Patnubay Sa Korespondensiya Opisyal

3y ago
305 Views
26 Downloads
4.26 MB
415 Pages
Last View : 26d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Luis Wallis
Transcription

Patnubay saKorespondensiyaOpisyalIKAAPAT NA EDISYON

Patnubay saKorespondensiyaOpisyalIKAAPAT NA EDISYONLeonida B. VillanuevaRogelio G. MangahasMga EditorAKLAT NG BAYANMETRO MANILA2015

Patnubay sa Korespondensiya OpisyalIkaapat na EdisyonKarapatang-sipi 2015 ng Komisyon sa Wikang FilipinoIkaapat na edisyon, unang limbag, 2013Ikaapat na edisyon, ikalawang limbag, 2015RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN. Walang bahagi ng librong ito angmaaaring sipiin o gamitin nang walang nakasulat na pahintulot mula sa may-akdaat tagapaglathala.Mga Editor:Leonida B. VillanuevaRogelio G. MangahasThe National Library of the Philippines CIP DataRecommended entry:Patnubay sa korespondensiya opisyal : may kasamangortograpiyang pambansa / Rogelio G. Mangahas,Leonida B. Villanueva, mga editor.-- 4th ed.-- Manila :Komisyon sa Wikang Filipino, c2013.p. ; cm.ISBN 978-971019-723-11. Filipino letters -- Handbooks, manuals, etc.2. Letter writing -- Handbooks, manuals, etc.I. Mangahas, Rogelio G. II. Mangahas, Rogelio G.HF5728.F5651.752013P320130766Inilathala ngKomisyon sa Wikang FilipinoGusaling Watson, 1610 Kalye JP LaurelMalacañang Palace Complex, San Miguel, MaynilaTel. 02-733-7260 email: komil.gov@gmail.com

NilalamanPambungadMga Mensahe123Pagsulat ng Liham (Letter Writing)1Mga Katangian ng Liham (Characteristics of a Letter)2Mga Bahagi ng Liham (Parts of a Letter)4579101111Iba Pang Bahagi ng Liham (Other Parts of a Letter)121212131313Mga Anyo ng Liham (Forms of Letters)14141516Mga Uri ng Liham (Kinds of Letters)17171717171717181818181819191919 4 56ixxi Pamuhatan (Heading)Patunguhan (Inside Address)Bating Pambungad (Salutation)Katawan ng Liham (Body of the Letter)Pamitagang Pangwakas (Complimentary Close)Lagda (Signature)Inisyal ng Pagkakakilanlan (Identifying Initials)Paglalakip (Enclosure)Tawag-pansin (Attention Line)Paksa (Subject)Notasyon sa Sipi (Copy Notation)Estilong Full-Block (Full-Block Style)Estilong Semi-Block (Semi-Block Style)Patunguhan sa Sobre (Address)Pagbati (Congratulations)Paanyaya (Invitation)Tagubilin (Instruction)Pasasalamat (Thanks)Kahilingan (Request)Pagsang-ayon (Afirmation)Pagtanggi (Negation)Pag-uulat (Report)Pagsubaybay (Follow-up)Pagbibitiw (Resignation)Aplikasyon (Application)Paghirang (Appointment)Pagpapakilala (Introduction)Pagkambas (Canvass)Pagtatanong (Inquiry)v

7Pakikidalamhati (Condolence)Pakikiramay (Sympathy)Panawagan (Appeal)Pagpapatunay (Certiication)19192020Mga Halimbawa ng Iba’t Ibang Uri ng Liham21(Diifferent Samples of Letters) 8PagbatiTugon sa PagbatiPatalastas/PaanyayaPaanyayaTugon sa Liham PaanyayaPasasalamatTugon sa Liham PasasalamatKahilinganTugon sa Liham KahilinganPagsang-ayonPagtanggiPag-uulatTugon sa Liham Pag-uulatTagubilinPagsubaybayTugon sa PagsubaybayPagbibitiwTugon sa Liham PagbibitiwAplikasyonTugon sa Liham AplikasyonPagpapakilala/PaghirangPagkambasTugon sa Liham 2535456575860616264666768Paraan ng Paghahatid ng Impormasyon at Tagubilin69(Means of Conveying Information and Instructions)Mga Komunikasyong Buhat sa mga Nakatataas na Awtoridad(Communications from Higher Authorities) Atas/Kautusang Tagapagpaganap (Executive Order) Proklamasyon/Pagpapahayag (Proclamation) Kautusang Pangkagawaran (Department Order) Memorandum Pangkagawaran (Department Memorandum) Memorandum Sirkular (Memorandum Circular) Patalastas/Kalatas (Notiication) Paglilipat (Indorsement)vi707070707070

