Pilipinas TunGGALIAn, PRosesonG PAnGkAPAyAPAAn AT .

3y ago
67 Views
2 Downloads
2.57 MB
24 Pages
Last View : 1m ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Hayden Brunner
Transcription

PilipinasTunggalian, ProsesongPangkapayapaan atTransitional JusticeAsia Justice and Rights and Alternative Law Groups, Inc.

Ringkasan EksekutifPilipinas: Salungatan, Prosesong Pangkapayapaan at Transitional JusticeAsia Justice and Rights and Alternative Law Groups, Inc.EditionUnang Edisyon, Disyembre 2017DesignSatoejariTungkol sa Asia Justice and RightsAng Asia Justice and Rights (AJAR) ay isang non-profit organisation na naka-base sa Jakarta, Indonesia, at nagtatrabahoupang palakasin ang pananagutan at paggalang sa mga karapatang pantao sa rehiyon ng Asya-Pacifico. Nakatuon angpokus ng AJAR sa mga bansa na nagtatangkang bumuo ng isang matatag na baseng demokratiko kasunod ng matagalna pag-aaway, diktadurya at mga awtoritaryang rehimen. Naniniwala ang AJAR na ang kapayapaan at demokrasya aymaaari lamang mapangalagaan kapag ang impunity, katiwalian at paglabag sa karapatang pantao ay tinutugunan.Hinahangad ng AJAR na mabigyang kapangyarihan ang mga nagtatrabaho upang wakasan ang mga paglabag sakarapatang pantao at impunity sa pamamagitan ng pagdagdag ng kanilang kasanayan, kaalaman at mga mapagkukunanna kailangan nila upang maging matagumpay. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang http://asia-ajar.org/.Tungkol sa Alternative Law Groups, Inc.Ang Alternative Law Groups, Inc. (ALG) ay isang koalisyon ng 23 na NGOs na may legal na programa at sumusunod samga prinsipyo at halaga ng alternative o developmental law sa Pilipinas. Ang mga organisasyong ito ay may mgaprograma para sa pag-unlad ng tulong-legal na pangunahing nakatutok sa pagtugis ng pampublikong interes, paggalangsa mga karapatang pantao, at pagsulong ng katarungang panlipunan. Sa gitna ng developmental law ay angmagkakambal na trabaho na pagbibigay-kapangyarihan sa mahihirap at marginalized, at nagpapatupad ng mga repormasa sistema ng hustisya. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang http://www.alternativelawgroups.ph/.Tungkol sa Transitional Justice Asia Network (TJAN)Ang Transitional Justice Asia Network (TJAN) ay nagbibigay ng pag-aaral at pagbubuo ng kaalaman patungkol saTransitional Justice at pananagutan sa buong rehiyon.Mga Litrato sa CoverPangharap na cover (mula kaliwa papunang kanan)1. Si Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. (sa kaliwa), ang chair ng Senate Committee on LocalGovernment, habang kinakausap ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP)Secretary Teresita Quintos-Deles (sa kanan) at ang Bangsamoro chairman Mohagher Iqbal (sa gitna)bago ang simula ng briefing session sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) noong Setyembre 23,2014 (Photo credit: Albert Calvelo/Senate of the Philippines’ Public Relation and Information Bureau).2. Daan-daang mga Lumad, isang grupo ng mga katutubo sa katimugang Pilipinas, ay nag-rally sa CampAguinaldo at Camp Crame noong Nobyembre, 2015 para iprotesta ang pagpatay sa mga Lumads at ngmilitarisasyon ng Mindanao. (Photo credit: Joel Liporada/Rappler).3. Mga kababaihan na kasama sa Training on Women’s Leadership and Political Participation in theBangsamoro, bilang bahagi ng proyekto na suportahan ang prosesong pangkapayapaan sa Mindanao(Photo credit: WeACT 1325).Panglikod na coverAng ALG, sa pakikipagtulungan sa Transitional Justice Asia Network, ay inilunsad ang “Orientation Workshop onTransitional Justice” noong ika-25 hanggang 26 ng Hulyo, 2017 sa Brentwood Suites sa Quezon City (Photo credit: ALG).

