Gabay NgMagulang Sa Proseso Ng Pagpasok, Pagbabalik-aral .

3y ago
71 Views
2 Downloads
423.32 KB
24 Pages
Last View : Today
Last Download : 3m ago
Upload by : Dahlia Ryals
Transcription

Gabay ngMagulang saProseso ng Pagpasok,Pagbabalik-aral, at PagpapaalisHulyo 2020fw.escapps.net

Copyright 2020. Texas Education Agency. Nakalaan ang Lahat ng Karapatan.Talaan ng Nilalaman

Talaan ng NilalamanPanimula . 1Maagang Pamamagitan Mula sa Batang Edad . 3Tulong para sa Batang Nasa Edad ng Pagpasok sa Paaralan . 3Tugon sa Pamamagitan . 3Referral para sa Unang Pagsusuri (Evaluation) . 4Naunang Nakasulat na Paunawa . 4Pagpayag ng Magulang . 5Unang Pagsusuri. 5Pagpupulong ng Komite sa Pagpapasok, Pagbabalik-aral, at Pagpapa-alis . 6Pagiging Kwalipikado . 7Programa ng Pang-indibidwal na Edukasyon (Individualized Education Program) . 8Kasalukuyang Lebel ng Pang-Academic na Natamo at Pang-Punsyonal na Pagganap . 9Taunang Layunin (Annual Goals) . 9Special Education, Kaugnay na Mga Serbisyo, at Pantulong (Supplementary Aids)at Mga Serbisyo. 9Pagtatasa ng Estado (State Assessments) . 9Pagbabago ng kalagayan (Transition) . 10Mga Mag-aaral na Nasa Hustong Gulang . 11Mga Batang May Awtismo . 11Mga Batang Bingi o Hirap Maka-rinig . 12Mga Batang Bulag o Hirap Makakita . 12Mga Plano sa Pamamagitan ng Pag-asal. 13Mga Serbisyo sa Pagpapahaba ng Taon ng Pasukan (ESY). 13Pagtatalaga. 13Pagpapasya ng Komiteng ARD . 13Kopya ng IEP . 14Pagbabalik-Aral ng Individualized Education Program (IEP) . 14Muling Pagsusuri (Reevaluation) . 15Malayang Pang-Edukasyong Pagsusuri (Independent Educational Evaluation) . 16Pagpayag Para sa Mga Serbisyo . 16Pagtatapos (Graduation) . 16Disiplina . 17Pinabilis na Kinakailangang Proseso ng Pagdinig (Expedited Due Process Hearing) . 19Pagtutol sa Kapasyahan (Dispute Resolution) . 20Karagdagang Tulong . 20

PanimulaAng gabay na ito ay binuo ng Statewide Leadership for the Legal Framework Project Team at ng TexasEducation Agency (TEA) bilang tugon sa pangangailangan sa Texas Education Code (TEC) § 26.0081. Anggabay na ito ay dinisenyo para bigyan ka, bilang magulang ng isang batang kwalipikado o maaaringkwalipikado para sa special education services, ng mas mabuting unawa sa proseso ng special education atsa iyong mga karapatang pangpamamaraan (procedural rights) at mga responsibilidad upang lubos kangmakalahok sa proseso ng pagpapasya tungkol sa edukasyon ng iyong anak.Ang Individuals with Disabilities Education Act of 2004 (IDEA) ay ang batas pederal na namamahala saproseso ng special education. Isa sa mga pangunahing layunin ng IDEA ay ang masigurong maymatatanggap na free appropriate public education (FAPE) ang mga batang may kapansanan na nagbibigaydiin sa special education at mga kaugnay na serbisyong (related services) na dinisenyo upang matugunanang kanilang natatanging pangangailangan at maihanda sila para sa higit pang edukasyon, pag-eempleyo,at pamumuhay nang umaasa sa iba. Ang special education ay nangangahulugang pagtuturo na tutugon sanatatanging pangangailangan ng isang batang may kapansanan. Ang mga related service ay mga espesyalna serbisyo na kailangan upang masuportahan ang mga serbisyo para sa special education ng mga magaaral upang makagawa sila ng pag-unlad sa pagpapatupad ng kanilang mga layuning pang-akademiko atfunctional. Maaaring kasama sa mga kaugnay na serbisyo ang mga serbisyo gaya ng occupational therapy,physical therapy, speech- language therapy, serbisyo sa pagpapayo, orientation at mobility service, at/oserbisyo sa transportasyon.Sa ilalim ng IDEA, ang mga magulang ay binibigyan ng malaking antas ng paglahok sa bawat baytang ngprosesong special education. Pinapaliwanag ng gabay na ito ang ibat ibang gawain na maaaring maganapsa prosesong iyon. Upang lalo mo pang maunawaan ang iyong mga karapatang legal sa ilalim ng IDEA,inaatasan ang paaralan na bigyan ka ng isang kopya ng isang dokumentong tinatawag na Notice ofProcedural Safeguards sa ilang tiyak na panahon sa proseso ng special education. Kailangang maibigay saiyo ang dokumento nang kahit isang beses sa isang taon at kapag naganap ang alinman sa mga sumusunodna kalagayan: Sa oras ng pag-refer o sa iyong paghiling ng unang pagsusuri (evaluation) ng iyong anak;Sa oaras ng pagtanggap ng unang reklamo ng estado (first state complaint) sa loob ng isang taongpagpasok sa paaralan (school year)Sa oras ng pagtanggap ng unang hiling ng isang kinakailangang proseso ng pagdinig (due processhearing) sa isang school year;Sa araw na makagawa ng pagpapasya na gumawa ng disiplinaryong pagbabago sa pagtatakda(disciplinary change of placement); atKapag hiniling mo.Sa Texas, ang pagiging kwalipikado ng bata para sa mga serbisyo para sa special education at karamihan samahahalagang pagpapasya ukol sa programang special education ng bata ay ginawa ng isang komite ngadmission, review, and dismissal (ARD). Maaari mo ring tukuyin ang grupong ito bilang individualizededucation program (IEP) team, ang tawag dito ayon sa batas pederal. Kung binuo ang isang komiteng ARDpara sa iyong anak, magiging miyembro ka ng komiteng iyon.Ia-update ang gabay na ito sa pana-panahon kapag may maganap na pagbabago sa pangangailangangpampederal at pang-estado ng special education. Makukuha ang isang electronic na bersyong maaaringma-print sa Region 18 Education Service Center webpage sa Legal Framework for the Child-CenteredSpecial Education Process sa http://framework.esc18.net/.Gabay ng Magulang sa Proseso ng Pagpapasok, Pagbabalik-aral, at PagpapaalisHulyo 2020Pahina 1

Maraming petsa at deadline sa proseso ng special education. Sa publikasyon na ito, inilarawan angmahahalagang petsa at deadline na iyon. Bilang karagdagan, available ang isang on-line na kalakip nadokumento para makatulong na sagutin ang iyong mga katanungan tungkol sa mga takdang panahon parasa pagsusuri, naunang nakasulat na paunawa, paglipat, at mga pagbabalik-aral sa IEP at iba pangpangunahing konsepto. Ang Timeline Decision Tree ay makukuha 18-FW-Documents.aspx?DT G&LID en.Pahina 2Gabay ng Magulang sa Proseso ng Pagpapasok, Pagbabalik-aral, at PagpapaalisHulyo 2020

GABAY NG MAGULANG SA PROSESO NG PAGPASOK, PAGBABALIK-ARAL,AT PAGPAPA- ALISMaagang Pamamagitan Mula sa Batang EdadMayroong tulong para sa mga pamilya na may mga sanggol at maliliit na batang mayroong pagkaantala sapag-unlad. Ang ahensiya sa Texas na nagbibigay ng gayong mga serbisyo ng maagang pamamagitan ay angHealth and Human Services Commission (HHSC). Ang programa para sa mga napakamusmos na bata aytinatawag na Early Childhood Intervention (ECI). Ang mga serbisyong ito ay para sa mga batang wala pangtatlong taong gulang.Sa gulang na tatlo, ang mga bata na may kapansanan ay maaaring maging kwalipikado sa mga serbisyo mula sapaaralang pampubliko. Hindi lahat ng kabataang nakatanggap ng mga serbisyong ECI ay kwalipikado para sa mgaserbisyong inilalaan ng pampublikong paaralan. Kaya naman, sa loob ng hindi bababa sa 90 araw ng kalendaryo bagomaging tatlong taong gulang ang batang tumatanggap ng ECI na serbisyo, isang pagpupulong ang itatalaga upangmatulungan ang pamilya na lilipat sa special education services mula ECI services, kung nararapat. Kung magingkwalipikado ang bata, dapat ding ibigay ang serbisyong special education sa bata sa pagsapit ng kanyang ikatlongkaarawan. Ang Beyond ECI ay isang publikasyong naglalaman ng impormasyon tungkol sa paglipat sa special educationmula sa programang maagang kabataan (early childhood program). Ang publikasyong ito ay matatagpuan general-files/Beyond-ECI-ECI-17 1117.pdf.Tulong para sa Batang Nasa Edad ng Pagpasok sa PaaralanKung ikaw ay may inaalala tungkol sa kakayahang matuto o sa paggawi ng iyong anak na nasa edad ng pagpasok sapaaralan, ang unang hakbang ay ang kausapin ang kanyang guro o ang punong-guro ng paaralan tungkol sa iyong mgainaalala. Kung mabigo ka sa hakbang na ito, dapat mong alamin sa isang tauhan ng paaralan ang tungkol sa paggawang referral sa student support team na naka-base sa loob ng paaralan, na binubuo ng isang team ng mga guro, atibang personnel na palagiang nagpupulong upang talakayin ang anumang suliranin sa kakayahang matuto o sapaggawi ng bata.Bago i-refer ang batang dumaranas ng kahirapan sa pangkalahatang edukasyon sa silid-aralan (general educationclassroom) sa pagsusuri sa special education, kailangang isaalang-alang ang bata sa lahat ng serbisyong pansuportana available sa lahat ng bata. Maaaring kasama sa mga serbisyong ito, ngunit hindi limitado sa: tutoring; panlunas naserbisyo (remedial services); serbisyong pagtumbas (compensatory services); tugon sa makasiyentipiko at base sapananaliksik (research-based) na pamamagitan; at ibang serbisyong pang-akademikong o pansuporta sa asal(behavior support).Tugon sa PamamagitanInaatasan ng Batas Pederal ang mga paaralang magpokus sa pagtulong sa lahat ng bata na matuto sa pamamagitanng maagang paglutas sa mga problema. Ang Response to Intervention (RtI) ay isang paraan ng pagtukoy na ginagamitng maraming paaralan sa pagkilala at pagtulong sa mga batang nanganganib na hindi makaabot sa mga pamantayansa baitang o grade-level standard. Ang pangunahing elemento sa isang RtI na pagtukoy ay: ang pagbibigay ngmakasiyentipiko at base sa pananaliksik na pagtuturo at pamamagitan sa edukasyon sa silid-aralan ng pangkalahatangedukasyon; pag-monitor at pagsukat ng pag-unlad ng bata sa pagtugon sa mga pamamagitan; at paggamit ng mgasukat ng pag-unlad na ito sa paggawa ng pagpapasyang pang-edukasyon.Kasama sa RtI na pagtukoy ang isang sistema ng ibat-ibang lebel ng pamamagitan kung saan ang bawat lebel aykumakatawan sa isang lalong tumitinding lebel ng serbisyo. Ang mga pamamagitan na hinahandog sa bata ay tuloytuloy na babaguhin ayon sa pag-monitor ng pag-unlad hanggang sa sapat nang umuunlad ang bata. Ang mga bata, nahindi umaayon sa mga unang pamamagitan sa loob ng risonableng panahon, sa pagmungkahi ng pag-aaral, ay inirerefer sa mas matinding pamamagitan.Gabay ng Magulang sa Proseso ng Pagpapasok, Pagbabalik-aral, at PagpapaalisHulyo 2020Pahina 3

Hindi kailangang umangat ang bata sa bawat lebel ng sistemang RtI bago magkaroon ng referral para sa specialeducation. Kapag naging maliwanag na hindi sapat ang pamamagitan sa pangkalahatang edukasyon o generaleducation interventions, kailangang mag-suspetsa ang yauhan ng paaralan na ang bata ay may kapansananat kinakailangan nilang magsimula ng referral. Maaari ring humiling ang mga magulang ng referral sa ano mangoras tumatanggap man o hindi ng pamamagitan ang bata mula sa sistemang RtI. Ang higit na uansahttps://tea.texas.gov/Academics/Special Student Populations/Special Education SPED/Programs andServices/Response to Intervention.Referral para sa Unang Pagsusuri (Evaluation)Ang isang paaralan ay may apirmatibong tungkuling gumawa ng referral para sa unang pagsusuri para sa serbisyongspecial education sa ano mang oras na pinagsususpetsahabg may kapansanan ang isang bata at kinakailangan angserbisyong special education sa ilalim ng IDEA. Maaari ka ring magsimula ng isang referral para sa unang pagsusuri ngiyong anak sa no mang oras.Kung nagpadala ka ng hiling na nakasulat sa patnugot ng lokal na ahensyang pang-edukasyon ng serbisyo saspecial education o sa isang empleyadong namamahala ng distrito para sa unang pagsusuri para saserbisyong special education, kinakailangan ng paaralan, ng di tatagal sa ika-15 araw ng pagpasok sapaaralan pagkatapos ng petsa na matanggap ng paaralan ang hiling, na mabigyan ka ng: 1) naunangnakasulat na paunawa ng kanilang mungkahi na magsagawa ng pagsusuri, isang kopya ng Paunawa ng MgaPamamaraan ng Pangangalaga, at ng pagkakataong magbigay ng nakasulat na pagpayag para sa pagsusuri;o 2) naunang nakasulat na paunawa ng kanilang pagtangging suriin ang iyong anak at isang kopya ngPaunawa ng Pamamaraan ng Pangangalaga.Pakitandaan na ang kahilingan para sa pagsusuri sa special education ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pakikipagusap at hindi na kinakailangan ng sulat. Dapat pa ring sumunod ang mga distrito at paaralang may bayad sa lahatpaunawa ng pederal na kinakailangan para sa pagtutukoy, paghahanap, at pagsusuri sa mga bata na pinaghihinalaanna may kapansanan at nangangailangan ng special education.Gayunpaman, hindi kinakailangan ng distrito o paaralang may bayad na sumagot sa loob ng 15 araw na may pasok sakahilingan sa pamamagitan ng pakikipag-usap.Naunang Nakasulat na PaunawaIsa sa iyong mga karapatan sa ilalim ng IDEA ay ang tumanggap ng naunang nakasulat na paunawa (prior written notice)ukol sa ilang mga aksyon patungkol sa iyong anak bago pa gumawa ng aksyon ang paaralan. Sa katiyakan, kailangan ngpaaralan na mabigyan ka ng naunang nakasulat na paunawa sa iyong katutubong wika o ibang paraan ng pakikipagugnayan kung ito ay: magmungkahing magsimula o magbago ng pagkilala (identification), pagsusuri, programang pang-edukasyon,o pagtatakdang pang-edukasyon ng iyong anak o ang pagtustos ng FAPE sa iyong anak (kasama ang pagbabago nadinulot ng iyong pagbawi ng iyong pagpayag para sa patuloy na pagtustos ng special education at mga kaugnay naserbisyo); o pag-ayaw nila na magsimula o magbago ng pagkilala, pagsusuri, programang pang- edukasyon, o pagtatakdangpang-edukasyon ng iyong anak o ang pagtustos ng FAPE sa iyong anakKailangang mabigay ang naunang nakasulat na paunawa ng di bababa sa limang araw ng pagpasok sa paaralan bago pamaisagawa o matanggihang gawin ang aksyon na minungkahi ng paaralan, maliban na lang kung sumasang-ayon ka samas maikling timeframe. Kailangang magbigay ang paaralan ng naunang nakasulat na paunawa pumayag ka man ohumiling ng pagbabago dito.Pahina 4Gabay ng Magulang sa Proseso ng Pagpapasok, Pagbabalik-aral, at PagpapaalisHulyo 2020

Pagpayag ng MagulangMay ilang mga aktibidad sa prosesong special education na hindi maaaring maganap maliban lang kung makuha ngpaaralan ang iyong pagpayag. Kailangang buo ang pagpapaalam ng lahat ng mga impormasyon sa iyo na kinakailanganupang makagawa ng mabuting pagpapasya, kasma ang isang pagsasalarawan ng iminungkahing aktibidad. Angimpormasyon ay kailangang nakasulat sa iyong katutubong wika o sa ibang paraan ng pakikipag-ugnayan. Kung maymga rekord na ilalabas, kailangang ilista ng paaralan ang mga rekord at kung kanino ito ilalabas.Kapag nagbigay ka ng pagpayag, nangangahulugang nauunawaan mo at pumapayag kang pasulat na isagawa ngpaaralan ang aktibidad na hinihingan ng pagpayag. Importanteng nauunawaan mo na ang pagpayag ay boluntaryo atmaaaring mabawi sa ano mang oras bago maganap ang aktibidad. Gayunpaman, kung binawi mo ang iyong pagpayagsa aktibidad, hindi ito balik-bisa (retroactive).Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga aktibidad na nangangailangan ng iyong pagpayag: pagsuri ng iyong anak sa unang pagkakataon;muling pagsuri ng iyong anak kung kinakailangan ng karagdagang impormasyon;paghandog ng serbisyong special education at kaugnay na mga serbisyo sa unang pagkakataon;pagpatawad sa komiteng ARD na kasapi sa pagsipot sa pulong ng komiteng ARD; atpagimbita ng kinatawan ng ano mang kalahok na ahensya na malamang na maging risponsable sa paghahandog opagpagbayad ng pangalawang serbisyo ng pagbabagong kalagayan.Unang PagsusuriKapag binigay mo ang iyong pagpayag sa unang pagsusuri, magsasagawa ang paaralan ng pagsusuri ng iyong anak salahat ng lugar ng suspetsang kapansanan upang mapagpasya kung ang iyong anak ay may kapansanan at upang matiyakang kanyang pangangailangang pang-edukasyon. Ang proseso ng pagsusuri para sa iyong anak ay kinakailangang: may impormasyon tungkol sa pang-akademikong pang-paunlad at pang-punsyonal na pagganap;pamahalaan ng mga sinanay at may kaalaman na mga tauhan;pamahalaan sa katutubong wika ng iyong anak o iba pang paraan ng pakikipag-ugnayan; atwalang kinikilingan, o binigay sa paraang hindi mag-diskrimina laban sa iyong anak, ano man ang kanyang kulturangkinabibilangan, lahi, o kapansanan.Ang unang pagsusuri at ang maging resultang report ay kailangang matapos ng hindi tatagal ng 45 araw ng pagpasoksa paaralan mula sa araw na matanggap ng paaralan ang iyong nakasulat na pagpayag, maliban kung ang iyong anak aynaging absent sa paaralan sa panahon ng pagsusuri ng tatlo o higit pang araw ng pagpasok, ang panahon ng pagsusuriay kailangang mapahaba ng ilang araw ng pagpasok na katumbas dami ng araw na naging absent ang iyong anak.Kailangang mabigyan ka ng paaralan ng libreng kopya ng report ng pagsusuri.Kung ang edad ng iyong anak ay kulang sa limang taon sa pagsapit ng ika-1 ng Setyembre ng taon ng pasu

Gabay ng Magulang sa Proseso ng Pagpapasok, Pagbabalik-aral, at Pagpapaalis Pahina 1 Hulyo 2020 Panimula Ang gabay na ito ay binuo ng Statewide Leadership for the Legal Framework Project Team at ng Texas Education Agency (TEA) bilang tugon sa pangangailangan sa Texas Education Code (TEC) § 26.0081.Ang

Related Documents:

Dr. Laurence B. Brown NADIYOS ˇGRASYA ( MIS ˇGODED ) Isinalin sa Tagalog ni Muhammad Eisa de Jesus ISANG MAPA NA LANDAS NG GABAY AT KAWALANG-GABAY SA LOOB NG MGA RELIHIYONG ABRAHAMIKO Lahat ng mga sipi ng kasulatan, maliban kung nasasaad nang kaiba, ay mula sa New King James Version.

K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM K to 12 Filipino Gabay Pangkurikulum Mayo 2016 Pahina 3 ng 190 Kaugnay nito, layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang (1) kakayahang komunikatibo, (2) replektibo / mapanuring pag-iisip

Bilang ng Modyul: 2 Modyul 2: Sandigan ng Lahi Ikarangal Natin! Bilang ng Sesyon: 7linggo Paalala: Itong Gabay ng Guro ay magsisilbing gabay ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino sa Baitang 8. Naglalaman ito ng kumpletong mga mungkahing gawain para sa bawat aralin at estrateh

GABAY%NGGURO% Pagmamagulang% (Populatio

katangian ng isang wika. Sa Filipinas, madalas ang ortograpiya ay nasa anyo ng isang aklat. Ginagamit ang mga ortograpiya bílang gabay sa ispeling para sa mga textbook, diksiyonaryo, mga pahayagan, at iba pang publikasyon. Isa rin ang ortograpiya sa hinahanap ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) bago magsimula ang Mother

BIBLIOGRAPHIE UML BOOCH G. - RUMBAUGH J. - JACOBSON I. - Le guide de l'utilisateur UML - Eyrolles - 2000 DEBRAUWER L. - UML2, Maitrisez la modélisation - 2 volumes - Eni - 2010 GABAY J. - GABAY D - UML 2 Analyse et conception - Dunod - 2008 MULLER P.A. - GAERTNER N. - Modélisation objet avec UML - Eyrolles - 2000 ROQUES P. - VALLEE F. - UML en action - Eyrolles - 2000

BIBLIOGRAPHIE UML BOOCH G. - RUMBAUGH J. - JACOBSON I. - Le guide de l'utilisateur UML - Eyrolles - 2000 DEBRAUWER L. - UML2, Maitrisez la modélisation - 2 volumes - Eni - 2010 GABAY J. - GABAY D - UML 2 Analyse et conception - Dunod - 2008 MULLER P.A. - GAERTNER N. - Modélisation objet avec UML - Eyrolles - 2000 ROQUES P. - VALLEE F. - UML en action - Eyrolles - 2000

The threat profile for SECRET anticipates the need to defend against a higher level of capability than would be typical for the OFFICIAL level. This includes sophisticated, well resourced and determined threat actors, such as some highly capable serious organised crime groups and some state actors. Reasonable steps will be taken to protect information and services from compromise by these .