Kapit Sa Patalim, Liwanag Sa Dilim: Ang Wika At Panitikang .

2y ago
822 Views
28 Downloads
956.70 KB
32 Pages
Last View : 8d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Rafael Ruffin
Transcription

Kapit sa Patalim, Liwanag sa Dilim:Ang Wika at Panitikang Filipino saKurikulum ng Kolehiyo (1996-2014)David Michael M. San JuPamantasang Dela Salle-MaynilaSi San Juan ay kasalukuyangkawaksingpropesorsaDepartamento ng Filipino ngPamantasang De La Salle-Maynila.Nagtapos siya ng BSE Major inFilipino,magnacumlaude,saBulacanState University; Masterado saPagtuturo ng Filipino sa PhilippineNormal University-Manila; atDoktorado sa Araling Timog-Silangang Asya sa Centro EscolarUniversity-Manila. Siya ay aktibongopisyal ng Pambansang Samahan saLinggwistika at Literaturang Filipino(PSLLF), National Committee onLanguage and Translation (NCLT),Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ngWikang Filipino (TANGGOL WIKA)at ng Alliance of Concerned TeachersPrivate Schools. Nagwagi rin siya ngmga pambansang karangalan parasa kanyang mga pananaliksik, tula atsanaysay.AbstrakIpinataw ng gobyerno ng Pilipinas ang bagongGeneral Education Curriculum (GEC) alinsunodsa programang K to 12, at sa pamamagitan ngkontrobersyal na Commission on Higher Education/CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Seriesof 2013. Bunsod ng nasabing CMO, burado na angespasyo ng wika at panitikang Filipino sa kurikulumng kolehiyo, ngunit dahil sa kolektibong protesta ngmga grupong makabayan sa bansa, nagsasagawang konsultasyon ang CHED hinggil sa posibilidadna magkaroon pa rin ng asignaturang Filipinosa kolehiyo, at puspusang gamitin bilang wikangpanturo ang wikang Filipino. Layunin ng papelna ito na ilahad ang pagsulong at pagbura samga tagumpay ng wika at panitikang Filipino sakurikulum ng kolehiyo mula 1996 hanggang 2014.Saklaw nito ang pagbabalik-tanaw sa mga polisiyanoong panahong kolonyal bilang batayan ng malalimna pagsusuri sa mga kaugnay na kontemporaryongpolisiya sa panahong neokolonyal. Sa pangkalahatan,ang papel na ito’y manipesto rin sa paggigiit ngespasyo para sa wika at panitikang Filipino sakurikulum ng kolehiyo, lagpas pa sa kapit-sa-patalimna pag-iral nito sa panahong neokolonyal na walangipinag-iba sa karimlang tinatanglawan ng sulongaandap-andap man ay hindi naman namamatay.Mga Susing SalitaFilipino sa kurikulum pangkolehiyo, pagpaplanongpangwika, politika at wikang pambansa, K 12 nakurikulum, wika at edukasyon19

HASAA NSa pangkalahatan, regresibo o paurong ang takbo ng pagpaplanongpangwika sa Pilipinas sa kasalukuyan. Pagkatapos ng ilang dekada ngmatagumpay bagamat kapit-sa-patalim pa rin na Filipinisasyon ng sistemangpang-edukasyon kasabay ng pag-abante ng wikang Filipino bilang dominantengwika sa pambansang midya at bilang lingua franca ng buong kapuluan, narito’tnakaambang burahin ng CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Seriesof 2013 ang wika at panitikang Filipino sa kolehiyo. Upang mapatunayan napaurong ang takbo ng pagpaplanong pangwika sa bansa, kailangang balikan angkasaysayan.Wika ng Himagsikan, Wika ng BayanBilang panimula, para sa simpleng pagtalakay, nililimitahan ng papel naito sa tatlong panahon ang pagsusuri sa patakarang pangwika ng Pilipinas:panahong rebolusyunaryo (1896-1899); panahong kolonyal (1899-1946) atpanahong neokolonyal (1946-kasalukuyan).Alinsunod sa Konstitusyon ng Biak-na-Bató na binuo noong 1897, Tagalogang magiging opisyal na wika ng bansa. Ang gayong probisyon ay produktong paggamit ng Katipunan sa Tagalog bilang wika ng komunikasyon, gaya ngpinatutunayan sa lahat ng mga dokumentong inilabas nito, at ayon na rin saKartilyang Makabayan: Mga Tanong at Sagot Ukol Kay Andrés Bonifacio at saKKK na sinulat at inilathala ni Hermenegildo Flores noong 1922. Maramingdokumento ng Katipunan gaya ng isyu ng pahayagang Kalayaan at mga liham ngpamunuan, ay nakasulat sa Tagalog (Richardson, The Light of Liberty).May mga pahiwatig na hindi naging problema ng Katipunan ang paggamitsa Tagalog bilang wika ng komunikasyon sapagkat may mga kasapi rin itongtaga-Visayas gaya nina Francisco del Castillo at Candido Iban na noong 1895ay nag-ambag ng salapi sa kilusang rebolusyunaryo para sa pagbili ng pangimprenta, at may sapat din namang kontak ang Katipunan sa Mindanao upangligtas na makapaglakbay ang mga sugo nito kay Dr. Jose Rizal sa Dapitan,Zamboanga noong 1896. Sa Kartilya ng Katipunan na nailathala naman noongc.1892, ipinaliwanag ni Emilio Jacinto na ang “.salitáng tagalog katutura’y anglahát nang tumubo sa Sangkapuluáng itó; sa makatuid, bisaya man, iloko man,kapangpangan man. ay tagalog din.” Sa ganitong konteksto rin ginamit sa “AngDapat Mabatid Ng Mga Tagalog” ni Andres Bonifacio “Tagalog.” Kung gayon,noong panahong rebolusyunaryo ay malinaw ang konteksto ng paggamit ngTagalog bilang terminong panlahat at sumasaklaw sa lahat ng mamamayan ng20

