Rebolusyonaryong Palihan: Teorya At Praktika Ng . - Free Download PDF

18d ago
5 Views
0 Downloads
516.79 KB
26 Pages
Transcription

ARTIKULORebolusyonaryong Palihan:Teorya at Praktika ng KolektibongPanunuri at PaglikhaMichael Francis C. AndradaUnibersidad ng [email protected] sa pinakamaunlad ang produksyon at panunuring pampanitikan ay angKilusang Pambansa Demokratiko (Maoista-Leninista-Marxista). Marami itongorganong pangkultura at may malinaw na perspektiba at direksyon sa laranganng panunuring pampanitikan. Isa sa pinakamayabong na produksyon at panunurisa larangan ng panitikan at kultura ang isinasagawa ng ARMAS, o ang Artista atManunulat ng Sambayanan, sa ilalim ng National Democratic Front of thePhilippines (NDFP). Sinuri sa papel na ito ang teorya at praktika ng kolektibongpanunuri at paglikha na isinasagawa ng ARMAS, sa partikular ang isang modyulsa rebolusyonaryong palihan na inilabas nito noong 2006. Dumaan sa maramingpraktika ng palihan ang ARMAS bago ito nakalikha ng isang depinitibong modyulpara sa pagsasagawa ng rebolusyonaryong palihan. Itinuon rin ng papel angpag-aaral sa nosyon ng kolektibong praktika upang makalikha ng teorya ngkolektibong paglikha.Mga Susing Salitapalihan, rebolusyonaryong palihan, ARMAS, panunuring pampanitikan,produksyong pampanitikanKAGAWARAN NG FI LI PI NOLOHI Y APOLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINASFILIPINOLOHIY ATAONG 2015 ISYU 1119-144

120REBOLUSYONARYONG PALIHANAbstractThe National Democratic Movement (Maoist-Leninist-Maoist) in the Philippines isamong the socio-political movements in the country with a rich practice of literaryproduction and literary criticism. It has many cultural organs and has a clearperspective and direction in terms of literary criticism. Its cultural arm, ARMAS, orArtists and Writers of the People, under the banner of the National DemocraticFront of the Philippines (NDFP), released in 2006 a definitive module on what it calls"revolutionary workshop." This paper examines the notion of the collectivepractices undertaken by ARMAS which eviscerated a theory of collective literarycriticism and production.Keywordsworkshop, revolutionary workshop, ARMAS, literary production, literary criticismPanimulaMay puwang para sa palihan sa panitikan angakademiya, sirkulo ng mga artista at manunulat, at mga kulturalna manggagawa at grupo sa kalunsuran man o kanayunan.Bagama’t kapag sinabing palihan, kadalasang pumpatungkol itosa mga “workshop” na inestablisa ng mga pang-edukasyongahensiya ng estado at ng pribadong mga organisasyon, magingng sektor ng negosyo. Sa Pilipinas, ang mga “sikat” at“establisadong” mga palihan ay matatagpuang pinasimulan atpinagyayabong ng mga institusyong pang-edukasyon tulad ngmga pambansang palihan ng Silliman University, Unibersidad ngPilipinas at Mindanao State University-Iligan Institute ofTechnology. Sumunod rito ang mga pambansang palihan ngAteneo de Manila University, Iyas-La Salle Bacolod, University ofSanto Tomas, at marami pang iba. Kadalasan rin, ang mga kilala’tmatatagal nang palihan ay kumukuha ng isponsoryip mula sagobyerno, partikular sa National Commission for Culture and theArts.Bagama’t may tema ang bawat palihan na isinasagawang akademiya kada taon, hindi maitatanggi na ang mgaworkshop na ito’y nagbabago ng layunin depende sa bumubuonito. Maaari itong magsilbi bilang lunan at okasyon para sareaksyonaryo’t pormalistang diskurso habang nakikipagtunggalinaman ang samu’t saring kulay ng aktibismo at pagkaFILIPINOLOHIYA: JOURNAL SA FILIPINO NG POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINASTAONG 2016