Iba Pang Uri ng Korespondensiya(Other Kinds of Correspondence) Korespondensiyang Panloob-tanggapan(Inter-ofice Correspondence) Memorandum Pantanggapan(Ofice Memorandum) Paglilipat (Indorsement)Kahalagahan ng Memorandum at Mensaheng E-mailMga Katangian ng Memo at E-mailWastong Pagpo-format ng Memorandum9 Resolusyon (Resolution)10 Katitikan ng Pulong (Minutes of the Meeting)11 Mga Pormularyong Pampamahalaan(Government Forms) Panunumpa sa Katungkulan Papel ng Datos Personal Deskripsiyon ng Posisyon Paghirang Kahilingan sa Pansamantalang Pagtatalaga Sertipikong Medikal Sinumpaang Salaysay Tungkol sa mga Ari-Arian, Pagkakautang atbp Memorandum ng Kasunduan Aplikasyon sa Pagliban Aplikasyon para sa Espesyal na Pribilehiyo Pahintulot/Atas sa Paglalakbay Katibayan ng Natapos na Paglalakbay Katunayan ng Pagpapakita Katunayan ng Paglabas Katunayan ng Kawalang Pananagutan Ulat sa Daloy ng Proyekto Ulat sa Pagmomonitor Payslip Talatukuyan Voucher sa Pagbabayad Kapangyarihan ng 2174177180181184185186187193194195197200201Mga Kahilingan PahintulotBayad sa OvertimeKasulatan sa KapanganakanKasulatan sa KasalPananaliksikInspeksiyon Bago KumpunihinKahilingan para sa Serbisyo202203204205206207208vii

Serbisyong Audio-Video210 Pases sa PaglabasGate PassListahan ng DumaloNominasyonIba't ibang Uri ng Gawad/Sertipiko211213216217220228230231232 Pagkilala Pagpapahalaga Merito Katapatan Paglahok Pagdalo Pagtatapos PaglilipatTsart ng Organisasyon23423523612 Pagsulat ng Direksiyon at Pag-adres sa mga237Taong May Mataas na Katungkulan(Ways of Addressing Individuals with Higher Positions)13 Mga Titulong may Pamimitagan251(Courtesy Title Distinction)14 Mga Parirala at Pananalitang Karaniwang Gamitin259sa mga Liham Pampamahalaan(Phrases and Expressions Commonly Used in Oficial Correspondence)Mga Dahong Dagdag263A.Glosaryo ng mga Gamitíng Termino at Katawagan sa Pamahalaan(Glossary of Government Terminologies and Usages)264B.Direktoryo ng mga Tanggapan ng Pamahalaan(Directory of Government Ofices)300C.Direktoryo ng ZIP Code ng Metro Manila at mga Lalawigan(Zip Code Directory - Metro Manila and Provinces)371Sanggunian392Indeks394viii

