Unang Markahan – Baitang 1 Supplemental Lesson Plan

2y ago
80 Views
3 Downloads
2.24 MB
19 Pages
Last View : 4d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Xander Jaffe
Transcription

Unang Markahan – Baitang 1Supplemental Lesson PlanAralin 1 – Sa Hukuman ng DiwataA.PANIMULA1.Pagtukoy sa Dating KaalamanMaghahanda ng mga larawan ng hayop.Magtatanong sa mga mag-aaral kung ano-ano angmga hayop na alam nila, idikit ang mga larawangnaihanda mo kung nabanggit ng mag-aaral, anghindi alam ng mag-aaral na larawan ay hayaan natingitanong nila sa iyo.2.PalaisipanItanong:Ano-ano ang hayop na maaaring manirahan salupa at sa tubig?Sagot:Palaka, Bibe, Alimasag, Talangka, Ahas3.Pagpapaawit at pagpapakilos ng nilalamanng awit.Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Hayaangmakapagisip sila ng kilos ayon sa pangalan ngkanilang pangkat.Unang Pangkat: PanlupaPangalawang Pangkat: PantubigPangatlong Pangkat: Maaaring Panlupa o PantubigKamusta PoHalina at magsayaUmikot nang umikot at humanap ng ibaLakad sa kananLakad sa kaliwaUmikot nang umikot at humanap ng ibaPamantayangPangnilalaman:Ang mag-aaral aymagpapamalasng kakayahangmakaunawa ngpabula, alpabeto, atbabala.Pamantayan saPagganap:Naisasagawa ngmag-aaral angpagtatanongtungkol sa larawan,makagamit ng mgamagagalang na salitaat makaunawa ngpabula, babala, atalpabeto.Mga KasanayangPampagkatuto:1. Nasasagot angmga tanongtungkol sanapakinggangpabula2. Nakapagtatanongtungkol sa isanglarawan3. Nagagamitang magalangna pananalitasa angkop nasitwasyon,pagpapakilala ngsarili4. Nasasabi angmensaheng1

B.KATAWANKasanayang PampanitikanBabasahin ang kuwento at makikinig ang mag-aaral.1.PabulaAng pabula ay kuwento na ang mga tauhan onagsisiganap ay mga hayop.Sa Hukuman ni Diwatang si Mariang SinukuanSi Mariang Sinukuan ang diwata ng kagubatan.Siya ang nangangalaga sa mga hayop na nakatiradoon. Isang araw, dumating si Martines, umiiyak nanagsumbong kay Mariang Sinukuan dahil nabasagang kanyang itlog dahil kay Kabayo.Mariang Sinukuan: Tawagin si KabayoAt dumating si Kabayo Mariang Sinukuan: Bakit ka dumamba nangdumamba kaya nabasag ang mga itlog ni Martines?Kabayo: Kasi po nagulat ako sa pagkokak ni Palaka.Mariang Sinukuan: Tawagin si PalakaAt dumating si Palaka Mariang Sinukuan: Bakit ka kumokak nang kumokakkaya nagulat si Kabayo at dumamba nang dumambakaya nabasag ang mga itlog ni Martines?Palaka: Kasi po natakot ako kay Pagong dahil daladala niya ang bahay niya at baka ako mabagsakan.Mariang Sinukuan: Tawagin si PagongAt dumating si Pagong Mariang Sinukuan: Bakit mo dala-dala ang bahay mokaya natakot si Palaka na mabagsakan ng bahay atkumokak ito nang kumokak, nagulat tuloy si Kabayokaya dumamba ito nang dumamba kaya nabasagang mga itlog ni Martines?2nais ipabatid ngnabasang pananda,patalastas, babala opaalala5. Nakasusulat nangmay tamang laki atlayo sa isa’t isa angmga letra6. Napagsusunodsunod ang mgaalpabeto7. Nagagamit angwika bilangtugon sa sarilingpangangailanganat sitwasyon