MICHAEL FRANCIS ANDRADA121makabayan. Sa ganang ito’y masisipat, kung gayon, na angpaglulunsad ng palihan – at ang operasyon at proseso ng isangpalihan – ay nasa ganang utak nito, nasa organisador nito. Saisang istiryotipikal at mainstream na pananaw, pasok sapormulasyon at repormulasyon ng kanon ang mga palihan.Pagbibinyag ito sa mga bagong manunulat, habangpagpapatuloy ng bakbakang ideolohikal para sa nauna, masnakatatanda at mas may karanasang manunulat. Binanggit ngang Pambansang Alagad sa Sining para sa Panitikan na si Dr.Bienvenido Lumbera na:Young writing in the Philippines today is largely a production ofthe academe. The two leading workshops that have turned outthe best and the most active young writers in the country areboth based in universities. (2000, 185)Ngunit hindi naman naiimbudo sa institusyunalisado’takademikong naratibo ang palihan. Maging pang-masang mgaorganisasyon at maging ang rebolusyonaryong kilusangPambansang Demokratiko ay mayroong mga palihan sa sining atpanitikan. Nagsasagawa ng palihan sa panitikan angprogresibong pangkulturang organisasyon na Amado V.Hernandez Resource Center, ang grupong Desaparecidos nakumikilos sa hanay ng mga pamilya na may mga kamag-anak nabiktima ng enforced disappearances, ang organisasyongpansining at panteatro na Sining na Naglilingkod sa Bayan(Sinagbayan), at ang mga pambansa demokratikong ligal naorganisasyon na Kabataan para sa Tunay na Kalayaan(KARATULA) at Alaysining. Ang andergrawnd na Artista atManunulat ng Sambayanan, sa ilalim ng National DemocraticFront ng Pilipinas (ARMAS-NDF), naman ay naglabas ng Modyulpara sa mga Rebolusyonaryong Palihan sa Panitikan (2006), atang kaakibat nitong Apendiks ng Modyul para saRebolusyonaryong Palihan sa Panitikan (2006). Humahalaw itomula sa kasaysayan, teorya at praxis ng mga palihan ngakademiya at ng mga ligal na progresibong organisasyongpangkultura. Gayunpaman, masasabing ang pangkabuuangpolitikal at kultural na layunin ng rebolusyonaryong palihan aylubhang mas radikal at progresibo. Sa dokumentong “Hinggil saRebolusyonaryong Panunuring Masa sa Sining at Panitikan” namatatagpuan sa Apendiks ng Modyul para sa RebolusyonaryongPalihan sa Panitikan (2006), malinaw naKailangan ang rebolusyonaryong panunuri sa dominante omalaganap na mga likhang-sining. Ang paglikha atFILIPINOLOHIYA: JOURNAL SA FILIPINO NG POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINASTAONG 2016

