Unang Markahan Modyul 1: Pagbibigay Ng Komento O Reaksyon

3y ago
344 Views
24 Downloads
1.37 MB
32 Pages
Last View : 10d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Rafael Ruffin
Transcription

2MTB-MLEUnang Markahan – Modyul 1:Pagbibigay ng Komento oReaksyon

MTB-MLE – Ikalawang BaitangAlternative Delivery ModeUnang Markahan – Modyul 1: Pagbibigay ng Komento o ReaksyonUnang Edisyon, 2020Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ngkarapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailanganmuna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung itoay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ayang pagtakda ng kaukulang bayad.Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brandname, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na itoay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upangmakuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala atmga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito aykinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag saanomang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Leonor Magtolis BrionesPangalawang Kalihim: Diosdado M. San AntonioBumuo sa Pagsusulat ng ModyulManunulat: Aileen B. SimonEditor: Elena V. Almario, Cita C. Merla, Marie Ann C. Ligsay PhDTagasuri: Marcela S. Sanchez, Racy V. Troy, Arnold A. MontemayorTagaguhit: Lynzee A. Monta, Karen D. RomeroTagalapat: Cristina T. FangonTagapamahala:Nicolas T. Capulong PhD, CESO VLibrada M. Rubio PhDMa. Editha R. Caparas EdDNestor P. Nuesca EdDMerlinda T. Tablan EdDEllen C. Macaraeg EdDElena V. AlmarioInilimbag sa Republika ng Pilipinas ngKagawaran ng Edukasyon - Rehiyon IIIOffice Address:Telefax:E-mail Address:Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando(045) 598-8580 to 89region3@deped.gov.ph

2MTB-MLEUnang Markahan – Modyul 1:Pagbibigay ng Komento oReaksyon

Paunang SalitaPara sa tagapagdaloy:Malugod na pagtanggap sa asignaturang MTB-MLE 2ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para saaraling Pagbibigay ng Komento o Reaksyon!Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo,nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pampublikoat pampribadong institusyon upang gabayan ka, anggurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ngmag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng Kto12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnayang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatutosa mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upangmakamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habangisinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailanganat kalagayan.Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahingteksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawanng modyul:Mga Tala para sa GuroIto'y naglalaman ng mga paalala,panulong o estratehiyang magagamit sapaggabay sa mag-aaral.ii

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ngpaunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitinang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan atitala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silangpamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin atgabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mgagawaing nakapaloob sa modyul.iii

Para sa mag-aaral:Malugod na pagtanggap sa MTB-MLE 2 ngAlternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol saPagbibigay ng Komento o Reaksyon!Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyongpangangailangan. Layunin nitong matulungan ka saiyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhangoportunidad sa pagkatuto.Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon nadapat mong maunawaan.AlaminSa bahaging ito, malalamanmo ang mga dapat mongmatutuhan sa modyul.SubukinSa pagsusulit na ito, makikitanatin kung ano na angkaalaman mo sa aralin ngmodyul. Kung nakuha mo anglahat ng tamang sagot (100%),maaari mong laktawan angbahaging ito ng modyul.BalikanIto ay maikling pagsasanay obalik-aral upang matulungankang maiugnay angkasalukuyang aralin sanaunang leksyon.iv

TuklasinSa bahaging ito, ang bagongaralin ay ipakikilala sa iyo samaraming paraan tulad ngisang kuwento, awitin, tula,pambukas na suliranin, gawaino isang sitwasyon.SuriinSa seksyong ito, bibigyan kang maikling pagtalakay saaralin. Layunin nitongmatulungan kangmaunawaan ang bagongkonsepto at mga kasanayan.PagyamaninBinubuo ito ng mga gawaingpara sa mapatnubay atmalayang pagsasanay upangmapagtibay ang iyong pangunawa at mga kasanayan sapaksa. Maaari mong iwastoang mga sagot mo sapagsasanay gamit ang susi sapagwawasto sa huling bahaging modyul.IsaisipNaglalaman ito ng mgakatanungan o pupunan angpatlang ng pangungusap otalata upang maproseso kunganong natutuhan mo mula saaralin.v