Ang armadong pakikibaka sa bansa labansa Kilusang Komunista at ng Bangsamoroay nakaugat sa madilim na panahon ngdiktaduryang Marcos at panahon ngMartial Law. Sa mga panahong itonaitanim ang malawakang katiwalian atnaging sistematiko ang mga malingpagpapatakbo sa mga institusyon, at yunpa rin ang naging pamamalakadhanggang sa ngayon. Ang kilusang PeoplePower, na siyang nagpatalsik sadiktaduryang Marcos, ay nagpalagpas ngisang oportunidad upang malawakangrepormahin ang mga institusyon at mgabatas dahil na rin sa labis na oposisyonmula sa mga lokal na pamilyang “elite.”Bilang resulta ng Martial Law, nagkaroontayo ng iba’t-ibang mga inisyatiba sapagkamit ng mga adhikain ng transitionaljustice, bagaman magkahalong mgaresulta ang kanilang naidulot. Kasama nadito ang reporma sa panghukuman,pagtatatayo ng mga truth commission,pagbayad ng kompensasyon sa mgabiktima ng pang-aabuso sa karapatangpantao, pagpapatupad ng repormangagraryo, atbp. Ang prosesongpangkapayapaan ang nasa puso ng mgainisyatiba sa transitional justice,partikular na diyan ang usapangpangkapayapaan sa mga grupongKomunista at Bangsamoro.Mga Inisyatiba sa Transitional JusticePagkatapos mapatalsik ang diktadorna si Ferdinand Marcos sapamamagitan ng “People Power”noong Pebero 1986, nagkaroon ng ilangmga inisyatiba upang pagtuunan ngpansin ang mga karahasan at kawalangkatarungan ng administrasyong Marcos(lalo na sa panahon ng Martial Law).Ngunit sa kabila ng popular na suporta ngmga taumbayan, nabigong lutasin ng mgainisyatibang transitional justice ang mgapangunahing institusyunal na balakid sahustisya. Makalipas ang tatlong dekada,karamihan sa mga biktima ng Martial Laway naghihintay pa rin ng hustisya, angmayoriya ng populasyon ay nahaharappa rin sa mga matatagal nang mga pangekonomiya at panglipunang problema, atang malaking bahagi ng bansa (lalo na saMindanao) ay nananatiling mga conflictareas o mga lugar ng kaguluhan.Mga Inisyatiba saTransitional JusticeNakagawa si Pangulong Corazon Aquinong mga mahahalagang hakbang sapagpapanumbalik ng kumpiyansa attiwala ng mga mamamayan sa gobyernosa pamamagitan ng pangunguna sa pagratipika ng 1987 na Saligang-Batas(Constitution) na siyang nagtakda, bukodsa maraming ibat-ibang mga bagay, ngpagbabawal sa paggamit ng tortyur atmga sekretong kulungan, at siya ringnagtatag ng Commission on HumanRights. Alinsunod sa utos ng SaligangBatas para sa katarungang panlipunan,ipinatupad ng Kongreso ang ilang mgaprogresibong mga batas, katulad ng“Comprehensive Agrarian Reform Law” oCARP (Republic Act No. 6657), na siyangginawa upang itama ang mga kawalan ngkatarungan (injustice) sa nakaraan.Bagama’t ang Pilipinas ay pumirma sahalos lahat ng mga pangunahinginternasyunal na tratado at kumbensyonsa karapatang pantao, ang pagpapatupadnaman ng mga batas at mga patakarannito ang naging paksa ng maramingbatikos at kritisismo.Ang isa sa mga unang opisyal na ginawani Corazon Aquino ay ang lumikha ngPresidential Commission on GoodGovernment (PCGG) noong 1986, na maygawain na bawiin ang ill-gotten wealth ngpamilya Marcos at kanilang mga kasosyo,at ang pagsisiyasat ng mga kasong graftat corruption. Subali’t hanggang sangayon, ang PCGG ay hindi pamakumpleto ang kaniyang mga gawain.Noong 1986, itinatag ni Corazon Aquinoang isang truth commission – angPresidential Committee on Human Rights(PCHR) – na siyang nag-imbestiga ng mgapang-aabuso mula 1972 o sa simula ngMartial Law. Ngunit dahil nilikha ito ngwalang kawani o pondo, ang komisyon aymabilis na nasindak sa dami ng mga kasong paglabag na kailangan niyangidokumento. At dahil na rin sa ilang besesng coup d état laban kay PangulongAquino, hindi na nausig (prosecute) angmga nagkasala. At ang popular na suportapara sa pag-usig ay naging limitado rindahil sa simpatiya ng taumbayan sa mgaopisyal ng military na lumaban kay3

