Unang Markahan Modyul 6: Ang Tunay Na Kahulugan Ng

2y ago
595 Views
83 Downloads
630.50 KB
19 Pages
Last View : 6d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Nadine Tse
Transcription

10Edukasyon saPagpapahalagaUnang Markahan – Modyul 6:Ang tunay na kahulugan ngkalayaan

Edukasyon sa Pagpapakatao 10Alternative Delivery ModeUnang Markahan – Modyul 6: Ang tunay na kahulugan ng KalayaanUnang Edisyon, 2020Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ngkarapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailanganmuna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung itoay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ayang pagtakda ng kaukulang bayad.Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brandname, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na itoay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upangmakuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala atmga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito aykinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag saanomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Leonor Magtolis BrionesPangalawang Kalihim: Diosdado M. San AntonioBumuo sa Pagsusulat ng ModyulManunulat: Getrudes G. GalonzaEditor: Anne Rose B. CayasenTagasuri: Erlinda C. Quinoan, Ed. D.Tagaguhit:Tagalapat:Tagapamahala: May B. Eclar, Ed. D.Carmel F. MerisEthielyn TaquedEdgar H. Madlaing, Ed. D.Rizalyn A. Guznian, Ed. D.Sonia D. Dupagan, Ed. D.Vicenta C. Danigos, Ed. D.Inilimbag sa Pilipinas ngKagawaran ng Edukasyon – Rehiyong Pampangasiwaan ng CordilleraOffice Address:Telefax:E-mail Address:Wangal, La Trinidad, Benguet(074)-422-4074car@deped.gov.ph

10Edukasyon saPagpapakataoUnang Markahan – Modyul 6:Ang tunay na kahulugan ngkalayaan

Paunang SalitaPara sa tagapagdaloy:Malugod na pagtanggap sa asignaturangEdukasyong sa Pagpapakatao 10 ngAlternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling ano Ang Tunay naKahulugan ng Kalayaan!Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukadormula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurongtagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakdang Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay atmalayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mgakasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mgapangangailangan at kalagayan.Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahongito sa pinakakatawan ng modyul:Mga Tala para sa GuroIto'y naglalaman ng mga paalala, panulongo estratehiyang magagamit sa paggabay samag-aaral.Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaralkung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala angpag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sarilingpagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayanang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.Para sa mag-aaral:Malugod na pagtanggap sa Edukasyong sa Pagpapakatao 10 ng Alternative DeliveryMode (ADM) Modyul ukol sa Ang Tunay na Kahulugan ng Kalayaan!Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sapamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, atmagsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo naikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mgakaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay aynakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.ii

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitongmatulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangaddin nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.AlaminSa bahaging ito, malalaman mo ang mgadapat mong matutuhan sa modyul.SubukinSa pagsusulit na ito, makikita natin kungano na ang kaalaman mo sa aralin ngmodyul. Kung nakuha mo ang lahat ngtamang sagot (100%), maaari mong laktawanang bahaging ito ng modyul.BalikanIto ay maikling pagsasanay o balik-aralupang matulungan kang maiugnay angkasalukuyang aralin sa naunang leksyon.TuklasinSa bahaging ito, ang bagong aralin ayipakikilala sa iyo sa maraming paraan tuladng isang kuwento, awitin, tula, pambukas nasuliranin, gawain o isang sitwasyon.SuriinSa seksyong ito, bibigyan ka ng maiklingpagtalakay sa aralin. Layunin nitongmatulungan kang maunawaan ang bagongkonsepto at mga kasanayan.PagyamaninBinubuo ito ng mga gawaing para samalayang pagsasanay upang mapagtibay angiyong pang-unawa at mga kasanayan sapaksa. Maaari mong iwasto ang mga sagotmo sa pagsasanay gamit ang susi sapagwawasto sa huling bahagi ng modyul.IsaisipNaglalaman ito ng mga katanungan opupunan ang patlang ng pangungusap otalata upang maproseso kung anongnatutuhan mo mula sa aralin.IsagawaIto ay naglalaman ng gawaing makatutulongsa iyo upang maisalin ang bagong kaalamano kasanayan sa tunay na sitwasyon orealidad ng buhay.iii

