Modyul 5: ISIP AT KILOS-LOOB

2y ago
870 Views
192 Downloads
707.62 KB
19 Pages
Last View : 5d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Aiyana Dorn
Transcription

Edukasyon sa Pagpapahalaga IIkalawang MarkahanModyul 5: ISIP AT KILOS-LOOBTUKLASIN ANG IYONG PAG-UNAWA (EXPLORE)Sa unang markahan, naipamalas mo ang iyong pag-unawasa mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga opagbibinata. Tinuklas mo rin ang iyong mga talento, kakayahan at kahinaan, athilig. Naunawaan mong ang pagkilala sa sarili sa pamamagitan ng pagtuklas ngmga ito ay gabay sa pagtupad ng iyong mga tungkulin bilang nagdadalaga onagbibinata. Sana ay nagawa mo ang inaasahang pagganap sa bawat aralin saunang markahan upang umunlad ka sa paggawa ng iyong mga tungkulin atmagkaroon ka ng tiwala sa iyong sarili.Sa modyul na ito, inaasahang:a. masasagot mo ang tanong na: Paano nagiging bukod-tangi ang tao?b. matataya mo ang paggamit ng iyong isip at kilos-loob sa paggawa ngpasya at kilos tungo sa katotohanan at kabutihanNarito ang mga kraytirya ng pagtataya ng awtput mo sa titik b:a. Nailarawan ang dalawang sitwasyon na kinaharap sa pamilya, paaralano pamayananb. Nailahad nang malinaw ang naging pasya at kilos sa bawat sitwasyonc. Nataya ang sariling pasya o kilos sa bawat sitwasyon gabay angsumusunod: Isip - Tungo ba sa katotohanan? Kilos-loob – Tungo sa kabutihan?Open High School Program, EP I Modyul 5Page 1

Ang pagsagot mo sa tanong na ”Paano nagiging bukod-tangi ang tao? ”ay makatutulong sa pagbuo mo ng Kakailanganing Pag-unawa sa modyul na ito.Kaya mahalagang gawin mo nang nang may determinasyon ang mga gawain samodyul na ito.Ngayon, sagutin mo ang Paunang Pagtataya upang matuklasan mo angmga konsepto sa araling ito na tama ang pagkaunawa mo at ang mgakonseptong mali ang iyong pagkaunawa.Paunang PagtatayaPanuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag sa ibaba. Isulat sakuwaderno ang salitang Tama kung ito ay nagpapahayag ng tamang konsepto.Isulat ang salitang Mali kung ito ay nagpapahayag ng maling konsepto.1.Ang isip ay ginagamit sa pag-unawa.2.Walang kakayahan ang taong tuklasin ang totoo.3.Likas sa tao ang inklinasyon na gumawa ng mabuti.4.Ang kilos-loob ay ginagamit sa pagkilos at paggawa.5.Walang epekto sa ating pagkatao ang pagsisinungaling.6.Ang tao ay may kakayahan na piliin ang mabuti sa masama.7.Nababawasan ang pagkatao ng tao kung gumagawa siya ngmasama.8.Imposibleng gumawa ng mabuti kung ang mga nasa paligid mo aymasama.9.Natutuklasan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagkakaroon ngkaalaman.10.Walang pananagutan ang taong nasa sapat na pag-iisip kunggumawa siya ng masama.Open High School Program, EP I Modyul 5Page 2

Pagtuklas ng Dating KaalamanMaayos mo bang nasagot ang Paunang Pagtataya? Kung gayon, binabatikita! Kung hindi naman, huwag mabahala dahil ang mga susunod na gawain aysusubok ng mga karanasan at kaalamang iyong natutuhan na. Gawin mo angmga sumusunod na gawain.Gawain 11. Masdan mo ang mga larawan sa ibaba.2. Sagutin sa iyong kwaderno ang mga tanong sa ibaba ng mga larawan.HalamanHayopTaoMga Tanong1. Ano ang pagkakaiba ng tatlong nilikha na nasa mga larawan?2. Nakahihigit ba ang tao kaysa sa halaman at hayop? Patunayan.Gawain 21. Pagmasdan ang dalawang larawan sa ibaba.2. Sagutin ang mga tanong sa ibaba ng mga larawanOpen High School Program, EP I Modyul 5Page 3

