ISANG GABAY PARA SA MGA PAARALAN NG INYONG MGA ANAK Isang .

3y ago
356 Views
3 Downloads
584.90 KB
42 Pages
Last View : 5d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Jerry Bolanos
Transcription

ISANG GABAYPARA SAMGA PAARALANNG INYONG MGAANAKIsang Handbookng MagulangBinuo ngAdult Learning Resource CenterDes Plaines, ILPinondohan sa pamamagitan ngIllinois Department of Human Servicesat ngIllinois State Board of EducationSetyembre 201220SESep

ISANG GABAY PARA SA MGAPAARALAN NG INYONG MGA ANAKIsang Handbook ng MagulangBinuo ngAdult Learning Resource CenterDes Plaines, ILPinondohan sa pamamagitan ngIllinois Department of Human Servicesat ngIllinois State Board of Education

PASASALAMATIsang Gabay para sa mga Paaralan ng Inyong mga Anak: Ang Isang Handbook ngMagulang ay unang binuo noong 2002 bilang produkto ng isang pagtutulungan sa iba'tibang mga ahensiya sa estado ng Illinois. Ang mga taong responsable para sapaghahanda at pamamahagi ng handbook na ito ay kinabibilangan nina:Dr. Edwin SilvermanBeth RobinsonSue BarauskiLaura BercovitzGreg KriscoCatherine PorterIllinois Department of Human Services/Bureau of Refugeeand Immigrant ServicesIllinois State Board of EducationDirektor, Adult Learning Resource CenterTagapamahala, Adult Learning Resource CenterTagapayo sa Edukasyon, Adult Learning Resource CenterTagapayo sa Edukasyon, Adult Learning Resource CenterEspesyal na pasasalamat kay Diane Pecoraro at sa Minnesota Department ofEducation para sa kanilang kagandahang-loob sa pagpapahintulot sa amin na gumawang materyal mula sa Isang Gabay sa mga Paaralan ng Minnesota para sa mgaMagulang ng mga Mag-aaral ng LEP ni Bounlieng Phommasouvanh, Mary P. Diaz,Diane Pecoraro, at Joyce M. Biagini.Salamat kay Tatyana Fertelmeyster, Trudi Langendorf at Joy Ross para sa kanilangkapaki-pakinabang na mga pananaw at rekomendasyon pagkatapos suriin anghandbook.Ang materyal ay kinuha rin mula sa Mga Magulang bilang mga Katuwang saEdukasyon: Isang Kurikulum na may Kaugnayan sa Paaralan para sa mga Magulangna may Minoryang Wika ni Laura Bercovitz at Catherine Porter, ang Adult LearningResource Center.Isinasama ng 2012 na bersyon ng Isang Gabay para sa mga Paaralan ng Inyong mgaAnak: Isang Handbook ng Magulang ang mga pagbabagong ginawa ng Illinois StateBoard of Education upang ipakita ang mga pagbabago sa mga pamamalakad atpamamaraan ng edukasyon.ii

TUNGKOL SA HANDBOOK NA ITOMahal na Magulang o Tagapag-alaga:Maligayang Pagtanggap. Ang handbook na ito ay magbibigay ngimpormasyon sa inyo tungkol sa sistema ng paaralan sa EstadosUnidos at Illinois. Kung bago kayo o ang inyong pamilya sabansang ito o estado, malamang kayo ay mayroong mgakatanungan tungkol sa mga paaralan. Ang impormasyon sahandbook na ito ay pangkalahatang impormasyon. Kakailanganinninyong tawagan ang inyong lokal na paaralan para sakaragdagang mga detalye tungkol sa mga paaralan ng inyongmga anak.Magkatuwang ang mga magulang at paaralan sa edukasyon ngmga bata. Pareho nitong nais magtagumpay ang mga bata.Kapag naging sangkot sa edukasyon ang mga magulang atpamilya, mas mahusay ang kanilang mga anak sa paaralan atlumalaki ng mas matagumpay. Sa pamamagitan ng pag-unawakung paano gumagana ang sistema ng paaralan ng EstadosUnidos, matutulungan ninyong magtagumpay ang inyong mgaanak at magawa ang pinakamakakaya nila.iii

