Gabay Ng Guro Sa Malayuang Pagkatuto - TPD@Scale Coalition

2y ago
153 Views
3 Downloads
1.96 MB
40 Pages
Last View : 4d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Vicente Bone
Transcription

Gabay ng Guro saMalayuang PagkatutoHabang Nakasara ang mga Paaralan at sa HinaharapMadaliang gabay sa pagpapasya para sa agarang pagsimulaat pagpatuloy ng pag-aaralAng gabay na ito ay inilathala nang may tulong pinansyal mula sa

Higit 91%ng kabuuang populasyon ng mga mag-aaral sabuong mundo ang naapektuhan dahil sapagsasara ng mga paaralan dulot ng COVID-19,ayon sa UNESCO.Paano masisiguro ng sistemangpang-edukasyon ng bansa nabawat mag-aaral ay magkaroon ngpantay-pantay na pagtaggap sa de kalidadna edukasyon sa panahon ng krisis?

Mahalagang gampanin ngMGA GURO tulungan ang mga mag-aaral namakayanan at maunawaan ang kawalanng katiyakan dulot ng pandemya hikayatin ang mga mag-aaral naipagpatuloy ang pagkatuto sa kabila ngpagsasara ng mga paralaan

Ang gabay na itoay para sa mga gurongkailangang ipagpatuloy ang suporta samga mag-aaral habang ang pisikal napagpunta sa mga paaralan ay ganap obahagyang ipinagbabawalmay kakayahang hikayatin ang kanilangmga mag-aaral sa iba’t ibangpamamaraan ng malayuang pagkatuto

LayuninUpang gabayan sa paggawa ng desisyon samabilis na pagsisimula at patuloy na pagkatuto.Hindi naglalayong palitan ng gabay na ito anganumang opisyal na gabay mula sa pambansao lokal na pamahalaan.

2Maging makatotohanan. Marapat namagkaroon ang mga guro ngmakatotohanang inaasahan na maaarinilang maisakatuparan nang malayuan,gayundin, dapat gamitin ang propesyonalna pagpapasya sa pagsusukat ng mgakahihinatnan ng kanilang mga plano.Mga Alituntunin1Hindi dapat ito makasasama. Habangsinusubukan ng mga guro sa buongmundo na mapunan ang pagkabawas ngpagkatuto sa kabila ng kawalan ng klase,nangunguna pa rin ang kaligtasan atkagalingan ng mga mag-aaral. Angpagtatangka ng mga pamamaraangmaisakatuparan ang kurikulum ay hindidapat magdulot ng pagkabalisa sa mgamag-aaral at sa kanilang pamilya.

3 PANGUNAHING GAWAINsa pagdidisenyo at pagpapatupad ngmalayuang pagkatuto:123anolaman ng ituturosinokasaysayang pagkatuto, kasalukuyangkalagayan at pangangailanganpaanodisenyo ng pag-aaral at pagpapatupad

ANOang nilalaman ng ituturo

ANOpakikipag-ugnayan saawtoridad sa edukasyonMakipag-ugnayan sa inyong awtoridad saedukasyon sa kung ano angpinaka-angkop na kaalaman ang dapatsaklawin. Siguraduhing nakaagapay saanumang pagbabago sa kurikulum,patakaran o direktiba.

ANOpakikipag-ugnayan saawtoridad sa edukasyonTanungin Ang SariliNakapagbigay ba ang Kagawaran ng Edukasyon ng opisyal nagabay sa kung ano ang aking ituturo? Paano ko itomahahanap o malalaman?Paano ko mapapanatiling napapanahon ang aking kaalamanmula sa kinauukulan? Mayroon bang mga pormal o impormalna pamamaraan ng komunikasyon na ginagamit? Mayroonbang mga pagpupulong na kailangan kong daluhan o usapingpangkalahatan na dapat akong makibahagi?Ano ang ginagawa ng ibang guro? Mayroon bang mgapagtatalakay ang kasalukuyang nagaganap? Dapat ba akongsumali? Paano?Kung walang malinaw na pahayag mula sa mga kinauukulan,mayroon ba akong kalayaan sa pagpili kung ano ang akingituturo? Saan ako makakukuha ng payo, tulong at suporta?

