Health ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA .

3y ago
50 Views
2 Downloads
985.51 KB
8 Pages
Last View : 16d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Cade Thielen
Transcription

TAG-ARAW 2015ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA PLANOHealthTALKALAM MO BA?Mahigit sa 9 sa 10 bata ang mayroong bakunapara sa tigdas (measles), beke (mumps) at rubella. *U.S. Centers for Disease Control and PreventionIyong UHCImpormasyon sa iyong mga kamayMakakakuha ka ng mahalagang impormasyon tungkol sa iyong planongpangkalusugan anumang oras sa myuhc.com/CommunityPlan.Sa ligtas na site na ito, magagawa mong i-print ang iyong ID card,humanap ng provider, kumuha ng pagtatasa sa kalusugan, matutotungkol sa iyong mga benepisyo at higit pa. Magparehistro na ngayonat simulang sulitin ang iyong mga benepisyo. Mabilis at madali lang ito:1. Pumunta sa myuhc.com/CommunityPlan.2. Mag-click sa Magrehistro Ngayon. Kakailanganin mo ang iyongID card ng miyembro, o maaari mong gamitin ang iyong SocialSecurity number at petsa ng kapanganakan upang magrehistro.3. Gawin ang mga sunud-sunod na tagubilin.AMC-035-HI-ABD-TAGUnitedHealthcare Community PlanP.O. Box 2960Honolulu, HI 96802

Maligayangpagdating sakomunidad!Sulitin ang iyong pagiging miyembro.Isang mensahemula kay AnnaWong, COO,UnitedHealthcareCommunity Planof Hawai‘i2HEALTH TALKSalamat sa pagpili ng landas patungo sa mas mabutingkalusugan sa UnitedHealthcare Community Plan. Kasamamo kami mula sa simula. Gusto naming lumakas ka at angiyong pamilya at manatili kayong malusog. Narito kami upangtulungan ka at ang iyong pamilya na mabuhay nang masmalusog dahil mahalaga sa amin ang iyong kalidad ng buhay.Ipinagmamalaki ng UnitedHealthcare Community Planang pagtulong sa aming mga miyembro na mabuhay nang masmalusog sa tulong ng matapat na pangkat na narito mismo samga isla ng Hawai‘i.Ang UnitedHealthcare ay isang kumpanya ng mga benepisyosa kalusugan na gumagawa ng pagbabago sa mga buhay ng37 milyong miyembro sa buong bansa, at dinadala namin angmga mapagkukunan at kaaalaman upang mapaglingkuranka saanman sa mga isla. Nauunawaan ng aming bihasangpangkat sa pangangalaga kung paano ka tutulungan satamang landas patungo sa mas mabuting kalusugan at kungpaano ka tutulungan sa iyong karanasan sa pangangalagangpangkalusugan nang may pangangalaga at malasakit. Nag-aalokkami ng ilang tip kung paano mo masusulit ang iyong pagigingmiyembro sa UnitedHealthcare Community Plan.

