Pamimilosopiya, Wika, At Mga Baluktot Na Katuwiran: Tungo .

2y ago
189 Views
6 Downloads
1.08 MB
36 Pages
Last View : 20d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Philip Renner
Transcription

Pamimilosopiya, Wika, at Mga Baluktot na Katuwiran:Tungo sa Pagpapayamanng Wikang Pilosopikal sa PilipinasEmmanuel C. De LeonDepartatmento ng PilosopiyaUnibersidad ng Santo TomasSi De Leon ay propesor saDepartamento ng Pilosopiya,Unibersidad ng Santo Tomas.Nagtapos siya ng Batsilyer saPilosopiya sa Saint AugustineSeminary at ng Masterado saPilosopiya sa UST. Kasalukuyansiyang mag-aaral ng PhD. saPilosopiyasaGradwadongPaaralan ng UST, at tinataposangkaniyangdisertasyontungkol sa uri diskurso ngmga pangunahing Tomasinongpilosoper. Kasalukuyan dinsiyang kawaksing mananaliksiksa Research Center on Culture,Education, and Social Issues(RCCESI) ng Unibersidad ngSanto Tomas. Nailathala angkanyangmgapananaliksiksa Malay (2014), HASAAN:Opisyal na Journal sa Filipinong Unibersidad ng San Tomas(2014), FILOCRACIA: An OnlineJournal of Philosophy (2014),KRITIKE: An Online Journal ofPhilosophy (2016, 2015, 2014& 2013), at Dalumat E-Journal(2012). Nakasentro ang kaniyangmga pananaliksik sa mga temangmay kaugnayan sa teknolohiya,pluralismo, at Pamimilosopiyasa Pilipinas.AbstrakBilang tugon sa paniniwalang nasa kahinaanng wikang pilosopikal ang pagkalugmok ngpilosopiya at pamimilosopiyang Filipino,naglalayon ang papel na ito na makapagambag ng ilang kataga na magagamit sapakikipagdiskursong pilosopikal. Tinalakayang ilang fallacies na tinumbasan naman ngbansag na mga “baluktot sa pangangatuwiran”upang pasubalian ang kalimitang pagwawarina hindi maaaring ipahayag sa sariling wikaang mahahalagang aralin sa asignaturanglohika. Ilang mga mungkahing salin ng mgabaluktot na katuwiran ang inihahain ng papelbilang patunay na nararapat na kilalanin angpamimilosopiyang Filipino bilang mahalaganglarang sa pagpapaunlad ng wikang pambansaat sa larangan pagtuturo ng lohika atpangangatuwiran.Mga Susing Salitalohika, wikang pilosopikal, pamimilosopiyang Filipino,baluktot na katuwiran47