ANOpagsusuri sa kurikulumAlinsunod sa direktiba ng pamahalaan, at batay samga mapagkukunan na maaaring gamitin ninyo ngiyong mga mag-aaral, ikaw ay maaaring asahan na:a) makumpleto ang pamantayang kurikulum sa abotng iyong makakayab) masaklaw ang mga pangunahing kaalaman atkakayahan, oc) mabigyang pansin ang mga paksa atmga gawaing makatutulong samag-aaral na harapin angkasalukuyang krisis.Magtakda ng mga dapat unahin.

ANOpagsusuri sa kurikulumTanungin Ang SariliAko ba ay inaasahang magturo ng buong kurikulum,mailahad lamang ang pinakapangunahing kaalaman obigyang-pansin ang kagalingan ng mga mag-aaral?Para sa anumang maaring mangyari, mayroon bangmga opisyal na alituntunin na dapat sundin? Mayroonbang inirerekomendang mapagkukuhanan ngkaalaman? Kung walang alituntunin orekomendasyon, kanino ako maaring humingi ngtulong?Saan ako magsisimula? Kailangan ko bang suriin angmga dati nang naituro sa klase? Mayroon bang mgakasanayan na dapat munang paghusayin.

SINOkasaysayang pagkatuto, kasalukuyangkalagayan at pangangailangan

SINOkasaysayang pagkatutoAng pagkakaroon ng malalim na pagkilalasa iyong mga mag-aaral at kung paano silamatuto ay makatutulong sa epektibongpagdidisenyo sa malayuang pagkatuto.Suriin mga napag-alaman ukol saiyong mga mag-aaral—ang kanilangmga kaalaman, kasanayan,mga gawi at interes, mgakalakasan at kahinaan.

SINOkasaysayang pagkatutoTanungin Ang SariliSino sa aking mga mag-aaral ang nagawangmakipagsabayan sa mga aralin bago matapos ang klase?Sino ang mga nahirapan? Bakit?Anong pamamaraan ng pagtuturo at mga gawain angnaging pinakamabisa para sa aking mga mag-aaral? Anongpansariling estratehiya o pamaraan ang higit na epektibo?Sino sa mga mag-aaral ang may kakayahang matuto nangmag-isa? Sino ang nangagangailangan ng patnubay atsuporta sa malayuang pagkatuto?Sino sa mga mag-aaral ang komportable sa paggamit ngmakabagong teknolohiya? Sino ang nangangailangan ngtulong?Sino sa mga mag-aaral ang may kakayahang tumulong samga kamag-aral sa mga gawain? o sa paggamit ngteknolohiya?

SINOkasalukuyang kalagayanat pangagailanganAng pagsusuri sa kalagayan ng mgamag-aaral sa kanilang tahanan at sakanilang psychosocial na kalagayan aymakatutulong sa pagtatakda ngpraktikal at makatotohanang layuninsa kanilang pagkatuto.

SINOkasalukuyang kalagayanat pangagailanganTanungin Ang SariliNasaan ang aking mga mag-aaral? Anong uri ng kapaligiran angmayroon sila sa kanilang tahanan? Sila ba ay ligtas? Naibibigayba nang sapat ang kanilang mga pangunahing pangangailangan?Ano ang kanilang mental at emosyonal na katayuan? Sila ba aybalisa o natatakot? Mayroon ba silang mahihingian suporta mulasa kanilang tahanan at sa kanilang komunidad?May kakayahan ba sila upang makagamit ng teknolohiya para samalayuang pagkatuto? Anong uri, gaano kadalas, gaano katagal,at magkano ang gagastusin? Paano nila makukuha ang mgakagamitan sa pagkatuto? Paano kami magkakaroon ngkomunikasyon? Sino ang higit na mangangailangan ng tulongupang makakuha ng mga kagamitan na ito?May kakayahan ba ang kanilang mga magulang o mga kasamasa bahay na tulungan sila sa mga gawaing pampaaralan?Sinu-sino ang mangangailangan nang higit na gabay at suportamula sa akin?

