Filipino - Dipologcitydivision

2y ago
215 Views
23 Downloads
1.29 MB
32 Pages
Last View : 3d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Randy Pettway
Transcription

3FilipinoUnang Markahan – Modyul 5:Pagbasa ng mga Salitang may Tatlong PantigPataas, Salitang Hiram, Klaster, at mgaSalitang Iisa ang Baybay ngunit Magkaibaang Bigkas

Filipino – Ikatlong BaitangAlternative Delivery ModeUnang Markahan – Modyul 5: Pagbasa ng mga Salitang may Tatlong Pantig Pataas,Salitang Hiram, Klaster at mga Salitang Iisa ang Baybay ngunit Magkaiba ang BigkasUnang Edisyon, 2020Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ngkarapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailanganmuna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kungito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapanay ang pagtakda ng kaukulang bayad.Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brandname, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na itoay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga itoupang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mgatagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit malibansa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mgaito.Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag saanomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Leonor Magtolis BrionesPangalawang Kalihim: Diosdado M. San AntonioBumuo sa Pagsusulat ng ModyulManunulat: Merry Jean A. De Asis, Jaycel D. Suganob, Linor B. Majestad, atDonnabel D. ManocanEditor: Cristy S. Agudera, Lorna C. RagosTagasuri: Ramon S. Gravino Jr.Tagawasto: April T. Delos SantosTagaguhit at Tagalapat: Dwight Jehan T. Patao, Charlie C.Tocmo at Jecson L. OafallasTagapamahala: Evelyn R. FetalveroJosephine L. FadulJanette G. VelosoChristine C. BagacayAnaliza C. AlmazanLorna C. RagosMa. Cielo D. EstradaCristy S. AguderaMary Jane M. MejoradaAlma D. MercadoInilimbag sa Pilipinas ngDepartment of Education – Region XIOffice Address:F. Torres St., Davao CityTelefax:(082) 291-1665; (082) 221-6147E-mail Address:region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph

3FilipinoUnang Markahan – Modyul 5:Pagbasa ng mga Salitang may Tatlong PantigPataas, Salitang Hiram, Klaster, at mgaSalitang Iisa ang Baybay ngunitMagkaiba ang Bigkas

Paunang SalitaPara sa tagapagdaloy:Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino – IkatlongBaitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa aralingPagbasa ng mga Salitang may Tatlong Pantig Pataas, Salitang Hiram,Klaster, at mga Salitang Iisa ang Baybay ngunit Magkaiba ang Bigkas!Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang atsinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadonginstitusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upangmatulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakdang Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan angpansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang magaaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawainayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itongmatulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayangpan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mgapangangailangan at kalagayan.Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunangkaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habanghinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin atgabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaingnakapaloob sa modyul.ii

Para sa mag-aaral:Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino – IkatlongBaitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagbasang mga Salitang may Tatlong Pantig Pataas, Salitang Hiram, Klaster,at mga Salitang Iisa ang Baybay ngunit Magkaiba ang Bigkas!Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyongpangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pagaaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitongmadulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapatmong maunawaan.AlaminSa bahaging ito, malalaman moang mga dapat mong matutuhansa modyul.SubukinSa pagsusulit na ito, makikita natinkung ano na ang kaalaman mo saaralin ng modyul. Kung nakuha moang lahat ng tamang sagot (100%),maaari mong laktawan angbahaging ito ng modyul.BalikanIto ay maikling pagsasanay o balikaral upang matulungan kangmaiugnay ang kasalukuyang aralinsa naunang leksyon.TuklasinSa bahaging ito, ang bagongaralin ay ipakikilala sa iyo samaraming paraan tulad ng isangkuwento, awitin, tula, pambukasna suliranin, gawain o isangsitwasyon.iii