HASAANPanimulaSa isang monograp na isinulat ni Emerita Quito noong 1983 na maypamagat na The State of Philosophy in the Philippines nagbanggit siya ngsampung dahilan ng patuloy na pagkalugmok ng pilosopiya at pamimilosopiyasa Pilipinas. Ito ay ang mga sumusunod: 1) ang kolonisasyon at ang karanasanng diktadurya noong panahon ng Batas Militar na matinding bumawas sakalayaang magpahayag ng iniisip, 2) ang masamang konotasyon ng pilosopiyasa ating bansa, 3) ang hindi kaakit-akit na pasweldo sa mga nasa akademya,4) ang mabigat na teaching load ng mga guro, 5) ang kawalan ng programasa pananaliksik sa larangan ng akademya, 6) ang kawalan ng malikhaingpanghihikayat at sistema ng insentibo sa mga mananaliksik, 7) ang kamahalanng gastos sa pag-aaral sa labas ng bansa, 8) ang pagkakaroon ng inbreeding samga lokal na sentro ng gradwadong pag-aaral, 9) ang kakulangan sa kaalaman sapaggamit ng lenggwahe ng mga banyagang pilosoper, at 10) ang kakakulangansa kahusayan sa sariling wika.Sa papel na ito, pinagtuunan ng pansin ang ika-10 sa mga dahilanna binanggit ni Quito. Dagdag pa niya, “Hangga’t ang mga Pilipino ay hindibinabalikan ang kanilang katutubong dila, hindi ito makapagpapanday ngsariling pilosopiya, sapagkat ang kaluluwa ng mga tao ay mas epektibongnaipapahayag sa kanilang katutubong salita”(53-54, akin ang salin). Ganitorin ang sinabi ni Napoleon Mabaquiao sa isa niyang artikulo. Wika niya, “Maykinalaman sa relasyon ng wika at ng identidad ang kamalayan. Sinasabi namalaki ang nagagawa ng wika sa paghubog ng identidad ng isang kamalayan,dahil nakapaloob sa wika ang isang mundo ng tradisyon, o kaya ay ang wika ayisang depositoryo ng kultura”(210).Sang-ayon ako sa mga sinabi nina Quito at Mabaquiao na mayroongsuliranin pagdating sa paggamit ng wika sa pilosopiya at pamimilosopiyangFilipino. Kulang na kulang pa rin ang gumagamit ng wikang Filipino sa pagtuturoat pagsusulat sa pilosopiya. Sa Unibersidad ng Santo Tomas, halimbawa, na isasa mga ginawaran ng “Sentro ng Kahusayan” ng Komisyon sa Lalong Mataasna Edukasyon o CHED, masasabing kulang na kulang pa rin ang paggamit ngwikang pambansa pagdating sa pamimilosopiya. Gagamitin sa artikulong itoang kinalap na impormasyon tungkol sa mga namimilosopiyang Tomasino hindiupang sabihing ito ang pinakamahusay na tradisyon ng pilosopiya sa Pilipinas,sa halip ay bilang salamin o microcosm ng pamimilosopiya sa Pilipinas ang48

EMMANUEL C. DE LEONmaliit na mundo ng UST1.Hinati ang paglilista sa dalawang grupo: 1) mga Tomasinong pilosoper 2 nanagtuturo sa UST, at 2) mga Tomasinong pilosoper pero hindi nagtuturo sa UST.Sa unang grupo, masasabing sina Florentino Timbreza at Romualdo Abulad angnangungunang Tomasinong tagapagtaguyod ng paggamit ng wikang pambasasa pilosopiya at pamimilosopiya.Talahanayan 1: Mga Tomasinong Pilosoper na Nagtuturo rin sa USTSamantalang sa ikalawang grupo naman, masasabing sina Emerita Quitoat F.P.A. Demeterio ang mga pangunahing tagapag-ambag.Talahanayan 2: Mga Tomasinong Pilosoper pero hindi nagtuturo sa UST1Kung makagagawa tayo ng mas malaking pag-aaral tungkol sa estado ng paggamit ngwikang Filipino sa larangan ng pilosopiya sa Pilipinas, pinapangarap ko ito sa hinaharap. Sa ngayon,gagamitin ko munang batayan itong mga impormasyon upang makapagbanggit ng ilang implikasyonbatay sa mga ito. Tingnan sa Apendiks ang ginawa kong listahan ng mga Tomasinong nagsasalin atnamimilosopiya gamit ang wikang Filipino.2Sinimulan kong gamitin ang salitang “pilosoper” sa halip na “pilosopo” upang maiwasanang pangalawang dahilan ng pagkalugmok ng pilosopiya sa ating bansa na binanggit ni Quito, i.e.,“ang masamang konotasyon ng pilosopiya sa Pilipinas”. Hindi natin matatanggihan ang negatibongkonotasyon ng katawagang “pilosopo” sa ating bansa. Hindi ko orihinal ang paggamit ng katagang“pilosoper”. Nauna itong ginamit ni Ramon Guillermo sa kanyang pagsasalin ng akda ni Walter Benjamin na pinamagatan niyang Hinggil sa Konsepto ng Kasaysayan. Hindi niya ipinaliwanag kungbakit niya pinili ang salitang “pilosoper” sa halip na “pilosopo”. Subalit, nakukutuban akong mulat siGuillermo sa masamang konotasyon ng katagang “pilosopo”. Masasabing maganda ang pagkakabinyag ni Guillermo sa katagang “pilosoper”. Kaya, nais ko itong kumpilan sa artikulong ito.49