BawalUMIHIditoBawalUMIHIditoMga Tanong:1. Ano ang pagkakaiba ng pagtugon ng lalaki at ng aso sa paalala?Bakit?2. Ano ang taglay ng tao upang maunawaan at sundin niya angpaalalang ito? Ipaliwanag.3. Ano ang palatandaan na ang tao ay may isip?4. Ano ang palatandaan na ang tao ay may kilos-loob?Open High School Program, EP I Modyul 5Page 4

LINANGIN ANG IYONG PAG-UNAWA (FIRM UP)Marahil ay unti-unti mo nang natutuklasan ang mga konseptong kaugnayng aralin. Ngayon, lilinangin mo ang iyong pag-unawa upang iyong maibigayang Kakailanganing Pag-unawa para sa araling ito. Gawin mo ang sumusunod.A. Gamit ang ilustrasyon o drowing ng angkop na speech balloon, isulat saiyong kwaderno ang iyong iisipin at gagawin sa bawat sitwasyon. Gabaymo ang simbolo sa bawat sitwasyon:Ang aking dapat na iniisipAng aking sasabihin o gagawin1. Nagmamadali kayong magkaibigan. Malayo pa ang overpass o tulay kaya kahitna may nakasulat na, “Bawal Tumawid,” hinikayat ka ng iyong kaibigangtumawid na sa kalye. Ano ang iisipin at gagawin?Higit na mabilis tayongmakakarating sapupuntahan natin kungtatawid tayo kaysaumakyat sa tulay. Walanamang pulis kaya,halika na.Open High School Program, EP I Modyul 5Page 5

2. Ikaw at ang kapareha mo ay nahuling magpasa ng takdang aralin. Hinikayat niyana magsinungaling ka sa guro tungkol sa dahilan ng pagkahuli ng pagpasa nginyong takdang aralin. Sinabi niyang umayon ka lamang sa lahat ng kanyangsasabihin. Ano ang iisipin at gagawin?Pasensya na po.Nahuli kamingmagpasa ngtakdang aralindahil marami pongibinigay ang lahatng guro namingtakdang aralin atproyekto.Sagutin:1. Tugma ba ang iyong sinulat na iisipin at gagawin sa bawat sitwasyon?Ipaliwanag ang iyong sagot.2. Ang iyong dapat na iniisip na gawin ay lagi bang tugma sa iyong ginagawa?Ipaliwanag.3. Bakit may pagkakataong mabuti ang naiisip mong gawin subalithindi ito ang iyong ginagawa?4. Paano ka magiging matatag upang isagawa ang mga mabuti monginiisip?Open High School Program, EP I Modyul 5Page 6

PALALIMIN ANG IYONG PAG-UNAWA (DEEPEN)Kumusta na ang iyong pagtuklas ng Kakailanganing Pag-unawa?Basahin at unawaing mabuti ang babasahin sa ibaba upang mapagtibay angiyong nabuong Kakailanganing Pag-unawa.Pagkatapos, punan ang mgapatlang sa graphic organizer sa ibaba tungo sa pagbuo mo nito.TAO: ANG NATATANGING NILIKHAMayroong tatlong uri ng nilikhang may buhay sa mundo: ang halaman,ang hayop at ang tao.Katulad ng halaman, ang tao ay nangangailangangalagaan upang lumaki, kumilos at dumami.Kumukuha siya ng sapat nasustansya upang makaya niyang suportahan ang sarili. Katulad ng hayop angtao ay may damdamin kaya’t siya’y nasasaktan, marahil dahil sa kapabayaan opagpapahirap. Natatakot siya sa kalamidad o sa epekto ng pangyayari na hindiinaasahan.Nagagalit siya kapag pinakikitunguhan nang hindi tama subalitkumakalma sa tuwing pinakikitaan ng pagkalinga. Subalit higit pa sa mga ito angkayang gawin ng tao sapagkat ang tao ay nilikha ayon sa “wangis ng Diyos”,kaya nga ang tao ay tinatawag na kanyang obra maestra.Paano naiiba ang tao sa ibang nilikha? Ang bawat indibidwal aybiniyayaan ng iba’t ibang kakayahan na nagpapadakila sa kanya.Open High School Program, EP I Modyul 5Ang mgaPage 7

