MGA SANGKAP SA PAGSULAT - Lrmds.depedldn

3y ago
262 Views
8 Downloads
434.96 KB
9 Pages
Last View : 2d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Esmeralda Toy
Transcription

MGA SANGKAP SA PAGSULATSa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang magagamit moang wastong bantas sa paghihiwalay ng mga salitang sunudsunod sa isang serye, paghihiwalay ng bayan sa lalawigan attuwirang sabi ng tauhan.Pagbalik-aralan MoMay iba pang uri ng bantas na pag-aaralan mo.Ngunit bago iyon, magbalik-aral muna tayo sa mga bantas natuldok, pananong at pandamdam.A. Pansinin ang gamit ng bantas na tuldok, tandang pananong atpandamdam. Isulat sa sagutang papel kung Tama o Mali angpagkakagamit ng bantas. Kung Mali isulat ang tamangBantasTama1. Nilinis ng mga bata ang kanal.Magsimula rito:1. Dumalo ka ba sa pulong kagabi.2. Ipinaliwanag ni G. Montes ang paggawa ng kompost.3. Huwag lutuing mabuti ang mga gulay upang hindi mawala angsustansiya.4. Hugasan ang gulay bago hiwain?5. Ay, nabitiwan niya ang baso?B. Kopyahin ang pangungusap sa sagutang kuwaderno.Lagyan ng tamang bantas ang bawat pangungusap.1. Ang aming pamayanan ay nagkakaisa2. Ganito rin ba sa inyong pamayanan3. Ang namumuno ay nagpapakita ng magandang halimbawa sa amingpamayanan4. Pagyamanin ang kaunlaran ng nayon1

5. Naku, nakalimutan ko ang ipinabibili mo6. Ang paggamit ng pataba ay nakapagpapalusog sa mga halaman7. Magaganda at malulusog ang ani nilang gulay8. May palaisdaan din ba kayo9. Sayang, nasira ng bagyo ang taniman10. Sama-sama nating paunlarin ang ating kabuhayanGanito ba ang mga sagot mo?A.1. MaliB.1. .6.2. Tama2. ?7.3. Tama3. .8.?4. Mali4. .9.!5. Mali5. !10. .Tama bang lahat ang sagot mo?Binabati kita kung gayon.Magaling! Maaari ka nang magpatuloy.Kung hindi, balikan kung saan ka nagkamali. Maaari mo ring balikan angModyul sa Paggamit ng Tuldok, Pananong at Pandamdam.Pag-aralan MoAno ang tawag dito,?Kuwit ito, hindi ba?Ginagamit ba ang kuwit (,) sa iyong pagsulat?Paano?Pag-aralan natin.2

A. Basahin at suriin ang gamit ng kuwit.1. Ang carrot, kalabasa, dahon ng sili, malunggay, ampalaya, at kulitisay mga pagkaing sagana sa Bitamina A.2. Ang kulitis, pechay, mustasa, at kangkong ay mga madahonggulay.3. Ang Pilipinas ay mayaman sa mina, kahoy, at mga produktonggubat.Napansin mo ba ang gamit ng kuwit?Tingnan ang mga pangungusap. Naririto ang serye ng mga salita. Ano angnaghiwalay sa mga salita sa serye? Nilalagyan ng kuwit ang pagitan ng mgasalitang carrot, kalabasa, dahon ng sili, malunggay, ampalaya.Nilagyan ng kuwit ang pagitan ng mga salitang kulitis, pechay, mustasa.Gawin mo ito ayon sa gamit ng kuwit.1. Umunlad ang Pilipinas dahil sa mga mina tulad ng ginto, langis, atmarmol.2. Maraming bayabas, santol, mangga, pakwan, saging, at papaya sapalengke ngayon.3. Sagana tayo sa isda hipon alimasag at iba pa.Ganito ba ang ginawa?1. Umunlad ang Pilipinas dahil sa mga mina tulad ng ginto, langis atmarmol.2. Maraming bayabas, santol, mangga, pakwan, saging, at papaya sapalengke ngayon.3. Sagana tayo sa isda, hipon, alimasag at iba pa.3

