Pagbabalik Sa Paaralan: Gabay Para Sa Mga Magulang At Sa Publiko - Gnb.ca

1y ago
18 Views
2 Downloads
1.01 MB
17 Pages
Last View : 2d ago
Last Download : 2m ago
Upload by : Ronan Orellana
Transcription

Pagbabalik sa Paaralan:Gabay para sa mgaMagulang at sa PublikoSetyembre 2020

Pagbabalik sa Paaralan: Gabay para sa mga Magulang at sa PublikoInilathala ng:Probinsya ng New Brunswick POBox 6000Fredericton, NBE3B 5H1CanadaISBN 978-1-4605-2604-0 (Naka-print na Edisyon)ISBN 978-1-4605-2605-7 (PDF English)

Returnto SchoolKagalingan Kultura ng respeto at pagiging palaisip.Pagtataguyod ng ligtas at malusog na mga paggawi.Pinataas na suporta para sa mga madaling mahawang mag-aaral.Pagbibigay ng partikular na pansin sa mental na kalusugan.Kindergarten–Baitang 8 Ang mga mag-aaral ay nasa mga paggugrupo-grupo ng klase namay bawas na laki ng klase. Pinasisigla ang paggamit ng pantakip sa bibig at ilong salabas ng klase para sa mga mag-aaral na K–5. Gagamitin ang mga pantakip sa bibig at ilong sa labas ng klasepara sa mga mag-aaral na 6–8. Pinasisigla ang pisikal na aktibidad,pagkilos at oras sa labas.Baitang 9–12 Pasadya at naibabagay na mga opsyon sa pag-aaral.Paggamit nang husto ng teknolohiya para suportahan ang pag-aaral.Gagamitin ang mga pantakip sa bibig at ilong sa labas ng klase.Pagtataguyod ng pagdistansya sa katabi sa loob ng klase.Mga Gusali Inorganisa ang pagbabago sa iskedyul at mga orasng paglipat para magawa ang pagdistansya sakatabi. Nilagyan ng kitang kita na marka ang mga karaniwang lugarpara sa pagdaloy ng trapiko. Pinahusay ang mga kasanayan sa paglilinis. Binago ang cafeteria ayon sa kalagayan ng pandemya.Mga Bus Binagoang mga ruta at iskedyul. Ang mga mag-aaral na K–5 ay nakaupo nang isahan, hindi kailangan angpantakip sa bibig at ilong. Puwedeng magkatabi sa upuan ang mga miyembro na nasa iisangbahay, hindi kailangan ang pantakip sa bibig at ilong. Ang mga mag-aaral na Baitang 6–12 ay nakaupo dala-dalawakada upuan kung nagsusuot sila ng pantakip sa bibig at ilong.3

Pagbabalik sa PaaralanTalaan ng mga NilalamanLiham mula sa Minister . 5Liham mula sa Punong Opisyal ng Medikal. 6Mga Pamantayang Sinusunod . 7Pamamahala ng Paglaganap Sakit . 8Lahat Tayo Sama-sama Dito . 10Mga Paaralan . 11Mga Silid-aralan . 13Pag-aaral . 154

Liham mula sa MinisterMahal naming mga mag-aaral, kawani ng paaralan at pamilya,Noong Abril 2020, gumawa ang Department of Education and Early Childhood Development ng mahirap na desisyon na isara angmga paaralan para sa natitirang 2019–20 akademikong taon. Hindi minaliit ang paggawa ng desisyong ito ay hindi ginawa sapagmamadali. Ginawa ito na isinasaisip ang kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral at kawani. Pinangyayari rin ng desisyongito na makapagpokus ang sistema ng edukasyon sa pangmatagalang mga paghahanda para sa 2020–21 taon ng paaralan paramakapagbigay sa mga mag-aaral at kawani ng malusog, ligtas at positibong kapaligiran para pag-aaral at pagtuturo at maibalikang mga mag-aaral sa normal para sa ikatatagumpay sa akademiko.Noong Hunyo 12, inilabas namin ang mataas na antas ng plano para makapagbigay sa mga distrito ng paaralan ng tagubilin at tulungansilang mapasimulan ang pagpaplano ng isang ligtas at malusog na pagbabalik sa paaralan sa Setyembre. Patuloy mula noon ang kawaning kagawaran sa paggawang kasama ng Public Health, mga distrito ng paaralan at administrasyon para higit pang bigyang-kahuluganang planong ito at para pag-ibayuhin pa ang kapaligiran sa pag-aaral naligtas at mapagpatuloy. Tinitiyak na ang mga mag-aaral sa New Brunswick ay makakakuha ng de-kalidad na edukasyon namananatiling pangunahing mandato namin. Para matamo ang tunguhing ito, kakailanganin namin ang tulong at suporta ng mgamagulang, mag-aaral at ng sistema ng paaralan. Ang mga desisyon at prosesong tinukoy sa planong ito ay hindi ginawa nangbasta basta o nang walang masusing pagsasaalang-alang. Gumawa kami ng mahaba-habang pagsangguni sa mga kasosyo sasistema ng edukasyon, sa mga mamumuhunan at sa Public Health (Pampublikong Kalusugan).May kabahaging pananagutan ang New Brunswickers sa pagtulong na mapanatiling ligtas at malusog ang aming mga paaralan.Kailangang makapanatiling nakakasabay ang mga pamilya sa mga pagbabago sa tagubilin ng Public Health at sa sistemang pangedukasyon. Sa pamamagitan ng pagpapatibay ng payo ng Public Health sa pamamagitan ng paggawing pagbibigay ng ihemplo,kung sama-sama nating maipapakita sa ating mga mag-aaral na mahalaga ang mga hakbangin sa pagharap sa COVID-19.Nagbibigay ang dokumentong ito ng higit pang detalye ng kung ano ang kailangang malaman ng mga magulang at mag-aaral bagoang pagbabalik sa paaralan sa Setyembre 2020. Patuloy na uunlad ang planong ito at susulong habang may nagiging available nabagong impormasyon mula sa mga dalubha sa pampublikong kaligtasan.Hinihimok ko kayong lahat na sundin at suportahan ang mga direktiba sa kalusugan at kaligtasan na pinaunlad para saedukasyon ng inyong anak. Lahat tayo ay may pananagutan na paliitin ang tsansa na mahantad sa COVID-19. Sa pamamagitanng pagtutulungan, pagiging mapagpitagan at pagbibigay-pansin, patuloy na maipapakita ng New Brunswick ang pagigingnangunguna at pagiging mapagbantay habang magkakasama tayong patuloy na namumuhay sa gitna ng pandemyang ito.Taos-puso,Dominic CardyMinister of Education and Early Childhood Development5

