MODYUL 4: ANG KONTEMPORARYONG DAIGDIG (IKA-20 SIGLO .

3y ago
481 Views
13 Downloads
4.69 MB
128 Pages
Last View : 8d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Wade Mabry
Transcription

MODYUL 4: ANG KONTEMPORARYONG DAIGDIG (IKA-20 SIGLO HANGGANGSA KASALUKUYAN): MGA SULIRANIN AT HAMON TUNGO SAPANDAIGDIGANG KAPAYAPAAN, PAGKAKAISA,PAGTUTULUNGAN, AT KAUNLARANPANIMULA:Mababakas sa ika-19 na siglo sa kasaysayan ng daigdig, ang malawakangpaglaganap ng diwang nasyonalismo sa iba’t ibang bahagi nito. Iisang lahi, iisang lipi,magkatulad na wika, relihiyon at pagpapahalaga ang pangunahing salik na nabunsodsa diwang nasyonalismo. Kasabay nito ay ang pag-unlad ng agham, industriya atkaisipang pampulitika ng mga bansa.Subalit sa pasimula ng ikalawang dekada ng ika- 20 siglo maraming pangyayariang naganap na gumimbal sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Naganap ang Una atIkalawang Digmaang Pandaigdig, sinundan ng iba’t ibang ideolohiya, Cold War at angmalawakang Neokolonyalismo ng mga superpowers na bansa. Upang mawakasan angdi- pagkakaunawaan bumuo ang mga bansa ng pandaigdigang samahan na siyangmangunguna sa pag-aayos ng lahat ng sigalot ng mga bansa.Sa pagkakataong ito, susuriin natin ang mahalagang papel na ginampanan ngmga bansa upang matamo ang pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulunganat kaunlaran mula ika-20 siglo hanggang sa kasalukuyan. Ang mga babasahin at tekstoang magsisilbing gabay upang masagot mo ang tanong na paano ka makakatulongupang makamit ang pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, kapayapaan atkaunlaran?Mga Aralin at Sakop ng ModyulAralin 1 – Unang Digmaang PandaigdigAralin 2 – Ikalawang Digmaang PandaigdigAralin 3 – Mga Ideolohiya, Cold War at NeokolonyalismoAralin 4 – Ang United Nations at Iba Pang Pandaigdigang Organisasyon, Pangkatat AlyansaAng sumusunod ang inaasahang matutuhan mo sa Yunit na ito. Tiyaking iyongbabasahin at babalik-balikan dahil ito ang magsisilbi mong gabay sa iyong pagkatuto.Sige na! Simulan na nating basahin 411

Ang Kontemporaryong Daigdig(Simula sa Ika-20 Siglo Hanggang saKasalukuyan): Mga Suliranin atHamon Tungo sa PandaigdigangKapayapaan, Pagkakaisa,Pagtutulungan at KaunlaranAralin I - Ang Unang DigmaangPandaigdigPamantayan sa PagkatutoNasusuri ang mga dahilan na nagbigay daansa Unang Digmaang PandaigdigNasusuri ang Mahahalagang pangyayarinaganap sa Unang Digmaang PandaigdigNatataya ang mga epekto ng Unang DimaangPandaigdigNasusuri ang pagsisikap ng mga bansa namakamit ang kapayapaang pandaigdigat kaunlaranAralin II- Ang Ikalawang DigmaangPandaigdigNasusuri ang mga dahilan na nagbigay daansa Ikalawang Digmaang PandaidigNasusuri ang mahahalagang pangyayarinaganap sa Ikalawang Digmaang PandaigdigNatataya ang mga epekto ng IkalawangDigmaang PandaigdigNasusuri ang pagsisikap ng mga bansa namakamit ang kapayapaang pandaigdigat kaunlaran412