PUMILI NG PRIMARY CARE PROVIDER (PCP)Sa loob ng 10 araw mula sa pagkakatanggap ng iyong welcome kit para sa bagongmiyembro, dapat kang pumili ng PCP. Kung hindi ka pipili ng isa, magtatakda kamisa iyo ng PCP. Maaari mong palitan ang iyong PCP anumang oras sa buong taon sapamamagitan ng pagtawag sa Member Services.ANO ANG PCP? Ang iyong primary care provider ay tinatawag na PCP. Ang ilangtanggapan ng PCP ay may mga nurse practitioner, nurse midwife at katuwang ngmanggagamot upang tulungan ka sa iyong mga pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan. Nagbibigay sila ng pangangalaga sa tulong ng iyong PCP.Kung mayroon kang mga kumplikadong pangangailangan sa pangangalagangpangkalusugan, maaari mong maging PCP ang isang espesyalista. Maaari ka rinnaming tulungang maghanap ng espesyalista. Ang ilang PCP ay bahagi ng malalaking pangkat ng pagsasanay o ng Federally Qualified Health Centers (FQHC). Angmga iba ay maaaring bahagi ng mas maliliit at hiwalay na pagsasanay.BAKIT MO KAILANGAN NG PCP? Ang iyong PCP ay ang pinakanararapat namanguna sa pangangalaga ng iyong kalusugan. Nakikipagkita sa iyo ang iyongPCP para sa mga regular na pagpapatingin o kapag ikaw ay may sakit. Nagbibigay ang mga PCP ng pang-iwas na pangangalaga bukod pa sa pagtuturo saiyo sa pinakamagandang lugar para sa ilan sa iyong mga medikal na problema.MAKIPAGKITA SA IYONG PCPSa palagay ng ibang tao, “Hindi ko kailangang makipagkita sa doktor para sa pangunahingpangangalaga kung wala akong sakit,” o “Mga bata lang ang nangangailangan ng mgapagpapatingin.” Ang totoo, kailangan ng lahat ng tao ang pagpapatingin at mga screeningna pang-iwas. Sa pamamagitan ng mga simpleng pagsusuri sa pagpapatingin sa iyongPCP, maaaring matuklasan ang mga problema sa kalusugan, gaya ng mataas na presyonng dugo o diabetes, na maaaring hindi mapansin, at humantong sa mas malalalang isyukapag nagtagal. Kaya naman makipagkita sa iyong PCP para sa iyong taunang pisikal napagsusuri sa lalong madaling panahon. Mapoprotektahan ang iyong kalusugan ng mgaregular na pagsusuri at pagpapatingin sa iyong doktor.ALAMIN KUNG ANO ANG SINASAKLAWAng QUEST Integration kasama ng UnitedHealthcare Community Plan ay isangprograma para sa pinamamahalaang pangangalaga ng Medicaid na nagbibigay ngsaklaw sa pangangalagang pangkalusugan sa mga residente ng Hawai‘i na kwalipikadosa Medicaid. Sa UnitedHealthcare Community Plan, matatanggap mo ang lahatng iyong regular na benepisyo sa Medicaid. Kung mauunawaan mo ang iyong mgabenepisyo, magiging handa ka kapag kinailangan mong gamitin ang iyong mgabenepisyo sa mga hindi inaasahang sitwasyon gaya ng isang aksidente.IBA PANG MGA SERBISYOBukod pa sa iyong mga regular na benepisyo sa Medicaid, nag-aalok angUnitedHealthcare Community Plan ng iba’t ibang serbisyo upang tulungan kangpamahalaan ang iyong kalusugan. Bilang aming miyembro, makakakuha ka ng:ORIENTATION AT TAWAG NG PAGBATI PARA SA MIYEMBRO. Kapagnagpalista ka, matatanggap mo ang iyong ID card ng miyembro at handbook sakoreo. Babatiin ka rin namin sa pamamagitan ng tawag sa telepono at iimbitahanka naming dumalo sa isang sesyon ng orientation para sa miyembro.24/7 NURSELINE AT ONLINE NA NURSE CHAT. Sa aming 24/7 NurseLine,makakakuha ka ng mga sagot at payo anumang oras — kahit sa madaling arawat sa mga weekend. Tumawag lang, o gamitin ang aming kumpidensyal na onlinelive Nurse Chat.SERBISYO SA CUSTOMER. Ang aming pangkat ay narito mismo sa Hawai‘i.PAGHAHATID NG RESETA SA BAHAY. Kung gusto mo, maaari mong ipahatidsa mismong bahay mo ang iyong mga reseta.MGA NEWSLETTER KADA TATLONG BUWAN. Magpapadala kami sa iyo ngnewsletter kada tatlong buwan na may mga napapanahong update at impormasyon,mga tip at payo para sa pagkakaroon ng mga kasanayang mabuti sa kalusugan.WEBSITE. Kung mayroon kang access sa computer at sa internet, irehistro angiyong account ng miyembro online sa pamamagitan ng pagpunta sa myuhc.com/Community Plan. Ang aming website ay nagbibigay ng impormasyon at mga toolpara sa iyo upang pamahalaan ang iyong kalusugan.Salamat sa pagpili ng landas patungo sa mas mabuting kalusugan sa UnitedHealthcareCommunity Plan. Kasama mo kami mula sa simula. Gusto naming lumakas ka at ang iyongpamilya at manatili kayong malusog. Narito kami upang tulungan ka at ang iyong pamilya namabuhay nang mas malusog dahil mahalaga sa amin ang iyong kalidad ng buhay.Alamin ang iyong mga benepisyo. Ipinapaliwanag ng iyongHandbook ng Miyembro ang iyong mga benepisyo. Tawagan ang MemberServices nang toll-free sa 1-888-980-8728 kung mayroon kang anumang mgatanong. Huwag kalimutang magtanong tungkol sa mga panuntunan na maaaringilapat.NASA KOMUNIDADKAMINoong Abril 18, ang kawani ngUnitedHealthcare mula sa WestHawai‘i sa Big Island ay dumalo saika-16 na taunang Waimea HealthyKeiki Fest upang magbahagi ngimpormasyon at mga aktibidad tungkolsa kalusugan at nutrisyon sa mga bataat sa kanilang mga pamilya.Ang Maui Family YMCA Healthy KidsDay ay ginanap noong ika-25 ng Abril atnandoon ang kawani ng UnitedHealthcareupang turuan ang mga bata tungkol samasusustansiyang prutas at gulay at mgaaktibidad para sa pagiging pisikal na malusog.Mga Larawan. Tingnanang iba pang mga larawan sakaganapan sa pahina 7.TAG-ARAW 20153