DAVID MICHAEL M. SAN JUANbansang Pilipinas. Hindi eksklusibo kundi inklusibo ang Tagalog, at ang wikangTagalog naman ay malinaw rin na siyang wika ng komunikasyon ng maramingrebolusyunaryo, lalo na ng pamunuan nitong nasa kabisera.Bagamat hindi nagkaroon ng sapat na panahon ang mga rebolusyunaryona isakatuparan ang pagkakaroon ng wikang pambansa, malinaw na mayprograma sila para roon at katanggap-tanggap sa kanila ang pagkakaroon ngwikang pambuklod.Subalit nang pagtibayin ang Konstitusyon ng Malolos noong1899 nabigyang-daan ang isang “gobyernong pinangingibabawan ng elite”(Rafael 348) kung saan ang probisyong pangwika ay nakakiling sa Espanyol attransisyonal sa esensya: “Artículo 93. El empleo de las lenguas usadas en Filipinases potestativo. No puede regularse sino por la ley y solamente para los actos de laautoridad pública y los asuntos judiciales. Para estos actos se usará por ahora lalengua castellana.” (Article 93. The use of the languages spoken in the Philippinesshall not be compulsory. It cannot be regulated except by virtue of law and onlyfor acts of public authority and judicial affairs. On such occasions, the Spanishlanguage shall temporarily be used.) Anu’t anuman, nailatag na ng Konstitusyonng Biak-na-Bató ang patakarang pangwikang nagsilbing padron para sa mgasumunod na Konstitusyon ng Pilipinas.Okupasyon ng Pilipinas at Imperyalistang Patakarang PangwikaHindi pa tumitibay ang pundasyon ng noo’y bago pa lamang nagsasarilingPilipinas nang dagitin ng agilang Norte Amerikano ang noo’y sisiw pa lamang nabansang Pilipinas. Noong 1899 ay sinimulan ng mga Amerikano ang direktangpagsakop at pag-okupa sa kapuluan, at kasabay nito’y ipinataw rin ng US Armyang wika ni Uncle Sam saanman sila magtagumpay. Noong 1901 at 1902,mahigit 1,000 gurong Amerikano ang dumaong sa Pilipinas upang magsilbisa sistemang pang-edukasyon na ipinataw ng gobyernong kolonyal. Inglesang opisyal na midyum ng sistemang pang-edukasyong ito. Direktang atas ngpresidente ng Estados Unidos na si William McKinley sa Philippine Commissionang pagpili sa Ingles bilang wikang panturo noong 1900, na isinakatuparan sapamamagitan ng Act No. 74 (Zwaenepoel 30). Ilan sa mga politikong Pilipinoang agad naghunyango para tumulong sa Amerikanisasyon gaya ni T.H. Pardo deTavera na sumulat noong 1901 kay Hen. Arthur MacArthur para ipaghambog na“.all our efforts will be directed to Americanizing ourselves; to causeknowledge of the English language to be extended and generalized inthe Philippines in order that through its agency, the American spiritmay take possession of us. (Ordoñez-94-95).”21

