KASAYSAYAN LIPUNAN AT SIKOLOHIYANG PILIPINO

2y ago
243 Views
2 Downloads
643.65 KB
20 Pages
Last View : 1m ago
Last Download : 2m ago
Upload by : Maleah Dent
Transcription

Tomo 1, Bilang 1, Nobyembre 2013Pambungad ng mga PatnugotKASAYSAYAN, LIPUNAN, AT SIKOLOHIYANG PILIPINOAtoy M. NavarroFaculty of Allied Health SciencesThammasat University (TU), Rangsit, ThailandJayson D. PetrasDepartamento ng Filipino at Panitikan ng PilipinasUniversity of the Philippines (UP), Diliman, Quezon CityMaria Theresa Ujano-Batangan, Ph.D.Department of PsychologyUniversity of the Philippines (UP), Diliman, Quezon CityMahigit 40 taon matapos nang unang lumabas ang Diwa bilang “dyornal sa sikolohiya, agham,kultura, at lipunang Pilipino,” muling binubuhay ito bilang DIWA E-Journal, ang opisyal narefereed e-journal ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP). Unang lumabas angDiwa noong 1972 na may temang “Katipunan ng mga Lathalaing Pansikolohiya” sa pamamatnugotnina Virgilio Enriquez, Ama ng Sikolohiyang Pilipino at Lilia Antonio. Simula 1972 hanggang sapagkakatatag ng PSSP noong 1975, naging patnugot ng serye si Enriquez. Kasunod ni Enriquez,naging patnugot din ng serye at patnugot ng mga isyu sina Antonio at Rogelia Pe-Pua. Samu’t sariang pinaksa ng Diwa na kadalasang tematiko bawat isyu. May pumaksa sa iba’t ibang usapingsikolohikal (Enriquez at Antonio 1972; Enriquez at Alfonso 1973), malayang paggunita (Alfonso1974), sikolinggwistikang Pilipino (Enriquez 1974), lipunan at panitikan (Antonio 1975), sosyosikolohikal na pagsusuri sa pagkakaingin (Velasco 1976), lihis na pagkilos (David 1976), pagbabagoat pag-unlad ng mga Agta (Bennagen 1977), pandarayuhan (Enriquez-Alejo 1980), panitikangpopular (Samson 1981), karanasan ng mga anak ng bilanggong pulitikal (Protacio-Marcelino 1985),at iba pa. Hindi ganap na nailimbag ang lahat ng mga isyu ng Diwa at nanatiling salansanang maykaunting kopya lamang ang ilan sa mga ito. Pinamatnugutan ni Grace Aguiling-Dalisay (1993) angpinakahuling nalathalang isyu ng Diwa na may temang “Sekswalidad at Lipunang Pilipino.” Sapagpanaw ni Enriquez noong 1994, nahinto na ang paglalathala ng Diwa bilang seryal ng PSSP. Sahalip, inilathala ng PSSP ang Binhi bilang serye ng monograp (Pe-Pua at Protacio-Marcelino 2002;Pe-Pua 2005; Javier 2005; Ong 2007) at Isip bilang serye ng pinamatnugutang libro (Cantiller atYacat 2011) (tingnan ang Larawan 1 at 2).Patnugutan Kasaysayan, Lipunan, at Sikolohiyang Pilipino1

Tomo 1, Bilang 1, Nobyembre 2013Larawan 1Mga Pabalat ng mga Nalathalang Isyu ng Diwa noong 1977 at 1980Larawan 2Mga Pabalat ng mga Nalathalang Isyu ng Binhi noong 2002/2007 at Isip nitong 2011Ngunit ngayong 2013, kasabay ng patuloy na paglalathala ng Binhi at Isip, muling binubuhay angnaunang journal ng PSSP bilang DIWA E-Journal sa layuning maglathala ng mga makabuluhan at2Patnugutan Kasaysayan, Lipunan, at Sikolohiyang Pilipino