Magkatuwang sakalusuganIkaw at ang iyong PCPNag-aalala kamisa iyoMaaaring kumuha ng pagsasaayos ng serbisyoang mga miyembrong may mga espesyalna pangangailangan sa pangangalagangpangkalusugan. Tinutulungan ng pagsasaayosng serbisyo na makakuha ang mga miyembrong mga serbisyo at pangangalagang kailangannila. Nakikipagtulungan ang mga coordinatorng serbisyo sa planong pangkalusugan, mgamanggagamot ng mga miyembro at sa mgaahensiya sa labas. Tinutulungan ng serbisyongito ang mga taong may:mga pisikal na kapansananseryosong karamdaman sa pag-iisipmga kumplikadong problema sa kalusuganiba pang mga espesyal na pangangailanganMayroon din kaming mga programa parasa pamamahala sa sakit. Nakakakuha ngimpormasyon ang mga miyembro sa mgaprogramang ito upang tulungan silang pamahalaanang kanilang kundisyon. Nakakatulong ito sa mgataong may mga kundisyon gaya ng:diabeteshikapagbubuntisNarito ang tulong. Tawaganang Member Services nang libresa 1-888-980-8728 (TTY 711).Magtanong tungkol sa mgaprogramang makakatulong sa iyo.Noong sumali ka sa UnitedHealthcare Community Plan, pumili ka ngprimary care provider (PCP). Kung hindi ka pumili, may piniling PCP parasa iyo. Ibibigay o aayusin ng iyong PCP ang lahat ng pangangalaga sa iyongkalusugan. Kung kailangan mo ng mga pagsusuri o panggagamot na hindiinilalaan ng iyong PCP, bibigyan ka niya ng referral.Dapat maging kumportable ka sa iyong PCP. Kung hindi ka kumportable,pumili ng panibago.Kapag nakita mo ang iyong PCP, sabihin sa kanya ang tungkol sa anumanginireresetang gamot, mga bitamina o over-the-counter na gamot na regular monginiinom. Magdala ng nakasulat na listahan.Mahalagang alam ng iyongPCP ang lahat tungkol sa iyongpangangalagang pangkalusugan.Sabihin sa kanya ang tungkolsa iba pang mga provider natumitingin sa iyo, gaya ng mgaespesyalista. Isama ang kalusugansa pag-iisip o pangangalagapara sa labis na paggamit ngdroga kung tumatanggap kanito. Banggitin ang anumangmga gamot o panggagamot nainireseta sa iyo ng iba pang mgaprovider. Hilingin sa iba pangmga provider na magpadalasa iyong PCP ng mga kopyang anumang mga resulta onatuklasan sa pagsusuri.Hanapin ang Tamang Doktor. Maaari mong palitanang iyong PCP anumang oras. Para sa listahan ng mga kasalingprovider, bisitahin ang myuhc.com/Community Plan o tawaganang Member Services nang toll-free sa 1-888-980-8728(TTY 711).PAGBABAHAGI NG GASTUSIN AT MGAINIRERESETANG GAMOTMaaaring magkaroon ang mga miyembro ng bahagi sa gastusin ng mga serbisyo sa pangangalagangpangkalusugan. Nakabatay ito sa pampinansyal na pagiging kwalipikado sa Medicaid. Aalamin ng kawanisa pagiging kwalipikado ng State of Hawai’i Medicaid kung magkano ang bahagi mo sagastusin. Ipapaalam nila ito sa atin.Kung mayroon kang bahagi sa gastusin, dapat mo itong bayaran sa isa sa iyong mga provider kada buwan.Ipapaalam namin sa iyo kung babayaran mo ito sa isa sa iyong mga provider o babayaran mo ito sa amin.Maliban sa anumang halaga ng bahagi sa gastusin na kailangan mong bayaran, wala ka nang dapatbayarang kahit ano para sa mga serbisyong nasasaklaw ng QUEST Integration. Maaaring pagbayarin kasa mga serbisyo kapag hindi nasasaklaw ang mga ito ng QUEST Integration o kapag nakatanggap ka ngmga serbisyo na hindi pang-emergency nang hindi sumusunod sa mga panuntunan ng UnitedHealthcareCommunity Plan para sa mga paunang pahinutulot. Sa ganitong mga sitwasyon, dapat munang makipagusap ang provider sa iyo tungkol sa pagbabayad para sa mga serbisyo. Dapat kang sumang-ayon sapamamagitan ng pagsulat tungkol sa gastusin at kung paano ka magbabayad. Kahit hindi mo mabayaranang mga serbisyong iyon, maaari mo pa ring mapanatili ang iyong pagiging kwalipikado sa QUEST.Kung mayroon kang Medicare, sasaklawin ng iyong Medicare Part D plan ang karamihan ng iyong mgagamot. Maaari kang magkaroon ng copayment sa Medicare Part D para sa iyong mga gamot. May ilanggamot na hindi sinasaklaw ng Medicare Part D. Maaaring saklawin ng UnitedHealthcare Community PlanQUEST ang mga gamot na ito. Huwag kalimutang dalhin ang iyong mga card ng miyembro ng MedicarePart D at QUEST Integration.4HEALTH TALKTingnanang iyongHandbook. Tingnanang iyong Handbook ngMiyembro para sa mga detalyetungkol sa iyong mga benepisyoat paraan kung paano kamakakatulong sa pagbabayadpara sa iyong pangangalagangpangkalusugan. Makikita angHandbook online sa myuhc.com/Community Plan. Maaariring magpadala sa iyo ng kopyasa pamamagitan ng koreo sapamamagitan ng pagtawag saMember Services nang toll-freesa 1-888-980-8728 (TTY 711).

