MULA TORE PATUNGONG PALENGKE Neoliberal Education In The . - Weebly

1y ago
16 Views
2 Downloads
3.47 MB
366 Pages
Last View : 12d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Lee Brooke
Transcription

Neoliberal Education in the PhilippinesiMULA TOREPATUNGONG PALENGKENeoliberal Education In the PhilippinesMga PatnugotBienvenido LumberaRamon GuillermoArnold AlamonCongress of Teachers and Educatorsfor Nationalism and Democracy (CONTEND)Alliance of Concerned Teachers (ACT)IBON Philippines2007

iiMula Tore Patungong Palengke

Neoliberal Education in the PhilippinesAlay kayProp. Monico M. Atienzaat sa mgamakabayang gurongbiktima ng dahas ng estado:Rodriga ApolinarGloria CasugaRodrigo CatayongJose Maria CuiLeima FortuDanilo HagosojosJoan LingkuranNapoleon PornasdoroVitoria Samonteiii

ivMula Tore Patungong PalengkePasasalamatLubos na nagpapasalamat ang CONTEND sa mga sumusunod:kay Dean Virgilio Almario, Aurora Carandang, at Vicente Zamora ngCollege of Arts and Letters (CAL), Unibersidad ng Pilipinas - Dilimanpara sa kanilang suporta sa forum kung saan binasa ang mga papel nabumubuo ng koleksiyong hawak ninyo ngayon; kina Jaz Lumang at CristyPurificacion at ng buong Ibon Foundation para sa kanilang masikhay napakikipag-ugnayan sa ikatlong publikasyon na ito; kina RommelRodriguez, Judy Taguiwalo, RC Asa at Jonnabelle Asis para sa kanilangmahusay at masiglang ambag at pakikisangkot sa paglathala; at kay JasperAlmirante para sa kanyang mural na ginawa para sa forum ngCONTEND na "Sentenaryo ng Mis-edukasyon" noong taong 2000 nasiyang ginamit bilang disenyo ng pabalat; at lalong-lalo na sa mga mayakda ng mga artikulong ito na nagbahagi ng kanilang talino para sa kritikalna pagsusuri ng sistema ng edukasyon sa ating bansa. Patunay silang lahatna malawak ang hanay ng makabayan at mapagpalayang kilusan sa loobat labas ng Unibersidad.

Neoliberal Education in the PhilippinesvMga NilalamanIntroduksyonixI. Kasaysayan at KonseptoEdukasyong Kolonyal:Sanhi at Bunga ng Mahabang PagkaalipinBienvenido Lumbera1Philippine Education in theNeocolonial PeriodAlexander Martin Remollino9Liberalism, Neoliberalism andthe Rise of Consumerist EducationEdberto M. Villegas19The Symptom Called MarketisationSarah Raymundo31II. Karanasan at PatakaranDeregulation at the Expense ofQuality EducationDanilo Araña Arao43Ang Irasyunalidad ng Rasyonalisasyon:Isang Pagsusuri sa Public Higher EducationRationalization ProgramJonnabelle Vidal Asis55

viMula Tore Patungong PalengkeEconomics of Philippine Education:Serving the Global MarketJennifer del Rosario-Malonzo81Pribadong Tubosa Tersyaryong EdukasyonRonalyn Olea95Docile Minds, Commodified Bodies:Young Women in the Contextof Globalization and Neoliberal EducationJoan M.E. Salvador105Corporatizing Public Education in the Philippines:The Case of USAID and the Ayala FoundationPeter Chua115Rationalizing Failures:The Philippine Governmentin the Education Sector (1997)Ramon Guillermo127III. Neoliberalismo sa Unibersidad ng PilipinasNeoliberalism in the UPElmer A. Ordoñez139Pseudo-Progresibong Pragmatismosa Usapin ng Pagpopondo sa Unibersidad ng PilipinasR. C. Asa145Ang Revitalized General Education Program (RGEP)ng Unibersidad ng Pilipinas: Edukasyong Nakamodelosa PamilihanRamon Guillermo179

Neoliberal Education in the PhilippinesAng Pribatisasyonsa Unibersidad ng Pilipinasat ang Landas na Tinatahak nitoClodualdo “Buboy” Cabreravii195IV. Neoliberalismo sa Kurikulum, Media at ang mga AlternatiboThe Pedagogical Roleof Englishin the Reproduction of LaborGonzalo Campoamor II199Neoliberalistang Pagpapaplanong Pangwika:Tungo sa Komodipikadoat Episyenteng PagpapahayagMelania L. Abad211History, Colonialismand TextbooksFrancis A. Gealogo227Science and TechnologyEducation for Whom?Giovanni Tapang257Kulturang Popularat Pakiwaring Gitnang UriRolando B. Tolentino269Ang Post-istrukturalismobilang Bagong Pormalismoat Kanlungan ng NeoliberalismoGary C. Devilles283On Teaching LiteratureNonilon V. Queano297Ang Neoliberal na Edukasyon sa MediaMaricristh Magaling at Soliman A. Santos305

viiiMula Tore Patungong PalengkeThe Struggle for Culturaland Ethnic Justice in the Age of Neoliberal Capitalism:The Case of Indigenous Education Amongthe Aetas of Botolan, ZambalesGerry Lanuza311“A para sa Armalayt”: Ilang TalaHinggil sa Rebolusyonaryong EdukasyonKenneth Roland A. Guda329Teacher’s GuideArnold AlamonIlang Tala Hinggilsa mga Manunulat at Editor335345