Liham mula sa Punong Opisyal ng MedikalMahal naming mga mag-aaral, kawani ng paaralan at pamilya,Alam namin na ang pagkakaroon ng pagkakataon na makatanggap ng de-kalidad na edukasyon ay susi sa pangkalahatangkalusugan at kagalinganng ating mga anak. Mahalaga ang pagpasok sa paaralan para matuto at umunlad at makapagbigay ngnaisaayos na rutina na magpapapangyaring sumulong ang mga bata.Nakipagtulungang mabuti ang Public Health sa Department of Education and Early Childhood Department para sa pagbuo ngpamamaraan sa pagbabalik sa paaralan na magpapangyari sa mga mag-aaral na matuto at makapagturo ang mga guro habangtinitiyak na mayroong mga hakbanging isinasagawa para maprotektahan ang lahat ng miyembro ng aming komunidad ngpaaralan: mga mag-aaral, pamilya at paaralan.May mahalagang papel na gagampanan ang mga pamilya na sa ligtas na pagbabalik sa paaralan. Puwedeng makapagbigay ngpositibong epekto ang mga pamilya sa kanilang mga anak at makapag-ambag sa kalusugan ng kanilang mga komunidad sapamamagitan ng: pagbibigay ng ihemplo ng mga paggawing kailangan para malimitahan ang pagkalat ng COVID-19, tulad ng paghuhugas ngkamay, wastong kagandahang-asal sa pag-ubo at pagbahin at pananatili sa bahay kapag may sakit; pagsubaybay sa mga anak araw-araw para sa mga sintomas at pagtawag sa 811 o sa kanilang tagapagbigay ng pangunahingpangangalaga para maisaayos na masuri kung may lumitaw na mga sintomas; at pakikipag-usap sa kanilang mga anak tungkol sa COVID-19 at kung bakit maaaring tila naiiba ang kanilang buhay ng ilang panahon.Nagtulungan ang Public Health sa pagtatatag ng komprehesibong pamamamaraang ito para sa ligtas na pagbabalik sa paaralanat patuloy na makikiisa sa buong taon ng paaralan. Mula sa pagbibigay ng gabay sa mga hakbangin ng pag-iwas hanggang sapagkontrol paglaganap, makakasama ng ating mga mag-aaral, pamilya at kawani ng paaralan ang Public Health sa bawathakbang.Taos-puso,Dr. Jennifer Russell, BA, BSc, MD, CCFPPunong Opisyal NG Medikal ng Kalusugan6