TALAAN NG NILALAMANMGA KATANUNGAN AT SAGOTI.II.Sistema ng Paaralan ng Estados Unidos11.Paano inaayos ang mga paaralan sa aking lungsod? .12.Anong uri ng mga paraalan ang mayroon sa Estados Unidos? .23.Mayroon bang mga paraalan para sa mga mag-aaral na hindinakatapos ng high school? .4Pagpapatala sa Paaralan51.Paano ko maipapatala ang aking mga anak sa paaralan? Anongmga papel ang kailangan ko? .52.Aling mga medikal na form at pagsusuri ang kailangan ng akingmga anak bago sila makapagsimulang mag-aral?.63.Paano kung nagkaroon ng mga imunisasyon na ito ang akingmga anak sa aming sariling bansa o sa isa pang estado? .64.Kailangan bang magpatingin ang aking mga anak sa isang dentistabago magpatala? .75.Ano pang ibang mga pagsusuri ang kailangan ng aking mga anak? .76.Saan kami maaaring pumunta para sa isang pisikal na pagsusuri? .7III. Ang Kalendaryo ng Paaralan at Ang Araw ng Pagpasok1.Gaano katagal sa paaralan ang aking mga anak bawat araw?.iv88

2.IV.Pagpasok sa Paaralan1.V.VI.Mayroon bang mga piyesta opisyal o espesyal na araw kapag ang mgabata ay wala sa paaralan? . 810Paano makakapasok at makakauwi mula sa paaralan ang akingmga anak bawat araw? . 10Mga Pamamaran ng Paaralan111.Ano ang dapat kong gawin kung may sakit ang aking anak? . 112.Paano kung kailangan uminom ng gamot ang aking anaksa paaralan?. .3.Sino ang matatawagan ko kung mayroon akong mga katanungantungkol sa kalusugan ng aking anak? . 124.Paano ako maaabot ng paaralan kung magkasakit ang aking anako maaksidente sa paaralan? . 125.Kung mahuhuli o liliban sa pagpasok ang aking anak, ano ang dapatkong gawin?. 136.Maaari ko bang bisitahin ang paaralan ng aking anak? . 147.Kailangan ko bang magbayad sa paaralan para sa anuman? . 148.Sino ang matatanong ko tungkol sa mga pamamaraan ng paaralankung mayroon akong tanong? . 15Mga Taong Nagtatrabaho sa mga Paaralan1.1216Sino ang mga taong nagtatrabaho sa mga tanggapan ng distrito ngpaaralan at sa mga paaralan?. 16v

2.Sino ang makakausap ko sa paaralan tungkol sa aking anak? . 18VII. Mga Programa sa Pagtuturo191.Kung hindi gaanong nagsasalita ng Ingles ang aking anak, ano angmagagawa ng mga paaralan upang makatulong? . 192.Ano ang mga subject na pinag-aaralan ng aking mga anaksa paaralang elementarya?. 203.Ano ang mga subject na pinag-aaralan ng aking mga anak sa middleschool o junior high school?. 204.Ano ang mga subject na pinag-aaralan ng aking mga anak sa highschool? . 205.Kung may mga problema sa pag-aaral o espesyal na mgapangangailangan ang aking anak, ano ang magagawa ng mgapaaralan upang makatulong? . 216.Mayroon bang mga espesyal na programa kung ang aking anak aymayroong espesyal na mga talento o kakayahan? . 22VIII. Tungkulin ng mga Magulang sa Edukasyon at Pag-aaral ng Kanilangmga Anak231.Paano ko malalaman ang tungkol sa pag-aaral ng aking anak?Ang akin bang anak ay isang mahusay na mag-aaral? . 232.Paano ko malalaman ang kalagayan ng aking mga anaksa paaralan? . 253.Paano ako makakatulong gumawa ng mga pagpapasiya tungkolsa mga paaralan? . 264.Anong mga espesyal na gawain ang maaari kong daluhansa paaralan ng aking mga anak?. 26vi

IX.5.Ano ang ilang mga paraan na maaari akong magboluntaryosa paaralan ng aking mga anak?. 286.Ano ang magagawa ko sa tahanan para matulungan ang pag-aaralng aking mga anak? . 287.Ano ang magagawa ko para tulungang magplano ang aking mga anakpara sa kanilang mga buhay pagkatapos ng high school? . 32Edukasyon ng Nasa Sapat na Gulang1.33Saan ako makakapunta upang matuto ng Ingles o makakuhang ibang mga klase? . 33vii