Neoliberal Education in the PhilippinesixIntroduksyonPara sa mga kolonyalista - Espanyol at Amerikano kapwa - iisa lamang anglayon ng edukasyon para sa mga mamamayan ng bayang kanilang sinakop,at iyon ay ang pasipikasyon. Dinadamtan ang layuning iyan ng kung anoanong saplot na paliwanag na nagbibigay ng anyong marangal sa ginawanilang pandarahas o panlilinlang, subalit lilitaw pa rin na binibigyan nila ngedukasyon ang mga katutubo upang mapasang-ayon ang mga ito sa kanilangpangungubkob. Samakatwid, hindi upang sagipin ang mga sinakop sa dagatdagatang apoy ng impyerno, hindi upang buksan sa liwanag ng katwiranang isipan ng mga kabataang namamahay sa karimlan, kundi upangpatahimikin ang mga sinakop nang sa gayo’y maluwalhating matamasa ngmga kolonyalista ang bunga ng kanilang pangangamkam ng teritoryongmagpapalawak sa kanilang kapangyarihan bilang bansa.Ang Diyos ng mga taga-Europa ng Edad Medya ay dinala rito ngmga Espanyol noong Siglo 16. Ito ang ginamit nilang instrumento sapasipikasyon ng mga katutubong dinatnan nila sa mga isla ng Filipinas. Naiibaang Diyos ng mga Kristyano sa mga mumunting diyos na kilala ng mgakatutubo. Para sa mga ito, may mga puwersang nagpapalago ng mgahalaman, nagpapagalaw sa maiilap na hayop at ibon sa kagubatan,nangangalaga sa mga ilog at batis, at nagbibigay-lakas sa mga gerero ng lipi.Iyan ang mga puwersang iginagalang at ipinagbubunyi ng mga sinaunangtao bilang diyos. Nang dumating ang mga taga-Kanluran, may bagongkapangyarihang kailangan nilang kilalanin at dalanginan araw-araw upangkanilang matiyak na sila’y magtatamong-ginhawa sa kabilang buhay.May mga taong pinili ng Diyos upang ipaalaala sa mga katutuboang kanilang mga katungkulan bilang mga nilalang na biniyayaang magingbahagi ng paghahari ng mga Espanyol. Sila ang mga prayle. May mgasimbahang itinayo ang mga ito at doon tinuturuan ang mga bata at matandakung paano maglingkod sa Diyos na dinala nila sa Filipinas. Sa mga simbahangiyan, itinuturo ang dapat paniwalaan upang ang indibidwal ay mabuhay

xMula Tore Patungong Palengkenang matiwasay sa mundong ito at upang siya’y maligtas sa pagkahulog saimpyerno kapag siya’y namatay. Ang pangunahing aral na dapat isabuhayng mga kabataan ay ang pagiging masunurin sa mga taong maykapangyarihan sa simbahan, sa lipunan at sa pamilya. Ganyan angpasipikasyong ipinaranas sa mga kolonisado sa unang yugto ng kolonisasyongEspanyol.Akdang nagtipon ng iba’t ibang aral mula sa mga prayle mula panang unang nangaral ang mga ito sa mga katutubo hanggang Siglo 19 angUrbana at Feliza (1864) ni Modesto de Castro. Ganito ang ipinararating sakalalakihan: “. . . ang kamahalan at karangalan ang dapat humanap ng ulongpuputungan, at di ang ulo ang dapat humanap ng koronang ipuputong.”Kulang-kulang na dalawang siglo na ang itinagal ng kolonisasyon, at angaral ng pasipikasyon ay isa nang batas ng lipunan sa panahong nagsisimulanang mamulat ang mga katutubo sa kahungkagan ng mga pangaral ng mgaprayle. Kung ating lilingunin ang kasaysayan ng edukasyon sa siglong malayona sa pagdaong ng mga kolonisador, makikita natin na ang kumbento angsiyang tumayong sentro ng edukasyon at ang prayle ang makapangyarihangdirektor na nagtatakda ng mga patakaran. Magugunita na ang pagtuturo ngEspanyol sa mga katutubo ay paulit-ulit na itinagubilin ng Korte sa Espanya,at iyon ay paulit-ulit ding nilabag o ipinagwalang-bahala ng mga prayle.Noong 1863, isang dekreto ang ibinaba ng Korte upang lunasanang kakulangan ng kolonya ng sistematikong pagtugon sa problema saedukasyon. Ito ang Decreto Real ng 1863 na nagtakda ng pagtatayo ngpaaralang primarya sa lahat ng pueblo at ng sapilitang pagpasok ng mgabata sa eskwelahan. Itinakda rin ang pagbubukas ng paaralang Normal namagbibigay ng dalawang-taong pagsasanay upang ihanda ang mga estudyantesa pagiging guro. Tila ang bagong patakaran sa edukasyon ng mgamamamayan ng kolonya ay paglihis sa kinaugalian tungo sa matinongedukasyon ng kabataan. Subalit ang sistemang ipinanukala ng dekreto ayhindi gaanong naiba sa dating sistema sapagkat nakapailalim pa rin ito sapamamahala ng prayle o kura. Sa nobelang Noli Me Tangere (1887), pinunani Rizal ang patuloy na paghawak ng mga prayle sa edukasyon nang isalaysayang pagtutol ng kura paroko sa plano ni Crisostomo Ibarra na magtayo ngpaaralang primarya na hindi kontrolado ng kumbento.Kung Diyos ang kinasangkapan ng mga Espanyol sa kanilangpagpapatahimik sa mga mamamayang ayaw pailalim sa kanilangkapangyarihan, ang wikang Ingles ang instrumentong ginamit ng mgaAmerikano upang tiyakin na mananahimik ang mga Filipinong pinoot ngkanilang pa-traydor na pananakop. Mga ilustradong kumalas sa

