SI MARX, SI ENGELS AT ANG MARXISMO - Marxists Internet Archive

3y ago
55 Views
2 Downloads
333.79 KB
63 Pages
Last View : 13d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Halle Mcleod
Transcription

SI MARX, SI ENGELSAT ANG MARXISMOni V. I. LENIN 2009PALIMBAGANG SENTRALPARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS

Paunang SalitaNaririto ang salin sa ilan sa mga tanyag na artikuloni Lenin na tinipon sa isang maikling libro na maypamagat na Introduction to Marx, Engels and Marxismat inilathala ng International Publishers ng UnitedStates of America. Isinulat ni Lenin ang malakingbahagi ng librong ito noong 1914 bago sumiklab angUnang Digmaang Pandaigdig.Napakahalagang aralin ang mga artikulong ito.Nagsisilbi itong maikling introduksyon sa mgaitinuturo ng Marxismo, at kailangang pag-aralan nglahat ng interesado sa Marxismo.Idinagdag sa salin ang mga talang pansanggunianmula sa On Marx and Engels, isang koleksyon ngpitong artikulo ni V. I. Lenin na inilathala ng ForeignLanguages Press, Peking, unang edisyon, 1975.Para mapahusay ang ating gawaing pagsasalin,mangyari lamang na ipaabot kung may mga punaat mungkahi sa salin at kung may mga panukalangibang pormulasyon, gayundin kung may mgabahaging kailangang lagyan ng paliwanag.2Pambansang Kawanihan sa Salin-Pambansang Kagawaran sa EdukasyonNILALAMAN1. Frederick Engels2. Ang Ating Programa5193. Si Engels tungkol sa Kahalagahan ngTeoretikal na Pakikibaka274. Ang mga Pagtatalo sa KilusangPaggawa sa Europa355. Ilang Katangian ng Istorikong Pagunlad ng Marxismo436. Ang Tatlong Pinagmulan at TatlongSangkap na Bahagi ng Marxismo517. Ang Istorikong Kahihinatnan ngDoktrina ni Karl Marx598. Karl Marx659. Talumpati sa Pasinaya ng MonumentoKina Marx at Engels noong Nobyembre 7,19181243

1. FREDERICK ENGELS1O, anong ilaw ng rason ang tumigil nang magdingasO, anong puso sa gayon ang tumigil nang tumibok!2Noong Agosto 5, 1895, pumanaw si Frederick Engels saLondon. Kasunod ng kanyang kaibigang si Karl Marx (nanasawi noong 1883), si Engels ang pinakatampok na iskolarat guro ng modernong proletaryado sa lahat ng sibilisadongdaigdig. Mula nang panahon na pinagtagpo ng tadhana sinaKarl Marx at Frederick Engels, ang pinaglaanan ng buhayng bawat isa sa dalawang magkaibigan ay naging simulaingkomun nilang dalawa. Kung gayon, para maunawaan kungano ang nagawa ni Frederick Engels para sa proletaryado,dapat mayroong malinaw na ideya sa kabuluhan ng gawainat turo ni Marx para sa pag-unlad ng kontemporaryongkilusang paggawa. Sina Marx at Engels ang unang nagpakitana ang uring manggagawa at ang mga hinihingi ng uringmanggagawa ay kinakailangang resulta ng kasalukuyangsistemang pang-ekonomya, na kasama ng burgesya ay dimaiiwasang lumilikha at nag-oorganisa sa proletaryado.Ipinakita nila na hindi ang mga pagsisikap na may kabutihangloob ng marangal ang isip na mga indibidwal kundi angmakauring pakikibaka ng organisadong proletaryado angsiyang magliligtas ng sangkatauhan mula sa kasamaan nanang-aapi ngayon sa kanya. Sa kanilang syentipikong mgaakda, sina Marx at Engels ang unang nagpaliwanag na angsosyalismo ay hindi imbensyon ng mga mapangarap, kundiang ultimong layunin at di maiiwasang resulta ng pagunlad ng mga produktibong pwersa ng modernong lipunan.Hanggang sa kasalukuyan, lahat ng nakatalang kasaysayanay kasaysayan ng tunggalian ng mga uri, kasaysayan ngmagkakasunud-sunod na paghahari at tagumpay ng ilanguri sa iba pang uri. At magpapatuloy ang ganito hanggang5