I. ANG SISTEMA NG PAARALAN NGESTADOS UNIDOSSa Illinois, ang lahat ng mga anak mula sa edad na 7 hanggang 17 ay dapat pumasoksa paaralan. Ang taon ng pagpasok sa paaralan ay nagsisimula ng huli ng Agosto omaaga ng Setyembre at nagtatapos ng Hunyo. Mayroong halos tatlong buwangbakasyon sa tag-init sa Hunyo, Hulyo at Agosto.Sa Estados Unidos mayroong mga pampubliko at pribadong paraalan. Ang mgapampublikong paaralan ay libre at ang mga pribadong paaralan ay sumisingil ngtinatawag na matrikula. Ang ilan sa mga salapi na ibinabayad para sa mgapampublikong paaralan ay nagmumula sa mga buwis ng ari-arian sa inyong komunidad.Kung kayo ang may-ari ng inyong tahanan, ang bahagi ng mga buwis ng inyong ariarian ay tumutulong magbayad para sa mga pampublikong paaralan. Kung kayo ayumuupa ng apartment, ang may-ari ng gusali ang nagbabayad ng mga buwis ng ariarian. Ginagamit ng may-ari ng gusali ang bahagi ng inyong renta para sa mga buwisna ito. Tumutulong din ang pamahalaan na magbayad para sa mga pampublikongpaaralan gamit ang ibang salapi.1.Paano inaayos ang mga paaralan sa aking lungsod?Mga Distrito at Lupon ng PaaralanSa Estados Unidos, ang mga pampublikong paaralan ay hinahati sa mgadistrito. Ang ilan sa mga distrito ng paaralan ay kinabibilangan lamang ngisang lungsod o bayan, ngunit ang ibang mga distrito ay kinabibilangan ngmahigit sa isang lungsod o bayan.1

Ang bawat distrito ng paaralan ay mayroong isang lupon ng paaralan. Angmga miyembro ng lupon ng paarlan ay nakatira sa distrito ng kanilangpaaralan. Ang lupon ng paaralan ay gumagawa ng mga pagpapasiya tungkolsa mga paaralan sa distrito. Halimbawa, ang lupon ng paaralan angnagpapasiya kung kailangan magtayo ang distrito ng mga bagong paaralan.Pumipili rin ng isang superintendente ang lupon ng paaralan.Angsuperintendente ay ang direktor ng distrito ng paaralan.2.Anong uri ng mga paraalan ang mayroon sa Estados Unidos?Mayroong iba't-ibang uri ng mga paaralan sa Estados Unidos.Pre-school (edad 3 o 4): Ang ilan sa mga bata ay pumapasok sa pre-school.Sa pre-school, ang mga bata ay nakikipaglaro sa ibang mga bata atnatututong makinig sa guro. Sa pre-school ang mga bata ay bumubuo ng mgakakayahan na tumutulong sa kanila upang maging mahusay kapag sila aypumasok sa kindergarten. Karaniwang pumapasok ng ilang mga oras angmga bata sa isang araw para sa 2, 3 o 5 araw kada linggo. Hindi lahat ngpaaralan ay mayroong pre-school. Ang ilan sa mga pre-school ay libre at angiba ay sumisingil ng matrikula.Kindergarten (may edad na 5): Kung ang mga bata ay 5 taong gulang sa obago ang Setyembre 1, maaari silang pumasok sa kindergarten. Hindikailangan pumasok sa kindergarten ang mga bata, ngunit ang karamihan samga bata ay pumapasok sa kindergarten. Pumapasok sila sa kindergarten ngLunes hanggang Biyernes. Karamihan sa mga klase ng kindergarten aykalahating araw, at ang ilan ay buong araw.Baitang 1 hanggang 8 (Elementarya/Middle/Junior High School): Angmga taon ng pagpasok sa paaralan sa Estados Unidos ay tinatawag na “mgabaitang”. Ang mga bata ay pumapasok sa paaralan nang 5 ½ hanggang 7oras bawat araw mula Lunes hanggang Biyernes. Karaniwang nasa isangsilid-aralan ang mga mas bata at mayroong isang guro para sa buong taon ngpagpasok sa paaralan. Ang mas matandang mga mag-aaral ay karaniwanmayroong 6 hanggang 8 iba't-ibang mga klase sa umaga. Maaari silangmagpalit ng iba't-ibang mga silid at maaari silang magkaroon ng iba't-ibangmga guro para sa bawat subject. Ang mga paaralan para sa mga bata nanasa baitang 5 o 6 hanggang 8 ay tinatawag na mga Middle School o JuniorHigh School.2