Neoliberal Education in the Philippinesxirebolusyonaryong hukbo ng republikang pinamunuan ni Emilio Aguinaldoang tumayong mga prayle sa pagpapatahimik sa mga nagtatanggol samalayang pamahalaan ng mga Filipino. Sa pamilya ng mga ilustradonanggaling ang mga elite na Filipino na naunang tumanggap sa wikangpanturo na itinakda ng administrasyong kolonyal ng mga Amerikano. Sinadyang mga bagong kolonyalista na ang elite ang una nilang kabigin sa kanilanghanay. Ang programang ginamit upang bitagin ang mga anak-ilustrado ayang sistemang pensionado na nagpadala sa mga kabataang Filipino saAmerika upang mag-aral sa mga kolehiyo at unibersidad at makipanirahansa mga pamilyang Amerikano. Sa pamamagitan ng Ingles, samakatwid,isinubo ang mga kabataan sa kultura ng lipunang Amerikano na, sa dahilangmay higit na maunlad na ekonomiya, ay nakapagdulot ng mga produkto,kagamitan at luho ng katawan na hindi pa malaganap sa Filipinas. Sa pagbalikng mga pensionado sa Filipinas, may mga katutubong tagapamansag nangnaitanim sa ating lipunan ang kolonyalismong Amerikano, hindi lamang salarangan ng edukasyon kundi pati na sa ekonomiya at politika.Noong 1901 pa lamang, tiniyak na ng Philippine Commission angtagumpay ng kolonisasyong Amerikano nang itakda ng Act No. 74 angpagtatayo ng sistemang pampublikong paaralan na magbibigay ng librengprimaryang edukasyon. Itinayo rin ng nasabing batas ang isang paaralangNormal kung saan sasanayin ang mga gurong Filipino na sasalo sapagtuturong ginagampanan ng mga Amerikanong militar at sibilyan. DahilIngles ang wikang panturo, ang mga naunang teksbuk sa mga paaralangprimarya ay mga librong ginagamit ng mga kabataang Amerikano, na tilabaga walang pagkakaiba ang kulturang pinanggalingan ng mga mag-aaralna magkaiba ang lahi. Ang ibinunga ng ganitong kaayusan ay mga Filipinongnag-iisip, kumikilos, at nagpapasya batay sa mga pagpapahalagang hiram samga Amerikano, at ito ang ugat ng pagkakahiwalay ng mga “edukadong”Filipino sa mga kababayang, bunga ng kahirapan, ay bahagya na lamangnabahiran “edukasyong kolonyal.”Taong 1935 na nang bitawan ng mga Amerikano ang Departamentong Edukasyon at ipagkatiwala ito sa mga opisyal na Filipino, na nauna nanghinubog nila ayon sa kanilang imperyalistang oryentasyon. Ipinagugunitanito sa atin ang maigting na pagkapit ng mga prayle at kura sa oryentasyongpansimbahan sa harap ng repormang ipinapasok ng Dekreto Real ng 1863.Uulitin natin ang obserbasyon na ang mga kolonyalista ay may iisang layuninsa pagbibigay ng edukasyon sa sambayanang kanilang sinakop, at iyon ayang pasipikasyon, pagpapatahimik sa anumang pagtutol sa pangungubkobng dayuhan.