ang mga pundasyon ng tunggalian ng mga uri at ngmakauring paghahari – ng pribadong pag-aari at anarkikongproduksyong panlipunan – ay maglaho. Hinihingi ng interesng proletaryado ang pagwasak sa mga pundasyong ito, atsamakatwid, dapat ang mulat na makauring pakikibaka ngorganisadong mga manggagawa ay nakatuon laban sa kanila.At ang lahat ng makauring pakikibaka ay pampulitikangpakikibaka.Ang mga pananaw na ito nina Marx at Engels ayitinataguyod ngayon ng lahat ng proletaryo na nakikibakapara sa kanilang paglaya. Gayunman, nang lumahok noongdekadang 1840 ang dalawang magkaibigan sa sosyalistangliteratura at kilusang panlipunan ng kanilang kapanahunan,ang ganoong mga opinyon ay bagung-bago. Sa panahongiyon, maraming tao na may talino man o wala, tapat man ohindi, ay nabigong matukoy ang antagonismo sa pagitan nginteres ng burgesya at interes ng proletaryado, habang sila'ylubog na lubog sa pakikibaka para sa kalayaang pampulitika,sa pakikibaka laban sa despotismo ng mga hari, pulis at mgapari. Ni hindi man lamang tinatanggap ang ideya na dapatkumilos ang mga manggagawa bilang nagsasariling pwersangpanlipunan. Sa kabilang banda, maraming mapangarap, atilan sa mga ito ay mga henyo na nagpalagay na kinakailanganlamang na kumbinsihin ang mga naghahari at nangingibabawna mga uri sa inhustisya ng kasaluluyang kaayusangpanlipunan, at magiging madali nang itatatag ang kapayapaanat pangkalahatang kagalingan sa mundo. Nangarap sila ngsosyalismo nang walang pakikibaka. Panghuli, itinuturing nghalos lahat ng sosyalista ng panahong iyon at mga kaibiganng uring manggagawa ang proletaryado bilang isang ulserlamang, at ikinatakot nang husto nang makitang lumalakiang ulser na ito sa paglaki ng industriya. Samakatwid, lahatsila'y nagtatangkang ihinto ang pag-unlad ng industriya atproletaryado, ihinto ang "gulong ng kasaysayan." Hinding6hindi nakikiisa sa pangkalahatang pangamba sa pag-unladng proletaryado, inilagay nina Marx at Engels ang lahat ngkanilang pag-asa sa patuloy na paglago ng proletaryado.Kung mas lalaki ang bilang ng mga proletaryo, mas lalakiang kanilang kapangyarihan bilang rebolusyonaryong uri,at mas lalapit at mas magiging posible ang sosyalismo. Angnaitulong nina Marx at Engels sa uring manggagawa aymailalahad sa ilang salita sa ganitong paraan: itinuro nilasa uring manggagawa kung paano kikilalanin ang sarili atmagiging mulat sa sarili, at hinalinhan nila ng syensya angmga pangarap.Iyon ang dahilan kung bakit dapat alam ng lahat ngmanggagawa ang pangalan at buhay ni Engels. Iyon angdahilan kung bakit sa koleksyon ng mga artikulong ito3 nanaglalayong pukawin ang makauring kamulatan ng mgamanggagawang Ruso, tulad ng lahat ng ating publikasyon,kailangang iguhit natin ang buhay at gawain ni FrederickEngels, ang isa sa dalawang dakilang guro ng modernongproletaryado.Ipinanganak si Engels noong 1820 sa Barmen, sa probinsyang Rhine ng Kaharian ng Prussia. Isang tagapagmanupakturaang kanyang ama. Noong 1838, napilitan si Engels dahil sakatayuan ng kanyang pamilya