Mahalaga Sa Bawat Isa Ang Kaligtasan Sa Pagkain

2y ago
104 Views
2 Downloads
1.40 MB
27 Pages
Last View : 14d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Abram Andresen
Transcription

Mahalaga sa Bawat Isa angKaligtasan sa PagkainAng iyong gabay sa pag-iwas sa mga sakit nanakukuha sa pagkainWashington State Food & BeverageWorkers’ Manual(Tagalog)

Talaan ng Mga NilalamanBahagi 1: Maligayang pagsisimula sa kaligtasan sa pagkain1Karamihan sa mga sakit na nakukuha sa pagkain ay sanhi ng mga mikrobyo2Maaaring mas madalas magkasakit ang ibang tao3Mga peligro sa pagkain4Mga biological na peligro (mikrobyo) sa pagkain6Bahagi 2: Napipigilan ng tatlong gawi ang halos lahat ng sakit na nakukuha sapagkain8Gawi sa kaligtasan sa pagkain: Personal na kalinisan9Paghuhugas ng kamay10Iwasang kamayin ang mga pagkain na maaaring kainin agad12Personal na mga nakasanayan13Gawi sa kaligtasan sa pagkain: Pagkontrol ng Temperatura14Mga thermometer15Pagluluto at pagpapanatiling mainit ng mga mainit na pagkain16Pagluluto at pagpapanatiling malamig ng mga malamig na pagkain18Gawi sa kaligtasan sa pagkain: Pag-iwas sa Cross Contamination20Paghugas, pagbanlaw, at paglinis21Mga karagdagang isyu sa kaligtasan sa pagkain22Mga espesyal na paalala para sa mga manggagawa sa pagkain24Ang impormasyong ibinibigay sa manwal na ito ay batay sa Washington State Retail FoodCode WAC 246-215 at nilalayong gamitin kaugnay sa aprubadong Pagsasanay ngManggagawa sa Pagkain. Hindi kinakatawan ng handbook na ito ang lahat ngkinakailangang ibinibigay sa Washington State Retail Food Code Para sa higit pangimpormasyon, makipag-ugnayan sa iyong lokal na kagawaran ng kalusugan.DOH 332-036 May 2013 TagalogFor people with disabilities, this document is available on request in other formats.To submit a request, please call 1-800-525-0127 (TDD/TTY call 711).

Salamat.Ikinalulugod naming may ginagampanan kang aktibong papel sa paghahanda at paghahain ngligtas na pagkain. Bilang isang manggagawa sa pagkain, gagawa ka ng pagkain para sa ibangtao. Pinagkakatiwalaan nilang gagawin mo ang lahat ng makakaya mo upang panatilihing ligtasang kanilang mga pagkain. Responsibilidad mo na ligtas na maghanda at maghain ngpagkain sa kanila upang hindi sila magkasakit.Magbibigay sa iyo ang impormasyon sa manwal na ito ng mga tip upang ligtas na mag-imbak,maghanda, at maghain ng pakain sa trabaho at bahay.Hinati sa dalawang bahagi ang manwal:Bahagi 1Panimula sa mga sakit na nakukuha sa pagkainBahagi 2Paano maiiwasang maging sanhi ng sakit ang pagkainSa panahong natapos mo na ang manwal na ito, iyo nang:1. mauunawaan na marami ang sanhi ng mga sakit na nakukuha sa pagkain2. matutukoy ang kahalagahan ng malilinis na kamay at malulusog na manggagawa sapagkain3. malalaman kung paano makakatulong ang pag-iwas sa Delikadong Lugar namakapigil sa mga sakit na nakukuha sa pagkain4. matututunan ang ilang tip na makakatulong sa iyong maalala ang mga pangunahingbagay sa kaligtasan sa pagkain5. mababatid ang iyong mga responsibilidad bilang manggagawa sa pagkainMakakatulong sa iyo ang kaalaman sa kaligtasan sa pagkain na protektahan ang iyong sarili atang iba. Mangyaring isaisip ang matututunan mo mula sa manwal na ito at gamitin ito sa iyonglugar ng trabaho at sa iyong tahananan. Kung mayroon kang anumang mga tanong,pakitawagan ang iyong lokal na kagawaran ng kalusugan.Tandaan na ang mga manggagawang gumagamit ng mga tamang gawi sa kaligtasan sapagkain ang pinakamahalagang sangkap sa ligtas na pagkain. Maligayang pagdating sakoponan ng kaligtasan sa pagkain sa Estado ng Washington.Pahina 1