katangiang ito ay nagpapatingkad sa kanya, katangiang taglay lamang ng tao nanagpapabukod-tangi sa kanya sa iba pang nilikha. Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr.,ang tao ay may tatlong mahahalagang sangkap: ang isip, ang puso at angkamay o katawan. Isip. Ang isip ay ang kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ngisang bagay.Ito ay may kapangyarihang maghusga, mangatwiran,magsuri, mag-alaala at umunawa ng kahulugan ng mga bagay. Kaya’t angisip ay tinatawag na katalinuhan (intellect), katwiran (reason), intelektuwalna kamalayan (intellectual consciousness), konsensya (conscience) atintelektuwal na memorya (intellectual memory). Puso.Ito ay maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa buongpagkatao ng tao. Nakararamdam ito ng lahat ng bagay na nangyayari saating buhay. Dito nanggagaling ang pasya at emosyon. Sa puso hinuhubogang personalidad ng tao. Lahat ng kasamaan at kabutihan ng tao ay ditonatatago. Kamay o katawan.Ang kamay o ang katawan ay sumasagisag sapandama, panghawak, paggalaw, paggawa at pagsasalita (sa bibig opagsusulat). Ito ang karaniwang ginagamit sa pagsasakatuparan ng isangkilos o gawa. Hindi sapat na naiisa-isa ng tao ang iba’t ibang bahagi ngkanyang katawan, ang mahalaga ay maunawaan niya kung anu-ano anggamit ng mga ito. Mahalagang bahagi ng pagkatao ang katawan, dahil itoang ginagamit upang ipahayag ang nilalaman ng isip at puso sakongkretong paraan. Sa pamamagitan ng katawan, naipakikita ng tao angnagaganap sa kanyang kalooban. Ito rin ang instrumento sa pakikipaguganayan sa ating kapwa.Kawangis ng tao ang Diyos dahil sa kakayahan niyang makaalam atmagpasya nang malaya. Ang kapangyarihan niyang mangatwiran ay tinatawagna isip. Ang kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili aytinatawag na kilos-loob.Open High School Program, EP I Modyul 5Page 8

Tunghayan ang talahanayan sa ibaba.IsipKilos-loobGamitPag-unawaPagkilos / PaggawaTunguhinKatotohananKabutihanSa pamamagitan ng isip, ang tao ay naghahanap ng katotohanan; kaya’tpatuloy siyang nagsasaliksik upang makaunawa at gumawa nang naaayon sakatotohanang natuklasan.Ang pandamdam ng tao ay nakatutulong upangmakamit ang katotohanang ito. Sa pamamagitan ng kaalamang natuklasan,maaari siyang gumawa para sa ikabubuti ng kanyang kapwa. Dahil ang isip ngtao ay may limitasyon at hindi ito kasing perpekto ng Maylikha, siya aynakadarama ng kakulangan. Kaya’t ang paghahanap ng isip sa katotohanan ayhindi nagtatapos; ang katotohanan ang tunguhin ng isip.Sa kabilang dako, ang kilos-loob ayon sa paglalarawan ni Santo Tomas deAquino ay isang makatwirang pagkagusto (rational appetency), sapagkat ito aypakultad (faculty) na naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama. Kung kaya’t angtunguhin ng kilos-loob ay ang kabutihan. Ang kilos-loob ay hindi naaakit sakasamaan; hindi nito kailanman magugustuhan ang mismong masama.Nagaganap lamang ang pagpili sa masama kung ito ay nababalot ng kabutihanat nagmumukhang mabuti at kaakit-akit. Ang kilos-loob ay umaasa sa ibinibigayna impormasyon ng isip. Naiimpluwensyahan ng isip ang kilos-loob, dahil hindinito nanaisin o gugustuhin ang isang bagay na hindi niya alam o nauunawaan.Ito rin ang nagbibigay ng kapangyarihan sa tao na gumawa at pumili, kung kaya’tang kilos-loob ang siyang ugat ng mapanagutang kilos.Sa pamamagitan ng kilos-loob, maaaring piliin ng tao na gawin ang mabuti.Ngunit hindi lahat ng mabuti ay magkakapareho ng uri. Nakasalalay sa tao angpagsaliksik at pag-alam kung alin ang higit na mabuti upang ito ang kanyangpiliing gawin. Samakatwid ang isip at kilos-loob, tulad ng katawan, ay kailangangOpen High School Program, EP I Modyul 5Page 9

