Unang Markahan – Baitang 3 Supplemental Lesson Plan

3y ago
86 Views
2 Downloads
1.55 MB
15 Pages
Last View : 2m ago
Last Download : 2m ago
Upload by : Emanuel Batten
Transcription

Unang Markahan – Baitang 3Supplemental Lesson PlanLinggo 1Mga KasanayangPampagkatuto:Ang Pamilya IsmidA.PANIMULABalik-aral: Susubukan kung paano makipagkilala angmga mag-aaral.1.Pumili ng iyong kapareha. Sa loob ng limangminuto, kilalanin mo ang iyong kaklase. Ipakilalamo rin sa kanya kung sino ang mga kasamamong nakatira sa inyong bahay. Sabihin mo rinang lugar kung saan ka nakatira. Pagkataposmakipagkilala, makipagpalitan ng kapareha saiyong kaklase upang may bago ka na namangmakilala. Ipakilala niyo rin sa isa’t isa ang iyongnaunang kapareha.Maaaring maging gabay ang sumusunod:2.a.Itanong ang buong pangalan, palayaw,edad, at kaarawan.b.Itanong kung saan siya nakatira.c.Itanong kung sino-sino ang miyembro ngkaniyang pamilya.Isulat ang impormasyong nakalap tungkol samga bago mong kaibigan sa klase.ImpormasyonKaibigan 1Kaibigan 21. Naisasagawaang maayos napagpapakilala ngsarili2. Nagagamit angpangngalan sapagsasalaysaytungkol sa mgatao, lugar, atbagay sa paligid3. Nahuhulaanang nilalaman/paksa ng aklat sapamamagitan ngpamagat4. Nasisipi nangwasto at maayosang isang talata5. Nagagamit angwika bilangtugon sa sarilingpangangailanganat sitwasyonKaibigan 3Buong pangalanPalayawKaarawanEdadTirahanKasama sa bahayPagkatapos ng gawain, sabihin sa klaseng “Ngayon,mayroon na kayong bagong kakilala sa klase at maaaringmaging kaibigan.”1

B.KATAWAN1.Pahulaan sa mag-aaral ang nilalaman o paksang aklat batay sa pabalat ng aklat.Panuto: Tingnan ang pabalat ng aklat na nasalarawan. Ito ang kuwento ng Pamilyang Ismid.Subukan mong ipakilala ang mga tauhan sakuwento batay sa nakikita mo sa .Pag-unawa sa binasa: Ipasagot sa mag-aaralang mga tanong tungkol sa akda.Panuto: Sagutin ang sumusunod:a.Saan sila nakatira?b.Bakit kaya sila tinawag na pamilyang Ismid?c.Marami kaya silang kaibigan? Bakit?d.Tungkol saan kaya ang kuwento ngPamilyang Ismid?e.Paano kaya mababago ang masamangugali ng Pamilya Ismid?2

3.Paggamit ng pangngalan sa pagsasalaysay:Tatawag ng mag-aaral upang muling isalaysayang kuwento ng Pamilya Ismid gamit angbinuong banghay. Ipaalala din sa mga mag-aaralna kailangan gumamit sila ng mga pangngalansa kanilang muling pagkukuwento.Panuto: Subukang ikuwento ang nilalamanng aklat. Gawing gabay ang banghay nabinuo para sa iyo. Gumamit ng pangngalan sapakikipagkuwento.Ang pamilya IsmidTatay Ismid, Nanay Ismid,Obet Ismid, at Oli IsmidTinulungan sila ng kanilangmga kapit-bahay. Natutonang makipagkapuwababoy ang pamilya Ismid.Hindi sila pumupunta saimbitasyon ng kanilangkapitbahay. Hindi silanakikipagkapuwa-baboy.Ninakawan ang pamilyaIsmid. Nawalan sila ngdamit, alahas, at gamit.Palagi silang abala sapagpapaganda ng buntot.Hindi sila dumalo ngmiting tungkol sa nakawansa kanilang bayan.4.Maayos na pagsisipi ng talata. Isulat sablackboard o sa manila paper ang talatangnasa ibaba. Siguraduhing may mali sa gamit ngbantas, laki, at liit ng gamit na titik at sa baybayng ilang piling salita upang maitama ng mgamag-aaral.Panuto: Sipiin ang talata. Baguhin ang mgamaling bantas, maling baybay, at maling gamitng malaki at maliit na titik.Isang magandang katangian ng Pilipino angmarunong na makiisa at makipagtulungansa kanilang kapit-bahay. Bukod sa kapamilya,3

