Gabay Sa Kurikulum Ng K To 12

3y ago
84 Views
2 Downloads
831.23 KB
25 Pages
Last View : 13d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Mia Martinelli
Transcription

Republika ng PilipinasKagawaran ng EdukasyonDepEd Complex, Meralco AvenueLungsod ng PasigGabay sa Kurikulum ngK to 12Edukasyon sa PagpapakataoGrade 1Enero 31, 2012

K TO 12 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOANG BATAYANG KONSEPTWAL NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOAng tunguhin o outcome ng pag-aaral sa batayang edukasyon ay ang panlahatang pag–unlad taglay ang mga kasanayan sa ika–dalawampu’t isang siglo.Taglay ito ng isang mag-aaral kung mayroon siyang mga kakayahang pangkaalaman, pandamdamin at asal na magbibigay sa kanya ng kakayahan upang: mamuhay at magtrabaholinangin ang kanyang mga potensiyalgumawa ng mga pasyang mapanuri at batay sa impormasyon, atkumilos nang epektibo sa lipunan at pamayanan sa konteksto ng sandaigdigan upang mapabuti ang uri ng pamumuhay niya at ng kanyang lipunan(Literacy Coordinating Council, Setyembre 1997).Ang kahulugan at ang limang palatandaan nito ay batay sa Apat na Batayan (Pillar) ng Edukasyon at ang konsepto ng UNESCO tungkol sa mgapanghabangbuhay na kakayahan (life skills) na binuo ng International Commission on Education para sa ika-21 siglo. Ang limang palatandaan nito ay angmga sumusunod: (a) may kakayahang makipagtalastasan, (b) nag-iisip nang mapanuri at may kakayahang lumutas ng suliranin, (c) ginagamit ang mga likasna yaman nang mapanagutan para sa susunod na salinlahi at (d) produktibo, napauunlad ang sarili at ang pakikipagkapwa, at (e) may malawak na pananawsa daigdig.Sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EP), ang palatandaan o batayang kakayahan ng functional literacy ay nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungosa kabutihang panlahat. Ibig sabihin, nilalayon ng EP na linangin at paunlarin ang pagkataong etikal ng mag-aaral. Ang EP ay naglalayong gabayan angmag-aaral na mahanap / matagpuan ang kabuluhan ng kanyang buhay, ang papel niya sa lipunang Pilipino upang makibahagi siya sa pagtatayo ngpamayanang pinaiiral ang katotohanan, kalayaan, katarungan at pagmamahal. Upang maipamalas ito, kailangang taglay niya ang limang pangunahingkakayahan (macro skills)*: pag-unawa, pagninilay, pagsangguni, pagpapasya at pagkilos. Pag-unawa. Mahalagang maipamalas niya ang kakayahang mahinuha ang mga konsepto at prinsipyong nagbibigay-paliwanag sa sariling karanasan,mga sitwasyong namasid, sinuri at pinagnilayan gamit ang obhektibong pamantayan ng moral na pamumuhay. Pagninilay. Sa gitna ng mabilis na daloy ng impormasyon at ingay ng kapaligiran, kailangang mag-ukol ng panahon ang mag-aaral sa maingat atmalalim na pag-iisip sa mga sitwasyong namasid at mga konseptong natutuhan tungkol sa moral na pamumuhay. Pagsangguni. Kailangang humihingi siya ng payo o gabay sa mga taong may higit na kaalaman o kasanayan sa moral na pamumuhay at marunongmagsala (weigh) ng mga impormasyong mula sa iba’t ibang uri ng media batay sa obhektibong pamantayan ng moral na pamumuhay.*TWG on K to 12 Curriculum-bersiyon ng Enero 31, 20122

