Pagsulat Sa Filipino Sa Piling Larang Akademik

2y ago
1.4K Views
222 Downloads
1.74 MB
47 Pages
Last View : 2d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Olive Grimm
Transcription

Senior High SchoolPagsulat sa Filipino saPiling LarangAkademikKuwarter 1 - Modyul 1:Ang Kahalahagan ng Pagsusulat at AngAkademikong PagsulatKagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)Filipino – Ikalabing-dalawang BaitangAlternative Delivery ModeKuwarter 1 -Modyul 1: Ang Kahalagahan ng Pagsusulat at Ang Akademikong PagsulatUnang Edisyon 2020Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ngkarapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.Gayunman, kailanganmuna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kungito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ayang pagtakda ng kaukulang bayad.”Ang mga hiniram na materyales ( awit, kuwento, tula, larawan, ngalan ng produkto obrand names, tatak o trademarks atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ngkarapatang-ari ng mga iyon.Pinagsikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng mgamateryales o mga kagamitang pampagtuturo na nasa online o sa mga aklat at iba pa . Hindiinangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang pagmamay-ari ng mga ito.Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon- Sangay ng Cagayan de OroTagapamanihala ng mga Paaralan: Dr. Cherry Mae L. Limbaco, CESO VMga Bumubuo ng Modyul para sa Mag-aaralManunulat: Teresa P. Mingo,PhDMga Tagasuri: Anita M. Gomez, PSDSMaria Dulce Cuerquiz, MTMga Tagaguhit at Nag-layout : Mr. Ryan RoaMs. Mary SierasMr. Allan GuiboneMrs. Alma Sheila AlorroMga TagapangasiwaTagapangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO IIIPanrehiyong DirektorPangalawang Tagapangulo: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO VPumapangalawang Panrehiyong DirektorCherry Mae L. Limbaco, PhD, CESO VTagapamanihalaAlicia E. Anghay, PhD, CESEPumapangalawang TagapamanihalaMga Miyembro:Mala Epra B. Magnaong, Hepe ES, CLMDLorebina C. Carrasco, OIC-CID ChiefSol P. Aceron, Ph.D, EPS-FilipinoBrenda P. Galarpe, SSP- 1Marisa D. Cayetuna, P-1Aniceta T. Batallones, MAFILLeonor C. Reyes, MAEDFILJoel D. Potane, LRMS ManagerLanie O. Signo, Librarian IIGemma Pajayon, PDO IIInilimbag sa Pilipinas ngKagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Cagayan de OroOffice Address: Fr. William F. Masterson Ave Upper Balulang Cagayan de Oro TelephoneNos.: (08822)855-0048E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph

Senior High SchoolPagsulat sa Filipinosa Piling LarangAkademikKuwarter 1 - Modyul 1:Ang Kahalahagan ng Pagsusulat atAng Akademikong PagsulatAng aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukadormula sa mga pampublikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibangnasa larangan ng edukasyon na mag- email ng inyong mga puna at mungkahi saKagawaran ng Edukasyon sa depeddivofcdo@gmail.comMahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahKagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

Talaan ng NilalamanPara Saan Ang Modyul na Ito . iAno Ang Inaasahan Mo .Paano Mo Matutunan . .Mga Icon ng Modyul. iiAno Ang Nalalaman Mo . iiiAralin 1: Katuturan ,Layunin at Kahalagahan ng PagsulatAlamin 1Subukin: Pagsusuri sa Pahayag Balikan: Pagsulat .2Tuklasin: Pagsusulat .Katuturan,Layunin at Kahalagahan Pagsulat .3Suriin: Pagsagot sa Katanungan . 4Pagyamanin : Pagtukoy sa akademikong Sulatin .Isaisip: Paghahambing sa Layunin ng Pagsulat 5Isagawa: Pagbuo ng Islogan .Tayahin : Pagpapatunay kasagutan .6Karagdagang Gawain:Pagtatalata 7Aralin 2: Gamit at Uri ng PagsulatAlamin 9Subukin: Gamit at Uri ng Pagsulat Balikan:Paglalarawan(Obhetibo at Subhetibo) 10Tuklasin: Gamit at Uri ng pagsulat . 11Suriin: Paglalahad ng Teksto . 12Pagyamanin : Pagsunod sa Panuto . 14Isaisip: Pagpupuno ng Salita/Parirala .Isagawa: Pagsulat ng Tekstong Impormatibo. 15Tayahin : Pagsusuri sa Pamamaraan ng Pagsulat Ayon sa Layunin 16Karagdagang Gawain: Panimulang Pananaliksik saMga Uri ng Paglalagom .17