xiiMula Tore Patungong PalengkeAng Mikrobyong Naging KatawanTinutukoy ng neoliberalismo ang ideolohiyang nagtataguyod ngliberalisasyon ng ekonomiya. Mula sa kamay ng gobyerno, ipinipindehoang mga pambansang industriya—kasama lalo ang paggawa—para saglobalisasyon. Ito ang blackhole na humihigop sa lahat ng ginagawa nggobyerno, upang manilbihan sa negosyo, partikular ang mga dayuhangnegosyo sa pamamagitan ng liberalisasyon (pagtanggal sa lahat ngpambansang balakid para makalabas-masok ang dayuhang kapital),pribatisasyon (pagpaubaya ng gobyerno sa mga industriya, kasama angpambansang industriya, sa kamay ng pribadong sektor), komersyalisasyon(pagtanggal sa subsidyo at proteksyon, pagtapat sa serbisyo at produkto satumbas na halaga ng pamilihan), at kontraktwalisasyon (walang permanentedahil dagdag na balakid lamang ito sa puhunan, lahat ay pleksible nakinokontrata, kabilang ang serbisyo at paggawa).Ang layunin ng neoliberalismo ay paigtingin pa ang mga karapatanat imperatibo ng pribadong pag-aari. Tinatanggal ang mga balaho para samabilis na pagpapadaloy ng pribadong pag-aari na pagkamkam ng dagdagna yaman. Walang tigil, 24/7 na ang kita sa stock markets at derivatives,pagpasok sa mga kontrata, at iba pa. Free market capitalism ang inihahayagnito. Hindi ito hiwalay sa kultural na epekto ng neoliberalismo—angpagbibigay-pribilehiyo sa pribadong indibidwal na magkamkam ng kita atyaman. Sa ating bansa, ang pagsasalin nito ay sa nagpapalaganap ngpaniniwala sa kakayahan ng indibidwal na umigpaw sa uring kinasasadlakannang nakararami at mapabilang sa pribilehiyadong status ng gitnang uri nanakakapagbukas sa mga pinto ng oportunidad sa ehersisyo ng politikal,ekonomiko at kultural na kapangyarihan.Kung dati ay may safety net pa—ang gobyerno, halimbawa, anghumahawak ng mga pangunahing industriya, tulad ng bigas, tubig, kuryente,edukasyon, at gasolina—para matiyak ang kontrol sa presyong maaabot ngnakararaming naghihirap, ang kasalukuyang diin ay pribatisasyon o kanyakanyang pag-agapay sa mga panuntunan ng tinatawag na disente (gitnanguri) na buhay. Kanya-kanyang paggawa ng bahay, pagtustos sa pag-aaral,paghagilap ng makakain at maiinom. Ang gobyerno na dating invisible napuwersa sa Keynesian economics ay ngayong ahensyang naglilingkod sadayuhang kapital. Sa pagpapalabas ng mga batas, paggamit ng dahas,pagpako sa sahod at pagpaparaya sa dikta ng pamilihan, ang gobyerno aymabilisang nawawala sa paghahatid ng serbisyong publiko at pumapapel sapagsasanla ng yaman at paggawa nito sa dayuhang kapital. Ang may kultural

Neoliberal Education in the Philippinesxiiina kapital (edukasyon) ay nangingibang-bayan, tulad ng sampung milyongoverseas contract workers (OCW), o ang special offer ng kasalukuyanggobyerno—ang maging kasapi ng pinakabagong rainbow industry sa bansa,ang call center. Pero ang nakararaming walang oportunidad sa panlipunangmobilidad ay dumaranas ng matinding pagkagutom, at ang opsyong natitirasa kanila: ang kumain ng “pagpag” (mangalaykay ng pagkain sa basurahanpara muling iluto at ulamin).Labinglimang milyong Filipino ang namumuhay sa 1 bawat araw,lumalawak ang dumaranas ng gutom. Ang sabi ni Gloria Macapagal-Arroyo,maging siya ay nakaranas na rin ng pagkagutom. Ang pagkakaiba, dumanassiya ng pagkagutom dahil pinili niyang hindi kumain at hindi dahil walasiyang makain. Siya ang may pansariling pagpapasya at may hawak sa pangestadong kapangyarihan. Walang interes na iangat ang nakararami sa balonng kahirapan dahil hindi ito ang layunin ng gobyerno. Kanya-kanyang pagahon sa balon ng kagutuman at kahirapan. Ang pangunahing sinusuportahanng gobyerno ay ang lokal na negosyong higit na makakapanghimok sadayuhang kapital, at ang mga ito ang puwersang bumubuo ng estado at ngnaghaharing uri sa bansa.Sa edukasyon, pinapalaganap ang Ingles bilang midyum ngkomunikasyon. Tinanggal ang mga sabjek na makakahimok ng kritikal napag-iisip, kinompres ang lahat sa Makabayan Curriculum, at pinaboran angsyensya, matematika at Ingles. Sa tersyaryong edukasyon, ang bulto ngresponsibilidad ay inilagi sa kamay ng pribadong sektor. Ang state collegesat universities (SCU) ay binabawasan ng budget, hinihimok na gamitin angkanilang mga lupain at iba pang ari-arian para makapangalap ng dagdag nakita, kasama ang paghihikayat sa mga fakulti na maging aktibo sa pag-akitng funding mula sa negosyo at global na ahensyang nagpopondo. Walangceiling sa pagtaas ng matrikula sa pribadong sektor, at sa SCU ay itinatapatsa komersyal na tumbas ang halaga ng matrikula. Naglipana na ang reviewschool para sa mga di-makapasok na aplikante sa call center, at vocationalschool para sa caregiving, isa pang rainbow industry. Mga vocational courseang iprineprenda ng pamahalaan para sa mabilisang re-skilling ngmanggagawang higit na magagamit sa kumikitang negosyo.Ang kasaysayan ng edukasyon sa bansa ay kasaysayan ngpamamayagpag ng elitistang interes na pangunahin nitong pinaglilingkuran.Kakatwa ang epektong dulot ng edukasyon: ang nakararaming naghihirapay nakukumbinsing magkaroon ng identifikasyon hindi sa kanilang uri, kundisa tila abot-tanaw, abot-kamay na gitnang uri. May pagtatwa sa politisasyonng uring pinanggalingan para paboran ang gitnang uring pinagpapantasyahan.