sanayin at linangin upang magampanan ng mga ito ang kani-kanyang layunin.Kung hindi, magagamit ang mga ito sa maling paraan na makahahadlang sapagkamit ng kaganapan ng tao.Ang bawat tao ay may tungkuling sanayin, paunlarin at gawing ganap angisip at kilos-loob. Mahalagang pangalagaan ang mga ito upang hindi masira angtunay na layunin kung bakit ipinagkaloob ang mga ito sa tao. Inaasahangmagkasabay na pinauunlad ng tao ang kanyang isip at kilos-loob. Habangmarami siyang natutuklasang kaalaman at karunungan sa pamamagitan ng pagaaral o pagsasaliksik, inaasahan ding naipamamalas sa kanyang pagkatao angmapanagutang paggamit ng mga ito.Kung gayon, higit siyang magiging mabuting nilalang na may mabutingkilos-loob. Ang katalinuhan ay hindi nasusukat sa dami ng nalalaman at taas ngpinag-aralan, kundi kung paano ginagamit ang kaalaman upang ilaan ang sarilisa pagpapaunlad ng kanyang pagkatao, paglilingkod sa kapwa at pakikibahagi opaglilingkod sa pamayanan. Natatangi ang tao dahil sa kakayahan ng isip atkilos-loob na kumilos ayon sa kanyang kalikasan ang magpakatao.Kailangang gamitin ang isip sa pagkalap ng kaalaman at karunungan upangmakaunawa ang kilos-loob sa paggawa ng kabutihan tungo sa pagpapaunlad ngpagkatao.Kayang Hanapin ang Katotohanan at Gawin ang KabutihanAng paggamit ng isip at kilos-loob ng dating Senadorat Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan, Juan Flavier aymagagamit na halimbawa.Inisip niyang magiging mahusay siyang doktor kahitna maraming pagsubok sa kaniyang buhay. Ang nais niya ay matulungan angmahihirap na walang kakayahang magbayad sa doktor. Pinalad siyang magingOpen High School Program, EP I Modyul 5Page 10

doktor at naging pinuno pa ng isang sangay ng pamahalaan, ang Kagawaran ngKalusugan (1992-1995). Doon, sinubok ang kaniyang katapatan. Pinilit ng isangdoktor na ibalik niya sa puwesto ang isang empleyadong nagkaroon ng kasotungkol sa paglustay ng pera ng pamahalaan. Inisip niyang, pinalaki siya ngkaniyang mga magulang na dapat na laging maging mabuti at tapat, kayatinanggihan niya ito at pinaglaban ang katotohanan.O, kumusta? Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Nakatulong ba itoupang mabuo mo ang Kakailanganing Pag-unawa? Narito ang ilang tanong nasasagutin mo sa iyong kwaderno upang maglinaw ito sa iyo.Mga Gabay na Tanong:1. Bakit sinasabing ang tao ay nilikhang “kawangis ng Diyos”?2. Paano nagpapabukod-tangi sa tao bilang nilikha ang isip at kilos-loob?3. Paano naipakikita ang gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob sa pang-arawaraw na kilos?4. Ano ang inaasahang dapat magawa ng tao dahil siya ay nilikhang may isip atkilos-loob?Open High School Program, EP I Modyul 5Page 11