Mga Sakit na Nakukuha sa PagkainAng mga sakit na nakukuha Maaaring magkasakit ang mga tao kung ang pagkaing kakainin nila aysa pagkain mayroong mga mapaminsalang kemikal o mikrobyo. Tinatawag itongay hindi lang sa mgarestaurant nanggagaling.Ang kahit na sinonghumahawak ng pagkain aymaaaring makapagpalaganapng mga sakit na nakukuha sapagkain.Ang mga mikrobyongnagdudulot ng mga sakit nanakukuha sa pagkainkadalasan ay mga bacteria,virus, o mga parasitiko.sakit na nakukuha sa pagkain. Karamihan sa mga sakit na nakukuha sapagkain ay maaaring mga pagkalason sa pagkain o mga impeksyon nanakukuha sa pagkain.Kapag pinag-uusapan ng mga tao ang mga sakit na nakukuha sapagkain, tinatawag nila itong pagkalason sa pagkain. Maaaringmaging sanhi ng pagkalason sa pagkain ang mga kemikal, bacteria, oilang pagkain tulad ng mga nakalalasong kabute. Kadalasannapapansin ang mga sintomas ng pagkalason sa pagkain sa loob ngilang oras pagkatapos kumain, at madalas ay may kasamangpagsusuka.Ang mga pinakakaraniwang sakit na nakukuha sa pagkain,gayunpaman, ay hindi dulot ng pagkalason sa pagkain. Ito ay mgaimpeksyong nakukuha sa pagkain na sanhi ng mga mikrobyongnabubuhay sa pagkain o sa loob ng ating mga katawan. Kabilang samga sintomas ng mga impeksyong nakukuha sa pagkain ang pagtatae,pagsusuka, lagnat, sakit ng ulo, at mga pagsakit ng tiyan. Maaaringmapansin ang mga sintomas mula ilang oras hanggang ilang linggopagkatapos kainin ang pagkain.Sa Estados Unidos, tinataya ng Centers for Disease Control na mga 48milyon Amerikano ang nagkakasakit at hanggang 3,000 tao angnamamatay taon-taon mula sa hindi ligtas na pagkain. Sa pagsunod samga gawi sa kaligtasan sa pagkain sa manwal na ito, maiiwasan moang mga pinakakaraniwang dahilan ng mga sakit na nakukuha sapagkain.Taong Namamahala: May isang tao sa bawat establisimyento angdapat namamahala sa lahat ng oras ng pagpapatakbo at dapat niyangtiyakin na sinusunod ang lahat ng hakbang sa kalusugan ng pagkain.Dapat alam ng taong namamahala ang Washington State Retail FoodCode at ang mga hakbang na ginagamit sa establisimyento. Kungmayroon kang mga tanong, ipaabot sa taong nakalatalaga. Kung ikawang taong namamahala, dapat ay kaya mong magbigay ng pagsasanaysa mga manggagawa sa pagkain o impormasyong kinakailangan upangmaayos na maisagawa ang kanilang mga trabaho.Pahina 2

Mga Populasyon na Malamang naMaaapektuhanMay ilang partikular napagkain na malamang namagdulot ng ilang partikularna sakit na nakukuha sapagkain para sa mga taongmalamang na maaapektuhan.Kahit na maaaring magkasakit ang sinuman mula sa pagkain na hindiligtas na napangasiwaan, ang ilang partikular na tao ay maaaring masmadalas magkasakit o magkaroon ng mas malalalang sakit. Ang mgataong ito ang tinatawag na Populasyon na Mas Malamang naMaaapektuhan. Sila ay ang mga: Younger o mas bata pa sa 5 taong gulangKabilang sa mga pagkaing itoang: Older o mas matanda pa sa 65 taong gulang Pregnant o buntis mga karneng hindi nalutonang husto Immune-compromised o mga mahihina ang resistensiya (dahil mga hilaw na talabasa cancer, AIDS, diabetes, ilang partikular na panggagamot, oiba pang mga kundisyon) mga itlog na hindi naluto Upang matandaan ang mga taong nasa grupo, ang grupo ay minsangnang husto tinatawan sa pangalang YOPI (yo pē). mga sprouthindi na-pasteurize na mgagatas o juiceAng mga pasilidad tulad ng mga ospital, center na nangangalaga ngbata, preschool, nursing home, at adult care home na nagbibigay ngmga pagkain at serbisyo sa Populasyon na Mas Malamang naMaaapektuhan ay may mga karagdagang kinakailangan sa kaligtasansa pagkain. Ang ilan sa mga kinakailangang ito ay binibigyang-diin sabuong manwal na ito. Para sa higit pang impormasyon, makipagugnayan sa iyong lokal na kagawaran ng kalusugan.Pahina 3