xivMula Tore Patungong PalengkeNaluklok ang edukasyon bilang alternatibong kalakaraan ng panlipunangmobilidad. Hindi na lamang istorikal na pag-aari ng lupa at kapital angnagbibigay ng oportunidad para umangat sa uring kinalalagyan, kundi angpapel na diploma ay tila bertud na pinaniniwalaang makakapagpabuti hindilamang sa lagay ng indibidwal kundi maging ng kanyang pamilya at mahalsa buhay.Hindi naman lubos na nagkakatotoo ang fantasyang ito. Sa 66 magaaral na makakatapos ng Grade 6, 43 lamang ang makakatapos ng highschool, at 14 na lamang, ng kolehiyo. Kinahaharap ng kalahating milyongnagsipagtapos sa kolehiyo taun-taon ang pinakamataas na unemploymentrate sa kasaysayan, at dagdag pa rito, ang tumitinding underemploymentrate o ang pagpasok sa mas mababang uri ng trabaho kaysa pinag-aralan.Sa maraming pamilyang Filipino, sentral pa rin ang edukasyon sa panlipunangmobilidad. Pinaniniwalaang ito ang kultural na kapital na makakapag-angatsa kolektibong lagay ng pamilya kahit hindi naman talaga.Ang neoliberalismo ay mikrobyong naging katawan ng atinggobyerno, at pilit tayong hinahawaan para sumanib sa paghahari ngpaniniwalang malayang kalakalan at pribadong pag-aari. Wala nang hindihahawaan ng mikrobyo, ayon sa naghaharing uri kahit pa dinadambana samismong deklarasyon ng opisyal na polisiya at kalakarang karapatang pantaosa Konstitusyon ang karapatan para sa kasarinlan (self-determination). Higitna sisipatin ng mga sanaysay sa antolohiyang ito ang mga salik, dilema,imperatibo at alternatibo sa namamayagpag na karanasan sa neoliberal naedukasyon.Ang mga SanaysayAng mga artikulo sa koleksyong ito ay pinagsamasama sa apat na bahagi.Sa bawat bahagi ay ang mga sanaysay na tumatalakay sa iba’t-ibang aspetong neoliberalismo at ang relasyon nito sa kalagayan ng edukasyon sa bansa.Binibigyan ng historikal at teoretikal na pagpapakilala ang konsepto ngneoliberalismo sa unang grupo ng mga sanaysay. Mahalaga ang bahagingito dahil nagbibigay ito ng kritikal na balangkas sa pagsusuri sa neoliberalismobilang ideolohiyang nabuo sa isang partikular na panahon sa kasaysayan ngpandaigdigang ekonomiya. Ang pagsusuring ito ay lalong napapanahon dahilsa patuloy nitong pamamayagpag sa akademya sa pamamagitan ngpostmodernismo at sa pagbibigay nito ng oryentasyon sa mga reporma sasektor ng edukasyon.