Aralin 3 : Akademikong PagsulatAlamin 19Subukin: Katangian ng Akdemiko at Di – Akademikong Pagsulat .Balikan:Pagtukoy sa mga Gawain sa Ibat ibang Lugar .21Tuklasin: Akademikong Sulatin .Suriin:Pagsagot sa mga Tanong . 24Pagyamanin: Paggawa ng Glosaryo .Isaisip: Akrostik .25Isagawa:Pagbuo ng Video,Tarpaulen at Drowing .Tayahin : Pagpapaliwanag at Pagtukoy sa Akademikong Sulatin .26Karagdagang Gawain: Pagpipili at Pagpapaliwanag Lagom .27Tayahin (Pangwakas na Pagtataya) 28Susi sa Pagwawasto . 29Mga Sanggunian . 32

Para Saan ang Modyul Na ItoAng modyul na ito ay tungkol sa Kahalagahan ng Pagsusulat at Ang AkademikongPagsulat na inihanda para sa pag-aaral ng Filipino sa unang semestre ng ikalabindalawangbaitang. Ito ay naglalayong sanayin ang mga mag-aaral sa pagsulat ng iba’t ibang sulatinglilinang sa mga kakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri at masinop napagsusulat sa piniling larangan.Tatalakayin sa modyul na ito ang mga katuturan ,layunin, ,kahalagahan ,uri at gamitng pagsusulat at ng iba’t ibang katangian at uri ng akademikong sulatin. Hahasain ka sapagsusulat ng iba’t ibang akademikong sulatin sa pamamagitan ng maayos na pagsunod samga panuntunan upang matamo ang mga kasanayang hinahangad.Ang mga paksa,babasahin,gawain at mga pagsasanay ay sadyang iniaangkop sakakayahan at interes ng mga mag-aaral upang ang pagkatuto ay maging makabuluhan ,napapanahon, kawili-wili ,nakalilinang ng kritikal at mapanuring na pag-iisip .Ang modyul na ito ay may tatlong aralin:Aralin 1 : Katuturan,Layunin at Kahalagahan ng PagsulatAralin 2 : Gamit at Uri ng PagsulatAralin 3 : Ang Akademikong PagsulatAno ang Inaasahan MoInaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay:1.Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat. CS FA11/12PB-0a-c-1012. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa: (a) Layunin (b) Gamit(c) Katangian (d) Anyo. CS FA11/12PN-0a-c-903. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, atkatangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko. CS FA11/12EP-0a-c-394.Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na sulating akademiko sa pamamagitan ng mgabinasang halimbawa. CS FA11/12PB-0m-o-102Paano Mo MatutunanUpang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod: Magbigay nang malawak at mahabang panahon sa pagbasa , pag-unawa at pagsusurisa nilalaman ng mga aralin,Pag-aralan ang mga aralin nang may pagsisikap at katalinuhan .Manaliksik sa iba pang sanggunian sa aklatan at websites ukol sa aralin upangmaragdagan ang kaalaman .Sundin ang mga panuto at patnubay sa anumang gawain upang makuha ang akmaat tumpak na sagot.Sagutin ang lahat ng mga gawain o pagsasanay ,pagtataya at pagsusulit .Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na sagutang papel.i