122REBOLUSYONARYONG PALIHANpagpapalaganap ng mga ito ay karaniwang kontrolado oimpluwensyado ng mga institusyon ng imperyalismo atnaghaharing uri. Kailangan ang kritisismo upang matukoy atmailantad ang mapanirang impluwensya o epekto ngdominanteng sining sa kaisipan at kultura ng masa at maging samga aktibista at kadre. Sa kabilang banda, kailangan din angkritisismo upang makita ang mga positibong elemento sa mgalikhang ito na maaaring pag-aralan at gamitin ngrebolusyonaryong artista para sa paglilingkod sa sambayanan.(8) (akin ang diin)Batay rito, masasabi na ang pagsasagawa ng rebolusyonaryongpalihan ay humahalaw rin mula sa karanasan ng dominantengsistema. Ngunit higit pa sa paghahalaw ay pinagpapanibagonghubog nito ang mga produkto’t prosesong naturan upangpaglinkurin sa rebolusyonaryong interes at adhikain.Sa digital na edisyon ng PADEPA (PambansaDemokratikong Paaralan), ang pangkabuuang disenyo ngideolohikal at kultural na teorya at praxis ng kilusang pambansademokratiko, nakasaad ang pagkasangkapan sa elektroniko’tdigital na pamamaraan para sa pagpapalaganap ngedukasyong pampulitika nito. Ayon sa PADEPA Online(http://padepaonline.com):Dinisenyo ang PADEPA Online upang makaagapay sa masmabilis, sistematiko at regular na pagpapalaganap ng mgamateryal para sa masigla at tuluy-tuloy na paglulunsad ngedukasyong pampulitika sa hanay ng malawak na masa at ngmga aktibista ng pambansa-demokratikong kilusan. Sa minimumna rekisitong mga kagamitan gaya ng kompyuter at printer,maaari nang magparami ng kopya ng mga babasahin at ibapang kagamitang pang-PADEPA mula sa website na ito.Hindi naman ito nakapagtataka, sapagkat ang rebolusyon aybukas na lihim – ang layunin at aktuwalisasyon ng rebolusyon aylaging isinasagawa at ang layunin ng kilusan ay palaganapin ito.Kung gayon, sa panahon ng elektronikong teknolohiya,nagsisilbing imbakan ang digital na mundo para sa mas mabilisna pag-akses ng mga materyal na gagamitin naman sa lapat atnakatungtong-sa-lupang pag-eeduka sa mismong mgamiyembro ng kilusan at sa mga naiimpluwensiyahan at pinagoorganisahan nito.Makikita sa bahaging “Kurikulum” ng PADEPA Online angsamu’t saring sulatin, modyul at iba pang materyales para sapaghahawan ng edukasyong pampulitika. Sa katunayan,bagama’t hindi pa naka-upload sa naturang website ang ModyulFILIPINOLOHIYA: JOURNAL SA FILIPINO NG POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINASTAONG 2016

MICHAEL FRANCIS ANDRADA123para sa mga Rebolusyonaryong Palihan sa Panitikan ng ARMASNDF, maraming batayang babasahin na kaugnay atpinaghalawan ng naturang modyul ang maaakses sa PADEPAOnline.Sa mismong akto at puntong ito maaaring asintahin atipaliwanag ang Modyul para sa mga Rebolusyonaryong Palihansa Panitikan ng ARMAS-NDF. Ang modyul para sa palihan ngkilusang lihim ay kailangang malawakang ipalaganap, sa lahatng pamamaraang maaari. Sa kasong ito, ang moda ngproduksyon at pagpapalaganap sa modyul na nabanggit ay sadalawang pamamaraan: Una, sa paraan ng pagpapasa at pagaaral ng nakalimbag o nakasulat na modyul. Ikalawa, sapamamagitan ng pagpapasa at pag-aaral sa pamamagitan ngelektronikong pamamaraan, sa pamamagitan ng porma,disenyo at teknolohiya ng portable document format (PDF), namaaaring i-email o i-burn sa CD o DVD, at pagdaka’y i-print.Pinag-ugatan ng Modyul sa RebolusyonaryongPalihan sa PanitikanDalawang manggagawang pangkultura na direktangkalahok sa paglikha at pagpapaunlad ng nasabing modyul sapalihan ang nakapanayam at nagpaliwanag ng prosesongpinagdaanan ng modyul hanggang sa pinal na bersiyon nito: sinaKasamang Tulisan, dating executive director ng isang ligal naprogresibong kultural na organisasyong nakatuon sa kilusangpaggawa, at si Kasamang Anna Bundok, na kultural namanggagawa sa nasabing organisasyon.Ayon kina Kasamang Tulisan at Kasamang Anna Bundok,nagsimula ang naturang modyul bilang proyekto ng ligal naorganisasyon ng mga progresibong manggagawang kultural nanagbibigay ng mga palihan sa mga manggagawa, anak ngmanggagawa, at mga komunidad ng anakpawis. Nagsagawarin ng mga kumperensiyang pangkultura ang naturangorganisasyon upang pag-aralan, dalumatin, tasahin atmaglagom ng mga direksyon na pinatutunguhan opatutunguhan ng larangang pangkultura ng kilusang masa atkilusang mapagpalaya. Kilala rin ang organisasyon dahil sa noo’ytaunang gawad pampanitikan nito na direktang pinalalahok angmga manggagawa sa paglikha ng mga obrang pampanitikan atlikhang sining. Nakatutok noon ang naturang organisasyon sapaglulunsad ng mga art workshop, palihang pampanitikan (tula,awit at kuwentong-buhay), at theater acting workshop para samga bata.FILIPINOLOHIYA: JOURNAL SA FILIPINO NG POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINASTAONG 2016

