Unang Markahan Modyul 2: Mga Isyung Pangkapaligiran

2y ago
228 Views
19 Downloads
1.54 MB
35 Pages
Last View : 7d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Aiyana Dorn
Transcription

10Araling PanlipunanUnang Markahan – Modyul 2:Mga Isyung Pangkapaligiran

Araling Panlipunan – Ikasampung BaitangAlternative Delivery ModeUnang Markahan- Module 2: Mga Isyung PangkapaligiranUnang Edisyon, 2020Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroonng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailanganmuna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung itoay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ayang pagtakda ng kaukulang bayad.”Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brandname, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na itoay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga itoupang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mgatagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban samodyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag saanumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Leonor Magtolis BrionesPangalawang Kalihim: Diosdado M. San AntonioBumuo sa Pagsusulat ng ModyulManunulat:Corazon G. CaducioTagasuri:Francisco P. Casipit, Jr.Jose Gerardo R. GarciaElisa R. RanoyRey B. PascuaMaricel N. GuerreroMelchor E. OrpillaCynthia B. TablangEditor:Editha T. GironGina A. AmoyenRonald P. AlejoEvangeline A. CabacunganOrlando I. GuerreroEdgar L. PescadorEric O. CariňoRowena R. AbadTagaguhit:Richard B. IsidroTagalapat:Jestoni H. AmoresAldrin R. GomezTagapamahala:Tolentino G. AquinoArlene A. NiroGina A. AmoyenEditha T. GironOrlando I. GuerreroInilimbag sa Pilipinas ngMary Ann L. CabilanWilfredo E. SindayenRonald B. RadocOrlando I. GuerreroRonald B. RadocDepartment of Education- Region IOffice Address: Flores St. Catbangen City of San San Fernando, La UnionTelefax: (072) 607- 8137/682-2324E-mail Address: region1@deped.gov.ph

10Araling PanlipunanUnang Markahan- Modyul 2:Mga Isyung Pangkapaligiran

Paunang SalitaPara sa tagapagdaloy:Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng AlternativeDelivery Mode (ADM) Modyul 2 para sa araling Mga Isyung Pangkapaligiran.Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang, at sinuri ng mga edukadormula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurongtagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ngKurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan, at pangekonomikong hamon sa pag-aaral.Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay atmalayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis, at oras. Naglalayondin itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan- 21 siglohabang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaralkung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unladnila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawaang mga gawaing nakapaloob sa modyul.Para sa mag-aaral:Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery Mode(ADM) Modyul 2 ukol sa Mga Isyung Pangkapaligiran.Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon, at layunin. Sapamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan nggawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, aymay angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Angiyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitongmatulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitongmadulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaanAlaminSubukinBalikanSa bahaging ito, malalaman mo ang mgadapat mong matutuhan sa modyul.Sa pagsusulit na ito, makikita natin kungano na ang kaalaman mo sa aralin ngmodyul. Kung nakuha mo ang lahat ngtamang sagot (100%), maaari monglaktawan ang bahaging ito ng modyul.Ito ay maikling pagsasanay o balik-aralupang matulungan kang maiugnay angkasalukuyang aralin sa naunang leksyon.ii

TuklasinSuriinPagyamaninIsaisipIsagawaSa bahaging ito, ang bagong aralin ayipakikilala sa iyo sa maraming paraan tuladng isang kuwento, awitin, tula, pambukasna suliranin, Gawain, at isang sitwasyonSa seksyong ito, bibigyan ka ng maiklingpagtalakay sa aralin. Layunin nitongmatulungan kang maunawaan ang bagongkonsepto at mga kasanayan.Binubuo ito ng mga gawaing para samalayang pagsasanay upang mapagtibayang iyong pang-unawa at mga kasanayansa paksa. Maaari mong iwasto ang mgasagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sapagwawasto sa huling bahagi ng modyul.Naglalaman ito ng mga katanungan opupunan ang patlang ng pangungusap otalata upang maproseso kung anongnatutuhan mo mula sa aralin.Itoaynaglalamannggawaingmakatutulong sa iyo upang maisalin angbagong kaalaman o kasanayan sa tunayna sitwasyon o realidad ng buhay.TayahinIto ay gawain na naglalayong matasa omasukat ang antas ng pagkatuto sapagkamit ng natutuhang kompetensi.KaragdagangGawainSa bahaging ito, may ibibigay sa iyongpanibagong gawain upang pagyamaninang iyong kaalaman o kasanayan sanatutuhang aralin.Susi sapagwawastoNaglalaman ito ng mga tamang sagot salahat ng mga gawain sa modyul.Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:SanggunianIto ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sapaglikha o paglinang ng modyul na ito.Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang markao sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sapagsagot sa pagsasanay.2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaingnapapaloob sa modyul.3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sapagwawasto ng mga kasagutan.iii