Ang papel ng civil societyMarcos sa mga huling sandali ngkaniyang pamamahala.Noong Hulyo 2010, itinatag ni PangulongBenigno Aquino (anak ni Corazon) angPhilippine Truth Commission (PTC), naitinalaga upang siyasatin ang mgaparatang ng graft and corruption sanakaraang administrasyon (ni GloriaMacapagal-Arroyo). Sa kasamaang palad,ang buhay ng komisyon ay biglaangnatapos bago pa man makapagsimula itong mga tungkulin niya dahil idineklara ngKorte Suprema na ang Presidential Orderna lumikha nito ay labag sa SaligangBatas (unconstitutional).Ang mas matagumpay na inisyatiba ayang Human Rights Victims Claims Board,na itinatag sa pamamagitan ng RepublicAct No. 10368, para sa pagkilala atpagbayad-pinsala (indemnification) ngmga biktima sa panahon ng Martial Law.Inutusan din ng batas na ito ang pagtatagng isang museo bilang parangal samemorya ng mga biktima ng paglabag sakarapatang pantao sa ilalim ng rehimengMarcos. Ang mga aplikasyon para sareparasyon ay kasalukuyan nang sinusuri,at pinoproseso na ng board ang unangpabayad sa mga reparasyon.Mula 1986 hanggang sa kasalukuyan, angmga programa ng repormangpanghukuman ay itinatag na maylayuning matugunan ang mga hamon ngpagpapanumbalik ng pampublikongtiwala sa sistema ng hustisya, sapagpapatupad ng judicial independencesa loob ng isang tradisyonal atsentralisadong sistema ng pangangasiwa,at tiyakin ang patuloy na pagpapaunlad atpag-institutionalize ng kakayahan para sapatuloy na reporma.Ang papel ng civil societyAng pagpapatibay ng 1987 na SaligangBatas ang nagbigay-daan sa isang bagongdemokratikong puwang, lalo na sa unangdekada pagkatapos ng People PowerRevolution, at nagresulta sa pagdami ngmga civil society organizations (CSOs).Ang Saligang-Batas ay naglalaman ngmga probisyon na kumikilala samahalagang papel ng mga CSOs salipunang Pilipino.4Mula 1986 hanggang ngayon, ang mgaCSOs, lalo na ang mga NGOs (NonGovernment Organizations) at POs(People’s Organizations), ay naging aktibosa pag-organisa ng mga komunidad,pagbigay ng mga pagsasanay,pagpapataas ng kamalayan at kamulatan,at adbokasiya para sa repormangdemokratiko at lehislatibo. MaramingCSOs ang aktibong nagtulak para sapagpapatuloy ng mga usapangpangkapayapaan, hinihimok anggobyerno at iba pang mga panel upangmagpatuloy ng usapang pangkapayapaansa kabila ng mga pansamantalangpagkakaantala. Ang mga organisadonggrupo ng mga biktima at kanilang mgapamilya ang nanguna sa adbokasiya parasa paglikha ng Human Rights VictimsClaims Board, at nanatiling aktibo sakilusan ng karapatang pangtao sa bansa.Prosesongpangkapayapaan saPartido KomunistaAng Pilipinas ang lugar ngpinakamahabang insurhensiya ngkilusang komunista sa buong Asya, naumangkin na ng hindi bababa sa 30,000na buhay sa huling limang dekada.Matapos ang mga nabigong pagtatangkasa mga usapang pangkapayapaan sailalim ng limang dating presidente,muling pinagtibay ngayon ni PangulongRodrigo Duterte ang negosasyongpangkapayapaan. Ang Communist Partyof the Philippines o CCP ay naglalayongibagsak ang pambansang pamahalaan sapamamagitan ng armadong pakikibaka atpagtatag ng isang panibagongdemokratikong estado na pinamumunuanng uring manggagawa, at malaya saimpluwensya ng Estados Unidos. Ang CPPay may armadong yunit, ang NewPeople’s Army (NPA) na itinatag noong1969, at isang pampulitikang yunit, angNational Democratic Front of thePhilippines (NDF). Ang NDF ang umbrellaorganization ng mga organisasyongpinapatakbo ng komunista, atkumakatawan ito sa CPP-NPA sa mganegosasyon sa gobyerno ng Pilipinas.Pinakamalakas ang CPP sa panahon ngmapanupil na rehimeng Marcos, ngunit