IsagawaIto ay naglalaman nggawaing makatutulong sa iyoupang maisalin ang bagongkaalaman o kasanayan satunay na sitwasyon o realidadng buhay.TayahinIto ay gawain na naglalayongmatasa o masukat ang antasng pagkatuto sa pagkamit ngnatutuhang kompetensi.KaragdagangGawainSa bahaging ito, may ibibigaysa iyong panibagong gawainupang pagyamanin ang iyongkaalaman o kasanayan sanatutuhang aralin.Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:SanggunianIto ang talaan ng lahatng pinagkuhanan sapaglikha o paglinang ngmodyul na ito.vi

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sapaggamit ng modyul na ito:1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwaglalagyan ng anomang marka o sulat ang anomangbahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sapagsagot sa mga pagsasanay.2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bagolumipat sa iba pang gawaing napapaloob samodyul.3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin angbawat pagsasanay.4. Obserbahan ang katapatan at integridad sapagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawastong mga kasagutan.5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta saiba pang pagsasanay.6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro otagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ngpagsasanay.Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mgagawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangangkonsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari karin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sanakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mgakasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Lagingitanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,makararanas ka ng makahulugang pagkatuto atmakakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnayna mga kompetensi. Kaya mo ito!vii

AlaminPagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahangmakapagpapakita ng kawilihan sa pakikinig at pagbasang kuwento at makapagbibigay komento o reaksiyon.MT2OL-Ia-6.2.1SubukinPanuto: Basahin at unawaing mabuti ang kuwento.Ibigay ang iyong komento o reaksyon sa sumusunod namga tanong.Pagtulong sa KapwaDahil sa pandemyang COVID 19, maramingkapitbahay si AJ na nawalan ng hanapbuhay at ngayonay nangangailangan ng tulong. Nais ni AJ at ngkaniyang mga kaibigang nakaluluwag sa buhay natumulong sa kanilang mga kapitbahay sa pamamagitanng pag-iipon ng bigas, mga de-lata at gamot. Masayanilang ipinamahagi ang tulong sa lahat.1. Sa iyong palagay, tama ba ang ginawa ni AJ?a. opob. hindi1c. maaari

2. Sa tingin mo, sino ang higit nating dapat tulungan sapanahon ng pandemyang COVID-19?a. mahihirap na pamilyab. mayayamang pamilyac. walang dapat tulungan3. Ano ang layunin ni AJ sa kanyang ginawa?a. upang makilala ng mga taob. upang makatulong sa kapwac. upang maipagmalaki na sila ay mayaman4. Bukod sa pagiging matulungin, ano pa angkatangian ni AJ?a. mayabangb. mapagmalakic. mapagkawanggawa5. Kung ikaw ay nakakaangat sa buhay, ibabahagi morin ba sa iba ang mga biyaya mong natatanggap?Bakit?a. Hindi, dahil may natanggap naman silang ayudao tulong mula sa gobyerno.b. Hindi, dahil ito ay aking pinaghirapan.c. Opo, sapagkat sila ay higit na nangagailangan.2

Aralin1Pagbibigay ng Komento oReaksyonIsang kapaki-pakinabang na libangan angpagbabasa. Pinalalawak nito ang kaalaman ng tao. Maymga pagkakataong ang anomang binasa, narinig onapanood ay ibinabahagi sa iba.Ang pagbibigay ng reaksyon sa binasa ay isangpagpapahayag ng sariling opinyon o palagay. Maaaringtayo ay sumang-ayon o hindi sa mga bagay na atingbinasa o narinig. Anoman ang ating reaksyon, natututotayo at napauunlad ang ating kaalaman tungkol samaraming bagay.Alamin natin kung paano mo matutunan angpagbibigay ng komento o reaksyon sa iba’t ibangsitwasyon. Kaya mo ba itong gawin?BalikanPanuto: Sagutin kung Tama o Mali ang mgapahayag base sa iyong komento o reaksyon.1. Natutuwa ba ang taong nasisiyahan?2. Tama ba ang ginawa ng taong pinuri?3. Malakas bang pinapalo ang batang tinatapik ngnanay?4. Matulungin ba ang batang umaalalay sa kapwa?5. Nakita ba niya ang bagay na kanyangnatanaw?3

