Araling Panlipunan - DepEd Dipolog City Division

1y ago
31 Views
4 Downloads
2.61 MB
35 Pages
Last View : 3d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Randy Pettway
Transcription

4Araling PanlipunanUnang Markahan - Module 8 Linggo 8:Heograpiyang Pantao: Populasyon,Agrikultura at IndustriyaKagawaran ng EdukasyonRepublika ng Pilipinas

Araling Panlipunan – Grade 4Alternative Delivery ModeUnang Markahan - Modyul 8: Heograpiyang Pantao: Populasyon, Agrikultura at IndustriyaUnang Limbag, 2020Paunawa hinggil sa karapatang – sipi. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ngPambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-isip sa ano mang akda ngPamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan otanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabingakda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ngbayad na royalty bilang kondisyon.Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ngprodukto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglayng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga maykarapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mgatagapaglathala (publishiers) at may-akda ang karapatang-aring iyon.Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Division of Valencia CitySchools Division Superintendent:Rebonfamil R. BaguioDevelopment Team of the ModuleAuthor:Liwayway M. DawadiasEditor:Nicolasa R. TaronzonReviewers:Cecilia E. Ingotan, PSDSChona DilangenSusan AlavanzaIllustrator:Fernando A. OmbayanLayout Artists:John Rimmon I. TaquisoManagement Team:Chairperson:Rebonfamil R. BaguioSchools Division SuperintendentCo-Chairperson:Eugene I. Macahis, Jr.Asst. Schools Division SuperintendentMembers:Jayvy C. Vegafria, CID Chief ESRuel C. Duran, EPS – Araling PanlipunanAnalisa C. Unabia, EPS – LRMSJoan Sirica V. Camposo, Librarian IIIsrael C. Adrigado, PDO IIInilimbag sa Pilipinas ng:Department of Education - Division of Valencia CityOffice Address: Lapu-lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709Telefax:(088) 828-4615Website:deped-valencia.org1

4Araling PanlipunanUnang Markahan - Modyul 8 Linggo 8:Heograpiyang Pantao: Populasyon,Agrikultura at IndustriyaAng kagamitan sa pagkatutong ito ay magkatuwang nainihanda ta sinuri ng mga guro mula sa mga pampublikongpaaralan. Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasalarangan ng Edukasyon na mag-email ng kanilang puna,komento at rekomendasyon sa Kagawaran ngEdukasyon saregion10@deped.gov.ph.Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mag puna atrekomendasyon.Kagawaran ng Edukasyon2Republika ng Pilipinas

3

PanimulaAng Modyul na ito ay ginawa para sa mga mag-aaral ng ikaapatna baitang sa asignaturang Araling Panlipunan.Tatalakayin sa modyul na ito ang heograpiyang pantao ngPilipinas kung saan pag-uusapan ang populasyon, agrikultura, atindustriya ng bawat rehiyon. Ang bansa ay hinati sa mga rehiyon upangmapadali ang pamamahala at pagbibigay ng serbisyo ng tao sapagkatang bawat rehiyon ay binubuo ng mga lalawigang malapit sa isa’t-isa atmay pagkakatulad na katangiang pangheograpiya.Inaasahang mailalarawan mo ang populasyon, agrikultura, atindustriya ng Pilipinas pagkatapos ng araling ito.Mga tala para sa GuroGabayan ang mga mag-aaral sapaggamit ng modyul sa Araling Panlipunan ngIkaapat na baitang.i4

AlaminPagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahangmakamit mo ang layunin sa pagkatuto.Mga layunin sa pagkatuto:1. Mailalarawan ang heograpiyang pantao (populasyon,agrikultura at industriya) ng Pilipinas.Paano matuto sa Modyul na ito:Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin angmga sumusunod na hakbang: Basahin at unawain nang mabuti ang aralin. Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagtataya atpagsasanay. Sagutin ang lahat na pagtataya at pagsasanay.ii5

Icons sa Modyul na itoAlaminSubukinAng bahaging ito ay naglalaman nglayunin sa pagkatuto na inihandaupang maging gabay sa iyongpagkatuto.Ito ay mga pagsasanay na sasagutinupang masukat ang iyong datingkaalaman at sa paksang tatalakayinBalikanAng bahaging ito ay may kaugnayansa nakaraang aralin at sa iyongbagong matututunanTuklasinIpakikilala ang bagong aralin sapamamagitan ng gawaing pagkatutobago ilahad ang paksang tatalakayinSuriinIto ay pagtatalakay sa pamamagitanng gawain sa pagkatuto upangmalinang ang iyong natuklasan sapag-unawa sa konsepto.Ito ay mga karagdagang gawain nainihanda para sa iyo upang ikaw aymagiging bihasa sa mga kasanayan.PagyamaninIsaisipMga gawaing idinisenyo upangmaproseso ang inyong natutunanmula sa aralin.IsagawaIto ay mga gawaing dinisenyo upangmaipakita ang iyong mga natutunanna kasanayan at kaalaman at ito aymagamit sa totoong sitwasyon.Ang pagtatayang ito ay ginamit upangmasusi ang inyong antas ngkasanayan sa pagkamit ng layunin sapagkatutoIto ay mga karagdagang gawaingpagkatuto na dinisenyo upang masmahasa ang iyong kasanayan atkaalaman.TayahinKaragdagangGawainiii6

SubukinPanuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.1. Aling rehiyon ang may pinakamaraming tao na naninirahan?A. Gitnang LuzonB. Kanlurang VisayasC. CALABARZOND. National Capital Region2. Aling rehiyon ang may pinakamaliit na bilang ng naninirahan?A. CARB. CARAGAC. ARMMD. MIMAROPA3. Alin sa mga sumusunod na mga pangunahing pangkat ng puloang may pinakamalaking populasyon?A. LuzonB. VisayasC. MindanaoD. Palawan4. Ang populasyon nito ay 4.74 milyon at gumagawa sila ngmalalaking tapayan o burnay mula sa luwad.A. Rehiyon IB. Rehiyon IIIC. Rehiyon IID. Rehiyon IV5. Isa itong agrikultural na rehiyon dahil biniyayaan ito ngmasaganang likas na yaman tulad ng mga taniman,pangisdaan, kagubatan at magagandang tanawin.A. NCRB. CARAGAC. ARMMD. MIMAROPA6. Sa mga rehiyon ng Visayas, dito matatagpuan ang lalawiganng Panay na makikita ang pinakamalaking taniman ng palay.A. Rehiyon VB. Rehiyon VIIC. Rehiyon VID. Rehiyon VIII7. Dinarayo ito ng mga turista dahil malamig ang klima rito.Tinawag din ang lugar na ito na Summer Capital ng bansa.A. CebuB. BukidnonC. BaguioD. Ilocos Suriv7

8. Ang Rehiyon na ito ay tinaguriang Tuna Capital ng Pilipinas.A. CARB. CARAGAC. ARMMD. SOCCSKSARGEN9. Anong lalawigan sa Rehiyon X ang may pinakamalawak nataniman ng pinya?A. CamiguinB. Lanao del NorteC. BukidnonD. Misamis Oriental10.Ayon sa PSA (Philippine Statistics Authority) ang populasyonng Rehiyon IV-A o CALABARZON sa taong 2010 ayA. 7.09 milyonB. 11.86 milyonC. 10.14 milyonD. 12.61 milyonv8

zAralin12Heograpiyang Pantao:Populasyon, Agrikulturaat IndustriyaAng populasyon, agrikultura at industriya ay siyang lakas ngbawat rehiyon ng Pilipinas.BalikanKumakain ka ba ng bigas? . Alam mo bang ang bigas ay galingsa palay? Maliban palay, ano pang mga produkto pangagrikultura ang makikita sa inyong lugar? Isulat ang sagot sa guhit.1.2.3.9

TuklasinAyusin ang mga nagulong pantig upang mabuo ng isang salita.Gra heo yang pio pan tapo las pu yonri ag tu kul ratri yad us inAno sa palagay mo ang araling natin sa modyul na ito?Inaasahang sagot:10

SuriinTingnan mo ang mga hugis. Mayroon itong mga letra sa loob.MLYPUSANEOGusto kong hulaan mo ang salitang may kaugnayan sa ating aralingamit ang mga hugis.MAno ang salita na iyong nabuo? Isulat ang sagot sa guhit.Ang populasyon ay tumutukoy sa bilang ng mga tao na naninirahan saisang tiyak na lugar o rehiyon. Ang Pilipinas ay binubuo ng 17 rehiyonna may iba’t-ibang bilang ng populasyon, agrikultura at industriya.MGA REHIYON SA LUZONAng Luzon ang pinakamalaking pangkat ng mga pulo sa Pilipinas.Rehiyon I: Ilocos Region Ang rehiyon ng Ilocos aymatatagpuansahilagang-kanluranngLuzon. Binubuo ito ng apat nalalawigan- Ilocos Norte,Ilocos Sur, La Union atPangasinan. Ilocano at Pangasinenseang mga pangkat ngtaong naninirahan sarehiyon. Nasa 4.74 milyon angpopulasyon nito noongtaong 2010.Kapaligirang Pilipino pahina 6611