Basahin ang kuwento. Pansinin ang isa pang gamit ng kuwit.Ang Leon at ang DagaIsang munting daga ang namasyal sa gubat. Nakarating ito sakinaroroonan ng isang leon. Sa paglalaro ng munting daga, natapakannito ang natutulog na leon. Bigla itong nagising.“Aha! Ikaw pala. May pagkain na ako,” natutuwang sabi ng Leon.“Patawarin ninyo ako! Huwag po ninyo akong kakainin,” pakiusapng Daga.“Naaawa ako sa iyo. Hindi kita kakainin,” tugon ng Leon.“Salamat po, Haring Leon,” wika ng daga. “Sana makaganti rin poako sa inyo.”Pag-aralan kung paano ginamit ang kuwit sa kuwento.“Aha! Ikaw pala. May pagkain na ako,” natutuwang sabi ng Leon.“Patawarin ninyo ako.daga.Huwag po ninyo akong kakainin,” pakiusap ng4

“Naaawa ako sa iyo. Hindi kita kakainin,” tugon ng Leon.“Salamat po Haring Leon,” wika ng daga.Napansin mo ba kung paano ginamit ang kuwit sa mga pangungusap?May tauhang nagsasalita rito, hindi ba? Paano inihiwalay ang sinabi ng tauhansa iba pang bahagi ng pangungusap? Anong bantas ang ginamit?Ginagamit ang kuwit upang ihiwalay ang tuwirang sinabi ng nagsasalita sa ibangbahagi ng pangungusap.Basahin muli ang mga pangungusap.Huminto saglit sa kuwit upang ipahiwatig ang paghiwalay ng tuwirang sinabi ngnagsasalita sa iba pang bahagi ng pangungusap.Narito pa ang ibang gamit ng kuwit.Basahin ang pangungusap. Paano ginamit ang kuwit sa sitwasyong ito?1. Si Gregorio del Pilar, ang pinakabatang heneral ng HimagsikangPilipino, ay ipinanganak sa San Jose, Bulacan noong Nobyembre14, 1878.2.Iba, ZambalesAgosto 26, 1995Mahal kong Angelo,Darating sa Linggo sina Tito Ebmar at Tita Boots, ang paboritonating ninong at ninang. Sasalubungin namin sila sa airport. Gustomo bang sumama? Susunduin ka namin. Darating kami sa Sabado.Ang iyong pinsan,MarkPaano ginamit ang kuwit sa mga sitwasyong ito?a) Agosto 26, 1995Nobyembre 14, 1878b) San Jose, BulacanIba, Zambales5

c) Mahal kong Angelo,Ang iyong pinsan,MarkSaan inilagay ang kuwit sa unang halimbawa?Ano ang inihihiwalay nito?Tama! Inihihiwalay ng kuwit ang petsa sa taon.Ano ang inihihiwalay ng kuwit sa kasunod na halimbawa?Ano ang tinutukoy ng unang salita?Ano ang tinutukoy ng ikalawang salita?Inihihiwalay ng kuwit ang ngalan ng bayan sa lalawigan.Saan pa ginamit ang kuwit?Anong bahagi ng liham ang ipinakikita sa ikatlong halimbawa?Paano ginamit ang kuwit?Nasa hulihan ito ng bating panimula at pangwakas ng liham.Isaisip MoAng kuwit ay ginagamit upang ihiwalay ang: mga salitang sunud-sunod sa isang seryetuwirang sinasabi ng nagsasalita sa iba pang bahagi ngpangungusapngalan ng araw, petsa at taonngalan ng bayan sa lalawiganGinagamit din ang kuwit sa hulihan ng bating panimula at pangwakas ngliham.6

