Panatang Makabayan Noon Salamin Ng Bayan Ngayon

2y ago
29 Views
2 Downloads
466.43 KB
12 Pages
Last View : 11d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Rosa Marty
Transcription

Panatang Makabayan NoonSalamin ng Bayan NgayonF.A. TendenciaKarapatang-ari 2020PINOY APOLOGISTAhttps://www.pinoyapologista.ph/

NilalamanPanatang Makabayan ng 1955 . 1Diwa ng Panata . 2Lupang Sinilangan . 3Bayang Tahanan . 4Kinukupkop o Katiwalian . 5Tatlong Haligi sa Bilang Ganti . 6Ang Patuloy na Iyak ni Sisa . 8Magulong Wika . 92

Panatang Makabayan ng 1955Sa ‘Panatang Makabayan’ ng 1955, panunumpa natin sa watawat ngPilipinas noon ang ganito,Panatang makabayanIniibig ko ang Pilipinas,Ito ang aking lupang sinilangan.Ito ang tahanan ng aking lahi.Ako’y kanyang kinukupkop at tinutulunganUpang maging malakas, maligaya, at kapaki-pakinabang.Bilang ganti ay diringgin ko ang payo ng aking mga magulang.Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan.Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayangmakabayan at masunurin sa batas.Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at ngbuong katapatan.Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino, sa isip, sa salita, atsa gawa.Alam ko na mayroon na tayong rebisyon para ‘Panatang Makabayan,’gayunman nais ko paring gamitin itong bersyon na ito sapagkat nagamit koito noong ako’y nasa elementarya pa. Sa hinaharap, kung loobin ngPanginoon, nais ko ring magbigay ng pagsusuri tungkol sa bagongrebisyon ng Panatang Makabayan, na sa aking pagkakaalam ay isinulongng dating Department of Education Secretary na si Raul Roco (November2001).Ngayon ay nais kong isa-isahin ang sinasabi sa panata, kalakip angmaikling komento. Ngunit nais kong ipabatid sa iyo kabayan na kungmabibigyan ako ng pagkakataon o suporta, maari akong makabuo ng aklatkomento sa panatang ito. Gayunma’y sa papel na ito’y hayaan mongmangusap lang ako sa kasalukuyang laman ng aking puso gamit angpananalamin sa Panatang Makabayan noon.1

Diwa ng PanataPambungad na pangungusap sa panata ay ganito:Panatang makabayan, iniibig ko ang Pilipinas, ito ang aking lupangsinilangan.Nabuo ang Panatang Makabayan bilang sagot at diwa laban sa presensyaat panukala ng mga banyaga. Noong ang mga Pilipino ay naging bukas atgising sa realidad at panganib ng pananakop, napukaw rin ang kanilangpagibig sa Bayan. Kumbaga’y wika nila, ‘Bayan natin ito, dapat ingatan,dapat pangalagaan, hindi dapat maging sunod-sunuran.’ Ngunit ngayon, saaking palagay, isa sa mga dahilan kung bakit mababa ang ating pagibig saBayan ay dahil sa hindi tayo aral sa kasaysayan at hindi mulat sakasalukuyang pananakop na nagaganap sa larangan ng wika, pananamit,pag-iisip, uso, produkto, at iba pa. Hindi ko sinasabing maging sarado tayosa ibang bansa, ang gusto kong sabihin: ‘Nasaan ang puso natin para saInang Bayan?’Tanong ni Joselito Condrillon-Osabel sa kanyang sanaysay,“Pinaniniwalaan ba ninyo ito na ang Pilipino ay umiibig sakanyang lupang sinilangan? Ang mga sinusuot ba ninyo, ang mgasalita ninyo, ang inyong mga mentalidad, ang inyong mga gawi,ang inyong mga pagsusumikap, pinakikinabangan ba ng bayan?1”Alam ko na mahirap na sa ating pakinggan ang ganitong mga salita opagtatanong, sapagkat ang ating lipunan ay may mga katiwalian. Ngunitkunin natin ang magandang aral. Kailangan ng Inang Bayan na angkanyang mga anak ay maging mulat sa kasaysayan ng lupang kanyangtinubuan at sa kasalukuyang di-nasyonalistikong kaisipan at kinagawian.1“Ang Panatang Makabayan Sa Bagong Henerasyon,” sa panulat ni Joselito Condrillon-Osabel, mula sa aklat ng“Gabay sa Panitikang Filipino” (Para sa Mag-aaral) Ikalawang Aklat, ni Renato R. Mateo. Inilathala ng: Arenar BooksMarketing 650 Gabriel St., Gagalangin Tondo, Manila, 1996, p.982