Pagong: Kasi po natakot ako kay Alitaptap dahil maydala siyang apoy at baka masunog ang bahay ko.Mariang Sinukuan: Tawagin si AlitaptapAt dumating si Alitaptap Mariang Sinukuan: Bakit ka may dalang apoy kayanatakot si Pagong at dinala ang bahay niya, natakottuloy si Palaka kaya kumokak ito nang kumokak, kayanagulat si Kabayo at dumamba ito nang dumambakaya nabasag ang mga itlog ni Martines?Alitaptap: Kasi po natakot ako kay Lamok dahil maydala siyang gulok at apoy lamang ang panlaban ko sakanya para hindi niya ako malapitan.Mariang Sinukuan: Tawagin si LamokAt dumating si Lamok Mariang Sinukuan: Bakit ka may dalang gulok kayanatakot si Alitaptap kaya nagdala siya ng apoy,natakot tuloy si Pagong kaya dinala ang bahayniya, kaya natakot si Palaka kaya kumokak ito nangkumokak, nagulat tuloy si Kabayo kaya dumambaito nang dumamba kaya nabasag ang mga itlog niMartines.Lamok: Kasi po galit ako kay Talangka dahil sinipitniya ako noong dumaan ako sa bahay niya kayapinaghahanap ko siya ngayon para makaganti (galitna paliwanag ni Lamok). Nagkagulo sa kagubatan,nagdadadamba si kabayo, lumipad si Alitaptap,mabilis na lumakad palayo si Pagong at kumokaknang kumokak si Palaka. Nagalit din ang Diwata.Mariang Sinukuan: Magsitigil kayong lahat. Lamok,ikaw ay marahas at mapaghiganti. Kung maynagkasala sa iyo, dapat ay nagsumbong ka sa akinat ako ang magpapataw ng kaukulang parusasa nagkasala. Bilang parusa dahil nagkagulosa hukumang ito at nabasag ang mga itlog niMartines, ikaw ay kailangang magbayad sa kanyaat ipinagbabawal ko na sa iyo ang pagdadala nggulok. Ipinagbawal na rin kay Martines na gumawa3

at maglagay ng pugad sa lupa. At si Talangka aykailangang magpakita sa akin upang malaman niyana ipinagbabawal ko ang paninipit na makasasakitng kanyang kapwa.2.PalaisipanIpakilala ang mga hayop at itanong sa mgamag-aaral kung nakakita na ba sila nito. Itanongdin kung ano ang mga huni at kilos o nagagawanito bilang hayop. Halimbawa: Ang kabayo ay maytunog na wheeeehehehe at ito ay tumatakbo lalo nasa karera ng mga kabayo o kaya naman ay sa karitela.3.Pagpapalawak ng TalasalitaanIpatutukoy sa mga mag-aaral ang pangalan nghayop ayon sa pagsasalarawan sa kanila sa ka1. dumadamba2. may dalang apoy3. kumokokak4. isang uri ng ibon5. naninipit3.Ipasulat ang mga pangalan ng hayop ayon sapagkakasunod-sunod ng letra ng alpabeto.Kabayo, Alitaptap, Palaka, Martines, Talangka4

4.Anong salitang paggalang ang ginamit ng mgahayop kapag sumasagot sa tanong ni MariangSinukuan?5.Kung ikaw ay naatasan ni Mariang Sinukuanna magbigay ng babala para laging maalala niMartines, Lamok, at Talangka ang ipinagbabawalsa kanila, ano-ano ang ilalagay mo? Halimbawang babala ay:BAWAL MAGTAPONNGBASURA DITO4.1.Para kay Lamok2.Para kay Talangka3.Para kay MartinesKasanayang kasanayangAng Magalang na PananalitaPo – ginagamit upang maging magalang angpangungusap– karaniwang matatagpuan pagkatapos ngunang salita– hindi maaaring makapag-isa bilangpagsagot sa positibong tanong5

– ipinalalagay ito sa pangungusap kung masmatanda sa edad ang nakikipag-usap bilangpaggalangOpo – ay positibong sagot sa tanong– tumatayong pangungusap kaya maaaringwala ng kasunod na mga salita5.PagpapayamanPagpapakita sa mga mag-aaral kung kailanginagamit ang po at opoKung kakausap ng hindikilalang taoKung angkauusapin ay nasaopisina, paaralan, otanggapanKung mas matandaang kausapKung ang kausap aymga pari o madreKapag sasagot ngteleponoKapag kinakausap angDiyos, magulang, o guro6.Pagpapalawig: Ipaliliwanag ang gagawingpagpapasadula ng mga sitwasyong makikitaan ngpaggalang.Pangkatang Gawain: Magsasadula batay sasitwasyon at paggamit ng po at opo.Pangkat 1: Sa loob ng paaralanPangkat 2: Sa loob ng simbahanPangkat 3: Sa loob ng bahayPangkat 4: Sa loob ng BarangayPangkat 5: Sa loob ng opisina6