K TO 12 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Pagpapasya. Kailangang matuto siyang bumuo ng sariling posisyon, paniniwala, paninindigan o kilos na isasagawa batay sa obhektibongpamantayan ng moral na pamumuhay. Pagkilos. Mahalagang mailapat niya ang konsepto o prinsipyong nahinuha mula sa mga konkretong sitwasyon ng buhay at maipakita ang kahandaangisabuhay ang mga mabuting ugali (virtues) na natutuhan batay sa obhektibong pamantayan ng moral na pamumuhay.Ang mga pangunahing kakayahang ito ay nililinang sa apat na tema sa bawat taon sa paraang expanding spiral mula Kindergarten hanggang Grade 12. Angapat na temang ito ay (a) Pananagutang Pansarili at Pagiging Kasapi ng Pamilya , (b) Pakikipagkapwa at Katatagan ng Pamilya, (c) Paggawa Tungo saPambansang Pag-unlad at Pakikibahagi sa Pandaigdigang Pagkakaisa, at (d) Pagkamaka-Diyos at Preperensya sa Kabutihan. Pitong pangunahingpagpapahalaga (core values) ang nililinang sa mga temang ito: Kalusugan at Pakikiisa sa Kalikasan, Katotohanan at Paggalang, Pagmamahal at Kabutihan,Ispiritwalidad, Kapayapaan at Katarungan, Likas-kayang Pag-unlad, Pagkamaka-Pilipino at Pakikibahagi sa Pambansang Pagkakaisa (Values Education forthe Filipino: 1997 Revised Version of the DECS Values Education Program, ph. 10-11).Ang Pilosopiya at mga Teoryang Batayan ng Pagtuturo-PagkatutoAng Batayang Konseptwal ng Edukasyon sa Pagpapakatao ay batay sa pilosopiyang Personalismo tungkol sa pagkatao ng tao at sa Virtue Ethics. Ayon sapilosopiya ng Personalismo, ang ating mga ugnayan ay nakaugat lagi sa pagpapakatao. Nililikha natin ang ating pagpapakatao sa ating pakikipagkapwa. SaVirtue Ethics naman, sinasabing ang isang mabuting tao ay nagsasabuhay ng mga virtue o mabuting gawi (habits) at umiiwas sa mga bisyo o masamanggawi. Samakatwid, ang nagpapabuti sa tao ay ang pagtataglay at ang pagsasabuhay ng mga mabuting gawi.Sa kanyang murang edad na 6 hanggang 12 taon, maaaring hindi pa lubos na maunawaan ng isang bata ang kanyang pagkatao bilang tao ayon sapaliwanag ng pilosopiyang Personalismo. Ngunit maaari siyang sanayin sa mga virtue at pagpapahalaga upang siya’y lumaking isang mabuting tao. Sa mgaedad na ito, mauunawaan niya na siya ay dapat na magpakabuti hindi lamang sapagkat ito ang inaasahan sa kanya ng lipunan kundi dahil siya ay tao - maydignidad at likas ang pagiging mabuti. May dignidad ang tao dahil siya ay bukod-tangi at may ugnayan sa kanyang kapwa, sa Diyos, at kalikasan.Ang iba pang teorya na nagpapaliwanag kung paano natututo ang mag-aaral sa EP ay ang Interaktibong Teorya ng Pagkatuto ni Albert Bandura, ExperientialLearning ni David Kolb, Constructivism at Teorya ng Career Development ni Ginzberg, et. al. at Super.Ang mga pagkatuto tulad ng pagkakaroon ng mabuting ugali at bagong impormasyon ay maaaring makuha sa pagmamasid sa ibang tao ayon sa paliwanagng Interaktibong Teorya ng Pagkatuto (Social Learning Theory) ni Albert Bandura. Ayon din sa teoryang ito, mahalaga ang mga iniisip ng tao sa kanyangpagkatuto at ang mga pagkatuto ay hindi nangangahulugang magbubunga ng pagbabago sa kilos.Ang mga karanasan din ang pinagkukunan ng mga pagkatuto ayon kay David Kolb at sa Teorya ng Pagkatuto ng Constructivism. Ayon sa Teorya ngExperiential Learning ni Kolb, ang mga nasa edad (adults) ay natututo sa pamamagitan ng kanilang pagninilay sa kanilang mga karanasan, pagbuo ng mga*TWG on K to 12 Curriculum-bersiyon ng Enero 31, 20123