Sweet heartAng ABC ng sakit sa puso na maykasamang diabetesAng mga taong may diabetes ay nasa mataas na panganib ngpagkakaroon ng sakit sa puso. Isang dahilan iyon kung bakitnapakahalagang panatilihing kontrolado ang diabetes. Bantayanang iyong blood sugar. Mag-ehersisyo nang regular. At tandaanang ABC ng sakit sa puso at ng diabetes:ANG A AY PARA SA A1C. Ang pagsusuring ito ay nagbibigayng average ng iyong blood sugar sa loob ng ilang buwan. Para samga taong may diabetes, magandang resulta ang mas mababasa 7 porsyento. Kung hindi nakokontrol nang tama ang iyongdiabetes, magpasuri tuwing tatlong buwan. Kung tama ang iyongkontrol, magpasuri nang dalawang beses sa isang taon.ANG B AY PARA SA BLOOD PRESSURE O PRESYON NGDUGO. Maraming nasa hustong gulang ang may mataas napresyon ng dugo. Ipasuri ang presyon ng iyong dugo sa bawatpagpapatingin sa doktor. Dapat ay mas mababa sa 130/80 mmHgang presyon ng iyong dugo.ANG C AY PARA SA CHOLESTEROL. Dapat ay mas mababa sa100 mg/dL ang iyong LDL (“masamang”) cholesterol. Dapat aylampas sa 50 mg/dL ang iyong HDL (“mabuting”) cholesterol parasa mga babae at lampas sa 40 mg/dL para sa mga lalaki. Ipasuri angiyong cholesterol taun-taon. Kung mataas ito, dapat itong suriinnang mas madalas habang pinagsisikapan mo itong pababain.Magpasuri mula ulo hanggangpaa. Ang mga may diabetes ay nangangailangandin ng iba pang mga pagsusuri upang maiwasanang mga kumplikasyon. Itanong sa iyong providerkung kailan mo kailangang ipatingin ang iyong mgamata, bato at paa.Pababain itoAng pagkontrol sa presyon ng iyong dugo ay makakatulongsa iyong umiwas sa sakit sa puso. Kung mayroon kanghypertension (mataas na presyon ng dugo), makakatulongang mga tip na ito upang pababain ito. Kung normal angpresyon ng iyong dugo, makakatulong ang mga tip na itoupang panatilihin itong normal.1. M AGPANATILI NG TAMANG TIMBANG. Magbawasng timbang kung sasabihin ng iyong doktor na kailanganmo itong gawin.2. KUMILOS. Dapat ay mayroong 30 minuto ngkatamtamang aktibidad araw-araw.3. K UMAIN NANG MABUTI. Kumain ng mas maramingmga prutas, gulay at protinang walang taba. Bawasanang saturated fat. Basahin ang mga label sa mganakapaketeng pagkain.4. B AWASAN ANG SODIUM. Pumili ng iba pang mgapampalasa upang magdagdag ng linamnam sa mgapagkain. Limitahan ang mga naprosesong pagkain atpagkain mula sa restaurant.5. L IMITAHAN ANG ALAK. Ang isang inumin para sa mgababae o dalawa para sa mga lalaki ay katamtamang dami.O kaya, huwag nang uminom ng anumang alak.6. I NUMIN ANG IYONG GAMOT. Kung reresetahan ka ngiyong doktor ng gamot para sa presyon ng dugo, inumin itogaya ng inatas. Gumamit ng mga paalala, alarm o tawag satelepono upang tulungan kang maalala ito.Magpatingin. Ang magandang presyon ng dugoay 120/80 o mas mababa. Ang mataas na presyonng dugo ay 140/90 o mas mataas. Ang presyon nanasa pagitan ay itinuturing na prehypertension, oborderline na mataas na presyon ng dugo.TAG-ARAW 20155