Sa paglipas ng mga taon, ang gobyerno atang kilusang Komunista (CPP-NPA-NDF)ay gumawa ng mga panel upangkumatawan sa kanila sa mga usapangpangkapayapaan. Gayunpaman, patuloyna napuputol ang prosesongpangkapayapaan dahil sa mgakontrobersyal na isyu, katulad ngsoberaniya, pagpapalaya ng mgabilanggong pulitikal, at pagsasama ngCPP sa listahan ng mga terorista.Sa ngayon, bagamat mahigit 1,300 nadetenidong pulitikal ang pinalaya na nggobyerno at 20 na mga kasunduan angnalagdaan, wala pa ring naabot na pinalna kasunduang pangkapayapaan.Karamihan ng paglagda sa mgakasunduan ay ginaganap sa mgabanyagang lugar katulad ng Netherlands,Norway at Malaysia. Apat sa mgakasunduan ang nilagdaan sa panahon ngExploratory Talks (1992-1995),samantalang ang 16 ay nilagdaan sapanahon ng Formal Peace Negotiations(1995-2011).2 Sa tuwing ang negosasyongpangkapayapaan ay bumabagal ohumihinto, ang civil society ay maymahalagang papel sa pagtulak upangmaituloy ito.1G. Sidney Silliman, Lela Garner Noble.Organizing for Democracy: NGOs, Civil Society,and the Philippine State. University of dpress.com/peace-tables/cpp-npa-ndf/Usapang pangkapayapaan sa Mindanao sa MNLF/MILFmula noon, dahil sa mga operasyongcounter-insurgency ng pamahalaan,kasama na ang isang internal split1 opaghahati, lubhang bumaba ang bilangng kanilang mga miyembro. Ngayon, angorganisasyon ay nananatilingpinakaaktibo na lamang sa mgabulubunduking lugar at mganapapabayaang mga rehiyon sa bansa.Maraming mga sibilyan ang naipit sagitna ng labanan sa pagitan ng mgapwersa ng estado at ng mga komunistangrebelde at kanilang mga taga-suporta.Kahit na ang mga organisadong grupo ngmga mamamayan ay hindi naligtas, dahilang ilang mga lehitimong CSOs angnaging target ng hinala at pagkilos nggobyerno – dahil pinaghihinalaan silangmga grupong sumusuporta, mgasimpatista, o mga legal front para sapartido komunista.Usapang pangkapayapaansa Mindanao sa MNLF/MILFAng Mindanao ang ikalawangpinakamalaking isla ng Pilipinas at saganasa likas na yaman, at tinaguriang “Land ofPromise.” Ngunit ang katimugang islangito ay matagal nang napapabayaan atbinabalewala ng gobyerno. Ang rehiyonna ito ang may pinakamataas na antas ngnamamatay ng mga sanggol, atpinakamababang antas ng literacy(dunong sa pagbasa at pagsulat) sa buongbansa, at nandito rin ang anim sasampung pinakamahihirap na lalawigansa buong Pilipinas3. Ang Mindanao angsentro ng kaguluhan sa pagitan ngpopulasyon nito ng mga katutubongMuslim na kilala bilang “Moro” (mula saEspanyol na salita para sa “Moor”) at ngGobyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP)na nakikibahagi sa armadong tunggalianmula pa noong 1972.Ang Moro National Liberation Front(MNLF) ay nabuo noong 1969 upanglabanan ang pagtaas ng diskriminasyon atpagpapabaya sa kanilang lugar(marginalization). Pagkalipas ng tatlongtaon, inilunsad ng MNLF ang isangarmadong pakikipaglaban upang itatagang Bangsamoro (Muslim Nation) sa loobng mga lalawigan ng teritoryo at mgarehiyon ng Mindanao, Sulu at Palawan. Sakalaunan, ang MNLF ay nagkawatakwatak, at ang iba ay sumama sa MoroIslamic Liberation Front (MILF) na patuloypa ring nakikipaglaban kahit na angMNLF at ang pamahalaan ay pumirma nang isang komprehensibong kasunduan sakapayapaan sa taong 1996.4Ang mga opisyal na inisyatiba upanglumikha ng kapayapaan at reporma ay3Vitug, Marites D. and Glenda M. Gloria. 2000.Under the Crescent Moon: Rebellion inMindanao. Philippines: Ateneo Center for SocialPolicy and Public Affairs and the Institute forPopular Democracy.4Ang mga kasunduan na kasing kamakailan langsa Hunyo 2015 ay tumulong buhayin muli angInternational Monitoring Team at ang Ad HocJoint Action Group, at ang isang Task Force parasa mga Decommissioned Combatants at angkanilang mga komunidad ay na-negotiateupang maipagpatuloy ang paghahabol tungo sakapayapaan.5