HASAA NHindi mabilis at swabeng naipataw ng Estados Unidos ang kanyanghegemonya sa Pilipinas sapagkat sa mga unang bahagi ng 1900s ay itinutuloyng mga beterano ng rebolusyong kontra-Espanyol ang pakikibaka laban sa mgabagong mananakop. Itinatag ni Hen. Luciano San Miguel, ang Kilusang BagongKatipunan (Navarro 55) na nakaakit ng maraming tagasunod at alyado mulasa Rizal, Bulacan at iba pang lugar sa Gitna at Timog Luzon. Pinamunuan niHeneral Macario Sakay – isang masugid na tagasuporta ni Andres Bonifacio –ang Republika ng Katagalugan noong 1902 (Blanco 374). Ipinagpatuloy ni Sakayang rebolusyon at diskurso ng Katipunan: rebolusyon para sa pambansangpagpapalaya at diskurso sa sariling wika at pagbubuo ng sariling pambansangidentidad sa pamamagitan ng paggamit ng pangalang Katagalugan para sanasyong-estado, sa halip na “Filipinas” o “Pilipinas” na nilikha ng mga Espanyol(Guerrero et al. 3-12).Subalit nang humina na ang malawakang rebolusyunaryong pakikibakanganti-imperyalismong Amerikano at magtagumpay na ang huli na bumuo ngsentral na gobyernong kolonyal, lalong pinatibay ng imperyo ang pangingibabawng Ingles sa sistemang pang-edukasyon mula antas primarya hanggangtersyarya upang matiyak ang pagluluto ng tinaguriang little brown Americans.Ginamit ng mga gurong Amerikano at ng mga gurong Pilipino na kanilangsinanay ang pamaraang kinutya ng Brazilianong edukador na si Paulo Freiresa katawagang banking education, edukasyong “alkansya” o dili kaya’y“suksok-hugot” sa simpleng turing. Pangangabisote at basa-bigkas sa tahasangpagtukoy: kung anong sabihin ng guro ay siya ring uulitin, bibigkasin, isusulatat muling uulitin, bibigkasin at mememoryahin ng mga tila lorong mag-aaral.Samakatwid, ang “edukasyong alkansya” (banking education) ay gumagamitng metodong “nagsusuksok” lamang ng kaalaman sa kukote ng mga mag-aaral(ang inaakalang “dapat isipin”) sa halip na ganap na linangin ang kaisipan ngestudyante upang matuto itong lumikha, magproseso at umunawa ng kaalaman(ang proseso kung paano mag-isip). Halimbawa, sa pag-awit ng mga kantangIngles at paulit-ulit na pagsasaulo, ang pangunahing layunin ani Sibayan (283):“We were immersed in English.The Philippine immersiondescribed here was practically forced on us.Failure to learn Englishfor understanding the subject matter of the various subjects meantfailure in school.Immersion in English meant committing to memorymany poems, maxims and retelling stories that we read.”22

DAVID MICHAEL M. SAN JUANUpang lalong mabigyang-diin ang pagbibigay-prayoridad sa Ingles, ganapna ipinagbawal at ginawang tila krimen ang pagsasalita sa wikang bernakular.Sa panahon ng mga Amerikano’y hinihiya sa pamamagitan ng pagpapasuotng dambuhalang karatulang “I was caught speaking in the vernacular” angsinumang mahuling gumamit ng wikang katutubo sa kampus. Walang habasdin ang pagsusubo ng siling labuyo ng mga maestrang balintunang nakabaro’tsaya pa mandin, sa mga sawimpalad na batang kulang ang alam na Ingles kayaobligadong manaka-nakang bumulong o maghayag sa bernakular (EdrozaMatute 10-13).Himagsik at Hinaing sa Wikang SariliSa kabila ng panunupil ng mga Amerikano sa kilusang nasyonalistasa bansa, hindi tuluyang namatay ang pakikibakang anti-kolonyal at antiimperyalista sa porma ng teatro (Casanova 32-73), balagtasan (Zafra 42-50),atawit (Maceda, Mga Tinig Mula sa Ibaba 235-418) gamit ang sariling wika.Hindi man tahas na nanawagan ng kalayaan ng bansa, ang maraming nobelangTagalog naman ay nanawagan ng katarungang panlipunan para sa mga apingsektor ng lipunan (Reyes 41-59). Sa mga panahong ito rin pinagsama ng mgagrupong Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang panawagang kalayaan atkatarungang panlipunan, gamit din ang wikang sarili (Richardson, Komunista140) sa kanilang mga polyeto, dyaryo, at talumpati sa publiko. Tumakbo sa ilalimng platapormang agarang kalayaan at katarungang panlipunan sa pamamagitanng reporma sa lupa at iba pang radikal na programa si Gregorio Aglipay –katambal ng kandidato sa pagkabise-presidente na si Norberto Nabong napambato ng mga komunista – sa kauna-unahanang eleksyong pampanguluhanpara sa Komonwelt (Pomeroy 91-93). Natalo ni Manuel Luis Quezon si Aglipay,ngunit obligado ang una na pakitunguhan ang nasyonalistang sentimyento ngmadla sa pamamagitan ng pagkakampanya para sa pagkakaloob ng Amerika ngkalayaan sa Pilipinas, sapagkat ang radikal-nasyonalistang kandidatura ng huliay nagkamit ng halos 15% ng kabuuang boto (Presidential CommunicationsDevelopment and Strategic Planning Office/PCDSPO 7). Komplementaryo saganitong tunguhin ang pagtutulak ni Quezon na magkaroon ng isang wikangpambansa sa loob ng gobyernong kolonyal.Alinsunod sa Konstitusyong 1935, ang Kongreso ay gagawa ng mgahakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa nabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika, sa pasubaling hanggang hindi23

