Araling Panlipunan - Znnhs.zdnorte

1y ago
63 Views
13 Downloads
1.82 MB
16 Pages
Last View : Today
Last Download : Today
Upload by : Kamden Hassan
Transcription

Republic of the PhilippinesDepartment of EducationRegional Office IX, Zamboanga Peninsula8Araling PanlipunanIkaapat na Markahan-Modyul 2,Week 3 & 4Mga Dahilan, Mahahalagang Naganap atBunga ng Ikalawang Digmaang PandaigdigName of Learner:Grade & Section:Name of School:

Araling Panlipunan – Ikawalong BaitangIkaapat Na Markahan – Modyul 2- Week 3-4: Mga Dahilan, Mahahalagang Naganap atBunga ng Ikalawang Digmaang PandaigdigUnang Edisyon, 2021Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ngkarapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan munaang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito aypagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay angpagtakda ng kaukulang bayad.Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brandname, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito aynagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upangmakuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala atmga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito aykinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag saanomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Leonor Magtolis BrionesPangalawang Kalihim: Diosdado M. San AntonioBumuo sa Pagsusulat ng ModyulManunulat: Ginalyn S. Cabilin at Charles Ryan A. CalacatEditor:Monina R. AntiquinaTagaguhit: Chris Raymund M. BermudoTagalapat:Tagapamahala:Virgilio P. Batan, Jr. – Schools Division SuperintendentLourma I. Poculan – Asst. Schools Division SuperintendentAmelinda D. Montero- Chief, CIDNur N. Hussien, DM – Chief, SGODMonina R. Antiquina,EMD – Education Program Supervisor APJanette A. Zamoras – Public Schools District SupervisorRonillo S. Yarag, EdD – EPS – LRMDSLeo Martinno O. Alejo – PDO II – LRMDSInilimbag sa Pilipinas ngDepartment of Education – Region IX – Dipolog City Schools DivisionOffice Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog CityZamboanga del Norte, 7100Telefax:(065)212-6986 and (065) 212-5818E-mail Address:dipolog.city@deped.gov

AlaminMELC: Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaringnaganap at bunga ng ikalawang Digmaang Pandaigdig. AP8AKD-IVb-2Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang: Natutukoy ang mga sanhi, mahahalagang pangyayari at bunga ngikalawang digmaang pandaigdig. Nakapagtala ng mga dahilan, mahahalagang pangyayari at bunga ngikalawang digmaang pandaigdig. Nakaka pagsulong ng adbokasiya tungkol sa di-magandang dulot ngmga digmaan sa pamamagitan ng paggawa ng simpleng jingle at ibapa.BalikanPanuto: Piliin sa mga salita sa loob ng kahon ang tinutukoy na mga naganapna pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig sa bawat bilang sa ibaba.Titik lamang ang piliin ng may katumbas na tamang sagot sa bawat bilang.Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.Ang Digmaan sa KanluranAng Digmaan sa SilanganAng Digmaan sa BalkanAng Digmaan sa Karagatan200 bilyong dolyarPangulong Woodrow WilsonHunyo 28,1914Kasunduan ng Versailles1. Naganap ang pinakamainit na labanan noong Unang DigmaangPandaigdig na ang bahaging sakop ng digmaan ay mula HilagangBelhika hanggang sa hangganan ng Switzerland.2. Kailan pinatay si Archduke Franz Ferdinand at ang asawa nitong siSophie.3. Digmaan ng Paglusob ng Russia sa Prussia(Germany)sa pangunguna niGrand Duke Nicholas.4. Ang paglusob ng Austria at tinalo ang Serbia pagkaraan ng ilang buwan.5. Ang halagang nagastos ng Unang Digmaang Pandaigdig.6. Ang Kasunduan na nagtanim ng hinanakit sa Germany.7. Binalangkas niya ang Labing-apat ng Puntos na naglalaman ng mgalayunin ng United States sa pakikidigma.8. Ang digmaan na nag subukan ang mga hukbong pandagat ng Germanyat Britanya.9. Ang paglusob sa Belhika ng mga hukbong Germany at ipagwalangbahala nitong huli ang pagiging neutral na bansa .10. Ang Digmaan noong 1916, na karamihan sa mga estado ng Balkan ay1