ang kapit-bahay ang unang sumasaklolo kungkailangan natin ng tulong. Nagbubunga rinng kapayapaan sa isang bayan kung palagingnagkakasundo ang tao na nakatira dito.C.KONGKLUSYONPangunahing KaalamanIsusulat ang pangunahing kaalaman ng aralinupang magkaroon ng malayang palitan ng ideya,opinyon o damdamin ang klase.Kailangan nating matutuhan kung paano dapatna makisama nang tama sa ating kapuwa.Takdang AralinPangkatang Gawain: Pumunta sa silid-aklatan.Maghanap ng aklat o kuwentong pambata natungkol sa isang natatanging bata o pamilya. Isulat saunang hanay ang pamagat ng aklat na iyong napili.Isulat naman sa pangalawang hanay kung ano angpaksa o pinakanilalaman ng kuwento. Sa pangatlonghanay naman ipakilala ang pangunahing tauhan.Tularan ang unang bilang.4

PAMAGAT1. AngPamilyaIsmidPAKSATungkol ito sa pamilyanghindi marunongmakipagkapuwa dahil sapaniniwalang sila lamangang maganda.PangunahingTauhanTatay Ismid,Nanay Ismid, OliIsmid, at ObetIsmid2.3.4.5

Linggo 2PamantayangPangnilalaman:Malasakit sa KalikasanA.PANIMULABalik-aral:Pagkilala sa salitang magkatugmaSubukan kung ano ang alam ng mga mag-aaraltungkol sa tugma.Panuto: Isulat sa tabi ng dalawang salita ang salitangTUGMA kung ito ay magkatugma, at ang salitangHINDI TUGMA kung ito ay hindi.Mga SalitaTUGMA o HINDI TUGMA1. pakinggan – kalikasan2. malinis – kapaligiran3. bundok – dagat4. tubig – malasakitMotibasyon: Hayaang ang mga mag-aaral namanang makaisip ng mga salitang katugma ng salita saunang hanay.Panuto: Magbigay ng salitang katugma ng mgasalita sa unang hanay. Isulat ang sagot sa katapat nahanay.inalupaulanhangin6Pamantayan saPagganap:Nakabubuo ngisang kuwentobatay sa paksa ngtulang binasa gamitang kaalaman sapangngalan.Mga KasanayangPampagkatuto:5. likha – dakilaSalitaNaipamamalas angpagpapahalagaat kasanayan sapaggamit ng wikasa komunikasyonat pagbasa ngiba’t ibang uri ngpanitikan.Katugma1. Nagagamitang bagongkaalaman okaranasan sapag-unawa ngnapakinggangteksto2. Natutukoy angmga salitangmagkakatugma3. Nasasagot angmga tanongtungkol satekstong binasatugma