TayahinIto ay Gawain na naglalayong matasa omasukat ang antas ng pagkatuto sapagkamit ng natutuhang kompetensi.KaragdagangGawainSa bahaging ito, may ibibigay sa iyongpanibagong gawain upang pagyamanin angiyong kaalaman o kasanayan sa natutuhangaralin.Susi sa PagwawastoNaglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahatng mga gawain sa modyul.Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:SanggunianIto ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sapaglikha o paglinang ng modyul na ito.Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumangmarka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papelsa pagsagot sa mga pagsasanay.2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaingnapapaloob sa modyul.3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain atsa pagwawasto ng mga kasagutan.5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nangsagutin lahat ng pagsasanay.Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari karin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sinoman sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim saiyong isipang hindi ka nag-iisa.Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ngmakahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sakaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!iv

AlaminKalayaan, ang laging usap-usapin ng mga mamamayan. Noong ika’y nasaelementarya, naging isang aralin ang kalayaan. Kaya inaasahang, ikaw ay may sapatna kaalaman kapag kalayaan ang usapan.Noong unang panahon, nakamit natin ang ating sariling kasarinlan –kalayaan mula sa kamay ng mga dayuhan. Bilang isang mag-aaral, madali mongmaipahayag ang iyong sariling kaisipan at damdamin kapag ganitong kalayaan angtalakayan.Maraming uri ang kalayaan. Ang kalayaan mo bilang isang mamamayan namaaring maging isang paksa ng usapan. Malaya ang isang indibidwal na maihayagang kanyang kalayaan sa pananalita, pananamit at pagkilos. Ang kalayaang ito ayalam na alam mo ang ibig sabihin. Pero, hanggang ano ang alam mong kalayaanmo?Pinahahalagahan mo nga ba ang iyong kalayaan?Inaasahang natutuhan mo ang mga sumusunod na kasanayanpagpapahalaga pagkatapos mong basahin at unawain ang modyul na ito:at1.Naipaliliwanag ang tunay na kahulugan ng kalayaan (EsP10MP -Id-3.1)2.Natutukoy ang mga pasya at kilos na tumutugon sa tunay na gamit ng kalayaan.(EsP10MP -Id-3.2)1

SubukinBago mo simula ang mga Gawain sa modyul, sagutin mo muna ang mgakatanungan sa ibaba.Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag at isulat naman ang Mali kunghindi. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.1.Ang pagsasabi ng katotohanan ay nagpapasaya sa damdamin.2.Magsuot ng damit na nakikita ang pusod dahil uso ngayon.3.Isulat ang nais ipahayag sa gusali ng paaralan.4.Hindi sumamang magtanan si Mariel kahit na mahal na mahalniya ang kasintahan.5.Alam mong pwedeng ulitin ang isang asignatura sa darating napasukan kaya hindi ka na pumasok pagkatapos ng ikatlong pagsusulit6.Pinagsabihan mo ng masasakit na salita ang iyong kaibigan dahil sasobrang galit.7.Ang pagsigaw at paghalakhak ng malakas habang nanonood sa isangpagtanghal ay pagpapakitang maganda ang pinanonood.8.Pinagsabihan ka ng iyong ina na buksan ang sulat ng ate mo upangmalaman kung sino ang sumusulat sa kanya.9.Bilang isang miyembro ng isang samahan sa iyong paaralan, sumamakang pumunta sa iyong pungguro upang magsumbong na hindi naglilinis angibang mag-aaral kung eskedyul nila.10. Kapatid ng nanay mo ang kahera ng paaralan, pumipila ka upangmagbayad.Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang11. Ito ay ang pagkilos sa sariling kagustuhan.12. Ang pagkilos ayon sa hinihingi ng sitwasyon13. Aspekto ng kalayaan na nagpapakita ng kawalan ng hadlangng isang tao sa pagkamit ng anumang naisin.14. Aspekto ng kalayaan na inuuna ang kapakanan ng iba bagoang sariling kapakanan.15. Uri ng kalayaan na ang pagpili sa kung ano ang alam ng taongmakabubuti sa kaniya2