Aralin III- Mga Ideolohiya, Cold Warat NeokolonyalismoNasusuri ang mga ideolohiyang pulitikal atekonomik sa hamon ng establisadonginstitusyon ng lipunan.Natataya ang epekto ng Cold War sa iba’tibang bahagi ng daigdigNasusuri ang mga epekto ng neokolonyalismo sa pangkalahatang kalagayanng papaunlad at di-maunlad na bansaAralin IV- Ang United Nations at IbaPang Pandaigdigang Organisasyon,Pangkat at AlyansaNasusuri ang bahaging ginampanan ng mgapandaidigang organisasyon sa pagsusulongng pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa,pagtutulungan, at kaunlaran. Ang United Nations at ang mgasangay nito Mga organisasyon at alyansa Mgapang-ekonomikongorganisasyon at trading blocsPANIMULANG PAGTATAYAK1. Ang mga sumusunod na pangyayari ay naganap noong Unang DigmaangPandaigdig maliban sa:A.B.C.D.pagtatatag ng Nagkakaisang Bansapagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente.pagpapalakas ng hukbong militarng mga bansa.pagkakaroon ng diwang nasyonalismo ng mga kolonyang bansaGamiting gabay ang mapa ng Europe upang masagot ang tanong sa ibaba.413

013/07/map-of-europe1024x833.jpg?a600a5P 2. Sinasabing sa Kanlurang Europe naganap ang pinakamainit na labanan sapanahon ng World War I . Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang nauugnay dito?A.B.C.D.Labanan ng Austria at SerbiaDigmaan ng Germany at BritainPaglusob ng Rusya sa GermanyDigmaan mula sa Hilagang Belgium hanggang sa hangganan ng SwitzerlandK3.Isang ideolohiya at uri ng pamahalaan na nagbibigay ng pantay na karapatan atkalayaan anuman ang kanilang kinabibilangang lahi, kasarian o osyalismoP 4. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapaliwanag ng katagang ito “Ang sariling pagkakakilanlan ay nawawala dahil sa impluwensyang dayuhan”A. Napapanatili ang kultura ng isang bansaB. Pinakikinabangan ng mga dayuhan ang likas na yaman ng mga kolonyaC. Ang kulturang dayuhan ang pinahalagahan ng mga bansang umuunlad palamangD. Nababago ng mga dayuhan ang kultura ng kolonya sa pamamagitan ngiba’t ibang impluwensyaU 5. Bakit ikinagalit ni Adolf Hitler ang mga probisyon ng Kasunduan saVersailles?A. Ginawang Mandated Territory ang lahat ng kolonya ng GermanyB. B. Pinagbayad ang Germany ng malaking halaga para sa reparasyonC. Dahil ito ay kasunduang nabuo lamang ng samahang Triple Entente414

D. Naniniwala si Hitler na labis na naapi ang Germany sa mga probisyongnakasaad ditoK 6. Ang kasunduan ng mga bansa na nagbigay hudyat sa pagwawakas ng WorldWar IA.B.C.D.Treaty of ParisUnited NationsLeague of NationsTreaty of VersaillesSuriin ang T-diagram sa ibaba, gawing gabay ito upang masagot ang tanong sabilang 7-8DemokrasyaKomunismoTimog KoreaHilagang KoreaTimog VietnamHilagang VietnamP 7. Alin sa mga sumusunod ang impormasyong dapat ilagay sa gitna ng T-diagram?A.B.C.D.17th parallel at 38th parallel38th parallel at 17th parallel19th parallel at 38th parallel38th parallel at 19th parallelP 8. Mahihinuha sa mga impormasyon sa T- diagram, na nahati ang Korea at Vietnammatapos ang World War I. Bakit kaya nagkaroon ng paghahati ang ilang bansa saAsya?A. Upang magkaroon ng tiyak na hanggananB. Dahil sa magkaibang kultura ng dalawang bansaC. Upang mas masukat ang pag-unlad ng ekonomiya ng dalawang bansa415