B.KATAWANGawain: Ipabasa ang tula at saka pasasagutan angmga gawain sa 2 hanggang 4.1.Basahin ang tula.4. Nagagamit angpangngalan sapagsasalaysay satao, lugar, bagay,at pangyayariMALASAKIT SA KALIKASANni Ramil B. CorreaLubos akong nagtataka sa kuwento ng aking inaNoong s’ya raw ay musmos pa, ang tanawin ay kay gandaBawat bundok ay luntiang may pang-akit sa’ting mataKalikasang likha ng D’yos, nagbibigay ng halinaNgunit ina, ang tanong ko: “Bakit bundok ay nasira?Mga puno ay putol na at laganap ang pagbaha.Paligid ko ay kay dumi, kalikasa’y sinalanta.Paano na kaming bata kung kami na ang tumanda?”Ang ina ko’y napapikit, ‘di napigil ang pagluhaMahigpit akong niyakap at malungkot na winika “Anak ko, aking mahal, mayro’n tayong magagawa.Alagaan ang paligid upang ito’y ‘di mawala.”2.3.Sagutin ang mga tanong tungkol sa tekstongbinasang may tugma.a.Ano ang paksa ng tula?b.Sino ang nagsasalita sa tula?c.Ano ang maaaring gawin upangpangalagaan ang paligid?Tukuyin ang pangngalang inilalarawan ngpangungusap. Ibatay ang sagot sa una atikalawang saknong ng binasang tula. Isulat angsagot sa linya bago ang bawat bilang.1. Maganda ito noongmusmos pa si Ina.2. Halos mawala na ito dahilnaputol na.7

3. Luntian pa ito dahil sa daming punong nakatanim.4. Marumi na ito ngayon.5. Nasalanta na ito ngayon.4.Humanap ng lima hanggang walong kasamaupang makabuo ng isang grupo. Bubuo kayo ngisang kuwento tungkol sa isang pangyayaringnaganap dahil sa pagpapabaya sa kalikasan.Isaalang-alang ninyo sa inyong kuwentongmabubuo ang sumusunod:1.Sino-sino ang sangkot sa kuwento?2.Saan ito nangyari?3.Kailan ito nangyari?4.Ano ang pagkakasunod-sunod ngpangyayari?5.Ano ang epekto ng pangyayari sa buhay ngtao?Tayahin ang kahusayan ng inyong ginawangpagkukuwento.PamantayanMalinaw na nailahad ang kuwento simulaumpisa hanggang wakas.Nagamit ang mga pangngalan sapagkukuwento (tao, hayop, bagay, lugar,panahon, pangyayari)Naipahahayag ang mga nakitang epekto ngpangyayariMahusay ang pakikilahok ng bawat miyembrong grupo.8321

C.KONGKLUSYON1.PagninilayHayaang pakinggan ng mga mag-aaral angawit na “Anak ng Pasig” Bisitahin ang https://www.youtube.com/watch?v 2dLquFHjye.Pag-usapan ang sumusunod mataposmapakinggan ang awit:2.a.Ano-ano ang nakikita ninyong magandasa inyong kapaligiran?b.May alam din ba kayong bahagi ngkalikasan sa inyong pamayanan angnanganganib na?c.Paano kayo makatutulong upang hindimatulad sa Ilog Pasig ang nangyari saiba pang bahagi ng kalikasan sa inyongkapaligiran?Itakda sa mga mag-aaral ang isang simplengpananaliksik.Magsasaliksik ng tatlong maaaring magingepekto ng matinding pagkasira ng kalikasan.Maaaring magsaliksik gamit ang iba’t ibangsanggunian tulad ng aklat, diyaryo, at Internet.Isulat ang impormasyon sa talahanayan.Pagkasira ngKalikasanEpektoSanggunian9

PamantayangPangnilalaman:Linggo 5BalikbayanA.PANIMULAIturo sa mga mag-aaral ang tono ng awiting“Ako Ay Masaya.” Isulat ang titik ng awitin upangmaging gabay ng mga mag-aaral sa kanilangpagsasakikos nito.1.Isakilos ang awiting “Ako Ay Masaya.”Ako ay masaya,Ikaw ay masaya,Siya ay masaya,Tayong lahat ay masaya(ulitin ng dalawang beses)La la la la . la .2.Isulat sa bilog kung ano-ano angnakapagpapasaya sa mga Pilipino tuwingumuuwi ang kanilang mahal sa buhay nanagtatrabaho sa ibang bansa o malayonglugar.Naipamamalas angpagpapahalagaat kasanayan sapaggamit ng wikasa komunikasyonat pagbasa ngiba’t ibang uri ngpanitikan.Pamantayan saPagganap:Nakabubuo ngisang simplengbanghay ngkuwento.Mga KasanayangPampagkatuto:1. Naisasakilosang tula/awit nanapakinggan2. Nailalarawan angmga elementong kuwento(tauhan, tagpuan,banghay)Nagpapasaya sapamilya ngOFW3. Nagagamit angmga panghalipna pamalit sangalan ng tao(ako,ikaw, siya)4. Nakapagsusulatnang maywastong baybayat bantas10