Baitang 9 hanggang 12 (High School): Ang mga bata ay karaniwangpumapasok sa high school sa edad na 14 at nagtatapos sa edad na 18. Angmga mag-aaral sa high school ay nagpapalit ng mga silid-aralan at mayroongiba't-ibang mga guro sa umaga. Inihahanda ng high school ang mga magaaral para sa mga trabaho o para mag-aral sa isang community college ounibersidad.Mga Programa Bago at Pagkatapos ng Klase: Ang ilan sa mga paaralan aymayroong mga programa para sa pangangalaga sa bata bago ang klase. Samga paaralan na ito, maaaring dalhin ng mga magulang ang kanilang mgaanak sa paaralan bago magsimula ang klase. Ang ilang mga paaralan aymayroon ding mga programa para sa mga bata pagkatapos ng klase. Sa mgapaaralan na ito, ang mga bata ay maaaring magpatala sa isang programapagkatapos ng klase para sa musika, isports, tulong sa homework, o ibangmga gawain. Ang ilan sa mga paaralan ay sumisingil ng bayad para sa mgaprogramang ito.Dapat ninyong ipatala ang inyong mga anak sa mga espesyal na programa atibigay ang inyong nakasulat na pahintulot bago pumasok ng maaga omagtagal ang inyong anak pagkatapos ng klase.Klase sa Tag-init: Marami sa mga paaralang elementarya at high school angnag-aalok ng klase sa tag-init. Ang ilan sa mga klase sa tag-init ay para samga mag-aaral na kailangan ng karagdagang tulong sa paaralan. Ang ilan samga klase ay para sa mga espesyal na gawain o paksa, tulad ng mga klase sakompyuter. Maaaring may bayad ang klase sa tag-init.Pagkatapos ng High School: Ang mga mag-aaral na nagtapos mula sa highschool ay maaaring piliing magtrabaho o sumali sa militar. Maaaring gustuhindin nilang ipagpatuloy na mag-aral sa mga bokasyonal na paaralan, mgacommunity college, o 4 na taong kolehiyo o unibersidad.Mayroong maraming mga pribado at pampublikong 4 na taong kolehiyo atunibersidad sa Estados Unidos.Ang mga pribado at pampublikongunibersidad at kolehiyo ay maaaring napakamahal. Maaaring mag-apply angmga mag-aaral para sa mga scholarship at panghihiram ng salapi upangmakatulong na mabayaran ang kanilang pag-aaral. Ang ilan sa mga kabataanay sumasali sa militar upang makakuha ng libreng pag-aaral.Ang mga community college ay 2 taong pampublikong paaralan napinopondohan ng mga buwis ng ari-arian at ng pamahalaan. Ang mga ito aymas mura kaysa sa pribado o pampublikong mga unibersidad. Pagkatapospumasok sa isang community college para sa 2 taon, maaaring tumanggap ngisang Associate of Arts na degree ang mga mag-aaral o lumipat sa isang 4 nataong unibersidad upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.3

3.Mayroon bang mga paraalan para sa mga mag-aaral na hindinakatapos ng high school?Dapat pumasok sa baitang 1 hanggang 12 ang mga bata upangmakapagtapos ng high school. Napakahalagang magtapos ng high school.Karamihan sa mga unibersidad at employer ay humihingi ng isang diploma nghigh school. Ngunit ang ilan sa mga mag-aaral ay iniiwanan ang high schoolbago sila makapagtapos. Hindi sila nagtatapos ng pag-aaral. Mayroong iba'tibang mga programa para sa mga mag-aaral na ito:Mga Panggabing Klase: Ang ilan sa mga high school ay mayroong mgapanggabing klase para sa mga mag-aaral na hindi tinapos ang pag-aaral.Alternatibong High School:Ang ilan sa mga distrito ay mayroongalternatibong mga high school. Karaniwang mga maliliit na paaralan ang mgaito sa ibang gusali mula sa regular na high school.Mga Klase para sa GED: Mayroong mga pang-umaga at panggabing klaseupang tulungan ang mga nasa sapat na gulang na ipasa ang GeneralEducational Development o Pangkalahatang Pang-edukasyong Pag-unlad(GED) na mga pagsusulit. Maaaring gamitin ng mga nasa sapat na gulangang GED bilang isang diploma ng high school.Karamihan sa mgaunibersidad at employer ay tumatanggap ng GED. Ang mga lokal na sangayng mga pampublikong aklatan ay karaniwang mayroong impormasyon tungkolsa mga klase para sa GED.4