Alzheimer’sba ito?Alamin ang mga sintomas.Maaaring normal na bahagi ng pagtanda ang maliliit na problema sapag-alala. Gayunpaman, hindi normal ang Alzheimer’s disease at ibapang mga uri ng dementia. Ang Alzheimer’s ay isang sakit sa utakna lumalala sa paglipas ng panahon. Ito ang pang-anim na dahilanng pagkamatay sa Estados Unidos. Makakatulong sa mga sintomasang maagang pagtuklas dito at panggagamot. Makakatulong din itosa mga pamilya na matuto kung paano kayanin ang sakit. Inilista ngAlzheimer’s Association ang ilang sintomas na dapat mong malaman:1. PAGKAWALA NG ALAALA. Pagkalimot sa bagong impormasyon omahahalagang petsa at kaganapan. Pag-uulit ng pare-parehong tanong.2. PROBLEMA SA PAGPAPLANO O MGA PAMILYAR NAGAWAIN. Maaaring mas mahirap ang mga gawain gaya ngpagsunod sa recipe o pagmamaneho sa pamilyar na lugar. Maaaringmas magtagal sa paggawa ng mga ito kaysa sa dati.3. PAGKALIMOT SA ORAS O LUGAR. Pagkalito sa mga panahon,petsa o oras ng araw.4. MGA PROBLEMA SA PAGSASALITA O PAGSUSULAT. Problemasa pagsunod sa pag-uusap. Pagkalimot sa mga salita o paggamit ngmga salita nang hindi tama.5. PAGKAWALA NG MGA GAMIT. Paglalagay ng mga gamit sa mga hindikaraniwang lugar. Pagkalimot kung saan maaaring naiwan ang isang gamit.6. MGA PAGBABAGO SA UGALI AT PERSONALIDAD. Pagkalito,pagdanas ng depresyon, pagkatakot o pagkabalisa. Madalingpagkabalisa kapag naaalis sa kaginhawahan.CHICKEN CORN WRAPSNagdaragdag ng pambihirang lasa ang sun-driedtomatoes sa chicken and vegetable wrap. Kasyapara sa apat na tao. Nang wala pang 250 calorie,masarap na tanghalian ang mga wrap na itokasama ng isang pirasong prutas.MGA SANGKAP1 cup mais, sariwa o frozen (tinunaw)½ cup sariwang kamatis na hiniwa¼ cup malambot na sun-dried tomatoes* na hiniwa¼ cup sibuyas na hiniwa2 Kutsara olive oil1 Kutsara red wine vinegar1 cup pitso ng manok na luto at hinimay4 buo wheat tortillas, 5 na pulgada2 cup romaine lettuce na hiniwaPAGHAHANDAPagsamahin ang mais, kamatis, sun-driedtomatoes, sibuyas, mantika at suka sa bowl na maykatamtamang laki. Hatiin ang manok sa mga tortilla.Lagyan sa itaas ng magsindaming salad na maisat letsugas. Irolyo. Hatiin sa gitna bago ihain, kunggusto.Nakakakita ka ba ng mga sintomas? Makipag-usap kaagad sa iyong primary care provider (PCP). Bisitahin angAlzheimer’s Association sa alz.org o tawagan ang kanilang 24/7na helpline sa 1-800-272-3900 upang matuto nang higit pa.6HEALTH TALK*Tandaan: Kung ang mayroon ka lang ay tuyo (at matigas) na sun-dried tomatoes, ibabad ang mga ito sa kumukulong tubig sa loob ng humigit-kumulang20 minuto bago gamitin.