B.KATAWANGawain A:Ipabasa ang kuwentong “Balikbayan.” Habangnagbabasa, pasagutan sa mga mag-aaral angtamang salita na nasa panaklong upang mabuo nilaang kuwento. Sabihin sa mga mag-aaral na pansininang mga nakaitim na salita at tukuyin kung anongklase ng salita ito.Panuto: Basahin ang buod ng kuwentong“Balikbayan.” Guhitan ang tamang salita obantas na nasa loob ng panaklong upangmakumpleto ang pahayag.Kumusta ka? Ikaw ba si Krizzie, ang anak ngaming kapit-bahay?Ako si Sabrinne Alvarez. Ipinanganak at lumakiako sa bansang (Hongkong, hongkong). SiLucien ang (tanay, tatay) ko. Siya ang nagturosa akin na mahalin ang Pilipinas. Si Rosie namanang (nanay, naynay) ko. Siya ang palaging nagaalaga sa akin. Doon (nagtrabaho, nagtarbaho)ang tatay ko matapos magpakasal. Isinama niyaang nanay ko upang doon tumira. Nanirahankami sa isang maliit na bahay ( . , ?)Isang araw, dinalaw kami sa bahay ng kaibiganng tatay ko na si Tito (chito chan , Chito Chan).Siya ang naghikayat sa mga magulang ko nabumalik na sa Pilipinas. Napagpasiyahan nilangbumalik na sa bansa at magnegosyo na lamang.Sa ngayon ay masaya ang tatay at nanay ko dahil(lumalaki, lumalalaki) na ang kanilang negosyo.(Masaya, masaya) na rin akong tumira dito saPilipinas dahil marami na akong (kaibigan,kaigiban) at (kaloro, kalaro). Sana ikaw aymaging kaibigan ko din.5. Nauunawaan angkahalagahan ngmga nilalamanng panitikan/tekstoGawain B:Ituro kung ano ang ibig sabihin ng tauhan,tagpuan, at banghay ng kuwento. Pagkatapos ayipagawa ang pagtukoy ng tatlong elementong ito sakuwentong “Balikbayan.”11

Panuto: Balikan ang kuwentong “Balikbayan.” Tukuyinang mga elemento ng kuwento: ang tauhan, tagpuan, atbanghay.1.Tauhan: Sino-sino ang tao sa kuwento?2.Tagpuan: Saan naganap ang kuwento?3.Banghay: Ano ang pagkakasunod-sunod ng mgapangyayari sa kuwento?Simula:Gitna:Wakas:Gawain C:Balikan ang mga salitang naka-itim sa binasangkuwento. Sasabihing ito ay mga salitang pamalit sapangalan. Ipaliwanag ang mga panghalip na ikaw, ako, atsiya. Pagkatapos ay tasahin niya ang pagkaunawa ng mgamag-aaral sa pamamagitan ng kasunod na gawain.Ang panghalip ay ginagamit na pamalit sapangngalan. Tukuyin kung sino ang tinutukoy ngpanghalip sa sumusunod na pangungusap. Isulat angsagot sa linya bago ang bawat bilang.1. Sana ikaw ay magingkaibigan ko din.2. Ipinanganak at lumaki akosa bansang Hongkong.3. Siya ang nagturo sa akin namahalin ang Pilipinas.12