Lupang SinilanganWika pa sa panata,Ito ang lupang aking sinilangan Alam ninyo bilang Pinoy, maging ang aking pagka-Pilipino at ang inyongpagka-Pilipino ay gawa ng pagtatakda ng Diyos na Makapangyarihan. SaBiblia ay sinasabi ang ganito,At ginawa Niya sa isa ang bawa't bansa ng mga tao upangmagsipanahan sa balat ng buong lupa, na itinakda angkanilang talagang ayos ng mga kapanahunan at ang mgahangganan ng kanilang tahanan; upang kanilang hanapinang Diyos baka sakaling maapuhap nila Siya at Siya'ymasumpungan, bagaman hindi Siya malayo sa bawa't isa saatin. (Gawa 17:26-27, Tagalog Ang Biblia)May dahilan ang Diyos at basbas na pagpapala kung bakit tayo Pilipino;kung bakit sa Pilipinas tayo isinilang (bagamat marami ang nagsisisi kungbakit pa sila naging Pilipino). At sa aking palagay, gayong ang Panginoonang naglagay sa atin sa Pilipinas, may maganda Siyang layunin kung bakittayo naririto. Yun ay kung hahanapin lang natin ito sa Kanya. Kaya’t saKristyanong pananaw, nakaugnay ang pagkamakabayan sapagkamakaDiyos. Hindi mo papahalagahan ang Bayan mo kung hindi mopinaniniwalaang may plano ang Diyos sa iyo sa lupaing ito at kung bakit kaPilipino. Ngunit yun nga lang sa panahong ito na kalat sa balita ang mgapulitikal na katiwalian, batikos at pagkukunwari, marami na angtinatabangan na maging Pilipino. At sa iba sa atin na nakatikim ng dolyar,lamig ng klima, socy na kapaligiran at bonggang mga pagkain sa ibangbansa, ang tingin na natin sa Pilipinas bilang third-world country ay mababaat kahiyahiya. Sa bagay, ang ganitong kasalukuyang palagay ay maymakatuwirang pinaghuhugutan – isa na rito ang kawalang disiplina ngPinoy.3

Bayang TahananIto ang tahanan ng aking lahi. Ako’y kanyang kinukupkop attinutulungan upang maging malakas, maligaya, at kapaki-pakinabang.Naniniwala ako na bawat lahi ay may kahinaan, kasamaan, at kakulanganna dulot mismo ng kasalanan sa puso ng Tao, Pilipino man siya o hindi.Batay sa Biblia, lahat ng tao at bansa ay may iisa lamang na pinagmulangunang magulang – si Adan at Eba. At bilang kanilang mga lahi,tagapagmana rin tayo ng kanilang kasalanan.Gayunman, sa kabilang banda, ako ay naniniwala na mayroong ganda atlakas ang ating lahi na kaloob ng Diyos upang tayo ay tunay na maging, ikanga, ‘Perlas ng Silanganan,’ hindi lamang sa likas na yaman kundi magingsa katangian. Subalit tila yata na kung paanong bumagsak ang ating likasna yaman ay gayundin ang ating katangian bilang mga Pilipino. Kaya’tkailangan nating tingnan ang ating pagkapilipino at panananahan salupaing ito na probidensiya o pagpapala ng Diyos. Dahil kung hindi, hinditayo magiging makabayan. Subalit kung mismong ang ating Gobyerno aymakakalimot sa diwa ng pagkamakabayan, kundi ay magpapakalunod samakabanyagang hilig, hindi siya magpapalaki ng mga kabataang Pilipinona malakas, maligaya at kapakipakinabang sa bayan. Ang Gobyerno ngPilipinas ay may malaking tungkulin sa ikasusulong ng pagkamakabayansa bansa. Ngunit kung ang gagawin lang nila’y ang magpakitang tao athindi gagawa ng mga proyekto at plataporma para sa pagkamakabayan ngmga Pilipino, asahan nilang maraming mga Pilipino ang maghahanapbuhay at hahanga sa lupain ng mga banyaga at ikahihiya ang pagigingmahirap o pobreng Pilipino.4