Mga Icon ng ModyulALAMINInihanay ang mga layunin sa aralin .Mahalagangmaunawaan ng mga mag-aaral kung ano angmaaasahan nila sa aralin.SUBUKINPanimulang pagtataya o gawain upang matukoy anglawak ng kaalaman ng mag-aaral ukol sa tatalakayingpaksa.BALIKANBinabalikan ang mga dating kaalaman ng mga magaaral tungkol sa paksa ng bawat aralin. Mahalagangmatukoy ito upang matiyak na may napadagdag pangkaalaman.TUKLASINInilalahad dito ang mismong aralin sa pamamagitanng kwento, pagsasanay ,tula, awitin ,sitwasyon at ibapang paraan .Ginagalugad dito ang mga ideyangmagkikintal ng mahalagang kaisipan.SURIINInilalahad dito ang mga tanong sa sumusubok sapagkaunawa ng mag-aaral sa aralin.Maaari rin itongpagtalakay sa paksa.PAGYAMANINMakapagsagawaang mga mag-aaral ng mgagawaing magpapatotoo ng kanilang natutuhan.Magtitipon sila ng kanilang likhang mga sulatin atgawain batay sa natutunan sa aralin.ISAISIPPatutunayan ng mga mag-aaral ang karunungan atkaalamang kanyang natutunan sa pamamagitan ngpagsusulit ,gawain at pagsasanay.ISAGAWAPagtitipon ng mga natamong kaalaman at kasanayanng mga mag-aaral sa gawaing replektibo upangmailalapat sa tunay na buhay.TAYAHINTatayain ang mga mag-aaral ayon sa antas ngpagkatuto mula sa natamong kasanayan .KARAGDAGANGGAWAINMabibigyan ng karagdagang pagsasanay upangmalinang ang kakayahang pampagkatuto ng mgamag-aaral .SUSI NGPAGWAWASTOMga kasagutan sa anumang pagtataya,pagsasanay atmga Gawainii

Ano ang Nalalaman MoPanimulang PagtatayaAlamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman ng modyul naito. Sagutin mo ang lahat ng aytem. Piliin ang letra ng tamang sagot.1.Alin sa mga makrong kasanayang ang hindi kapangkat;/kasama na madalasang isang indibidwal na gumagawa nito ay kumukuha o nagdaragdag ng mgakaalaman sa kanyang 2.Ang ibang tawag sa layuning ito ng pagsusulat ay transaksiyonal. Ginagawaang mga sulating ito taglay ang isang tiyak na layunin at ito ay walang iba kundi anglayuning makipag-ugnayan sa tao o sa lipunan. Alin sa mga halimbawa ang hindikapangkat/kasama ng transakyonal?A.kwentoB.pananaliksikC.sulating panteknikalD.balita3.Isa itong intelektwal na pagsulat . Ang gawaing ito ay nakakatulong sapagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. Ayong kayCarmelita Alejo et.al. Layunin nitong ipakita ang resulta sa pagsisiyasat o ng isangginawang erensyal4.Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademyao paaralan. Sulatin ito hinggil sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao.Halimbawa sa guro , pagsulat ng lesson plan , paggawa at pagsusuri ng kurikulum,para sa doctor o nars – paggawa ng medical report , narrative report tungkol saphysical examination sa pasyente at iba pa.A.MalikhainB. PropesyonalC.DyornalistikD. Teknikal5Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng isusulat ay isangmagandang simula dahil dito iikut ang buong sulatin. Kailangan na magkaroon ngsapat na kaalaman sa paksang isusulat upang maging makabuluhan, at wasto angmga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin.A.PaksaB WikaC.LayuninD.Pamamaraan ng Pagsulat6.Taglay ng manunulat ang kakayahang mag-analisa upang masuri ang mgadatos na mahalaga o hindi na impormasyon na ilalapat sa pagsulat. Kailangangmakatuwiran ang paghahatol upang makabuo ng malinaw at mabisangpagpapaliwanag at maging obhetibo sa sulating ilalahad.A.PaksaB WikaC.LayuninD.Kasanayang Pampag-iisip7.Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagong impormasyon okabatiran sa mga umentatibo8.Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng katangian, anyo, hugisng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakikita, naririnig, natunghayan, naranasanat nasaksihan.Ito’y maaaring obhitibo at eskriptibo9.Nililinang dito ang mga kasanayan at natutuhan ang mga kaalamang kaugnayng larangang pinagkakadulubhasaan . Kasanayan sa pagbasa ,pakikinig, pagsasalitaiii