na mamasukan sa isa samga bahay-komersyo ng Bremen bilang kawani nang hindinagtapos ng pag-aaral sa paaralan. Hindi napigilan si Engels nggawaing komersyal na ipagpatuloy ang kanyang edukasyongsyentipiko at pampulitika. Namuhi siya sa awtokrasya attiranya ng mga burukrata habang nasa paaralan pa siya. Angpag-aaral sa pilosopiya ay naghatid sa kanya sa mas malayo.Sa panahong iyon, nangingibabaw ang mga turo ni Hegel sapilosopiyang German, at naging tagasunod niya si Engels.Bagamat si Hegel mismo ay tagahanga ng awtokratikongestadong Prussian, kung saan naglilingkod siya bilangpropesor sa Unibersidad ng Berlin, rebolusyonaryo ang mga7

turo ni Hegel. Ang pananalig ni Hegel sa kaisipan ng tao at mgakarapatan nito, at ang pundamental na tesis ng pilosopiyangHegelian, ibig sabihin, na nakapailalim ang sansinukob sapalagiang proseso ng pagbabago at pag-unlad, ay nagdadalasa mga disipulo ng pilosopo ng Berlin na ayaw umalinsunodsa umiiral na kalagayan tungo sa ideya na ang pakikibakalaban sa kaayusan ito, ang pakikibaka laban sa umiiral nakasamaan at nangingibabaw na kabuktutan ay nauugat rin saunibersal na batas ng panloob na pag-unlad. Kung umuunladang lahat ng bagay, kung pinapalitan ang mga institusyon ngibang mga institusyon, bakit walang hanggang mananatiliang awtokrasya ng haring Prussian o ng tsar ng Rusya, bakitwalang hanggang mananatili ang pagpapayaman ng sandakotna minorya sa kapinsalaan ng napakalawak na mayorya, oang dominasyon ng burgesya sa mamamayan? Nagbabanggitang pilosopiya ni Hegel ng pag-unlad ng isip at ng mga ideya;ideyalista ito. Mula sa pag-unlad ng isip, nahinuha nito angpag-unlad ng kalikasan, ng tao, at ng mga relasyong pantaoat panlipunan. Habang kinukuha ang ideya ni Hegel sawalang hanggang proseso ng pag-unlad,* iwinaksi nina Marxat Engels ang naunang nabuong ideyalistang pananaw; sinuriang mga katotohanan ng buhay, nakita nila na hindi ang pagunlad ng isip ang nagpapaliwanag sa pag-unlad ng kalikasan,kundi kabaligtaran nito, ang pagpapaliwanag sa isip aydapat halawin sa kalikasan at sa bagay. Kaiba kay Hegelat iba pang Hegelian, sina Marx at Engels ay materyalista.Tinatanaw nila ang daigdig at sangkatauhan mula sa puntode bista ng materyalismo at naunawaan nila na tulad ngmateryal na sanhi ang nasa batayan ng lahat ng penomenonng kalikasan, kinokondisyon naman ang pag-unlad nglipunan ng tao ng pag-unlad ng materyal na mga pwersasa produksyon. Nakasalalay sa pag-unlad ng mga pwersa*Madalas ipaliwanag nina Marx at Engels na sa kanilang intelektwal napagsulong, malaki ang kanilang utang sa dakilang mga pilosopong German, laluna kay Hegel. “Kung wala ang pilosopiyang German,” ani Engels, “hindi sananagkaroon ng syentipikong sosyalismo.”48sa produksyon ang mga relasyon na pinapasukan ng tao saisa't isa sa produksyon ng mga bagay na kinakailangan paramatugunan ang mga pangangailangan ng tao. At nasa mgarelasyong ito makikita ang paliwanag sa lahat ng penomenonng buhay panlipunan, mga adhikain ng tao, mga ideya atbatas. Nililikha ng pag-unlad ng mga pwersa sa produksyonang mga relasyong panlipunan na nakabatay sa pribadongpag-aari, pero ngayon, nasasaksihan natin na ang pag-unladna ito mismo ng mga pwersa sa produksyon ang nagkakaitsa mayorya ng kanilang