K TO 12 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOkonklusyon o insight mula sa mga ito, at paglalapat ng mga ito sa angkop na mga sitwasyon ng buhay. Sinusuportahan ang pananaw ni Kolb ng Teorya ngPagkatuto ng Constructivism. Ayon sa teoryang ito, nagkakaroon ng pagkatuto ang tao at gumagawa ng kabuluhan (meaning) batay sa kanyang mgakaranasan. Naipamamalas ito sa pagtuturo sa pamamagitan ng pagbibigay ng tuon sa mag-aaral. Nagkakaroon siya ng mga bagong pagkatuto gamit angmga tanong ng guro at ng kanyang malikhaing paraan.Nailalapat ang mga pagkatuto sa paggawa ng mga pasya lalo na sa kukuning kurso o propesyon. Ayon sa Teorya ng Career Development nina Ginzberg, e.al. at Super, dumadaan sa iba’t ibang yugto ang pagpapasya ng bata ukol sa kurso o propesyon batay sa kanyang pagtingin sa sarili (self-concept), saloobin(attitude) at mga pagpapahalaga. Tinatanggap o tinatanggihan niya ang isang kurso o trabaho batay sa obserbasyon niya (halimbawa, mga kilos ng kanyangmagulang batay sa propesyon nito) at kanyang tinuturing na mahalaga (halimbawa, malaking sweldo o paglilingkod sa lipunan).Mga Disiplina ng Edukasyon sa PagpapakataoAng nilalaman at istraktura ng Edukasyon sa Pagpapakatao ay nakaankla sa dalawang disiplina: Ethics at Career Guidance. Ang Etika ay ang siyensya ngmoralidad ng kilos ng tao. Ang Career Guidance ay ang paggabay sa mag-aaral na magpasya ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal na tugma sakanyang mga talento, kakayahan at aptitude at mga trabahong kailangan ng industriya.Mga Dulog sa PagtuturoAng mga pangunahing dulog na gagamitin sa pagtuturo ng mga konsepto ay ang pagpapasyang etikal (ethical decision making sa pamamagitan ng pagsusuring suliranin o isyu), ang Panlipunan–Pandamdaming Pagkatuto (Social-Emotional Learning), at pagpaplano ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal.Ang paggawa ng pagpapasyang etikal o moral ay ang pagbuo ng pasya na may preperensya sa kabutihan at magpapatingkad o maglilinang ng pagkatao ngtao. Ito ay proseso na kinapapalooban ng (a) pag-alam sa mga detalye ng sitwasyon at (b) maingat na pagsasaalang-alang ng mga moral na pagpapahalagana mahalaga sa isang sitwasyon. Mahalaga rin dito ang pagiging sensitibo sa mga aspetong moral ng mga sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay at angkamalayan sa mga tao o pangkat na maaapektuhan ng pasya.Ang Panlipunan–Pandamdaming Pagkatuto (Social-Emotional Learning) ay ang pagkakaroon ng mga kakayahang kailangan sa pagkilala at pamamahala ngsarili, paglinang ng pagmamalasakit sa kapwa, paggawa ng mapanagutang pasya, pakikipag-ugnayan, at pagharap nang epektibo sa mga mapanghamongsitwasyon. Ito ay paraan ng paglinang ng mga kakayahan ng mag-aaral upang magtagumpay sa mga gawain sa buhay. May limang uri ang mga kakayahangito: Kamalayang Pansarili, Pamamahala ng Sarili, Kamalayang Panlipunan, Pamamahala ng Pakikipag-ugnayan at Mapanagutang Pagpapasya.*TWG on K to 12 Curriculum-bersiyon ng Enero 31, 20124

K TO 12 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOFigure 1. Ang Batayang Konseptwal ng Edukasyon sa Pagpapakatao*TWG on K to 12 Curriculum-bersiyon ng Enero 31, 20125