,panonood ,at pagsulat ang napauunlad sa pagsasagawa ng mga gawain sa larangan.Analisis ,panunuring kritikal , pananaliksik , at eksperimentasyon ang mgaisinasagawa halaga ang tunay at pawang katotohanan na mga impormasyon. Iwasanang mga pahayag na batay sa aking pananaw o ayon sa aming haka-haka o opinyon.A.ObhetiboB.PormalC.Maliwanag at Organisado D.May Paninindiganiii11.Ito ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayagng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe ,ang at12.Ayon sa kanya sa kanyang aklat na “Transpormatibong Komunikasyon saAkademikong Filipino ”(2012) ,Ang Pagsusulat ay isang pambihirang gawaing pisikal atmental dahil sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayagsa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaringpagsulatan.A.Cecilia Austera et.al.B.Royo C.Dr.Eriberto Astorga Jr. D.Edwin Mabilin et al.13.Sa Ingles ay tinatawag na term paper na karaniwang ginagawa sa kolehiyo.May ilang nasa sekondaryang antas ang maaaring nakaranas na ring makagawa ngganitong sulatin. Ginagawa ito para sa pangangailangang pang-akademiko.A.Pamanahong papelB.TesisC.Konseptong papelD. Artikulo14.Ito ay sulating may kinalaman sa pananaliksik at pagtuklas ng isangmanunulat. Ginagawa ito ng isang indibidwal bilang pangangailangan sa kursongpinag-aaralan o propesiyonal na kwalipikasyon. Ito ay ginagamit na bahagi ng kursongBatsilyer at Masterado.A.Posisyong PapelB.TesisC.Konseptong papelD. Artikulo15. Ang paglalarawan kung ang manunulat ay maglalarawan ng napakalinaw athalos madama na ng mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sakanyang mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa isang katotohanan sa yo

Aralin1Katuturan, Layunin atKahalagahan ng PagsulatBaitang: 12Panahong Igugugol : Unang LinggoMarkahan : UnaAlaminPagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral angsumusunod:1.Nabibigyang-kahulugan ang pagsusulat at akademikong pagsulat. CS FA11/12PB0a-c-1012. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa: (a) Layunin (b) Gamit(c) Katangian (d) Anyo. CS FA11/12PN-0a-c-90SubukinPanuto: PAGKILALA SA PAHAYAG :Suriin kung TAMA o MALI ang pahayag tungkolsa paksa1.Isang benepisyong makukuha sa pagsusulat ang magdudulot ng kasiyahansa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong makapagambag ng kaalaman sa lipunan.2. Ito ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat na maaaring panlipunano sosyal kung saan ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansarilingpananaw,karanasan,naiisip o nadarama ng manunulat.3. Ang isang indibidwal na gumagawa nito ay kumukuha o nagdaragdagng mga kaalaman sa kanyang isipan.mula sa kasanayang pagsusulat.4. Maaaring magkasabay na maisagawa ang layuning personal atpanlipunan partikular sa mga akdang pampanitikang naisulat at binibigkas na bungang sariling pananaw ng may-akda sa pamamgitan ng pagtatalumpati.1

5. Ang pagsusulat ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sapamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitanng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan.BalikanPanuto: PAGSULAT:Sagutin nang may katotohanan, wasto, mabisa at kawili-wiliang katanungan na may kaugnayan na pagsusulat.Kailan ka pinakahuling sumulat? Anong uri ng sulatin ito ? Bakit nagustuhan mo itosulatin? Ano-anong kabutihang: dulot sa pagsusulat ? Ilahad mo ito sa kahon.TuklasinAng pagsusulat ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog samga mag-aaral. Ayon kay Cecilia Austera et al. (2009), may-akda ngKomunikasyon sa Akademikong Filipino (2009) ang pagsusulat ay isang kasanayangnaglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit angpinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika. Ayon naman kayEdwin Mabilin et al. sa aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa AkademikongFilipino (2012), ito ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sapamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitanng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan. Sapamamagitan ng pagsusulat, maisatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin ,paniniwala , at layunin ng tao sa tulong ng mga salita ,ayos ng pangungusap sa mgatalata hanggang sa mabuo ang isang akda o sulatin.May iba’t ibang dahilan ang tao sa pagsusulat. Para sa iba ,ito ay nagsisilbing libangansapagkat sa pamamagitan nito ay naibabahagi nila sa iba ang kanilang mga ideya atkaisipan sa paraang kawili-wili o kasiya-siya para sa kanila. Anuman ang dahilan ngpagsusulat , ito ay nagdudulot ng malaking tulong sa nagsusulat,sa mga taongnakabasa nito,at maging sa lipunan sa pangkalahatan sapagkat ang kanilang mgasinulat ay magiging dokumento ng nakalipas na pangyayari o panahon na magsisilbingtulay para sa kabatiran ng susunod na henerasyon.Ayon kay Mabilin (2012) ang2

pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi naglalaho saisipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin sa bawatpanahon.Maaaring mawala ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang kanyangibinahagi ay manatiling kaalaman.Kaya naman,sa limang makrong kasanayang pangwika , ang pagsusulat ay isarin sa mga dapat pagtuunan ng pansin na malinang at mahubog sa mga mag-aaralsapagkat dito masusukat ang kanilang kahandaan at kagalingan sa iba’t ibangdisiplina. Sa mga makrong kasanayang tulad ng pakikinig ,pagbabasa,panonood,madalas ang isang indibidwal na gumagawa nito ay kumukuha onagdaragdag ng mga kaalaman sa kanyang isipan. Subalit sa pagsasalita atpagsusulat ang taong nagsagawa nito ay nagbabahagi ng kanyang mga kaisipan atnalalaman tungkol sa isang tiyak na paksa sa pamamagitan ng kanyang sinabi atisinulat.Layunin at Kahalagahan ng PagsulatAyon kay Royo , na nasulat sa aklat ni Dr. Eriberto Astorga ,Jr. na Pagbasa ,Pagsulat at Pananaliksik (2001), malaki ang naitutulong ng pagsulat sapaghubog ng damdamin at isipan ng tao. Sa pamamagitan nito, naipahahayag niyaang kanyang damdamin, mithiin ,pangarap , agam-agam, bungang-isip at mgapagdaramdam. Dahil din sa pagsulat , nakikilala ng tao ang kanyang sarili,angkanyang mga kahinaan at kalakasan, ang lawak at tayog ng kanyang isipan ,at angmga naaabot ng kanyang kamalayan. Ang pangunahing layunin ng pagsulat ay angmapabatid sa mga tao o lipunan ang paniniwala, kaalaman at mga karanasan ng taongsumusulat. Kaya naman , napakahalaga na bukod sa mensaheng taglay ng akdangsusulatin, kailangan ang katangiang mapanghikayat upang mapaniwala at makuhaang atensyon ng mga mambabasa. Mahalagang isaalang-alang ang layuning itosapagkat masasayang ang mga isinulat kung hindi ito magdudulot ng kabatiran atpagbabago sa pananaw ,pag-iisip at damdamin ng makababasa nito.Ayon naman kay Mabilin ,sa kanyang aklat na TranspormatibongKomunikasyon sa Akademikong Filipino (2012), ang layunin sa pagsasagawa ngpagsulat ay maaaring mahati sa dalawang bahagi. Una ,ito ay maaaring personal oekspresibo kung saan ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansarilingpananaw,karanasan,naiisip o nadarama ng manunulat.Ang ganitong paraan ngpagsulat ay maaaring magdulot sa bumabasa ng kasiyahan,kalungkutan , pagkatakot, o pagkainis depende sa layunin ng taong sumusulat. Ang karaniwang halimbawa nitoay ang ginagawa ng mga manunulat ng sanaysay ,maikling kwento , tula , dula ,awitat iba pang akdang pampanitikan. Pangalawa, ito ay maaari namang magingpanlipunan o sosyal kung saan ang layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan saibang tao o sa lipunang ginagalawan. Ang ibang tawag sa layuning ito ng pagsusulatay transaksiyonal. Ang mga halimbawa nito ay ang pagsulat ng liham ,balita,korespondensya , pananaliksik ,sulating panteknikal ,tesis, disertasyon at iba pa.Ginagawa ang mga sulating ito taglay ang isang tiyak na layunin at ito ay walang ibakundi ang layuning makipag-ugnayan sa tao o sa lipunan. Sa kabilang dako, maaaririn naming magkasabay na maisagawa ang layuning personal at panlipunan partikularsa mga akdang pampanitikang naisulat bunga ng sariilng pananaw ng may-akda namaaaring magkaroon ng tiyak na kaugnayan sa lipunan tulad halimbawa ng talumpatina karaniwang binibigkas sa harap ng madla upang maghatid ng mensahe atmanghikayat sa mga nakikinig .3