SINOsuporta ng pamilyaMalaking bahagi ang ginagampanan ngpamilya at mga tagapag-alaga ng mgamag-aaral sa malayuang pagkatuto.Alalahanin na hindi sila mga guro atinaasahan silang sumagot sa hamongito habang hinaharap ang iba panggampanin at isyu sa tahanan.Kakailanganin nila ng gabay atpanghihikayat mula sa iyo.

SINOsuporta ng pamilyaTanungin Ang SariliAno ang mga maaaring gawin ng mga magulang otagapag-alaga? Anu-ano ang kanilang mga kakayahan?Paano ko masisigurado na ang mga gawaing akingibibigay sa kanila ay kaya nilang gawin?Paano ko pamamahala ang mga inaasahan? Anu-anongmga panukala o patnubay ang ibibigay ko sa mgamagulang at tagapag-alaga sa simula? Anu-anong mgapagkukunan at kagamitan ang maaari kong patuloy naibigay sa kanila?Paano kami makikipag-ugnayan? Paano kamimagbibigayan ng tugon? Gaano kadalas?Paano ko sila matutulungan? Paano ko sila mahihikayatat magaganyak?

PAANOang disenyo ng pag-aaral atpagpapatupad ng malayuang pagkatuto

PAANOpagtataya ng guro sa kanyang sariliAng paglipat mula harapan na pagkatuto papunta samalayuang pagkatuto bunsod ng kinakaharap na krisis,kasabay ng kaunting karanasan at maikling panahon ngpaghahanda, ay isang napakalaking pagsubok para samga guro. Ngayon at higit kailanman, kailangan ng mgaguro na maging malikhain at bukas sa pagbabagohabang nanatiling tapat sa alituntunin sa mahusay napagtuturo at inklusibong pagkatuto.Paunlarin ang sarili at propesyonal nakakayahan, tanggapin ang kahinaanat talakayin ang mga ito, atmakipagtulungan sa kapwa-guro atsa kinauukulan upang mabigyan ngtulong at gabay.

PAANOpagtataya ng guro sa kanyang sariliTanungin Ang SariliPaano nagbago ang mga ginagampanan ko bilang guro napagsasara ng klase? Ako ba ay handa sa ganitong pagbabagosa aspektong pisikal, intelektuwal, mental at emosyonal? Akoba ay may mga pangamba o agam-agam ukol sa pagtuturonang malayuan sa mga mag-aaral? Ano ang maaari konggawin upang maging mas handa sa pagharap nitongpagsubok?Anong teknolohiya at pagkukunan ang nandiyan at kayakong gamitin? Kumportable ba ko sa paggamit ng mga ito?Paano ko makakakuha ang iba ko pang kakailanganin?Kailangan ko ba ang karagdagang pagsasanay sa akinggagawing malayuang pagtuturo? Anong uri at paano ko itomakukuha?Anong mga kagamitan at pagkukuhanan ng kaalaman angdapat kong likhain at ihanda at gaano katagal angkakailanganin sa paghahanda? Paano ko maitatakda angkailangan kong unahin?

PAANOtulong sa guroAng pagtuturo nang malayo sa mgamag-aaral ay hindi madali ni hindikanais-nais, at hindi mo kailangang gawinnang mag-isa. Hanapin ang kinakailanganmong tulong: Propesyonal na tulongEmosyonal na tulongTeknikal na tulong?

PAANOtulong sa guroTanungin Ang SariliAnong tulong ang kakailanganin ko?Mayroon bang opisyal na suportang ibinibigay samga guro tulad ng hotlines, tulong-tanggapan oonline groups? Saan ako makakakuha ngimpormasyon ukol dito?Mayroon pa bang mga impormal na grupo na dapatkong malaman? Nagtitipon na rin ba ang ibang mgaguro sa aking paaralan? Paano ko malalaman?Maari ba akong bumuo ng sarili kong grupo kasamaang aking mga kapwa-guro mula sa aking paaralan oibang mga paaralan? Paano ako makikipag-ugnayansa kanila?