napasailalim na ng Central Powers.TuklasinSagutin ang katanungan sa mga kahon.Ano sa iyong palagay angdahilan o sanhi ng mgadigmaang?Ano sa iyong palagay angmgamahahalagangnagaganap tuwing maydigmaang?Ano sa iyong palagay angmga di-mabuting epektong mga digmaang?SPanuto: Basahin, suriin, at unawain mo ang nilalaman ng teksto tungkol sadahilan, mga mahahalagang pangyayari at bunga ng ikalawang digmaangpandaigdig.Mga Sandhi ng Ikawlawang digmaang PandaigdigHindi pa man lubusang nakababangon sa mga pinsala ng digmaan ang mga bansa sadaigdig, muling umigting ang mga hidwaan sa pagitan ng mga bansa. Dala na rin ito ngnasimulang ambisyon ng mga makapangyarihang bansa na maipagpatuloy ang pananakop atpagpapalawak ng kanilang teritoryo. Ang mga pangyayarig naganap at nagpasiklab ngikalawang Digmaang Pandaigdig ay a ng mga sumusunod:Pag-agaw ng Japan sa Manchuria. Noong 1931, inagaw ng Japan ang lunsod ngManchuria. Kinundena ng Liga ng mga Bansa ang Japan at sinabing ang ginawang itoay paglusob. Kasunod ng pagkundena, itiniwalag sa Liga ng mga Bansa ang Japan.Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa. Ang Germany naman ay tumiwalag saLiga noong 1933 sapagkat ayon sa mga Aleman, ang pag-aalis at pagbabawal ng Liga sapagsasandata ng Germany ay isang paraan ng pag-aalis ng karapatang mag-aarmas.Matapos tumiwalag, pinasimulan ni Adolf Hitler, ang lider ng Nazi, ang mulingpagtatatag ng sandatahang lakas ng bansa. Layon ni Hitler na labagin ang kasunduansa Versailles na naglagay sa Germany sa kahiya-hiyang kondisyon.Upang makabangonsa pagkagapi sa Unang Digmaang Pandaigdig, pinagbalakang mabuti ni Hitler angmuling pananakop. Bilang sagot ng mga bansa sa paghahanda ng Germany, ang Franceay nakipag-alyansa sa Rusya laban sa Germany. Pinalilimitahan naman ng Inglatera angbilang o laki ng puwersa ng Germany.Ngunit sa kabila nito’y nagpadala pa rin ng tropasa SONA ang Germany.Pagsakop ng Italya sa Ethiopia. Sa pamumuno ni Benito Mussolini, sinakop ngItalya ang Ethiopia noong 1935. Tuwirang nilabag ng Italya ang Kasunduan sa Liga(Covenant of the League).2