Sa pangkalahatan, narito ang kahalagahan o ang mga benepisyo na maaaringmakuha sa pagsusulat.1.Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sapamamagitan ng obhetibong paraan.2.Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin saisinasagawang imbestigasyon o pananaliksik.3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitanng pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalapna impormasyon.4.Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan sapaghahanap ng mga materyales at mahahalagang datos na kakailanganin sapagsulat.5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman atpagkakaroon ng pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan.6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akdang kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap.7. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyong mula saiba’tibang batis ng kaalaman para sa akademikong pagsusulat.SuriinPanuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN: Batay sa nabasa at napag-aralangkatuturan,layunin at kahalagahan ng pagsulat. Sagutin ang mga katanungan sa tulongng wastong paggamit ng wika.1.Ano ang kahulugan ng pagsusulat batay sa iyong binasa?.2. Sa mga makrong kasanayang pangwika, alin dito ang kailangang linangin athubuging lubos ? Bakit?.3. Ano-ano ang mga bagay na dapat taglayin sa akdang susulatin?.4. Anong akdang pampanitikan ang maaaring magkasamang maisagawa anglayuning personal at panlipunan? Bakit?.5. Naniniwala ka bang dapat ngang kunin ng lahat ng kurso ang asignaturang ito?Ipaliwanag ang iyong sagot4

.PagyamaninPanuto: PAGTUKOY SA AKADEMIKONG SULATIN: Kilalanin ang mga halimbawang akademikong sulatin upang magkaroon nang mas malinaw na konsepto atkaalaman ukol dito. Piliin ang titik ng tamang sagot sa kahon.A.Panunuring nseptong papelF.Pamanahong ak1. Sa Ingles ay tinatawag na term paper na karaniwang ginagawa sa kolehiyo. Mayilang nasa sekondaryang antas ang maaaring nakaranas na ring makagawa ngganitong sulatin. Ginagawa ito para sa pangangailangang pang-akademiko.2. Panimulang pag-aaral o proposal, ito ay kabuuan ng ideyang nabuo mula saisang balangkas o framework.3.Ito ay sulating may kinalaman sa pananaliksik at pagtuklas ng isang manunulat.Ginagawa ito ng isang indibidwal bilang pangangailangan sa kursong pinag-aaralan opropesiyonal na kwalipikasyon. Ito ay ginagamit na bahagi ng kursong Batsilyer atMasterado.4.Isang pormal na sulatin ukol sa isang paksa na ginagawa para sa titulong doktor.5. Pagsusuri ng isang panitikan sa mas malalim na ideyang nais ihatid ngmanunulat.6. Mga pahayag, ideya, o ilang uri ng panitikang na sa isang wika ay ihahayag saibang anyo ng wika.7.Kalipunan ng mga kaalaman para sa kapaki-pakinabang paghahatid ngkarunungan(Maaaring pahayagan, magasin, at iba pa).8. Ito ay sulating naghahatid ng iba’t ibang impormasyon na may kinalaman saiba’t ibang paksa gaya ng mga nangyayari sa ating lipunan, kalusugan, isports,negosyo, at iba pa.9.Ang kasaysayan, pagkilala o paglalarawan ng mga nasulat o sulatin opablikasyon. Kasama rin ang posisyong papel, sintesis, bionote, panukalang proyekto,talumpati, katitikan ng pulong, replektibong sanaysay, agenda, pictorial essay, lakbaysanaysay at abstrak.10.Uri ng paglalagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikongpapel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal ,lektyur, at mga report.IsaisipPanuto:PAGHAHAMBING SA LAYUNIN NG PAGSULAT: Suriin ang pagkakatuladat pagkakaiba ng layunin ng pagsulat (Personal at Sosyal ) ayon kay Mabilin (2012)sa pamamagitan ng venn diagram.5