Mga Pamantayang SinusunodBUHAY NA DOKUMENTOAng dokumentong ito ay may layuning magbigay-alam sa publiko tungkol sa pagbabalik sa paaralan sa Setyembre 2020.Habang nagkakaroon ng mga bagong tuklas ang mga scientist sa buong mundo patungkol sa paglilipat, pagkontrol atpaggamot ng COVID-19, gagamitin ang mga direktiba ng Pamahalaan at maaaring magkaroon ng pagkakaiba sa kung ano itongayon. Lahat ng kaugnay na dokumento ay babaguhin para maipakita ang mga bagong update.DE-KALIDAD NA EDUKASYON Ang mandato namin ay para magbigay ng de-kalidad naedukasyon para sa lahat ng mag-aaral sa pampublikongpaaralan. Makakatanggap ang mga mag-aaral ng de-kalidad atnakabatay sa kurikulum na edukasyon kahit pa hindi itoipinahihintulot sa gusali ng paaralan dahil sa COVID-19.LIGTAS AT MALUSOG NA KAPALIGIRAN SAPAG-AARAL Bawat paaralan ay magkakaroon ng operasyonal naplano na inilalatag ang mga panuntunangpangkalusugan at pangkaligtasan. Ibabahagi ang mga operasyonal na plano ng indibidwalna paaralan sa mga magulang bago magpatuloy angpaaralan. Ang paggugrupo-grupo (bubble1) ng klase saKindergarten hanggang Baitang 8 ay magpapaliit ngpanganib na mailipat ang sakit dahil sa pagkakaayosng paaralan at nagsusulong ng ligtas napaghahalubilo ng mga bata. Pabibilisin ng paggugrupo-grupo ng klase ang pagsunson ng nakasalamuha. Gagamitin sa mga mataas na paaralan ang blendedlearning (magkahalong paraan ng pag-aaral), lilikha nghigit pang pasadyang mga opurtunindad sa pag-aaralat gagamit ng pagdistansya sa katabi para mabawasanang panganib sa masalin ang sakit.BUONG PANAHONG PAG-AARAL Mahalaga ang edukasyon para sa pag-unlad ngmga bata at para sa kinabukasan ng probinsya. Kahit nasa anong baitang ng Public Health ang probinsya,magpapatuloy na buong panahon ang pag-aaral. Ang pamantayan ng pagiging kabilang ay isang haligi ngating sistema ng edukasyon.PAKIKIPAGTULUNGAN SA PUBLICHEALTH Ang planong ito ay pinaunlad kasama ng Public Healthat ng Opisina ng Punong Opisyal ng Medikal. Gumaganap ng mahalagang papel ang Public Healthsa pagtiyak ng isang malusog at ligtas na kapaligiranng paaralan. Patuloy kaming makikipagtulungan saPublic Healthsa buong taon ng paaralan para tiyaking napapanahonang impormasyon at nasusunod ang pinakamahuhusayna kasanayan. Kapag may nakumpirmang positibong kaso ng COVID-19sa isang paaralan, makikipagtulungan ang paaralan saPublic Health para suportahan ang pagsunson ngnakasalamuha. Gagawa ng may kabatirang pagpapasya ang Public Healthat tuwirang makikipag-usap sa distrito, paaralan at mgamagulang tungkol sa susunod na mga hakbang.1 Ang terminong “bubble” ay tumutukoy sa mga mag-aaral na nakatalagang mananatiling magkakasama sa paggugrupo-grupong ito habang nasa paaralan .7

Pamamahala ng Paglaganap ng SakitBumuo ang Department of Education and Early Childhood Development at Public Health ng isang proseso ng pamamahala sapaglaganap ng sakit para tiyaking nauunawaan ang mga papel at pananagutan kapag may positibong kaso ng COVID-19 na natukoysa sistema ng paaralan.Maaaring malaman ng mga magulang, mag-aaral at kawani ng paaralan na may kumpirmadong positibong kaso sa paaralan.Natural lamang na gusto nating malaman kung ang positibong kaso ay sa loob ng klase ng iyong anak. Ipapaalam ng PublicHealth sa mga nanganganib kung ano ang mga susunod na hakbang pero hindi ilalabas ang mga pangalan ng mga taongnasuri na positibo. Mananatiling prayoridad ang pagprotekta sa privacy.PAGPAPABATID NG KUMPIRMADONGKASO NG COVID-19 Ipapaalam ng Public Health sa paaralan kapagmayroong positibong kaso sa loob ng paaralan. Makikipag-ugnayan ang administrasyon ngpaaralan sa mga magulang at sa komunidad ngpaaralan. Maaaring magbigay ang Public Health ngkaragdagang impormasyon.PAGSUNSON NG MGANAKASALAMUHA Responsable ang Public Health sa -pagsunson ngmga nakasalamuha, na may suporta mula sasistema ng paaralan. Sa pamamagitan ng kanilang operasyonal naplano, magagawa ng mga paaralan namakapagbigay sa Public Health ng listahan ngmga indibidwal na maaaring nagkaroon ngpakikihalubilo sa isang taong may positibong kasong COVID-19. Kakapanayamin din ng Public Health ang mgasangkot na mag-aaral at kawani ng paaralan parasa pagsunson ng mga nakasalamuha.MGA PAGPAPASYA Responsable ang Public Health sa pagtugon samga nakahahawang sakit, kabilang na ang COVID19. Gagawa ng mga pagpapasya ang Public Health sapamamagitan ng pagsunson ng mganakasalamuha at pamamahala ng panganibkung paano gagawin ang pagbubukod ng sarili.Maaaring kailanganin dito ng indibidwal o ng ilangindibidwal ng isang silid-aralan o ng ilang silidaralan o ng buong paaralan pa nga paramakapagbukod ng sarili. Ipapaalam ng Public Health sa mga indibidwal na ito kung kailan silamakakabalik sa paaralan.MGA PAPEL AT PANANAGUTAN SA PANAHON NG PAGALAGANAPNG SAKITMAG-AARAL AT MAGULANG Kapag may sakit ang isang mag-aaral, mahalagang manatili silasa bahay. Tumawag sa 811 o sa isang propesyonal sa medisinakung ang iyong anak ay may sintomas ng COVID-19. Sundin angpayo ng propesyonal sa medisina. Araw-araw na pagsusuri bago umalis patungo sa paaralan. Pakikipagtulungan at komunikasyon ang susi paramapamahalaan ang paglaganap ng sakit. Kung makatanggap ka ng agarang tawag tungkol sa kalusugan ngiyong anak habang nasa paaralan siya, aatasan kang sunduin angiyong anak sa lalong madaling panahon, alinsunod sa patakaran ngpaaralan. Dapat na may alternatibong plano sa pagsundo ang mgamagulang.PAARALAN AT DISTRITO Magbigay ng ligtas na kapaligiran sa pag-aaral. Makipagkoordina sa Public Health sa pamamagitan ng pagbibigayng impormasyon sa pagsunson ng mga nakasalamuha. Kakausapin angang mga magulang at mag-aaral kapag maypositibong kaso ng COVID-19 sa isang paaralan. Magbigay sa mga mag-aaral ng distance learning (malayuang pagaaral) kung ang isang mag-aaral ay hindi makakapasok sapaaralan.PUBLIC HEALTH Tukuyin at ipakipag-usap ang isang potensyal/positibong kaso .Ipaalam sa isang paaralan ang positibong kaso ng COVID-19.Pamahalaan ang mga outbreak.Magbigay ng suporta sa mga paaralan at makipagtulungan sakalusugan at kaligtasan. Ipaalam sa mga mag-aaral at magulang at kawani ng paaralan8