Industriya at Produkto:Pagsasaka ang isa sa pangunahing hanapbuhay sa rehiyon.Bawang, tabako, palay, mais, bulak, tubo at mangga ang mgapangunahing produkto rito.Pangingisda rin ang pangunahing pinagkakakitaan ng mgaIlokano at Pangasinense. Ang mga pangunahing pangisdaan sarehiyon ay matatagpuan sa Laoag at Burgos sa Ilocos Norte at Sinaitat Candon sa Ilocos Sur. Matatagpuan sa Bonuan sa Dagupan at saBinmaley ang mga pangisdaang pinanggagalingan ng bangus, hito,dalag, hipon at alimasag.Paglililok at paghahabi ng kumot, tuwalya at punda angindustriyang pantahanan na nakadaragdag sa kanilang kita.Gumagawa rin sila ng malalaking tapayan o burnay mula sa luwad atnaglalala ng mga basket mula sa yantok at buli.Pinagkakakitaan din ng mga Pangasinense ang paggawa ngasin, bagoong na isda, alamang, bukato at mga kasangkapan mula sanarra tulad ng silya, mesa, aparador at platera.Rehiyon II – Lambak ng Cagayan Isaitonglambaknamatatagpuan sa HilagangSilangan ng Luzon. Binubuo ito ng mga lalawiganngBatanes,Cagayan,Isabela, Nueva Vizcaya atQuirino. Ang populasyon nito ayumaabot sa 3.23 milyonnoong taong 2010. Ibanag, Gaddang, Itawis atIlocano ang mga naninirahansa rehiyon subalit nahaluan narin ng mga Tagalog at ibapang pangkat.Kapaligirang Pilipino pahina 7012

Ilocano, Tagalog, Pangasinense, Pampango, Ibanag, Yogad atGaddang ang wika ng mga naninirahan dito. Ivatan, Ilocano at Tagalog naman ang mga dyalekto sa Batanes.Industriya at ProduktoPag-aalaga ng Baka ang pangunahing hanapbuhay sa rehiyonna ito dulot ng madamong lugar at magandang pastulan sa Batanes,Nueva Vizcaya at Isabela.Pangunahing industriya rin ang Pagtotroso at Pagtatabla dahil samalaking kagubatan ng rehiyon na napagkukunan ng mataas na uri ngkahoy tulad ng Narra, Guijo, Camagong at Lawaan.Ang malalaking pangisdaang nakapalibot sa pulo ng Batanes, saLook ng Divilican, Look ng Palawan sa Isabela at sa Ilog Cagayan angnagbibigay ng industriyang Pangisdaan.Ang industriyang pantahanan na pinagkakakitaan sa rehiyon ayang paggawa ng lubid, basket at sombrero na gawa sa valet, isangklase ng rattan at vakul na gamit sa ulo mula sa tuyong dahon ngvoyaboy.Rehiyon III: Gitnang Luzon Ito ay maypopulasyon na10.14 milyonnoong taong 2010. Ang rehiyon III aykilala sa tawag naGitnang Luzon oGitnangKapatagan. Binubuoito ngBataan, Bulacan,NuevaEcija,Pampanga, TarlacKapaligirang Pilipino pahina 75at Zambales.Sinasabi na ang Tarlac ay maituturing na melting pot ng rehiyon dahiliba’t-ibang pangkat ng tao ang naninirahan dito. Ang mga Aeta o maskilala sa tawag na Agta o Ata at sinasabing pawang hango sa salitang“it” na ang kahulugan ay itim (tagalog) o itom (Bisaya).13

Industriya at Produkto Pagsasaka ang pangunahing industriya sa Luzon at Palay angpangunahing itinatanim. Tinaguriang “Kamalig ng Bigas” ng bansa ang Gitnang Luzondahil nangunguna ito sa pag-aani ng Palay. “Bangan ng Palay” ang tawag sa lalawigan ng Nueva Ecija dahilnapakaraming Palay ang inaani dito. Pangunahing produkto rin sa rehiyon ang asukal, tabako, mais,mani, kamote at sari-saring gulay. Tanyag ang Zambales sa pag-aani ng magagandang uri ngmangga. Ang iba pang pangunahing ikinabubuhay ng taga Gitnang Luzonay ang pangingisda, pagmimina, pagyari ng mga kasangkapansa bahay at pangangalakal.Rehiyon IV-A: CALABARZONCALABARZON ang tawagsa pinakabagong rehiyondahil binubuo ito ng mgalalawiganngCavite,Laguna, Batangas, Rizal atQuezon. Mayroon itong12.61 milyon na populasyonnoong taong 2010 atkaramihan sa naninirahandito ay mga tagalog.Industriya at ProduktoKapaligirang Pilipino pahina 80Pagsasaka ang pangunahing pinagkakakitaan sa rehiyon dahil samalalawak na taniman dito. Ilan sa mga produkto rito ay palay, tubo,niyog, saging, kape, sari-saring gulay at marami pang iba.Pangingisda rin ang isa sa pangunahing pinagkakakitaan saCALABARZON. Ang mga pangisdaan ay matatagpuan sa Look ngTayabas at Look ng Lamon.Matatagpuan din sa rehiyon ang industriya ng mga industrialparks at magagandang tanawin tulad ng Pagsanjan Falls, Rizal Shrineat iba pang nagbibigay turismo rito.14