Usapang pangkapayapaan sa Mindanao sa MNLF/MILFumabot sa apat na dekada, simula pa sapanahon ni Marcos, hanggang sakasalukuyang panahon:Organic Act at ang ARMM, at angnegosasyon ay nahinto hanggang taong1992.Negosasyon ng MNLF sa Panahon niMarcos: Sa panahon ng rehimengMarcos, ang negosasyongpangkapayapaan ay nagresulta sa TripoliAgreement noong 1976.5 Ang gobyerno aynagsimula ng ilang mga hakbang upangmaipatupad ang isang antas ngawtonomiya sa mga Moro6, ngunit ito ayhindi naging katanggap-tanggap samaraming Moro, kung kaya’t ito angnaging mitsa sa pagbagsak ng kasunduan,at ang pag-alis ng Moro Islamic LiberationFront (MILF) sa usapang pangkapayapaannoong 1984. Gayunpaman, ang TripoliPeace Agreement at ang mga prinsipyona itinatag nito ay patuloy pa ringtinitingnan bilang isang napakahalagangsanggunian sa lahat ng mga sumunod naprosesong pangkapayapaan.Proseso ng Administrasyong Ramos saMNLF: Noong 1992, ang pagkapangulo niFidel Ramos ay humantong sa isangpagpapalit ng mga prayoridad nggobyerno, at muling nagpatuloy angnegosasyong pangkapayapaan. Pagkalipasng apat na taon ng pansamantalang tigilputukan (ceasefire) at mga pag-uusap,nilagdaan ng MNLF sa taong 1996 angFinal Agreement on the Implementationof the 1976 Tripoli Agreement. Ang 1996na kasunduang ito ang nagsimula ngtatlong taon na transition period upangmaisama ang mga kombatanteng MNLFsa Armed Forces of the Philippines, atmagpatupad ng mga masinsinang sosyoekonomikong rehabilitasyon para sarehiyon. Ang ikalawang yugto ay ang pagdevolve ng mga kapangyarihan at angpagpapawalang-bisa ng Organic Act (RA6734) 8. Habang nasiyahan ang MNLFdito, patuloy pa rin ang armadongpaglaban ng MILF, na nagpatibay ngkanilang pangako bilang isang selfdetermining na teritoryo ng Bangsamoro.Mga Proseso ni Aquino sa MNLF: SiPangulong Corazon Aquino, na pumalitkay Marcos mula 1986-1992, aynagpatuloy sa pakikipag-usap sa MNLF.Ang mga pagsisikap nila ay nagresulta sapagpipirma ng Jeddah Accord noong 1987.Ito ay isang pagtatangka upang higit pangmatalakay ang isang demokratikongproseso para sa Mindanao. Angmekanismong ito ay pinagtitibay ng 1987na Saligang-Batas, at bahagi siya ngdemokratikong pagsasaayos pagkataposng rehimeng Marcos. Ito ay naglaan ngisang Autonomous Region in MuslimMindanao (ARMM), kasunod ng isangplebisito7. Tinanggihan ng MNLF ang5Ang pormal na pangalan ng Tripoli Agreementay “Agreement between the Government of theRepublic of the Philippines and the MoroNational Liberation Front with the Participationof the Quadripartite Ministerial CommissionMembers of the Islamic Conference and theSecretary General of the Organization of IslamicConference.”6 Sa Ikatlong Seksyon, ang Probisyon No. 16 aynagsasabing, “Ang Pamahalaan ng Pilipinas aygagawa ng lahat ng mga kinakailangangkonstitusyonal na proseso para sapagpapatupad ng buong Kasunduan.” Nagbigaysi Pangulong Marcos ng Presidential Decree No.1618 noong Hulyo 1979, upang ipatupad angawtonomiya ng Mga Rehiyon IX at XII.76Artikulo X, Seksiyon 15-21 ng Saligang Batas ng1987 ay nagtatag ng mga rehiyonal napaghihigpit, na pinalalakas ng RA 6734, noongAgosto, 1989.Lokal na Yugto sa Proseso ng MILF:Kasunod ng kasunduan ng 1996,nagsimula ang isang prosesongpangkapayapaan na tinawag na DomesticStage, na may mga lokal na aktor sa mgausapang pangkapayapaan na tumutok sapagtatatag at pagpapanatili ng tigilputukan, at paglikha ng mas angkop nasitwasyon para sa pag-unlad sapamamagitan ng higit pa pormal natalakayan. Noong 2000, sa ilalim ngpagkapangulo ni Joseph Estrada, nahatakang internasyunal na komunidad sakasunduang Agreement on the GeneralFramework for the Resumption of PeaceTalks, na siyang nagsimula ng DiplomaticStage ng usapang pangkapayapaan.Proseso ng Diplomatikong Yugto saMILF: Ang karamihan ng mga kasunduanng MILF-GRP ay lumitaw sa yugtong ito,kabilang na ang kontrobersyal naMemorandum of Agreement on AncestralDomain Aspect (MOA-AD) ng Kasunduan8Habang nililikha ang Bangsamoro, bubuwaginng BBL (Bangsamoro Basic Law) ang ARMM(Autonomous Region in Muslim Mindanao). AngRA 6734 ay ang Batas na lumikha ng ARMM.