Mga Peligro sa PagkainAng layunin ng kaligtasan sa kalusugan ay pigilan ang mga peligrongnagdudulot ng mga sakit o pinsala na nakukuha sa pagkain. Karamihansa mga peligro sa pagkain ay ang mga bagay na hindi mo nakikita,naaamoy, o nalalasahan.Ang isang peligro na nakukuha sa pagkain ay isang pisikal, kemikal, obiological na bagay sa pagkain o inumin na maaaring magdulot ngpinsala o sakit. Karamihan sa mga sakit na nakukuha sa pagkain aysanhi ng mga biological na peligro (mikrobyo).Naganap ito saWashington PeligroMga HalimbawaPisikalMatitigas o malalambot nabagay sa pagkain namaaaring magdulot ngpinsala. Kabilang sa mgahalimbawa ang bubog,alahas, dumidikit na mgabenda, staple, at mgakuko.May natagpuang ilang staplesa isang pangkaarawang cakemula sa isang bakery saEastern Washington. Inihandaang cake sa ilalim ng mgapapel na naka-staple sa isangmemo board.KemikalMga nakalalasongsustansiya na natural nalumilitaw o idinaragdag sapanahon ng pangangasiwasa pagkain. Kabilang samga halimbawa ang mgakemikal na panglinis,pestesidyo, at ilangpartikular na metal.Dahil sa sirang valve sa isangsoda machine, nagkaroon ngpagkalason sa tanso ang ilangcustomer sa WesternWashington sa loob ng ilangminuto pagkatapos uminom ngsoft drinks.Biological Mga mikrobyong hindimakikita nang walangmicroscope. Kabilang samga halimbawa ang mgaparasitiko, bacteria at virus.Nahawa ng hepatitis A angilang customer pagkataposkumain ng mga sandwich nainihanda ng isang may sakitna manggagawa sa pagkainsa Western Washington.Mga Pisikal na Peligro Ang mga pisikal na peligro ay mga bagay sa pagkain na maaaringmaging sanhi ng pinsala kung makakain. Kadalasang nangyayari angmga pisikal na pinsala dahil sa mga hindi ligtas na gawi sapangangasiwa sa pagkain o aksidenteng kontaminasyon. Upangmaiwasan ang pisikal na kontaminasyon: maingat na hugasan ang mga prutas at gulay tingnang mabuti ang mga pagkaing iyong inihahanda alisin sa lugar na pinaghahandaan ng pagkain ang lahat ngbagay na maaaring malaglag sa pagkainPahina 4

Kemikal na Kontaminasyon Maaaring magdulot ng mga sakit na nakukuha sa pagkain ang mgakemikal kung mapunta ang mga ito sa pagkain. Ang lahat ng kemikaltulad ng mga sabon, panglinis, sanitizer, at pestesidyo ay dapat iimbaknang malayo sa mga pagkain, kubyertos, at mga lugar napinaghahandaan ng pagkain.Kung kailangan iimbak ang isang kemikal sa lugar ng kusina, dapatiimbak ang kemikal nang mas mababa sa pagkain o mga patungan nanilalagyan ng pagkain upang hindi ito tumulo sa pagkain. Kung hindikailangan sa establisimyento ang isang kemikal, hindi dapat naroroonang kemikal.Lahat ng lalagyan ng kemikal ay dapat mayroong mga label namadaling basahin at tagubiling madaling sundin.Mga Lalagyan na Imbakan ng PagkainMayroong layer ng zinc ang mganaka-galvanize na lalagyan upanghindi kalawangin ang lalagyan.Hindi dapat gamitin ang mga itoupang pag-imbakan ng pagkain.Hindi inaaprubahan ang ilang lalagyan para pag-imbakan ng pagkain.Kabilang sa mga hindi inaaprubahang lalagyan ang mga plastic ngbasura, naka-galvanize na lata, at lalagyang minsan nang ginamit parasa mga kemikal. Hindi maaaring iimbak ang pagkain sa mga lalagyangito dahil maaaring may mapuntang kemikal sa pagkain.Upang mapanatiling ligtas ang iyong pagkain sa mga kemikal: magtabi lang ng mga kemikal sa establisimyento nainaprubahan para maggamit nang malapit sa pagkain iimbak ang lahat ng kemikal sa ilalim o malayo sa pagkain atmga patungang pinagtatrabahuhan lagyan ng label ang lahat ng kemikal gumamit lang ng mga inaprubahang lalagyan upang mag-imbakng pagkain tiyakin na gumagana nang maayos ang mga kagamitan tiyakin na napoprotektahan ang pagkain kapag nililinis mo angkusinaPahina 5

Biological na Namumuhay tayo sa isang mundo na may napakaraming mikrobyo.Kontaminasyon Karamihan sa mga mikrobyo ay mabuti para sa atin, ngunit maaaritayong magkasakit sa iba. Tinututukan ng manwal na ito ang mgamapaminsalang mikrobyo na nagdudulot ng karamihan sa mga sakit nanakukuha sa pagkain. mga parasitiko, virus, at bacteria.Mga parasitiko Ang mga parasitiko sa pagkain ay kadalasang maliliit na bulate nanabubuhay sa isda, pork, o karne. Maaaring mapatay ang mga ito kungmapo-frozen o lulutuin hanggang sa mga tamang temperatura.Maaaring makakita ng iba't ibang uri ng parasitiko sa kontaminadongtubig.Upang mapanatiling ligtas ang iyong pagkain sa mga parasitiko: lutuin ang lahat ng karne ng baboy, karne ng baka, at isdahanggang sa mga tamang temperature gumamit ng isda na na-frozen na upang mapatay ang lahat ngparasitiko para sa mga hilaw na putahe tulad ng sushi gumamit ng mga inaprubahang pinagmumulan ng tubigMga virus Kahit na maliit lang ang mga virus, kaunti lang ang kailangan upangmagkasakit ka. Hindi tulad ng mga parasitiko, ang mga virus ay hindinasusugpo sa pamamagitan ng pag-freeze.Lahat tayo ay nagkasakit na mula sa virus. Ang bulutong, karaniwangsipon, at trangkaso ay dulot lahat ng mga virus na kumakalat mula samga taong umuubo o bumabahin. Ang mga virus na nakukuha natin sapamamagitan ng pagkain ay kadalasang nanggagaling sa marurumingkamay ng isang taong humawak sa ating pagkain. Sa kasamaangpalad, ang mga kamay niya ay maaaring hindi nahugasan nang sapatupang maalis ang mga mikrobyo mula sa suka o dumi. Tinatawag natinitong ruta ng pagpasa na dumi papuntang bibig. Tinatawag ito ng iba nanakakadiri.Gaano man ito maaaring nakakadiri, malamang na narinig mo na angtungkol sa ilan sa mga virus na naikakalat natin sa paraang ito, tulad nghepatitis A at Norovirus. Upang maiwasan ang mga karaniwang sakit naito, dapat maging maingat tayo tungkol sa personal na kalinisan, lalo nakapag nagpoproseso ng pagkain.Upang mapanatiling ligtas ang iyong pagkain sa mga virus: huwag magproseso ng pagkain kung mayroon kang diarrhea,pagsusuka, o lagnat hugasan ang iyong mga kamay nang dalawang besespagkatapos gumamit ng inidoro – isang beses sa banyo, atpagkatapos ay kapag bumalik ka na sa kusina gumamit ng guwantes o kubyertos sa halip na mga kamay langkapag hahawak ng pagkain na maaaring kainin agadPahina 6