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa ibang pagsasanay.6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutinlahat ng pagsasanay.Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwagmag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ngtulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid, o sino man sa iyong mgakasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindika nag-iisa.Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugangpagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay ng mga kompetensi.Kaya mo ito!iv

AlaminAng modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan angkasalukuyang kalagayan ng ating kapaligiran, ang mga suliraning kinakaharap nito at ang mgahakbang na ginagawa ng pamalahalaan upang lutasin at harapin ang mga hamong dulot nito.Ang kaalaman mo sa mga sanhi at epekto ng mga suliraning pangkapaligiran ay mabisanghakbang upang ikaw ay kumilos tungo sa pangangalaga ng kalikasan.Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upangmaging mas maganda ang daloy ng iyong pag-aaral.Maraming gawain ang inihanda para sa iyo upang maging makabuluhan ang iyongpag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng mga gawain sa modyul. Gumamitng hiwalay na papel sa pagsagot.Ang modyul na ito ay nakapokus sa Aralin 1: Mga Isyung Pangkapaligiranna nahahati sa sumusunod na paksa: Paksa 1- Suliranin sa Solid WastePaksa 2- Pagkasira ng mga Likas na YamanPaksa 3- Climate ChangePinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung pangkapaligiran ngPilipinas (MELC2)Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong: natatalakay ang kasalukuyang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas;nasusuri ang mga dahilan at epekto ng mga suliraning pangkapaligiran ng Pilipinas;naiisa-isa ang mga programa at pagkilos ng iba’t-ibang sektor sa paglutas sa bawatsuliraning pangkapaligiran;nabibigyang halaga ang mga programa at pagkilos ng iba’t-ibang sektor sapangangalaga sa kapaligiran;nakagagawa ng case study tungkol sa sanhi at epekto ng mga suliraningpangkapaligiran na nararanasan sa sariling pamayanan.1

SubukinBilang panimula, sagutin mo ang mga tanong sa ibaba upang mataya ang iyongkahandaan sa pag-aaral sa paksa. Ito ay makatutulong upang magkaroon ka ng idea tungkolsa kung ano ang nilalaman ng modyul na ito.Gawain 1: Paunang PagtatayaPanuto: Basahin at suriing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagotat isulat sa iyong sagutang papel.1. Saan nanggagaling ang malaking bahagdan ng itinatapong basura sa Pilipinas?A. tahananB. palengkeC. paaralanD. pabrika2. Ang sumusunod ay dahilan ng deforestation sa Pilipinas maliban saA. Fuel wood harvestingB. Illegal miningC. Illegal loggingD. Global warming3. Ang Pilipinas ay nakararanas ng matinding suliranin sa solid waste dahil sa .A.B.C.D.kawalan ng hanapbuhay ng mga taokawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basurahindi maayos na pamamahala ng mga pinunoang pagdami ng produktong kinukonsumo ng mga tao4. Ang Pilipinas ay apektado sa nagaganap na climate change. Alin sa sumusunod angepekto nito sa ating bansa?A. Pagtaas sa insidente ng dengueB. Pagliit ng produksiyon ng pagkainC. Malalakas na bagyo na nagdudulot ng pagbaha at landslidesD. lahat ng nabanggit5. Alin sa sumusunod ang maaaring mangyari kung hindi malulutas ang mga suliraningpangkapaligiran na kinakaharap sa kasalukuyan?A. Masasanay ang mga tao sa maruming kapaligiranB. Maraming aalis sa Pilipinas dahil sa sobrang polusyonC. Patuloy na daranas ang ating bansa ng matitinding kalamidadD. Lahat ng nabanggit6. Alin sa sumusunod ang pangunahing dahilan kung bakit ang dating kagubatan aynagiging plantasyon, subdibisyon, o sentrong komersyo?A. Paglipat ng pook tirahanB. Ilegal na pagtotrosoC. Pagdami ng populasyonD. Ilegal na pagmimina2