D. Dahil sa magkaibang paniniwala, ideolohiya, at prinsipyo, ipinaglalaban ng bawatbansaU 9. Pahayag I: Ang United Nations ay naging matagumpay na pigilan angpagsiklab ng digmaang pandaigdig dahil ito ay naggingpandaigdigang forum upang pag-usapan ang sigalot ng mgabansaPahayag II: Nabigo ang UN na magpatupad ng mga resolusyon ukol sapang-aabuso ng Israel sa karapatang pantao ng mgaPalestinian.A.B.C.D.Tama ang pahayag I at Mali ang pahayag IIMali ang pahayag I at tama ang pahayag IIParehong tama ang pahayag I at IIParehong mali ang pahayag I and IIK 10. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging hudyat o dahilan sapagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig?A. Pagpapakamatay ni Adolf Hitler matapos sumalakay ang Allied PowersB. Pagpapalabas ng labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow WilsonC. Pagpaslang kay Archduke Francis Ferdinand ng Austria sa Sarajevo, BosniaD. Pagwawakas ng mga Imperyo sa Europa tulad ng Alemanya, Austria- Hungary,Rusya, at OttomanU 11. Isang bagong daigdig ang umusbong pagkalipas ng Ikalawang DigmaangPandaigdig. Alin ang hindi kabilang sa mga pangyayari pagkatapos ng digmaan?A.B.C.D.Naitatag ang United NationNagkaroon ng World War IIINawala ang Fascism at NazismNagkaroon sa daigdig ng labanan ng ideolohiyaU 12. Alin sa mga sumusunod ang nagtatakda ng pagiging kaanib ng UN?A.B.C.D.Mga bansang nanalo sa digmaanBansang may kakayahang magbigay ng taunang butawAnumang sukat at populasyon ng bansa na nagmamahal sa kalayaanMga bansang naapektuhan ng Una at Ikalawang Digmaang PandaigdigGamitin ang mga larawan upang masagot ang tanong bilang 13.416

Source: /worldwarII.jpgP 13. Alin sa mga sumusunod ang mahihinuha mo mula sa larawan?A. Maraming ari-arian at buhay ang nawawasak dahil sa digmaanB. Malaking halaga ang kailangan para sa reparasyon pagkatapos ng digmaanC. Sa mga digmaan, walang panalo, walang talo, lahat ng bansang sangkot ayapektadoD. Lahat ng nabanggitK 14. Ang Cold War ay digmaan ng nagtutungaling ideolohiya ng dalawangmakapangyarihang bansa o superpower. Anong dalawang bansa ang nakaranas nitomatapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?A.B.C.D.US at USSRUS at FranceGermany at USSRGermany at FranceU 15. Alin sa mga sumusunod ang tiyakang pakinabang na matatanggap ng mga bansakung sasanib sila sa APEC?A. Karagdagang subsidiya sa pagtatayo ng mga imprastrakturaB. Tulong militar laban sa magtatangkang sakupin ang kalabang bansaC. Pagtutulungang ekonomiya at teknikal sa pag-papaunlad ng agham atekonomiyaD. Pagpasok sa pamilihan at pag-aalis ng buwis sa mga produkto ng mga kasapingbansaP 16. Anong konklusyon ang mahihinuha mo sa pahayag na “ Ang kasunduan saVersailles ang nagsilbing binhi ng World War II”417