Digmaang Sibil sa Spain. Nagsimula ang digmaang sibil sa Spain noong 1936 sapagitan ng dalawang panig: ang pas istang Nationalist Front at ang sosyalistang PopularArmy. Nanalo ang mga Nasyonalista. Marami ang nadamay sa digmaang sibil ng Spaindahil sa pakikialam ng ibang bansa.Pagsasanib ng Austria at Germany (Anschluss) Nais ng mga mamamayangAustriano na maisama ang kanilang bansa sa Germany. Ngunit ang pagsisikap na itoay sinalungat ng mga bansang kasapi sa Allied Powers (Pransya, Gran Britanya atEstados Unidos). Dahil sa kasunduan sa pagitan ng Italya at Germany na kinalabasanng Rome -Berlin Axis noong 1936, ang pagtutol ni Mussolini sa nasabing unyon ngAustria at Germany ay nawalan ng bisa noong 1938.Paglusob sa Czechoslovakia. Noong Setyembre 1938, hinikayat ni Hitler ang mgaAleman sa Sudeten na pagsikapan na matamo ng kanilang awtonomiya. Dahil dito,hinikayat ng Inglatera si Hitler na magdaos ng isang pulong sa Munich. Ngunitnasakop ni Hitler ang Sudeten at noong 1939, ang mga natitirang teritoryo saCzechoslovakia ay napunta na rin sa Germany.Paglusob ng Germany sa Poland. Huling pangyayari na nagpasiklab sa IkalawangDigmaang Pandaigdig ang pagpasok ng mga Aleman sa Poland noong 1939.Angpagsakop na ito ay pagbaligtad ng Germany sa Russia na kapwa pumirma sakasunduang Ribbentrop-Molotov, isang kasunduan ng hindi pakikidigma. Angpagbaligtad na ito ay dulot ng sumusunod na pangyayari:Hindi pagsali ng Russia sa negosasyon tungkol sa krisis ngCzechoslovakia.Pagkainis ng Russia sa Inglatera nang ang ipinadalang negosyador ngInglatera sa Kasunduan ng Pagtutulungan (Mutual Assistance Pact) ayhindiimportanteng tao.Mga Mahahalagang Pangyayari Sa ikalawang Digmaang PandaigdigNoong tag-araw ng 1939, sinalakay ni Hitler at ng kanyang hukbo ang Austria atCzechoslovakia upang gawing teritoryo ang mga ito. Noong tag-araw ng 1939, sinalakay niHitler at ng kanyang hukbo ang Austria at Czechoslovakia upang gawing teritoryo ang mgaito. Tinangka rin niyang kunin mula sa Poland ang Baltic Port at angPolish Corridor. Tumanggiang Poland kayat nagkakrisis.Unang araw ng Setyembre 1939, nang ang puwersa ng Nazismosa lupa at himpapawid ay sumalakay sa Poland. Ipinaglaban ng magigiting na taga-Poland angkanilang kalayaan. Nang mabatid ito ng Britain at France, sila ay nagpahayag ng pakikidigmasa Germany. Noong ika-17 ng Setyembre, ang Russia na may lihim na kasunduan kay Hitleray sumalakay rin sa Poland sa gawing Silangan. Hindi nagtagal, ang Poland ay nalupig. AngPoland ay pinaghatian ng Germany at Unyong Sobyet nang walang labanan.Ang Digmaan sa EuropeSa kanlurang Europe, ang mga hukbong Pranses at Ingles ang nag abang sa likod ngMaginot Line. Hindi kaagad sumalakay dito ang mga Aleman pagkatapos nilang masakop angPoland. Noong Abril 1940, ang Phony War ay biglang natapos sapagkat sinimulan ni Hitlerang kanyang blitzkrieg (biglaang paglusob na walang babala). Ang mga taga-Norway ay lumabansubalit madaling natalo samantalang ang mga taga-Denmark ay hindi lumaban.Noong ika-10ng Mayo 1940, biglang sinalakay ng mga Nazi ang neutral na mga bansa ng Belhika, Hollandat Luxembourg. Binomba ng mga eroplanong Aleman ang mga bansang ito na kung tawagin ayLow Countries at sinira ang mga paliparan, pahatiran, at3