Pagsanayan MoA. Piliin ang wastong gamit ng kuwit.Halimbawa:Sagot:1.a. Enero, 3 1993b. Enero 3, 1993c. Enero 3, 19,931. bMagsimula rito:1. a. Ang mga, kulisap, gagamba, at tipaklong ay kaibigan ng magsasaka.b. Ang mga kulisap, gagamba, at tipaklong ay kaibigan ng magsasaka.c. Ang mga kulisap, gagamba at tipaklong ay kaibigan ng magsasaka.2. a. Lubos na, gumagalangb. Lubos na gumagalang,c. Lubos na gumagalang3. a. Dadalo ako, bukas wika ni Zeny.b. “Dadalo ako bukas,” wika ni Zeny.c. Dadalo ako bukas wika ni Zeny.4. a. Cora, sasama ka ba sa amin?b. Cora, sasama ka ba, sa amin?c. Cora, sasama ka, ba sa amin?5. a. Kuya, narito na ang tatay ang sabi ni Ryan.b. Kuya narito na, ang tatay ang sabi ni Ryan.c. “Kuya, narito na ang tatay,” ang sabi ni Ryan.B. Sipiin ang bawat pangungusap. Gamitin nang wasto angkuwit.1. Ang pagtatanim ng mga gulay tulad ng camote mustasa petsay atmalunggay ay nakatutulong sa pag-unlad ng kabuhayan.2. Nalubog sa lahar ang palayan sa Concepcion Tarlac.3. “Kailangan ang pagtutulungan” wika ni Mang Juan.4. “Nanay may pulong daw po bukas sa paaralan.”5. Ang pangingisda pagsasaka at paghahayupan ang ikinabubuhay ng mgataganayon.7

6. Nag-aani ng bangus at sugpo ang palaisdaan sa Calatrava NegrosOccidental.7. Ganito ang wakas ng liham – NagmamahalArleneSubukin MoA. Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang titik T kungtama ang gamit ng kuwit at titik M kung mali. Gumamit ngsagutang papel.Halimbawa:T1. “Linisin natin ang kanal upang hindi magbaha,” wika ni Lito.Magsimula rito:1. Sina Mario Dan at Lito ay namuno sa paglilinis ng pamayanan.2. Namumunga ba ang ubasan ninyo sa Caba La Union?3. Ang nagmamahal mong ina,4. Maraming magagandang tanawin dito sa Pilipinas tulad ng Bulkanng Mayon sa Albay Lawa ng Taal sa Batangas at mga Burol naTsokolate sa Bohol.5. “Lito, halika,” tawag ni Aling Mely sa anak.“Ikaw ba’y nag-aral na?”B. Sipiin sa kuwadernong sagutan. Lagyan ng kuwit ayon sagamit.Isang gabi masayang naghahapunan ang pamilya ni MangRamon.“Itay tama po ba ang ginawa kong hindi pagkibo kahit ako’ytinawag na duwag ng aking mga kaklase?”“Bakit ka sinabihang duwag?” usisa ni Mang Ramon.“Kasi po pinipilit nila akong lumaban ng suntukan kay Fredhindi po ako pumayag sagot ni Danny.“Tama ang ginawa mo Anak” wika ng ama.“Mabuti pa’y isumbong natin sila sa punungguro ng paaralantugon ni Aling Mila.”8

C. Sipiin sa sagutang kuwaderno ang talata. Ilagay ang kuwitkung saan ito kailangan.Si Jose Abad Santos ay ipinanganak sa San Fernando,Pampanga. Siya ay naging Kalihim ng Kagawaran ng KatarunganHukom ng Kataas-taasang Hukuman at Kalihim Tagapagpaganapni Manuel Quezon. Siya at ang kanyang pamilya ay ikinulong saMalabang Lanao noong panahon ng Hapon. Umiyak ang kanyanganak nang hatulan siya ng kamatayan.Sinabi niya “Isangpambihirang pagkakataon ang mamatay para sa bayan.”D. Gumawa ng 5 pangungusap na ginamitan ng kuwit at ipakitasa guro kung wasto ang pagkagawa. Gawin ito sa sagutangkuwaderno.Binabati kita at matagumpay mongnatapos ang modyul na ito! Maaari mo nangayong simulan ang susunod na modyul.9