TuklasinPanuto: Basahin ang kuwento at unawain itong mabuti.Mga Batang MatulunginMaagang nagluto si Aling Josefa para sa pagpasokng kanyang mga anak sa paaralan. “Jessa, Jobel, gisingna, mga anak. Baka kayo mahuli sa pagpasok,”masuyong wika ng nanay.Naghanda na sa pagpasok ang magkapatid.Matapos maligo, nagbihis sila ng malinis na uniporme.Nagsuot sila ng malinis na medyas at sapatos. Inayos nilaang kanilang mga gamit sa paaralan. Kumain muna ngalmusal ang magkapatid bago umalis.Pagsapit sa paaralan, nakasalubong nila si Gng.Mendoza. “Magandang umaga po, Gng. Mendoza,” batinina Jessa at Jobel. “Magandang umaga rin sa inyo mgabata,” wika ng guro. Sa kanilang paglalakad, napansinnila ang isang batang babae na nadapa. Nilapitan nilaito at tinulungan. Dahil nasugatan ang tuhod ng bata,dinala nila ito sa klinika. Masayang-masaya angmagkapatid dahil nakatulong sila.4

Hindi batid ng dalawa na nakamasid sa kanila angguro kaya sila ay pinuri.“Binabati ko kayo. Magandang halimbawa kayo sakapwa ninyo mag-aaral,” wika ng guro habang tinatapiksa balikat ang magkapatid.SuriinMayroon tayong mga karanasan na maihahalintuladsa ating nabasang kuwento. Marunong ka rin bangtumulong sa kapwa? Maaaring ang sitwasyon na iyongnabasa ay nangyari na sa iyo. Halika, balikan natin angating kuwento at bigyan mo ng reaksyon ang mgasitwasyon.Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanongtungkol sa binasang kuwento. Bilugan ang letra natutugma sa iyong reaksyon.1. Sa iyong palagay bakit kailangang gumising nangmaaga sina Jenny at Jobel?a. dahil maglilinis sila ng bahayb. dahil papasok sila sa eskuwelac. dahil isasama sila ng nanay sa palengked. dahil magluluto sila ng agahan5

2. Kung ikaw sina Jenny at Jobel, ano ang gagawin mokapag nasalubong mo ang iyong guro?a. iiwasan ang gurob. dadalhin ang gamit at babatiinc. mag- iiba ng daand. hindi papansinin3. Bakit kailangang busog ang mag-aaral pagpasok sapaaralan?a. para hindi na siya hihingi ng pagkainb. para madali siyang matutoc. para marami siyang maisulatd. para hindi na siya magreses4. Kapag nakita mo ang isang bata na nadapa, anoang gagawin mo?a. tutulungang tumayo at dadalhin sa klinikab. hindi papansinin dahil mahuhuli na sa klasec. sasabihang tumayo at baka mahuli sa klased. hahayaan at hindi tutulungan ang bata5. Kung ikaw ang batang tinulungan, ano ang sasabihinmo?a. Sasabihing sana hindi na kayo tumulong.b. Sasabihing kaya ko ang sarili ko.c. Maraming salamat sa inyong pagtulong.d. Walang anuman.6