HASAA Nnagtatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy ng gagamitingmga wikang opisyal. Nilinaw ni Felipe Jose, delegadong mula sa MountainProvince sa kumbensyon na nagbuo sa Konstitusyong 1935 ang kaugnayan ngkalayaan at pagkakaroon ng wikang pambansa:“Bilang na ang mga araw ng pagka-alipin at pagiging palaasa atdarating na ang araw ng kalayaan. Ang Espanya at pagkatapos, angAmerika, ang mga makapangyarihan na ang kultura ay ipinilit sa atin,ay paalis na bilang mga kongkistador ng nakaraang panahon. At angnatitira ay ang ating panahon – ang panahon ng mga Pilipino kungkailan dapat nating itayo ang isang bagong bansa na may sarilingkultura, sibilisasyon, kayamanan, karangalan, kapangyarihan, atwikang pambansa” (Constantino 59).Paglalayag sa Maalong Dagat:Mula Wikang Pambansang Batay sa Tagalog Tungong Wikang FilipinoNoong 1936-1937,binuo ang Surian ng Wikang Pambansa nanagrekomendang Tagalog ang gawing batayan ng wikang pambansa. Totoongmula noon hanggang ngayon ay may manaka-nakang pagtutol ang ilang mganasa rehiyon sa pagpili sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa, ngunithindi na tinalakay ng artikulong ito ang mga kontrobersyang kaugnay niyon,sapagkat komprehensibong diskusyon na ang ginugol hinggil dito (Maceda, “TheFilipino National Language” 99-108;Almario 1-73;Parale 1-255). Bukod dito,dapat bigyang-diin na gaya ng tinalakay sa unang bahagi ng papel na ito, angTagalog ay siya ring wika ng pakikibakang anti-kolonyal at anti-imperyalista, atkung gayo’y mabisang instrumento sa pagpapalaya ng bansa at ng kamalayanng mga mamamayan. Malinaw ang lohikal na continuity mula Tagalog tungongwikang pambansang batay sa Tagalog na malao’y tinawag na wikang Pilipino atsa kasalukuya’y wikang Filipino, tulad ng tinuran ni Orara:“Nasa Tagalog ang tagapamansag ng himagsikan ng 1896, isangopisyal na wikang napiling maging batayan ng wikang pambansa,samantalang nasaksihan ng 1986 February Revolution angmalawakang paggamit ng Pilipino, ang lingua francang nakabatay saTagalog na siyang nakatulong sa pagtawag minsan pa ng paghubogng isang konstitusyon na siyang maliwanag na muling nagpatibayna Filipino ang wikang pambansa at nag-utos sa mga sangay ngpamahalaang gumawa ng pamamaraan sa pagpapalaganap nito(143).”Naglayag sa maalong dagat ang wikang pambansa bago ito magingwikang Filipino sa ilalim ng Konstitusyong 1987. Hindi agarang ginamit na24