7. Ang illegal logging ay isa sa mga dahilan ng mga suliraning pangkapaligirangdinaranas ng Pilipinas ngayon. Alin sa sumusunod ang bunga nito?A. pagbahaB. pagguho ng lupaC. pagkawala ng tirahan ng mga hayopD. lahat ng nabanggit8. Ang sumusunod ay mga suliraning pangkapaligirang nararanasan sa Pilipinasmaliban sa .A. solid wasteB. ilegal na drogaC. climate changeD. pagkasira ng mga likas na yamanIpinatupad ang Republic Act 9003 upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’tibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa. Ito ay kilala bilangA. Ecological Garbage Management Act of 2010B. Ecological Solid Waste Management Act of 2000C. Ecological Garbage Management Act of 2000D. Ecological Solid Waste Management Act of 20109. Nananatili ang suliranin sa solid waste sa kabila ng mga programa sa pagtatapon ngbasura. Isang napakalaking hamon sa pagpapatupad ng batas ay angA. kawalan ng suporta ng mga namamahalaB. paglilinis ng mga kalat ng buong pamayananC. pagbabago ng pag-uugali ng mga PilipinoD. paghahanap ng lupang pagtatapunan ng basura11. Ang Non-Government Organization (NGO) na aktibong tumutugon sa suliraninsa basura at may adbokasiyang zero waste.A. GreenpeaceB. Mother Earth FoundationC. Bantay KalikasanD. Clean and Green Foundation12. Anong batas ang nagtatag sa National Framework Strategy and Program onClimate Change upang tugunan ang mga banta ng climate change saPilipinas?A. Republic Act 7586B. Republict Act No. 9729C. Executive Order No. 23D. Republic Act No. 874913. Aling batas ang nagtatag sa Reforestation Administration na naglalayongmapasidhi ang mga programa tungkol sa muling paggugubat?A. Republic Act 2706B. Republic Act 2649C. Presidential Decree No. 705D. Presidential Decree No. 115314. Ang layunin ng batas na ito ay protektahan at pamahalaan ang mga kwebaat mga yaman nito.A. The Chainsaw ActB. Indigenous People’s Rights ActC. Wildlife Resources Conservation and Protection ActD. National Cave and Resources Management and Protection Act15. Sa ilalim ng Batas Republika Bilang 8371, sino sa sumusunod angkaagapay ng pamahalaan sa pangangalaga sa kagubatan?A. mga NGOB. mga pulisC. mga katutubong PilipinoD. mga forest rangers3

Aralin1Mga Isyung PangkapaligiranAng kapaligiran ay mahalagang salik sa paghubog sa pamumuhay ng mgamamamayan. Dito nanggagaling ang mga hilaw na materyales na pinagmumulan ng mgaproduktong kinukonsumo ng mga tao. Dito rin galing ang mga kalakal na panluwas upangkumita ang bansa.Sa kabila ng pakinabang na nakukuha natin mula sa kalikasan, nakalulungkot na tilaba hindi natin nakikita ang halaga nito. Nakalilimutan natin na pangalagaan ito bagkus tayopa ang dahilan ng pagkasira nito.Sa kasalukuyan, nahaharap ang Pilipinas sa samu’t saring suliraning pangkapaligiran.Ang usaping ito ay nakaaapekto sa mga mamamayan sa iba’t ibang aspekto ngkanilang pamumuhay.BalikanAng mga isyung pangkapaligiran ay isa sa mga kontemporaryong isyu na tuon ng pagaaral sa Araling Panlipunan 10. Kaya marapat na balikan mo muna ang mga uri ngkontemporaryong isyu bago mo tuluyang galugarin ang nilalaman ng modyul na ito.Gawain 2. Mind MappingBuoin ang graphic organizer sa ibaba sa pamamagitan ng pagtukoy sa iba’t-ibang uring kontemporaryong isyu.Uri ng KontemporaryongIsyu4