Pamamahala ng Paglaganap ng Sakit kung kailangan nilang magbukod ng sarili, sapakikipagtulungan ng paaralan. Ipaalam sa mga sangkot na mag-aaral atmagulang at kawani ng paaralan kapagligtas nang bumalik sa paaralan ang bata.9

Pamamahala ng Paglaganap ng SakitKinukumpirma ng PublicHealth ang isang pisitibongkaso / mga kaso sa isangpaaralanIpinapaalam ng Public Healthsa distrito ng paaralan at paaralanang isang positibong kaso / mgakaso.Ang paaralan, sapakikipagtulungan sa PublicHealth ay makikipag-ugnayan sakomunidad ng paaralan.Ginagawa ng Public Health angpagsunson ng mga nakasalamuha ataabisuhan ang may mga kaugnayangindibidwal.Ipapaalam ng Public Health ang mgakasunod na hakbang at uutusan namagbukod ng sarili ang mga indibidwal,may kaugnayang grupo ng klase opopulasyon ng mag-aaralng sariliIpapaalam ng Public Health sa mga indibidwal kung kailan silapuwedeng bumalik sa paaralan.10

Lahat Tayo Samama DitoBAWAT NEW BRUNSWICKER AY MAYPAPEL NA GAGAMPANAN Maging mabait. Huwag hatulan ang iba. Magtuon ngpansin sa paggawa ng iyong bahagi. Alagaan ang iyong sarili at pamilya sa pamamagitan ngpananatiling aktibo at itaguyod ang wellness (kagalingan). Mahalaga ang pagsusuri. Bago umalis patungong paaralan,tiyaking walang sakit ang iyong anak. Repasuhin ang mgatanong sa pagsusuri tuwing umaga. Kung ikaw o ang iyong anak ay may mga sintomas ngCOVID-19 o hindi mabuti ang pakiramdam mo, manatilisa bahay. Ang mga magulang ng mga mag-aaral na may mgaespesipikong alalahanin sa kalusugan ay dapat makipagusap sa kanilang medical practitioner tungkol sapagbabalik sa paaralan. Ang kaugnay na impormasyon aydapat ibahagi sa paaralan para sa angkop na pagpaplano.PROTEKTAHAN ANG IYONG SARILI,PROTEKTAHAN ANG IBA Dapat tiyakin ng bawat mag-aaral at kawani ng paaralan namagdala sila ng community mask sa paaralan. Dapat linisinaraw-araw ang pantakip sa bibig at ilong. Ang masuri kapag may nakikitang sintomas ay pagigingresponsable. Susundin ng kawani ng paaralan ang mga panuntunan parasa mga mag-aaral na may sakit.KAGANDAHANG ASAL SA PERSONAL NAKALIGTASAN Isa sa pinakamahusay na mga paraan ang regular napaghuhugas ng kamay para maprotektahan ang iyong sariliat iyong pamilya na huwag magkasakit. Maghugas kapagaalis ng bahay, pagdating sa paaralan at sa buongmaghapon. Hugasan ang mga kamay mo gamit ang sabon at tubig ogumamit ng panlinis ng kamay. Himigin nang dalawangbeses ang kantang “Happy Birthday”. Takpan ang iyong bibig at ilong gamit ang iyong siko otisyu kapag umuubo o bumabahin. Itapon kaagad angnagamit nang tisyu. Iwasang hawakan ang iyong mga mata, ilong at bibig.KAGALINGAN AT SEGURIDAD Magpapatuloy nang walang sagabal ang mgaprogramang pagbibigay ng agahan at miryendapara tiyakin ang seguridad ng pagkain. Tutulong ang mga magulang, mag-aaral at paaralan sapagtataguyod ng kultura ng paggalang at pagigingpalaisip. Isusulong at gagawing Ihemplo ang ligtas at malusog namga paggawi. Ilalaan ang suportang mental na kalusugan atkagalingan.TAWAGAN ANG 811 KAPAGMAYROON KANG MGASINTOMAS Tingnan ang website ng Public Health para sapinakabagong listahan ng mga sintomas. Sundin ang payo ng Public Health: sila ang mgaeksperto.10