DAVID MICHAEL M. SAN JUANmidyum ng pagtuturo ang wikang pambansa pagkatapos na ito’y kilalanin nggobyernong Komonwelt. Nananatiling malakas ang gahum ng Ingles hanggangsa kasalukuyan, lalo na sa mga institusyong politikal na pinangingibabawan ngmga dinastiyang elite, gaya ng paglalarawan ni Amado V. Hernandez sa nobelangMga Ibong Mandaragit (186) sa pamamagitan ng talumpati ng makabayang siSenador Maliwanag:“Sa alin mang batasan ng alin mang bansang malaya’t nagsasarili’ydi natin makikita na sa pagsasalita ng isang kagawad ng kanyangkatutubong wika e mi ibang kagawad na tututol at hihinging magsalitaang una sa wikang dayuhan.”Bilang asignatura naman, 1940 na nang maging mandatory subjectang wikang pambansa sa isang taon ng hayskul at sa mga kolehiyong normal(Edroza-Matute 189) Iyon ang pagtatangka na simulan ang paggamit ng wikangpambansa bilang wikang panturo. Samantala, sa panahon ng pananakop ngHapon sa bansa, pansamantalang ipinagbawal ang Ingles at wikang pambansaang ginamit na wikang panturo sa lahat ng antas, sa kauna-unahang pagkakataon.Yumabong lalo ang panitikan sa sariling wika sapagkat “Pati ilang manunulat naPilipino sa Ingles at nagsulat sa Tagalog, sa panahon ng Hapon” (Edroza-Matute191). Gayunman, sa pagbalik ng mga Amerikano na tila pinahintulutan ngnakararaming Pilipino, muling naipataw ang Ingles bilang dominanteng wikangpanturo. Malinaw na nailarawan ni Edroza-Matute (193) ang sitwasyongpangwika sa mga paaralang normal pagkatapos makapanumbalik ang mgaAmerikano sa bansa:“In this country, the national language is not second. Englishwith 32 units in college and the medium of instruction in allschools, is of course, first. Spanish with 24 units in college issecond. The national language with 12 units is third.”Bilinggwal na Patakaran: Hindi Ganap na NaisakatuparanTila liwanag sa dilim na binasag ng Department Order No. 25, Series of1974 ng Department of Education, Culture, and Sports (DECS) ang pamamayaning Ingles sa sistemang pang-edukasyon sa pamamagitan ng paglalabas ng“Implementing Guidelines for the Policy on Bilingual Education” para sa lahatng antas ng edukasyon. Alinsunod sa nasabing atas, ang wikang pambansaang dapat maging wikang panturo sa “social studies/social sciences, music,arts, physical education, home economics, practical arts and charactereducation.” Samantala, Ingles naman ang gagamitin sa “science, mathematics25

HASAA Nand technology subjects.” Inalingawngaw ng Department Order No. 52, Seriesof 1987 ang gayong atas. Ang tila nasyonalistang patakarang pangwika ngrehimeng Marcos ay naimpluwensyahan ng kanyang pagtatangka na tapatanang pamamayani ng mga aktibista ng Kaliwa, kasama na ang mga nasa kilusangandergrawnd, sa paggamit ng wikang pambansa sa politikal na edukasyon(Maceda, “The Filipino National Language” 103) at malawakang propagandanganti-pyudal, anti-kolonyal, anti-kapitalista, anti-imperyalista, at anti-diktadura,gaya ng ipinahayag ni Atienza (69):“Kaya kayang mapagbuhusan ng mga makabuluhangdiskasyon ang mga usaping manggagawa, mga isyu ngunyon gaya ng pagpapataas ng sweldo at pagbago sa mga dimakatwirang kundisyon ng paggawa sa mga pabrika kundigagamit ng Pambansang Wika (PW) ang mga aktibistanginatasang lumubog at magpalawak sa masang manggagawa?Ang mga magsasaka kaya’y mahihikayat kung hindi gagamitinang wikang ito sa mga usapin ng pantay na karapatan sa lupa,reporma sa lupa, reporma o pagbabagong agraryo sa relasyonng panginoong maylupa at mga kasama at ang mismongpagpapaunawa sa makabagong kilusang propaganda atkultural? Napipilipit man ang mga dila sa umpisa, ginamit ngmga aktibista ang wika o lenggwaheng ginagamit, sinasalitaat nakagisnan o natutuhan nga ng masa sa kanilang pangaraw-araw na pamumuhay at relasyon sa kapwa nila milyunmilyong kalipunan. Salita ng komiks, palengke, pabrika, radyoat telebisyon at ilang dyaryo’t magasin ang pinili ng mgaaktibista ng sambayanan.”Sa konteksto naman ng mga ahensyang pang-edukasyon, ang pagkakaroonng sapat na kasanayang pangwika sa Pilipino ay kailangan para sa pambansangpagkakaisa at komunikasyon, habang kailangan din ang Ingles upang magkaroonng sapat na kakayahang komunikatibo ang mga mamamayan para sa noo’ykasisimula pa lamang na Labor Export Policy (LEP).Inilabas naman ng DECS noong 1975 ang Department Order No. 50 nanag-aatas ng pagkakaroon ng asignaturang Ingles at Pilipino sa kurikulum saantas tersyarya. Hindi ganap na naipatupad ng maraming paaralan ang gayongprobisyon, batay na rin sa pagsusuri ni Espiritu (“Filipino Language in theCurriculum”) sa pagpapatupad ng edukasyong bilinggwal:“At the tertiary level, it appeared that the policy is not a priority.Many institutions seemed to have put more premium on theuse and teaching of English, the main language aspiration ofmany Filipinos.”26