pag-aari at nagkokonsentra nito samga kamay ng sandakot na minorya. Winawasak nito angpag-aari, ang batayan ng modernong kaayusang panlipunan;ito mismo'y naghahabol sa pinakalayunin na itinakda ngmga Sosyalista sa sarili. Ang dapat na lamang gawin ng mgasosyalista ay unawain kung alin sa mga pwersang panlipunanna dahil sa pusisyon nito sa modernong lipunan ay interesadosa pagkakamit ng sosyalismo, at ikintal sa pwersang itoang kamulatan sa sariling interes at sa istorikong misyonnito. Ang pwersang ito ay ang proletaryado. Natuklasanito ni Engels sa England, sa sentro ng industriyang British,sa Manchester, kung saan siya'y nanirahan noong 1842 atnanilbihan sa isang bahay-komersyo na may sosyo angkanyang ama. Dito, hindi lamang naglagi sa tanggapansa pabrika si Engels kundi naglakad-lakad sa mga slum natinutuluyan ng mga manggagawa. Nakita niya sa sarili niyangmga mata ang kanilang karukhaan at pagdarahop. Perohindi siya nagkasya sa personal na mga obserbasyon. Binasaniya ang lahat ng nabunyag sa kanya tungkol sa kalagayanng uring manggagawang British at matamang pinag-aralanang lahat ng upisyal na dokumentong nahawakan niya. Angbunga ng mga pag-aaral at obserbasyong ito ay ang aklat nalumabas noong 1845: Ang Kalagayan ng Uring Manggagawasa England. Nabanggit na natin ang pangunahing ambagni Engels bilang may-akda ng Ang Kalagayan ng UringManggagawa sa England. Bago pa man kay Engels, marami9

na ang naglarawan sa mga paghihirap ng proletaryado atnagpaliwanag sa pangangailangang tulungan ito. Si Engelsang unang nagsabi na hindi lamang naghihirap na uri angproletaryado, kundi sa katunayan, di mapipigilang itinutulakpasulong ang proletaryado ng kalunus-lunos na kalagayangpang-ekonomya nito at pinupwersa itong makibaka para sasariling ultimong paglaya. At gagawin nga ito ng lumalabangproletaryado. Di maiiwasang hahantong ang kilusangpampulitika ng uring manggagawa sa pag-unawa ng mgamanggagawa na ang kanilang kaligtasan ay nakasalalay sasosyalismo. Sa kabilang banda, magiging pwersa lamangang sosyalismo kung magiging layunin ito ng pakikibakangpampulitika ng uring manggagawa. Iyon ang pangunahingmga ideya ng aklat ni Engels hinggil sa kalagayan ng uringmanggagawa sa England, mga ideya na ngayo'y itinataguyodng lahat ng proletaryong nag-iisip at nakikibaka, pero noongpanahong iyo'y bagung-bago. Inilahad ang mga ideyangiyon sa kanyang aklat na isinulat sa estilong kawili-wili atpunung-puno ng pinakatotoo at nakasisindak na larawan ngpaghihirap ng proletaryadong Ingles. Mabigat na sakdal sakapitalismo at burgesya ang aklat na ito. Napakalalim angimpresyon na nilikha nito. Sinisipi na ang aklat ni Engels salahat ng dako bilang pinakamahusay na paglalarawan ngkondisyon ng modernong proletaryado. At sa katunayan,walang lumabas na kasintampok at kasing-makatotohananglarawan ng paghihirap ng uring manggagawa bago man ng1845 o matapos nito.Noong makarating sa England saka lamang nagingSosyalista si Engels. Nakabuo siya ng ugnay sa Manchestersa mga taong aktibo sa kilusang manggagawang Britishsa panahong iyon at nagsimulang magsulat para sa mgasosyalistang publikasyong Ingles. Noong 1844, habangpabalik sa Germany, nakilala niya sa Paris si Marx, nakanyang kasulatan na. Sa Paris, naging