Mga Tala para sa GuroBasahin nang malakas ang kuwento atsitwasyon sa mga sumusunod napagsasanay. Ipagawa ang mga ito sa magaaral.PagyamaninPinatnubayang Pagsasanay 1Panuto: Ano-anong paghahanda ang ginawa ninaJessa at Jobel bilang pagsunod sa mga patakaran ngpaaralan? Lagyan ng ito ng tsek ( ).1. Pumasok sa tamang oras.2. Nagdala ng magagandang laruan.3. Inayos ang mga gamit sa paaralan.4. Nagbaon ng masasarap na pagkain.5. Nagbihis ng malinis na uniporme, medyas atsapatos.7

Pinatnubayang Pagtatasa 1Panuto: Gumuhit ng masayangmukha kungtama ang komento o reaksyon at malungkot na mukhanamankung hindi.1. Bibigyan ko ng pagkain angpulubi.2. Nagmamano ako sa matatanda.3. Maglalaro ako kasama ngaking mga kaibiganhanggang gabi.4. Magtatapon ako ng basurasa ilog.5. Tutulong akong maglinisng bahay.8

Pinatnubayang Pagsasanay 2Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at bilugan angletrang angkop sa iyong komento o reaksyon.1. Sa iyong paglalaro, nabasag mo ang paso nghalaman ng iyong ina. Ano kaya ang gagawin mo?a. itatago ang basag na pasob. bibili ng bagong pasoc. sasabihin sa nanay at hihingi ng pasensiyad. sasabihin sa tatay2. Wala kang baon dahil hindi nakapasok sa trabaho angtatay mo. Ano kaya ang mabuti mong gawin?a. gagamitin ang naipong pera sa iyong alkansiyab. hindi na lang ako papasok sa eskuwelac. hihingi ako sa kaklase ng baond. manghihingi sa kaibigan ng pagkain3. Sa COVID-19, maraming tao ang naapektuhan. Alammong marami kayong nakaimbak na pagkain. Anoang gagawin mo para makatulong?a. hahayaan ko na lang magutom ang ibang taob. manonood na lang ng balita sa COVIDc. sasabihin ko sa aking magulang na magbahagikami ng tulongd. magbibigay ako ng hindi alam ng magulang ko9

4. Nakita mong nahulog ang mga bitbit na gamit ngiyong guro. Ano ang gagawin mo?a. tatakbo akong paalisb. titingnan ko lang na damputin niya ang gamitc. lalapit ako at tutulungang kunin ang mga gamitd. tatawagin ang kaklase para tulungan ang guro5. Marami kang damit na hindi na kasya sa iyo. Ano angiyong gagawin?a. itatago sa kabinetb. itatapon sa basurahanc. ipagbibili para magkaperad. ipapamigay ang damit na hindi na isinusuotPinatnubayang Pagtatasa 2Panuto: Batay sa komiks istrip magbigay ng maiklingreaksyon.Si Junjun ay nakapulot ng pera habang siya aynaglalakad. Ipinagtanong niya ito sa mga tao ngunitwalang may ari nito. Nagdesisyon siya na ibigay ito sapulis upang mahanap ang may-ari ng pera.Isulat ang maaaring napag-usapan ni Junjun at ng pulis.10

Malayang Pagsasanay 1Panuto: Gumuhit ng puso ( ) sa patlang batay saangkop na reaksyon na dapat mong gawin.1. May uwing pagkain ang iyong nanay. Sinabi niya sa iyona hatian mo ang nakababata mong kapatid.a. Hahatiin ko ang pagkain nang magkasinlakib. Hahatiin ko na mas malaki ang parte kokaysa sa kanya.2. Umiiyak ang isang bata. Nawawala siya sa mall.a. Sasabihin ko sa kanya na umuwi na.b. Sasamahan ko siya sa guwardiya ng mallpara mahanap ang kanyang kasama.3. Dumating galing sa trabaho ang iyong tatay.a. Hindi ko siya babatiin at itutuloy angpaglalaro.b. Magmamano at ipaghahain ng makakain.4. Malimit bumaha sa inyong lugar. Maraming kanal angbarado ng plastik at basura.a. Magtatapon ako ng basura sa kanal.b. Hindi ako magtatapon ng basura sa kanal.5. Nakita mo nang biglang agawin ng isang bata anglaruan ng batang naglalaro sa parke.a. Lalapitan ko siya at paaalisin.b. Lalapitan ko siya para sabihing ibalik anglaruan.11