Rehiyon IV-B: MIMAROPA Ito ay binubuo ng mgaPulo ng Mindoro (OrientalatOccidental),Marinduque, Romblon atPalawan. Sa taong 2010, angpopulasyon nito ay umabotsa 2.73 milyon. Ang mgaTagbanwa,Pala’uan,Molbog, Keney at Batakang bumubuo sa Palawan.Ang mga Mangyan namanaymatatagpuansaMindoro at mga Tagalogkaramihan sa Marinduqueat Romblon.Kapaligirang Pilipino pahina 84Industriya at ProduktoAng MIMAROPA ay isang rehiyong agrikultural. Biniyayaan ito ngmasaganang likas na yaman tulad ng mga taniman, pangisdaan,kagubatan at magagandang tanawin.Ang mga pangunahing pinagkakakitaan maliban sa pagsasakaay pangingisda, pagmimina, turismo at industriyang pantahanan. Angmga magagandang tanawin sa Palawan at Mindoro ay nakaakit sa mgaturista.Rehiyon V: Rehiyon ng Bicol Binubuo ito ng mgalalawigan ng ate at Sorsogon. Bicolano ang tawag samgamamamayangnaninirahansarehiyon.Angpopulasyon nito sataong 2010 ay umabotsa 5.4 milyong katao.Kapaligirang Pilipino pahina 8815

Industriya at ProduktoPagsasaka at pangingisda ang pangunahing hanap-buhay ngmga tao. Abaka ang pangunahing produkto ng rehiyon at angpangunahing pangisdaan ay ang Golpo ng Ragay, Look ng San Miguel,Look ng Magallanes at Golpo ng Lagonoy.Makikita sa Lawa ng Buhi ang pinakamaliit na isdang tabang angPandaka Pygmaea. Maroon din silang plantang heotermal napinapatakbo ng mainit na singaw ng lupa sa Tiwi, Albay.National Capital Region (NCR)TinaguriandinitongPambansangPunongRehiyon o National CapitalRegion (NCR).Ang populasyon nitotaong 2010 ay umabot sa11.86 milyon ka tao.Pangunahingmamamayan dito ang mgaTagalog na mula sa Rizal,GitnaatKatimugangLuzon.Kapaligirang Pilipino pahina 92Industriya at ProduktoMaituturing na sentro ng kalakalan at iba’t-ibang industriya angNCR dahil sa mga makabagong sistema ng transportasyon dito tuladng Metrotrain, Metrostar at iba pa. Nagpapabilis sa local atpandaigdigang kalakalan ng Pilipinas ang mga daungan ng Look ngMaynila at ang paliparan, ang Ninoy Aquino Internation Airport o NAIA.Ang Industriya ng Paggawa ang isa sa pangunahingpinagmumulan ng kita ng bansa. Makikita sa rehiyon ang malalakingpagawaan ng tela, kendi, kasuotan at mga produktong de-lata.Pangunahing hanapbuhay ang pangingisda sa Navotas atMalabon na malapit sa Look ng Maynila at sa Taguig na malapit saLaguna de Bay.16

CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION (CAR)Binubuo ito ng mgalalawiganngAbra,Benguet, Kalinga, Apayao,IfugaoatLalawigangBulubundukin (MountainProvince). Mga Igorot angpangkalahatang tawag samga katutubo sa rehiyon.Ang populasyon nito taong2010 ay 1.52 milyongkatao.Kapaligirang Pilipino pahina 98Industriya at ProduktoMarami sa CAR ang nabubuhay sa pagsasaka. Umaani sila ngpalay sa pamamagitan ng Hagdan-hagdang Palayan (Rice Terraces).Marami din silang tanim na gulay tulad ng letsugas, repolyo, carrot atiba pa. Ang Lambak ng Trinidad ay sentrong taniman ng sari-saringgulay kaya ito tinawag na Salad Bowl ng Pilipinas.Sagana din ito sa yamang mineral. Makikita sa Itogon, Tuba atMankayan sa Benguet ang mga minahan ng ginto, pilak at tanso.Pinagkakitaan din nila ang pag-aalaga ng baka at kabayo, paggawa ngmga kagamitang inukit sa kahoy, paghabi ng tela, kumot at kasuotangpangginaw, paggawa ng palayok paggawa ng kasangkapang gawa sakawayan, rattan at yantok.MGA REHIYON SA VISAYASAng Visayas ay isang pangunahing kapuluan. Ito ay pangkat ngmga pulo sa pagitan ng Luzon at Mindanao. Tinatawag ding GitnangPilipinas ang Visayas.Rehiyon VI: Kanlurang VisayasAng Kanlurang Visayasay nasa pagitan ngDagat Visayas at DagatSulu. Binubuo ito ngmga lalawigan ng Aklan,Iloilo,Antique,Guimaras at NegrosOccidental.Maypopulasyong7.09milyon katao sa taong2010.Kapaligirang Pilipino pahina 10917

Ilonggo ang pangkalahatang katawagan sa mga mamamayan ngrehiyon. Hiligaynon ang kanilang dyalekto samantalang Kinaray-a angdyalekto ng mga taga-Antique at ilang bayan ng Iloilo. Ang mga tagaAklan naman ay nagsasalita ng Aklanon. Malambing, malumanaymasayahin at palakaibigan ang mga Ilonggo.Industriya at ProduktoPagsasaka ang isa sa mga pangunahing industriya sa Rehiyon.Tubo ang produktong agrikultura nila. Itinuturing ring “Kamalig ngPalay” ang Panay dahil dito makikita ang pinakamalaking taniman ngpalay sa rehiyon.Mahalaga ring hanapbuhay ng rehiyon ang pangingisda.Nadaragdagan din ang kita ng mga mamamayan sa pamamagitan ngiba’t-ibang industriyang pantahanan tulad ng paghahabi ng telang pinyaat jusi na ginawang barong Tagalog at kasuotang pambabae.Rehiyon VII: Gitnang VisayasAng Gitnang Visayas aybinubuo ng mga pulo ngBohol, Cebu, Siquijor atmga lalawigan ng NegrosOriental.Ang populasyon nito sataong 2010 ay umabot sa6.78 milyong katao.Kapaligirang Pilipino pahina 112Karamihan sa naninirahan sa rehiyon ay Cebuano. Ang mga Magahatsa Negros Oriental at Ekaya sa Bohol ang ilan sa mga pangkat etnikosa rehiyon.Industriya at ProduktoAgrikultura, pangingisda, pagmimina at manufacturing ang mgapangunahing industriya sa Gitnang Visayas. Ang pangunahing ani sarehiyon ay mais, kapok, palay, kopra, niyog, sitrus at iba pa.Tulad ng Metro Manila, paggawa ng mga kagamitan ang isa sapangunahing industriya ng rehiyon. Ang Mactan Export ProcessingZone ay nagbibigay ng hanapbuhay sa maraming Cebuano.18

Rehiyon VIII: Silangang VisayasAngSilangangVisayas ay binubuo ngdalawang malalakingpulo ng Samar, Leyte,Biliran at ng maliliit napulo sa palibot nito.May populasyon ito na4.09 milyong kataotaong 2010.MgaWarayangnaninirahansarehiyon. Waray dinang kanilang dyalekto.Kapaligirang Pilipino pahina 116Industriya at ProduktoPagsasaka ang pangunahing industriya sa rehiyon. Palay, tubo,niyog at mais ang pangunahing pananim dito.Maunlad din ang industriya ng pangingisda sa Silangang Visayas.Ang ibang taga rehiyon ay nabubuhay sa paglalala ng magaganda atmakukulay ng banig yari sa tikug. Kumikita naman ang iba sapagtotroso at pagmimina.MGA REHIYON SA MINDANAOPangalawa sa pinakamalaking pulo ng Pilipinas ang Mindanao.Dahil sa taglay nitong yaman, tinawag itong Lupang Pangako.Rehiyon IX: Tangway ng ZamboangaKapaligirang Pilipino pahina 12519

May tatlong lalawigan ang Rehiyon IX- Zamboanga del Norte,Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay at Lungsod ng Isabela saBasilan. Ang populasyon nito taong 2010 ay 3.40 milyon katao.Cebuano, Chavacano at Tausug ang mga pangunahing dyalektosa rehiyon. Ilan sa mga pangkat etniko na naninirahan dito ay Subanon,Kalibugan, Maguindanao, Jama Mapun, Tausug, Samal at Yakan.Industriya at ProduktoAng pangunahing hanapbuhay ng mga mamamayan dito aypagsasaka. Niyog ang kanilang pangunahing produkto. Umaani rin silang palay, mais at sari-saring prutas tulad ng Lansones at Langka.Isa rin sa pangunahing hanapbuhay ng mga tao rito aypangingisda. Ang malalaking bahagi ng mga isdang nahuhuli ay tuladng Tuna at Mackerel. Sagana rin ang dagat dito ng korales at susongdagat.Pinagkakakitaan rin ang paggawa ng bangka at mga produktongpampalamuti na gawa sa kapis at sigay. Nagsisilbi ring atraksiyon samga turista ang makukulay na Vinta na naglalayag sa mga baybayin.Rehiyon X: Hilagang MindanaoKapaligirang Pilipino pahina 127Bukidnon, Camiguin, Lanao del Norte, Misamis Occidental atMisamis Oriental ang mga lalawigang bumubuo sa Rehiyon X. Angpopulasyon nito taong 2010 ay 4.28 milyon katao. Mga Bukidnon,Manobo, Subanon, Mamanwa, Higaonon, Tiruray at Bagobo ang mgapangkat-etniko sa matatagpuan sa Rehiyon.Industriya at ProduktoMarami sa mga mamamayan dito ang nabubuhay sa pagsasakaat paghahayupan dahil sa malawak na kapatagan at talampas.20