Ang Transitional Justiceand ReconciliationCommission (TJRC)Ang isang annex sa FAB ay naglaan ngpagtatag ng Transitional Justice andReconciliation Commission (TJRC) na maytatlong kinatawan: isang internasyunal naChair, at mga kinatawan ng gobyerno atMILF. Ang komisyon ay magsasagawa ngisang pag-aaral at magre-rekomenda samga Panels ng mga angkop na mgamekanismo para sa transitional justice atreconciliation na sumasaklaw sa apat naimportanteng isyu: mga lehitimongkaraingan ng Bangsamoro, ang9Ruling ng Korte Suprema G.R. 183591 (TheProvince of North Cotabato vs. The Governmentof the Republic of the Philippines Peace Panelon Ancestral Domain)10 Ito ay isa sa ilang mga proseso napinamumunuan ng isang babaeng negosyadorpara sa panig ng pamahalaan, kasama siPropesor Miriam Coronel-Ferrer na tumatayobilang Chair ng Peace Panel mula taong 2012.Ang implementation phase ng prosesongpangkapayapaan ay nakatakdang tapusin sapamamagitan ng isang Exit Document napinagkasunduan ng parehong Partido.Ang papel ng Sambayanan/Civil Society sa Mindanaong GRP-MILF Tripoli Agreement of Peaceng 2001, sa ilalim ng administrasyon niGloria Macapagal-Arroyo. Ang MOA-AD aytiningnan ng marami bilangpinakamalakas na solusyon sa sarilingpagpapasiya (self-determination) ngMoro,