Mga PaaralanMagbabago ang tanawin sa mga paaralan sa Setyembre. Para maasikaso ang mas maliliit na grupo, may ilang paaralan nakailanganing gumawa ng mga espasyo sa silid-aralan. Marahil gagamitin nila ang mga cafeteria o aklatan. Bawat paaralan aymagkakaroon ng operasyonal na plano na may mga detalye kung paano kikilos sa gusali ang mga mag-aaral at kawani ng paaralan.OPERASYONAL NA PLANO Magkakaroon ng operasyonal na plano ang mga paaralanna binabalangkas ang kanilang mga panuntunangpangkalusugan at pangkaligtasan. Ibabahagi ang planongito sa mga magulang at sa komunidad ng paaralan. Rerepasuhin ng mga paaralan kung paano kikilos angmga mag-aaral at kawani ng paaralan sa loob ng gusalipara matiyak na may pagdistansya sa katabi atpananatilihing buo ang paggugrupo-grupo ng klase. Susundin ang paggugrupo-grupo ng klase o pagdistansyasa katabi sa panahon ng recess, pahinga at oras ngtanghalian.MGA BUS Lahat ng mag-aaral sa K to 5 ay magpapanatili ngdistansyang isang metro (isang mag-aaral kada isangupuan) at hindi kailangang magsuot ng pantakip sabibig at ilong. Maaring magkatabing umupo ang dalawangmiyembrong magkasama sa iisang bahay nang hindina kailangang magsuot ng pantakip sa bibig at ilong. Magsusuot ng community face mask (pantakip sa bibig atilong) ang mga mag-aaral sa mga Baitang 6 hanggang 12kapag sumasakay at bumababa ng bus.Puwedeng tanggalin ng mag-aaral ang kanilangpantakip sa bibig at ilong kung nag-iisa sila sa upuan okatabi ang isa na kasama sa iisang bahay habangbumabyahe sa bus. Maaaring muling isaasyos ng mga distrito ngpaaralan ang mga ruta ng bus. Maaaring baguhin ng mga paaralan angkanilang mga iskedyul para maiangkop angmga pagbabago sa ruta.KONTROLADO AT LIMITADONG ACCESS Para makatulong sa pagsunson ng mga nakasalamuha,lilimitahan ang pagpunta sa mga paaralan para makontrolang daloy ng mga tao. Lilimitahan ang daloy ng kawani ng paaralan at iba pangindibidwal sa pagitan ng mga paaralan kapag posible ito. Ipapatupad ang karagdagang mga panuntunangpangkalusugan at pangkaligtasan sa sinumang hindi magaaral o miyembro ng kawani ng paaralan na pumapasoksa gusali ng paaralan. Makakapasok lamang ang mga magulang sa paaralan kungmay appointment sila o kung susundo ng anak na maysakit. Kailangang magsuot ng pantakip sa bibig at ilong angmga magulang, magpanatili ng pagdistansya sa katabiat susunod sa anumang mga panuntunangpangkalusugan at pangkaligtasan.PINAG-IBAYONG PAGLILINIS ATPAGDISIMPEKTA Nakapagtatag ng pinag-ibayong paglilinis atpagdisimpekta at babalangkasin ito sa bawatoperasyonal na plano ng paaralan. Bumibili ang mga distrito ng paaralan ng mga supply napanlinis at ise-secure para matiyak na magagamit kapagkailangan.MGA ISTASYON SA PAGLILINIS NG KAMAY Maglalagay ng mga istasyon sa paglilinis ng kamay sabawat klase at sa bawat pasukan ng paaralan. Kailangang regular na maghugas ng kamay omagsabonng kanilang mga kamay ang mga mag-aaralat kawani ng paaralan.MGA DRINKING FOUNTAIN (INUMAN) Magiging available ang mga istasyon mapagkukunan ngtubig para sa bote at maglalagay ng mga karatula paramaitampok ang ligtas na paggamit nito. Hindi gagamitin ang mga water fountain (inuman).11