tulay. Umurong sa tabing-dagat ng Dunkirk ang Hikbong Pranses. Sa ganitong gipit nakalagayan, ipinasya ng Punong Ministro ng Inglatera na si Winston Churchill na umurongna ang hukbo. Ang kagitingang ipinamalas ng mga sundalo laban sa mga Aleman ay itinuringna Epiko ng Dunkirk.Samantala, ang France na umasa sa Maginot Line bilang kanilangtanggulanay nabigla nang dumating na lamang sa pintuan ng Paris ang mga Aleman noongika-10ng Hunyo, 1940. Bumagsak ang Paris at ang pamahalaan ay inilipat sa Bordeaux.Ang United States at ang DigmaanAng pagkapanalo ng Nazi sa Europe ay nagdulot ng pangamba sa mga Amerikano.Nabahala sila sa kaligtasan ng Inglatera pati na ng layuning demokrasya. Pinagpatibay ngKongreso ang batas na Lend Lease na nagsabing ang United States ay magbibigay ngkagamitang pandigma sa lahat ng lalaban sa mga kasapi ng Axis Powers. Naging miyembrong puwersang Alyado ang United States noong 1941. Noong Agosto 1941, sa may baybayinng Newfoundland ay nagpulong sina Pangulong Roosevelt ng America at Winston Churchill,punong ministro ng Inglatera. Doon, isinagawa nila ang isang kasunduan na kilala sa tawag naAtlantic Charter. Tinitiyak ng kasunduan na “pagkatapos wasakin ang tiraniya ng Nazi, lahatng mga bansa ay mabubuhay sa kapayapaan, malaya sa takot, at di na muling gagamit ngpuwersa.”Ang Digmaan sa PasipikoSamantala, habang namiminsala ang Hukbong Nazi sa Europa, ay naghahanda namanang Hukbong Hapon sa pagsalakay sa Pasipiko. Upang ito ay masugpo, pinatigil ng UnitedStates ang pagpapadala ng langis sa Japan mula United States. Ang Punong Ministro ng Japanna si Hideki Tojo ay nagpunta kay Embahador Saburu Kurusu upang tulungan si AdmiralKichisaburu Nomura sa pakikipagtalastasan nang sa gayon ay maiwasan ang krisis ngAmerika at Japan. Habang pinag-uusapan ang kapayapaan, ang mga Japan ay naghahanda sadigmaan.Ang Germany at Italy ay tumulong sa Japan at nagpahayag rin ng pakikipagdigmalaban sa United States noong ika-11 ng Disyembre, 1941. Ilang oras matapos salakayin angPearl Harbor, ang mga eroplano ng Japan ay sumalakay din sa Pilipinas at winasak anghukbong panghimpapawid sa Clark Field, Pampanga. Dumaong ang Japan sa Hilagang Luzon.Sa pamumuno ni Pangulong Manuel L. Quezon ng Pamahalaang Komonwelt at Heneral DouglasMacArthur, magiting na lumaban sa mga Hapon. Tuluyang nasakop ng Japan ang Maynilanoong ika-2 ng Enero, 1942. Ang pinakahuling pananggalang ng demokrasya ang Bataan atCorregidor.Noong ika-7 ng Disyembre 1941, biglang sinalakay ng Japan ang Pearl Harbor, isa samga himpilan ng hukbong dagat ng United States sa Hawaii. Ang pataksil na pagsalakay naito sa Amerika ay tinawag na “Day of Infamy.”Nagpahayag ng pakikipagdigma sa Japan angUnited States, gayon din ang Britanya. Ang Germany at Italy ay sumugod sa panig ng Japanat nagpahayag din ng pakikipagdigma laban sa United States noong ika-11 ng Disyembre,1941. Samantala, nakapaghanda ang Austria at nabigo ang Japan na masakop ito.4