Tomo 1, Bilang 1, Nobyembre 2013makatuturang pag-aaral sa Sikolohiyang Pilipino (SP) na nagsusuri at umuunawa sa diwa atpagkataong Pilipino mula sa oryentasyon at perspektibong Pilipino tungo sa pagpapalawak ngpambansang kamalayan at kamulatan ng sambayanang Pilipino. Bilang opisyal na refereed ejournal ng PSSP, magtatampok ang DIWA E-Journal ng mga pinakabagong pag-aaral sa SP.Nagsisilbing tagagabay ng patnugutan ng refereed e-journal na ito ang pamunuan ng PSSP atlupong tagapayo ng DIWA E-Journal na kinabibilangan din ng mga dating patnugot na sina Antonio,Pe-Pua, at Aguiling-Dalisay. Mula sa kasapian ng PSSP ang bubuo sa patnugutan ng DIWA E-Journalna manunungkulan sa loob ng isang taon. Magmumula sa kasapian ng PSSP at kapanalig sa SP angmga referee ng DIWA E-Journal na magtatasa sa mga pananaliksik ayon sa mga sumusunod napamantayan: (a) kahalagahan ng pag-aaral; (b) kaparaanan sa pananaliksik; (c) kalidad okahusayan ng pagkakasulat; at (d) kontribusyon sa SP.Sa inawgural na isyung ito ng DIWA E-Journal, matutunghayan ang iba’t ibang artikulo at rebyu nanagtatampok sa kasaysayan, lipunan, at SP. Hinahati sa dalawang tema ang nilalamang walongartikulo ng isyung ito: (a) loob at kapwa sa kasaysayan at SP at (b) wika, pananampalataya,pamumuno, at SP. Samantala, may nilalaman ding limang natatanging rebyu ang isyung ito.LOOB AT KAPWA SA KASAYSAYAN AT SPAng loob at kapwa ang dalawa sa pinakamahahalagang katutubong konseptong dinalumat,dinadalumat, at patuloy na dinadalumat hindi lamang sa SP kundi sa iba pang agham panlipunangPilipino (APP) na kinabibilangan ng bagong kasaysayan (BAKAS), pilosopiyang Pilipino (PP),teolohiyang Pilipino (TP), at Pilipinolohiya.Malalim ang pagkakaugat ng loob at kapwa sa kalinangan at kasaysayang Pilipino na pinatutunayanng pagkakatala at pagkakatukoy sa mga ito sa mga sinaunang bokabularyo, diksyunaryo’t tesauro.Sa mga bokabularyong Ilokano-Español ni Andres Carro (1849, 1888), pinakahulugan niya angkasingkahulugan ng loob na “naquem” o nakem bilang huwisyo, katatagan ng pag-unawa, paggamitng pangangatwiran, at pagboboluntaryo o pagkukusa (juicio, cordura, entereza de entendimento,uso de razon, y voluntad). Samantala, pinakahulugan naman ang katumbas ng loob na “boot” o“buot” o buut bilang may kahusayan o karunungan sa isang bagay, pagboboluntaryo o pagkukusa,pagkagusto, at paghusga (ser alguno ducho diestro esperimentado en alguna cosa, voluntad,desear, querer, ser de gusto, juzgar) sa mga diksyonaryong Bisaya-Español nina Juan Felix de laEncarnacion (1851) at Antonio Sanchez de la Rosa (1895). Sa bokabularyong Tagalog-Españolnaman nina Juan de Noceda at Pedro de Sanlucar (1860), pinakahulugan ang “capoua” bilangpagtukoy sa parehong dalawa (ambos á dos igualmente) at “loob” bilang pagpasok, pagkagusto, atpagboboluntaryo o pagkukusa (adentro, entrar aposento, querer, voluntad, hacer algovoluntariamento). Patuloy na itinala’t tinukoy ang buot, buut o kabubut-on; loob; nakem opakinakem; at kapowa, kapuwa, kapwa o pakikipagkapuwa-tao sa mga sumunod pangbokabularyo, diksyunaryo’t tesaurong Tagalog, Pilipino, at Filipino nina Pedro Serrano Laktaw(1914), Jose Villa Panganiban (1966, 1972), Leo James English (1977), Vito Santos (1978), at ngPatnugutan Kasaysayan, Lipunan, at Sikolohiyang Pilipino3