C.KONGKLUSYON1.Sasabihin ang pinakabuod ng aralin.Ang paggamit ng po at opo ay hindi lamangpara sa may edad, bagkus isinasaalang-alang dinang posisyon at lugar kung saan magsasalita. SiMariang Sinukuan ay isang diwata o reyna ngKagubatan kaya gumamit din ng po at opo angmga nasasakupan niya.2.Ipaliliwanag kung ano ang nararapat gawin sakaniyang itatakda.Takdang AralinGumupit ng mga larawan ng tao, bagay, hayop, atlugar. Tig-iisa lamang.Idikit ang larawan sa kartolina na sinlaki ng ?(Paghahanda ito para sa Pinoy Henyo kinabukasan)Rubrik sa Pagmamarka sa Dula-Dulaan1. Tamang Sitwasyon40%2. Paraan ng Presentasyon10%3. Kaayusan ng Presentasyon30%4. Orihinalidad (Walang Hawig sa Kaklase)5%5. Wastong Tono, Intonasyon, at Pagbigkas15%KABUUAN100%7

Aralin 2 – Ako’y PinoyA.PANIMULAMaghanda ng mga larawan ng batanglumalakad, tumatakbo, umuupo nang maayos saupuan. Ipaskil ang mga larawan sa pisara at ituroang kanta sa tono ng Kamusta Ka. Ipakanta ito samag-aaral nang sabay-sabay. Hatiin ang klase sa 2pangkat.PalaisipanKung nagkasalubong kayo ng iyong kaibigan,ano ang iyong itatanong sa kanya?Sagot: Kamusta ka?B.KATAWAN1.Kasanayang PampanitikanIpaawit sa mag-aaral sa tono ng “KamustaKa!” Hatiin sa tatlong pangkat ang klase. Kailanganipakilos sa bawat pangkat ang sinasaad ng awit.Unang Pangkat:Kamusta po halina at magsayaUmikot nang umikot at humanap ng ibaLakad sa kanan lakad sa kaliwaUmikot nang umikot at humanap ng ibaIkalawang Pangkat:Kamusta po halina at magsayaUmikot nang umikot at humanap ng ibaTakbo sa kanan takbo sa kaliwaUmikot nang umikot at humanap ng ibaIkatlong Pangkat:Kamusta po halina at magsayaUmikot nang umikot at humanap ng ibaUpo sa kanan upo sa kaliwaUmikot nang umikot at humanap ng iba8PamantayangPangnilalaman:Ang mag-aaral aymagpapamalasng kakayahangmakaunawa ngnilalaman ng aklatbatay sa pabalatat natutukoy angkahulugan ng kilos.Pamantayan saPagganap:Naisasagawa ng magaaral ang pagkilos sanapakinggang awit atnabibigkas ng wastoang alpabeto.Mga KasanayangPampagkatuto:1. Naisasakilos angnapakinggang awit2. Nabibigkas nangwasto ang tunogng bawat letra ngalpabetong Filipino3. Natutukoy angkahulugan ng salitabatay sa kumpas,galaw, ekspresyonng mukha, atugnayang salitalarawan4. Nasasabi angnilalaman ng aklatbatay sa pabalat5. Naipamamalasang paggalang saideya, damdamin,at kultura ng mayakda ng tekstongnapakinggan onabasa