IsagawaPanuto. PAGBUO NG ISLOGAN: Bumuo ng islogan na nakapagpapahayag ngparaan sa pagiging responsible.Ang islogang “Think Before You Click “ ng isang kilalang estasyon ngtelebisyon sa Pilipinas ay nagsusulong sa responsableng pamamahayag partikular saFacebook, Twitter, o iba pang social media. Nagbibigay ito ng babala na anuman angiyong ipahayag o i-post nang pasulat ay hindi na mababawi pa at magagamit namatibay na ebidensya laban sa iyo.Bilang isang mag-aaral na nag-aaral ngayon ng Akademikong Pagsulat aymagbigay ka ng mga paraang magpapaalaala lalo na sa kapwa mo mag-aaral kungpaano magiging responsable at makapagbibigay ng inspirasyon sa ating mgaisinusulat o i-pino-post sa ating mga social media account .6

TayahinPanuto: PAGPAPATUNAY SA KASAGUTAN: Sagutin ng TAMAo MALI ang sumusunod na pahayag tungkol sa pagsulat sa nakalaang linya aymagbigay ng malikling paliwanag kaugnay sa iyong sagot.1. Ayon naman kay Edwin Mabilin et al. sa aklat na TranspormatibongKomunikasyon sa Akademikong Filipino (2012), Ang Pagsulat ay isang pambihiranggawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang naisniyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumangkagamitang maaaring pagsulatan.Paliwanag:2.Ito ang kahalagahan o benepisyo na maaaring makuha sa pagsusulatna mahuhubog ang katawan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sapamamagitan ng pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay samga nakalap na impormasyon.Paliwanag:7

3. Anuman ang dahilan ng pagsusulat , ito ay nagdudulot ng malakingtulong sa nagsusulat,sa mga taong nakabasa nito,at maging sa lipunan /45-copy.jpgKaragdagang GawainPanuto: PAGTATALATA: Bumuo ng tig-isang talata tungkol sa bawat larawan. Angmga pangungusap ay maaaring nagtatanong, nagbibigay opinyon, naglalahad onagbibigay ng obserbasyon at pagpapahalaga. Bigyan ng pamagat ang larawan.Pagkatapos, gumawa ng sariling paglalarawan sa pamamagitan ng pagsulat opagguhit. Tatasahin dito ang iyong pagkamalikhain at pagkamapanuri.ABMungkahing Pamagat8

A.B.Mungkahing Pamagat9

Gamit at Uri ng PagsulatAralin2Baitang: 12Panahong Igugugol : Ikalawang LinggoMarkahan : UnaAlaminPagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral angsumusunod:1.Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan,kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko. CS FA11/12EP0a-c-39SubukinPanuto: PAGTUKOY SA GAMIT AT URI NG PAGSULAT: Tukuyin ang gamit at uri ngpagsulat sa mga katanungan.Piliin ang titik ng tamang sagot.A. Gamit o Pangangailangan sa PagsulatA.WikaB.PaksaC.LayuninD.Pamamaraan ng PagsulatE.Kasanayang Pampag-iisipF.Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulatG.Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin1. Ito ay magsisilbing giya sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.Kailangang matiyak na matutugunan ng iyong isusulat ang motibo ng pagsusulat nangsa gayon ay maganap nito ang iyong pakay sa katauhan ng mga mambabasa .2. Tumutukoy ito sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon saisang maayos , organisado ,obhetibo at at masining na pamamaraan mula panimula ngakda o komposisyon hanggang sa wakas nito.3. Mahalagang magkaroon nito ang isusulat. Ito ay magsisilbing pangkalahatangiikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda. Ang pagkakaroon ng sapat na kaalamansa paksang isusulat ay napakahalaga upang maging malaman, makabuluhan, at wastoang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin.4. Sa pagsulat ,dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa omagsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong nahalaga ,o maging ng mgaimpormasyong dapat isama sa akdang isusulat.5. Ito ay magsisilbing behikulo ito upang maisatitik ang mgakaalaman,kaisipan, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ngisang taong nais sumulat.10