PambungadMalaki na ang ipinagbago nitong Patnubay sa Korespondensiya Opisyal (PKO) mulanang lumabas ito sa unang edisiyon noong 1970. Mga pangunahing gumagamit nito mulanoon ang mga naglilingkod sa pamahalaan—mga kawani, manunulat, editor, mananaliksik,guro, opisyal na nakikipaglihaman sa loob at labas ng kagawaran, at maging ng bansa. Saikaapat na edisyong ito, 2013, makikitang kasamang makikinabang sa paggamit nito ang mgatagapribadong larangan—mga editor at manunulat ng mga publikasyon, mga propesyonal, mgaeskolar, mga negosyante at indibidwal sa iba't ibang organisasyon at institusyon, silang mganakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng nakasulat na komunikasyon. Sa aktibong interaksiyonng mga indibidwal maging nasa pamahalaan o pribadong tanggapan, kailangan ang ilangpatnubay o sanggunian para sa maayos, simple, at epektibong pagsulat. At dito nga makikitaang kahalagahan nitong PKO.Mabilis ang mga pagbabago mula noong dekada 1970. Ilang termino na ng pambansangpamahalaan ang nagdaan, may mga ahensiyang nabuwag at pinalitan ng ibang mas angkopsa pangangailangan ng bayan. May ilang ahensiya ring pinagsanib at inangkupan ng bagongpangalan. Nabago ang adres ng marami–rami ring tanggapan ng pamahalaan—kabilang angpaglalagay ng letterhead sa website, email, telefax, at iba pang instrumento at simbolo ngimpormasyong teknolohiya. Ang makinilya o typewriter na dating karaniwang ginagamitsa mga opisina sa pagsulat ng mga pormal na liham ay napalitan ng computer, bagay nanakapagpapabilis at madaling makaayos sa pasulat na komunikasyon.Madaling mapansin sa bahaging Nilalaman ang mahahalagang bagay na dapat tandaanat isaalang-alang sa pagsulat ng liham. Sa pormularyong pamahalaan, ilang halimbawa ngbawat uri ang dito'y inilagay upang makapagpakita ng iba't ibang pormat at estilo na angkopsa pangangailangan. Ano-ano ba ang mga katangian ng isang mabuting sulat? Ano-anongmga bahagi nito ang hindi dapat nawawala upang ito'y masabing kompleto at hindi nakalilito?Anong anyo ng liham ang mainam gamitin, batay sa uri ng komunikasyon, at ikagagaan ngpagbuo nito? May iba't ibang uri ng liham: anong uri ng liham ang iyong susulatin at ano angdapat isaalang-alang upang ito'y maging epektibo?Isang malaking tulong sa mga gagamit ng PKO ang nakalagay ditong iba't ibanghalimbawa ng liham. May mga halimbawa ng salin mula sa Ingles, at ang iba'y nasa orihinal naFilipino. Ang mga ito'y hindi kathang-isip, kundi mga pili mula sa tunay na mga liham sa atingpamahalaan mula sa nakalipas na ilang dekada. Sa pagbasa sa mga ito, mananariwa sa atingkamalayan ang ilang mahalagang isyung pang-ekonomiya, pampolitika, pangkapaligiran, pangedukasyon, pangkultura (kabilang ang sa wika), at maging sa moralidad.Mapupuna naman sa mga salin sa mga tanggapan ng ilang tanggapan ang pagbabagosa ilang salita para sa ikadadali ng pag-unawa ng babasa. Napalitan ang ilang salitang maykalabuan at asiwang pagkabuo, at pinalitan ng higit na madaling unawain at bigkasin. Isangix

halimbawa ay ang salitang "lingkuran" na pinalitan ng gamitíng "serbisyo."Makikita naman sa mga paraan ng paghahatid ng impormasyon at tagubilin mula samatataas na awtoridad ang iba't ibang anyo ng komunikasyon, gaya ng atas o kautusangtagapagpaganap, proklamasyon, kautusang pangkagawaran, memorandum, paglilipat oendorsement, atbp.Sa edisyong ito ng PKO, napakalaking ambag ang Mga Dahong Dagdag, pangunahin angOrtograpiyang Pambansa (OP), ang modernisado, pinalawak, at pinayamang OrtograpiyangFilipino (OF) 2013. Ang pagiging ingklusibo ng OP na ibinibilang at inaangkin ang mganatatanging kakanyahan ng mga katutubong wika—gaya ng "Mëranaw, Ifugaw, Ivatan, Ibaloy,Bikol, Pangasinan, Ilokano, atbp ay isang magandang hakbang sa pagbubuo ng pambansang kultura.Ang pag-aangkin din ng OP sa ilang banyagang letra ay nakapagpalakas sa alpabeto para sa moderno'tdinamikong pagpapahayag sa panahong ito ng globalisasyon.Malaki ring tulong ang Direktoryo ng ZIP Code ng Metro Manila at mga Lalawigan—namakadadali sa paghahanap at paggamit nito sa sandaling kailangan nang ilagay sa pamuhatanat patunguhan. Simpleng gabay naman at mabuting paalala tungkol sa estilo para sa kalinawanat perpeksiyon ng liham ang bahaging Paggamit ng mga Bantas.Sa kabuuan, ang PKO ay inaasahang makatutulong sa mga gagamit nito sa pagbuo ng kompletoat makabuluhang korespondensiya opisyal, gayon din sa estandardisasyon at pagpapalaganap ng Filipinobilang Wika ng Dangal, Wika ng Kaunlaran.—Mga Editorx