B. Punan ang talahanayan sa pamamagitan ng pagtukoy kung anong uri ng kontemporaryongisyu ang nakasulat sa unang hanay.IsyuUri ng Kontemporaryong isyu1. Pag-angkat ng Pilipinas ng bigas2. Paglaganap ng sakit na dengue3. Paglala ng insidente ng kahirapan4. Mga suliraning dulot ng climate change5. Pagpigil sa paglaganap ng ilegal na drogaTuklasinHanda ka na bang matuto? Sige, simulan mo na. Tiyaking masasagutan mo anglahat ng mga inihandang gawain para sa iyo.Gawain 3. Kros-SalitaBuoin ang puzzle sa ibaba sa pamamagitanng pagsagot sa mga tanong 1-5.Pagkatapos ay sagutin ang pamprosesongtanong.Mga Tanong.Pahalang1. Ang pagpuputol ng puno, pagtatabas ng mga damo, at pag-aalis ng anomangsagabal sa gubat upang maging pook agrikultural o komersiyal.2. Ang proseso ng pagkuha ng mga bato, buhangin at iba pa sa pamamagitan ngpagpapasabog, paghuhukay, o pagbabarena.3. Mga basurang nagmumula sa tahanan, sa mga bahay kalakal at sa sektor ngagrikultura.Pababa4. Ang mabilis na pagragasa ng tubig hanggang umapaw ito at makapaminsala samabababang lugar.5. Ang paraan ng pagkuha ng mga yamang mineral5

Pamprosesong Mga Tanong1. Suriin ang mga sagot sa bawat tanong. Paano kaya nagkakaugnay ang mga ito?2. Nangyayari ba ang mga ito sa iyong pamayanan?3. Sa tingin mo, nakabubuti ba ito o nakasasama sa iyong pamayanan?Pangatwiranan ang sagot.Gawain 4. Larawan-Suri.Suriin ang mga larawan sa ibaba at tukuyin kung anong suliraning pangkapaligiranang ipinapakita nito. Tukuyin at isulat din ang maaaring dahilan at epekto ng mga ito.Suliraning PangkapaligiranDahilan6Epekto

SuriinSa bahaging ito, malalaman mo ang mga isyung pangkapaligiran sa Pilipinas, mgasanhi, at epekto nito pati na rin ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan at iba pangsektor upang malutas ang mga ito. Inaasahan na pagkatapos mong basahin at suriin angteksto ay magkakaroon ka ng malawak na kaalaman sa isyung pangkapaligiran nakinakaharap ngayon ng ating bansa.Tandaan mo na anumang kaalaman ang mapupulot mo sa bahaging ito ng modyul aymagagamit mo sa pagsagot o pagtupad sa mga susunod pang mga gawain kaya basahin atunawain mo itong mabuti.PAKSA 1: Suliranin sa Solid WasteBinigyang-kahulugan ng Batas Republika Bilang 9003 na kilala bilang Solid WasteManagement Act of 2000 ang solid waste bilang mga itinapong basura na nanggagaling samga kabahayan at komersyal na establisimyento, mga non hazardous na basuranginstitusyunal at industriyal, mga basura na galing sa lansangan at konstruksiyon, mga basurana nagmumula sa sektor ng agrikultura, at iba pang basurang hindi nakalalason.Ayon sa National Solid Waste Management Status Report (2008- 2018), ang municipalsolid wastes (MSW) ay nagmumula sa residensyal, komersyal, institusyunal, at instrustriyalna establisimyento. Ayon sa ulat, pinakamalaking bahagdan nito ay mula sa mga kabahayan(56.7%). Ang mga basurang nagmumula sa mga kabahayan ay ang kitchen waste gaya ngtirang pagkain, mga pinagbalatan ng gulay at prutas at mga garden waste tulad ng damo atmga dahon. Binanggit din sa ulat na ang pinakamalaking uri ng tinatapong basura ay angtinatawag na biodegradable na may 52.31%. Halimbawa ng biodegradable na basura ay angkitchen waste at yard waste. Samantala, ang tinatawag namang mga recyclable waste aykumakatawan sa 27.78 % ng MSW gaya ng papel, plastik, bakal, bote, at bubog.Nagkakaroon ng suliranin sa solid waste sa bansa dahil sa iba’t ibang dahilan. Maramiang walang disiplina sa pagtatapon ng basura. Marami ang nagtatapon ng basura mula satahanan kung saan-saan. Tone-toneladang basura ang itinatapon sa mga ilog, estero,kalsada, at bakanteng lote na lalong nagpapalala sa pagbaha at paglaganap ng mga insektona nagdudulot naman ng iba’t ibang sakit.Nakadadagdag pa sa suliranin sa basura ang kakulangan ng kaalaman o di kaya’y dipagsunod sa tinatawag na waste segregation o pagbubukod ng basura lalo na angpagbubukod ng basura sa pinagmulan nito. Kung mahigpit sanang ipinatutupad ito gaya ngpatakarang “no segregation, no collection policy” mas madali sana ang pamamahala sa mgabasura. Mababawasan din ang trabaho ng mga waste collector dahil hindi na nila kailanganpang magsagawa ng waste segregation bago dalhin ang mga nakolektang basura sa mgadumpsite.Ang hindi maayos na pagtatapon ng basura ay nakaaapekto sa kapaligiran atkalusugan. Dahil may iba’t-ibang pinagmumulan ang basura, mapanganib para sa mga taongnakatira malapit sa mga dumpsite ang mga ito. Maaaring makakuha sila ng iba’t-ibang uri ngsakit dala ng mga insekto at pesteng naglipana sa mga basurahang ito. Ang leachate o katasng basura ay nakakokontamina sa tubig na maaring pagmulan din ng sakit ng mga tao. Angmethane gas na galing sa mga dumpsites ay hindi lamang mapanganib sa kalusugan ng mgatao kundi nagiging sanhi rin ng global warming.7