Tomo 1, Bilang 1, Nobyembre 2013Linangan ng mga Wika ng Pilipinas (LWP) (1989), Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) (1996), atUniversity of the Philippines (UP) Sentro ng Wikang Filipino (SWF) (Almario 2001, 2010).Pinalawak at pinalalim ang mga pagpapakahulugan sa mga katutubong konseptong ito sa mgakonseptwal at teoretikal na talastasan sa SP, BAKAS, PP, TP, at Pilipinolohiya. Sa kanyanghermeneutikal na pagsusuri sa buut-loob-nakem na nagpatampok sa iba’t ibang tema (intelektwal,bolisyunal, emosyunal, etikal, at samu’t sari) batay sa gamit ng mga katagang ito at mga kaugnayna salita, itinuring ni Leonardo Mercado (1972, 1974) ang mga katutubong konseptong ito bilangholistiko at interyor na sarili na kaugnay ng pagkataong Pilipino. Sa kaso naman ni Enriquez(1977), kinilala niyang mayamang larangang teoretikal ang loob na makikita sa implikasyongpanlipunan ng mga konseptong sikolohikal na gaya ng kusang loob, lakas ng loob, sama ng loob, atutang na loob. Ngunit bukod sa pagdadalumat sa loob, higit na nakilala si Enriquez (1978) sapagtatampok niya sa kapwa bilang “batayang konsepto sa ugnayang panlipunan” na nakasalalay sapagpapakahulugan dito bilang pagkakaisa ng “sarili” at “iba.” Karaniwang ginagamit ang“sarili/self” bilang kasalungat ng “iba/others,” ngunit sa kapwa, may iisa o magkatulad napagkakakilanlan ang “sarili” at “iba.” Sa kanyang pagbabalangkas ng pagpapahalagang Pilipino,tinukoy ni Enriquez (1987, 1992) ang hiya, utang na loob, at pakikisama bilang paayongpaimbabaw na pagpapahalaga; biro, lambing, at tampo bilang mga kaugnay na kilos; at bahala na,lakas/sama ng loob, at pakikibaka bilang palabang paimbabaw na pagpapahalaga. Binigyangempasis niya sa pagbabalangkas na ito ang kapwa bilang “buod na pagpapahalaga” na kaugnay ngpakiramdam bilang pagpapahalagang tulay ng sarili at iba at kagandahang-loob bilangpagpapahalagang tulay ng sarili at lipunan. Iniugnay sa mga nabanggit ang mga pagpapahalagangpanlipunan tulad ng karangalan, katarungan, at kalayaan. Bukod pa rito, tiningnan ni Enriquez(1977, 1978, 1987, 1992) na may dalawang kategorya ang kapwa na salalayan ng pakikipagkapwa:hindi ibang tao (kabilang sa atin o tagaloob) at ibang tao (tagalabas) na tungtungan din sapagtutunguhan sa makapilipinong pananaliksik. Samantala, sa sikolinggwistikal na pagsusuri niZeus Salazar (1977) sa pagkakaugnay ng kaluluwa at ginhawa na sinasabing bumubuo sa kaloobanng tao at naglalarawan sa pagkatao mula sa loob, malawakang ipinakita ang tambalan ng loob atlabas. Sinasabing tinataguriang “mahina” o “malakas,” “malambot o matigas” ang loob bilang“damdamin” batay sa kinalabasang “gawa” o “kilos.” Mas pinagyaman pa ni Salazar (1981) angpag-aaral sa tambalan ng loob at labas sa kanyang sikolinggwistikal na pagsusuri sa hiya at mgapanlaping maaaring ikabit dito. Sa kanyang pagsisiyasat, napansin niyang may isang pangkat ngmga katagang kinabibilangan ng “hiyain,” “ikahiya,” at “mapahiya” na kaugnay ng “gawa” o“kilos,” ibig sabihin, labas, at may isang pangkat naman ng mga salitang kinabibilangan ng“kahihiyan” at “mahiyain” na pumapatungkol sa “damdamin,” samakatwid, loob. May pagtukoyrin sa loob sina Roque Ferriols (1979) at Jose De Mesa (1987) sa kanilang pag-aaral sa PP at TP ukolsa pagkatao at kulturang Pilipino. Mahusay namang nilagom, pinalawak, at pinalalim nina DionisioMiranda (1989) at Albert Alejo (1990) ang talastasan ukol sa loob lalo na sa konteksto ng kultura atpananampalatayang Pilipino.Sa pagsisiyasat ni Serafin Talisayon (1990), lumitaw namahahalagang sabklaster ng pagpapahalagang Pilipino yaong mga umiikot sa loob atpakikipagkapwa-tao na kaugnay ng iba’t ibang makroklaster na may kinalaman sa papaloob napagtingin, pagiging optimistiko, pagkakaroon ng kaugnayan o relasyon, at panlipunang pagtingin.4Patnugutan Kasaysayan, Lipunan, at Sikolohiyang Pilipino