5. Ibigay ang sariling pananaw tungkol sa taong hindi kayang gawin o isabuhayang alam niyang mabuti at tama.Paghinuha ng Kakailanganing Pag-unawa (Essential Understanding o EU)Sa iyong kwaderno, kopyahin ang graphic organizer sa ibaba. Isulat samga patlang nito ang mga konsepto kaugnay ng nahinuha na KakailanganingPag-unawa mula sa babasahin. Ang clue ay ang sagot sa tanong na: Paanonaging bukod-tanging nilalang ang tao?.Ang tao ay na nilalang dahil siya ay may:Isip naKilos-loob naAng gamit ng isip ayAng gamit ng kilos-loob ayAng tunguhin ng isip ayAng tunguhin ng kilos-loob ayKaya, nararapat na , , at angisip at kilos-loob upang mabigyan ng halaga ang kaloob ng Diyos sa tao.Open High School Program, EP I Modyul 5Page 12

Isulat mo sa iyong kuwaderno ang Kakailanganing Pag-unawa, ang sagotsa tanong na: Paano naging bukod-tangi ang tao? Ipaliwanag.Sagot:ISABUHAY ANG IYONG PAG-UNAWA(TRANSFER)Mabuhay ka sapagkat natapos mo ang bawat bahagi ngmodyul na ito! Ngayon ay isagawa mo na ang iyong naunawaan sa araling ito.PagganapSa modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang sumusunod: matataya mo ang paggamit ng iyong isip at kilos-loob sa paggawa ngpasya at kilos tungo sa katotohanan at kabutihanNarito ang mga kraytirya ng paggawa mo ng inaasahang pagganap nabinanggit:a. Nailarawan ang dalawang sitwasyon na kinaharap sa pamilya, paaralano pamayananb. Nailahad nang malinaw ang naging pasya at kilos sa bawat sitwasyonc. Nataya ang sariling pasya o kilos sa bawat sitwasyon gabay angsumusunod: Isip – Ginamit ba tungo ba sa katotohanan? Kilos-loob – Ginamit ba tungo sa kabutihan?Open High School Program, EP I Modyul 5Page 13

Nasa talahanayan sa ibaba ang isang halimbawa. Pag-aralan angsitwasyong inilahad at ang pagtatayang ginawa sa pasya o kilos ng tauhan.SitwasyonAng Naging Pasya atKilos ng Tauhan saSitwasyonPagtataya ng Pasya o Kilos ng Tauhan saSitwasyonIsip – Ginamit batungo ba sakatotohanan?Kilos-loob – Ginamitba tungo sakabutihan?Pumasok pa rin si Ainil saOo. Nilikha ang taoOo. Ipinakita ni Ainilgising isang umaga.paaralan dahil tungkulinupang matamo angang pagpupunyagiNatukso siyang huwagniya bilang mag-aaralkaganapan bilangbilang mag-aaral.nang pumasok dahilang regular na pagpasoktao tungo saTungkulin niya bilangmay programa sasa paaralan anuman angpaglilingkod samag-aaral ang pag-kanilang paaralanitinakdang gawain sakapwa at pakiisa saaaral at ang regular natungkol sa Linggo ngbawat araw.Diyos. Angpagpasok sa paaralanWika at kalahatingpagtupad nganuman angaraw lang angtungkulin ngitinakdang gawain sakanilang klase.pagpasok sabawat araw. Ito aypaaralan nangkanyangregular ay paraanpananagutan. Kaya,upang makamit angginamit ni Ainil angmga ito. Kaya,kanyang kilos-loobginamit ni Ainil angtungo sa kabutihan.Tinanghali si Ainil ngkanyang isip tungosa katotohanan.Ngayon, ikaw naman. Gunitain at ilarawan ang dalawang sitwasyong kinaharap mo sanakaraang linggo – una sa pamilya o tahanan at ikalawa sa paaralan o pamayanan okapitbahayan (halimbawa, sa computer shop o internet cafe). Kung mahirapan ka sapagtataya (sa ikatlong kolum), humingi ka ng tulong sa iyong guro magulang.Open High School Program, EP I Modyul 5Page 14