Kinukupkop o Katiwalian“Ako’y kanyang kinukupkop”Sa kasalukuyan nating kalagayan, palagay n’yo kaya’y nangyayari ito? Hindinaman lahat, subalit karaniwang usapin sa ating Bayan ang katiwalian ngmarami nating mga pinuno sa Pamahalaan. Na sa halip na ipaabot atipadama ang kanilang pagiging ‘public servant’ o ‘lingkod ng Bayan,’ aynananamantala sa kaban ng Bayan.Dumalangin tayo kung gayon sa Dios na tayo ay Kanyang kahabagan atpagkalooban ng mga pinunong tapat sa sinumpaang tungkulin, na ang‘boss’ ay ang Diyos at ang ikabubuti ng Inang Bayan.2Bilang ganti ay diringgin ko ang payo ng aking mga magulang. Susundinko ang mga tuntunin ng aking paaralan. Tutuparin ko ang mga tungkulinng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas.‘Bilang ganti’ – Ibig sabihin, dahilan sa mga pagpapalang iyong nakakamitdulot ng Ito ang tahanan ng aking lahi. Ako’y kanyang kinukupkop attinutulungan upang maging malakas, maligaya, at kapaki-pakinabang.Dahil riyan, ikaw kabataan, ikaw na mamamayan, ikaw na Pilipino ay dapatna, diringgin ko ang payo ng aking mga magulang. Susundin ko ang mgatuntunin ng aking paaralan. Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isangmamamayang makabayan at masunurin sa batas.Ngunit yun nga, kailangan pa ba tayong magbigay ‘ganti’ o ‘sukli’ kung walanaman tayong natatanggap na pakinabang – yun ay mula sa pangungunaat pangangalaga ng Pamahalaan sa ating Inang Bayan? Ito ay syempremasalimoot na problema sa pagitan ng tungkulin ng Pamahalaan atMamamayan. Ideyal na ang bawat isa ay positibong tumugon sa kanikanilang gampanin. Ngunit tila gawa ng walang katapusang pulitikal na2Sa aking sermon sa Isaias 3, tinalakay koi to ng higit. I-search sa ating website ang: ‘Ugat ng Moral at Pulitikal naPagbagsak ng Lipunan’ at ‘Pagbagsak ng Ekonomiya at Liderato ng Bansa.’5