124REBOLUSYONARYONG PALIHANAyon kay Kasamang Anna Bundok, sinimulangikonseptwalisa at isulat ang unang borador ng modyul sa palihansa panitikan noong unang bahagi ng unang dekada ng ika-21siglo. Ang unang borador ng modyul sa palihan ay dumaan samasalimuot na proseso ng pagboborador ng executive directorat ilang kasapi ng ligal na pangkulturang organisasyon,presentasyon sa mga miyembro nito para sa komento, atkalaunan ay nagsagawa ng test drive sa masang manggagawaat maralitang komunidad, at nagsagawa ng mga rebisyon.Nangangahulugan na ang modyul sa palihan ng ARMAS aydumaan muna sa aboveground na proseso, bago pa man rinpaunlarin bilang andergrawnd na textong magiging ang modyulsa rebolusyonaryong palihan sa panitikan.Isinalaysay rin ni Kasamang Anna Bundok na “Yung mgaunang workshop ng organisasyon, pangit ang kinalabasan. Walapang module noon, kaya hindi pa alam kung ano ang susundin.Later on, saka na lang nagdevelop ng module batay sa mgakaranasan sa mga unang workshop.”Idinagdag rin ni Kasamang Anna Bundok na “Bagomagsimula ang workshop, mayroong basic information naibinibigay yung mga participants. Tapos papipiliin sila kung saanglarangan nila gustong lumahok.” Ang nilalaman ng basicinformation ay pangalan, edad, istatus sa relasyon, may (mga)anak, trabaho, organisasyong kinabibilangan, at pinag-aralan.Ganito rin ang makikita sa pormularyo ng batayang impormasyonng pagkakakilanlan na nasa pinal na bersiyon ng modyul.Isinalaysay rin ni Kasamang Anna Bundok na “Sa mgaunang workshop, wala namang sinusunod na strict na structure.Kung ano ang napo-produce nila, yun ang pinagbabatayan.Halimbawa, nagkukuwentong buhay kami. Kung paano lang nilakinuwento, aayusin lang ang pagkakasunod-sunod ng mgadetalye. Pero wala namang mahigpit na standard.” Mula saganitong mga aboveground na praktis o ehersisyo ng palihannakakukuha ng inspirasyon at karanasan ang kilusang pambansademokratikosaebentwalnapaglikha, pagbuoatpagpapaunlad ng modyul sa rebolusyonaryong palihan sapanitikan ng ARMAS-NDF.Nang tanungin si Kasamang Anna Bundok kung ano angmas pinahahalagahan noon sa mga workshop sa ligal na antas,kung ang porma ba o ang nilalaman, sinabi niya na sabay napinauunlad ang politikal na nilalaman at ang porma. Aniya, hindirin iwinawaksi ang mga akdang mahusay ang politikal nanilalaman ngunit maaari pang paunlarin ang estilo o anyo: “MgaFILIPINOLOHIYA: JOURNAL SA FILIPINO NG POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINASTAONG 2016