PAANOpagkukuhanan ng kaalamanSa paglipat mula sa pagtuturo ng harapantungo sa malayuang pagkatuto, kailanganmong isipin kung paano maiaakma angdiskarte ng pagtuturo at mga kagamitan.Isa sa mahalagang dapat bigyang-pansin ayang mga kagamitan o mapagkukuhanan ngkaalaman na madaling makuhaat magamit para sa iyo atsa iyong mga mag-aaral.

PAANOpagkukuhanan ng kaalamanTanungin Ang SariliAnong mga teknolohiya, platform, kagamitan at iba pangmaaaring mapagkuhanan ng kaalaman ang maaaaring gamitinnamin ng aking mga mag-aaral—mga naka-imprenta, audio atradyo, video at telebisyon, nakabase sa kompyuter, internet atsa telepono?Alin sa mga ito ang maaaring gamitin ng lahat o karamihansa mga mag-aaral? Alin ang pinakamadaling gamitin parasa komunikasyon, pagbibigay ng direktang tagubilin,talakayan, pagbabahagi ng mga gawain at pagtataya.Sino sa mga mag-aaral ang walang telepono? Kompyuter?Internet?Anong mga kagamitan sa pagtuturo at pagkatuto ang maaarikong iangkop para sa malayuang pagkatuto? Mayroon bangmga bukas na mapagkukunang pang-edukasyon sa internet namaaaring gamitin? Paano ko malalaman kung ano angdekalidad at ligtas na gamitin?

PAANOpagbabalangkas ng pagkatutoAng paraan ng pagbabalangkas ng malayuangpagkatuto ay nakabatay sa kung ano ang iyongitinuturo, sino ang iyong tuturuan, ang iyong kakayahanat ang mga nakahandang pagkukunan na gagamitin.Tandaan ang iyong pagmumuni-muni ukol sa mga itohabang dinidisenyo ang malayuang pagkatuto.Senaryo A: Aralin na kumpleto, nakabalangkas, atsumusunod sa pamantayan ng kurikulumSenaryo B: Aralin na kumpleto,nakabalangkas, at nakatuon sapangunahing kaalaman at kakayahanSenaryo C: Piling nilalaman, paksa, atgawain upang makatulong sa mag-aaralna kayanin ang kasalukuyang krisis

PAANOpagbabalangkas ng pagkatutoSENARYO A at B: Aralin na kumpleto at nakabalangkasKailangan mong iangkop ang pang-harapang lesson plan samalayuang pagkatutoTanungin Ang SariliPagsasagawa sa malayuang pagtuturo. Gaano katagalat gaano kadalas ang mga gagawing klase? Paano anggagawing komunikasyon sa isa’t-isa? Dapat bangisaalang-alang kung magkano ang gagastusin? Angpagsasagawa ba ng klase ay sabayan, di magkasabay opinaghalo?Direktang pagtuturo at pagkukunan. Kailangan bangbaguhin ang aking mga aralin at inilalahad sa klase?Ano pang mga kagamitan ang maari kong iangkop opaunlarin?

PAANOpagbabalangkas ng pagkatutoSENARYO A at B: Aralin na kumpleto at nakabalangkasMga Gawain. Kailangan ko bang gawing payak at simple angmga dating gawain o kailangan ko bang gumawa ng mgabagong gawaing kayang gawin ng aking mga mag-aaral nangmag-isa o nang may tulong mula sa ng kanilang mgamagulang o tagapag-alaga? Paano ko mapauunlad angkanilang pag-angkin sa kanilang proseso ng pagkatuto sapamamagitan ng direksyon sa sarili, pagtuklas, pagtatanongat pakikipagtulungan? Gaano katagal ang ibibigay ko sabawat gawain? Gagawa ba sila nang mag-isa o bilang bahaging grupo?Pangangasiwa. Paano ko magagagabayan ang aking mgamag-aaral habang sila ay gumagawa ng aralin? Gagawin koba ito nang isahan, sa maliliit na grupo o sa buong klase?Anong mga gawain ang ibibigay ko sa mga magulang otagapag-alaga at paano ako epektibong makikipag-ugnayansa kanila upang mapanatili ang interes ng mga mag-aaral atmagpatuloy ang kanilang pag-unlad?