HASAANDahil malimit sinusukat ngayon ang impact factor ng mga naisulat, tiniponrin ang bilang ng citations ng nasabing mga sinulat ng mga Tomasinong pilosopergamit ang wikang Filipino sa pamamagitan ng pagkalap ng mga impormasyonsa Google Scholar. Tingnan sa ibaba ang resulta ng kinalap kong data.Manunulat1. Florentino TimbrezaPamagat ng sinulatIntelektwalisasyon ng Pilosopiyang Filipino. Manila:DLSU Press, Inc., 1999.1Pilosopiyang Pilipino. Quezon City: Rex Printing Co.,1982.10“Ano nga ba ang Buhay”, Malay 2011.2Mga Hugis ng Kaisipang Pilipino. Manila: Rex Bookstore,1989.2. Florentino HornedoCitations“Pamimilosopiya sa Wikang Sarili: Mga Problema atSolusyon”, Malay 2010.Pagmamahal at Pagmumura: EssaysPagpapakatao and Other Essays in Contemporary Philosophy and Literature25213. Romualdo AbuladEnsayclopedia ng Pilosopiya [coauthor]. Manila: DLSUPress, Inc., 1989.5. FPA Demeterio“Ang Hermenyutika nina Schleiermacher at Dilthey bilang Batayang Teorerikal sa Araling Pilipino”. in KRITIKE(On-Line Journal of Philosophy). 2011.2“Ang Demokratikong Sistema at ang mga Modelo ngPamumuno sa Pilipinas”. in KRITIKE (On-Line Journal ofPhilosophy). 2010.1Tao Po! Tuloy!314. Emmanuel de Leon6. Albert Alejo7. Emerita Quito“Ang Landas ng Pagtatanong ni Heidegger Ukol saTeknolohiya: Pagtatalas ng Tanong sa Sein” in KRITIKE:An Online Journal of Philosophy, 7:2 (December 2013).21“Ang Pilosopiya ni Jean-Francois Lyotard bilang Batayang Teoretikal sa Araling Pilipino”. in KRITIKE (OnLineJournal of Philosophy). 2013.1“Ang Balangkas Ng Multikulturalismo At Ang PagbubuoNg Bansang Pilipino”. in Lumina: Interdisciplinary Research Journal of Holy Name University. 2009.12. Ensayclopedia ng Pilosopiya [coauthor]. Manila: DLSUPress, Inc., 1989.502

EMMANUEL C. DE LEONMay ilang sala-salabid na implikasyon ang nakalap na impormasyonsa itaas. Una, taliwas sa karaniwang inaakala, hindi lamang sa Tomismo atIskolastisismo nag-aambag ang Unibersidad ng Santo Tomas sa mga diskursongpilosopikal. Buhay din ang mithiin nitong mag-ambag sa diskurso ngpilosopiyang Filipino at pamimilosopiya gamit ang wikang Filipino. Pangalawa,kahit na masasabing mayroon nang mga Tomasinong gumagamit ng sarilingwika sa pamimilosopiya, kulang na kulang pa rin ito kung ihahambing sa mgapilosopong Pilipino na gumagamit ng wikang banyaga. Pangatlo, mahalaga angtungkulin ng mga Open Access Journal (tulad ng KRITIKE, MALAY, Daluyan, atmarami pang iba) sa pagpapalaganap ng gawaing ito. Ang mga ganitong klaseng scholarly journal ay madaling nakokonsumo ng mambabasa sapagkatnakalathala sila sa internet at nakokonsumo rin nang libre. At pang-apat, kahitna maaari nating sabihin na mayroong impact factor ang mga sinulat ng mgaPilipinong pilosoper sa wikang Filipino, kulang na kulang pa rin ang nagbabasaat nagsusulat tungkol sa mga ito. Hindi natin binabasa at binabatikos ang mganaunang pag-aapuhap ng mga Pilipinong manunulat. Kaugnay nito, wika niPaolo A. Bolanos:Tanungin natin ang mga sarili natin kung meron na ba tayongdinamikong kultura ng “sulat-basa-debate”. Binabasa ba natin angsinulat ng ating mga kapwa Pilipinong pilosopo at hindi ba tayonatatakot magbigay ng opinyon natin sa mga ito sa pamamagitan dinng pagsusulat? Kaakibat ng pamimilosopiya ang kasaysayan—ito angdahilan kung bakit kailangan natin ang magsulat; ang mga sinusulatnatin ay galamay ng ating mga alaala. Bilang mga pilosopo, sa ganitongparaan lang tayo magugunita ng susunod na salinlahi (De Leon).Sang-ayon ako sa sinabi ni Bolanos. Subalit, kailangan ding palutanginang talagang kakulangan natin ng wikang gagamitin sa pamimilosopiyangFilipino. Hindi ako sang-ayon sa karaniwang pagwawari na dulot lamang ito ngkawalan natin ng kahusayan sa paggamit ng wikang Aleman, Pranses, Griyego,Tsino, at marami pa. Hindi rin ito tungkol sa ating pagiging rehiyonalista at sawalang katapusang debate tungkol sa wikang pambansa (Timbreza 32-33).Mas pinapaburan ko ang sinabi ni F.P.A. Demeterio na kakulangan sa wikangpilosopikal na magagamit natin sa ating malalimang diskurso ang ugat ngproblema. Paliwanag niya, “Ang lingguwistikong suliranin ng pilosopiyangFilipino ay tumutukoy sa kakulangan natin pagdating sa pilosopikal na mgateorya at mga konsepto; kung baga, tungkol ito sa kakulangan ng wikang51