Nasa komunidad kami, ipinagpatuloy mula sa pahina 3Ang mga volunteer na kawani ng UnitedHealthcare aynasa ika-23 taunang Filipino Fiesta noong Mayo 9 upangmagbahagi ng mga pisikal na aktibidad na laro sa mga bataat matandang dumalo.Nagboluntaryo ang kawani mula sa East Hawai‘i sa Big Islandsa ika-18 taunang Hilo Heart & Stroke Walk na ginawa noongMarso 7.Namigay ang mga volunteer at si Dr. Health E. Hound ng mgaespesyal na regalo sa mga bata sa Kaimuki District Park AnnualEaster Egg Hunt na ginawa noong Marso 28.Bilang pangunahing sponsor ng YMCA Healthy Kids Day saOahu, nagbigay ang UnitedHealthcare Community Plan saYMCA ng tsekeng nagkakahalaga ng 10,000 noong Abril 11.Namahagi ang UnitedHealthcare Community Plan of Hawai‘ing humigit-kumulang 400 rosas sa New Hope Oahu ministriesnoong Mother’s Day.Sinuportahan ng kawani ng UnitedHealthcare Community Planang March of Dimes sa lahat ng isla. Sa kasalukuyan, nakaiponsila ng halos 6,000 dahil sa mga fun run, at patuloy pang nagiipon ng mga pondo.Dumalo ang aming mga coordinator ng field service saika-10 taunang Wai’anae Keiki Spring fest noong Mayo10 sa magandang Wai’anae coast.Noong ika-14 ng Pebrero, ang mga batang edad 12 at mas bataay nagkumpitensya sa 2 milyang pagtakbo sa palibot ng Neal S.Blaisdell Center sa 2015 Keiki Great Aloha Run. Nakibahagi angUnitedHealthcare sa pag-sponsor ng kaganapan.TAG-ARAW 20157