Tomo 1, Bilang 1, Nobyembre 2013Sa pag-aaral sa pamantayang Pilipino, itinuring ni F. Landa Jocano (1997) na pamantayang pangugnayan ang kapwa at pakikipagkapwa-tao na kaugnay ng mga buod na elementong halaga at asalsamantalang kinalalagyan at luklukan naman ng buod na elementong diwa ang loob. SaPilipinolohiya, ipinaloob naman ni Prospero Covar (1991, 1993, 2004) ang loob-labas atpakikipagkapwa sa isang pagbabalangkas ng pambansang kaisipan, kultura, at lipunang Pilipino nanagsasaalang-alang sa pagkataong Pilipino at istrukturang panlipunan na kinabibilangan ng kamaganakan/angkan/sambahayan, samahan/kapisanan/simulain, pamayanan, at sambayanan. At sapagsisiyasat naman ni Clemen Aquino (1999, 2013), pinag-ugnay-ugnay ang mga katutubongkonsepto ng kapwa sa SP sa pangunguna ni Enriquez, kapatiran sa Pilipinolohiya sa pangunguna niCovar, at bayan sa BAKAS sa pangunguna ni Salazar. Pinaksa ni Aquino (1999, 2013) ang kapwabilang panlipunang pagpapakahulugan at ipinaloob ito sa panlipunang pagbabanghay na isangmabisang paraan sa pag-unawa sa sariling lipunan.Sumasayapak sa mga pagpupunyaging ito, tampok sa e-journal na ito ang limang artikulongnaglalapat ng mga pagpapakahulugan sa loob at kapwa sa pag-aaral ng kasaysayan nanagpapayaman sa historikal at empirikal na talastasan sa SP, BAKAS, PP, TP, at Pilipinolohiya.Inayos sa kronolohikal na paraan, pinatutunayan ng mga sanaysay na magagamit ang mgakatutubong konsepto sa pag-aaral, pagsusuri, at pag-unawa sa iba’t ibang yugto ng atingkasaysayan. Inuumpisahan ang unang bahagi ng e-journal na ito sa artikulo nina Ignatius Vinzonsat Mary Dorothy Jose na pumapaksa sa pagtatalaban ng kagandahang panloob (pagmamalasakit,pakikipagkapwa, at kalinisan ng loob) at kagandahang panlabas (pagiging maputi, makinis,maganda, at mahinhin) sa paglalarawan ng kababaihan sa piling epikong Pilipino na itinuturing nasinaunang anyo ng kasaysayan (Gallardo at Ramos 1986; Veneracion 1990; Navarro 2000). Tatlongepiko ang pinili (Hudhud hi Aliguyon mula sa Luzon; Epiko ni Labaw Donggon mula sa Visayas; atAng Paghahanap ni Matabagka sa Diyos ng Hangin mula sa Mindanao) at sinuri na nagpalitaw nabagama’t masasabing sa pangkalahatan mas mataas ang katayuan ng kababaihan sa sinaunangkabihasnan kumpara sa panahong kolonyal, masasabing may seksistang pagtingin pa rin laban sakababaihan kahit na sa sinaunang lipunan pa lamang na ipinahiwatig ng mas maigting napaglalarawan sa kagandahang panlabas na may pagturing sa kababaihan bilang obheto nakailangang maging kaaya-aya sa paningin lalo na ng kalalakihan. Hindi niroromantisa angsinaunang kabihasnang Pilipino, ipinakita sa sanaysay na may diskriminasyon at opresyon na rinlaban sa kababaihan sa sinaunang lipunan.Sa sanaysay naman ni Amelia Ferrer tungkol sa sanduguan nina Katunao at Miguel Lopez deLegazpi, na nagsilbing pangunahing hudyat sa higit na masalimuot na ugnayan ng mga Pilipino samga Español, isinakonteksto ang naturang sanduguan sa uri ng pamumuhay ng mga Bol-anon noongdantaon 16 na hindi kadalasang binibigyang-diin sa mga pinakahuling malawakang pagtalakay sapaksa (Abrera 1994, 1995; Almario 2003; Aguilar 2010). Sa sinaunang panahong ito, umusbongbilang sentro ng kalakalan ang maraming komunidad baybayin at kailugan sa kapuluan na gaya ngBohol na naging bahagi ng masalimuot na ugnayang pangkalinangan, pangkabuhayan, atpangkapangyarihan ng mga pamayanan sa Timog Silangang Asya. Mula sa ganitong kontekstotiningnan ang sandugo bilang anyo ng makig-ingon-ingon o pakikipagkapwa na maiiugnay rin saPatnugutan Kasaysayan, Lipunan, at Sikolohiyang Pilipino5