paligsahan o labanan sa ating Gobyerno, ang mga Mamamayan aynasasabit sa laro ng manipulasyon. Maganda sana ang prinsipyo ngdemokrasya at ‘check and balance’ sa gobyerno, ngunit kaylan ba maaringmakita ng Bayan ang mabuting dulot ng ideyal na ito?Tatlong Haligi sa Bilang GantiGamit ang ating tugon o ‘bilang ganti,’ nakikita kong may malapit naugnayan ang Diyos, ang Pamahalaan, ang Paaralan at Tahanan para saikasusulong, ikauunlad, at ikabubuti ng ating Bayan. Mahaba itong usapinsubalit nais kong partikular na pansinin ang puntong ito:1. Paano makikinig ang ating mga kabataan, kung walang mgamagulang na nagpapayo sa kanila? Yun ay, yung talagang nagbibigaypanahon at damdamin na magpayo sa kanila. Madalas nating sisihino bulyawan ang mga kabataan ngayon na mapupusok, masuwayin,matigas ang ulo, malayaw, at walang galang. Subalit naitatanong rinba natin: ano ang pinapayo o ginagawa ng kanilang mga magulang?Nasaan ang kanilang mga magulang? Nasaan ang payo ni Itay at niInay? Nasaan ang haligi at ilaw ng tahanan? Madalas na sagot ay:nasa abroad, abala sa trabaho. Oo naging abala sila sa ipapakain satiyan ng bata, ngunit napabayaang pakainin ang isip at ugali ng bata.May ibang magulang naman na naging abala sa bisyo at mgakaibigan. Oo, umuuwi nga sila sa bahay ngunit lasing naman, kunghindi man tambay.2. Sinasabi rin na, ‘Ang kabataan ang siyang pag-asa ng Bayan.’ Maytama. Ngunit dagdag ko, ‘Ang pag-asa ng kabataan ay ang payo ngmagulang.’ At sa Kristyanong pananaw, ang payo ng magulang aymatatagpuan sa Banal na Kasulatan – ang Salita ng Diyos. Maramingaral ang pwede nating masabi sa puntong ito, ngunit hayan mongsabihin ko lamang sa papel na ito na lubhang mahalaga sa panahongito ng Facebook, YouTube at Tiktok ang payo ng magulang –magulang na aral sa katotohanan ng Diyos. Mahalaga ang turo saloob ng tahanan. Sabi mismo ni haring Solomon sa aklat ngKawikaan 4:1-6.Dinggin ninyo, mga anak ko, ang turo ng ama, at makinigkayo upang matuto ng kaunawaan: Sapagka't bibigyan ko6

kayo ng mabuting aral; huwag ninyong bayaan ang akingkautusan. Sapagka't ako'y anak sa aking ama, malumanayat bugtong sa paningin ng aking ina. At tinuruan niya ako, atnagsabi sa akin: Pigilan ng iyong puso ang aking mga salita;ingatan mo ang aking mga utos, at mabuhay ka: Magtamoka ng karunungan, magtamo ka ng kaunawaan; huwagmong kalimutan, ni humiwalay man sa mga salita ng akingbibig: Huwag mo siyang pabayaan at iingatan ka niya; ibiginmo siya at iingatan ka niya. (Tagalog Ang Biblia)3. Dagdag pa, ang sabi sa panata: ‘Susundin ko ang mga tuntunin ngaking paaralan.’ Oh! Higit na maraming dapat pansinin sadepartamentong ito ng ating Bayan. Ngunit ito ang tanong: karapatdapat pa ba sa ating pagsunod ang turo ng ating Paaralan? Alam poninyo, malaki at mataas ang aking pananaw hinggil sa kahalagahanng Edukasyon. Sa ganang akin, ang Paaralan ay tulad rin ngsandatahang-lakas ng Bayan, o kaya’y kung hindi man napagmamalabis na sabihin na ito ang siyang tunay na sandatahanglakas o sabihin na lang natin na sandatahang-isip ng Bayan. Ditonakasalalay ang pananaw sa pulitika, ekonomiya, teknolohiya, aghamat industriya ng isang bansa. Ngunit ito ang higit na dapat pagisipan:sa ponto divista ng isang Kristyano, maituturing kong lason sa Bayanna ang ating kurikulum ay may bahid (kung di man nakasalig) sapilosopiya ng ebolusyon, materyalismo at humanismo. Mga pananawna nagpapabagsak ng isang Bayan palayo sa pagpapahalaga saDiyos na Siyang tunay na pundasyon at tagumpay ng bansa. AngDiyos ay hindi natin maihihiwalay sa Edukasyon, sapagkat sa puno’tdulo, at sanhi at bunga, ang Diyos ay dapat na makita na Diyos ngmatematika, lohika, pilosopiya, wika, agham, teknolohiya, at iba pangsangay o larangan ng kaalaman. At bakit? Sapagkat ang Diyos anglumikha ng ‘lahat’ ng bagay. At kapag ang Diyos ay nawala sa silidpaaralan, bubulusok ang moral, ekonomikal at socio-pulitikal nakalagayan ng Bayan.33Higit ko itong tinalakay sa aking eBook na malapit ko ng i-publish sa susunod na taon (2021): ‘Ang Diyos na Absentsa Classroom ng Pilipinas.'7