MALACAÑAN PALACEMANILAMensaheBinabati ko ang mga pinuno at kawani ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa inyongpagpupunyaging mailathala ang ikaapat na edisyon ng Patnubay sa KorespondensiyaOpisyal.Ang patnubay na ito ay mabisang sanggunian sa maayos at tamang paggamit ng wikangFilipino sa opisyal na komunikasyon at korespondensiya, gaya ng nakasaad sa KautusangTagapagpaganap Blg. 335. Sa pamamagitan nito, mapapabilis natin ang paglinang atpagpapayabong ng wikang Filipino na siyang hahawan ng daan tungo sa katuparan ng atinglayuning mapagbuklod ang ating sambayanan.Saksi ang lahat sa patuloy na pagsisikap ng KWF na mapalaganap ang pambansangwika. Ganap ang suporta ng buong pamahalaan sa mga adhikain ng Komisyon sapagkat angmga ito ay makatutulong sa pagtatamo ng ating mithiing pambansang pagkakakilanlan.Naibabalik na natin ang ningning ng pag-asang minsan ay naipagkait sa ating mgamamamayan. Nagpapasalamat ako sa inyong tulong, at nawa’y magpatuloy ang inyongpakikibahagi sa mga pagbabagong ipinatutupad natin para sa mga Pilipino.MaynilaHulyo 2013xi

MensaheNananatiling malaking hamon sa mga dominyo ng kapangyarihan, gaya ng SangayLehislatibo ang pakikipagtalastasan sa wikang Filipino. Ito ay sapagkat ang wika ng mgamambabatas ay nasa Ingles, na taliwas sa wika ng ordinaryong mamamayan. Ang wika sa mgakorespondensiya opisyal ay tila banyaga sa malaking porsiyento ng populasyon, kaya kungminsan ay nagngingiming lumapit sila sa mga opisyal ng pamahalaan.Ang paglalathala ng Patnubay sa Korespondensiya Opisyal (Ikaapat na Edisyon) ay sumasagotsa mga pangangailangan ng iba't ibang ahensiya, kawanihan, at sangay ng pamahalaan sa mgakorespondensiya at komunikasyon nito sa mga mamamayan. Tinuturuan nito sa pakikipagsulatanang mga opisyal at kawani, at ang publiko, sa pamamagitan ng wikang Filipino.Hindi na maitatatwa na ang Filipino ang lingguwa prangka sa buong kapuluan. Ngunit angwikang ito ay dapat pa ring makapasok sa mga bulwagan ng kapangyarihan, gaya ng batasan,hukuman, negosyo, at akademya. Kung nais nating magtagumpay ang Filipino, kinakailanganggamitin ito sa pasulat na paraan, hindi lamang sa pagbigkas na paraan. Ang korespondensiya sawikang Filipino ang isang anyo ng pagkakamit ng gayong mithi.Hinihikayat ko ang lahat ng kapuwa kong mambabatas, at gayundin ang malawak na publiko,na bigyang pansin ang Patnubay sa Korespondensiya Opisyal (Ikaapat na Edisyon) na inilathalang Komisyon sa Wikang Filipino. May binubuksang posibilidad ang aklat na ito na maaaringmakapagpatatag ng ugnayan ng mga mamamayan at makapagtaas ng uri ng serbisyo publiko.Magiging ganap na makatotohanan ang isinasaad ng ating Saligang Batas ng 1987 kung lahattayo ay magkakaisa sa paggamit ng pambansang wika tungo sa ingklusibong kaunlaran.xii