Aralin1TUNAY NA KAHULUGAN NGKALAYAANBalikanSa nakaraang aralin, napag-aralan natin na napatutunayan na ang konsiyensiyangnahubog batay sa Likas na Batas Moral ay nagsisilbing gabay sa tamangpagpapasiya at pagkilos at nakagagawa ng angkop na kilos upang itama ang mgamaling pasyang ginawa.PANUTO:Itala ang mga pasya o kilos na nagawa sa isang araw at suriin kung itoay tama o mali at kung mali isulat kung ano ang dapat na gawinMga nagawang pasya at kilosTamaMaliAno ang dapat gawin1.2.3.4.5.Tala mula sa aking guroAng pag-aaral sa Edukasyon sa Pagpapakatao ay nagbibigay ng linaw sabawat indibidwal upang patuloy na mahubog ang kanyang pagkatao. Mulapagkasilang hanggang sa siya’y ganap na mamulat ay kaakibat nito ang landas napatungo sa kabutihan. Sa pagsagot sa mga inihandang gawain, inaasahang ika’ymatututo at mamumulat sa katotohanang ang mga Pilipino ay tunay na pinagpaladahil sa kanilang kalayaan. Sana’y matapos mo ang modyul na ito nang maykatuwaan at may matututunan ka na maaari mong ibahagi sa iyong kapwa magaaral, pamilya at maging sa komunidad na iyong ginagalawan. Pagbutihin mo.3

TuklasinGAWAIN 1: Nararapat GawinPANUTO: Basahin at unawain ang mga sitwasyon, sagutin ang mga tanong sa iyongkwaderno.SITWASYON 1:Kailangan mong bumili ng bagong damit dahil may dadaluhan kang isangselebrasyon. Sa pinuntahan mong department store, marami ang naggagandahangmga damit kaya’t namili ka ng naaayon sa iyong pangangatawan, at angkop sa iyongpersonalidad, istilo at pamantayan ng pananamit na inaasahan ng iyong mgakaibigan sa iyo at kung saan ito gawa.1. Ano ang gagawin mo?2. Bibilhin mo ba ang damit? OO o Hindi? Bakit?3. Ano-ano ang mga isinaalang-alang mo sa paggawa ng desisyon?SITWASYON 2:Tinanung mo ang saleslady kung magkano ang damit na gusto mo, ito aynagkakahalaga ng isang libo at dalawang daang piso. Ang dala mong pera ay eksaktosa presyo ng damit. Ang budget mo sa damit ay limang daang piso lamang dahil angiba ay nakalaan na pambili ng kailangang gamit sa eskwela at allowance sa isanglinggo.Ano ang gagawin mo?Bibilhin mo ba ang damit? OO o Hindi? Bakit?Ano-ano ang mga isinaalang-alang mo sa paggawa ng desisyon?Ano ang pagkakaiba ng Sitwasyon 1 at Sitwasyon 2?Ano ang isinaalang-alang mo sa pagdedesisyon sa pagkakataong ito?4

Suriin:Ano nga ba ang Kalayaan?Ikaw at ako, nais makamit ang kalayaan. Bawat tao ay may karapatangmabuhay at magpasya anuman ang nais gawin at walang makakahadlang sakanyang gawin ito.Isang napakahalagang karapatan ng isang tao ang kalayaan - walangsinuman ang pwedeng humadlang o pumigil sa anumang naisin at gawin sa kanyangbuhay.Malayang gampanan ang anumang bagay na magpapaunlad atmagpapaligaya nito. Malayang lumikha, magtatag at magsagawa ng anumangmakabuluhang bagay sa ikakaunlad ng sarili, mga kasamahan at maging ang iyongpamayanan at walang magiging anumang agam-agam o alalahanin sa paggawa ngmga ito. Mapayapa, mahusay, at maligaya ka sa pagtupad ng mga tungkulin bilangmasunuring mamamayan. (Johann)Ang kalayaan ay may kakambal na responsibilidad o may kasunod naresponsibilidad.Dalawang responsibilidad1.Kalayaang kaugnay ng malayang kilos loob- Ito ay ang pagkilos sa sariling kagustuhan2.Kakayahang tumugon sa tawag ng pangangailangan ng sitwasyon- Pagkilos ayon sa hinihingi ng sitwasyonDalawang aspekto ng Kalayaan1.Kalayaan Mula Sa (Freedom From)-Ang kalayaan mula sa ay ang kawalan ng hadlang ng isang tao sapagkamit ng anumang naisin. Malaya siyang kumilos o gumawa ng mgabagay-bagay at para maging ganap na malaya ang isang tao, dapat kayaniyang pigilin at pamahalaan ang nais ng kanyang sarili.Mga negatibong katangian at pag-uugali na kailangang iwasan para ganap namaging Malayaa. Makasariling interesb. Katamaranc. Kapritsod. Pagmamataas2. Kalayaan Para Sa (Freedom For)-Inuuna ang kapakanan ng iba bago ang sariling kapakanan. Kung angisang tao ay malaya sa pagiging makasarili.Upang patuloy namakapagmahal at makapaglingkod ang isang tao, kailangang malaya siya5