Sabihin: Ang mga salitang “Kumusta ka” ay isangekspresyon na karaniwang sinasabi ng mga Pilipino.Naipahahayag ng katagang ito ang kulturang Pilipinona pagiging magalang at nakikiisa sa kaniyangkapuwa. Nagagamit din ang wikang ito upangmakipag-kaibigan.Pagbasa (Pagpapakanta sa mag-aaral ng Ako’y IsangPinoy)Bago ipabasa o ipaawit, sabihin sa mag-aaralna bukod sa ekspresyong “Kumusta ka,” maramingparaan pa upang makilala ang kultura ng isangPilipino. Maaari itong makita sa titik ng awiting “Ako’yIsang Pinoy.”2.AwitAng awit ay parang isang tula na maaaring maytugma at sukat na nilapatan ng tunog at ritmo.Ako’y Isang PinoyAko’y isang Pinoy sa puso’t diwaPinoy na isinilang sa ating bansaAko’y hindi sanay sa wikang mga banyagaAko’y Pinoy na mayroong sariling wika.Koro:Wikang pambansa ang gamit kong salitaBayan kong sinilanganHangad kong lagi ang kalayaan.Si Gat Jose Rizal nuo’y nagwikaSiya ay nagpangaral sa ating bansaAng hindi raw magmahal sa sariling wikaAy higit pa ang amoy sa mabahong isda.Itanong ang sumusunod upang magkaroon ngmalayang talakayan.a.Sino ang nagsabing, “Ang hindi magmahalsa sariling wika ay higit pa ang amoy samabahong isda?”9

3.b.Paano masabing ikaw ay isang Pinoy?c.Ano ang wikang ginagamit ng isang Pinoy?d.Ano ang mensaheng gustong sabihin ngsumulat ng tula?e.Ano naman ang mungkahi mo upangmaipakita ang pagpapahalaga sapagiging Pinoy?Pagpapalawak ng Talasalitaana.Ipatukoy sa mag-aaral ang kahulugan ngmakikita sa bawat larawan. Ibigay angkahulugan ng mga larawang nagpapakitang madalas na aksiyon ng isang onimos-next-one-concertof.html10

b.Sabihin sa mag-aaral na makikita rin sa iba’tibang aklat ng mga kuwento ang kulturangPilipino. Ipakita ang mga pabalat ng aklatat ipahula ang mga pamagat o nilalamanng kuwentong tungkol sa Pilipino.c.Ipatukoy ang pamagat ng aklat batay salarawan ng pabalat. Isulat ang sagot satapat ng n4.Kasanayang PanggramatikaSabihin sa klase na ang pangalan nila ayisa ring paraan upang maipakilala ang kanilangpagka-Pilipino. Bukod sa buong pangalan, masnais nating tawagin sa palayaw ang isang tao.Gamitin ang alpabeto sa tamang pagbigkas atbaybay ng iyong palayaw.Pagpapabigkas nang wasto ng bawat letra ngalpabetong Filipino11

5.PagpapayamanIsulat ang iyong palayaw at bigkasin angbaybay sa klase.Halimbawa:Buong Pangalan: Christeline AnnePalayaw:KriziBaybay:key-ar-zi-ayBuong Pangalan: Francis LouisPalayaw:FranzBaybay:ef-ar-ey-en-ziSagot:Buong Pangalan:Palayaw:Baybay:6.PagpapalawigHahatiin ang klase sa tatlong pangkatupang magkaroon ng iba’t ibang gawain ayonsa kanilang interes.Pangkatang gawain: Pumili ng isangkuwento na nakuha mula sa pabula, napanoodsa TV o napakinggang awit na tumatalakay sakulturang Pilipino. Kung gagawing isang aklatang kuwento, gawan ito ng pabalat. Iguhit atkulayan ito.Pangkat 1: Mga halimbawa ng pabulangnabasaPangkat 2: Mga halimbawa ng pelikulangnapanoodPangkat 3: Mga pamagat ng paboritong awit12

C.KONGKLUSYONIpaalala:1.Ang pagsasanay ng wasto at malinaw na bigkasay nakasalalay sa paulit-ulit na pagsasagawanito.2.Maging isang batang nagmamalaki sa iyongkulturang Pilipino.3.Maging batang Pilipinong mahilig magbasa.Takdang AralinGumupit ng mga larawan ng iba’t ibang ekspresyonng mukha ng mga Pilipino at isulat kung anong ekspresyonang isinasaad ng larawan at baybayin ito batay sa bigkas.Magbigay ng 10 halimbawa.Rubrik sa Pagmamarka sa Dula-Dulaan1. Tamang ekspresyon20%2. Tamang baybay20%3. Tamang bigkas30%4. Maayos na larawan15%5. Maayos na takda15%KABUUAN100%13