Malayang Pagtatasa 1Panuto: Isulat ang Tama kung angkop ang reaksyonna ginawa at Mali kung hindi.1. May batang nanlilimos sa harap ng bahay nilaGabriel. Nilapitan niya ang bata at itinulak nangmalakas.2. Buong husay na ginagamot ni Doktor Escuderoang mga may sakit.3. Hindi sinasadyang natapakan ng isangmatandang babae ang paa ni Vanessa.Malakas na sumigaw si Vanessa at nagalit.4. Ayaw magbayad ng utang si Wilson. Tuwing siyaay sinisingil, hindi niya ito pinapansin.5. Takot na takot si Jazzy sa aso. Mabilis na itinaboyni Kuya Gabo palayo ang aso.12

Malayang Pagsasanay 2Panuto: Ibigay ang iyong komento o reaksyon sasumusunod na sitwasyon. Isulat ang iyong sagot sapatlang.1. May sakit si Jonas. Ayaw niyang uminom ng gamot nawalang reseta ng doktor.2. Gabing-gabi na ay nanonood pa rin ng telebisyon siClarissa. Pinatutulog na siya ng kaniyang ina ngunitayaw niyang sumunod.3. May inilunsad na programang “Clean and Green”sa inyong paaralan upang maging malinis angkapaligiran.13

4. Naglalakad araw-araw si Lolita sa pagpasok sapaaralan. Tinitipid niya ang pera na dapat aypamasahe niya.5. Natapilok si Aling Luisa habang naglalakad.Malayang Pagtatasa 2Panuto: Basahin ang mga pahayag. Piliin mula samga larawan ang angkop na komento o reaksyon sasumusunod na sitwasyon.1. Nadatnan mong umiiyak ang iyong nakababatangkapatid. Hindi niya alam ang kanyang takdang-aralinsa Matematika. Ano ang iyong gagawin?a.b.14

2. Nagbigay ang iyong guro ng takdang-aralin naipapasa kinabukasan. Niyaya ka ng iyong kaibigan nadumalo sa “Birthday Party”. Ano ang iyong gagawin?a.b.3. Miyembro ka ng Samahang Scout sa inyong paaralan.Napagkaisahan ng samahan na magsagawa ng“Clean Up Drive” sa inyong barangay. Ano ang iyonggagawin?a.b.4. Sa iyong paglalakad papuntang paaralan, napansinmo na nalaglag ang wallet ng isang babae. Ano anggagawin mo?a.b.15

5. Bumili si Christian ng tinapay sa tindahan. Paalis na siyanang mapansin niyang sobra ang naibigay na sukli ngtindera. Ano ang kanyang dapat gawin?a.b.IsaisipBatay sa aralin. Anong mahalagang bagay angiyong natutunan?Ang pagbibigay ng komento o reaksyon aymahalaga sa anomang kaisipang nabasa o narinigmaging ito ay sumasalungat o sumasang-ayon upangmapalawak at mabigyang-diin ang kaisipangipinapahayag sa anomang binabasa o narinig.Nakatulong ba ito sa iyo upang lumawak ang iyongkaalaman? Bakit?16

IsagawaPanuto: Piliin sa Hanay B ang angkop na reaksyonmula sa mga sitwasyon na nasa Hanay A.1. Napuyat ka dahilmayroon kayongpinuntahang handaan.May pasok ka kinabukasan.a. Itatapon ko sabasurahan ang balatng akingpinagkainan.2. Reses na ngunit kumakainka pa sa kantina.b. Magpapagisingako para makapasokako.3. Tinawag ka ng guro dahilmaraming lukot na papel sailalim ng desk mo.c. Ipagpapatuloy kona lang ang kuwentopagkatapos ng klase.4. Masayang nagkukuwentoang iyong kaklase. Biglangtumunod ang bell.d. Ipapakabit komuna ang butonesbago ako pumasok.5. Natanggal ang butones ngiyong polo o blusa.e. Pupulutin ko angmga kalat sa ilalimng desk.17