Tomo 1, Bilang 1, Nobyembre 2013katutubong konseptong buut ng mga Bisaya. Sa harap ng paglawak ng interes ng mga Europeotulad ng mga Español sa Timog Silangang Asya, nalansag ang balanse ng kapangyarihangnamamayani noon sa maraming pamayanan sa rehiyon. Kaugnay nito, binago ng mga Bol-anon angkahulugan at gamit ng sandugo bilang pakikipagkapwa sa kanilang pagtatangkang pag-ibayuhin angposisyon sa harap ng nagbabagong reyalidad na dala ng mga Español.Pag-uugnay-ugnay naman ng iba’t ibang katutubong konseptong Bisaya’t Pilipino tungo sa pagunawa sa katatagan ng buut ng mga bayani ng himagsikang Pilipino sa Panay noong 1896-1898 angpinagtuunan ng pansin sa artikulo ni Vicente Villan. Pagpapatuloy ito ng naunang pag-aaral niVillan (2013) ukol sa bisa ng kinagisnang sikolohiya sa pagsisiyasat hinggil sa kasaysayan athimagsikang Pilipino. Sa kasalukuyang sanaysay, tinukoy ni Villan ang ilub (pagpapakumbaba atpagpaparaya sa lahat ng uri ng dalamhating sosyolohikal), unong (pagiging maaasahan at matapatsa sinumang itinatanging nilalang), at amok (pagiging makatarungan at makatwirang pagpapahayagng niloloob para sa inaasam na ginhawang pangkatawan, pangkaisipan, at pangkalooban) bilangmabibisang daan sa pag-unawa sa katatagan ng buut ng mga bayani. Pinatunayan niya ito sapamamagitan ng pag-uugat sa pagpapakahulugan sa kabuuan ng tao na binubuo ng lawas(katawan), huna-huna (kaisipan), at batyag (pakiramdam). Sinundan ito ng pagtalakay sapagkakaugnay ng buut sa pakig-abian (pakikipagkaibigan) at pakig-anghod (sanduguan) lalo na saharap ng kolonyalismo. Inuugnay rin niya ang kabuhi (buhay), kinaayo (ginhawa/pag-uswag), atdungog (dangal) sa pagsasalaysay sa mga isinagawang paghihimagsik na tinitingnangpagsasakabuluhan ng paglilingkod-bayan tungo sa inaadhikang pagbabagong panlipunan noonghimagsikang Pilipino. Sa kabuuan, daluyan, luklukan, at tagapaglikha ng panlipunang halagahinang ilub, unong, at amok na mga panlipunang kasangkapan sa pagpapahayag ng katatagan ngkalooban ng mga bayani ng bayan.Kung sa kanyang naunang pag-aaral tiningnan ni Ayshia Kunting (2012) ang pagkakaugat ngdalumat at praktis ng sabil (tagapagtanggol ng bayan sa ngalan ni Allah) sa konsepto ng jihad(pakikibaka para kay Allah) at pananampalatayang Islamiko na naggiit na hindi juramentado kundimujahid (nagsasagawa ng Islamikong jihad) ang mga mandirigmang Moro, sa kasalukuyangpagsisiyasat, iniugay naman niya ang praktis ng sabil sa katutubong konsepto ng loob(pangatayan). Tungtungan ang mahabang kasaysayan ng pakikibakang Moro, ipakita ni Kunting sakanyang artikulo na mali ang persepsyong isang walang kaisipang pakikibaka ang juramentadokundi nakaugat ito sa sabil. Nilinaw niya ang mga pananaw ng mga Moro sa Sulu ukol sa loob atang kaugnayan nito sa pakikibakang Moro noong panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano.Iniugnay rin niya ang sabil sa pangkalahatang konsepto ng loob ng mga Pilipino at ipinakita angmga manipestasyon ng kalinisan ng loob (kalissinan sin pangatayan), lakas o tapang ng loob (isugsin pangatayan), at tibay ng loob (hughut sin pangatayan) sa praktis ng sabil sa Sulu noongdigmaang Pilipino-Amerikano. Matapos ito, sinasabing nagpatuloy pa rin ang sabil bilang paglabanpara sa pagbabagong panlipunan at tunay na kalayaan ng bayan.Bagama’t maihahanay ang pag-aaral ni Jalton Taguibao sa mga nauna nang pagsisiyasat sa kulturaat pulitika ng retorika ng pamumuno sa kasaysayan at lipunang Pilipino (Ileto 1984; Javier 2012),6Patnugutan Kasaysayan, Lipunan, at Sikolohiyang Pilipino