Bacteria Hindi tulad ng mga virus, maaaring mabuhay ang bacteria sa pagkain.Matatagpuan ang mga ito saanman at maaaring mabuhay kapag hindimaingat ang mga manggagawa sa pagkain tungkol sa oras,temperatura, at kalinisan. Maaaring mapanis ng bacteria ang pagkain omaaari itong magdulot ng sakit na nakukuha sa pagkain.Ang bacteria na nagdudulot ng sakit na nakukuha sa pagkain ay galingsa mga pinagmumulan tulad ng lupa, mga hayop, hilaw na karne, atmga tao. Kahit na maaaring manggaling ang mga ito mula sa maraminglugar, kadalasang nabubuhay lang ang mga bacteria na ito sa ilangpartikular na pagkain. Tinatawag ang mga pagkaing ito na MGAPOTENSYAL NA PELIGROSONG PAGKAIN. Panatilihing mainit o malamigang mga potensyal na peligrosong pagkain upang mapigilangmabuhay ang mga bacteria.Mga Potensyal naKabilang sa Mga Potensyal na Peligrosong Pagkain ang:Peligrosong PagkainMga Produktong Mula sa Hayop Karne, isda, poultry, pagkaing-dagat, mga itlogMga dairy productMga Lutong Harina Kanin, beans, pasta, at mga patatasMga Prutas at Gulay Mga lutong gulayTokwaSprouts (gaya ng alfalfa o toge)Mga hiniwang melon, hiniwang kamatis, at mga hiniwangberdeng gulayBawang o mga herb na ibinote na may langisUpang mapanatiling ligtas ang iyong pagkain mula sa mgabacteria: ilayo ang mga potensyal na peligrosong pagkain sa DelikadongLugar sa pagitan ng 41 F at 135 Fhuwag magproseso ng pagkain kapag may sakit ka (diarrhea,pagsusuka, o lagnat)hugasan ang iyong mga kamay nang dalawang besespagkatapos gumamit ng inidoro – isang beses sa banyo, atpagkatapos ay kapag bumalik ka na sa kusinagumamit ng guwantes o kubyertos sa halip na mga kamay langkapag hahawak ng pagkain na maaaring kainin agadhugasan, banlawan, at linisin ang lahat ng kagamitangginagamit sa paghahanda ng pagkainPahina 7

Bahagi 2 Ang 3 Nangungunang Depensa sa KaligtasanPag-iwas sa Sakit sa PagkainNgayong alam mo nang mikrobyo ang sanhi ng halos lahat ng sakit nanakukuha sa pagkain, pag-usapan natin ang tungkol sa kung ano angdapat mong gawin upang maiwasang maging sanhi ng sakit ang mgamikrobyo sa pamamagitan ng pagkain. Dahil kadalasang hindi nakikita,naaamoy, o nalalasahan ng mga tao ang mga mikrobyo sa pagkain,mahalaga na ipatupad ang kaligtasan sa pagkain kahit na mukhangmaayos ang pagkain.Tatalakayin ng ilang susunod na pahina ang pangunahing tatlongkonsepto ng kaligtasan sa pagkain – personal na kalinisan,pagkontrol ng temperatura, at cross contamination – na dapat aypagsama-samahin upang mapanatiling ligtas ang pagkain sa mgamikrobyo.Ang 3 Nangungunang Mga manggagawa sa pagkain na mayDepensa sa Kaligtasan ng magandang personal na kalinisanPagkainPagkaing niluto at pinanatili satamang mga temperaturePag-iwas sacross contaminationPahina 8