Pangunahing produkto rito ang niyog, palay, abaka, pinya, sagingat kape. Ang malamig na klima ay angkop sa produksyon ng pinya.Matatagpuan sa Bukidnon ang pinakamalaking taniman ng pinya saRehiyon.Ang pagmimina ay isa ring mahalagang industriya sa rehiyon.Matatagpuan ang malalaking deposito ng mineral, chromite,manganese, ginto, bakal, luwad at apog sa mga lalawigan ng MisamisOriental at Misamis Occidental.Rehiyon XI: Rehiyon ng DavaoKapaligirang Pilipino pahina 130Ito ay binubuo ng apat na lalawigan ng Davao: Davao, Davaodel Sur, Davao Oriental at Lambak Compostela. Mayroon itong 4.45milyon na populasyon sa taong 2010.Matatagpuan sa rehiyon ang pinakamataas na bundok ng bansa,ang Bundok Apo. Tinatawag na Dabaweno ang karamihan sananinirahan sa rehiyon at ang pangunahing dyalekto ay Cebuano.Industriya at ProduktoPagsasaka ang pangunahing industriya ng rehiyon. Angmalalawak na taniman nito ay nagbibigay hanapbuhay sa mgamamamayan rito.Ang pangingisda ay isa rin sa pangunahing pinagkakakitaan ngrehiyon. Ang magandang pangisdaan ay nasa Golpo ng Davao, Lookng Pujada, Mayo, Baculin at Cateel.Sagana ang mga kagubatan nito ng matataas na uri ng kahoygaya ng Dao, Camagong, Lawaan at Narra. Ang produktong kahoy aypangunahing iniluluwas ng rehiyon sa ibang bansa.21

Sagana rin sa yamang mineral tulad ng ginto, tanso, pilak, nikel,tingga at cobalt ang mga kabundukan ng rehiyon. Narito ang malalakingkompanya ng minahan tulad ng Apex Mines at North Davao Mines.Rehiyon XII: SOCCSKSARGENTinatawagitongSOCCSKSARGEN dahilbinubuo ito ng ,Saranggani, at GeneralSantos. Ang populasyonng rehiyon sa taong 2010ay 4.10 milyon katao.Tiruray,BagoboatManobo ang sumasalaminat nagpapayaman sakatutubong kultura ngrehiyon.Kapaligirang Pilipino pahina 133Industriya at ProduktoPagsasaka ang pangunahing industriya ng rehiyon. Angpangunahing produkto nito ay palay, niyog at goma. Dahil malaki angproduksiyon ng palay sa Cotabato, tinawag itong Kamalig ng Palay ngMindanao.Ang pangingisda ay pinanggagalingan din ng malaking kita sarehiyon. Ang pangunahing pangisdaan ng rehiyon ay ang Lawa ngSebu at Look ng Saranggani. Sagana ang isda rito tulad ng yellowfintuna, mackerel at skip-jack. Tinaguriang Tuna Capital ng Pilipinas angRehiyon ng SOCCSKSARGEN.Rehiyon XIII: CARAGABinubuoitonglalawigan ng Surigaodel Norte, Surigao delSur, Agusan del Norteat Agusan del Sur. Angmga Mamanwa angnaninirahan sa Agusandel Norte, Surigao delNorte at Surigao delSur.Kapaligirang Pilipino pahina 13622