-mula sa pansariling interes na nagiging hadlang sa kanyang pagtugon sapangangailangan ng kanyang kapwa.Dalawang uri ng Kalayaan1.Malayang Pagpili (Free Choice o Horizontal Freedom) - Ang malayangpagpili ay ang pagpili sa kung ano ang alam ng taong makabubuti sa kaniya(goods). Ang isang bagay ay pinipili dahil nakikita ang halaga nito.2.Vertical freedom o fundamental Option - Ito ay tumutukoy sa pangunahingpagpiling ginagawa ng isang tao.a. Ang pagtaas o tungo sa mas mataas na halaga o fundamental option ngpagmamahal - nangangahulugan ito ng pagpili sa ginagawa ng tao; kungilalaan ba niya ang kanyang ginagawa para sa tao at sa Diyos.b. Ang pagbaba tungo sa mas mababang halaga o fundamental option ngpagkamakasarili - ito ang mas mababang fundamental option dahil walakang pakialam sa iyong kapwa at sa Diyos.PagyamaninGAWAIN 2: Pagbibigay kahulugan at pagpapaliwanagPanuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan, isulat ang sagot sa kwadernoa.Ano ang kahulugan ng kalayaan base sa iyong nabasab.Ano ang dalawang aspekto ng kalayaan.1.2.c.Ipaliwanag ang dalawang responsibilidad na kakambal ng kalayaan.1.2.d.Sa iyong sariling pananaw, ipaliwanag ang kalayaan.6

GAWAIN 3: Paghahambing sa venn diagramPANUTO: Paghambingin ang dawang uri ng kalayaanFreedom FromPagkakatuladFreedom ForGAWAIN 4: Pagbibigay ng negatibong katangian sa bawat sitwasyonPUNUTO: Basahing mabuti ang sitwasyon na nakapaloob sa ikalawang hanay.Ibigay ang tinutukoy nito na negatibong katangian ng pagdedesisyon(tignan ang pagpipilian sa ibaba) at ibigay ang tamang desisyon na dapatmong gawin.Negatibong katangianSitwasyonHindi pagsasabi sa kamagaral kung mayroonglibreng ayuda naipamimigay ng paaralan obarangayPagsasabing masakit angpangangatawan kung alamna maraming trabahongdapat tapusin.Hindi alam makinig sapakiusap o sinasabi ng ibaPagbili ng mga bagaybagay na hindi masyadongkailanganPag ginusto ay pilit nakinukuha7Tamang desisyon nagagawin sa sitwasyon

IsaisipGAWAIN 5:PANUTO: Punan ang patlang ng mga tamang salita.1.2.3.4.5.Ang ang ninanais na makamit ng tao.Ang kalayaan ay may kakambal na o may.Kalayaang , ito ay ang pagkilos sasariling kagustuhan.Dalawang aspekto ng Kalayaan, at.Mga negatibong katangian at pag-uugali na kailangang iwasan para ganap namagingmalaya,,,6.Ang ay ang makita ang kapwa at mailagay siyanguna bago ang sarili.7. Ang ay tumutukoy sa pagpili kung ano ang tingin ngtaong makabubuti sa kanya.8. Ang ay kilos na “mananagot ako.”IsagawaGAWAIN 6: PagpapaliwanangPANUTO: Sagutin ang susunod na tanong. Isulat ang sagot sa kwaderno1. Ano ang kalayaan.8