II. PAGPAPATALA SA PAARALAN1.Paano ko maipapatala ang aking mga anak sa paaralan? Anong mgapapel ang kailangan ko?Mga papel na kakailanganin ninyo para sa pagpapatala:- Katibayan ng petsa ng kapanganakan kung mayroon (katibayan ngkapanganakan ng bata)- Social Security Number, kung mayroon lamang (opsyonal)- Mga Dokumento sa Kalusugan: Ang paaralan ay mayroong mga medikalat pang-ngipin na mga form na kailangan ninyong punan at ibalik sapaaralan.- Katibayan ng tirahan: (halimbawa, bayarin ng tubig, kuryente, telepono ogas, pag-upa ng apartment, account sa sangla o katibayan ng pagmamayari ng bahay, pay check o pay stub, sulat na may tirahan, titulo ngsasakyan o card sa pagkakarehistro, balidong lisensya sa pagmamanehosa illinois, o apidabit na may notaryo (sinumpaang pahayag) ngpaninirahan)- Mga transcript mula sa dating (mga) paaralan kung mayroon. Halimbawa,maaaring magkaroon ng mga talaan ang mga magulang mula sa ibangmga paaralan sa Estados Unidos o mula sa mga paaralan sa kanilangsariling bansa.Humingi sa paaralan ng listahan ng mga dapat dalhin na papel para sapagpapatala.Hihilingin sa inyo ng paaralan na kumpletuhin ang mga form ng mayimpormasyon tungkol sa inyong anak at pamilya. Kinukumpleto ang Sarbey ngWika sa Tahanan para sa lahat ng mga bagong mag-aaral. Tinatanong ng5

Sarbey ng Wika sa Tahanan kung ang isang tao sa inyong tahanan o ang inyonganak ay nagsasalita ng ibang wika. Nagbibigay ng mga pagsusulit sa Ingles angmga paaralan sa mga bata na nagmula sa mga tahanan kung saan may ibangsinasalitang wika maliban sa Ingles. Ang mga mag-aaral na hindi marunong ngIngles ay inilalagay sa mga klase na tulad ng bilingguwal na edukasyon o Englishas a second language o ang Ingles bilang pangalawang wika (ESL).2.Aling mga medikal na form at pagsusuri ang kailangan ng aking mgaanak bago sila makapagsimulang mag-aral?Kapag nagsimulang pumasok sa paaralan ang mga bata sa unang pagkakataon,dapat silang magkaroon ng pisikal na pagsusuri. Pupunan ng doktor ang isangmedikal na form. Ang medikal na form ay kinabibilangan ng mga talaan ngimunisasyon. Dapat ding magkaroon ng isang pagsusuri ang mga bata kapagpumapasok sila sa kindergarten o ika-1, ika-6 at ika-9 na baitang. Kung walangmga kinumpletong kinakailangan na medikal na form ang mga bata, hindi silapahihintulutang pumasok kapag nagsimula na ang klase.Mga Imunisasyon: Ang lahat ng mga mag-aaral ay dapat magkaroon ng mgaimunisasyon (mga bakuna) para sa mga sumusunod na sakit:-3.Diphtheria-pertussis-tetanus (DPT)PolyoTigdasRubella (German measles o tigdas)BekeHepatitis B (para sa mga batang pumapasok sa preschool o ika-5 baitango mas mataas pa)Haemophilus influenza na type B (para sa mga bata na pumapasok sapreschool)Varicella (Bulutong-tubig) (para sa mga bata na pumapasok sa preschoolhanggang ika-10 baitang)Katibayan ng Tdap (DPT na booster) (para sa mga batang pumapasok saika-6 at ika-9 na baitang)Paano kung nagkaroon ng mga imunisasyon na ito ang aking mgaanak sa aming sariling bansa o sa ibang estado?Kung ang isang bata ay nagkaroon ng mga imunisasyon na ito sa ibang bansa oestado, kailangang magpakita ng isang medikal na talaan ang mga magulang sadoktor sa pisikal na pagsusuri sa anak. Kung walang medikal na talaan ng mgaimunisasyon, kailangang magkaroon muli ng mga bakuna ang bata.6