SuriinSa seksyong ito, bibigyan ka ngmaikling pagtalakay sa aralin.Layunin nitong matulungan kangmaunawaan ang bagongkonsepto at mga kasanayan.PagyamaninBinubuo ito ng mga gawain parasa mapatnubay at malayangpagsasanay upang mapagtibayang iyong pang-unawa at mgakasanayan sa paksa. Maaari mongiwasto ang mga sagot mo sapagsasanay gamit ang susi sapagwawasto sa huling bahagi ngmodyul.IsaisipNaglalaman ito ng mgakatanungan o pupunan angpatlang ng pangungusap o talataupang maproseso kung anongnatutuhan mo mula sa aralin.IsagawaIto ay naglalaman ng gawaingmakatutulong sa iyo upangmaisalin ang bagong kaalaman okasanayan sa tunay na sitwasyon orealidad ng buhay.TayahinIto ay gawain na naglalayongmatasa o masukat ang antas ngpagkatuto sa pagkamit ngnatutuhang kompetensi.iv

KaragdagangGawainSa bahaging ito, may ibibigay saiyong panibagong gawain upangpagyamanin ang iyong kaalamano kasanayan sa natutuhang aralin.Susi sa PagwawastoNaglalaman ito ng mga tamangsagot sa lahat ng mga gawain samodyul.Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:SanggunianIto ang talaan ng lahat ngpinagkuhanan sa paglikha opaglinang ng modyul na ito.Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyulna ito:1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan nganumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mgapagsasanay.2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa ibapang gawaing napapaloob sa modyul.3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawatpagsasanay.4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ngmga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pangpagsasanay.6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloykung tapos ng sagutin lahat ng pagsasanay.v

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawainsa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin anginyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kaynanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man saiyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Lagingitanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito,makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha kang malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.Kaya mo ito!vi

AlaminMagandang araw sa iyo!Malugod kitang binabati dahil matagumpay mong nasagotang naunang mga gawain. Sa modyul na ito, mababasa mo angmga salitang may tatlong pantig pataas at mga salitang hiram.Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: nababasa ang mga salitang may tatlong pantig pataas(F3AL-If-1.3); at nababasa ang mga salitang hiram (F3PP-IVcg-2.5).SubukinGawain 1Isulat sa loob ng kahon ang mga salita ayon sa hinihinging bilangng mga pantig. Gawin ito sa iyong ateleponoTatlong Pantig1.2.3.4.5.sapatoskabayobayani sampaguitaApat na Pantig1.2.3.4.5.Gawain 2Piliin ang salitang hiram na makikita sa bawat pangungusap.1. Nakatutuwa ang mga hayop sa loob ng zoo.2. Sumakay kami sa jeepney papuntang lungsod.3. Ang lalaki ay magaling tumugtog ng xylophone.4. Nasira ang zipper ng pantalon ng batang babae.5. Bago ang mga bag ng mga mag-aaral tuwing unang arawng pasukan.1

Aralin1Pantig at Salitang HiramBalikanBasahin mo ang mga tanong. Piliin at isulat sa papel ang letrang tamang sagot.1. Sa bahagi ng aklat, saan makikita ang mga paksa at aralingnilalaman?A. pabalatB. paunang salita C. katawan ng aklat2. Ano ang tamang pagpapantig ng salitang pabalat?A. pab-latB. pa-ba-latC. pa-bal-at3. Ilang pantig meron ang salitang glosari?A. dalawaB. tatloC. apat4. Alin sa sumusunod ang salitang hiram?A. indeksB. bibliographyC. karapatang-ari5. Makikita sa index ang talaan ng mga paksang nakaayos nangpa-alpabeto. Piliin ang salitang hiram.A. indexB. talaanC. pa-alpabeto2