Nagsasalitakami sa wika moThis document has important information from UnitedHealthcare Community Plan. You can request this written document to be provided toyou only in Ilocano, Vietnamese, Chinese (Traditional) and Korean. If youneed it in another language you can request to have it read to you in anylanguage. There is no charge. We also offer large print, braille, signlanguage and audio. Call us toll-free at 1-888-980-8728. (TTY 711).Daytoy a dokumento ket aglaon ti napateg nga inpormasyon manipudti UnitedHealthcare Community Plan. Daytoy a dokumento ket addaankopya ti Ilocano, Vietnamese, Chinese (Traditional) ken Korean, ketmabalinmo ti dumawat ti kopya daytoy. No masapul mo daytoy ti sabalipay a pagsasao, mabalin mo a dawaten nga ibasa da kenka ti uray anyaa pagsasao. Awan ti mabayadan. Maipaay mi pay ti dadakkel aprinta ti braille, sign language ken audio. Umawag ka kadakami tollfree iti numero a 1-888-980-8728. (TTY 711)Bahagi ngmapagkukunanMember Services (Mga Serbisyosa Miyembro) Humanap ng doktor,magtanong ukol sa benepisyo o magsabing reklamo, sa anumang wika (t

ito ang mga taong may: mga pisikal na kapansanan seryosong karamdaman sa pag-iisip mga kumplikadong problema sa kalusugan iba pang mga espesyal na pangangailangan Mayroon din kaming mga programa para sa pamamahala sa sakit. Nakakakuha ng impormasyon ang mga miyembro sa mga programang ito upang tulungan silang pamahalaan ang kanilang kundisyon.

Related Documents:

User Manual SUSI.pdf Library Files Include Files SusiDemo SusiDemo\SRC\ C# Source code of SusiDemo program in C#, VS2005 Operating System Location Installation Directory Contents Susi.lib Function export Susi.dll Dynamic link library Susi.h Debug.h / Errdrv.h / Errlib.h SusiDemo.exe Demo program execution file Susi.dll Dynamic link library

Ang Harvestime International Institute curriculum ay nakatuon kung ano ang itinuro Ni Jesus upang ihanda ang mga lalaki at babae para maabot ang mundo ng Ebanghelyo. Ang isa sa dakilang katotohanan na Kanyang ipinahayag ay ang Dios ay nangungusap sa tao: Ako ang mabuting pastor: at nakikilala ko ang sariling akin, at ang

Ang mga Paglalakbay ni Juan Ang Pinagmulan ng Daigdig (Si Malakas at si Maganda) Ang Unang Unggoy Ang Alamat ng Palay Ang Pinagmulan ng Lamok Kung Paano Yumaman si Jackyo Ang Anting-anting ni Manuelito Ang Gamugamo at Ang Liwanag Kung Bakit Gusto ng Bagobo ang Pusa Mga Kuw e

SUSI IoT provides a rich set of user-friendly, intelligent and integrated interfaces, which speeds development, enhances security and offers add-on value for Advantech platforms. SUSI IoT plays the role of catalyst . Module library class code, ex: SUSI, SAB2000 and so on.

Tema – Madalas na may iisang tema ang sanaysay. Ang Tema ay ang sinasabi ng isang akda tungkol sa isang paksa. Bawat bahagi ng akda ay nagpapalinaw ng temang ito. Halimbawa: Dito sa Pilipinas ang asawang babae ang siyang naghahawak ng susi. Ang lahat ng kinikita ng asawa ay ibinib

Ikalawang Markahan . kasapi ng kanyang komunidad. Isa sa mga talentong ito ay ang kakayahan sa _ ito ang nagbibigay ng katuturan sa buhay bilang tao. A. paggawa C. pakikisama B. pagtugon D. pagmamahal 4. Ang pagtatrabaho ng mga magulang upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak ay nagpapakita na ang paggawa ay .

pangahas na ito; kaya nga’t lumabo ang ganda’t liwanag ng dakilang katotohanan, at ang kaguluhan, ang luha, ang dugo, ang kasukaban, ang kadiliman ay lumaganap sa Sansinukuban. “Kayong lahat ay magkak

The American Board of Radiology . i The Diagnostic Radiology Milestone Project The Milestones are designed only for use in evaluation of resident physicians in the context of their participation in ACGME accredited residency or fellowship programs. The Milestones provide a framework for the assessment of the development of the resident physician in key dimensions of the elements of physician .