Personal na KalinisanAng mga manggagawa sa pagkain, kahit pa mukha silang malusog atramdam nilang malusog sila, ay maaaring aksidenteng magpakalat ngmga mapaminsalang mikrobyo kung hindi sila malinis. Nakakatulongang mga manggagawa sa pagkain na mayroong magandangpersonal na kalinisan na pigilan ang pagkakaroon ng mikrobyo sapagkain.Kabilang sa tamang kalinisan ng manggagawa sa pakain ang: hindi pagpoproseso ng pagkain kapag may sakit kapaghugas ng iyong mga kamay sa tamang paraan at satamang panahonpaggamit ng malilinis na guwantes at kubyertos kapaghahawak ng pagkainpananatiling maiksi ang mga kuko upang madaling linisinang mga kamayKalusugan ng Manggagawa Ang malusog na manggagawa sa pagkain ay isa sa mgasa Pagkain pinakamahalagang sangkap sa pag-iwas sa mga sakit na nakukuha sapagkain. Kapag naramdaman mong may sakit ka, hindi ka dapatmagproseso ng pagkain. Maaaring kumalat sa pagkain at sa ibang mgatao ang mga mikrobyong nagpapasama ng iyong pakiramdam.Masyadong Masama ang Ang mga manggagawa sa pagkain ay hindi maaaring maghanda ngPakiramdam Upang pagkain kung sila ay mayroong: diarrhea, pagsusuka, o jaundiceMaghanda ng Pagkain mga nasuring impeksyon na maaaring kumalat sapamamagitan ng pagkain gaya ng Salmonella, Shigella, E. coli,o hepatitis Amga naimpeksyon at walang takip na sugattuluy-tuloy na pagbahin, pag-ubo, o tumutulong siponDapat ipaabot ng mga manggagawa sa pagkain sa Taong Namamahalana sila ay may sakit. Dapat umuwi ang mga may sakit namanggagawa sa pagkain. Kung hindi makakauwi ang mga may sakitna manggagawa sa pagkain, maaari silang bigyan ng mga gawainghindi kasama ang paghawak sa pagkain o paglinis sa mga patungangnilalagyan ng pagkain. Kabilang sa ibang mga gawaing ito angpagtatapon ng basura, paglalampaso, pagwawalis, paglinis ng mgabanyo, o pag-buss ng mga mesa.Mga Populasyon na Ang mga manggagawa sa pagkain na nagtatrabaho sa mga pasilidadMalamang na Maaapektuhan na naglilingkod sa Populasyon na Mas Malamang na Maaapektuhan(grupo na YOPI) ay hindi maaaring magtrabaho sa pasilidad kungmayroon silang diarrhea, pagsusuka, o jaundice. Ang mga may sakit namanggagawa sa pagkain AY HINDI DAPAT PUMASOK SA TRABAHOhangga't hindi nawawala ang lahat ng sintomas.Pahina 9

Paghuhugas ng kamay Ang malilinis na kamay ang pinakamahalagang kagamitan ng kaligtasansa pagkain, ngunit hindi dahil sa mukhang malinis ang iyong mgakamay ay nangangahulugang walang mga mikrobyo ang mga ito.Tinatanggal ng paghuhugas ng kamay ang mga mikrobyo sa mgakamay na maaaring maging sanhi ng sakit ng mga tao. Mahalaganghugasan nang madalas ang iyong mga kamay sa kabuuan ng araw,kahit kapag mukhang malinis ang mga ito.Ang madalas na paghuhugas ng iyong mga kamay ay angpinakamahalagang bagay na magagawa mo upang maiwas sa mgamikrobyo ang iyong katawan at ang pagkaing iyong inihahanda.Dapat alam ng mga manggagawa sa pagkain kung kailan at paanohuhugasan ang kanilang mga kamay.Kailan Maghuhugas Kinakailangan ng mga manggagawa sa pagkain na hugasan angkanilang mga kamay bago sila magsimulang maghanda ng pagkainat sa anumang pagkakataon na maaaring nakontamina ang mgakamay. Kabilang sa mga sumusunod ang panahon na pinakamatindiang kontaminasyon: pagkatapos gumamit ng banyo pagkatapos humawak ng hilaw na karne, isda, o poultry pagkatapos humawak ng basura o maruruming plato pagkatapos magpahinga, kumain, o manigarilyo pagkatapos bumahin, umubo o suminga sa ilong pagkatapos humawak ng mga hayop o gumamit ng mgakemikalMga Hand Sanitizer Pinakamabisa ang mga hand sanitizer sa malilinis na kamay. Saserbisyo sa pagkain, maaari kang gumamit ng mga hand sanitizerpagkatapos mong hugasan ang iyong mga kamay kung gusto mo,ngunit hindi mo maaaring gamitin ang mga ito sa halip na hugasan angiyong mga kamay.Pahina 10

Paano Maghugas Dapat mong hugasan ang iyong mga kamay sa isang lababo namay mainit at malamig na dumadaloy na tubig, sabon, at mgapaper towel (o ibang mga paraan ng pagtuyo na pang-isahan anggamit). Mula simula hanggang sa pagtatapos, dapat hugasan nglahat ng manggagawa sa pagkain ang kanilang mga kamay sa loobng hindi bababa sa 20 segundo.Hakbang 1: Basain ang iyong mga kamay upang tumalab ang sabon.Hakbang 2: Maglagay ng sabon at kuskusin. Tiyaking kuskusin angilalim ng mga kuko, pagitan ng mga daliri, at hanggang sa masmababang bahagi ng braso. Kailangang kuskusin ang mga kamay saloob ng 10-15 segundo. Orasan ang iyong sarili hanggang samakasanayan mo ito. Mas matagal ang panahon ng pagkuskos na itokaysa sa paghuhugas ng karamihan!Hakbang 3: Banlawan ang mga kamay upang mahugas ang mga bulaat mikrobyo.Hakbang 4: Ganap na tuyuin ang mga kamay gamit ang paper towel, oiba pang paraan na pang-isahan ang gamit. Mas mainam ang mgapaper towel dahil ang pagkuskos sa towel ay nakakatulong na makaalisng mas maraming mikrobyo.Pahina 11