PAANOpagbabalangkas ng pagkatutoSENARYO A at B: Aralin na kumpleto at nakabalangkasPangkaisipan at panlipunang kagalingan(kalagayang psychosocial). Paano ko matutulunganang aking mga mag-aaral sa aspektong mental atemosyonal sa mga pagsubok ng malayuangpagkatuto? Gaano karami ang ibibigay kong gawainsa kanila? Paano ko mababalanse ang kanilangpangkaisipan at panlipunang kagalingan sapangangailangan ng kurikulum? Paano akomakikipag-ugnayan sa mga magulang otagapag-alaga para mabalanse ito? Anong mgamapagkukunan at kagamitan ang maiaalok ko sakanila upang makatulong sa paghaharap ng mgapagbabago? Anong mga hakbang ang akinggagawin para sa mga mag-aaral na nahihirapan?

PAANOpagbabalangkas ng pagkatutoSENARYO A at B: Aralin na kumpleto at nakabalangkasPagsasama. Paano ko matitiyak na lahat ng mgamag-aaral ay makakalahok sa malayuang pagkatuto?Mayroon ba akong mag-aaral na limitado o walangkoneksyon sa internet o telepono? Kung ganoon:Paano ako makikipag-ugnayan sa kanila? gaanokadalas? Anong alternatibong tuwirang pagtuturo,mapagkukunan ng kaalaman, mga gawain atpagtataya ang kailangan kong ihanda para sa kanila?Paano ko mapangangasiwaan ang kanilangpagkatuto, suportahan sila sa aspektong mental atemosyonal, at matitiyak ang kanilang pag-unlad?Anong mga alternatibong pagsasaayos ang kailangankong gawin para sa kanila kaisa ang amingpunong-guro? kaisa ang mga magulang otagapag-alaga?

PAANOpagbabalangkas ng pagkatutoSENARYO C: Piling nilalaman, paksa, at gawainPagnilayan ang mga katanungan sa Senaryo A at B, habanginaalala na ang iyong pangunahing layunin ay suportahanang iyong mga mag-aaral sa gitna ng kasalukuyang krisis.Tanungin Ang SariliPaano ko tatalakayin ang kasalukuyang krisis sa akingmga mag-aaral sa pamaraang makatutulong sa kanilangpagharap sa anumang pagkalito, pagkabalisa o takot?Ano ang mga naaangkop na mapagkukunan ngkaalaman, mga kagamitan at mga gawain ang maaarikong maialok sa kanila na makapagbibigay ng masmabuting pag-unawa sa krisis, tulungan silang makamitang normal na pakiramdam at kinasanayang gawain, atmaipadama na sila ay ligtas.

PAANOpagbabalangkas ng pagkatutoSENARYO C: Piling nilalaman, paksa, at gawainGaano karaming trabaho ang maibibigay ko sa kanilaat anong bilis nang hindi lumilikha ng dagdag napagkabahala sa kanila at sa kanilang pamilya angkailangan?Paano ako makikipag-ugnayan sa kanilang mgamagulang o tagapag-alaga upang makamit ang mgalayuning ito?Ano ang mga kailangan kong gawin upang maihandako ang aking sarili na maging maalalahanin,mapagtugon at matulungin?