Tomo 1, Bilang 1, Nobyembre 2013naiiba pa rin ang kanyang pag-aaral sa tuwirang pagtukoy nito sa mga katutubong konsepto ngkapwa at loob sa konteksto ng ugnayang pulitikal sa pagitan ng pangulo at mamamayan. Sakanyang sanaysay, sinuri niya ang mga representasyon ng kapwa at loob sa mga talumpati atpagtatalumpati ng pangulo ng Pilipinas mula 1986 hanggang 2013. Naging tungtungang teoretikalni Taguibao ang malawakan at malalimang talastasan sa kapwa at loob na iniugnay niya sa mgapagdadalumat sa ugnayang pulitikal sa Pilipinas. Mula sa talastasang ito, iniharap niya ang mgatalumpati at pagtatalumpati ng pangulo sa pamamagitan ng paglalarawan, paghahambing, at paguugnay sa mga ito. Sa kanyang pangkalahatang pagtalakay sa representasyon ng kapwa at loob samga talumpati at pagtatalumpati, sinabi niyang iba’t iba ang antas at uri ng pakikitungo ngpangulo sa okasyon ng kanyang pagtatalumpati.Sinasabing maaaring magkaroon angpakikipagtunguan sa ugnayang pulitikal na ito ng iba’t ibang katangian tulad ng a sa pagtatalumpati ng pangulo kasabay ng mga hayag at matatag natendensya sa kanyang pakikipag-usap sa mamamayan, mahirap namang makita kung tunay ngabang sinasalamin ng kapwa/pakikipagkapwa ng pangulo ang kanyang loob/kalooban. Nagtataposang artikulo sa paanyayang pagyamanin ang mga pilosopikal, metodolohikal, at praktikal na usapinsa pananaliksik ukol sa retorika ng pamumuno sa kasaysayan at lipunang Pilipino.Mula sa pagsasakasaysayan sa sinaunang kabihasnan hanggang sa kontemporaryong panahon, sabisa ng interdisiplinaryo at multidisiplinaryong ugnayan ng mga APP, ipinakita ng limang artikulo saunang bahagi ng e-journal na ito na makabuluhan at makatuturan ang paglalapat ng mgakatutubong konsepto ng loob at kapwa sa pag-aaral, pagsusuri, at pag-unawa sa ating kasaysayan.WIKA, PANANAMPALATAYA, PAMUMUNO, AT SPKabilang sa mga larangang nilinang ng SP ang pag-aaral ng wika (Enriquez 1974; Cipres-Ortega1981; Enriquez at Protacio-Marcelino 1983; Javier 2000; Antonio at Tiamson-Rubin 2003; Antonioet al. 2011), pananampalataya (Mercado 1977), at pamumuno (Lupdag 1984; Dela Torre 1997).Tampok sa e-journal na ito ang tatlong artikulong nagpapayabong pa sa pagsisiyasat sa mgalarangang ito.Matingkad ang pagkiling ng SP sa paglalahad ng mga pag-aaral at kaalaman sa mga lokal na wikangsiyang sumasalamin, nagbubuod, at nagbabansag ng mga karanasan ng mga Pilipino. Nauugat angpananaw na ito sa paniniwalang ang wikang ginagamit ay nakakaimpluwensya sa paraan ng pagiisip at saloobin ng mga tao. Sa kasalukuyang kalakaran ng paggamit ng wikang Filipino at wikangIngles ng kabataang Pilipino, mahalagang tingnan ang mga saloobin at pananaw tungo sa paggamitng mga nasabing wika. Ito ang pinagtuunan ng pansin sa pag-aaral ni Krupskaya Añonuevo.Sinimulan ng may-akda ang kanyang artikulo sa pamamagitan ng paglalahad sa pinag-ugatan ngpaggamit ng wikang Filipino at wikang Ingles, gayundin ang usapin ng bilinggwali