Aralin 3 – Ang Mayang si ElenaA.PANIMULAMagpakita ng larawan ng tatlong maya, isangnanay na maya, tatay na maya, at batang maya. Salarawan ay nagbibilin ang Nanay at Tatay na mayana huwag siyang lilipad sapagkat mahina pa angkanyang mga batang pakpak.PalaisipanPamantayangPangnilalaman:Ang mag-aaral aymagpapamalasng kakayahangmatukoy angpangngalan,pamagat ng akda,may-akda, attagaguhit ng akda.Ano ang kuwento ng larawan?Sagot:a.Nagmamahalang pamilya ng mga mayab.Nangangaral na nanay sa batang mayaPamantayan saPagganap:Naisasagawa ngmag-aaral angpagsulat ng letranang may tamanglaki at espasyo,naguguhit angnaibigang bahaging kuwento,naiuulat angmga pangyayarisa paaralan, atnakabibilang ngsalita sa loob ngpangungusap.Mga KasanayangPampagkatuto:1. Naiguguhit angnaibigang bahaging kuwentoB.KATAWAN1.PagbasaPabulaAng pabula ay kuwento na ang mgatauhan o nagsisiganap ay mga hayop.142. Nagagamitnang wasto angpangngalansa pagbibigayng pangalan

Ang Kuwento:Ang Pagsuway ng Mayang si ElenaSi Elena ay isang batang Maya. Madalas siyanginiiwan ng kanyang ama at inang Maya upangmaghanap ng makakakain para sa kanilang pamilya.Sa tuwing aalis ang kanyang mga magulang, ang bilinnila ay huwag munang lumipad sapagkat mahina paang kanyang batang pakpak.Ngunit, madalas pa rin siyang nagsasanaylumipad tuwing aalis ang magulang sapagkat gustoniyang mabilis na matuto at sumama sa inaakalangpamamasyal ng mga magulang. Kaya naman, nangmakalipad siya sa kabilang bahagi ng puno, angkanyang kabagalan sa paglipad ay naging madalisa mga namamaril ng ibon upang makapagpraktislamang ng pamamaril. Nabaril ang batang maya.Malaki ang tinamo niyang sugat. Mabuti na lamangat nakita siya ng isang batang mabait. Pinulot siyanito at inalagaan hanggang sa gumaling.Matagal na hindi nakita ng magulang niya siElena. Nagkita lamang sila nang gumaling at palayainsiya ng batang nag-alaga. Simula noon, hindi na siyasumuway sa kaniyang magulang.ng tao, bagay,hayop, lugar atpangyayari4. Nabibilang angsalita sa isangpangungusap5. Natutukoy angpamagat, mayakda, tagaguhitng aklat okuwento6. Nakasusulat ngmalaki at maliitna letra7. Napahahalagahanang tekstongpampanitikan sapamamagitanng aktibongpakikilahok sausapanPalaisipanAng pagsunod sa magulang ay pag-iwas sakapahamakan.a.Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod namga tanong upang magkaroon ng talakayan. Ano ang ugali ni Elena? Ano ang bilin na sinuway ni Elena? Bakit sinuway ni Elena ang bilin ngmagulang? Ano ang nangyari sa kaniyang pagsuway? Ikaw, anong bilin o paalala ng magulangmo ang madalas mong hindi sinusunod?Bakit?15

b.Bakit kaya palaging ipinaaala ito sa iyo ngiyong mga magulang?PagpapaguhitIpaguhit sa mga mag-aaral ang bahagi ngkuwento na naibigan niya.c.Mayroon na bang inutos ang magulang mo nahindi mo sinunod? Iguhit ito sa loob ng kahon.d.PagpapasulatIsulat ang pangalan ng mga tauhan sa kuwentogamit ang maliit at malaking titik.e.Ilan ang bilang ng mga salita sa loob ngpangungusap? Isulat sa kahon ang tamangsagot.Ang nanay at ang tatay ng mayang si Elena aynagbibilin na huwag munang lumipad.16

2.Kasanayang Pampanitikan:Lilinangin ang kasanayanpampanitikan ng mga mag-aaral.atkaalamangSi Elena na isang ibong maya ay isa lamangkarakter ng kuwentong pambatang Pilipino. Higit napopular na ibong karakter ang makikita sa larawan.Tingnan ang pabalat ng aklat at subukang tukuyinang pamagat, sumulat ng kuwento, at ang gumuhitng larawan sa pabalat.http://pinoyculture.flyingcart.com/?p detail&pid 1117&cat id Pamagat:Nagsalaysay:Gumuhit:3.Kasanayang PanggramatikaIpaliliwanag ang pangngalan, pagkatapos ayipagagawa ang gagawing pagpapayaman.Pangngalan–ay salita o bahagi ng pangungusap natumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook,hayop, at pangyayari.–ay salitang nauunawaan, kung hindimaunawaan, hindi ito salita–kaiba ito sa pangalan na tiyak na ngalanng tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari17