A. Pabor sa lahat ng bansang sangkot ang mga probisyon ng kasunduan saVersaillesB. Ang kasunduan sa Versailles sa pagitan ng Allies at Germany ang opisyal nanagwakas sa Unang Digmaang PandaigdigC. Ang mga probisyon ng Kasunduan sa Versailles ang nagtulak sa Germanyupang maghimagsik sa mga arkitekto nitoD. Naging mahina ang League of Nationsna isa sa mga probisyon ng kasunduanupang mapanatili ang kapayapaan ng mga bansaU 17. Ang mga pahayag sa ibaba ay maaaring maranasan ng mga mamamayangnaninirahan sa US at Pilipinas, alin ang hindi kabilang?A.B.C.D.May karapatang makabotoMay kalayaan sa pananampalatayaMilitar ang nangingibabaw sa sibilyanLahat ng mga mamamayan ay may karapatan sa edukasyonU 18. Malaki ang naging epekto ng Cold War s ekonomiya ng mga bansa sa Asya atKanluran. Paano nagsimula ang Cold War?A.B.C.D.Pagnanais ng Russia na sakupin ang United StatesTinanggihan ng Russia ang mga kalakal mula sa United StatesPangingibabaw ng dalawang ideolohiya ng dalawang makapangyarihang bansaHindi pagbibigay ng pahintulot ng United States sa mga Ruso na makapasok sakanilang bansaP 19. Alin sa mga sumusunod ang ipinakikita ng chain of events sa ibaba.Naideklarang Open City ang MaynilaPagsabog ng Hiroshima at Nagasaki saJapanLabanan sa pagitan ng Luftwaffe at RoyalArmy ForcesPagpapadala ni Hitler kay Lt. Gen.Erwin Rommel at ang kanyangn AfricanKorps sa LibyaA. Mga salik na nagbigay daan sa World War IB. Mga salik na nagbigay daan sa World War IIC. Mga pangyayaring naganap sa World War418

D. Mga pangyayaring naganap sa World War IIBasahin at unawain ang talata sa ibaba upang sagutin ang tanong.Noong World War II, nakalikha ang United States ng sandatang nukleyar sailalim mg Manhattan Project. Ang lakas ng pwersang pinapakawalan ng bombang ito aykatumbas ng pinasabog na TNT na nasa kilotons o megatons ang bigat.Ika-6 ng Agosto 1945 nang hulugan ng bombang nukleyar ng mgaAmerikano ang Hiroshima at Nagasaki sa Japan. Nagdulot ito ng pagkasawi ngmaraming tao at pagkawasak ng mga imprastraktura. Disyembre 1983, nang may ilangsiyentipikong naglabas ng kanilang pag-aaral sa posibleng epkto ng pagpapasabog ngsandatang nukleyar sa mga klima sa mundo na tinawag na nuclear winter theory. Ayonsa teorya, ito ay magtatapon ng usok at alikabok na sapat upang takpan ang araw saloob ng maraming buwan na magiging sanhi ng paglamig ng klima ng mundo naikamamatay ng mga halaman at mga bagay na may buhay.Pinagkunan- http://en.wikipedia.org/wiki/Nuclear WeaponsU 20. Inilahad sa talata sa itaas ang posibleng epekto ng sandatang nukleyar sadaigdig? Sa iyong palagay, alin sa mga sumusunod ang nararapat ipatupad ng mgabansa sa daigdig hinggil dito?A. Maaaring gumamit ng plantang nukleyar upang mapanatili ang kapayapaan sadaigdigB. Dapat ipagbawal ang paggamit nito upang maiwasan ang epekto sa tao athalamanC. Nararapat magkaroon ng patakaran sa paggamit at siyasatin ang mga plantangnukleyar ng mga bansaD. Nararapat na magkaroon ang bawat bansa ng sandatang nukleyar sapagkatmahalaga sa bawat bansa ang pwersa.419