Industriya at ProduksiyonPagsasaka, pagmimina, pangingisda at pagtotroso ang mgapangunahing industriya ng rehiyon. Ang Agusan del Norte angnangunguna sa produksiyon ng palay na isa sa pangunahingpangkabuhayan ng mga tao. Nag-aani rito ng abaka, kakaw, saging,palay, mais, kapok at tabako.Pagmimina ang pangunahing industriya sa Surigao del Nortekung saan matatagpuan ang pinakamalaking nikel sa pulo ng Nonoc,at pinakamalaking deposito ng iron, ore sa Punta Tigas, Surigao delSur. Iba pang mineral na mamimina sa rehiyon ang ginto, pilak,chromite, tanso at tingga.Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM)Ang ARMMay binubuo ngmga lalawigan ngLanao del Sur,Maguindanao,Sulu, Tawi-Tawiat Basilan malibansa Lungsod ngIsabela.Angpopulasyon nitotaong 2010 ay3.25 milyon katao.Kapaligirang Pilipino pahina 139Mga pangkat na bumubuo sa rehiyon: Maguindanao – Ilanun, Tiruray at Maguindanao Lanao del Sur – Maranao Basilan, Tawi-Tawi at Sulu – Badjao, Kaagen, Samal at TausugIndustriya at ProduktoPangingisda ang pangunahing industriya sa rehiyon. Kumikita rinang mga Samal, Sama de Laut at Maguindanaoan sa paggawa ng mgabangka.Isang matandang hanapbuhay sa kapuluan ng Sulu ang paninisidng perlas. Kilala rin ang mga Samal ng Tawi-tawi sa paglala ngmatitibay at makukulay na banig na yari sa pandan.23

PagyamaninPanuto: Pagtambalin ang hanay B sa hanay A at isulat ang letra nginyong sagot sa patlang.BA1. May 10.14milyongpopulasyonA. Nueva Ecija2. TirurayB. Gitnang Luzon3. Tuna CapitalC. Maguindanao4. Salad Bowlng bansaD. SOCCSKSARGEN5. Bangan ngPalayE. Lambak ngCagayanF. Rehiyon ng Davao24

IsaisipPanuto: Punan ang patlang ng tamang sagot at piliin ang sagot sakahon.Lambak ng ermalheoternal1. MatatagpuansaHilagang-Silangan.ngLuzonang2. Ang MIMAROPA ay isang rehiyong .3. Makikita sa rehiyong ito ang plantang napinatatakbo ng mainit na singaw ng lupa.4. Maraming mamamayan sa Hilagang Mindanao ang nabubuhaysa pagsasaka at paghahayupan dahil sa malawak na kapataganat .5. Isang matandang hanapbuhay sa kapuluan ng Sulu ang paninisidng .25

IsagawaPanuto: Sagutin ang sumusunod.1-3. Isulat ang T kung tama ang pangungusap at M naman kung hinditama.1. Sa Mang Pedro ay gumagamit ng organikong pataba sakanyang mga pananim na gulay.2. Mas pinipili na bilhin ni Gemma ang mga produkto na gawa saating bansa kaysa sa mga produkto na galing sa ibang bansa.3. Gusto ni Aling Elena na tatlo lamang ang kanyang anak kayanakikinig siya ng mabuti sa oryentasyon tungkol sa pagpigilsa pag-aanak.4-5. Bilang mag-aaral, paano mo pahahalagahan ang mga produkto ngating bansa? (2 puntos)26

TayahinPanuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.1. Ang Ilocano at Pangasinense ang mga pangkat ng taongnaninirahan sa rehiyon na ito.A. Rehiyon IB. Rehiyon IIIC. Rehiyon IID. Rehiyon IV2. Sa Cebu matatagpuan ang Mactan Export Processing Zone nanagbibigay hanapbuhay sa maraming Cebuano. Sa anongrehiyon nasasakop ang Cebu?A. Rehiyon VB. Rehiyon VIIC. Rehiyon VID. Rehiyon VIII3. Sa rehiyong ito matatagpuan ang Palasyo ng Malacanang naopisyal na tirahan ng Pangulo ng bansa.A. CARB. CARAGAC. NCRD. Kanlurang Visayas4. Dito matatagpuan ang pinakamalawak na taniman ng pinya sabansa?A. CebuB. BaguioC. DavaoD. Bukidnon5. Ang rehiyon na ito ay sagana sa yamang mineral tulad ng ginto,tanso at pilak. Dito rin matatagpuan ang kompanyang minahangApex Mines.A. Rehiyon ng DavaoB. Hilagang MindanaoC. Silangang VisayasD. Lambak ng Cagayan6. Anong rehiyon ang tinaguriang Tuna Capital ng bansa?A. Rehiyon XB. Rehiyon XIIC. Rehiyon XID. Rehiyon XIII27