SitwasyonAng Naging Pasya atKilos Ko sa SitwasyonPagtataya ng Pasya o Kilos Ko sa SitwasyonIsip - Ginamit ko batungo ba sakatotohanan?Kilos-loob – Ginamitko ba tungo sakabutihan?1. Sa pamilya2. Sa paaralan opamayananKumusta? Nahirapan ka ba sa gawain? Malapit ka ng matapos, kayahuwag bibitiw. Gawin ang pagninilay sa ibaba.PagninilaySa iyong journal, magsulat ng isang pagninilay. Gabay mo ang mgasumusunod na tanong:1. Anu- ano ang mga natuklasan ko sa paraan ko ng paggamit ng isip at kilosloob sa mga pang-araw-araw na sitwasyon ng buhay?2. Paano ako magpapakatatag upang:a. gamitin ang aking isip para sa katotohanan lamang?b gamitin ang aking kilos-loob para sa kabutihan lamang?Open High School Program, EP I Modyul 5Page 15

PagsasabuhaySinabi ni Lao-Tzu, isang Pilosopong Tsino ang pahayag na: ”The journeyof a thousand miles begins with the first step.” Anu-ano ang mga unang hakbangna dapat mong gawin upang magamit mo ang iyong isip at kilos-loob nang tama?Sundin ang mga hakbang sa ibaba:1. Balikan mo ang iyong mga tungkulin sa bawat gampanin mo sa Modyul 4. Alindito ang hindi mo nagagampanan nang maayos o kulang sa determinasyon?Tunghayan muli ang talahanayan na nasa Modyul 4.GampaninTungkulin1. Sa sarili2. Bilang anakHalimbawa:a. Pag-aaral nang mabuti upang makataposb. Paggastos o pagiging masinop sa perac. Pagpapanatiling malinis at maayos ang sarilingsilidd. Pagsunod sa mga utos ng magulang3. Bilang kapatid4. Bilang mag-aaral5. Bilang mamamayan6. Bilangmananampalataya7. Bilang konsyumer ngmidya8. Sa kalikasanOpen High School Program, EP I Modyul 5Page 16

Halimbawa, balikan mo ang isang tungkulin mo bilang anak na nasatalahanayan sa itaas - Pag-aaral nang mabuti upang makatapos. Anu-ano angmga sagabal upang maisagawa mo ito? Anu-ano ang mga gawi mong dapatmong baguhin upang makapag-aral ka nang mabuti. (Halimbawa, kung may ireresearch ka sa internet kaugnay ng takdang aralin ninyo sa Edukasyon saPagpapahalaga, naalala mong buksan sandali ang Facebook upang kamustahinang isang kaibigan. Kaya nagugol mo ang oras para rito imbes na sa pag-aaral.)Tunghayan ang talahanayan sa ibaba. Gabay mo ang unang halimbawa.Isulat sa kwaderno ang tatlong sariling gawi na balakid sa pag-aaral mo nangmabuti. Punan ang tsart.Mgatungkulinbilang anakMga sarilinggawi nabalakid sapag-aaralnang mabutiAno ang dapatkong isipin upangmaituwid angmaling gawiAno ang akinggagawin upangmaituwid ang malinggawi at malampasanang kahinaana. Pag-aaralnang mabutiupangmakataposNaalala kongbuksansandali angFacebookupangkamustahinang isangkaibiganimbes namag-researchtungkol satakdangaralin. Kayanagugol koang oras pararito imbes nasa pag-aaral.”Kailangan kongmaging mabutingtagapangalaga(steward) ng mgabiyayangipinagkaloob saakin ng Diyos –tulad ng oras opanahon. Masmahalaga sa akinang pag-aaral kaysapakikipagkaibigansa panahongitinakda para sapag-aaral. Kayauunahin konggawin ang akingtakdang-aralin.”Magdarasal muna akopagkagising sa umagaupang humingi ngbasbas at gabay ngDiyos sa lahat ng akinggagawin sa araw naiyon – lalo na angpaglampas sa akingmga kahinaan.Gagawa ako ngmaayos na iskedyul olistahan ng mga dapatkong gawin samaghapon at sisikapinkong sundin angiskedyul na ito. Kaya,uunahin ko angresearch sa internetpara sa takdang-aralinOpen High School Program, EP I Modyul 5Ano angsasabihin ko saharap ngsalamin tuwingmapagtatagumpayan ko angkahinaang ito”Mabait katalaga!Congratulations!”Page 17