Paglutas sa Suliranin ng Solid WastePamamahala ng Basura sa PilipinasAng pamamahala ng basura (waste management) ay tumutukoy sa wastong pagkuha,paglilipat, pagtatapon o paggamit, at pagsubaybay ng basura ng mga tao. Isinasagawa itoupang mapangasiwaan ng maayos ang mga basura para maiwasan ang masasamang epektonito sa kalusugan at kapaligiran.Noong Enero 26, 2001 naging ganap na batas ang Republic Act 9003 na kilala bilangEcological Solid Waste Management Act of 2000. Nakasaad sa batas na ito ang mgaalituntunin sa wastong pamamahala ng basura at pagpapatupad ng mga programangnakatuon sa pakikiisa ng bawat mamamayan upang mabawasan ang basurang itinatapon.Ilan sa mga nilalaman ng batas na ito ay ang sumusunod: Pagtatatag ng National Solid Waste Management Commission at ng NationalEcology CenterPagtatatag ng Materials Recovery FacilityPagsasaayos ng mga tapunan ng basuraAng National Solid Waste Management Commission ang nangangasiwa sapagpapatupad ng mga plano sa pamamahala ng mga basura o ang tinatawag na Solid WasteManagement (SWM) Plan. Ito ay binubuo ng 14 na ahensya mula sa pamahalaan sapangunguna ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at 3 naman mulasa pribadong sektor. Bukod sa DENR, ang sumusunod ay ang mga ahensya ng pamahalaanna bumubuo sa NSWMC: Department of Science and Technology (DOST)Department of Public Works and Highways (DPWH)Department of Health (DOH)Department of Trade and Industry (DTI)Department of Agriculture (DA)Department of Interior and Local Government (DILG)Philippine Information Agency (PIA)Metro Manila Development Authority (MMDA)Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)Liga ng mga LalawiganLiga ng mga LungsodLiga ng mga MunisipyoLiga ng mga BarangayAng pribadong sektor ay kinakatawan naman ng mga sumusunod: Recycling IndustryPlastic IndustryNon-Government Organization8