K TO 12 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOE. Values MappingThemesK-34-6IIIIIIIVPagpapakatao at pagigingkasapi ng pamilyaPakikipagkapwatao(Self-worth)(Harmony with otherpeople)Pagmamahal sa bansa atpakikibahagi sapandaigdigang pagkakaisaPagkamaka-Diyos atpreperensya sa kabutihan(Love of God and preferencefor the good)(Love of country andglobal solidarity)Konsensya (conscience)Pagdama at pag-unawa saPagkamasunurin(obedience)Pananampalataya sa DiyosKalusuganDamdamin ng iba (empathy)Kaayusan(order)Pag-asaPangangalaga sa sariliPaggalangPagmamahal(carefor oneself)Kabutihan (kindness)IspiritwalidadPagpipigil sa sarili(self-control)Pagkamatapat (sincerity)Pagiging tapat (honesty)Pagkabukaspalad(generosity)Katatagan ng loob asig (perseverance)Pagkakawanggawa (charity)PagkamagalangPagmamalasakit sa kapwaPaggalang sa opinyon ngibang taoMapanagutan(responsibility)Pagmamalasakit sa kapaligiranPagmamalasakit sa pamayananMapanuring pag-iisipPagkabukas isipanPagmamahal sa katotohananPagkamatiyaga (patience)Pagkamahinahon*TWG on K to 12 Curriculum-bersiyon ng Enero 31, 20126

K TO 12 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOThemes7-10IIIIIIIVPagpapakatao at pagigingkasapi ng pamilyaPakikipagkapwatao(Self-worth)(Harmony with otherpeople)Pagmamahal sa bansa atpakikibahagi sapandaigdigang pagkakaisaPagkamaka-Diyos atpreperensya sa kabutihan(Love of God and preferencefor the good)(Love of country andglobal solidarity)Disiplinang pansariliFairnessDeterminasyonPagmamahal sa DiyosTiwala sa sarili katiwalaanKatarunganPagpapakumbaba (humility)TemperanceKatatagan (Steadfastness)Pagmamahal at kabutihanKatarunganKalinisan (Purity)Pagmamahal sakapwaPagpapahalaga sa kalikasanKatataganPagtitimpi at moderasyonPakikipagtulunganMaingat na pagpapasayaPakikipagkaibiganPagkakabuklod ng pamilya(familysolidarity)PagmamalasakitPagbibigay halaga sa kapwaPagiging palakaibiganPangngalaga ng kapaligiranKapayapan at katarunganPagmamalasakit para sakabutihan ng nakararami(common good)Pananagutang panlipunanPaggalang sa karapatang-pantaoPagkakapantay-pantay ng mgataoPakikipagtulungan(cooperativeness)*TWG on K to 12 Curriculum-bersiyon ng Enero 31, 20127

K TO 12 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOCOURSE DESCRIPTIONAng Edukasyon sa Pagpapakatao (EP) ay asignaturang bahagi ng K to 12 na gagabay at huhubog sa mga kabataan. Ang tunguhin o outcome ng EPay kabataang nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat. Nangangahulugan ito na lilinangin at pauunlarin ang pagkataongetikal ng bawat mag-aaral. Upang maipamalas ito, kailangang magtaglay siya ng limang pangunahing kakayahan (macro skills): pag-unawa, pagninilay,pagsangguni, pagpapasya at pagkilos.Ang mga pangunahing kakayahang ito ay nililinang sa apat na tema sa bawat antas mula Kindergarten hanggang Baitang 10: (a) PananagutangPansarili at Pagiging Kasapi ng Pamilya, (b) Pakikipagkapwa, (c) Paggawa Tungo sa Pambansang Pag-unlad at Pakikibahagi sa Pandaigdigang Pagkakaisa,at (d) Pagkamaka-Diyos at Preperensya sa Kabutihan.Apatnapung minuto araw-araw ang iminumungkahing oras at Filipino ang gagamitin sa pagtuturo ng EP.Matrix of Content/Values for K to 6Nilalaman / HalagaKGr. 1Gr. 2Gr. 3Gr. 4Gr. 5Gr. 6Gr. 7Gr. 8Gr. 9Gr. 10A. Pagpapakatao at Pagiging Kasapi ngPamilya:1. Pagkilala sa sarilioKalakasan / potensyal oKahinaan oDamdamin 2. Pangangalaga sa sarilioMabuting kalusugan*TWG on K to 12 Curriculum-bersiyon ng Enero 31, 20128