MICHAEL FRANCIS ANDRADA125mungkahi lang kung paano aayusin ang kuwento, kung paanomagiging madulas ang daloy nito.” Masisipat sa ganitong praktisna ang palihan ay isang pagkakataon na paunlarin ang mga“work-in-progress,” na bukas ito sa pagdadalumat atpagpapakaranasan upang magpabalong at magpaunlad ngparaan ng paglikha ng panitikan. Kung kaya’t ang palihan ayisang bukas na okasyon upang konstruktibong paunlarin angnilalaman at kasiningan ng mga akda.Higit sa lahat, hindi lamang ang nagpapadaloy ngpalihan ang pinagmumulan ng istandard. Ayon kay KasamangAnna Bundok, hinihikayat nila na magsalita ang lahat ng naismagsalita o magpahayag tungkol sa mga akdang ibinunga ngworkshop. Idinodokumento sa pamamagitan ng pagtatala atpagrerekord (tape recorder) ang buong palihan upangmayroong babalikan para sa pagsisinop at pag-aaral. Isinumanaman ni Kasamang Tulisan na mahalaga na marinig ang tinig atopinyon ng mga kalahok, laluna ang mga tinig at opinyon ngmasang anakpawis na isinagilid ng dominanteng sistema. Paraanito upang makasinop ng tinatawag na “pamantayan sa sining”na nagmumula sa nakararami.Ang ganitong mga pahayag nina Kasamang AnnaBundok at Kasamang Tulisan ay konsistent sa posisyon ngdokumentong “Hinggil sa Rebolusyonaryong Panunuring Masa saSining at Panitikan” na matatagpuan sa apendiks ng modyul sapalihan sa panitikan ng ARMAS-NDF:Upang maging lubos ang rebolusyonaryong panunuri, ito ayisinasagawa hindi lamang sa pagitan ng mga rebolusyonaryongpwersa. Ang mga rebolusyonaryong likhangsining ay dapatibukas sa panunuri, puna at mungkahi ng awdyens o ng masangsiyang tumutunghay sa mga ito. Ang mga damdamin at ideyana iniiwan ng mga likhang-sining sa masa ang ultimong huhusgakung ang mga ito’y naging epektibo sa paglilingkod sa masa.(2006, 9)Nangangahulugan na ang pamantayan ng kasiningan atpagiging epektibo ng mga likhangsining ay mas magigingmakabuluhan at mapaghawan kung nagmumula sapinakamarami, kung nagmumula sa masa.Konsistent ang ganitong pagtingin maging sa pagsipat niLumbera, na maituturing bilang alternatibo at progresibong tinigsa loob at labas ng akademikong diskurso ng panitikan:Kailangang isali natin ang publiko, ang audience, sa ating paguusisa. Madalas na isinasantabi ang publiko kapag pinaguusapan ang likhang pampanitikan.FILIPINOLOHIYA: JOURNAL SA FILIPINO NG POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINASTAONG 2016

126REBOLUSYONARYONG PALIHAN .Sa kabutihang-palad, iginiit ng madla na sila ay buhay, maysariling pandama at pag-iisip at may kakayahang mamili kungalin ang akdang kanilang pahahalagahan. Maaaring angkanilang pamimili ay hindi umaayon sa panlasa ng awtor at ngkanyang mga kaututuang-dila, dahil may sarili silangpamantayan kung alin ang makabuluhan at makabubuti sakanila Ang kamalayang iyan ay may buhay na hiwalay saawtor at akda, ngunit sa pagkakataong magtugma angnakapaloob sa kamalayan at ang mga salita ng akda, maynagaganap na pagpukaw na nagiging sanhi ng pagkilos.(Lumbera 2000, 97-98)Mainam na diskurso ni Lumbera ang pagpapasaludsod na angmadla ay may sariling parametro at pamantayan ngpagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan, bukod pa sasila’y tunay namang may sariling produksyong pangkultura atpampantikan. Nangangahulugan ang ganitong pagtuon saproduksyon at reproduksyong pampanitikan ng masa, at angmismong produksyon at reproduksyong pampanitikan ng mgakilusan.Halimbawa, naobserbahan ni Kasamang Anna Bundok nasa mga palihan na kanilang isinasagawa ay “mas marami anglumalahok sa song writing at tula kaysa sa kuwentong buhay.”Magandang sipatin ang ganitong obserbasyon at ang ganitongpagpili ng masang kalahok sa palihan. Makikita rito na mayroongsariling pamantayan at pamamaraan ang madla sa paglikha ngsining, ng konsepto ng kung anong akdang pampanitikan silapinaka-komportableng lumikha. Idinagdag pa ni KasamangAnna Bundok na tula at kanta ang pinipiling lahukan ng mgakalahok sa palihan nila sapagkat “yung iba ay nahihiyangmagbahagi ng kuwentong buhay. Kasi parang masyadongmabigat pa para sa kanila yung kuwentong buhay dahilmasyadong personal.”Itong ganitong obserbasyon ay sa aktwal paninipat sadistinksyong personal at politikal pagdating sa paglikha ng mgaakdang pampanitikan at pansining. Paano nga ba susuriin angganitong demarkasyong mismong ilang kalahok sa palihan angnagpapatalos? Sa modyul sa palihan sa panitikan ng ARMASNDF, pinaaalalahanan ang tagapagpadaloy ng palihan nakailangan niyang ipatamo sa lahat ng kalahok ang halaga ngisang bukas-sa-loob, tapat, at konstruktibong paglikha. Sinisimulanito sa pamamagitan ng isang pagsasanay upang masimulanFILIPINOLOHIYA: JOURNAL SA FILIPINO NG POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINASTAONG 2016