Mga PaaralanMGA SILID-HUGASAN / SILID-PALITAN NGDAMITPANGKOMUNIDAD NA PAGGAMIT NG MGAPAARALAN Magpapaskil ng mga karatula para sa hugasan ngkamay sa bawat silid-hugasan. Lilinisin ang mga silid-hugasan at silid-palitan ng damitnang hindi bababa sa tatlong beses sa isang araw. Maaaring limitahan ng mga operasyonal na plano ngpaaralan ang bilang ng mga tao na puwedeng gumamitng silid-hugasan sa isang pagkakataon. Pansamatalang hindi ipapagamit sa komunidad ang mgapaaralan hanggang makapagbigay ng higit pang abiso.MGA CAFETERIA Susunod ang mga cafeteria sa mga kinakailanganng Public Health at WorkSafeNB para sa mgatagapagbigay ng serbisyong pagkain. Kung saan ginagamit ang karaniwang lugar ng kainan,ipapatupad ang mga kinakailangang pisikal nadistansya. Maglalagay ng agwat sa mga oras ng pagkain sapagitan ng mga grupo ng mga mag-aaral. Maglalagay ng dalawang metrong pisikal na distansyasa pagitan ng mga grupo ng mga mag-aaral. Ang hindi nakagrupong mga mag-aaral ay may pisikalna distansyang dalawang metro.BENTILASYON Ang pagtiyak sa mabuting kalidad ng hangin ay patuloy naprayoridad para matiyak na ang mga kapaligiran ngpaaralan ay malusog at ligtas. Nirepaso ng Public Health at ng Department ofTransportation and Infrastructure (Kagawaran ngTransportasyon at Imprastrutura) ang mga sistema atkinakailangan sa bentilasyon. Tiniyak na ang kasalukuyang mga pamantayan atsistema ng bentilasyon sa mga paaralan aynakakatugon sa mga kinakailangan sa kalusugan atkaligtasan sa panahong ito.12

Mga Silid-aralanMagbabago ang mga silid-aralan sa taong ito. Gayuman, may ginawang mga pagsisikap para mabawasan ang epekto sa silidaralan hangga’t maaari. Bagaman magbabago ang paaralan, ang tunguhin ay para makapagbigay ng de-kalidad na edukasyonhabang nasa kapaligiran ng ligtas pag-aaral at pagtatrabaho. May mahalagang papel na gagampanan ang mga mag-aaral atkawani ng paaralan.PAGGUGRUPO-GRUPO SA MGA BAITANG K–8 Mahirap ang pagdistansya sa katabi sa mga masnakababatang mag-aaral. Hahatiin sa mga grupo ng klase(bubble) ang Kindergater hanggang Baitang 8. Hindi kailangan ang pagdistansya sa katabi saloob ng grupo. Tuturuan ang mga mag-aaral na nasa grupo batay sakanilang edad ng angkop na mga paraan para mabawasanang pisikal na pagdikit at itaguyod ang kalinisan ngkatawan. Hindi makikipag-ugnayan ang grupo ng klase sa mga magaaral mula sa ibang grupo. Ang mga grupo ay pagbubukurinna may dalawang metrong distansya. Maaaring opsyon ang online learning (pag-aaralonline) sa pagitan ng mga grupo. Magkakaroon ng pinag-ibayong mga panuntunangpangkaligtasan para sa kawani ng paaralan nabumibisita sa iba’t ibang grupo.Mga BaitangMga Laki ng GrupoKindergarten–2Bawas na laki ng grupo, mga 15 namag-aaral kung posible.3-5Bawas na laki ng grupo, mga 22 namag-aaral kung posible.6-8Regular na laki ng klase.PAGDISTANSYA SA KATABI PARA SAMATAAS NA PAARALAN (BAITANG 9–12) Para magkaroon ng mgasa pasasyang opsyon sa pag-aaralang mag-aaral sa mga mataas na paaralan, hindi posibleang paggugrupo-grupo ng klase. Para mas mapadali ang pagdistansya sa katabi atmatiyak ang kalidad ng edukasyon, ang mga mag-aaralsa mataas na paaralan ay maaaring mag-aral samagkahalong kapaligiran, papasok sa paaralan dibababa sa kada ikalawang araw. Maaaring mag-operate nang walang rotationalattendance (salitang pagpasok) ang mga paaralan nakayang magbigay ng angkop na pagdistansya sa katabihabang nasusunod pa rin ang mga panuntunangpangkalusugan at pangkaligtasan. Kailangang maglagay ng pisikal na distansyang isang metroang mga mag-aaral sa mataas na paaralan na nasa isangsilid-aralan at dalawang metro sa labas ng silid-aralan. Kukunin pa rin ang bilang ng dumalong mag-aaral nanakikibahagi sa malayuang pag-aaral o magkahalongparaan ng pag-aaral.PROTEKTAHAN ANG IYONG SARILI,PROTEKTAHAN ANG IBA SA LOOB NGINYONG SILID-ARALAN Manatili sa bahay kung may sakit ka o may mgasintomas ng COVID-19. Hugasan o sabuninang iyong mga kamay kapagdumarating ka sa inyong klase at madalas sa buongmaghapon, gaya ng kinakailangan. Sundin at panatilihin ang pagdistansya sa katabi. Gawing kasanayan ang mabuting asal sa personal na kalinisan.13