K TO 12 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAONilalaman / HalagaGr. 2Gr. 3Gr. 4Gr. 5Gr. 63. Katatagan ng loob 4. Pagkamasigasig 5. Mapanuring pag-iisip 6. Pagkakaroon ng bukas na isipan 7. Pagmamahal sa katotohanan 8. Pagkamatiyaga 9. Pagkamahinahon oPagpipigil sa sariliKGr. 1 10. Pagkakabuklod ng pamilya /KaayusanB. Pakikipagkapwa-tao11. Pagdama at pag-unawa sa damdaminng iba12. Paggalang 13. Pagkamatapat 14. Pagkabukas-palad 15. Pagmamalasakit sa kapwaoPagiging palakaibiganGr. 7Gr. 8Gr. 9Gr. 10 oPagkakawanggawa /pagkamahabaginC. Pagmamahal sa bansa at pakikibahagi sapandaigdigang pagkakaisa*TWG on K to 12 Curriculum-bersiyon ng Enero 31, 2012 9

K TO 12 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAONilalaman / HalagaK16. PagkamasunurinGr. 1Gr. 2Gr. 3Gr. 4 Gr. 5Gr. 6Gr. 7Gr. 8Gr. 9Gr. 1017. Kasipagan18. Mapanagutan 19. Nasyonalismo at GlobalismooKaayusanoPatriotismooPagmamalasakit sa kapaligiranoPandaigdigang pagkakaunawaan D. Pagkamaka-Diyos at preperensya sakabutihan (Ispiritwalidad)20. Pananampalataya sa Panginoon 21. Pag-asa (Hope) 22. Pagkamatapat (Sincerity) 23. Pagmamahal at pagkakawanggawa(Charity)24. Paggalang sa karapatan ng iba 25. Paggalang sa paniniwala ng iba *TWG on K to 12 Curriculum-bersiyon ng Enero 31, 2012 10

K TO 12 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOMGA PAMANTAYAN SA PROGRAMA (LEARNING AREA STANDARDS)Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa pananagutang pansarili, pamilya, kapwa, bansa/daigdig at Diyos; nagkapagpapasyaat nakakikilos nang mapanagutan para sa kabutihang panlahat upang mamuhay nang may kaayusan, katiwasayan, kaunlaran tungo sa kaligayahan ngtao.PANGUNAHING PAMANTAYAN NG BAWAT YUGTO (KEY STAGE STANDARDS)K –34–67–10Naipamamalas ng mag-aaral ang Naipamamalas ng mag-aaral ang.Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa konsepto at gawangnagpapakita ng pananagutang pansarili,pagmamahal sa kapwa, sa bansa at saDiyos tungo sa maayos at masayangpamumuhay.pag-unawa sa konsepto at gawangnagpapakita ng pananagutang pansarili,pagmamahal sa kapwa,sa bansa/ daigdig atsa Diyos tungo sa kabutihang panlahat.pag-unawa sa mga konsepto at gawangnagpapakita ng mapananagutangpagpapasya at kilos na may preperensiyasa kabutihan, pagmamahal sa pamilya atkapwa, pagpapahalaga sa paggawa,pagmamalasakit sa bansa/daigdig tungo sakaayusan, katiwasayan, kaunlaran atkaligayahan ng tao.*TWG on K to 12 Curriculum-bersiyon ng Enero 31, 201211