Republic of the PhilippinesHouse of RepresentativesQuezon City, Metro ManilaHon. Feliciano Belmonte, Jr.SpeakerMensaheIsang malugod na pagbati sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa inyong paglulunsad ngika-4 na edisyon ng Patnubay sa Korespondensiya Opisyal.Ang ating pambansang wika ay patuloy na mainog at lumalago, dala na rin ng pagtanggapng ating mga kababayan sa kahalagahan ng paggamit ng isang pambansang wika upangmapagbuklod ang ating lipunan tungo sa pambansang kaunlaran. Ang kahalagahan ng isangmalakas na wikang pambansa ay hindi makakaila, lalo na sa pagtaguyod ng isang pambansangkamalayan at pagkakakilanlan sa panahon ng globalisasyon.Ang inyong paglulunsad ng ika-4 na edisyon ng Patnubay sa Korespondensiya Opisyal ay isangmahalagang hakbang sa patuloy na pagpapalago at pagpapalakas ng Filipino bilang ating wikangpambansa. Ito ay magiging gabay at sanggunian hindi lamang ng mga kawani ng gobyernokundi pati na rin ng mga empleado sa pribadong sektor na nagnanais na gamitin ang atingwikang pambansa sa kanilang korespondensiya. Ito rin ay makatutulong sa pagpapalaganapng paggamit ng sariling wika sa kalakalan at sa ekonomiya.Muli, isang maalab na pagbati sa Komisyon at sa lahat ng bumubuo nito at nawa’y patuloykayong magtagumpay sa inyong adhikang mapalakas ang Filipino bilang wika ng isang maunladat matatag na bansang Pilipinas.Mabuhay po kayo!xiii

Republika ng PilipinasKagawaran ng EdukasyonTanggapan ng KalihimOfice of the SecretaryMensaheMula sa pamilya ng Kagawaran ng Edukasyon, ipinapaabot namin ang aming mataos napagbati sa Komisyon sa Wikang Filipino sa inyong paglulunsad ng ikaapat na edisyon ngPatnubay sa Korespondensiya Opisyal. Natitiyak naming malaki ang maitutulong nito upangmagkaroon ng iisang panuntunan sa korespondensiya gamit ang wikang Filipino. Tunay namalayo na ang narating ng KWF sa layunin nitong itaguyod ang preserbasyon at pagpapayabongng Filipino at iba pang wika sa ating bansa.Hindi biro ang inyong mandato kung tutuusin natin ang dami ng wika at ang pagkakaiba-iba ngparaan ng pagbigkas at pakahulugan sa iisang bagay.Ang pagkakaroon ng isang wika, isang pakahulugan sa mga bagay-bagay at isang gabay sapaghahanda ng mga komunikasyon ay isang kongkretong hakbang upang makamit natin angpambansang pagkakaisa.Muli, tanggapin ninyo ang aming paghanga at pagbati.BR. ARMIN A. LUISTRO FSCxiv

Republika ng PilipinasTanggapan ng PanguloKOMISYON SA LALONG MATAAS NA EDUKASYONMensaheMalugod kong binabati ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa kanilang pagsusumikapna mailunsad at mailathala ang ika-4 na edisyon ng Patnubay sa Korespondensiya Opisyalalinsunod sa Atas Tagapagpaganap Blg. 335.Ang Patnubay na ito ay instrumento ng pagkakaisa ng mga Pilipino at behikulo upang higitna mapalaganap at maipagmalaki ang wikang Filipino. Ang paggamit ng wikang pambansasa mga komunikasyon at korespondensiya sa iba’t ibang opisina ng pamahalaan ay mabisangparaan upang lalong maunawaan ng sambayanan ang mensaheng ipinapaabot ng mga ito.Dahil dito, mas madaling mahihikayat ang mga mamamayan na makibahagi at sumuporta samga proyekto at gawain ng pamahalaan para sa pambansang kaunlaran.Nakikiisa ang Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon sa proyektong ito ng KWF. Kami ayinyong katuwang sa patuloy na pagpapayaman ng ebolusyon ng wikang Filipino.Mabuhay!PATRICIA B. LICUANAN, Ph.D.Tagapanguloxv