TuklasinBasahin mo nang mabuti ang teksto sa ibaba.Ang mga Tao sa Panahon ng COVID-19Milyon-milyong mga tao sa buong mundo ang hindimakapaniwala sa epekto ng nakahahawang sakit natinatawag na Coronavirus disease of 2019 o COVID-19. Limitadoang paglabas ng mga tao sa kanilang mga tahanan. May ilangnegosyo o trabaho na kailangan munang ipatigil upangmasugpo ang pagkalat ng nasabing virus.Hindi mababayaran ang mga hirap at sakripisyo ng mgafrontliners upang malabanan at mailigtas ang mga tao mula sapandemyang ito.Naging malaking tulong ang social media upangmagkamustahan ang mga tao at maibsan ang takot atkalungkutan na nadarama.Gawain 1Magtala ka ng limang salita na may tatlong pantig mula sateksto. Isulat ang iyong sagot sa papel.Halimbawa: epektoe-pek-to1.4.2.5.3.3

Gawain 2Kopyahin ang mga pangungusap sa iyong kuwaderno.Salungguhitan ang salitang hiram na ginamit sa bawat pahayag.1. Ang COVID-19 ay isang nakahahawang sakit na maaaringikamatay ng isang tao.2. Ugaliing maghugas ng kamay upang matanggal angnakakapit na virus.3. Ang social media ay makakatulong sa pakikipag-ugnayansa ibang tao.4. Ang mga frontliners ay ang ating mga makabagong bayani.5. Kapag aalis ng bahay, kinakailangan magdala ngquarantine pass.SuriinAng pantig ay paraan ng paghahati-hati ng salita sa mgapantig. Ilan sa mga halimbawa nito ay:la-la-kipag-ka-inba-ba-etrans-por-tas-yonAng salitang hiram ay ang mga salitang walang katumbas sawikang Filipino kung kaya ang mga ito ay tanggap ng gamitin sapakikipag-usap.Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga salitang nasa ibaba.Coronavirus ermarketjeepneyquarantine pass4

PagyamaninGawain 1Lagyan mo ng tsek ( ) ang bilog na naglalaman ng tamangbilang ng pantig sa bawat salita. Gawin mo ito sa iyong kuwaderno.Halimbawa: te-le-bis-yon12234Bilang ng pantig1. ku-si-na2. sa-la-min3. ma-si-pag1234123412344. ba-ya-ni-han5. ma-ma-ma-yan12341234Gawain 2Kopyahin mo ang talata sa iyong kuwaderno. Punan ng wastongsalita ang bawat patlang. Pillin ang sagot sa kahon.supermarket COVID-19jeepneyfrontlinersgroceryAng ay isang napakadelikadong sakit na atingkinakaharap ngayon. Lubos tayong nagpapasalamat sa mgana nagsakripisyo para matulungan tayong labananang pandemyang ito.Kaya pinapayuhan tayong lahat na mag ingat ng mabutikapag tayo ay aalis ng bahay. Tuwing sasakay tayo ngugaliin na magsuot ng mask. Kapag pupunta naman saupang mag ng ating mgapangangailangan mainam na sundin ang isang metrong layoupang mapanatili ang social distancing.5

IsaisipPunan ang patlang ng angkop na salita upang mabuo angpangungusap. Gawin mo ito sa iyong kuwaderno.Ang (1) ay paraan ng paghahati-hating (2) sa mga pantig.Halimbawa: ba-ya-nima-ma-ma-yanAng (3) ay ang mga salitang walangkatumbas sa wikang (4) kung kaya ang mgaito ay tanggap ng gamitin sa (5) .Halimbawa: Coronavirus diseasefrontlinersIsagawaGawain 1Kopyahin sa iyong kuwaderno ang mga salita sa loob ngkahon. Pagkatapos ay bilugan ang salitang may tatlong sa-li-tapa-a-ra-lan34.5.ga-motpaaralanba-to6

Gawain 2Kopyahin ang talahanayan sa iyong kuwaderno at bilugan angsalitang demyaserbisyotelebisyondamitmikrobyoquarantine passfrontlinerssocial mediaTayahinGawain 1Isulat ang bilang ng mga pantig ng salita sa sagutang apagmahal ma-pag-ma-halGawain 2Piliin ang tamang salita sa loob ng kahon at isulat ito sa iyongsagutang papel.bagjeepneygroceryfrontlinerssocial mediaCoronavirus Disease1. Ang ibig sabihin ng COVID ay .2. Hindi kalakihan ang kita ng mga drayber ng sapanahon ng pandemya.7