Pag-iwas sa Direktang Kahit pa hugasan nang maayos ng mga manggagawa sa pagkainPagkamay ang kanilang mga kamay, hindi sila pinapayagang humawak ngmga pagkain na maaaring kainin agad gamit ang kanilang mgakamay lang. Ito ay upang maiwasang mapunta ang mga mikrobyona maaaring nananatili sa mga kamay sa pagkaing maaaring kaininagad.Ang mga pagkain na maaaring Kabilang sa mga pagkain na maaaring kainin agad ang:kainin agad ay ihinahain nang binanlawang mga prutas at gulay na kinakain nang hilawwalang karagdaganggaya ng hiniwang prutas, mga salad, palamutipaghuhugas o pagluluto upang item sa panaderya o tinapaygaya ng mga tinapay, cake, pie, chip na tortillamaalis ang mga mikrobyo. mga pagkaing naluto nagaya ng pizza, mga hamburger, hot dog, tacomga pagkaing hindi lulutuingaya ng mga sandwich, sushi, mga salad sa deliGuwantes Dapat gumamit ang mga manggagawa sa pagkain ng mgakubyertos gaya ng mga tong, pang-scoop, deli paper, o guwantesna pang-isahan ang gamit upang maiwasan ang paghipo sa mgapagkaing maaaring kainin agad. Halimbawa, dapat gumamit ng mgatong upang maglagay ng hiniwang gulay sa mga salad at dapatgumamit ng mga pang-scoop upang maglabas ng yelo sa lalagyan.Maaaring gumamit ng guwantes na pang-isahan ang gamit upangmaghanda ng mga pagkaing kailangang hawakan nang maramingbeses, tulad ng sa paggawa ng mga sandwich, paghiwa ng mga gulay,o pag-aayos ng pagkain sa isang platter. Mahalagang tandaan naginagamit ang guwantes upang protektahan ang mga pagkain mula samikrobyo, hindi upang protektahan ang iyong mga kamay mula sapagkain. Dapat palitan nang madalas ang guwantes upang panatilihingligtas ang pagkain.Dapat magsuot ng guwantes kung mayroon kang mga sugat, benda, ohiwa sa iyong mga kamay at naghahanda ka ng pagkain.Mahahalagang Patakaran para sa Paggamit ng Guwantes: maghugas ng kamay bago magsuot ng guwantespalitan ang guwantes na punitpalitan ang guwantes na maaaring kontaminado nahuwag kailanmang hugasan o muling gamitin ang guwantesmagpalit ng guwantes sa tuwing maghahanda ng hilaw napagkain at pagkaing maaaring kainin agaditapon ang guwantes pagkatapos gamitinhugasan ang mga kamay pagkatapos tanggalin ang guwantesPahina 12

Pagkain, Pag-inom at PaninigarilyoNakakaapekto ang Mga Hindi maaaring kumain, uminom, o gumamit ng anumang uri ng tabakoPersonal na Nakasanayan sa ang mga manggagawa sa pagkain sa mga lugar na pinaghahandaan ngKaligtasan sa Pagkain pagkain. Ito ay upang maiwasan na may matapon sa pagkain at mapaliitang tsansa ng kontaminasyon.Pagbubukod: Maaaring uminom ang mga manggagawa sa pagkainmula sa isang may takip na lalagyan gamit ang isang straw. Dapat itabiang inumin upang hindi ito matapon sa pagkain o sa mga patungangnilalagyan ng pagkainMga Pangbigkis ng BuhokNilalayon ng mga pangbigkis ng buhok na huwag magalaw ng mgakamay ang buhok at hindi mapunta ang buhok sa pagkain. Dapatepektibo ang pagkakabigkas sa buhok sa tuwing ikaw ay nagpoprosesong pagkain o nasa mga lugar na pinaghahandaan ng pagkain. Kabilangsa mga pangbigkis sa buhok ang mga hairnet, sombrero, ponytailholder, at mahihigpit na pantirintas. Dapat ibigkis din ang mahahabangbalbas.Mga KukoDapat putulan ang mga kuko upang madaling linisin ang mga ito. Kungmay suot na nail polish o mga artipisyal na kuko, dapat may suot naguwantes ang manggagawa sa pagkain kapag hinahanda ang lahat ngpagkain, hindi lang ang mga pagkaing maaaring kainin agad.Halimbawa, ang isang manggagawa sa pagkain na mayroong mgaartipisyal na kuko ay mangangailangang magsuot ng guwantes kapagnaghahalo ng batter gamit ang isang kutsara.AlahasAng alahas ay maaaring makapagtago ng mga mikrobyo na nagdudulotng mga sakit na nakukuha sa pagkain at nagiging hadlang sa paghugasng mga kamay. Maaari ding mahulog ang alahas sa pagkain. Habangnaghahanda ng pagkain, dapat alisin ng mga manggagawa sa pagkainang kanilang mga relo, singsing, pulseras, at lahat ng iba pang alahassa mga braso o kamayPagbubukod: Maaaring suotin ang mga singsing sa kasal kungnatatakpan ang mga ito ng guwantes kapag naghahanda ng pagkainang manggagawa sa pagkain.Mga Personal na GamitDapat iimbak ang mga personal na gamit tulad ng mga gamot, coat, atpurse nang malayo sa pagkain, mga plato, at mga linen.Pahina 13