7. Anong rehiyon sa Luzon na ang pinagkakakitaan ay industriyangpantahanan sa paggawa ng lubid, basket, sombrero at vakul?A. Rehiyon IB. Rehiyon IIIC. Rehiyon IID. Rehiyon IV-A8. Ang sumusunod ay ang agrikultura at industriya sa Rehiyon XIIIMALIBAN sa isa.A. PagmiminaB. PagsasakaC. PagtotrosoD. Manufacturing9. Anong rehiyon sa Luzon ang tinaguriang “Kamalig ng Bigas” dahilnangunguna ito sa pag-aani ng palay?A. Rehiyon IIB. Rehiyon IV-AC. Rehiyon IIID. Rehiyon IV-B10. Ang populasyon ng rehiyon na ito ay 4.09 milyon at naninirahandito ang mga Waray.A. Rehiyon VI: Kanlurang VisayasB. Rehiyon VII: Gitnang VisayasC. Rehiyon VIII: Silangang VisayasD. Rehiyon IX: Tangway ng Zamboanga28

Karagdagang GawainAlin ang HINDI kabilang sa bawat rehiyon. Bilugan ang sagot sapagpipilian sa ibaba.1. Rehiyon II: Lambak ng klanonHigaononIlanun2. Rehiyon IV-B: MIMAROPAYogadTagbanwa3. Rehiyon VI: Kanlurang VisayasHiligaynonKinaray-a4. Rehiyon X: Hilagang MindanaoManoboSubanon5. Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM)BadjaoMamanwaMaranao29Tausug

Karagdagang Gawain1. Aeta2. Yogad3. Cebuano4. Ilanon5. Mamanwa30Pagyamanin1.B2.C3.D4.E5.AIsaisip1.Lambak isagawa1.T2.T3.T4-5. (iba-iba ang sagot ng mga bata)9. C10.B4. D5. A7. C8. D2. B3. C6. BTayahin1. ASubukin1. C2. A3. A4. A5. D6. C7. C8. D9. C10. DSusi sa Pagtataya:

Sanggunian:Adriano, M. G.V., M. A. Caampued , C. A. Capunitan., W.F. Galarosa,N.P. Miranda, & E.R. Quintos (2015). Araling Panlipunan-Ikaapatna Baitang. VIBAL Group Publishing, IncAnda, Menardo O. (2006) Makabayan: Kapaligirang Pilipino, BatayangAklat sa Ikaapat na Baitang, LG&M Corporation31

For inquiries and feedback, please write or call:Department of Education – Division of Valencia CityLapu - Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709Telefax: (088) 828 - 461532

33

34

4 Araling Panlipunan Unang Markahan - Modyul 8 Linggo 8: Heograpiyang Pantao: Populasyon, Agrikultura at Industriya Ang kagamitan sa pagkatutong ito ay magkatuwang na inihanda ta sinuri ng mga guro mula sa mga pampublikong paaralan. Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasa larangan ng Edukasyon na mag-email ng kanilang puna,

Related Documents:

Araling Panlipunan . 2 Araling Panlipunan 2 Ma. Ther Inilimbag sa Pilipinas ng _ Department of Eduction-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address: nd 2 Floor Dorm G, PSC Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072 E-mail Address: imcsetd@yahoo.com Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Consultant: Zenaida E. Espino .

Araling Panlipunan . ii Araling Panlipunan 2 ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan n Pangalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph.D. Consultant: –Ikalawang Baitang Patnubay ng Guro Unang Edisyon, 2013 ISBN: Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa .

ISBN 978-621-421-072-5 (PDF) Jointly published by: Department of Education (DepEd) DepEd Complex. Meralco Ave., Pasig City 1800, Philippines Contact: action@deped.gov.ph. website: https://www.deped.gov.ph United Nations Children's Fund (UNICEF) Philippines Country Office 14th Floor, North Tower, Rockwell Business Center Sheridan

by NEAP to provide professional development to teachers and/or school leaders within DepEd under DO No. 001, s. 2020. b. DepEd Service Providers (DSP) are DepEd Central Office bureaus, services or units, DepEd Regional Offices or DepEd Schools Division Offices that have been awarded formal, fixed-term

Grade 7 Deped Araling Panlipunan Teachers Guide.pdf chevrolet tracker 2015 manual, richard wagner morde mythen mittelalter opernfuhrer 3, the routledge companion to l andscape studies thompson ian howard peter wa

Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 7: Ang Paglaganap ng Relihiyong Islam sa Pilipinas Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Rep

DIPOLOG CITY GOVERNMENT TLE - Dressmaking Grade 7/8 SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT Quarter 1 - Module 1: Sewing Tools and Their Uses First Edition, 2020 Printed in the Philippines by _ Department of Education - Region IX - Dipolog City Schools Division Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City

During the 1970s remarkable properties of black holes were studied theoreti-cally resulting in the black hole laws that are analogous to the thermodynamical laws. In 1975 Hawking studied the quantum field theory in the region of a black hole event horizon. He found that black holes emit radiation and that this radia- tion had a thermal spectrum. This is a thermodynamical phenomenon resulting .