1Pagsulatng Liham(Letter Writing)Ang pagsulat ng liham ay isang paraan ng pakikipagtalastasan o komunikasyon sa isangtiyak na pinag-uukulan sa pamamagitan ng mga salitang nakalimbag o nakatitik.Ang isang liham ay katulad din ng personal na pakikipag-usap na kababakasan ng tunayna personalidad ng taong sumusulat. Mababatid din sa liham kung ang sumusulat ay matamangnag-isip at malinaw na nakapagpapahayag ng kaniyang tunay na damdamin sa pamamagitan ngmga mapitagan at magalang na pananalita.Maganda ang impresyon sa liham kapag ang sumulat ay gumamit ng wastong pahayagng kaniyang mga idea, pumili ng mga makahulugang pananalita, nagpamalas ng sapat nakaalaman sa bagay na nais niyang ihatid at gumamit ng sariling estilo sa pagsulat na madalingmaunawaan ng bumabasa.Epektibong PaglihamUpang maging epektibo ang pagsulat ng liham, narito ang apat na karaniwang mungkahitungo sa mahusay na pagsusulat:1.2.3.4.Ituon ang iyong pag-iisip. (Center your thinking.)Organisahin ang iyong iniisip. (Organize your thinking.)Tiyakin ang iyong iniisip. (Specify your thinking.)Ilahad nang malinaw ang iyong mga idea o kaisipan. (Present your thoughts clearly.)Ang pagsulat ng liham ay isa sa mga pangangailangan at di-maiiwasang gawaing opisyalat transaksiyonal (pangangasiwa, pamamahala, negosyo, atbp) at pagpapaigting ng ugnayangpanlipunan. Ang korespondensiyang pampamahalaan at liham pangalakal at iba pang kauringliham ay dapat pormal. Sa ganitong uri ng mga korespondensiya, nararapat lamang nanakabatay sa layunin, kahika-hikayat, katanggap-tanggap at kapani-paniwala sa bumabasa opinadadalhan.1

2Mga Katangianng Liham(Characteristics of a Letter)Madaling maghanda ng isang liham, maging ito man ay pormal o di-pormal. Subalit, iilanlamang ang mapipili at maituturing na mahusay ang pagkakahanda. Ang pangunahingdahilan nito ay ang kakulangan sa bisa ng liham.Mahalagang isipin na kailangang maging pormal at mabisa ang liham pantanggapan.Nangangailangan ito ng kaayusan ng mga ideang nais ipahatid sa sinusulatan.Upang maging matagumpay ang isang liham, inilalahad dito ang ilang dapat taglayinnito gaya ng mga sumusunod:1.Malinaw (Clear)Una sa lahat, hatiin ang mga pahayag ng mga bagay-bagay na hangad ipabatid saliham. Iplano ang pagkakasunod-sunod ng mga ideang ipapaloob. Pagkatapos ay suriin kungmahusay ang pagkakapahayag ng bawat idea. Ito ay di dapat maging mahaba o maligoy. Higitna epektibo ang maiikling pangungusap. Tandaan na ang kasimplihan ay daan ng madaling pagunawa.2.Wasto (Correct)Laging isaisip na ang ano mang liham na nangangailangan ng katugunan ay dapatmagtaglay ng lahat ng angkop at tiyak na impormasyon. Bago sumulat, dapat alamin ang mgakailangan at ihanda ang mga ito nang naaayon sa kani-kanilang priyoridad. Tiyaking wastoang bawat pahayag o sasabihin lalo na ang mga impormasyon bago ito isulat. Ang wastongpagpapahayag, pagbaybay, at balarila ay napakapundamental sa kapuri-puring pagsulat ngliham o ano mang uri ng akda. Mahalaga ring isaalang-alang ang tamang pagbabantas.3.Buo (Complete)Pagsama-samahin ang lahat ng kailangang impormasyon sapagkat kapag nakaligtaangitala ang isang bagay na kailangan ng sumulat, lalabas na kapos o depektibo sa pangunahingsangkap ang liham. Upang maging kasiya-siya ang tugon ng sinulatan, dapat na unang-unangnakasisiya o sapat ang isinasaad sa liham ng sumulat.2