Pagkontrol ng TemperaturaKinakailangan ang mga tamang temperatura para sa kaligtasan ng mgapotensyal na peligrosong pagkain. Dapat gumamit ng thermometerupang matiyak na ang pagkain ay nahahatid, naluluto,napapalamig, at naiimbak sa tamang temperatura.Delikadong Lugar sa Karamihan sa mga bacteria ay hindi nabubuhay sa maiinit at malalamigpagitan ng 41 F at 135 F na temperatura. Upang mapanatiling ligtas ang pagkain, dapatpanatilihin sa 41 F o mas malamig pa ang malalamig na pagkain. Dapatpanatilihin sa 135 F o mas mainit pa ang maiinit na pagkain. Angsakop ng temperatura sa pagitan ng 41 F at 135 F ang tinatawagna Delikadong Lugar.Kapag hinayaang nasa Delikadong Lugar ang mga potensyal napeligrosong pagkain, maaaring mabilis na dumami ang bacteria omakabuo ng mga lason na maaaring ikasakit ng mga tao.Tumatakbo ang oras.Sa panahong sinisimulan mong ihanda ito, sumailalim na ang pagkainsa maraming yugto. Inalagaan ito, ibiniyahe, binili, tinanggap, at inimbakbago mo simulan ang paghahanda. Maaari mo itong tunawin, ihalo,lutuin, palamigin, ihain, o initin. Ang lahat ng oras na itinagal ng pagkainsa mga hakbang na ito ay naiipon at nakakatulong sa bacteria namagparami hanggang sa puntong delikado na. Mabilisang iproseso angpagkain upang iiwas ito sa Delikadong Lugar sa pagitan ng 41 F at135 F.Maaaring nasa room temperature ang potensyal na peligrosongpagkain sa loob ng hanggang dalawang oras habang inihahandamo ito. Kapag naghahanda ka ng pagkain, maglabas lang nang kauntisa pagkaing iyon sa isang pagkakataon. Panatilihin ang natitirangpagkain na malamig o mainit hangga't hindi mo pa ito ihahanda. Kapagnapabayaan sa room temperature ang pagkain, o hindi mo alamkung gaano na ito katagal sa Delikadong Lugar, dapat mong itaponang pagkain. Maaaring hindi na ito ligtas kainin.Pahina 14

Mga ThermometerDalawang uri ng thermometer na para sa pagkain ang kadalasangginagamit sa serbisyo ng pagkain.Thermometer na May Metal Ang may metal na tangkay o “dial” thermometer ang pinakakaraniwangna Tangkay thermometer na ginagamit sa serbisyo sa pagkain. Mainam ang mga dialthermometer para sa pagkuha ng mga temperatura ng makakapal napagkain. Dapat ibaon ang tangkay ng ilang pulgada sa pagkain at dapatitong iwan sa loob ng hindi bababa sa 20 segundo. Dahil kailangangmaibaon ang mga ito nang malalim sa pagkain upang maging tumpak,hindi dapat gamitin ang mga dial thermometer para sa maninipis napagkain gaya ng mga patty ng hamburger.Digital na Thermometer Ginagamit din ang mga digital na thermometer upang sumukat ng mgatemperatura ng pagkain. Mayroon ding metal na tangkay ang mga ito,ngunit digital ang mga bilang sa halip na dial. Madaling basahin angmga digital na thermometer at mas mainam ang mga ito para sapagsukat ng mga temperatura ng maninipis na pagkain. Mabilis nanakakabasa ng temperatura ang mga ito at dapat gamitin upang kuninang temperatura ng maninipis na pagkain gaya ng mga patty nghamburger.Pagiging Tumpak Dapat suriin nang madalas ang mga thermometer upang matiyak nanababasa nila ang tamang temperatura. Isang paraan upang suriin angpagiging tumpak ay ilagay ang sensor ng thermometer sa isang tasa ngdurog na yelo at tubig. Dapat 32 F ang halo. Kung hindi 32 F ang basasa thermometer, kailangang isaayos o palitan ang thermometer.Basahin ang package ng thermometer o tawagan ang iyong lokal nakagawaran ng kalusugan para sa higit pang impormasyon.Paggamit ng thermometer: tiyaking malinis ito, na-sanitize, at tumpak ipasok sa pinakamakapal na bahagi ng pagkain – kadalasangang gitna ng pagkainPahina 15