3. Araw-araw na nagseserbisyo ang mga upangmalabanan ang pandemya.4. Limitado ang pagpasok ng mga taong gustong bumili ng mgapagkain sa loob ng .5. Nasa loob ng ang mga gamit na gagamitinng ate sa tuwing papasok siya sa trabaho.Karagdagang GawainBumuo ka ng limang salitang hiram at pantigin mo ang mga ito.Isulat ito sa iyong kuwaderno.Salitang HiramPagpapantigHalimbawa: CoronavirusCo-ro-na-vi-rus1.2.3.4.5.8

AlaminMagandang araw sa iyo!Malugod kitang binabati dahil matagumpay mong nasagot angnaunang mga gawain.Sa modyul na ito, mababasa mo ang mga salitang may klaster.May iba’t ibang gawain akong inihanda para sa iyo upangmahasa ang iyong kaisipan at madali mo itong maintindihan.Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: Nababasa ang mga salitang may klaster (F3PP-IIc-d2.3).SubukinPunan ng angkop na mga letra ang patlang upang mabuo ngpinahuhulaang mga salita ayon sa ipinakitang larawan. Isulat angiyong sagot sa kuwaderno.b ld rt st rp r9

AralinKlaster2BalikanKopyahin ito sa iyong kuwaderno at bilugan mo sa loob ng kahonang salitang may tatlong yansalitapaaralan4.5.TuklasinBasahin mo nang mabuti ang maikling kuwento.10

Regalo Para kay Anani: Jaycel D. SuganobSi Ana ay paparangalan sa kanilang paaralan dahil siyaay isang matalino at mabuting bata. Siya ay pinangakuan niNanay Sita ng regalo sa kaniyang kaarawan. Gusto sana niAna ng bagong blusa na kulay pula na kaniyangmaipangsisimba. Ibig niyang magpasalamat sa grasya nanatatanggap niya.Gusto din niyang magkaroon ng keyk at mga prutas paraipakain sa kaniyang mga bisita. Gusto sana niyangmakatanggap ng mga regalo tulad ng plorera, libro at lalonglalo na ang sobre dahil lagi siyang sumusulat sa kaniyang amana nasa ibang bansa.Kopyahin ang graphic organizer sa iyong kuwaderno. Punan itong mga salitang klaster o kambal katinig na makikita sa maiklingkuwento.KlasterSuriinAng kambal katinig o klaster ay mga salitang mayroongmagkadikit o pinagsamang dalawang magkaibang katinig sa loobng iisang pantig tulad ng b, l, d, g, r. p, t, s.Halimbawa ng klaster o kambal katinigplbrtsprgrplato bratsuperpritograsaplasabrasotsokolate prinsipe gripoplakabrusko tsinelas11prinsesa gramo

PagyamaninGawain 1Kopyahin ang mga salita sa iyong papel at salungguhitan angkambal katinig o klaster.1. grasa4. kwintas2. brusko5. dragon3. trangkasoGawain 2Piliin ang mga salitang may kambal katinig o klaster. Isulat moito sa iyong sagutang papel.1. krus2. plorera3. mesa4. bintana 5. bahayIsaisipPunan ang patlang ng angkop na salita upang mabuo angpangungusap. Gawin mo ito sa iyong kuwaderno.Ang o klaster tulad ng pl at ts ay mgasalitang mayroong o kabit na dalawangmagkaibang sa loob ng iisang pantig.Halimbawa: ploreratsinelasIsagawaKahunan ang salitang may kambal katinig o klaster na ginamitsa pangungusap. Gawin mo ito sa iyong kuwaderno.1. Tsuper ang aking tiyo.2. Bibili ako ng blusa mamaya.12