Ang sabi pa sa panata,Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan atmasunurin sa batas.Subalit, bunga ng kawalan o kakulangan sa payo ng magulang, dahil hindipinahalagahan ang Values sa Paaralan – sapagkat inalis o hindi inintindi ngGobyerno ang makaDiyos na plataporma at aspeto sa silid-aralan – hindinakapagtatakang bumulusok na ang ating Bayan. Huwag tayong umasa namagkakaroon tayo ng makabayan at masunurin sa batas na Mamamayankung magpapalaki tayo ng mga walang takot sa Diyos na kabataan. Angtahanan, paaralan at pamahalaan ay dapat na kumikilala sa Diyos naSiyang saligan at inspirasyon ng makabayang tungkulin.Ang Patuloy na Iyak ni SisaPaglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at ng buongkatapatan.Ngunit hirap ang marami na ito’y gawin. Karaniwan ng pansin at salitatungkol sa ating bayan ay: “Mahirap ang buhay sa Pilipinas!” At totoo nga.Kaya tuloy marami ang nangingibang bansa at doon ay nakatatagpo ngmagandang buhay, kultura at kapaligiran. Ngunit, taksil ba sa Bayan angmga nangingibang bansa? Bakit natin sila tinatawag na mga ‘bagongbayani’? Pulitika lang? Eh bakit kasi sila nangingibang bansa at naglilingkodsa mga banyaga? Sasabihin mo: ‘Ang hirap dito sa Pinas eh.’ At Oo tama.Kaya’t itong pangungusap sa panata ay tila depende na sa lagay ngekonomiya at pulitika ng ating Bayan – bagamat maituturing ko paringnakaugat sa moralidad ng lipunang Pilipino. Kung ang asal ng lipunangPilipino at ng kanyang mga pinuno ay hindi magbabago, marami sa atinang lilipad tungo sa ibang lupain sapagkat isusuka natin ang lahingPilipino. Subalit tulad ni Sisa, ang ating Inang Bayan ay naghahanap attumatawag sa kanyang mga anak na sumisigaw, “Crispin! Basilio!”Naghahanap siya ng mga mapagmalasakit na kamay na ibabangon angkanyang dangal bilang lupang hinirang, bayang magiliw at perlas ngsilanganan. At sa Kristyanong pananaw, ang mga simbahan bilang mga‘asin at ilaw’ ng immoral na lipunan ay may malaking maitutulong upangibangon ang asal o moral ng Bayan. Bilang suhay at tagapagbantay ng8