B. Uri ng PagsulatA. MalikhainB. TeknikalC. PropesyonalD.DyornalistikE. ReperensyalF. Akademiko6.Isa itong intelektwal na pagsulat . Ang gawaing ito ay nakakatulong sapagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. Ayong kayCarmelita Alejo et.al. Layunin nitong ipakita ang resulta sa pagsisiyasat o ng isangginawang pananaliksik.7.Layunin nitong maghatid ng aliw,makapukaw ng damdamin at makaantigsa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Mabibilang sa uring ito ang maiklingkwento , dula, tula, malikhaing sanaysay, gayundin ang mga komiks ,iskrip ngteleserye ,kalyeserye, musika ,pelikula at iba pa.8.Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan saakademya o paaralan. Sulatin ito hinggil sa napiling propesyon o bokasyon ng isangtao.9.Layunin nitong pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman bumuo ngisang pag-aaral na kailangang para lutasin ang isang problema o suliranin sa isangtiyak na disiplina o larangan .10.Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunangkaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at disertasyon atmairekomenda sa iba ang mga sangguniang maaaring mapagkunan ng mayamangkaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa.BalikanPanuto: URI NG PAGLALARAWAN :Basahin ang mga tekstong nakalahadsa ibaba. Suriin ang katangian at kalikasan ng mga ito at isulat sa l

Ang modyul na ito ay may tatlong aralin: Aralin 1 : Katuturan,Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat Aralin 2 : Gamit at Uri ng Pagsulat Aralin 3 : Ang Akademikong Pagsulat Ano ang Inaasahan Mo Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay: 1.Nabibigyang-kah

Related Documents:

y sheet piling y piling orks composite piles ground anchors tion free piling ter weep holes steel sheet piles alls vinyl piling corner piles permanent basements tions ams y sheet piling y piling orks composite piles ground anchors tion free piling ter weep holes

letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salitang natutunan sa aralin, parirala, pangungusap (PAGSULAT, F3PU-Ig-i-4) Nakasusulat nang may wastong baybay, bantas, at mekaniks ng pagsulat (PAGSULAT, F3TA-0a-j-4) Nakabubuo ng poster na naghihikayat na maglinis ng kapaligiran Nagagamit ang wika bilang tugon sa sariling pangangailangan at

22 marquez, mary joan g. filipino 10,000 0 0014 23 guevara, anna georgina arroyo filipino 10,000 0 0014 24 ng siok go filipino 10,000 0 0014 25 osi, avelino m. filipino 10,000 0 0014 26 reambillo, ma. leonora filipino 10,000 0 0014 27 tan cheng leng filipino

PILING DESCRIPTION 502.01 This work consists of furnishing and driving all types of piling shown in the Contract, other than sheet piling, in accordance with these specifications and at the locations shown on the plans or established. MATERIALS 502.02 Steel Piling. Structural steel shapes used as piling shall conform to the

Method 2: Installation of 2no frames by fully driving sheets/piling with piling hammer. Using the crane for lifting and driving operations and the excavator for digging operations. 1. Fully drive sheets/piling using a piling guide. 2. Remove piling guide and excavate to first frame level. 3. Place each leg in excavation and assemble the frame. 4.

Unang Markahan- Modyul 1 Aralin 1: Kahulugan at Kalikasan ng Akademikong Pagsulat 12. 2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery Mode . 6 D. Pangangatuwiran 5. Anyo ng Pa

1 FILIPINO DESKRIPSYON Ang asignaturang ito ay lumilinang sa mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at pag-iisip sa Filipino. Saklaw ng mga kasanayan sa pakikinig ang masusing pagkilatis at mabisang pang-unawa. Sa pagsasalita naman, nahahasa ang wastong pagbigkas, paggamit ng mga pahayag at istrukturang panggramatiko.

Attila has been an Authorized AutoCAD Architecture Instructor since 2008 and teaching AutoCAD Architecture software to future architects at the Department of Architectural Representation of Budapest University of Technology and Economics in Hungary. He also took part in creating various tutorial materials for architecture students. Currently he .