DAVID MICHAEL M. SAN JUANSinusuportahan ito ng “Palisi sa Wika” na ng Unibersidad ng Pilipinasnoong 1989. Sa nasabing dokumento, binigyang-diin ang pagtatangka ng UP napangunahan aktibong adbokasiya sa paggamit ng wikang pambansa sa iba’tibang asignatura, sa pamamagitan ng paghimok sa pamahalaang nasyonal napuspusang ipatupad ang isang pambansang patakarang pangwika gaya ngipinag-uutos ng Konstitusyon.Urong-Sulong, Laban-Bawi: Mga Mandatoring Asignaturang FilipinoNang maitatag ang CHED, tinangka nitong isaayos ang General EducationCurriculum (GEC). Alinsunod sa CMO No. 59, Series of 1996, at CMO No. 4, Seriesof 1997, mandatori sa lahat ng kurso ang wikang Filipino, at ang panitikangFilipino naman ay man

Doktorado sa Araling Timog -Silangang Asya sa Centro Escolar University-Manila. Siya ay aktibong . katarungang panlipunan, gamit din ang wikang sarili (Richardson, Komunista . Ang Espanya at pagkatapos, ang Amerika, an

Related Documents:

pangahas na ito; kaya nga’t lumabo ang ganda’t liwanag ng dakilang katotohanan, at ang kaguluhan, ang luha, ang dugo, ang kasukaban, ang kadiliman ay lumaganap sa Sansinukuban. “Kayong lahat ay magkak

The annual population growth rate is 1.8 per cent (Department of Statistics Malaysia, Sarawak, 2010). The state is divided into three regions 1. The northern region: Miri and Limbang 2. Central region: Sarikei, Sibu, Mukah, Kapit, Bintulu 3.

Ang mga Paglalakbay ni Juan Ang Pinagmulan ng Daigdig (Si Malakas at si Maganda) Ang Unang Unggoy Ang Alamat ng Palay Ang Pinagmulan ng Lamok Kung Paano Yumaman si Jackyo Ang Anting-anting ni Manuelito Ang Gamugamo at Ang Liwanag Kung Bakit Gusto ng Bagobo ang Pusa Mga Kuw e

An Alphabetical List of Diocesan and Religious Priests of the United States REPORTED TO THE PUBLISHERS FOR THIS ISSUE (Cardinals, Archbishops, Bishops, Archabbots and Abbots are listed in previous section)

Asset Management is the generic process that seeks to ensure that land and buildings, as the asset base of an organisation, are structured in the best corporate interests of the organisation concerned. The strategic plan refers to land and buildings only. It aligns the asset base with the organisation’s corporate goals and objectives and responds to all functional and service delivery .

Auditing and Assurance Services, 15e, Global Edition (Arens) Chapter 2 The Audit Standards’ Setting Process Learning Objective 2-1 1) The legal right to perform audits is granted to a CPA firm by regulation of: A) each state. B) the Financial Accounting Standards Board (FASB). C) the American Institute of Certified Public Accountants (AICPA). D) the Audit Standards Board. Answer: A Terms .

Course Title: Basics Engineering Drawing (Code: 3300007) Diploma Programmes in which this course is offered Semester in which offered Automobile Engineering, Ceramic Engineering, Civil Engineering, Environment Engineering, Mechanical Engineering, Mechatronics Engineering, Metallurgy Engineering, Mining

behavior, including all bodily postures, movements, and processes that are involved in the behavior; an aspect of every behavior is that it involves the occurrence of physical processes, which processes can in principle be described at any level of analysis appropriate to the describer’s needs, ranging from the very molar to the very molecular (e.g., Peter’s grasping and moving the rook .