3. Nawala ang tsinelas ko kahapon.4. Kumuha ako ng plato sa kusina.5. Si Tatay Berto ay bumili ng prutas sa palengke.TayahinPunan ng mga salita ang bawat kolum ng kambal katinig oklaster. Simulan mo ito sa bilang (2). Gawin ito sa iyong 2.3.Karagdagang GawainSalungguhitan ang salitang may kambal katinig o klaster sapangungusap. Gawin mo ito sa iyong kuwaderno.1. Bago ang suot niyang tsinelas.2. Si Tanya ay kumain ng tsokolate.3. Dumikit ang grasa sa uniporme niya.4. Nabasag ang plorera na nasa ibabaw ng mesa.5. Sariwa ang mga prutas na inani ni Mang Mando.13

AlaminMagandang araw sa iyo!Malugod kitang binabati dahil matagumpay mong nasagot angnaunang mga gawain.Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: Nababasa ang mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaibaang bigkas (F3PP-IIe-g2.4).SubukinAlin sa mga larawan ang tumutukoy sa mga salitang maysalungguhit sa bawat pangungusap? Isulat ang letra ng tamangsagot sa iyong papel.ABCDEF1. Ang paboritong gulay ni Berto ay upo.a. Ab. Cc. E2. Nakakasira ng baga ang paninigarilyo.a. Cb. Dc. A3. Hinabol ng bata ang pulang lobo na lumipad.a. Ab. Dc. B4. Nakita ko sa palabas sa telebisyon na naghahabulan angmga lobo.a. Ab. Dc. B5. Nahihirapan ang mga tao sa pag-apula sa malaking bagang apoy sa kanilang barangay.a. Ab. Dc. B14

Aralin3Mga Salitang Iisa angBaybay Ngunit Magkaibaang BigkasBalikanSalungguhitan mo ang klaster sa bawat salita. Isulat ang iyongsagot sa papel.1. grasa2. braso3. plato 4. trangkaso5. blusaTuklasinBasahin mo nang mabuti ang maikling kuwento.Tulong ng Gobyernoni: Merry Jean A. De AsisPuno ng tao ang plasa kung saan maraming kumuha ngkanilang benipisyo na ibinigay ng gobyerno. Abala ang lahatmaging ang puno ng aming barangay. Dumating na ang mga tagagobyerno kasama ang kanilang mga tauhan.Nariyan na rin ang mga guwardiya dala ang kanilang mga pito,gayundin ang mga tanod na pito ang miyembro bawat grupo.15

Nagsimula na ang pamimigay ng ayuda ng gobyerno para sa mgatao.Masaya ang lahat matapos matanggap nila ang tulong naibinigay sa kanila ng gobyerno. Malaki ang kanilang pasasalamatsapagkat halos lahat ay nawalan ng trabaho. Kaya umuwi anglahat nang nakangiti.Gawain 1Kopyahin sa kuwaderno ang mga salitang may salungguhit atang kahulugan nito.Pangungusap1. Puno ng tao ang plasa.2. Abala ang aming punong barangay.3. Ang mga guwardiya ay may dalangpito.4. Ang mga tanod ay may pitongmiyembro.Kahuluganmaraming taolidergamit na tumutunogkapag hinihipanbilang 7Gawain 2Piliin ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit namagkapareho ang baybay.1. Malakas ang pito ng referee.A. boloB. bilangC. gamit na tumutunog2. Pito ang miyembro ng kanilang grupo.A. grupoB. bilang 7C. miyembro3. Puno ng mga tao ang plasa dahil sa liga.A. maraming tao B. masayang tao C. maingay ang tao4. Si Ginoong Cruz ang puno ng aming barangay.A. liderB. kasamaC. mayaman tao5. Si Berting ay may nakitang sawa sa loob ng kanilang bahay.A. bolaB. ayaw naC. uri ng ahas16