4. Siya ang palaging nagaalaga sa akin.5. Siya ang naghikayat sa mgamagulang ko na bumalik nasa Pilipinas.Gawain D:Hayaang magbahagi ng sariling karanasan angmga mag-aaral. Sabihin gumawa muna ng banghay ngkanilang kuwento bago ito ibahagi.Panuto: Kung ikukuwento mo ang isang pangyayarisa iyong buhay, paano mo ito isasalaysay? Gumawa ngbanghay ng sarili mong kuwento.Tauhan: (Mga taong sangkot sa kuwento)Tagpuan: (Pinangyarihan ng kuwento)Panimula: (Simula ng pangyayari)13

Katawan: (Mga sumunod na pangyayari)Wakas: (Katapusan ng pangyayari)C.KONGKLUSYON:1.PagninilayIpaalala sa mga mag-aaral ang ilangkaisipang natutuhan sa paksa ng aralin.Maramingmgamagulangangnagtatrabaho sa ibang bansa. Masakit parasa mga magulang na malayo sa kanilang mgaanak. Ano ang mga dapat gawin ng mga anakpara masuklian ang mga paghihirap ng mgamagulang na OFW? Isulat sa ibaba ang sagot.14a.b.c.d.e.

2.Ibigay na takdang aralin ang pagpili ng isangmagandang awitin tungkol sa kabayanihan ngOFW.Pumili ng isang awit na tumutukoy sakabayanihan ng ating mga kababayangnagtatrabaho sa ibang bansa. Iparinig o ibahagiang awiting ito sa klase.15

3. Paggamit ng pangngalan sa pagsasalaysay: Tatawag ng mag-aaral upang muling isalaysay ang kuwento ng Pamilya Ismid gamit ang binuong banghay. Ipaalala din sa mga mag-aaral na kailangan gumamit sila ng mga pangngalan sa kanilang muling pagkukuwento. Panuto: Subukang ikuwento ang nilalaman ng aklat. Gawing gabay ang banghay na binuo para sa iyo.

Related Documents:

Unang Markahan – Baitang 1 Supplemental Lesson Plan 1. nais ipabatid ng nabasang pananda, patalastas, babala o paalala 5. Nakasusulat nang may tamang laki at layo sa isa’t isa ang mga letra 6. Napagsusunod-sunod ang mga alpabeto 7. Nagagamit ang . Ikatlong Pangkat: Kamusta

Musika – Unang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Sukat ng Pulso Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng kar

Filipino Baitang 7 Ikatlong Markahan. 2. 3 Ikatlong Markahan Baitang 7 Supplemental Lesson Plan 1 Panitikang Luzon: Larawan ng Pagkakakilanlan Aralin 1: Mga Tulang Panudyo, Tugmang de Gulong, Palaisipan/Bugtong A. Panimula Ipasagot sa mga mag-aaral ang palaisipan.File Size: 1MB

Filipino Baitang 8 Ikaapat na Markahan. 2. 3 Ikaapat na Markahan Baitang 8 Supplemental Lesson Plan Aralin 1: Sa Isang Madilim at Mapanglaw na Gubat Florante at Laura (Saknong 1–68) A. Panimula Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang masasabi nila sa kalagayang pampolitika ng bansa:File Size: 1MBPage Count: 23

Ang Araling Asyano sa baitang 7, Araling Pandaigdig sa baitang 8, Ekonomiks sa baitang 9, Mga Kontemporaryong Isyu sa baitang 10, at_ sa baitang 11 at_ sa baitang 12. Makatutulong ang kaalaman tungkol sa ibang bansa sa pag-unawa ng lugar at papel ng Pilipinas sa rehiyon at mundo, at kung paano maaaring kumilos ang Pilipino at ang bansa .

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Katapatan sa Sariling Opinyon Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan

Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Mga Hakbang Sa Pagbuo Ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan Unang Edisyon, 2020 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na: “Hindi maaaring magkaroon ng kar

Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaro