H Distance Education For Elementary Schools SELF .

3y ago
95 Views
14 Downloads
1.69 MB
13 Pages
Last View : 11d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Anton Mixon
Transcription

Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)HEKASIDistance Education for Elementary SchoolsSELF-INSTRUCTIONAL MATERIALSEDUKASYON NG MGA UNANGPILIPINO, NAIIBA BA?5Department of EducationBUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION2nd Floor Bonifacio BuildingDepEd Complex, Meralco AvenuePasig City

Revised 2010by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS),DepEd - Division of Negros Occidentalunder the Strengthening the Implementation of Basic Educationin Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:“No copyright shall subsist in any work of theGovernment of the Republic of the Philippines. However,prior approval of the government agency or office whereinthe work is created shall be necessary for exploitation ofsuch work for profit.”This material was originally produced by the Bureau of ElementaryEducation of the Department of Education, Republic of the Philippines.This edition has been revised with permission for online distributionthrough the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal(http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supportedby AusAID.

GRADE VEDUKASYON NG MGA UNANG PILIPINO,NAIIBA BA?ALAMIN MOBasahin at unawain ang komik strip sa ibaba.Anak, ganito angpaglalaba ng damit. Habangbata ka pa ay kailangangmatuto ka na ng mgagawaing bahaySalamat po,ItayAnak, sayang itongsirang silya kungpababayaan natin. Ganitoang pagpako ng sirang paanito. Makabubuti sa iyo namatuto ka nitoOpo,NanayNoong panahon ng mga Unang Pilipino o ninuno, ganito ang mga itinuturosa kani-kanilang mga anak.1

Sinasabi rin na may sistema na sila ng edukasyon bago pa man dumatingang mga dayuhan.Paano tinuturuan ang mga bata noon? Anu-ano ang kanilang pinagaaralan?Ang kasagutan sa mga tanong na ito ang tatalakayin natin sa modyul naito.Halina, pag-aralan mo!PAG-ARALAN MOBasahin mo ang dayalog na ito:Mark:Lolo may takdang-aralin kami. Tatalakayin naming bukasang tungkol sa edukasyon ng ating mga ninuno. Paano poba nag-aaral ang mga bata noon?Lolo:Naku apo, noong panahon, wala pang mga paaralan. Dipormal ang edukasyon. Ang mga bata ay tinuturuan ngkanilang mga magulang sa tahanan o sa lilim ng mga puno.Mark:Anu-ano po ang itinuturo sa kanila? Katulad din po ba nangsa ngayon?Lolo:Ang mga batang babae noon ay tinuturuan ng mgagawaing-bahay tulad ng paglilinis, pagluluto, paglalaba, pagaalaga ng maliliit na kapatid, at iba pa.Mark:Ano naman po ang itinuturo sa mga batang lalaking tuladko?Lolo:Ang mga batang lalaki ay tinuturuan ng pagsibak ng kahoy,pag-igib ng tubig at pagkumpuni ng mga sirang kagamitansa tahanan.2

Mark:Di maliit pa lang po noon ay marunong na ng mga gawaingbahay? Nakatutulong agad sila sa mga magulang. Bukoddito, mayroon pa po bang iba?Lolo:Oo naman, tinuruan din silang sumulat, bumasa, atbumilang. Sa pagkuwenta, gumamit sila ng timbangan natularo ang tawag. Gumamit din sila ng kaban, salop, atgatang.Mark:Ang galing naman Lolo. Di ba sabi ni Lola, ginamit nila angkanilang kamay at daliri sa pagsukat ng haba tulad ng dipa,dangkal, at dali?Lolo:Ang galing mo iho, natatandaan mo pa pala yan. Halikamay ipakikita ako sa yung mga larawan. Ito ang sinaunangabakadang Filipino.Ang AlibataMark:Ibang-iba po pala yang abakada nila. Ilan po ba ang patinigat katinig?3

Lolo:May 17 titik ang sinaunang abakada. 3 ang patinig at 14ang katinig. Alibata ang tawag dito. Sa pagsulat ginamitnila ang matutuliis na patpat at bakal na tinawag nilangsipol. Ang naging sulatan nila ay ang mga dahon at balatng kahoy o kawayan.Mark:Yeepeeh! Marami akong maisasagot bukas sa klase.Maraming salamat Lolo.Lolo:Walang anuman. Gusto ko maging bida ka sa klase .Mark:Aba, eto si Lola. Ano po yang dala niyo?Lola:Kanina pa ako nakikinig sa inyo kaya naalala ko ito.Basahin mo baka makadagdag sa iyong kaalamanAng pinakamatandang katibayan na maysistema na ng pagsulat ang mga unang Pilipinobago pa man dumating ang mga unang Espanyolsa bansa ay ang isang nahukay na tapayangnatagpuan sa Calatagan, Batangas.Sa Panay ay may regular na paaralan na kungtawagin ay ang “bothoan”. Dito tinuturuan ang mgabata na sumulat, bumasa, bumilang at gumamit ngsandata kung kinakailangan.Mark:Lola, maraming salamat din po. Talagang magiging bidangbida ako dahil marami akong maibabahagi sa aking kamagaral.Naunawaan mo ba ang iyong binasa?May pagkakaiba ba ang sistema ng edukasyon noon sa ngayon?4