HASAANpilosopikal” (“Rereading Emerita Quito’s Thoughts ”, akin ang salin). Sinasabini Demeterio na hindi maunlad ang pamimilosopiya sa Pilipinas sapagkat hinditayo lumilikha ng pilosopikal na wika na matatawag nating atin. Dahil dito,nananatili tayong nag-iisip mula sa abot-tanaw ng mga banyaga.Dahil dito, nagtatangka akong mag-ambag ng ilang wikang pilosopikalna maaari nating pagsimulan sa pamimilosopiyang Filipino. Hindi ko sinasabina ang mga iminumungkahi kong kataga sa papel na ito ay tiyak, pinongpino na, at hindi na nangangailangan ng pagtutol. Nais kong magsimulangmakipagbalitaktakan. At, dahil malimit nagdadalawang-isip ang karamihan saatin kung magagamit nga ba ang wikang Filipino sa pag-aaral ng lohika, naiskong pasubalian ito sa pamamagitan ng pagmumungkahi ng ilang katagangpanlohika. Nais kong magmungkahi ng ilang bansag sa ilang pinag-aaralannating fallacies na tatawagin ditong “mga baluktot na katuwiran”. Hindi orihinalang aking salin sa salitang “fallacy” bilang “baluktot na katuwiran”. Si EnriqueJuan Carlos Vera ang nagbinyag nito. Sabi niya, “Tinatawag itong mga baluktotna pangangatuwiran sapagkat mukhang wasto ang pangangatuwiran ng mgaito sa unang tingin, ngunit kung susuriing mabuti, makikita ang mali” (Vera280). Maganda ang pagkakabinyag ni Vera sa “baluktot na katuwiran” kaya naisko itong kumpilan dito sa aking artikulo. Kung baga, ang tinatawag sa Inglesna “valid” at “invalid” ay maaari nating tumbasan naman ng bansag sa wikangFilipino na “matuwid” at “baluktot”. At alam naman natin na ang talaganglayunin ng isang naglolohika (at ng kung sinumang totoong namimilosopiya) ayihiwalay ang matuwid sa mga baluktot.Subalit, mahihirapan tayong ihiwalay ang matuwid sa baluktot kung hindinatin alam ang anyo ng mga ito. Dito nagiging mahalaga ang pagpapangalan atpaglalarawan sa mga dapat ihiwalay. Alam nating napangalanan na ang ilan samga ito gamit ang kaisipang banyaga, subalit mahalaga pa ring makilala natin angpangalan ng mga ito gamit ang sarili nating wika. Paliwanag ni Generoso Benter sakanyang artikulong may pamagat na “Ang Pagtuturo ng Lohika sa Wikang Filipino”:Nagbubunsod ang kakulangan ng katutubong kaalaman sa wikaupang umasa na lamang ang mga mag-aaral sa kaalamang natutunannila mula sa pahina ng mga aklat na Ingles. Dahilan ito kung bakitmay kolonyal na pagpapahalagang moral sa pagkilos at pag-iiisip angkaramihan sa edukadong Filipino. Sanhi rin ng pagiging tamad ngmga Pilipino na mag-isip para sa sarili dahil mayroon namang teoryana saliksik na ginawa ang iba (Benter 293).52