Kasabay ng pananalakay sa Pilipinas ang pagsalakay at pagsakop ng mga Hapones saThailand, British Malaya, Hongkong, Guam, at Wake Islands. Narating ng Hapon ang tugatogng tagumpay sa pananakop sa Pasipiko nong 1942 at nagtatag sila ng Greater East Asia CoProsperity Sphere.Unti-unti namang nakabangon ang United States mula sa pagkatalo sa Pearl Harbor at saPilipinas. Gumawa agad ang mga Amerikano ng mga kagamitang pandigma bilang kapalit samga nawasak ng Hapon. Tinipon nila ang mga puwersang Alyado na pinamumunuan ni HeneralDouglas MacArthur na nakatakas mula sa Corregidor at nangako sa mga Pilipino ng “I ShallReturn.”ANG PAGWAWAKAS NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG AT ANG MGAPAGBABAGONG DULOT NITOTagumpay ng mga Alyadong Bansa sa Europe at Hilagang AfricaTaong 1943 nang magsimulang magbago ang ihip ng digmaan para sa Alyadong Bansa.Noong ika-6 ng Hunyo 1944, ang mga hukbong Alyado ay lumapag at dumaong sa Normandysamantalang sa Silangang Europe ay nilumpo ng mga Ruso ang mga hukbong Nazi at nasakopang Berlin. Nagsimula sa pagkakapanalo ng Allied Powers sa Hilagang Africa noong ika-13 ngMayo, 1945, na sinundan ng pagkabihag sa Sicily noong ika-11 ng Hunyo, at ang pagsuko ng Italyanoong ika-3 ng Setyembre. Habang nilalabanan ni Heneral Montgomery ang mga Nazi sa Egypt,sinalakay naman ng mga puwersang Anglo-Amerikano sa pamumuno ni Heneral DwightEisenhower ang Morocco at Algeria. Pagkaraan ng matinding labanan noong ika-13 ng Mayo,ang Hilagang Africa ay napasakamay ng mga Alyadong Bansa. Sa Hilagang Africa at Sicily,ang pagkatalo ng mga hukbong Italyano ay nauwi sa pagbagsak ni Mussolini. Napaalis siya niPietro Badoglio. Si Mussolini ay nakatakas mula sa bilangguan at nagtungo sa hilagangItalya. Nagtatag siya ng bagong pamahalaang Fascista, ngunit di ito tinangkilik ng mga tao.Doon siya nahuli at pinatay kasama ng kanyang kinakasamang babae na si Clara Peracci noongika-2 ng Abril, 1945. Noong ika-2 ng Mayo, nabihag ng mga Ruso ang Berlin. Noong ika-7ng Mayo,tinanggap ang walang pasubaling tadhana ng pagsuko ng mga Aleman sa Rheimsat nang sumunod na araw sa Berlin, sa wakas ay sumapit din ang tinatawag na V-E Day(Victory in Europe).Ang Pagbagsak ng GermanyNoong ika-6 ng Hunyo, 1944 (D-DAY), lumapag sa Normandy, Pransya ang pwersa niHeneral Eisenhower.Pagkaraan ng ilang linggong paglalaban, natalo nila ang mgaNazi.Setyembre 1944 nang palayain ng mga Alyado ang Belhika. Nakipagsapalaran si Hitler atsinalakay ang mga alyado na malapit sa Luxembourg noong ika-6 ng Disyembre. Tinawag naBattle of the Bulge ang labanang ito kung saan natalo ang mga Nazi.Sa huling araw ng Abril 1945, bumagsak ang Germany dahil sa pag-atake ng mgaAlyadosa kanluran at ng mga Ruso sa Silangan. Napagtanto ni Hitler mula sa pinagtataguan angkanyang kakampi at noongumaga ng ika-30 ng Abril, hinirang niya siAdmiral Karl Doenitzbilang kahalili. Noong hapon ding iyon, siya at ang kanyang kinakasamang babaeng si EvaBrawn, ay nagpakamatay.5

Ang Tagumpay sa PasipikoIka-20 ng Oktubre, 1944 nang bumalik sa Leyte si Heneral Douglas MacArthur sa gitnang pagbubunyi ng mga Pilipino. Pagkatapos ng mahigit sa ilang buwang pakikipaglaban ng mgaPilipino sa Hapones, idineklara ni Heneral McArthur ang kalayaan ng Pilipinas mula sa mgaHapon. Noong ika-6 ng Agosto, 1945, ang unang bomba atomika ay ibinagsak sa Hiroshima.Sinalakay naman ng Russia ang Manchuria, Korea at Timog Sakhalin. Noong ika-9 ng Agosto,muling nagbagsak ng bomba atomika sa Nagasaki ang mga Amerikano. Nagimbal ang Hapon,kaya tinanggap nito ang ultimatum ng mga Alyado noong ika-15 ng Agosto at pagkatapos aytuluysn nang sumuko. Noong huling araw ng Agosto nang lumapag sa bansang Hapon siHeneral MacArthur bilang SCAP o Supreme Commander of the Allied Powers. Ika- 2 ngSetyembre, 1945, nilagdaan ng bansang Hapon ang mga tadhana ng pagsuko sa sasakyangUS Missouri sa Tokyo Bay.Mga Bunga ng Ikalawang Digmaang PandaigdigAng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ito ng malaking pagbabago sakasaysayan ng daigdig.Malaking ang bilang ng mga namatay at nasirang ari-arian. Tinatayang halos60 bansaang naapektuhan ng digmaan at higit na mas marami ang namatay kaysa Unang DigmaangPandaigdig.Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig dahil sa pagkawasak ng agrikultura,industriya, transportasyon at pananalapi ng maraming bansa.Bumagsak ang pamahalaang totalitaryang Nazi ni Hitler, Fascismo ni Mussolini, atImperyong Hapon ni Hirohito.Napagtibay ang simulaing command responsibility para sa pagkakasalang nagawa ngmga opisyal ng bayan at mga pinunong militar.Naging daan ito ng pagsilang ng malalayang bansa – ang Silangan Germany, KanlurangGermany, Nasyonalistang Tsina, Pulahang Tsina,Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Ceylon,India, Pakistan, Israel, Iran, Iraq at ibapa.Gabay na tanong:1. Anu-ano ang mga sanhi ng ikalawang digmaang pandaigdig?2. Ipaliwanag kung paano nagwakas ang ikalawang digmaang pandaigdig?6