kaysa buksan angFacebook.b.c.d.Masaya ka ba sa pinuno mong tsart? Mabuti kong ganoon. Binabati kita?Tandaan na ang pagpuno ng tsart ay unang hakbang lamang. Ang hinihingi ngPagsasabuhay ay konsistent o palagiang pagsasagawa ng mga kilos at pagiisip ng mga pahayag at pangangatwiran na inilista mo.Kung maydeterminasyon ka sa pagsasagawa ng mga mabuting gawi, tunay na magagamitmo ang iyong isip at kilos loob nang ayon sa tunguhin ng mga ito: ang isip paralamang sa katotohanan at ang kilos-loob para lamang sa kabutihan.Maligayang bati sa iyong tagumpay na matapos ang Modyul 5! Ngayonay maiuugnay mo ang lahat ng iyong natutuhan sa Modyul 6.Mga Sanggunian:Brenan, Robert Edward (

mga konsepto sa araling ito na tama ang pagkaunawa mo at ang mga konseptong mali ang iyong pagkaunawa. . 5. _ Walang epekto sa ating pagkatao ang pagsisinungaling. . na magsinungaling ka sa guro tungkol sa dahilan ng pagkahuli ng pagpasa ng inyong takdang a

Related Documents:

Musika 1 - Modyul 1 I. Nilalayong Antas: Baitang 1 II. Pamagat ng Modyul: Unang Modyul sa Pagkatuto III. Nakalaang Oras: 2 beses sa isang linggo na tig-40 minuto IV. Kabuuan ng Modyul Ipinakikilala sa modyul na ito ang elemento ng Dynamics sa musika. Layunin nitong makapagpakita ang

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

ISIP AR Technical Manual Chapter 1: Introduction 1-1 Chapter 1: Introduction ISIP , Istation's Indicators of Progress, Advanced Reading (ISIP Advanced Reading) is a sophisticated, web-delivered Computer Adaptive Testing (CAT) system that provides Continuous Progress Monitoring

Dietas Rapidas Y Efectivas 10 Kilos ¿ayudaaa. quiero bajar 5 kilos en una semana. soy mujer y quiero bajar 5 kilos en una semana no tengo tiempo para ir al . del doctor bolio esta es la pagina donde viene dice que es en 4 semanas pero si haces ejercicio bajas los 10

pagbabago sa sistema ng ating lipunan o pamahalaan. Bakit nangyayari ang mga kilos-protesta? Demokratikong proseso ba ang kilos protesta? Nagpapakita ba ito ng kalayaan sa pamamahayag? Kinakailangan ba na laging magulo ang protesta? Malalaman mo ang mga sagot sa mga nasabing katanungan sa pag-aaral mo ng modyul na ito.

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan - Modyul 12: Angkop na Kilos sa Maunlad na Komunikasyong Pampamilya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anuman

Ikalawang Markahan. MODYUL 5: ANG PAGKUKUSA NG MAKATAONG KILOS AT MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA . PANANAGUTAN NG TAO SA KAHIHINATNAN NG KILOS AT PASIYA. A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO? Sa Modyul 4 natutuhan mo, na ang kalayaan ang nagbibigay sa tao ng kakayahang pumili

assessment for Grades Pre-K to Grade 3, Istation’s Indicators of Progress, Early Reading (ISIP Early Reading). ISIP Advanced Reading is the culmination of many years of work begun by Patricia G. Mathes, Ph.D. on extending computerized CPM applications to middle grades while assisting teachers with