Ang Materials Recovery Facility (MRF) ay ang pinaglalagyan ng mga nakolektangnabubulok na basura upang gawing compost o pataba ng lupa. Dito rin pansamantalanginilalagak ang mga balik-gamit (recyclables) na bagay tulad ng bote, plastic, papel, lata, at ibapa. Isinasagawa rin dito ang pagbubukod ng mga basurang nakolekta mula sa pinagmulan.Upang maayos ang pagapapatupad ng waste segregation at resource recovery,kinakailangang maisagawa ang mga sumusunod: Pagbubukod sa mga basurang nabubulok, balik-gamit, special wastes at latak,o tirang basura. Dapat magkakahiwalay ang kanilang lalagyan.Pagsunod sa iskedyul ng pangongolekta ng basuraPagkakaroon ng Materials Recovery Facility (MRF)Kung may mga special waste o recyclable dapat alam kung saan ito dadalhino pwedeng ibentaSa seksyon 48 ng batas na ito, nakasaad na ipinagbabawal ang pagtatapon opagtatambak ng anumang uri ng basura sa mga pampublikong lugar. Kabilang sa mgapampublikong lugar ay mga daan, bangketa, bakanteng lote, kanal, estero, at parke, harapanng establisimiyento, maging sa baybay-ilog at baybay-dagat. Bukod dito, marami pangipinagbabawal ang batas na ito, ilan sa mga ito ay ang sumusunod: Pagsusunog ng basuraPagpapakolekta o pagpayag sa pagkolekta ng hindi pinaghiwa-hiwalayna basuraPagtatambak/pagbabaon ng mga basura sa mga lugar na binabahaWalang paalam na pagkuha ng recyclables na may nakatalagangmangongolekta.Katuwang din ng pamahalaan ang mga Non-Government Organization sa pagharapsa suliranin sa solid waste. Halimbawa ng mga ito ay ang sumusunod:Mother Earth FoundationIsang nonprofit organization na aktibongtumutugon sa suliranin sa basura nanagsusulong ng zero waste sa pamamagitanng pagbabawas at wastong pamamahalang basura.Bantay KalikasanItinataguyodangkahalagahanngpangangalaga sa kapaligiran upang matamoang likas-kayang pag-unlad.Greenpeace PhilippinesTumutulong upang maprotektahan angkarapatan ng mga Pilipino sa balanse atmalusog na kapaligiran.9

Gawain 5. Kumpletuhin MoPunan ang graphic organizer sa ibaba batay sa iyong naunawaan mula sa binasangteksto. Sagutin din ang mga kasunod na mga aano ng IbaPang SektorAng AkingMungkahingSolusyonPamprosesong mga Tanong1.2.3.4.Ano ang solid waste? Gaano kalala ang suliranin sa solid waste sa Pilipinas?Bakit nagkakaroon ng suliranin sa solid waste sa ating bansa?Paano tinutugunan ng pamahalaan at ng iba pang sektor ang suliraning ito?Sa iyong palagay, mabisa ba ang mga programa o patakaran ng pamahalaan upangmalutas ang suliranin sa solid waste? Pangatwiranan ang sagot.Gawain 6. Pahayag Ko, Tukuyin MoSagutin ang sumusunod na pahayag o katanungan batay sa mga kaalamang napulot mula satekstong binasa.1. Dito nagmumula ang pinakamalaking bahagdan ng mga itinatapong basuraaraw-araw.2. Ito ang dapat gawin ng mga mamamayan upang maayos ang pagtataponng mga basura sa mga dumpsites.3. Ang wastong pangongolekta, paglilipat o pagtatapon ng basura ng mga taoupang mapangasiwaan ito nang maayos at maiwasan ang masasamangepekto nito sa kalusugan at kapaligiran.4. Pinagtibay ang batas na ito upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’tibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa.5. Dito isinasagawa ang pagbubukod ng mga basura bago ito dalhinsa mga dumpsite.6. Ito ay katas ng basura na mapanganib sa kalusugan.7. Ito ay nilikha ng Batas Republika Bilang 9003 na siyang nangangasiwa sapagpapatupad sa plano ng solid waste management.8. Halimbawa ng mga basurang nagmumula dito ay ang mga pinagbalatanng gulay at prutas, mga tinabas na damo at dahon mula sa bakuran.9. Ito ay isang Non-Government Organization na nagsusulong ngzero waste.10. Ang ahensya ng pamahalaan na nangunguna sa National WasteManagement Commission.10