Mga Silid-aralanMGA COMMUNITY MASK (PANTAKIP SABIBIG AT ILONG) Isang mabisang kagamitan ang mga community maskpara makontrol ang pagpasa ng COVID-19. Lahat ng mag-aaral at kawani ng paaralan ay dapat namayroong malinis na pantakip sa bibig at ilong namagagamit sa buong maghapon sa paaralan. Inirerekumenda ang mga pantakip sa bibig at ilong salahat ng emerhensyang pagsasanay pero hindi sapuntong makakasagabal sa pagtugon sa pagsasanay. Hindi kailangang magsuot ng pantakip sa bibig at ilongang mga mag-aaral sa loob ng kanilang grupo. Hinihimok ang mga mag-aaral sa K–5 na magsuot ngpantakip sa bibig at ilong sa mga karaniwang lugar kapagnasa labas ng mga grupo ng klase na nasa loob ng gusaling paaralan. Halimbawa, pagpunta sa silid-hugasan,pagbisita sa resource teacher, atbp. Dapat gumamit ng pantakip sa bibig at ilong samga karaniwang lugar sa labas ng kanilang klaseang mga mag-aaral sa Baitang 6–12.PAGHIHIRAMAN NG MGA MATERYAL Lahat ng pinaghihiramang materyal tulad ng mgacomputer, kagamitan na pampisikal na edukasyon, mgainstrumentong pangmusika, mga microwaves, atbp. ayididisimpekta sa pagitan ng mga paggamit. Isang mag-aaral lamang ang dapat gumamit ng mgamateryal na hindi puwedeng idisimpekta. Halimbawa,playdough (minamasa). Kakailanganing magdisimpekta ng kanilang mgalamesa at upuan ang mga mag-aaral sa Baitang 6-12pagkatapos ng bawat klase.14

Pag-aaralMagiging buong panahon ang pag-aaral para sa lahat ng mag-aaral. Ituturo ang regular na kurikulum at magkakaroon ng regularna mga ebalwasyon at mga card ng ulat. Magkakaroon ng mga karagdagang resources na susuporta sa kagalingan at mental nakalusugan.PAG-AARAL NG KINDERGARTENHANGGANG BAITANG 8 Mapapasapaaralan nang buong panahon ang mga magaaral mula Kindergarten hanggang Baitang 8. Isasama sa kurikulum ang mga aktibidad na nagsusulongng mabuting kalusugan at kamalayan sa kaligtasan. Babawasan ang bilang ng kawani ng paaralan namagtuturo sa grupo ng klase. Pinasisigla ang mga aktibidad ng pag-aaral sa labas, kasama naang panahon ng pagmiryenda, pag-aaral na nakadepende salugar at ng hindi nakaistrukturang oras.PAG-AARAL SA MATAAS NA PAARALAN Makikibahagi ang mga mag-aaral sa mataas na paaralansa kapaligirang magkahalong paraan ng pag-aaral, sapaaralan at online. Mapapasapaaralan ang mga mag-aaral di-bababa sa kadaikalawang araw. Kukunin ang bilang ng dumadalo kapag ang mga mag-aaral aynag-aaral online. Para matamo ang mga resulta sa pag-aaral sa kanilangpasadyang plano sa pag-aaral, maaaring irekumenda sa ilangmag-aaral ng pangkat na pang-istratehiya na silamapasapaaralan araw-araw. Ang mga mag-aaral na dinidisiplina, tulad ng mga trade, aymaaaring pahintulutan na dumalo araw-araw. Gagawin ang pag-aaral gamit ang mga istratehiyang pangedukasyon tulad ng online, nakabatay sa inaasahan(projected-based), at pag-aaral na nakabatay sa pagobserba at aktuwal (experiential learning). Matututo ang mga mag-aaral sa paraang pang-indibidwal atkasama ng mga grupo. Magkakaroon ng pagkakataon namakagamit ang mga mag-aaral sa mga virtual na espasyon(virtual spaces) na magpapahintulot sa pagtutulungan,networking at teamwork. Magdadala ang mga mag-aaral ng kanilang mga sarilingeletronikong device sa paaralan para sa pag-aaral. Pagbubutihin ang IT infrastructure para suportahanangkasabihang Pagkukusang Magdala ng Iyong Sariling Device(Bring Your Own Device Initiative). Maaaring itatag ang mga lugar para sapangalawahing pag-aaral sa loob ng lokal na mgakomunidad para suportahan ang mga mag-aaralna maaaring walang sariling koneksyon sainternet o waang magagamit na teknolohiya.PISIKAL NA EDUKASYON, MUSIKAAT SINING Mahalagang bahagi ng kurikulum ang pisikal naedukasyon, musika at sining. Pinasisigla sila at dapatmaturuan kapag posible. Hindi maghihiraman ng mga materyal atkagamitan maliban kung madisimpekta. Hindi papayagan ang pag-awit at pagpapatugtog nginstrumentong hinihipan.DAGDAG NA KURIKULUM, MGAFIELD TRIP AT IBA PANG AKTIBIDAD Para sa K–8, ang mga aktibidad na ito ay ipahihintulotkung sila ay nakakatugon sa mga kinakailangan sapaggugrupo-grupo. Para sa Baitang 9–12, ipapahintulot ang mgaaktibidad na ito kung magagawa ng mga mag-aaralang pisikal na distansya. Susunod ang mga aktibidad na ito sa anumangkaragdagang panuntunang pangkalusugan nakinakailangan ng Public Health. Poprotektahan ang mga paggugrupo-grupo ng klasekapag nakikibahagi ang mga mag-aaral sa aktibidad nawala sa bakuran ng paaralan. Inirerekumenda ang mga aktibidad sa labas ngsilid at dapat unahin.MGA ASAMBLEYA Hindi pahihintulutan ang malalaking aktibidad sapaaralan o mga asambleya. Puwede itong isagawanang virtual.15