PAANOtulong at pagtugon sa mag-aaralMagplano at magpatupad ng mga gawain nasumusuporta sa bawat yugto.Bago: pagbibigay-linaw sa mga gawain at pamamahala ngmga inaasahanHabang: pagsubaybay sa pag-unlad at pagkatuto pagbibigay ng tugon at suportaPagkatapos: pagsasagawa ngpangkalahatang pagtataya at pagbibigayng tugon sa pagkatuto.

PAANOtulong at pagtugon sa mag-aaralTanungin Ang SariliPaano ko mahusay na masusuportahan ang pagkatuto ngaking mga mag-aaral? Anong mga uri ng gawain ang dapatkong ibigay upang maging gabay ng aking mga mag-aaralsa iba't ibang gawaing pampaaralan?Anong paraan ng komunikasyon ang dapat kong gamitin?Ano ang mga kagamitan na higit kong mapakikinabanganupang makakuha ng napapanahong katugunan ang akingmga mag-aaral mula sa akin?Paano ko mabibigyan ng suportang mental at emosyonalang mga mag-aaral? Ano ang magagawa ko upangpanatilihin ang kanilang interes at ganyak sa pagkatuto?Paano ko sila matutulungang harapin ang kanilangpagkabalisa at pagkatakot?Paano ko mahihikayat ang aking mga mag-aaral nasuportahan ang at matuto sa isa’t isa?

PAANOpagtatayaAng pagtataya ay dapat nakaplano at nakasama sa mgagawaing. Ito ay magbibigay-daan sa iyo upangmasubaybayan at mapangasiwaan ang pagkatuto ngiyong mga mag-aaral, at matulungan sila namapamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.Kinakailangan ding pag-isipan kung paano matatayaang natamong pagkatuto.Sa huli, anuman ang mga pamamaraan ng pagtatayaang gamitin mo, marapat lamang nanakabatay ito sa layunin ng pagkatuto.Maghanap ng mabuting balanse sapagitan ng kung ano ang epektiboat kung ano ang makakayananggawin nang malayuan.

PAANOpagtatayaTanungin Ang SariliPanghubog na pagtataya. Paano ko masusubaybayan,matataya at mapangisawaan nang malayuan ang pag-unladng pagkatuto ng aking mga mag-aaral? Anong mga gawainang maaaring maisama sa mga gawaing pagkatuto upangmaisakatuparan ko ito? Anong mga kagamitan ang maaarikong magamit upang magbigay ng regular na katugunan saaking mga mag-aaral at mapanatiling nakahanay ang mgaito sa layunin ng pagkatuto? Anong mga gawain ang maaarikong ibigay upang mapagmunihan nila ang kanilang mganatututunan at maibahagi nila ang kanilang mga pananawsa kapwa mag-aaral at sa akin?Kabuuang pagtataya. Paano ko matataya nang malayuanang kanilang mga natamong pagkatuto? Ano ang mgakagamitan ang maaari kong magamit sa pagsasagawa ngkabuuang pagtataya? Ano ang mga kalamangan at kahinaansa paggamit ng mga na ito?

Pasulong pataas,mga guro!Tandaan, ang teknolohiya ay isangkagamitan lamang. Ang iyongdedikasyon, pagkamalikhain atpag-aalaga sa mga mag-aaral angmagbubunga ng pagbabago sa kanilangkaranasan sa malayuang pagkatuto.