PAKSA 2: Pagkasira ng mga Likas na YamanSagana ang Pilipinas sa likas na yaman. Malaki ang pakinabang na nakukuha ng atingbansa mula rito. Maraming Pilipino ang kumikita mula sa direktang paggamit ng mga likas nayaman tulad ng pagtatanim at pangingisda. Ito rin ang pinagmumulan ng mga hilaw namateryales na ginagamit sa pagbuo ng mga produkto sa iba’t ibang pagawaan o pabrika.Sa kabila ng pakinabang na nakukuha mula sa mga likas na yaman, patuloy itongnasisira at nauubos dahil sa mapang-abusong paggamit dito. Ang pagtaas ng demand dahilsa lumalaking populasyon, hindi epektibong pagpapatupad ng mga programa at batas parasa pangangalaga sa kalikasan, at mga natural na kalamidad ay banta rin sa likas na yaman.Paghahawan ng Kagubatan o DeforestationAyon sa lathalain na inilabas ng Senado ng Pilipinas na pinamagatang PhilippineForests At a Glance noong 2015, ang kagubatan ng Pilipinas ay sumasaklaw ng mahigit sakalahati (57%) ng kabuuang kalupaan ng bansa noong 1934. Noong 2010, ito ay nabawasanat naging 23% o mga 6.8 milyong ektarya na lamang. Ang datos na ito ay nakababahala dahilipinapakita nito na napakabilis ang pagkaubos ng ating kagubatan.Ang kagubatan ay isa sa pinakamahalagang pinagkukunang –yaman ng bansa. Hindilamang ito nagsisilbing tahanan ng iba’t ibang uri ng hayop kundi nagbibigay din ito ngkabuhayan sa mga tao. Nakatutulong din ito upang maiwasan ang pagguho ng lupa, atnagsisilbing proteksyon sa mga water sheds. Bukod sa mga ito, nakatutulong din ang mgakagubatan sa mitigasyon ng climate change.Sa kabila ng mga pakinabang na nakukuha mula sa mga kagubatan ay patuloy pa rinang deporestasyon o pagkaubos nito. Ayon sa Food and Agriculture (FAO), angdeporestasyon ay ang pangmatagalan at permanenteng pagkasira ng kagubatan dulot ng iba’tibang gawain ng tao. Halimbawa ng gawaing ito ay ang ilegal na pagtotroso, ilegal napagmimina, migrasyon, mabilis na paglaki ng populasyon at fuel harvesting.Ang pagkaubos o pagkasira ng kagubatan ay may malaking epekto hindi lamang saforest ecosystem kundi pati na rin sa iba pang ecosystem na may kaugnayan dito. Dahil sapagkasira ng kagubatan, naging mas madalas ang mga pagbaha at pagguho ng mga bundok.Iniaanod ang mga lupa mula sa pagguho patungo sa mga daan, kabahayan, bukirin at saiba’t-ibang anyong tubig. Ang paglala ng mga suliraning dulot ng climate change ay iniuugnayrin sa deporestasyon dahil sa epekto nito sa carbon cycle. Tumitindi ang init na nararanasandahil wala nang punong nagbabalanse sa lamig at init. Ang mga mahihirap na umaasa sakagubatan ang higit na apektado ng deforestation. Ang patuloy na pagliit ng forest cover aynagpapaliit din sa pinagkukunan nila ng kabuhayan11