Neoliberal Education in the PhilippinesxvMula noong panahon ng mga Kastila, lalo na sa ilalim ng kolonyalna pamumuno ng mga Amerikano, ginamit ang edukasyon bilang paraanng panunupil at pagdomina. Sinisikap patunayan ng mga sanaysay sapangalawang bahagi na ang ganitong mga katangian ay patuloy na nananatilisa sistema ng edukasyon ng bansa sa ilalim ng mga polisiyang neoliberal namahigpit na ipinapatupad ng IMF-WB. Ipinapakita ng mga sanaysay sabahaging ito na hindi lamang usapin ng kakulangan sa pondo atmisprioritization ng gobyerno ang problema ng sistema ng edukasyon sabansa. Mas higit pa dito, may problema sa oryentasyon ang pambansangsistema ng edukasyon. Ramdam ang krisis sa edukasyon ng bansa hindilamang sa maling oryentasyon nito kundi pati na rin sa mga neoliberal napolisiyang ipinapatupad gaya ng pribatisasyon at deregulasyon na mas lalongnagpapahirap sa mga magulang na makamit ang inaasam na edukasyonpara sa kanilang mga anak. Sa ilalim ng neoliberal na agenda, ang turing saedukasyon ay isang produkto sa pamilihan at ang mga eskwelahan ay pawangmga kompanya at pagawaan na sumusunod din sa batas ng pamilihan. Attulad ng mga pagawaan, ang mga gradweyt ng mga pamantasan ay parangmga produktong handa na ring isalampak upang manilbihan sa mgakapitalistang kompanya o dili kaya’y tumuloy sa ibang bansa upang ilakoang mura nilang lakas-paggawa.Inilalahad naman ng mga sanaysay sa ikatlong bahagi angkasalukuyang kalagayan ng Unibersidad ng Pilipinas (UP). Maaaring tanunginkung bakit naglaan ng isang buong bahagi para sa UP. Maliban sapangyayaring ito ang pangunahing institusyong pang-akademiko na itinatagng mga Amerikano upang matugunan ang mga pangangailangan ng kolonyalna estado noong 1908 (mag-iisang dantaon na), makikita rin na angpamantasang ito ang nangunguna sa pagtataguyod at pag-eeksperimento sapagpapatupad ng mga patakarang neoliberal. Sanhi nito’y nagiging modeloang UP ng mga patakaran at pakanang ipapatupad rin sa ibang SCU. Mayroonditong sanaysay tungkol sa karanasan ng pakikipagtunggali ng mgaprogesibong grupo sa Unibersidad ng Pilipinas laban sa pagpapatupad ngneoliberal na agenda. Nariyan ang paglalahad ng kalagayan ng mga kawaniat mga estudyante sa pamantasan na pinamunuan ng mga “pseudoprogesibong” puwersa sa loob ng Unibersidad na nagsusulong kunwari ngreporma.Ang patuloy at lalong tumitinding paggigiit ng gobyerno sa paggamitng Ingles sa mga eskuwelahan bilang wikang panturo ay sumasalamin samakadayuhang oryentasyon ng edukasyon sa bansa na siyang paksa ngikaapat na bahagi ng koleksyon. Makikita sa mga sanaysay sa huling bahaging

xviMula Tore Patungong Palengkeito ang epekto ng mga neoliberal na patakaran at ang mga maaaring magingtugon dito sa mga larangan ng wika, kasaysayan, panitikan, kulturang popular,agham, edukasyon ng mga pambansang minorya at rebolusyonaryongedukasyon.Ipinapakita ng lahat ng mga sanaysay na ito na mahalaga pa ringitanong kung para saan at para kanino ang edukasyon.Tungo sa Makabayan, Siyentipiko atMakamasang EdukasyonKaharap ng ganitong mga hamon ng kalakarang neoliberal ay may kagyatna pangangailangang magkaisa ang mga edukador, mag-aaral at malawakna sambayanan upang mabisang malabanan at matutulan ang marahas naatakeng dulot nito sa lahat ng antas at aspekto ng edukasyon. Sa pagbubuong ganitong nagkakaisang hanay ay nararapat isaisip na iisa lamang anglarangang pang-edukasyon sa lahat ng mga larangang panlipunang lubhangnaapektuhan ng neoliberal na globalisasyon. Matindi at pangmalawakan angpinsalang idinudulot ng mga patakarang ito sa kabuhayan, kalusugan,edukasyon at iba pang mga karapatan ng mamamayan. Masasabi sa gayonna may tunay na posibilidad na maging isang malawak at popular ang kilusanng pagtutol sa paglaganap ng neoliberal na patakaran sa lahat ng laranganng buhay-pambansa. Maliban pa ang lokal na pakikibaka sa masiglangpagkakaisa at pakikipagtulungang umuusbong sa pagitan ng mga kilusanglumalaban sa globalisasyong neo-liberal sa hanay ng mga inaapi atpinagsasamantalahan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.Ang tuwirang panunuot ng mga puwersang pampamilihanhanggang sa pinakaubod ng teorya at praktika ng dominanteng edukasyonang isang resulta ng pagpapatupad sa mga neoliberal na mga patakaran.Ang edukasyon, kaalaman at ang mismong mag-aaral ay ginagawang mgakalakal lamang samantalang pinapawalang-saysay ang lahat ng iba pangpakinabang at kabutihan na maaaring ibunga ng edukasyon maliban sapagpapalaki ng tubo. Sa ganitong kalagayan ay patuloy na nagbibigay ngmakabuluhan at matalas na perspektibang kritikal ang panawagan para saMakabayan, Siyentipiko at Makamasang Edukasyon (MSME) sa pagsusuring kasalukuyang sistemang pang-edukasyon.Magpahanggang ngayon ay malinaw na sinasagkaan ng sistemangpang-edukasyon ang pagsibol ng tunay na makabayang pananaw sa hanayng mga bata at kabataang mag-aaral. Nagtatanim pa rin ito hanggang sangayon sa pag-iisip at kamalayan ng mag-aaral ng kamalayang kolonyal