EMMANUEL C. DE LEONTuwing nagtuturo ako ng lohika at gumagamit ako ng wikang Filipino sapagtuturo, laging problema ang gagamiting teksto. Walang teksto sa lohika nanakasulat sa wikang Filipino kaya napipilitan akong ipabasa sa mga estudyanteang mga tekstong nakasulat sa wikang Ingles. Subalit, nakita kong isangpagtataksil ang ganitong diskarte sapagkat patuloy silang nag-iisip sa abottanaw ng mga banyaga. Sa ganitong kalagayan, patuloy silang magiging bihagng mga hangarin at mithiin na hindi nakatapak sa sarili nilang kalagayan.Diskursong banyaga ang umuunlad at napag-iiwanan ang diskursong sarilingatin. Ito ang dahilan kung bakit nagsimula akong magsalin at maghanap ng ilangterminong magagamit sa mga talakayang pilosopikal. Hindi tayo dapat mahulogsa patibong at sabihin na gagamitin na lamang ang wikang Filipino kapag ito ay“maunlad na” at talagang matatawag nang epistemolohikal. Ito marahil ang asalna tinatawag ni Roque Ferriols na “katamaran” (48-54). Kung ihahambing sapaglalayag sa dagat ang ating pamimilosopiyang Filipino, kung minsan nga aynaisasantabi natin ang mismong dagat na ating pinaglalayagan. Paglalarawan niFerriols, “Maaari niyang pasyahin na walang dagat. Ang importante ay piliin angbarkong mapagtitirhan na wala nang pag-aabala ukol sa dagat” (53). Isa itonguri ng katamaran na sisirin ang mundo ng pilosopiya gamit ang sarili natingwika. Dagdag pa ni Ferriols, “Hinubog at hinuhubog ang konsepto sa pagbigkassa meron” (54). Kaya nga, kailangan nating magsimulang bumigkas sa laranganng sarili nating sangkameronan. Kailangan nating pangalanan ang mga bagayna ating pinag-iisipan mula sa abot-tanaw ng ating sariling mundo.Ang papel na ito ay isang pag-aapuhap sa espasyo ng lohikang Filipino.Susubukan kong pasukin at pangalanan ang mga konsepto ng mga “baluktot nakatuwiran”.Nahahati ang pag-aaral ng “baluktot na katuwiran” o fallacy sa dalawa.Una, baluktot na katuwiran batay sa porma o iyong tinatawag na formal logic.At pangalawa, baluktot na katuwiran batay sa nilalaman o iyong tinatawagna material logic. Una kong papasukin ang pangalawang klase ng baluktot nakatuwiran.Masasabing ang “laman” ay ang bahaging hindi lantad sa isang bagay.Maaaring nababalutan ito ng pabalat na kung minsan ay mas napagtutuonan ngpansin. Katulad, halimbawa, sa mga pagkain; kailangan nito ng packaging. Subalit,kailangan din tayong maliwanagan na ang pinakamahalaga ay ang mismong“pagkain”. Sa nasabing halimbawa, minsan nadadaan sa ganda ng pabalat anghalaga ng isang produkto. Gayundin, malimit na naitatago ang katotohanan sapamamagitan ng pagbabalat-kayong gawain. Kaya napakahalagang maunawaan53