Sa pag-aaral sa pamantayang Pilipino, itinuring ni F. Landa Jocano (1997) na pamantayang pang-ugnayan ang kapwa at pakikipagkapwa-tao na kaugnay ng mga buod na elementong halaga at asal samantalang kinalalagyan at luklukan naman ng buod na elementong diwa ang loob. Sa

Related Documents:

Sikolohiyang Pilipino, or efforts of Filipino psychologists and social scientists to indigenize Psychology in the Philippines started in the 1960s, further crystallized into a distinct movement from the mid-1970s and continued to flourish in the 21st century. Using the broad outlines of cri

Ang Araling Panlipunan ay pag-aaral ng mga tao at grupo, komunidad at lipunan, kung paano sila namuhay at namumuhay, ang kanilang ugnayan at interaksyon sa kapaligiran at sa isa’t isa, ang kanilang mga paniniwala at kultura, upang makabuo ng pagkakakilanlan bilang Pilipino, tao at miyembro ng lipunan at mundo at maunawaan ang sariling lipunan at ang daigidig, gamit ang mga kasanayan sa .

May tatlong araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito: Aralin 1: Mga Kwentong May Saysay Aralin 2: Kaugnayan ng mga Disiplinang Agham Panlipunan sa Kasaysayan Aralin 3: Kaugnayan ng Kasaysayan sa Lipunan Pa

Batay sa Kasaysayan, nauunawaan natin ang pagkakaugnay ng bawat panahon: ang nakaraan, kasalukuyan at hinaharap. Ang Kasaysayan ay sumasalamin din sa mga pagbabago ng mga tao, bayan at pangyayari. Subalit dapat mong tandaan na hindi lahat ay naitatala sa aklat ng kasaysayan. Tanging ang may saysay o halaga lamang ang naisusulat.

ARALING PANLIPUNAN I (Effective and Alternative Secondary Education) MODYUL 8 PAGSIBOL NG KAMALAYANG PILIPINO BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City . 1 MODYUL 8 PAGSIBOL NG KAMALAYANG PILIPINO Ang Pilipino ay likas na mapagtiis at mapagbigay kung kaya’t ang mga pagmamalabis at pang-aabuso ng mga Espanyol sa kanilang karapatan ay tiniis .

Natutuhan mo na mahalaga ang pagsisikap ng bawat tao sa pagkamit at pagpapanatili ng kabutihang panlahat sa lipunan. Isa sa mga nararapat pagsikapan upang makamit ito ay ang pagsasabuhay ng mga moral na pagpapahalaga na magpapatatag sa lipunan.

Ang araw-araw na paghambalos ng krisis sa ekonomya, pulitika, kultura at lipunan ang nagmumulat sa mga kabataan sa pangangailangang lumaban para matamasa ang kanilang mga karapatan. Ito ang nagtuturo sa kanila na hanapin at hawanin ang landas ng rebolusyon para mapalitan ang luma’t nabubulok na sistema ng isang bago’t makatarungang lipunan.