Halimbawa:Pangngalang PambalanaPangalang ylapisMongolPooksiyudadMakatiPangyayariespesyal na araw4.Araw ng KagitinganPagpapayamanPagpapasagot sa bawat pangkat: Magbigay ngtigsasampung halimbawa ng pangngalan.Pangkat 1: BagayPangkat 2: PookPangkat 3: PangyayariPangkat 4: Hayop5.PagpapalawigIpaliliwanag na magkakaroon ng isang maiklingpagtatanghal ang bawat pangkat upang ipakita angpangngalan ng kanilang grupo. Maaaring gawan dinito ng cheer.Pangkatang Gawain: Magsasadula batay sapangngalan ng bawat grupo. Bumuo ng kuwentokung paanong magsasalita ang bawat pangngalan.Pangkat 1: BagayPangkat 2: PookPangkat 3: PangyayariPangkat 4: Hayop18

C.KONGKLUSYONIbuod ang natapos na aralin:Ang pangngalan ay mga salitang tumutukoysa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari.Mga salitang nauunawaan, may pagkakakilanlan, atmailalarawan.Makikita sa pabalat ng aklat ang pamagat, mayakda, at ang tagaguhit.Takdang AralinMaghanap ng larawan ng inyong bahay, maaaringfamily picture, o paboritong bahagi ng inyong bahay.(Paghahanda ito para sa pagpapaliwanag kinabukasan).Sa larawan, ipaliwanag kung bakit iyon ang napili, at kungano-ano ang pangngalan na makikita sa larawan.Rubrik sa Pagmamarka sa Pagpapaliwanag1. Tamang pangngalan40%2. Paraan ng presentasyon10%3. Kaayusan ng presentasyon30%4. Orihinalidad (Walang hawig sa kaklase)5%5. Wastong tono, intonasyon, at pagbigkas15%Kabuuan100%19

Unang Markahan – Baitang 1 Supplemental Lesson Plan 1. nais ipabatid ng nabasang pananda, patalastas, babala o paalala 5. Nakasusulat nang may tamang laki at layo sa isa’t isa ang mga letra 6. Napagsusunod-sunod ang mga alpabeto 7. Nagagamit ang . Ikatlong Pangkat: Kamusta

Related Documents:

Musika – Unang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Sukat ng Pulso Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng kar

Filipino Baitang 7 Ikatlong Markahan. 2. 3 Ikatlong Markahan Baitang 7 Supplemental Lesson Plan 1 Panitikang Luzon: Larawan ng Pagkakakilanlan Aralin 1: Mga Tulang Panudyo, Tugmang de Gulong, Palaisipan/Bugtong A. Panimula Ipasagot sa mga mag-aaral ang palaisipan.File Size: 1MB

Filipino Baitang 8 Ikaapat na Markahan. 2. 3 Ikaapat na Markahan Baitang 8 Supplemental Lesson Plan Aralin 1: Sa Isang Madilim at Mapanglaw na Gubat Florante at Laura (Saknong 1–68) A. Panimula Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang masasabi nila sa kalagayang pampolitika ng bansa:File Size: 1MBPage Count: 23

Ang Araling Asyano sa baitang 7, Araling Pandaigdig sa baitang 8, Ekonomiks sa baitang 9, Mga Kontemporaryong Isyu sa baitang 10, at_ sa baitang 11 at_ sa baitang 12. Makatutulong ang kaalaman tungkol sa ibang bansa sa pag-unawa ng lugar at papel ng Pilipinas sa rehiyon at mundo, at kung paano maaaring kumilos ang Pilipino at ang bansa .

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Katapatan sa Sariling Opinyon Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan

Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Mga Hakbang Sa Pagbuo Ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan Unang Edisyon, 2020 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na: “Hindi maaaring magkaroon ng kar

Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaro

This is a digital copy of a book that was preserved for generations on library shelves before it was carefully scanned by Google as part of a project