HASAANnatin na hindi palaging totoo ang ugnayan ng “balat” at “laman”. At, dahil hindisila tunay na magkaugnay, mayroon itong kahinaan.Ngayon, kailangan nating banggitin sa puntong ito, bilang nota bene, nanapakarami at hindi pare-pahero ang bansag na ginagamit sa mga baluktot nakatuwiran batay sa nilalaman. Pansinin natin, halimbawa, na maging si RichardWhately, na hinati sa dalawang kategoriya ng mga baluktot na katuwiran (logicalfallacies at material fallacies)3 , ay kinikilala ang posibilidad ng pagkakaiba-ibang pagpapangalan sa mga material fallacies na tinatawag naman natin dito saartikulo na “baluktot na katuwiran batay sa nilalaman”. Kaugnay nito wika niya,From the elliptical form in which all reasoning is usuallyexpressed, and the peculiarly involved and oblique form in whichFallacy is for the most part conveyed, it must of course be often amatter of doubt, or rather, of arbitrary choice [akin ang diin], not onlyto which genus each kind of fallacy should be referred, but even towhich kind to refer anyone individual Fallacy (Whately 104-105).Kahit si Aristotle, na haligi pagdating sa pag-aaral ng mga baluktot nakatuwiran, ay namamalayan ang posibilidad ng pagkakaiba-iba pagdating saklasipikasyon at pagpapangalan sa mga ito. Sa kanyang akda na On SophisticalRefutations na kinikilalang klasiko pagdating sa pag-aaral ng mga baluktot nakatuwiran ay kanyang ipinaliwanag,The right way, then, is either to divide apparent proofs andrefutations as above, or else to refer them all to ignorance of what“refutation” is, and make that our starting point: for it is possibleto analyze all the aforesaid modes of fallacy into breaches of thedefinition of a refutation [akin ang diin] (Aristotle 168).Maging sa mga ginagamit na batayang-aklat sa lohika dito sa ating bansaay mapapansin din ang pagkakaiba-iba ng pagkakahanay at pangalan ng mgaito. Hindi na marahil ito masasakop ng kasalukuyang papel ang pagpapaliwanagkung walang walang kaisahan ang pagpapangalan at paghahanay ng baluktotna katuwiran. Nangangailangan ito ng panibagong pag-aaral at panahon upangmaipaliwanag ang nasabing kalagayan (kung hindi man matatawag na suliranin).3Maging si John Stuart Mill ay hinati sa dalawang kategoriya ang mga baluktot na katuwiran.Tinawag niya ang mga ito bilang “fallacies of simple inspection” at “fallacies of inference” (1936).54

EMMANUEL C. DE LEONKaya, ibabatay ko ang aking listahan ng mga baluktot na katuwiran sa naunangpaglilista na ginawa ni F.P.A. Demeterio sa kanyang artikulo sa Diwatao noong2001 na “The Fallacies” . Pinili ko itong batayan sapagkat komprehensibo ito athindi nakabara sa mga sinaunang listahan. Kasama sa mga inilista ni Demeterioang mga klasikal na pangalan ng mga baluktot na katuwiran, subalit isinama rinang ilang mga bansag na ginagamit ng mga dalubhasa sa lohika, lingguwistika,sosyolohiya, politika, at sikolohiya sa mga napapanahong kalagayan. Kagaya ngnabanggit ko sa itaas, mulat ako na hindi kompleto ang nasabing listahan, atmistulang imposible pa naman itong mangyari sa ngayon. Kaya, ipagpaumahinng mga mambabasa at masusungit na kritiko ang nasabing kakulangan ng akingartikulo. Ito marahil ang aking paglalaanan ng pansin sa susunod kong artikuloukol sa paglolohikang Filipino. Isa pa ring dahilan ng pagpili ko sa paghahanayna mga baluktot na katuwiran na inilista ni Demeterio ay ang pagigingkontekstuwalisado ng mga ito sa mga karanasang napapanahon sa Filipino. Nagaaral ka man ng batas, ng pagnenegosyo, ng pag-eenhinyero, ng pagdidisenyo,ng agham, ng medisina, o ng kahit ano pa man, lapat na lapat ang mga inihanayni Demeterio. Hinati ang mga ito sa tatlong kalipunan a) manipulasyon ng wika,b) sikolohikal na panlilinlang, at c) lohikal na panlilinlang.A. Manipulasyon ng WikaMayroong mga panlilinlang na nakaasa sa paglalaro ng mga salita. Umaasaang ganitong uri ng laro o panloloko sa kahusayan ng paggamit ng wika o dikaya ay sa kawalan ng kahusayan ng pinagtutuunang lolokohin o paglalaruan.Para sa mga nagpapakadalubhasa sa wika, ang isang kataga ay isangsignifier na may nilalamang signified. Sabihin natin, sa ibang salita, na angisang kataga ay isang “pananda” na may bitbit na“kahulugan”. Ang orihinalna kahulugan ay ang tinatawag na denotasyon. Sa madaling salita, ito angtalagang nais ipakahulugan ng gumamit nito. Subalit, hindi maiiwasan na angbawat salita ay mayroon ding ibang implikasyon na d