Pag-aralan mo ang dayagram na ito. Sagutin mo ang mga tanongpagkatapos nito.Sistema ng Edukasyonsa Panahon ng NinunoDi pormalna SistemaWalang mgagusalingpampaaraalanWalang propesyunalna mga guroMga AsignaturaMga magulang atiba pangnakatatanda angmga hang asalWalangtakdangorasMay mga kasanayang itinuturo lamangsa mga lalaki at mayroong sa mgakababaihan lamangBabaeLalakiInihahanda sapagiging mabutingmaybahayInihahanda sapagiging matatag napuno ng tahanan.5

1. Bakit nasasabing di pormal ang sistema ng dukasyon sa panahon ngninuno?2. Sinu-sino ang mga naging guro noong unang panahon?3. Anu-anong mga kasanayan ang tinuturo sa mga babae/lalaki lamang?4. Anu-ano ang kanilang mga asignatura?PAGSANAYAN MOA. Punan mo ng wastong sagot ang grapikong presentasyon sa ibaba.Gawin ito sa iyong kuwadernong sagutanSistema ng Edukasyonsa Panahon ng NinunoLupon ngPag-aaralMgaNagtuturoAlpabeto6MgaItinuturo

B. Itala mo ang mga kasanayang itinuturo lamang sa mga lalaki at babae.Mga Kasanayang Itinuturolamang sa mga .BabaeLalakiC. Isulat mo sa loob ng banga ang pinakamatandang katibayan na maysistema na ng pagsulat ang mga unang Pilipino bago pa man dumatingang mga Kastila sa bansa.7

D.Mga ginamit sa pagsulatMga ginamit na sulatanTANDAAN MO Walang pormal na edukasyon sa panahon ng mga ninuno. Nag-aaralsa tahanan ang mga bata sa patnubay ng kanilang magulang. Ang nahukay na tapayan sa Calatagan, Batangas angpinakamatandang katibayan na may sistema na ng pagsulat ang mganinuno bago pa man dumating ang mga Espanyol sa bansa.ISAPUSO MONapag-aralan natin na sa panahon ng ninuno may mga kasanayangpambabae at kasanayang panlalaki lamang. Sa kasalukuyan di na ito totoo.Kung ano ang kayang gawin ng mga lalaki ay kaya ring gawin ng mga babae atgayundin ang mga gawaing pambabae ay ginagawa na rin ng mga lalaki.Narito ang talaan ng mga gawain. Kopyahin mo sa iyong kuwaderno angmga kaya mong gawin.8

1.2.3.4.5.6.7.8.9.10.paglilinis ng bahaypaglalaba ng damitpaghuhugas ng pingganpamimili sa palengkepagluluto ng sinaingpag-aalaga ng batapagtatanim at pag-aalaga ng mga hayoppagsulsi ng sirang damitpagnhuhuli ng isdapagkukumpuni ng mga sirang kagamitanNagkakaibba ba ang mga kayang gawin ng mga batang babae at lalakingayon? Bakit?Dapat mo bang ikahiya ang mga gawaing kaya mong gawin? Bakit?Paano mo maipagmamalaki ang iyong kakayahan?GAWIN MOA. Hanapin mo ang tamang salita na may kinalaman sa edukasyon ng mganinuno. Isulat mo sa iyong kuwadernong BURRAILHSALOPRIALAALAY9