Neoliberal Education in the Philippinesxviikaharap ng mga dayuhang mananakop na sumalakay at nandambong saating bansa. Imbes na makatulong sa pagkakamit ng ganap na kasarinlan sapulitika, ekonomiya at kultura ay nagiging kasangkapan pa ito sa pagpapanatiling kamalayang alipin at patuloy na pag-iral ng bulok na sistemang nakatuonsa pangangalaga ng interes at kapakanan ng imperyalistang Estados Unidos,mangahulugan man ito ng pagdausdos ng sariling ekonomiya atpagkasangkot sa mga digmang walang kabuluhan para sa sariling bansa.Pinagtatakpan ang marahas at mapagsamantalang katangian ng kasalukuyangkaayusang pandaigdig sa pamamagitan ng retorika ng neoliberal naglobalisasyon na inilalako bilang lunas sa lahat ng mga suliranin sa daigdig.Dagdag pa rito’y ipinapalaganap nito ang ideolohiya ng makasarilingindibidwalismo na siyang nakapagpapahina sa diwa ng pagkamit ngpambansang kapakanan sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos.Ikinikintal nito sa kaisipan ng mag-aaral na ang edukasyon ay para lamangsa pansarili nilang kapakanan at kasangkapan upang umasenso sa isangglobalisadong daigdig. Ang dalawang salik na ito, ang kaisipang kolonyal atang ideolohiyang indibidwalista ay labis na nakapagpapahina sa kamalayangmakabayan sa hanay ng kabataan at mag-aaral.Hindi ginagampanan ng sistemang pang-edukasyon ang tungkulinnitong magpalaganap ng kamalayang kritikal at siyentipiko na siyangmagiging batayan ng materyal at panlipunang pag-unlad ng bansa. Sa halipnito’y nagpapalaganap ito ng mga ideyang kumikiling sa bulag na paniniwala,pananampalataya at hindi kritikal na pagsunod. Pinapupurol nito angkakayahan ng mag-aaral na mag-isip para sa sarili upang masinsinang masuriang daigdig ng tao at ng kalikasan. Ito ang sanhi kung bakit, sa kabila ngtumitinding bisa ng teknolohiya sa pang-araw-araw na buhay sa kasalukuyan,ay napakamalaganap pa rin ng kamangmangan at kawalan ng pag-unawahinggil sa lapit at gawaing siyentipiko at patuloy na namamayani ang mgakaisipang sumisikil at sumasakal sa kritikal at mapanlikhang diwa ng mgabata at kabataan. Hindi naililinaw ang katangian ng mga konsepto tulad ng“teoryang siyentipiko,” “empirikal na patunay,” at “rasyunal napangangatwiran” na nagiging sanhi ng paglaganap ng iba’t ibang uri ngkalituhang ipinaghahalo ang mga haka-hakang walang batayan at magingang mistisismo sa gawaing siyentipiko. Nahahadlangan ng ganitong kahinaanang tuluy-tuloy at mabisang pagsulong ng agham sa bansa. Hindi tuloynapapakinabangan ang malalim na balon ng talino ng ating kabataan sapagtuklas ng bagong kaalaman at, sa halip, nagiging mga simpleng tagasilbina lamang sila ng mga mauunlad na industriyalisadong bansa. Malinaw nahindi nakakabit/ikinakabit ang kasalukuyang edukasyon sa anumang

xviiiMula Tore Patungong Palengkepangmatagalang programa ng pagkakamit ng industriyal na kapasidad atkasarinlang pang-ekonomiya. Makikita ring walang mabisang papel angedukasyon sa popularisasyon ng agham at ng kaisipang siyentipiko. Sasistemang pandaigdig na ibinubunga ng neoliberal na kaayusan ay nagigingpurong kasangkapan lang ito sa pagkamal ng tubo para sa iilan, humantongman ito sa pagprodyus ng mga taong mistulang makina na sunud-sunuranat hindi nagtatanong.May dalawa namang aspekto ng elitismo sa kasalukuyang sistemangpang-edukasyon na matutukoy rito. Una, elitista ang sistemang pangedukasyon sapagkat hindi natutugunan ng komersyalisadong katangian nitoang pangangailangan sa edukasyon ng nakararaming bilang ng naghihikahosna mamamayan at kabataan. Pinagkakaitan sila ng oportunidad namapalawak ang kanilang kaalaman at higit na makapag-ambag sapamamagitan ng kanilang talino sa kaunlaran ng bansa. Lalo pang tumitindiang problemang ito sanhi ng sagadsaring komersyalisasyon at pagsasapribadong edukasyon sa lahat ng antas. Sanhi nito’y higit pang nalalayo angnapakamahal at komodipikadong edukasyon sa nakararaming mahihirapat ginagawa itong larangang eksklusibong pang-elite. Ikalawa, dahil labisnitong binibigyang-halaga ang mapagpasyang papel ng kasalukuyangnaghaharing uri at ng mga makapangyarihang indibidwal sa pamumuno atpaghuhubog ng kinabukasan ng bansa, sa pangkalahata’y hindi nagpapakitaang nilalaman ng edukasyon ng anumang pagpapahalaga at pagkilala samalalim at mayamang tradisyon ng makabayang pakikibaka ng uringanakpawis, at imbes na inilalapit ang mag-aaral sa naghihikahos nasambayanan ay nagtatanim ito ng kamalayang nagbubukod sa kanila sabuhay ng nakararami. Hindi tuloy nakapagtataka kung nawawalan ito ngkabuluhan at saysay sa buhay, mga pangangailangan at kapakanan ngsambayanan.Tungkulin ng lahat ng progresibong guro at mag-aaral angpagpapalaganap ng Makabayan, Siyentipiko at Makamasang Edukasyon saloob at labas ng mga pormal na institusyong pang-edukasyon. Sa ganitongparaan ay malilinang at maipapalaganap ang isang edukasyon na nagtataguyodng kapakanan ng bansa, nagpapayaman ng diwang mapagtanong atmapanlikha at umuugat sa buhay at pakikibaka ng nakararami. Isa itongmabisang sandata laban sa rumaragasang neoliberal na opensiba sa edukasyonat may napakahalagang papel sa pagkakamit ng tunay, ganap at malalimangpagbabago.- B.L., R.G. at A.A.