ARALIN 1: ANG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIGALAMINMalalaman sa Yunit na ito ang mga dahilan at mgapangyayaringnagbigay-daan sa Unang Digmaang Pandaigdig, gayundin ang mga usapin ng mgabansang sangkot sa digmaan.Bibigyang- pansin din ang matinding epekto nito nanag-iwan ng malalim na sugat at aral sa kasaysayan ng sangkatauhan. Tatalakayindin ang pagsisikap ng mga bansa upang makamit ang kapayapaang Pandaigdig.Inaasahang masasagot ng mga mag-aaral ang tanong na Paano nagsikap angmga bansa upang wakasan ang Unang Digmaang Pandaigdig?Ngayon,simulan mo nang basahin ang kasunod na teksto at ihanda ang iyong sarili sapagtupad sa iba’t ibang gawain.GAWAIN BLG.1: Konseptong Nais Ko, Hulaan MoBasahin ang mga clue sa bawat bilang. Tukuyin ang mga konseptong inilalarawansa pamamagitan ng pagpupuno ng wastong letra sa loob ng mga kahon.1. Pagkakampihan ng mga bansaAYA2 Pagpapalakas ng mga bansang sandatahan ng mga bansa sa EuropeMITASO3. Panghihimasok ng makapangyarihang bansa sa mahinang bansa.IPYLO4. Pagmamahal sa bayanNSNLM5. Bansang kaalyado ng France at RussiaGTBTN420

6. Organisasyon ng mga bansa pagkatapos ng Unang Digmaang PandaigdigEEFAO7. Kasunduang nagwakas sa Unang Digmaang PandaigdigVSIL8. Ang entablado ng Unang Digmaang PandaigdigRSP9. Siya ang lumagda sa Proclamation of NuetralityWDOLN10. Alyansang binubuo ng Austria, Hungary, at GermanyTLELINEPamprosesong Tanong:1. Ano ang mahihinuha sa salitang iyong nabuo?2. May magkakaugnay bang salita? Kung mayroon, paano ito nagkaugnay?3. Ano ang kaugnayan nito sa naganap na Unang Digmaang Pandaigdig?GAWAIN BLG. 2: Graphic OrganizerMatapos masagutan ang gawain, Punan ng impormasyon angStorming Web sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang mga kasunod na tanong.Facts421

FacTs storming toPosiblengMagingWakasPamprosesong Tanong1.2.3.4.Ano ang naging batayan mo sa pagsagot ng gawain?Bakit kaya nagkakaroon ng digmaan?Ipaliwanag ang mga posibleng mangyari sa panahon ng digmaan?May pagkakatulad ba ang kasagutan mo sa kasagutan ng kaklase mo?sa paanong paraan?Maaaring magpalitan ng mga tanong at kuro-kuro hinggil sa mga kasagutan.GAWAIN BLG. 3- Larawang SuriSuriin ang mga larawan at sagutin ang mga tanong tungkol dito.422

Source:https://www.google.com.ph/search?q world war i pictures&source lnms&tbm isch&sa X&ei OqF4UrPRINOciQf3zYHgAw&sqi 2&ved 0CAcQ AUoAQ&biw 1208&bih 598Pamprosesong Tanong1. Ano ang ideyang ipinakikita ng larawan?2. Kung magiging saksi ka sa ganitong pangyayari, ano ang posiblemong maramdaman?3. Paano kaya maiiwasan ang mga digmaan sa daigdig?PAUNLARINMatapos mabatid ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa Unang DigmaangPandaigdig, marahil ay marami ka pa ring katanungan na nais masagot tungkol sapaksa. Handa ka na bang tuklasin ang mga pangyayari,mga dahilan at epekto ngUnang Digmaang Pandigdig? Nais mo rin bang malaman ang mga hakbang na ginawang mga pinuno upang wakasan ang digmaan? Basahin ang kasunod na teksto sa nasaibaba at humanda sa pagsagot ng mga gawain kaugnay ng paksa.423