TayahinPanuto: Basahin ang mga pahayag. Bilugan angletra ng angkop na komento o reaksyon.1. Gusto mong bumili sa tindahan. Wala kang pera.Pumunta ka sa kuwarto ngunit natutulog ang nanaymo.a. Kukuha ako ng pera sa pitaka ng nanay ko.b. Hihintayin kong magising ang nanay ko.c. Hihiram ako ng pera sa tita ko.2. Isang gabi, umuwi ang tatay mo na may dalangpasalubong. Hinati niya iyon sa inyong magkakapatidpero ikaw na lamang ang gising.a. Uubusin ko ang lahat ng pagkain. Hindi namannila alam.b. Ibibigay ko sa kanila ang pagkain kinabukasan.c. Sasabihin ko na walang pasalubong si tatay.3. Tapos na ang reses. Niyaya ka ng kamag-aral mo namaglaro at huwag munang bumalik sa silid-aralan. Anoang sasabihin mo?a. “Ayoko, may klase pa tayo”.b. “Sige, tara maglaro tayo”.c. “Sige, maghabulan muna tayo”.18

4. Pareho kayong pinawisan ng kapatid mo sa paglalarong badminton. Nag-unahan kayo sa pagpasok sabanyo para maligo.a. Itutulak ko siya dahil mas malaki ako sa kanya.b. Pauunahin ko na siyang maligo.c. Isusumbong ko siya kay nanay.5. Pareho kayo ng laruan ng iyong kamag-aral. Kayalamang mas bago ang sa kanya. Minsan, kayo’ynaglaro at naiwan niya sa inyong bahay ang kanyanglaruan.a. Ang lumang laruan ko ang isasauli ko sa kanya.b. Ang tunay na laruan niya ang isasauli ko.c. Sasabihin ko na wala siyang naiwan na laruan.Karagdagang GawainPanuto: Basahin at pag-aralan ang sumusunod nadiyalogo.Kuya Gabo: Isang magandang halimbawa angpagpapakita ng inyong pagmamahal sakapwa ang katulad ng pagbibigay ngdonasyon para maipadama sa kanila angiyong pagmamalasakit at pagmamahal.Papa JC:Ibigin natin ang ating kapwa tulad ngpagmamahal natin sa ating mga sarili. Higitsilang nangangailangan kaya dapatmagbahagi tayo sakanila ng tulong.19

Ate Jazzy:Hindi ako naniniwalang lahat ng binibigyanay gipit. Nanghihingi sila dahil sanay silangumasa sa iba.Ibigay ang iyong komento o reaksyon sa sumusunodna mga tanong.1. Bakit kailangang tulungan natin ang ating kapwa?2. Sa iyong palagay, sino ang higit na mapalad, angnagbibigay o ang tumatanggap? Bakit?20

PinatnubayangPagtatasa 11. 2. 3. 4. 5. Pinatnubayang

Kagawaran ng Edukasyon - Rehiyon III Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando . vi Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Related Documents:

Musika – Unang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Sukat ng Pulso Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng kar

Unang Markahan – Modyul 10: Komunikasyon ng Pamilya Unang Edisyon, 2020 . ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay . Ngayon ay nasa ikalawang aralin ka ng modyul na ito. Huwag m

Unang Markahan – Modyul 2: . 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Katapatan sa Sariling Opinyon Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan

Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Mga Hakbang Sa Pagbuo Ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan Unang Edisyon, 2020 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na: “Hindi maaaring magkaroon ng kar

Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaro

Filipino – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Paggamit ng Pangngalan sa Pagsasalaysay Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anoman