makalangit na katotohanan, dulutan natin ng liwanag at kalinisan ang atingBayan gamit ang Salita ng Dios, laban sa dilim at kabulukan na inihahasikni Satanas sa ating lipunan at isipan ng marami nating mga kababayan atmga pinuno.Magulong WikaSisikapin kong maging isang tunay na Pilipino, sa isip, sa salita, at sagawa.Napakayaman sa prinsipyo ng panatang ito. Ngunit nais ko lang bigyangpansin ang katagang ‘tunay na Pilipino sa salita ’ Alam o narinig natin naang kasabihang: ‘ang hindi magmahal sa sariling wika ay daig pa angmalansang isda.’ Subalit, nagpapahalaga pa ba ang lipunang Pilipino saprinsipyong ito? Personal kong palagay na isa sa mga dahilan kung bakitmahirap ang pagkakaisa sa ating Bayan ay dahil sa dami o iba’t ibang wikana mayroon tayo. Sa kasaysayan sa Genesis, naging matagumpay angsinaunang tao na magpatayo ng isang marangyang sibilisasyon sa Babelsapagkat mayroon silang iisang wika (Genesis 11). Kung hindi sila ginulong Diyos at binigyan ng iba’t ibang wika, tiyak akong matayog angmararating ng tao. Subalit dito sa Pilipinas, tila wala tayong iisang wika nanagbibigkis ng ating puso at kultura. Ang wika ang malakas na humuhubogng kultura, sapagkat walang kultura kung walang ugnayan, at walangmaayos na ugnayan kung walang wika. Ano ang ibig kong sabihin? Ganito:Pansinin ninyo ang bansang Japan, ang Tsina, at ang Korea na taas noo sakanilang wika. Hindi ako eksperto o mag-aaral ng wika, subalit pansin ko nasa Pilipinas ay napakarami nating wika. Oo, may pinagkasunduang wikaang ating mga ninuno na magiging bigkis-ugnayan sa ating bayan –tinatawag natin itong wikang Filipino o sa ayaw man ng iba ay Tagalog –iyan ang pambansang wika. Ngunit sa mga mahilig maglakbay sa atingbansa, alam kong makapagpapatotoo sila na ang Tagalog ay gamit lang sailang rehiyon sa ating Bayan. At may ilan nga na hirap itong intindihin,salitain at gamitin. Syempre, may mga dahilan kung bakit naging ganitoang turing nila sa Tagalog, ngunit ang punto ko lang ay hindi iisa ang wikanatin sa ating bansa. Ang wikang Tagalog ay wala talaga sa puso ng lahatng Pilipino bagamat ito’y itinuturing na pambansang wika.9

Ngunit sa totoo lang, naiilang akong ito’y sabihin sapagkat ako ay Tagalog.Maaari ninyong isipin na nais ko lang isulong ang aking kinalakhang wikapara sa pangkulturang dahilan, at hindi ko kayo masisisi na isipin iyan.Gayunpaman, nakikita ko sa aking pagbabasa, pagsusuri, at karanasan naang pagkakaroon ng iba’t ibang wika ay humahabi ng hindipagkakaunawaan at digmaan sa isipan at kultura. Nakita ko rin na ang guloay nag-ugat hindi sa ‘Tagalog’ bilang wika, kundi sa ‘mga taong’kumakatawan sa wikang ito – ‘Mga Tagalog.’4At bilang pagtatapos, nais ko ring sabihin na marahil ay may mgabanyagang mag-aaral sana ng wikang Filipino (kung paanong may mgaAmerikano na nag-aaral ng wikang Hapon at Koreano) kung minahallamang sana at taas noo nating ipinahayag at pinangalagaan ang atingwika na nakaugnay sa ating negosyo at unibersidad. Marahil hindi ESL(English as Second Language) o English tutor ang isa sa sikat naedukasyong-kurso sa Pilipinas, kundi pagtuturo ng Filipino. Hindi kosinasabing pangit matuto ng Ingles, sa totoo lang ay bilib ako sa ating lahina mahusay magsalita sa wikang ito kumpara sa mga Koreano atHapones. Ngunit, ang nais kong sabihin: tila masyado tayong nalublob saglobalismo. Inakala natin na kapag tayo ay kakapit, tatakbo, atmagpapasikat sa ‘Labas’ o abroad ay lalakas at tatayog na tayo. Ngunitgayon nga ba? Marahil “Oo” sa iba, pero sa Bayan “Oo” ba? Sa akingpalagay ganito ang dapat gawin: Patatagin muna ang nationalismo, atnaniniwala akong may ibubuga tayo sa globalisismo. Ganyan ang dapat nakurikulum sa paaralan at plataporma ng gobyerno.Iyan ang aking pananalamin sa ‘Panatang Makabayan’ noon.4Tinalakay ko ng higit ang isyu na ito sa aking eBooklet na maari kong ilathala sa susunod na taon (2021): Kasaysayanng Kristyanismo sa Pilipinas.’10