Mga Sanhi ng UnangDigmaang Pandaigdig1. Nasyonalismo -Ang damdamingnasyonalismo ay nagbubunsod ngpagnanasa ng mga tao upangmaging malaya ang kanilang bansa.Kung minsan, ito ay lumalabis atnagiging panatikong pagmamahalsa bansa. Halimbawa, ang mgaJunker, ang aristokrasyang militarng Germany, ay naniwalang sila angnangungunang lahi sa Europe. pangalagaan ang mga kalahi nilakahit nasa ilalim ng kapangyarihanng ibang bansa. Isang halimbawaay ang pagnanais ng Serbia naangkinin ang Bosnia at Herzegovinana nasa ilalim ng Austria. Kabilangpa rito ay ang pagkamuhi ng mgaSerbian dahil sa mahigpit napamamahala ng Austria. Marami rinsa mga estado ng Balkan na GreekOrthodox ang relihiyon, at angpananalita ay tulad ng mga Ruso.Itong dahilan ng Russia upangmakialam sa Balkan. Gusto ringmaangkinngRussiaangConstantinople upang magkaroonsiya ng daungang ligtas sa yelo. Sakabilang dako, nais angkinin ngItalya ang Trent at Triste na sakopdin ng Austria. Ang France namanay nagnais ding maibalik sa kaniyaang Alsace-Lorraine na inangkin ngGermany noong 1871 bunga ngdigmaan ng France at Prussia(Germany). Dahil dito, ipinalagay ngmaraming Pranses na natural nilangkaaway ang mga Aleman.Lagayan ng com/albums/ae306/etajima62/presente.jpgMula sa teksto, isa-isahin ang mgabansa na nagpakita ng diwangnasyonalismo424

2. Imperyalismo – Isa itong paraan ng pangaangkin ng mga kolonya at pagpapalawak ngpambansang kapangyarihan at pag- unlad ngmga bansang Europeo. Ang pag- uunahan ngmga makapangyarihang bansa na sumakopng mga lupain at magkaroon ng kontrol sapinagkukunang-yaman at kalakal ng Africa atAsia ay lumikha ng samaan ng loob at pagaalitan ng mga bansa. Halimbawa, sinalungatng Britanya ang pag-angkin ng Germany saTanganyika (East Africa) sapagkat balakid itosa kanyang balakna maglagay ngtransportasyong riles mula sa Cape Colonypatungong Cairo.Tinangka namanghadlangan ng Germany ang pagtatatag ngFrench Protectorate sa Morocco sapagkatnaiinggit ito sa mga tagumpay ng France saHilagang Aprika. Sa gitnang silangan,nabahala ang Inglatera sa pagtatatag ngBerlin-Baghdad Railway sapagkatito'ypanganib sa kaniyang lifeline patungong India.Ang pagpapalawak ng hangganan ng Austriasa Balkan ay tumawag ng pansin at mahigpitna pagsalungat ng Serbia at Russia. Nagingkalaban din ng Germany ang Britanya atHapon sa pagsakop sa Tsina .Hindinasiyahan ang Germany at Italya sapagkakahati-hati ng Aprika sapagkat kauntilamang ang kanilang nasakop samantalangmalaki ang nabahaging nakuha ng Inglatera atFrance.3. Militarismo- Upang mapangalagaan angkani-kanilang teritoryo, kinakailangan ng mgabansa sa Europe ang mahuhusay atmalalaking hukbong sandatahan sa lupa atkaragatan, gayundin ang pagpaparami ngarmas. Ito ang naging ugat ng magtatagngmalalakinghukbong pandagat ang Germany. Ipinalagayna ito'y tahasang paghamon sa kapangyarihanng Inglatera bilang Reyna ng Karagatan.Paano naging ugat ng UnangDigmaangPandaigdigangImperyalismo at ndaigdigangimperyalismosapagkat425