K TO 12 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOGrade Level Standards (Pamantayan sa Bawat Baitang/ Antas)K123456Naipakikita ang pagkakaroon ng kamalayan sa paggalang at pagmamahal sa sarili, kapwa at Diyos bilang gabay tungo sa maayos atmasayang tahanan.Naipakikita ang mga paraan ng paggalang sa sarili, kapwa, sa bansa at Diyos bilang gabay tungo sa maayos at masayang tahanan atpaaralan.Naipakikita ang mga kilos na nagpapahalaga sa sarili,sa kapwa, sa bansa at sa Diyos at sa kanyang mga nilikha bilang patnubay samaayos at masayang tahanan, paaralan at pamayanan.Naisasagawa ang mga gawain na nagpapakitang pagpapahalaga sa sarili,sa kapwa,sa bansa at sa Diyos at sa kanyang mga nilikhatungo sa maayos at masayang pamumuhay.Naipamamalas ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa pagsasagawa ng mga makabuluhang gawain naayon sa kagustuhan ng Diyostungo sa maayos, masaya, mapayapang pamumuhay ng sarili, ng kapwa at kaunlaran ng bansa.Naipamamalas ang pag-unawa sa masusing pagsusuri sa pagpapahayag, pagganap ng tungkulin sa sarili/ mag-anak, kapwa/pamayanan, bansa/ daigdig na may kaakibat na pananagutan at pagsasabuhay ng mga ito tungo samasaya,mapayapa atmaunlad na pamumuhay.Naipamamalas nang may pag-unawa ang mga gawaing may kaugnayan sa pag-angat ng sariling dignidad, katatagan ng loob sapanahon ng mga pagsubok at pagtulong sa kapwa tungo sa maayos at maunlad na pamumuhay.7Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata, talento at kakayahan, hilig at pagkatao ng tao tungo sa pagtupad ng mga tungkulin sa sarili, sa kapwa, sa bansa/daigdig at sa Diyos at pagtatakda ng mithiin upang mapanagutan ang kahihinatnan ng mga pasya at kilos.8Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa layunin at kahalagahan ng pamilya bilang pundasyon ng pakikipagkapwa tungo sapagiging mapanagutan sa bansa/daigdig at Diyos.910Naipamamalas ng mag-aaral ang kahalagahan ng masusing pagpili ng kursong kukunin at ng hanap buhay para sa sarilingkinabukasan, tumutugon sa makabuluhang paggawa, local o global, tungo sa pagsulong ng pambansang kaunlaran at ayon saplano ng Diyos.Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at katatagang humarap sa mga isyung moral at impluwensyang kapaligiran, kakayahanggumawa ng moral na pasya at kumilos nang may preperensya sa kabutihan.*TWG on K to 12 Curriculum-bersiyon ng Enero 31, 201212

K TO 12 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOContentPamantayang PangnilalamanPamantayan sa Pagganap(Content Standards)(Performance Standards)I. Pananagutang Pansarili at Pagiging Kasapi ng Pamilya (Self-Worth)Ang mag-aaral ay Ang mag-aaral ay Pagkilala sa sarili naipamamalas ang pang-unawa sa kahalagahan ng pagkilala sasariling kakayahan tungo sapagkakaisa ng buong maganak.naipakikita ang kakayahan ng maytiwala sa sarili.Mga Batayang Kasanayan(Learning Competencies)Ang mag-aaral ay Pangangalaga sa sarili(care for oneself)-Ang mag-aaral ay Ang mag-aaral ay Ang mag-aaral ay naisasabuhay ang iba’t ibangparaan ng tamang pangangalagasa kalusugan ng sarili nakakapagpasya para saikahuhusay ng sarili Malinis at malusog napangangatawannaipamamalas ang pang-unawasa kahalagahan ng pagigingmalinis at pangangalaga sa kalusugan-nasusuri ang sariling:- kakayahan- kahinaan- damdamin/ emosyonnapahahalagahan ang kasiyangnaidudulot ng pagpapamalas ngkakayahannagagawa ang mga bagay nakinakailangan upang mapaunlad pa angmga kakayahan at maiwasto ang mgakakulangan o kahinaan Pagiging responsablesa sarili nauunawaan ang kahalagahanng pagiging responsable sasarili*TWG on K to 12 Curriculum-bersiyon ng Enero 31, 2012 nagagawa nang mahusay ang mgagawaing nakapagdudulot ng kalinisan atkalusugannatutukoy ang mga pagkaing mainam sakalusugannakikilatis ang mga gawaing maaaringmakasama o makabuti sa kalusugannapahahalagahan ang ugnayan ngwastong pangangalaga sa sarili sapaglinang ng mga kakayahannalilinang ang wastong pag-uugali hinggilsa pangangalaga sa sariling kalusugan13

K TO 12 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO- Pagkakabuklod ngpamilya--Ang mag-aaral ay Ang mag-aaral ay Nauunawaan ang kahalagahanng pagkakaroon ng disiplina sapagiging mabuting kasapi ngpamilya naipakikita ang pagkakaroon ngdisiplina sa sarili sa iba’t ibangsitwasyon. naisasagawa nang may katapatan angmga kilos na nagpapakita ng disiplinasa sarili sa iba’t ibang sitwasyon. nauunawaan at naipakikita angpagmamalasakit sa mag-anak. naipakikita nang tapat angpagmamalasakit sa mga kasaping mag-anak. naipadarama ang pagmamahal sa mgakasapi ng mag-anak sa pamamagitanng paggawa nang mabuti- pag-aalala sa mga kasambahay atkapwa-bata- pag-aalaga sa nakababatangkapatid at kapamilyang may sakit