3. Anu-ano ang mga naging bunga ng ikalawang digmaang pandaigdig?Gawain 1: Tukuyin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay mga sanhi,mahahalagang pangyayari o bunga ng ikalawang digmaang pandaigdig.Isulat ito sa talahanayan.Noong ika-7 ng Mayo,tinanggap ang walangpasubaling tadhana ngpagsukongmgaAleman sa Rheims attinatawag na V-E Day(Victory in Europe).Noong ika-6 ng Agosto,1945,angunangbombaatomika ngAmerika ay ibinagsaksa Hiroshima.Sinimulan ni Hitler angkanyangblitzkrieg(biglaang paglusob nawalang babala) saikalawangdigmaangpandaigdig.Ang pagtiwalag ngGermany sa Liga ng mgaBansa.Noong 1931, inagaw ngJapan ang lunsod ngManchuria. Kinundenang Liga ng mga Bansaang Japan .NaisngmgamamamayangAustriano na maisamaang kanilang bansa saGermany. Ngunit angpagsisikap na ito aysinalungatng mgabansang kasapi saAlliedPowers(Pransya,GranBritanya at EstadosUnidos).Noongika-7ngDisyembre1941,biglang sinalakay ngJapanangPearlHarbor, isa sa mgahimpilan ng hukbongdagat ng United Statessa Hawaii, tinawag na“Day of Infamy.”Natigil ang pagsulongngekonomiyangpandaigdig dahil sapagkawasakngagrikultura, industriya,transportasyonatpananalapingmaraming bansa.Malaking ang bilang ngmganamatayatnasirangari-arian.Tinatayang halos 60bansa ang naapektuhanng digmaan.7

Gawin 2: Gamit ang timeline isalaysay ang simula, mga kaganapan at pagwawakasng ikalawang digmaang pandaigdig.Sumiklab ang ikalawang digmaangpandaigdig dahil Nagwakas ang ikalawang digmaangpandaigdig dahil. . .8Sa kalagitnaan ng digmaang naganap angmga sumusunod. . .

Gawain 1: Tukuyin kung ang mga salita ay may kinalaman sa, sanhi,mahahalagang pangyayari o bunga ng ikalawang digmaang pandaigdig atipaliwanag kung bakit ito ang iyong pinili, kulayan ang bilog.1. Tumiwalag ang Germany sa Liga ng mga Bansa.Bakit ito ang iyong kinulayan?2. Noong ika-7 ng Disyembre 1941.Bakit ito ang iyong kinulayan?3. Paglaya ng maraming mga bansa.Bakit ito ang iyong kinulayan?4. PinsalaBakit ito ang iyong kinulayan?5. Natigil ang pagsulong ng ekonomiya.Bakit ito ang iyong kinulayan?Gawain 2 Punan ng mahahalagang impormasyon ang frame .9

Pamprosesong Tanong:1. Anong pangyayari sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang tumatak sa iyongisipan?2. Para sayo, Ano ang pangkabuuang aral ng naganap na IkalawangDigmaang Pandaigdig?3. Paano nakaapekto ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa larangan ngkabuhayan, pulitika at kultura ng mga bansang kasangkot o kabilang sadigmaan?10