Panatang Makabayan ng 1955 Sa ‘Panatang Makabayan’ ng 1955, panunumpa natin sa watawat ng Pilipinas noon ang ganito, Panatang makabayan Iniibig ko ang Pilipinas, Ito ang aking lupang sinilangan. Ito ang tahanan ng aking lahi. Ako’y kanyang kinukupkop at tinutulun

Related Documents:

samish island campground camp genesis: (greades 3-4) June 3, 7:15 pm to June 5, noon camp mungai: (grades 5-6) July 3, 4 pm to July 9, noon camp kluane: (girls grades 7-9) July 24, 4 pm to July 30, noon camp chimacum: (boys grades 7-9) July 31, 4 pm to August 6, noon camp kimtah: (grades 10-2011 grads) August 7, 4 pm to August 13, noon camp remote

EXHIBITOR BREAKFAST 7:30-8:30 am Founder's Room, Hilton Hotel ANSI N13.1 REVISION 9:00 am-Noon University A (MC) LEADERSHIP MEETING 11:00 am-Noon Dane Room (CC) AEC/STUDENT BRANCH MEETING Noon-1:00 pm Meeting Room L (CC) CONTINUING EDUCATION COMMITTEE Noon-1:00 pm Meeting Room R (CC) SOCIETY SUPPORT COMMITTEE Noon-2:00 pm Meeting Room M (CC)

“Mickey Mouse Day” “Current Events” Cuba -Noon 10:30 Growing Stronger Exercises Cards, Domi-noes, Puzzles, Euchre Canaseraga “Caroling in the 1940s” *Call in reservations for Evening Meal! Fillmore -Noon 10:30 Growing Stronger Exercises Cuba Cards, Jigsaw Puzzles, Euchre Wellsville -Noon 10:00 Dominoes Fillmore Whitesville -Noon

Sun City Summerlin Sun Shadows Center 702-363-1719 Buddhism 101 Paul Imahara CANCELLED Soap Box Ed Devore, Mike Wood 10am – noon Las Ventanas Retirement Community 702-360-2662 Western Motion Pictures II Robert Mirisch 10am – noon Invest Like Warren Buffett Jack Dien 10am – noon Ageless Wisdom Niels Clyde 10am – noon Spanish

1 FILIPINO BAITANG 7 MODYUL BLG. 1: MGA AKDANG PAMPANITIKAN: SALAMIN NG MINDANAO (PABULA, EPIKO, DULA, KUWENTONG BAYAN AT MAIKLING KUWENTO) Panimula at mga Pokus na Tanong Mindanao. Marahil maraming bagay ang papasok sa iyong isipan kung maririnig ang

Bautista-Lin. Lalakbayin ang Pilipinas, Espanya, Pransya at Hongkong, at ipakilala ang konsepto ng sining bilang salamin ng mga tunay na pangyayari at ang kahalagahan ng . Si Kevin ay isang guro sa Araling Panlipunan sa hayskul. Ngunit tila nahihirapan siyang gawing interesan

Morning Noon Night Morning Noon Night By Sidney Sheldon Synopsis: The Stanford family is one of the most respected in America - but behind the facade of fame and glamour lies a hidden web of blackmail, drugs and murder. When Harry Stanford, one of the wealthiest men in the world, mysteriously drowns while cruising on his yacht off the rugged .

REST API Security REST Authentication Overview ESC REST API uses http basic access authentication where the ESC client will have to provide a username and password when making ESC REST requests. The user name and password will be encoded with Base64 in transit, but not encrypted or hashed. HTTPS will be used in