Mga Temperatura saPaglulutoPoultry (manok at pabo)Mga pagkaing may palaman o mga ipinapalaman Mga casserole Lahat ng produktong mula sa hayop na niluto sa isangmicrowave Lahat ng ininit na potensyal na peligrosong pagkain 165 F(sa loob ng 15segundo)155 F(sa loob ng 15segundo)145 F(sa loob ng 15segundo) 135 F HamburgerSausageMga itlogIsdaKarne ng bakaKarne ng baboyMga gulay na pananatilihing mainitMga nakapaketeng pagkain na maaaring kainin agad(gaya ng mga hot dog at de-latang chili) na iniinit parapanatilihing mainitTandaan: May mga available na karagdagang oras at temperatura sa pagluluto. Ang mga pagihaw ng karne ng baka at karne ng baboy ay may mga karagdagang kinakailangan sa pagluluto.Pakitingnan ang Washington State Food Rule o makipag-ugnayan sa iyong lokal na kagawaran ngkalusugan para sa higit pang impormasyon.Pahina 16

Pagpapanatiling Malamig Panatilihing Malamig ang Malalamig na PagkainTandaan, mabilis na dumarami ang bacteria kapag nasa DelikadongLugar ang pagkain. Itabi ang malamig na pagkain sa loob ngrefrigerator, sa yelo, o sa iba pang inaprubahang paraan upangmapigilan ang pagdami ng bacteria. Kapag gumagamit ng yelo upangpanatilihing malamig ang pagkain, dapat napapaligiran ng yelo anglalagyan hanggang sa bandang tuktok ng pagkain. Dapat panatilihing41 F o mas malamig pa ang MALAMIG na pagkain.Malalamig na salad Ang mga potensyal na peligrosong salad na ginawa mula sa pagkaingnasa room temperatur

Ang layunin ng kaligtasan sa kalusugan ay pigilan ang mga peligrong nagdudulot ng mga sakit o pinsala na nakukuha sa pagkain. Karamihan sa mga peligro sa pagkain ay ang mga bagay na hindi mo nakikita, naaamoy, o nalalasahan. Ang isang peligro na nakukuha

Related Documents:

kasapi ng pamilya ay may kanya-kanyang gampanin, kaya't ang bawat isa ay mahalaga. Pangunahing Tanong: Bakit mahalaga ang bawat kasapi ng pamilya? Ika-21 Siglong Kasanayan: Epektibong napauunlad, naipatutupad, at naibabahagi ang mga bagong ideya sa iba. Mga Kagamitan: Puzzle Ikalawang Markahan, Baitang 1, Karagdagang Aralin 2 5

Nasusuri ang pagsisikap ng mga bansa na makamit ang kapayapaang pandaigdig at kaunlaran . 413 . maraming tao at pagkawasak ng mga imprastraktura. Disyembre 1983, nang may ilang . D. Nararapat na magkaroon ang bawat bansa ng sandatang nukleyar sapagkat mahalaga sa bawat bansa ang pwersa. 420 .

Ang Harvestime International Institute curriculum ay nakatuon kung ano ang itinuro Ni Jesus upang ihanda ang mga lalaki at babae para maabot ang mundo ng Ebanghelyo. Ang isa sa dakilang katotohanan na Kanyang ipinahayag ay ang Dios ay nangungusap sa tao: Ako ang mabuting pastor: at nakikilala ko ang sariling akin, at ang

3. Masusuri ang mga naging epekto sa mamamayang Pilipino ng mga patakaran at programang ipinatupad; 4. Mapaghahambing ang mga paraan ng pangangasiwa ng iba't ibang pangulo; 5. Mailalarawan ang mga pagsisikap ng bawat administrasyon na maisulong ang pambansang kalayaan at pagsasarili; 6. Maiisa-isa ang naging kahinaan ng bawat panguluhan; at 7.

Mula sa pagbabahagi ng mga bata noong ikaapat na araw, tanungin ang bawat isa kung ano ang kanilang paborito sa gawa ng mga kaklase. Pumili ng mga batang nais ibahagi ang sagot. Tanungin din ang dahilan kung bakit ito napili at kung ano ang kilos na ipinakikita ng likhang sining na napili. IKATLONG

Ang mga Paglalakbay ni Juan Ang Pinagmulan ng Daigdig (Si Malakas at si Maganda) Ang Unang Unggoy Ang Alamat ng Palay Ang Pinagmulan ng Lamok Kung Paano Yumaman si Jackyo Ang Anting-anting ni Manuelito Ang Gamugamo at Ang Liwanag Kung Bakit Gusto ng Bagobo ang Pusa Mga Kuw e

4. Isang tao ang may kapangyarihan na kung tawagin ay reyna, emperador, hari, sultan at ang bansa ay tinatawag na kaharian. 5. Mahalaga ang pamantayang mayorya at iginagalang ang bansa ng minorya. 6. Ang kapangyarihan ay nanggaling sa masa. 7. Ang namumuno ay maaaring manggaling sa anumang antas ng lipunan. 8.

with the requirements of ISO 14001:2015? 4.4 14 Has your organization has considered the knowledge and information obtained by 4.1 and 4.2 when implementing and operating it EMS? Insert your company’s name or logo. ISO 14001:2015 Audit Checklist System & Process Compliance Auditing www.iso-9001-checklist.co.uk Page 6 of 41 Audit Findings Summary Manually transfer the audit findings from the .