Neoliberal Education in the Philippines1Edukasyong Kolonyal:Sanhi at Bunga ng MahabangPagkaalipinBienvenido LumberaSandaang taon nang naghahari ang imperyalismong Estados Unidos (EU)sa Pilipinas, at sinadya man o hindi, nakipagtulungan tayong mga Filipino saimperyalista sa pagpapatagal ng kanilang paghahari. Pinahintulutan ng Tratadong Paris noong 1898 ang pag-angkin ng Amerika sa Pilipinas, at noong 4Pebrero 1899 tahasang gumamit ng dahas ang mga Amerikano upangkubkubin ang ating bansa. “Insureksiyon” ang tawag ng mga bagongkolonyalista sa paglaban ng mga Filipino at ito ang iginigiit nilang matuwidsa kanilang pamamaslang, pagtortyur at panununog sa lupain ng mga ninunonatin. Ito ang unang hakbang ng imperyalismong EU sa mahabangkasaysayan ng panlilinlang na bumura sa mga krimen ng mga puwersangmilitar ng EU sa Pilipinas at nagpalaganap, sa Amerika at sa

Ang Diyos ng mga taga-Europa ng Edad Medya ay dinala rito ng mga Espanyol noong Siglo 16. Ito ang ginamit nilang instrumento sa pasipikasyon ng mga katutubong dinatnan nila sa mga isla ng Filipinas. Naiiba ang Diyos ng mga Kristyano sa mga mumunting diyos na kilala ng mga katutubo. Para sa mga ito, may mga puwersang nagpapalago ng mga

Related Documents:

110 Esen Kara monograf 2020/13 Pastoral İdeal ve Neoliberal Kent: T.C. Boyle'un The Tortilla Curtain Romanında Doğanın Üretimi Öz Bu makale, T.C. Boyle'un modern klasiği The Tortilla Curtain'ın, doğanın üre- timi kavramı aracılığıyla, mekan odaklı bir yakın okumasını önermektedir. Roman, makalenin öne sürdüğü üzere, neoliberal ortamda doğanın soyut ve

pinamumunuan ng mga sibilyan. Mahaba at nakahahapo ang daan patungong demokrasya ng Korea. Mula 1948, dumanas ang bansa ng sunod-sunod na diktadura sa pagdaan ng mga dekada. Noong 1987, sa pamumuno ng mga grupo ng mga mag-aaral at mga unyon, kumilos ang milyon-milyong mamamayan sa simula noo’y tinawag na Demokratikong Pag-aalsa ng Mamamayan ng

it is clear that the Bank proposes to deal with the failures of neo‐liberalism by reinventing further rounds of neoliberal intervention (Peck, 2010). I’ll be exploring this strange ‘non‐death of neo‐liberalism’ (Crouch, 2011) in the Bank’s education

Neoliberal Water Management n 47 water sector reform (K. Bakker 2003a). As such, the focus on privatization, while understand-able, can obscure a range of issues that are key to re

Modelling (Sem). Yrd. Doç. Dr. Zehra YILMAZ Neoliberal Küreselleşmenin Melez İzdüşümleri: İslamcı Feminizm Hybrit Projections of Neoliberal Globalization: Islamist Feminism Dr. Konur Alp DEMİR Türkiye'de İl Kurulmasının Ölçütleri Üzerine Bir Değerlendirme An Asse

THE ART OF SEDUCTION AND AFFECT ECONOMY: NEOLIBERAL CLASS STRUGGLE AND GENDER POLITICS IN A TOKYO HOST CLUB BY AKIKO TAKEYAMA B.A., University of Oregon, 1999 M.A., University of Oregon, 2001 DISSERTATION Submitted in partial fulfillment of the requirements for the degree of Doctor of Philosophy in Anthropology in the Graduate College of the

Contoh: perubahan pusat pembayaran, Vot, Jab/PTJ, Aktiviti/Amanah/Projek Setia, perubahan nombor akaun bank, perubahan data gaji, perubahan data caruman KWSP, perubahan data potongan cukai dll. 5 Tkh Mula Tindakan (Action Start Date) a) Medan WAJIB bagi setiap SG20 b) Masukkan Tarikh Mula tindakan. .

support for individuals, work with small groups and learning through experience. Youth work offers young people safe spaces to explore their identity, experience decision-making, increase their confidence, develop inter-personal skills and think through the consequences of their actions. This leads to better informed choices, changes in activity and improved outcomes for young people. Youth .