Gabay na tanong:1. Sa iyong pagsisikap na makakatulong upang maiwasan ang mga digmaan alinsa mga sanhi sa pagsiklab ng ikalawang digmaang pandaigdig ang iyongmaibabahagi bilang halimbawa na hindi dapat gawin ng mga bansa upangmakaiwas sa pandaigdigang digmaan?2. Ano naman mga bunga sa ikalawang digmaang pandaigdig ang iyongmaibabahagi sa iyong speech o pagtatalumpati upang ipaalam ang masamangepekto ng digmaan para maiwasan ito at mapanatili ang kapayapaan?3. Ano ang magagawa mo at natin upang makaiwas sa mga digmaan?MO!NATIN!11

Panuto: Basahin at unawain mabuti ang mga sumusunod na tanong. Isulat angtitik na tumutugon sa tamang sagot sa iyong sagutang papel.1. Anong sanhi ng ikalawang digmaang pandaigdig ang tumutukoy sapangyayaring pinasimulan ni Adolf Hitler, ang lider ng Nazi, ang mulingpagtatatag ng sandatahang lakas ng bansa? Layon ni Hitler na labaginang kasunduan sa Versailles na naglagay sa Germany sa kahiya-hiyangkondisyon.Upang makabangon sa pagkagapi sa Unang DigmaangPandaigdig.A. Digmaang Sibil sa SpainB. Pagsakop ng Italya sa EthiopiaC. Pag-agaw ng Hapon sa ManchuriaD. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa2. Anong sanhi ng ikalawang digmaang pandaigdig ang tumutukoy sa hulingpangyayari na nagpasiklab sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig angpagpasok ng mga Aleman sa Poland noong 1939?A. Paglusob sa CzechoslovakiaB. Pagsakop ng Italya sa EthiopiaC. Pag-agaw ng Hapon sa ManchuriaD. Paglusob ng Germany sa Poland3. Kailan biglang sinalakay ng ng Japan ang Pearl Harbor, isa sa mgahimpilan ng hukbong dagat ng United States sa Hawaii. Ang pataksil napagsalakay na ito sa Amerika ay tinawag na “Day of Infamy?”A. ika-8 ng Disyembre 1941B. ika-9 ng disyembre 1941C. ika-7 ng Disyembre 1941D. ika-10 ng disyembre 19414. Hindi kaagad sumalakay dito ang mga Aleman pagkatapos nilangmasakop ang Poland. Noong Abril 1940, ang Phony War ay biglangnatapos sapagkat sinimulan ni Hitler ang kanyang blitzkrieg (biglaangpaglusob na walang babala) Ano ang ibig sabihin ng blitzkrieg?A. Paglusob ng marahasB. Paglusob ng mahinahonC. Hindi biglaang paglusobD. Biglaang paglusob ng walang babala12

5. Habang namiminsala ang Hukbong Nazi sa Europa, ay naghahandanaman ang Hukbong Hapon sa pagsalakay sa Pasipiko. Upang itoymasugpo, pinatigil ng United States ang pagpapadala ng langis sa Japanmula United States. Ano marahil ang magiging bunga ng pagpigil ngAmerika sa pagpapadala ng langis sa Japan?A. Ito ay mauuwi sa digmaanB. ito ay hahantong sa pagbuo ng alyansaC. Daan tungo sa pagkamit ng kapayapaanD. lubusang paghahanda para sa isang digmaan6. Ayusin ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari noongIkalawang Digmaang Pandaigdig:I. Ang D-Day ng mga Allied Powers sa PransyaII. Ang pagsalakay ng mga Hapon sa Pearl HarborIII. Ang pagpasok ng Alemanya sa PolandIV. Ang pananakop ng Hapon sa ManchuriaA. II, IV, III, IB. I, IV, III, IIC. IV, III,II,ID. III, IV, II, I7. Maaalala sa buong mundo si Winston Churchill bilang isang kilalang:A. Punong Ministro ng Gran Britanya noong World WarB. Heneral ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Allied PowerC. Lider manggagawa sa panahon ng Rebolusyong IndustriyalD. Isang taga suporta ng Nazi Party ni Adolf Hitler sa Europa8. Saan naganap noong ika-6 ng Agosto, 1945, ang unang pag bomba atomikang Amerikano sa japan?A. NagasakiB. OkinawaC. TokyoD. Hiroshima9. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI totoo tungkol sa mga bungang ikalawang digmaang pandaigdig?A. Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig.B. Nagpatuloy ang pamahalaang totalitaryang Nazi ni Hitler sapagwawakas ng ikalawang digmaang pandaigdigC. Napagtibay ang simulaing command responsibility para sapagkakasalang nagawa ng mga opisyal ng bayan at mga pinunongmilitar.D. Naging daan ito ng pagsilang ng malalayang bansa – ang SilanganGermany, Kanlurang Germany, Nasyonalistang Tsina, PulahangTsina,Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Ceylon, India, Pakistan, Israel, Iran,Iraq at iba pa.10. Alin sa mga sumusunod na kasunduan ang naging dahilan ng pagtiwalag ngGermany sa liga ng mga bansa?A. Treaty of Paris B. League of Nation C. Kasunduang Versailles D. NATO13