2. Paghambingin ang dawang uri ng responsibilidad na kakambal ng kalayaan.3. Ipaliwanang ang vertical freedom o fundamental optionTayahinPanuto: Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag at isulat naman ang Mali kunghindi. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.1.Magsuot ng damit na nakikita ang pusod dahil uso ngayon.2.Isulat ang nais ipahayag sa gusali ng paaralan.3.Ang pagsasabi ng katotohanan ay nagpapasaya sa damdamin.4.Hindi sumamang magtanan si Mariel kahit na mahal namahal niya ang kasintahan.5.Alam mong pwedeng ulitin ang isang asignatura sa daratingna pasukan kaya hindi ka na pumasok pagkatapos ngikatlong pagsusulit.6.Pinagsabihan mo ng masasakit na salita ang iyong kaibigandahil sa sobrang galit.7.Ang pagsigaw at paghalakhak ng malakas habang nanonoodsa isang pagtanghal ay pagpapakitang maganda angpinanonood.8.Dahil iniutos ng iyong ina, binuksan mo ang sulat ng ate moupang malaman kung sino ang sumusulat sa kanya.9.Kapatid ng nanay mo ang kahera ng paaralan, pumipila kaupang magbayad.10.Bilang isang miyembro ng isang samahan sa iyong paaralan,sumama kang pumunta sa iyong pungguro upangmagsumbong na hindi naglilinis ang ibang mag-aaral kungeskedyul nila.9

Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang11. Ito ay ang pagkilos sa sariling kagustuhan.12. Ang pagkilos ayon sa hinihingi ng sitwasyon13. Aspekto ng kalayaan na nagpapakita ng kawalan ng hadlangng isang tao sa pagkamit ng anumang naisin.14. Aspekto ng kalayaan na inuuna ang kapakanan ng iba bagoang sariling kapakanan.15. Uri ng kalayaan na ang pagpili sa kung ano ang alam ng taongmakabubuti sa kaniyaKaragdagang GawainGawain 7: Pagguhit at pagsulatPanuto: Gumuhit ng poster, sumulat ng talata, awitin, tula sa isang buongbond paper na nagsisimbulo ng kalayaan10

Subukin:11Tayahin:1. Tama2. Mali3. Mali4. Tama5. Mali6. Mali7. Mali8. Mali9. Tama10.Tama11.Kalayaang kaugnayng malayang kilos-loob12.Kakayahangtumugon sa tawag ngpangangailangan ngsitwasyon13.Kalayaan mula sa14.Kalayaan para sa15.Malayang pagpili1. Mali2. Mali3. Tama4. Tama5. Mali6. Mali7. Mali8. Mali9. Tama10.Tama11.Kalayaang kaugnayng malayang kilos-loob12.Kakayahangtumugon sa tawag ngpangangailangan ngsitwasyon13.Kalayaan mula sa14.Kalayaan para sa15.Malayang pagpiliSusi sa Pagwawasto

Sanggunian:Edukasyon sa Pagpapakatao 2015, 65 – 75Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul 10, 3-4https://www.youtube.com/watch?v 1nibDNR5HTc12

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd ComplexMeralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Unang Markahan – Modyul 6: Ang tunay na kahulugan ng Kalayaan Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o ta

Related Documents:

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

Unang Markahan – Modyul 10: Komunikasyon ng Pamilya Unang Edisyon, 2020 . ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay . Ngayon ay nasa ikalawang aralin ka ng modyul na ito. Huwag m

Unang Markahan – Modyul 2: . 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat

Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng

Musika 1 - Modyul 1 I. Nilalayong Antas: Baitang 1 II. Pamagat ng Modyul: Unang Modyul sa Pagkatuto III. Nakalaang Oras: 2 beses sa isang linggo na tig-40 minuto IV. Kabuuan ng Modyul Ipinakikilala sa modyul na ito ang elemento ng Dynamics sa musika. Layunin nitong makapagpakita ang

kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Tuklasin Sa bahaging ito, ang

ASTM C167 Standard test methods for thickness and density of blanket or batt thermal insulations ASTM C203 Standard test methods for breaking load and flexural properties of block-type thermal insulation ASTM C209 Standard test methods for cellulosic fiber insulating board (section 13) ASTM C209 Standard test methods for cellulosic fiber insulating board (section 14) ASTM C272/C272M Standard .