4.Kailangan bang magpatingin ang aking mga anak sa isang dentistabago magpatala?Kailangan ng mga bata ng pagsusuri sa ngipin bago sila magsimula sakindergarten, ika-2 at ika-6 na baitang. Dapat kumpletuhin ng dentista ang isangform sa pagsusuri ng ngipin para sa paaralan.5.Ano pang ibang mga pagsusuri ang kailangan ng aking mga anak?Ang mga bata na pumapasok sa kindergarten o nagpapatala sa mga paaralan ngIllinois sa unang pagkakataon ay kailangan ng pagsusuri sa mata. Ang mgabatang pumapasok sa preschool ay hindi kailangan ng pagsusuri sa mata. Angisang medikal na doktor na nagbibigay ng pangangalaga sa mata o isanglisensyadong optometrist ang dapat magsagawa ng pagsusuri.Sa karamihan ng mga paaralang elementary

Sa mga paaralan na ito, ang mga bata ay maaaring magpatala sa isang programa pagkatapos ng klase para sa musika, isports, tulong sa homework, o ibang mga gawain. Ang ilan sa mga paaralan ay sumisingil ng bayad para sa mga programang ito. Dapat ninyong ipatala ang inyong mga anak sa mga espesyal na programa at

Related Documents:

Ang mga Coronavirus ay isang malaking pamilya ng mga virus at napangalanan ang mga ito ng ganito dahil sa crown-like spikes na nasa labas nito. Ang mga ito ay pangkaraniwang uri sa mga hayop, tulad ng mga camel, baka, pusa, at mga paniki. Bihira na ang mga coronavirus ng mga hayop ay malilipat sa mga tao at kakalat mula tao sa tao.

katangian ng isang wika. Sa Filipinas, madalas ang ortograpiya ay nasa anyo ng isang aklat. Ginagamit ang mga ortograpiya bílang gabay sa ispeling para sa mga textbook, diksiyonaryo, mga pahayagan, at iba pang publikasyon. Isa rin ang ortograpiya sa hinahanap ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) bago magsimula ang Mother

Ang Diyos ng mga taga-Europa ng Edad Medya ay dinala rito ng mga Espanyol noong Siglo 16. Ito ang ginamit nilang instrumento sa pasipikasyon ng mga katutubong dinatnan nila sa mga isla ng Filipinas. Naiiba ang Diyos ng mga Kristyano sa mga mumunting diyos na kilala ng mga katutubo. Para sa mga ito, may mga puwersang nagpapalago ng mga

edukasyon, habang marahil ay hindi pamilyar sa mga espesyal na pangangailangan ng mga batang may TBI, ay mas may kakayahan sa paggawa ng mga gawain sa pag-aaral sa loob ng isang silid-aralan. Sila ay mga eksperto sa paggamit ng iba't-ibang mga paraan ng pagtuturo. Sa pamamagitan ng pag-alam sa mga paraan na

ito ang mga taong may: mga pisikal na kapansanan seryosong karamdaman sa pag-iisip mga kumplikadong problema sa kalusugan iba pang mga espesyal na pangangailangan Mayroon din kaming mga programa para sa pamamahala sa sakit. Nakakakuha ng impormasyon ang mga miyembro sa mga programang ito upang tulungan silang pamahalaan ang kanilang kundisyon.

pareho ang mga serbisyo sa bawat Sentro ng Pagboto. Ang mga botante ay patuloy na makakaboto nang personal o makukuha ang kanilang balota sa anumang lokasyon sa Sentro ng Pagboto. Dagdag dito, ang isang botante, o isang tao na itinalaga ng isang botante, ay maaaring kumumpleto ng isang Ballot Pick-up

ng mga kopya ng kredito at mga pagkakakilanlan at mahalagang mga dokumento, tulad ng mga polisa ng seguro at mga rekord/ kasulatan na nauukol sa pananalapi. Mga kasangkapan. Bukod sa liyabe-de-tubo at gasuklay na liyabe (para sa pagsara ng balbula ng gas at tubig), dapat mayroon ka ring pansindi, mga istak ng posporo na nasa lalagyang hindi

Jazz Piano, ABRSM Publishing: Level 1, Level 2, Level 3, Level 4, Level 5 Jazz Piano from Scratch, Dr. Charles Beale Shelton Berg: Jazz Improv: Goal-Note (Book/Cd), Shelton Berg Bill Boyd: Jazz Keyboard Basics, Bill Boyd An Introduction To Jazz Chord Voicing For Keyboard, Bill Boyd Intermediate Jazz Chord Voicing For Keyboard, Bill Boyd Exploring Traditional Scales And Chords For Jazz Keyboard .