B. Gumuhit ka ng tatlong bagay na ginagawa pareho ng babae at lalaki.Gawin mo ito sa isang malinis na papel.PAGTATAYAIsulat mo sa iyong kuwadernong sagutan ang wastong sagot sa sumusunodna mga katanungan.1. Walang pormal na edukasyon ang ating mga ninuno. Nangangahuluganito na ang mga mag-aaral ay .a. pumapasok sa malalaking paaralanb. nakapipili ng paaralanc. nag-aaral sa kani-kanilang tahanand. tinuturuan sa loob ng silid-aralan2. Kung ang mga babae ay tinuturuan upang maging handa sa pagiging inang tahanan, ang mga lalaki naman ay tinuturuan upang maging mabutingng tahanan.3. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa alpabeto ng mga unangPilipino?a. may 17 titik, 14 ang katinig at 3 ang patinigb. may 17 titik, 12 ang katinig at 5 ang patinigc. may 17 titik, 13 ang katinig at 4 ang patinigd. may 17 titik, 11 ang katinig at 6 ang patinig4. Bago pa man dumating ang mga Espanyol ay may sistema na ng pagsulatang ating mga ninuno. Alin sa mga sumusunod na pahayag angnagpapatunay dito?a. nakasusulat na sila ng kanilang alpabetob. may isang nahukay na tapayang ipinakikita ang pagsulat nanatagpuan sa Calatagan, Batangasc. may mga titik ang alpabeto na binubuo ng 13 katinig at 4 napatinigd. nakasusulat sila ng kanilang pangalan10

5. Sa pagkuwenta, ang mga ninuno natin ay gumagamit ng timbangan natularo ang tawag. Gumamit din sila ng kaban, salop, at gatang.Samakatuwida. ang mga ninuno natin ay walang kaalaman sa pagkuwentab. di sila nakabibilang at nakapagkukuwentac. may paraan sila ng pagbilang at pagkuwentad. makabago ang pamamaraan ng kanilang pagbilang atpagkuwentaPAGPAPAYAMANG-GAWAINAng salawikain at mga kasabihan ay ginagamit ng mga magulang sapagtuturo ng kagandahang asal sa kanilang mga anak.Magsaliksik ka ng mga salawikain o mga kasabihanBinabati kita at matagumpay mongnatapos ang modyul na ito! Maaari mona ngayong simulan ang susunod namodyul.11

mga guro kagandahang asal puno ng tahanan. Sistema ng Edukasyon sa Panahon ng Ninuno Di pormal Walang propesyunal na Sistema na mga guro Mga Asignatura Walang mga gusaling pampaaraalan oras Walang takdang Mga magulang at iba pang nakatatanda ang pagbasa pagsulat pagbilang pananampalataya May mga kasanayang itinuturo lamang sa mga lalaki at .

Related Documents:

Bruksanvisning för bilstereo . Bruksanvisning for bilstereo . Instrukcja obsługi samochodowego odtwarzacza stereo . Operating Instructions for Car Stereo . 610-104 . SV . Bruksanvisning i original

10 tips och tricks för att lyckas med ert sap-projekt 20 SAPSANYTT 2/2015 De flesta projektledare känner säkert till Cobb’s paradox. Martin Cobb verkade som CIO för sekretariatet för Treasury Board of Canada 1995 då han ställde frågan

service i Norge och Finland drivs inom ramen för ett enskilt företag (NRK. 1 och Yleisradio), fin ns det i Sverige tre: Ett för tv (Sveriges Television , SVT ), ett för radio (Sveriges Radio , SR ) och ett för utbildnings program (Sveriges Utbildningsradio, UR, vilket till följd av sin begränsade storlek inte återfinns bland de 25 största

Hotell För hotell anges de tre klasserna A/B, C och D. Det betyder att den "normala" standarden C är acceptabel men att motiven för en högre standard är starka. Ljudklass C motsvarar de tidigare normkraven för hotell, ljudklass A/B motsvarar kraven för moderna hotell med hög standard och ljudklass D kan användas vid

LÄS NOGGRANT FÖLJANDE VILLKOR FÖR APPLE DEVELOPER PROGRAM LICENCE . Apple Developer Program License Agreement Syfte Du vill använda Apple-mjukvara (enligt definitionen nedan) för att utveckla en eller flera Applikationer (enligt definitionen nedan) för Apple-märkta produkter. . Applikationer som utvecklas för iOS-produkter, Apple .

Atascocita Springs Elementary Elementary School Bear Branch Elementary Elementary School Deerwood Elementary Elementary School Eagle Springs Elementary Elementary School Elm Grove Elementary El

Stephen K. Hayt Elementary School Helen M. Hefferan Elementary School Charles R. Henderson Elementary School Patrick Henry Elementary School Charles N. Holden Elementary School Charles Evans Hughes Elementary School Washington Irving Elementary School Scott Joplin Elementary School Jordan Community School Joseph Jungman Elementary School

Coltrane-Webb Elementary School Cone Elementary School Cox Mill High School Creedmoor Elementary School . Creswell Elementary School D. F. Walker Elementary School Dixon Elementary School Drexel Elementary School East Albemarle Elementary School East Arcadia Elementary School East Robeson Primary