares for the plight of his fellow Filipino. Every Filipino must feel upset if another Filipino is found hungry and poor,

Filipino language in terms of language aptitude, challenges and strategies in learning a language,communication strategies and purpose in leaning Filipino; 3. To determine the level of Filipino language learning strategies used by the respondents in terms of direct strategies and indirect strategies; 4.

Filipino 9– Ikasiyam na Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Ikalawang Markahan– Modyul 3: Mga Akdang Pampanitikan ng Silangang Asya Ako si Jia Li, Isang ABC (San

beginnings of a critical dialogue about Filipino literature written in the U.S. This dissertation is a preliminary survey of writing found in eight U.S. Filipino periodicals in the Western U.S. during the early 20 th century. 1 This study articulates several broad functions of

hubungan antara asupan asam folat dengan kadar Hb dengan nilai p 0,64. Kata Kunci : asupan fe, asupan folat, kadar hb, tb paru . Abstract . Tuberculosis pulmonary can lead to various metabolic disorders and system disturbances in the body, one of which is synthetic disorder of Hemoglobin levels. Some nutrients which can influence the synthetic of Hemoglobin levels are iron (Fe) and folic .