MICHAEL FRANCIS ANDRADA127 ang paglikha ng akda. Hindi kailangang makinis agadang mga isinusulat. Bagamat sa mga bagay at karanasansa paligid nagmumula ang mga malikhaing akda,mahalagang matutunan ng mga kalahok angpaglalabas ng mga ideya at nasasaisip sa pamamagitanng inisyal na pagtatala. Natupad ba ng pagsasanay anglayunin na alisin ang bagahe ng mga kalahok ukol sapagsusulat? (2006, 14)Sa pag-alis ng bagahe ng mga kalahok ukol sa pagsusulat,inaasahan na maaalis rin ang bagahe ng mismongpagbabahagi, sapagkat inaasahang maipatatalos na angpagsusulat ay kapwa personal at politikal na pagbabahaginan atmay adhikaing idokumento ang buhay, pagkilos at pakikibaka ngmamamayan at kilusan, na ang primarya pa ring pamamaraanng transportasyon ng adhikain ay ang oral na tradisyon.Ayon kay Kasamang Anna Bundok, sa usapin ng talabanng oral at nakasulat na panitikan, ang palihan ay maypagpapahalaga sa parehong tradisyon: “Kung hindi nakasusulatang isang kalahok, o hirap sa pagsusulat, may tutulong namagtala para sa kanila ng kuwentong buhay nila.” Dagdag paniya, pagkilala ito sa iba’t ibang antas ng literasi na naabot ngmga kalahok sa palihan. Nangangahulugan rin ito na bahagi ngdokumentasyon ng buhay ng maralita, mamamayan, at ng mgaorganisadong puwersa ang paglikha ng maipapasang panitikanng adhikaing rebolusyonaryo. Nilinaw rin ni Kasamang AnnaBundok na “Ang mga kasama (pangkulturang manggagawa atmiyembro ng Partido Komunista ng Pilipinas o PKP o Partido)mismo ay nakalubog sa kanayunan at hindi lang nagmumula sasentro.”Halimbawa, sa kaso ng produksyong pampanitikan ngmga rebolusyonaryong puwersa sa Eastern Visayas, sa isangpanayam ni Jose Duke Bagulaya sa isang “revolutionary culturalcritic who refused to be named” (2006, 141), makikita kung saannagmumula ang mga batayan ng kilusang lihim sa pagbubuo ngistandard mula sa karanasan:All these revolutionary art forms are rooted in various other,traditional forms so that it seems difficult to speak of a singledialectical unity. There is, however, one single thread that ties allthe revolutionary forms: their roots in oral tradition. Theadaptation and other forms of poetry are connected tot the oraltradition of Eastern Visayas in the sense that all of them areoriginally recited and sang. This is due to the fact that writing hasalways been the privilege of the elite – the ilustrados.

sistema. Ngunit higit pa sa paghahalaw ay pinagpapanibagong-hubog nito ang mga produkto’t prosesong naturan upang paglinkurin sa rebolusyonaryong interes at adhikain. Sa digital na edisyon ng PADEPA (Pambansa Demokratikong Paaralan), ang pangkabuuang disenyo ng ideolohikal at kultural na teorya at praxis ng kilusang pambansa-