https://tpdatscalecoalition.org

Inilathala ngFoundation for Information Technology Education and Development, Inc. (FIT-ED)3/F Orcel II Building1611 Quezon AvenueQuezon City 1104 PhilippinesAng gabay na ito ay ginawa nang may tulong pinansyal mula sa International Development Research Centre, Canadaat sa United States Agency for International Development.Ang mga pananaw sa gawang ito ay saloobin ng mga may-akda at hindi ng International Development ResearchCentre o ng Lupon ng mga Gobernador nito; United States Agency for International Development; The EducationUniversity of Hong Kong; RTI International; SUMMA; o ng Foundation for Information Technology Educationand Development.Mga May-akdaAnne Tan-ChoiVictoria L. TinioDante Castillo-CanalesCher Ping LimJustin G. ModestoSarah R. PouezevaraIsinalin mula sa Ingles nila Josephine Marcos, Justin G. Modesto at Rosalie BongonKarapatang-sipi 2020 ng Foundation for Information Technology Education and Development, Inc.Ang gabay na ito ay nakalathala gamit ang lisensyang Creative Commons Attribution 4.0 /by/4.0/.Inirerekomendang sipi:Tan-Choi, A., Tinio, V. L., Castillo-Canales, D., Lim, C. P., Modesto, J. G., & Pouezevara, S. R. (2020).Gabay ng Guro sa Malayuang Pagkatuto Habang Nakasara ang mga Paaralan at sa Hinaharap (J. Marcos,J. G. Modesto, & R. Bongon, Trad.). Quezon City, Philippines: Foundation for Information Technology Educationand Development. Inilathala ang orihinal na bersyon noong 2020.Disenyo at pagkakaayos ni Kriselle A. de Leon

mundo na mapunan ang pagkabawas ng pagkatuto sa kabila ng kawalan ng klase, nangunguna pa rin ang kaligtasan at kagalingan ng mga mag-aaral. Ang pagtatangka ng mga pamamaraang maisakatuparan ang kurikulum ay hindi dapat magdulot ng pagkabalisa sa mga mag-aaral at sa kanilang pamilya. Maging makatotohanan. Marapat na ma

Related Documents:

Bilang ng Modyul: 2 Modyul 2: Sandigan ng Lahi Ikarangal Natin! Bilang ng Sesyon: 7linggo Paalala: Itong Gabay ng Guro ay magsisilbing gabay ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino sa Baitang 8. Naglalaman ito ng kumpletong mga mungkahing gawain para sa bawat aralin at estrateh

Gabay ng Magulang sa Proseso ng Pagpapasok, Pagbabalik-aral, at Pagpapaalis Pahina 1 Hulyo 2020 Panimula Ang gabay na ito ay binuo ng Statewide Leadership for the Legal Framework Project Team at ng Texas Education Agency (TEA) bilang tugon sa pangangailangan sa Texas Education Code (TEC) § 26.0081.Ang

manggagalaiti ang mga guro kapag nalaman nila na ang pensyon ng pulis at militar ay naka-index sa kasalukuyang sweldo ng nasa serbisyo pa, di gaya sa mga guro at iba pang trabaho. Isama pa ang katotohanang mas mababa ang retirement age ng mga pulis at sundalo. Sa edad na 56 ay retirado na ang pulis at sundalo, samantalang 6

Dr. Laurence B. Brown NADIYOS ˇGRASYA ( MIS ˇGODED ) Isinalin sa Tagalog ni Muhammad Eisa de Jesus ISANG MAPA NA LANDAS NG GABAY AT KAWALANG-GABAY SA LOOB NG MGA RELIHIYONG ABRAHAMIKO Lahat ng mga sipi ng kasulatan, maliban kung nasasaad nang kaiba, ay mula sa New King James Version.

K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM K to 12 Filipino Gabay Pangkurikulum Mayo 2016 Pahina 3 ng 190 Kaugnay nito, layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang (1) kakayahang komunikatibo, (2) replektibo / mapanuring pag-iisip

GABAY%NGGURO% Pagmamagulang% (Populatio

katangian ng isang wika. Sa Filipinas, madalas ang ortograpiya ay nasa anyo ng isang aklat. Ginagamit ang mga ortograpiya bílang gabay sa ispeling para sa mga textbook, diksiyonaryo, mga pahayagan, at iba pang publikasyon. Isa rin ang ortograpiya sa hinahanap ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) bago magsimula ang Mother

Alex Rider: Never say Die by Anthony Horowitz Below are the complete reviews, written by the Lovereading4kids members. George Hutton - Dormston Secondary School Alex Rider receives a suspicious email from who could be Jack Starbright who was kidnapped on his previous mission. However, whilst trying to locate Jack, he accidentally manages to get tangled up in another MI6 Mission which could put .