Magalang4.Magalang (Courteous)Napakahalaga ng himig (tone) ng pagpapahayag. Hindi dapat mabakas sa sulat angpagkabigla, pagkamagalitin, o pagkawala ng kagandahang asal. Nakatatawag-pansin angpagkamagalang, kaya’t agad nakukuha ang tugon o reaksiyon sa liham.5.Maikli (Concise)Sika

Wastong Pagpo-format ng Memorandum 72 9 Resolusyon (Resolution) 130 10 Katitikan ng Pulong (Minutes of the Meeting) 137 . at perpeksiyon ng liham ang bahaging Paggamit ng mga Bantas. Sa kabuuan, ang PKO ay inaasahang makatutulong sa mga gagamit nito sa pagbuo ng kompleto

Related Documents:

kailangan ang ganitong manwal upang mabigyan ng patnubay ang mga guro, estudyante, at sinumang nagnanais sumulat sa wikang Filipino. Nilalaman ng ganitong patnubay ang mga batas at tuntunin sa paggamit ng wika na mula sa matagal nang paggamit ng wika ng sambayanan at ng mahuhusay na manunulat. Ngunit unang -unang dapat linawin

lalo sa usapin ng pagpapalaganap sa pagtuturo ng Inang Wika—panustos sa kampanya. Sapagkat multikultural ang ating bansa, kailangan ng sapat na pondo para sa mga sanggunian at mga ilalahok sa nilalaman, transisyon mula sa Inang Wika papuntang opisyal na wika. Matutugunan naman ang mga suliraning ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng political will

Mapahahalagahan ang pagsisikap ng mga Pilipino upang makamit ang kalayaan at maipakita ang katapatan sa demokrasya. . ngunit hindi maaaring tumutol sa bawat naisin ng mga opisyal na sundalong Hapon na nakatalaga at nagmamatyag sa . bigas at alagang hayop ay sinamsam ng mga sundalong Hapon. Nabuhay ang mga tao sa lamang dagat, lamang lupa at .

Nang sumiklab ang Rebolusyong Pilipino ng 1896, kaagad na inaresto ng mga kolonyal na awtoridad na Espanyol ang aking lolo-sa-tuhod at ang mga anak niyang lalaki. Ininteroga at pinahirapan sila ng mga opisyal na militar a

Sa Angono, Rizal, panahon pa ng kolonyalismong Kastila ay gumagawa na ng effigy ang mga tagaroon. Ang mga higantes ng Angono ay orihinal na nilikha hindi para . mananakop na Espanyol, partikular sa mga represibong patakaran at pasistang polisiya ng mga prayle at opisyal. Gayon din sa

Araling Panlipunan . ii Araling Panlipunan 2 ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan n Pangalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph.D. Consultant: –Ikalawang Baitang Patnubay ng Guro Unang Edisyon, 2013 ISBN: Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa .

kaisipang kalusugan. Ang mga espesyal na serbisyo ay ibinibigay sa pamamagitan ng Los Angeles County "Mental Health Plan (Pla-no sa Pangkaisipang Kalusugan)" o (MHP), na hiwalay sa iyong regular na doktor. Ang Los Angeles County MHP ay pinamamaha-laan sa ilalim ng mga patakaran na itinakda ng Estado ng California at ng pederal na pamahalaan.

Academic writing is often a highly problematic but always potentially trans-formational activity. Despite the great diversity within and between different academic disciplines, several common themes are associated with the experi-ence of writing in academia. It is often encountered as a process that is full of paradoxes. This book aims to identify and explore those common themes and to help .