4. Pagbuo ng mga Alyansa- Dahil sainggitan, paghihinalaan at lihim asalungat na alyansa ang nabuo – angTriple Entente at ang Triple Alliance.Binubuo ng Germany, Austria-Hungary atItalya, ang Triple Entente. Sa ilalim ngalyansa, nangako ang bawat kasapi namagtulungan sakaling may magtangkangsumalakay sa kanilang bansa. Nais din ngalyansaa na pantayan ang lakas ng TripleAlliance. Samantala, sumali ang Germanysa grupo dahil nais mapigilan angimpluwensiya ng Russia sa Balkan.Itinatag naman ni Bismarck ang Triplealliance nong 1882. Resulta ito ng dipagkakaunawaan at hidwaan sa pagitan ngRussia at Pransiya noong1884(DualAlliance), ng Pransya at Britanya noong1904 (Entente Cordiate) at ng Britanya atRussia noong 1907, Bilang ganti, sumaliang Pransya sa Triple Entente. Ang Russianaman gaya ng nabanggit na, ay karibal ngGermany at Austria sa rehiyon ng Balkan.Ang Hague Court of Arbitration na itinatagnoong 1899 ay hindi naging mabisa dahilhindi naman obligado ang isang bansangmapailalim dito. Ang unang pagpupulong saHague noong 1899 na pinatnubayan ni CzarNicholas II ng Russia. Ang pangalawangpagpupulong sa Hague ay noong 1907, samungkahi ni PangulongTheodore Roosevelt.Nabigo rin ito. Layunin nitong magpabawasng armas ngunit nagkaroon ng unawaantungkol sa lalong makataong paglalabanan.Sa kasamaang-palad, ang mga kasunduangito ay nabura nang sumiklab ang UnangDigmaang Pandaigdig.Triple Entente/AllianceSource:agayan t/sitebuilderpictures/entente.gifPandaigdig na /img/worldwar.jpg426

Alin kaya sa mga nabanggit na sanhi ang tunay na nagpatindi ng tensiyon upangmagsimula ang Unang Digmaang Pandaigdig? Bsahin ang kasunod na teksto upangmalaman ang sagot.Ang Pagsisimula at Pangyayari saUnang Digmaang PandaigdigAng krisis na naganap saBosnia noong 1914 ang naghudyatsa pagsisimula ng World War I.Noong Hunyo 28,1914, pinatay siArchduke Franz Ferd

Nasusuri ang pagsisikap ng mga bansa na makamit ang kapayapaang pandaigdig at kaunlaran . 413 . maraming tao at pagkawasak ng mga imprastraktura. Disyembre 1983, nang may ilang . D. Nararapat na magkaroon ang bawat bansa ng sandatang nukleyar sapagkat mahalaga sa bawat bansa ang pwersa. 420 .

Related Documents:

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu. Ang modyul na ito ay nahati sa apat leksyon: Leksyon 1: Kontemporaryong Isyu Leksyon 2: Ang Lipunan Leksyon 3: Ang Kultura Leksyon 4: Sociological Imagination Kapa

Ang mga Paglalakbay ni Juan Ang Pinagmulan ng Daigdig (Si Malakas at si Maganda) Ang Unang Unggoy Ang Alamat ng Palay Ang Pinagmulan ng Lamok Kung Paano Yumaman si Jackyo Ang Anting-anting ni Manuelito Ang Gamugamo at Ang Liwanag Kung Bakit Gusto ng Bagobo ang Pusa Mga Kuw e

Musika 1 - Modyul 1 I. Nilalayong Antas: Baitang 1 II. Pamagat ng Modyul: Unang Modyul sa Pagkatuto III. Nakalaang Oras: 2 beses sa isang linggo na tig-40 minuto IV. Kabuuan ng Modyul Ipinakikilala sa modyul na ito ang elemento ng Dynamics sa musika. Layunin nitong makapagpakita ang

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat

kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Tuklasin Sa bahaging ito, ang

Kontemporaryong Isyu Ang kontemporaryong isyu ay tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya, opinyon, o paksa sa kahit anong larangang may kaugnayan sa kasalukuyang panahon. Ito ay sumasakl

ARCHITECTURAL DESIGN STANDARDS These ARC Guidelines or Architectural Design Standards are intended as an overview of the design and construction process to be followed at Gran Paradiso. Other architectural requirements and restrictions on the use of your Lot are contained in the Declaration of Covenants, Conditions and Restrictions for Gran Paradiso, recorded in the public records of Sarasota .