K TO 12 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO *TWG on K to 12 Curriculum-bersiyon ng Enero 31, 2012 8 COURSE DESCRIPTION Ang Edukasyon sa Pagpapakatao (EP) ay asignaturang bahagi ng K to 12 na gagabay at huhubog sa mga kabataan. Ang tunguhin o outcome ng EP ay kabataang nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat.

Related Documents:

B Pengembangan Kurikulum 2013 C Uji Publik 2 E Rencana Impelementasi Kurikulum 2013 D Alternatif Struktur Kurikulum A Rasional Pengembangan Kurikulum 2013. Rasional Pengembangan Kurikulum A 3. Tantangan Internal 1a 4-Rehab Gedung Sekolah-Penyediaan Lab dan Perpustakaan-Penyediaan Buku Kurikulum 2013

satu yang didesentralisasi adalah kurikulum. Sekolah harus menyusun kurikulum 1 Oemar Hamalik, Kurikulum dan Pembelajaran (Jakarta: PT. Bumi Aksara, 2011), 1. 2 E. Mulyasa, Pengembangan dan Implementasi Kurikulum (Bandung: PT. Remaja Rosdakarya 2013), 4. 3 Zainal Arifin, Konsep dan Model Pengembangan Kurikulum (Bandung: PT. Rodakarya 2013), 113.

kurikulum tahun 2004 yang dikenal dengan Kurikulum Berbasis Kompetensi (KBK) maka batasan kurikulum diorientasikan pada pencapaian target . tujuan kurikulum, penilaian dan kegiatan pembelajaran, serta optimalisasi . 2. Model kurikulum

A. Pengertian Desain Kurikulum Desain adalah rancangan, pola, atau model. Mendesain kurikulum berarti menyusun rancangan atau model kurikulum sesuai dengan misi dan visi sekolah. Tugas dan peran seseorang desainer kurikulum menentukan bahan dan cara mengembangkan kurikulum

Gabay ng Magulang sa Proseso ng Pagpapasok, Pagbabalik-aral, at Pagpapaalis Pahina 1 Hulyo 2020 Panimula Ang gabay na ito ay binuo ng Statewide Leadership for the Legal Framework Project Team at ng Texas Education Agency (TEA) bilang tugon sa pangangailangan sa Texas Education Code (TEC) § 26.0081.Ang

SILABUS A. Silabus Implementasi Kurikulum 2013 B. Silabus Bimbingan dan Konseling dalam Kurikulum 2013 Silabus Assesmen dan Penetapan Peminatan Peserta Didik D. Silabus Praktik Pelayanan Bimbingan dan Konseling dalam BAGIAN 3: 2.1 MATERI PELATIHAN 1. Materi Pelatihan 1 : Implementasi Kurikulum 2013 1.1 Rasional dan Elemen Perubahan Kurikulum 2013

Pedoman Kurikulum Madrasah 2013. 28. Keputusan Menteri Agama Republik Indonesia, Nomor 207 tahun 2014 tentang Kurikulum Madrasah. C. Tujuan Penyusunan Pedoman Secara umum Pedoman Teknis Implementasi Kurikulum Madrasah ini disusun sebagai acuan penerapan Kurikulum Madrasah tingkat nasional, tingkat daerah, dan

Model Kurikulum Sekolah Alam: Telaah Terhadap Pengembangan Kurikulum Sekolah Dasar ABS (Alam Bengawan Solo) Klaten. Skripsi. Surabaya: Fakultas Tarbiyah dan Keguruan Universitas Islam Negeri Sunan Ampel Surabaya. Pembimbing : (1) Drs. Sutikno, M.Pd.I, (2) Moh. Faizin, M.Pd.I Kata Kunci : Model Kurikulum, Pengembangan Kurikulum, Sekolah Alam