sentralisadong sistema ng pangangasiwa, at tiyakin ang patuloy na pagpapaunlad at pag-institutionalize ng kakayahan para sa patuloy na reporma. Ang papel ng civil society. . demokratikong estado na pinamumunuan ng uring manggagawa, at malaya sa impluwensya ng estados unidos. Ang cPP

Related Documents:

ARALING PANLIPUNAN I (Effective and Alternative Secondary Education) MODYUL 14 ANG PILIPINAS SA PANAHON NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City . 2 MODYUL 14 ANG PILIPINAS SA PANAHON NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG Nakatuon ang modyul na ito sa mga pangyayari sa Pilipinas noong panahon ng Ikalawang .

SUBJECT: ARALING PANLIPUNAN 5 YEAR/LEVEL: GRADE 5 DATE TOPIC MINIMUM LEARNING COMPETENCIES ACTIVITY/MATERIALS KEY TERMS EVALUATION OUTPUT HUNYO 18, 2018 ARALIN 1: ANG KINALALAGYAN NG PILIPINAS SA MUNDO p. 2-3 1. Nailalarawan ang lokasyon ng Pilipinas sa mapa 1.1 Natutukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo gamit ang mapa batay sa “absolute location” nito (longitude at latitude) (AP5PLP .

5. Mala-malayang Kalagayan: Ang Commonwealth ng Pilipinas a. Ugnayang Pilipinas at Estados Unidos b. Mga Polisyang Pang-ekonomiya at Panlipunan 6. Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig a. Komisyong Tagapagpaganap at Ikalawang Republika b. Buhay sa Kalungsuran at Kanayunan c

ARALING PANLIPUNAN - GRADE 5 Unang Markahan Aralin 1 – Ang Kinalalagyan ng Pilipinas sa Mundo: a. Mundo: Tahananan ng Sangkatauhan b. Absolute Location ng Pilipinas at ang mga Guhit sa Mapa o Globo c. Grid d. Relatibong Lokasyon Aralin 2 – Ang Pilipinas Bilang Bansang Tr

dahilan ng pananakop ng kolonyalistang Espanyol ang makukuhang ginto‟t mamahaling metal. Interesado rin ito sa saganang pagkain at iba pang pansuporta sa pangangailangan ng mga kolonyalista. 3. Paano nasakop ng mga kolonyalistang Espanyol ang Pilipinas? Para sakupin ang Pilipinas

Napakalaki ng impluwensiya ng mga Espanyol sa kultura ng mga Pilipino lalo sa larangan ng panitikan. Sinimulan ng mga Dominiko ang paggamit ng palimbagan (printing press) sa Pilipinas noong taong 1593. Nalimbag ang kauna-unahang aklat sa Pilipinas, ang Doctrina Christiana en Lengua Espanola y Tagal. Nabuo

politikal na tunggalian at demokratikong pagbabagong-kalagayan simula 1972.2 Sa kabila nito, ang mga taga-gawa ng mga polisiya, mga iskolar, mga mamamahayag, . upang putulin ang mapang-aping Sistema at makamit ang mga karapatan, kalayaan, at katarungan. Kapag ang paglahok sa panlipunang pagtutol ay lumawak at lumago, ang pagpigil laban sa mga .

BCS Foundation Certificate in Artificial Intelligence V1.1 Oct 2020 Syllabus Learning Objectives 1. Ethical and Sustainable Human and Artificial Intelligence (20%) Candidates will be able to: 1.1. Recall the general definition of Human and Artificial Intelligence (AI). 1.1.1. Describe the concept of intelligent agents. 1.1.2. Describe a modern .