Pag-aaralMALAYUANG EDUKASYON (DISTANCE EDUCATION) SAPANAHON NG PAGLAGANAP NG SAKIT Magpapatuloy ang edukasyon bilang m

at gagamit ng pagdistansya sa katabi para mabawasan ang panganib sa masalin ang sakit. BUONG PANAHONG PAG -AARAL Mahalaga ang edukasyon para sa pag-unlad ng mga bata at para sa kinabukasan ng probinsya. Kahit nasa anong baitang ng Public Health ang probinsya, magpapatuloy na buong panahon ang pag-aaral.

Related Documents:

Gabay ng Magulang sa Proseso ng Pagpapasok, Pagbabalik-aral, at Pagpapaalis Pahina 1 Hulyo 2020 Panimula Ang gabay na ito ay binuo ng Statewide Leadership for the Legal Framework Project Team at ng Texas Education Agency (TEA) bilang tugon sa pangangailangan sa Texas Education Code (TEC) § 26.0081.Ang

Sa mga paaralan na ito, ang mga bata ay maaaring magpatala sa isang programa pagkatapos ng klase para sa musika, isports, tulong sa homework, o ibang mga gawain. Ang ilan sa mga paaralan ay sumisingil ng bayad para sa mga programang ito. Dapat ninyong ipatala ang inyong mga anak sa mga espesyal na programa at

K to 12 CG Code kapayapaan sa tahanan at paaralan tulad ng: 12.1.pagiging masaya para sa tagumpay ng ibang kasapi ng pamilya at ng kamag-aral 12.2.pagpaparaya 12.3.pagpapakumbaba 13. Nakatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa loob ng tahanan at paaralan para sa m

Bilang ng Modyul: 2 Modyul 2: Sandigan ng Lahi Ikarangal Natin! Bilang ng Sesyon: 7linggo Paalala: Itong Gabay ng Guro ay magsisilbing gabay ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino sa Baitang 8. Naglalaman ito ng kumpletong mga mungkahing gawain para sa bawat aralin at estrateh

katangian ng isang wika. Sa Filipinas, madalas ang ortograpiya ay nasa anyo ng isang aklat. Ginagamit ang mga ortograpiya bílang gabay sa ispeling para sa mga textbook, diksiyonaryo, mga pahayagan, at iba pang publikasyon. Isa rin ang ortograpiya sa hinahanap ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) bago magsimula ang Mother

5. Paglalahat: Sumunod sa hudyat ng kampana sa paaralan. 6. Paglalapat: a. Malapit ka na sa inyong paaralan, narin ig mo ang hudyat na kampana upang luminya na para sa pagtaas ng watawat. Ano ang gagawin mo? b. Nasa kalagitnaan ng paglalaro ang iyong mga kaklase ng biglang tumunog

Dr. Laurence B. Brown NADIYOS ˇGRASYA ( MIS ˇGODED ) Isinalin sa Tagalog ni Muhammad Eisa de Jesus ISANG MAPA NA LANDAS NG GABAY AT KAWALANG-GABAY SA LOOB NG MGA RELIHIYONG ABRAHAMIKO Lahat ng mga sipi ng kasulatan, maliban kung nasasaad nang kaiba, ay mula sa New King James Version.

Araling Panlipunan Ikalawang Markahan - Modyul 5: Interaksiyon ng Demand at Supply Z est for P rogress Z eal of P artnership 9 Name of Learner: _ Grade & Section: _ Name of School: _ Alamin Ang pinakatiyak na layunin ng modyul na ito ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa interaksiyon ng demand at supply. Mula sa mga inihandang gawain at .