Panuto: Gumawa ng isang Jingle or maikling awitin na sariling Komposisyonnagpapakita ng iyong adbokasiya at saloobin upang maiwasan ang digmaang atipaalam ang hin mabuting bunga nito.Batayang aklat sa Araling Panlipunan 8, Kasaysayan ng Daigdig.MELC’s14

Bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig Republic of the Philippines Department of Education 8 . Araling Panlipunan - Ikawalong Baitang Ikaapat Na Markahan - Modyul 2- Week 3-4: Mga Dahilan, Mahahalagang Naganap at Bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig . kagamitang pandigma sa lahat ng lalaban sa mga kasapi ng Axis Powers. Naging miyembro .

Related Documents:

Araling Panlipunan . ii Araling Panlipunan 2 ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan n Pangalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph.D. Consultant: –Ikalawang Baitang Patnubay ng Guro Unang Edisyon, 2013 ISBN: Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa .

Araling Panlipunan . 2 Araling Panlipunan 2 Ma. Ther Inilimbag sa Pilipinas ng _ Department of Eduction-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address: nd 2 Floor Dorm G, PSC Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072 E-mail Address: imcsetd@yahoo.com Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Consultant: Zenaida E. Espino .

Araling Panlipunan . ang ikalawang sangay ng heograpiya – ang heograpiyang pantao na tumutukoy sa pag-aaral ng wika, lahi, relihiyon, at pangkat-etnolingguwistiko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang mas madaling maunawaan ang daloy ng iyong pag-aaral. May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging .

Masusing Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan Ika-8 Baitang I. Layunin Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Nakapagsasabi ng dahilan at epekto ng unang yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo. 2. Naipapaliwanag ang iba

2 ARALING PANLIPUNAN 1 DRR LESSON EXEMPLAR Layunin Pagkatapos ng araling ito, inaasahan ang mga mag-aaral na: Matukoy ang kahulugan ng polusyon. Maisa-isa ang mga bahagi ng kapaligiran na naaapektuhan ng

Grade & Section: _ Name of School: _ 2 BUMUO SA PAGSUSULAT NG MODYUL . EPS – Araling Panlipunan. 3 Alamin Sa araling ito ay matutunghayan natin ang mga konseptong may kinalaman sa gender roles sa Pilipinas. Sa bahaging ito ng aralin ay matutunghayan kung ano . Pagkatapos mapag-aralan ang

Araling Panlipunan Grade 10 . Alternative Delivery Mode . Ikalawang Markahan- Modyul 3: Mga Dahilan at Epekto ng Migrasyon . Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad ng Batas Republika 8293, Seksiyon 176na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang- sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung .

Rumki Basu: Public Administration. 3. Hoihiar Sir and Pradeep Sachdeva, Administrative: Theory. 4. C.P. Bhambhari : Public Administration 5. M.P. Sharma and B.L. Sadna, Public Administration in Theory and Practice. SINGHANIA UNIVERSITY Detailed Syllabus of B A (Public Administration) (Effective from session 2016-17 onward) -----B. A. 1st, 2nd & 3rd Year (Public Administration) Page 53 BPAD 102 .