“Ang Demokratikong Sistema at ang mga Modelo ng 1 Pamumuno sa Pilipinas”. in KRITIKE (On-Line Journal of Philosophy). 2010. “Ang Balangkas Ng Multikulturalismo At Ang Pagbubuo 1 Ng Bansang Pilipino”. in Lumina: Interdisciplinary Re-search Journal of Holy Name University. 2009. 6.

Related Documents:

Ang mga Coronavirus ay isang malaking pamilya ng mga virus at napangalanan ang mga ito ng ganito dahil sa crown-like spikes na nasa labas nito. Ang mga ito ay pangkaraniwang uri sa mga hayop, tulad ng mga camel, baka, pusa, at mga paniki. Bihira na ang mga coronavirus ng mga hayop ay malilipat sa mga tao at kakalat mula tao sa tao.

Ang Diyos ng mga taga-Europa ng Edad Medya ay dinala rito ng mga Espanyol noong Siglo 16. Ito ang ginamit nilang instrumento sa pasipikasyon ng mga katutubong dinatnan nila sa mga isla ng Filipinas. Naiiba ang Diyos ng mga Kristyano sa mga mumunting diyos na kilala ng mga katutubo. Para sa mga ito, may mga puwersang nagpapalago ng mga

Sa mga paaralan na ito, ang mga bata ay maaaring magpatala sa isang programa pagkatapos ng klase para sa musika, isports, tulong sa homework, o ibang mga gawain. Ang ilan sa mga paaralan ay sumisingil ng bayad para sa mga programang ito. Dapat ninyong ipatala ang inyong mga anak sa mga espesyal na programa at

lalo sa usapin ng pagpapalaganap sa pagtuturo ng Inang Wika—panustos sa kampanya. Sapagkat multikultural ang ating bansa, kailangan ng sapat na pondo para sa mga sanggunian at mga ilalahok sa nilalaman, transisyon mula sa Inang Wika papuntang opisyal na wika. Matutugunan naman ang mga suliraning ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng political will

"nasa kabataan ang pag-asa ng bayan". Dahil ang Filipino ay nasa disiplina ng wika, pinagbatayan ang mga teorya sa kalikasan at pagkatuto ng wika, mga teorya / simulain sa pagsusuring panliterasi at mga pagdulog sa pagtuturo ng wika (W1, W2, W3) at pagtuturo ng mga akdang pampanitikan at tekstong palahad.

paraan ang mga tawag sa telepono, mga e-mail, mga hindi pormal na ulat ng progreso, mga pulong ng magulang at guro, mga komperensiyang pinamumunuan ang mag-aaral at mga newsletter ng paaralan. Ano ang dapat kong gawin kung nag-aalala ako tungkol sa pagganap ng anak ko sa

ng mga kopya ng kredito at mga pagkakakilanlan at mahalagang mga dokumento, tulad ng mga polisa ng seguro at mga rekord/ kasulatan na nauukol sa pananalapi. Mga kasangkapan. Bukod sa liyabe-de-tubo at gasuklay na liyabe (para sa pagsara ng balbula ng gas at tubig), dapat mayroon ka ring pansindi, mga istak ng posporo na nasa lalagyang hindi

1 Sunday is the new Saturday: Sunday Trading Reforms And Its Effects on Family-run SMEs, Employees and Consumers Author: Dr. Hina Khan Dr Khan is a Lecturer in Marketing for International Operation for the Lancaster University Management School, Lancaster University, UK. She also works as an Independent Marketing Consultant. She is on the Editorial Board of the Journal of Small Business and .