SuriinMayroong mga salita na magkapareho ang baybay ngunitmagkaiba ang bigkas at aKahuluganpitolaruan o silbatodinama ang isangbagaykapatela na nilalagaysa likod ng in ang mga pangungusap.1. Nakakita si Mark ng lumang pako sa may taniman ng pako.2. Bumili kami ng pitong makukulay na pito para sa mga tanod.3. Inilabas ng pinuno ng barangay na si Aling Celia angkaniyang pinunong alkansiya para idagdag sa pambili ngmga papremyo.17

Gawain 1Sagutin mo ang mga tanong at isulat ang letra ng tamangsagot sa iyong papel.1. Ano ang magkatulad na salita sa unang pangungusap?A. luma-pakoB. pako-pakoC. taniman-pako2. Sa pangalawang pangungusap ano ang salitangmagkatulad?A. pitong-pitoB. binili-tanodC. pitong-makukulay3. Sa pangatlong pangungusap ano ang salitangmagkatulad?A. pinuno-pinunong B. pinuno- papremyo C. Aling Celia- alkansiyaGawain 2Piliin sa loob ng kahon ang pangalan ng bawat larawan. Isulatsa iyong papel ang tamang sagot.bagatubo1.3.lobo2.4.pasoIsaisipPunan ang patlang ng angkop na salita upang mabuo angpangungusap. Gawin mo ito sa iyong kuwaderno.

Filipino – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Pagbasa ng mga Salitang may Tatlong Pantig Pataas, Salitang Hiram, Klaster at mga Salitang Iisa ang Baybay ngunit Magkaiba ang Bigkas Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Rep

Related Documents:

22 marquez, mary joan g. filipino 10,000 0 0014 23 guevara, anna georgina arroyo filipino 10,000 0 0014 24 ng siok go filipino 10,000 0 0014 25 osi, avelino m. filipino 10,000 0 0014 26 reambillo, ma. leonora filipino 10,000 0 0014 27 tan cheng leng filipino

learn the Filipino national language (Tagalog); develop a deeper understanding and appreciation of Filipino culture; cultivate a peer group and network of persons who share a common cultural and linguistic background; facilitate a strong sense of identity; and understand the differences between Filipino and mainstream American culture.

Jun 02, 2016 · JUNE 24, 2017 Filipino Cultural Night at the 50th State Fair Aloha Stadium 5:00 PM A night of celebrating Filipino culture in Hawaii thru Filipino music, fashion and dance! Brought to you by E.K. Fernandez Shows and 96.7FM KPHI Filipino Radio For more information Contact Person: Al

capital development, science, technology and innovation. Following are the priority sectors that have direct impact on AmBisyon: . ties must be strengthened where every Filipino cares for the plight of his fellow Filipino. Every Filipino must feel upset if another Filipino is found hungry and poor,

Filipino language in terms of language aptitude, challenges and strategies in learning a language,communication strategies and purpose in leaning Filipino; 3. To determine the level of Filipino language learning strategies used by the respondents in terms of direct strategies and indirect strategies; 4.

beginnings of a critical dialogue about Filipino literature written in the U.S. This dissertation is a preliminary survey of writing found in eight U.S. Filipino periodicals in the Western U.S. during the early 20 th century. 1 This study articulates several broad functions of

9781444106022 Complete Estonian: Teach Yourself 34.99 9781444105698 Complete Filipino (Tagalog) Audio Support: Teach Yourself 29.99 9781444105681 Complete Filipino (Tagalog) Book and CD Pack: Teach Yourself 59.99 9781444105674 Complete Filipino (Tagalog): Teach Yourself 29.99 9781444195248 Complete Finnish Audio Support: Teach Yourself (New Edition) 24.99 9781444195224 Complete .

Language Policy in the Russian Federation: language diversity and national identity by Marc Leprêtre Abstract This paper gives an overview on the different language policies implemented in the Russian Federation, stressing the relevance of the historical background, the relations between language and nationalism, and language promotion as a tool for preventing inter-ethnic conflicts and for .