Silabus sa Araling Panlipunan Grade 7 Ikatlong Markahan Pamantayan para sa ika-7 Antas Naipapamalas ang malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa kamalayan sa heograpiya, kasaysayan, kultura, lipunan, pamahalaan, at ekonomiya ng Asya tungo sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano at mag

Ang araling ito ay makatutulong sa iyo upang pagbalik-aralan ang kasaysayan ng Pilipinas noong panahon ng kolonisasyon. Kasabay nito ay ang paghubog ng iyong kakayahan upang mapili ang mga salita sa pangungusap, hango sa mga akdang may kaugnayan sa kasaysayan, na nagbi

ang bayan. Ito rin ang dahilan at kabuluhan ng pahayag sa mga sermon ng fraile na manahan at magsi-uwi sa bayan upang doon ay “aralan at alagaan.” 9. Ang konseptong ito ng pag-uwi ang mag-uugnay sa tatlong pangkat na nabuo bunga ng pananakop. Katulad sa nakararaming Pilipino, naging pag-uwi at paglikha ng

Sa Unang Yunit ng aklat ay matatanto ang kahalagahan ng populasyon, kalusugan, at edukasyon, ang pagkilala sa tao bilang pinakamahalagang yaman ng bansa, at masusuri ang mga bumubuo sa sambayanang Pilipino. Matatalakay rin ang tungkol sa mga pagpapahalaga at paniniwala ng mga Pilipino. Mapag-aalaman sa Ikalawang Yunit ang heograpiya ng .

5. Digmaang Pilipino-Amerikano PS #6 Historical markers ng Unang Putok ng Digmaang Pilipino-Amerikano 8.Nauugnay ang impormasyon sa timeline sa konteksto ng mga primaryang sanggunian 9.Naipaliliwanag kung paano naapektuhan ng kontekstong historical ang nilalaman, perspektiba at kahala

Nang sumiklab ang Rebolusyong Pilipino ng 1896, kaagad na inaresto ng mga kolonyal na awtoridad na Espanyol ang aking lolo-sa-tuhod at ang mga anak niyang lalaki. Ininteroga at pinahirapan sila ng mga opisyal na militar a

_5. Si Jose Rizal ay ang pambansang bayani ng mga Pilipino. _ ay matapang sa pagpapahayag ng mga maling gawain sa kapwa niyang Pilipino. a. Siya c.dito b.kami d. ito II. Panuto: Suriin kung anong uri ng pahayag ang bawat pangungusap na may nakasalungguhit na pananda kung

Jose Rizal Ang Katamaran ng mga Pilipino . Isang araw ay nagtungo si Kunto sa gubat upang mangaso. Hindi pa siya lubhang nakalalayo nang nakakita siya ng isang uwak. Nakatayo ito sa isang landas na kaniyang tinutunton. Karaniwang ang mga ibon sa gubat ay maiilap . galit, kung

kolonyalismong US, binuo at inar-masan na ng militar nito ang mga mersenaryong Pilipino para supilin ang kanilang kapwa Pilipino. Ang dating mga tauhan ng kolonyalismong Espanyol mula sa Macabebe, Pampanga ay muling inorganisa ng US noong 1899 at isi-nanib sa binuong Philippine Scouts na is

ng kombinasyon sa kasuotan. Marami pang pamamaraan ang maaaring gawin upang gumawa ng mga kasuotang Pilipino. Ang pagiging malikhain, praktikal, at espirituwal ng mga Pilipino sa kanyang kasuotan ay isang pamana sa atin. Ito ay dapat nating pag-ingatan at patuloy na isulong upang mamulat ang mga P

Bawat pangkat ng tao ay may mga pagpapahalaga. Isa ito sa mga bagay na nagbubuklod sa isang pangkat. Ang mga Pilipino ay may mga magkakatulad na pagpapahalaga. “Huwarang Pamilya ng Taon” ang mag-asawang Pedro at Nelia Cruz. Natanggap nila ang karangalang ito dahil sa magandan

ARALING PANLIPUNAN MODYUL 5 POLITIKAL NA PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG PILIPINO. LAYUNIN: Nasusuri ang sistema ng pamamahala ng sinaunang Pilipino 1.1 Nailalarawan ang pamahalaang barangay 1.2 Nailalarawan ang pamahalaang sultanato 1.3 Naihaha

Level 2B Korean is a further study of the Korean language and some aspects of Korean culture and daily life as the fourth phase of an elementary Korean language course. Through synchronous online sessions, the integrated development of language skills (listening, speaking, reading, and writing) will be promoted. To further develop basic communicative competence, .