1 MGA SANGKAP SA PAGSULAT May iba pang uri ng bantas na pag-aaralan mo. Ngunit bago iyon, magbalik-aral muna tayo sa mga bantas na tuldok, pananong at pandamdam. A. Pansinin ang gamit ng bantas na tuldok, tandang pananong at pandamdam. Isulat sa sagutang papel kung Tama o Mali ang pagkakagamit ng bantas. Kung Mali isulat ang tamang Bantas Tama 1.

Related Documents:

Ang mga Coronavirus ay isang malaking pamilya ng mga virus at napangalanan ang mga ito ng ganito dahil sa crown-like spikes na nasa labas nito. Ang mga ito ay pangkaraniwang uri sa mga hayop, tulad ng mga camel, baka, pusa, at mga paniki. Bihira na ang mga coronavirus ng mga hayop ay malilipat sa mga tao at kakalat mula tao sa tao.

letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salitang natutunan sa aralin, parirala, pangungusap (PAGSULAT, F3PU-Ig-i-4) Nakasusulat nang may wastong baybay, bantas, at mekaniks ng pagsulat (PAGSULAT, F3TA-0a-j-4) Nakabubuo ng poster na naghihikayat na maglinis ng kapaligiran Nagagamit ang wika bilang tugon sa sariling pangangailangan at

Ang Diyos ng mga taga-Europa ng Edad Medya ay dinala rito ng mga Espanyol noong Siglo 16. Ito ang ginamit nilang instrumento sa pasipikasyon ng mga katutubong dinatnan nila sa mga isla ng Filipinas. Naiiba ang Diyos ng mga Kristyano sa mga mumunting diyos na kilala ng mga katutubo. Para sa mga ito, may mga puwersang nagpapalago ng mga

Ang modyul na ito ay may tatlong aralin: Aralin 1 : Katuturan,Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat Aralin 2 : Gamit at Uri ng Pagsulat Aralin 3 : Ang Akademikong Pagsulat Ano ang Inaasahan Mo Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay: 1.Nabibigyang-kah

mga guro kagandahang asal puno ng tahanan. Sistema ng Edukasyon sa Panahon ng Ninuno Di pormal Walang propesyunal na Sistema na mga guro Mga Asignatura Walang mga gusaling pampaaraalan oras Walang takdang Mga magulang at iba pang nakatatanda ang pagbasa pagsulat pagbilang pananampalataya May mga kasanayang itinuturo lamang sa mga lalaki at .

Sa mga paaralan na ito, ang mga bata ay maaaring magpatala sa isang programa pagkatapos ng klase para sa musika, isports, tulong sa homework, o ibang mga gawain. Ang ilan sa mga paaralan ay sumisingil ng bayad para sa mga programang ito. Dapat ninyong ipatala ang inyong mga anak sa mga espesyal na programa at

paraan ang mga tawag sa telepono, mga e-mail, mga hindi pormal na ulat ng progreso, mga pulong ng magulang at guro, mga komperensiyang pinamumunuan ang mag-aaral at mga newsletter ng paaralan. Ano ang dapat kong gawin kung nag-aalala ako tungkol sa pagganap ng anak ko sa

BIOGRAFÍA ACADÉMICA DE ALFREDO LÓPEZ AUSTIN Enero de 2020 I. DATOS PERSONALES Nacimiento: Ciudad Juárez, Estado de Chihuahua, México, 12 de marzo de 1936. Nacionalidad: mexicano. Estado civil: casado. Investigador emérito de la Universidad Nacional Autónoma de México, por acuerdo del Consejo Universitario, con fecha 21 de junio de 2000. Sistema Nacional de Investigadores. Nivel III .