Mga Programa at Pagkilos Upang Mapangalagaan ang Yamang LikasDahil sa patuloy na pagkasira ng kagubatan at iba pang mga pinangkukunangyaman, maraming batas ang ginawa upang matuldukan na ang mga ito. Maraming batas angpinagtibay sa iba’t ibang panahon na may layuning pangalagaan ang likas na yaman ng atingbansa. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:BatasBatas RepublikaBilang 2706Probisyon Itinatag ang Reforestation AdministrationLayunin nito na mapasidhi ang mga programa parasa reforestation ng bansa.Ipinag-utos ang pagsasagawa ng reforestationsa buong bansa kasama ang pribadong sektor.Ipinagbawal din ang pagsasagawa ng sistema ngpagkakainginPresidential Decree705Batas RepublikaBilang 7586National IntegratedProtected AreasSystem Act of 1992 Idineklara ang ilang pook bilang national parkkung saan ipinagbawal dito ang panghuhuli nghayop, pagtotroso, at iba pang komersyal nagawain ng tao.Batas RepublikaBilang 8749Philippine Clean AirAct of 1999 Itinataguyod nito ang pagtugon sa suliranin sapolusyon sa hangin sa pamamagitan ngpakikipagtulungan ng mga mamamayan at mgaindustriya. Layunin ng batas na ito na ingatan at protektahanang mga kuweba at ang mga yaman nito bilangbahagi ng likas na yaman ng bansa. Binibigyang proteksyon ng batas na ito angpangangalaga sa mga wildlife resources at sakanilang tirahan upang mapanatili ang timbang nakalagayang ekolohikal ng bansa. Ipinagbawal ng batas na ito ang paggamit ngchainsaw upang matigil ang ilegal na pagtotrosoat iba pang gawaing nakasisira ng kagubatan.Batas RepublikaBilang 9072 “National Caves andCave ResourcesManagement andProtectionAct”.Batas RepublikaRepublika Bilang9147“Wildlife ResourcesConservation andProtection Act”Batas RepublikaBilang 9175 - “TheChainsaw Act”.12

Republic Act 8371 o“IndigenousPeople’s Rights Act”(IPRA)Proclamation No.643 Ang batas na ito ay naglalayong protektahan atingatan ang mga yamang gubat sa nt (SFM). Batas na nagtataguyod at kumikilala sa karapatanng mga katutubo at sa kanilang kontribusyon sapangangalaga sa kapaligiran. Ipinahayag ang June 25 bilang Philippines ArborDayHinakayat ang pakikiisa ng lahat ng ahensya ngpamahalaan, pribadong sektor, paaralan, NGO, atmga mamamayan upang makihalok sa pagtatanimng puno. Executive Order No.23 Ipinatigil ang pagputol ng puno sa natural atresidual na kagubatan. Ipinag-utos din angpaglikha ng anti-illegal logging task force.Executive Order No.26 Ipinahayag ang pangangailangan sa pagtutuluganng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para saNational Greening Program.2. Pagmimina o MiningAng pagmimina o mining ay ang gawain kung saan ang iba’t ibang mineral tulad ngmetal, di-metal, at enerhiyang mineral ay kinukuha at pinoproseso upang gawing tapos naprodukto.Maraming minahan sa Pilipinas. Sa mga key biodiversity areas tulad ng Palawan,Mindoro, Sierra Madre, at Mindanao matatagpuan ang 23 malalaking minahan sa bansa ayonsa 4th Philippine National Report to the Convention on Biological Diversity (2009).Sa kabila ng mga benepisyong nakukuha mula sa pagmimina ay marami itongmasamang dulot sa kalikasan. Ang mga ilog, lawa, at iba pang anyong tubig aynakokontamina

Unang Markahan – Modyul 2: . 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul

Related Documents:

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

Unang Markahan – Modyul 10: Komunikasyon ng Pamilya Unang Edisyon, 2020 . ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay . Ngayon ay nasa ikalawang aralin ka ng modyul na ito. Huwag m

Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Mga Hakbang Sa Pagbuo Ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan Unang Edisyon, 2020 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na: “Hindi maaaring magkaroon ng kar

Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anoman

Musika – Unang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Sukat ng Pulso Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng kar

Ang mga Coronavirus ay isang malaking pamilya ng mga virus at napangalanan ang mga ito ng ganito dahil sa crown-like spikes na nasa labas nito. Ang mga ito ay pangkaraniwang uri sa mga hayop, tulad ng mga camel, baka, pusa, at mga paniki. Bihira na ang mga coronavirus ng mga hayop ay malilipat sa mga tao at kakalat mula tao sa tao.

Filipino – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 13: Paggamit ng Malaki at Maliit na Letra at mga Bantas Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anoman

Center for Japanese Language, Waseda University Japanese Language Program Admission Guide *This program is not a preparatory course for students intending to enroll in Undergraduate or Graduate programs in Japanese universities. April admission/September admission Center for Japanese Language, Waseda University Center for Japanese Language, Waseda University Address: 1-7-14, Nishi-waseda .