Sosyalista rin si Marx10sa impluwensya ng mga Sosyalistang French at buhay French.Dito, magkasamang isinulat ng magkaibigan ang aklat napinamagatang Ang Banal na Pamilya, o Kritika sa Kritikal naKritika. Ang aklat na ito, na lumabas isang taon bago lumabasAng Kalagayan ng Uring Manggagawa sa England, at isinulatni Marx sa kalakhan, ay naglalaman ng mga pundasyon ngrebolusyonaryong materyalistang sosyalismo, na ipinalawignatin sa itaas ang pangunahing mga ideya. Ang Banal naPamilya ay palabirong palayaw para sa magkakapatid naBauer na mga pilosopo, pati na ng kanilang mga kapanalig.Ipinangangaral ng mga ginoong ito ang isang kritisismonglabas sa lahat ng realidad, na nakaibabaw sa mga partido atpulitika, na nagtatakwil sa lahat ng praktikal na aktibidad,at "kritikal" lamang na pinagnilay-nilayan ang nakapaligidna daigdig at mga pangyayari na nagaganap sa loob nito.Palalong itinuturing ng mga ginoong ito, ng mga Bauer, angproletaryado bilang isang masang di kritikal. Masigasig nabinaka nina Marx at Engels ang balbal at mapaminsalangtunguhing ito. Sa ngalan ng tunay na personalidad pantao –ang manggagawa na niyuyurakan ng mga naghaharing uriat ng estado – hiningi nila, hindi ang pagninilay-nilay, kundiang pakikibaka para sa isang mas mahusay na kaayusanng lipunan. Mangyari pa, itinuturing nila ang proletaryadobilang kapangyarihan na may kakayahang isulong angpakikibakang ito at interesado sa bagay na ito. Bago paman lumabas ang Ang Sagradong Pamilya, inilathala na niEngels sa Deutsch-Franzosische Jahrbucher (Anwal na GermanFrench)5 nina Marx at Ruge ang Mga Kritikal na Sanaysayhinggil sa Ekonomyang Pampulitika, kung saan sinuri niya angpangunahing penomena ng kontemporaryong kaayusangpang-ekonomya mula sa sosyalistang paninindigan atnarating ang kongklusyon na kinakailangang mga bungaito ng paghahari ng pribadong pag-aari. Walang dudangang pakikipagpalitan kay Engels ay isang salik kung bakitnagpasya si Marx na mag-aral ng ekonomyang pampulitika,11

isang syensya kung saan nakalikha sila ng isang tunay narebolusyon.Nanirahan si Engels sa Brussels at Paris mula 1845 hanggang 1847, at pinagsanib ang syentipikong mga pagsisikapat praktikal na mga aktibidad sa hanay ng manggagawangGerman sa Brussels at Paris. Dito, umugnay sina Marx at Engelssa lihim na Ligang Komunistang German, na nagkomisyonsa kanilang ipalawig ang pangunahing mga prinsipyo ngsosyalismo na kanilang binalangkas. Sa gayon lumitaw angbantog na Manipesto ng Partido Komunista nina Marx at Engelsna inilathala noong 1848. Ang maliit na librong ito ay katumbasng buu-buong tomo: hanggang sa araw na ito, nagbibigayinspirasyon ang diwa nito at nagpapakilos sa organisado atnakikibakang proletaryado ng buong sibilisadong daigdig.Pinabalik sina Marx at Engels sa kanilang lupang tinubuanng rebolusyon ng 1848, na unang sumiklab sa France atpagkatapos ay lumaganap sa ibang mga bayan ng KanluraningEuropa. Dito, sa Rhenish Prussia, pinangunahan nila angdemokratikong Neue Rheinische Zeitung (Bagong Dyornal NaRhenish) na inilathala sa Cologne. Ang dalawang magkaibiganang puso't kaluluwa ng lahat ng adhikaing rebolusyonaryodemokratiko sa Rhenish-Prussia. Ipinagtanggol nila anginteres ng mamamayan at ng kalayaan laban sa mgareaksyunaryong pwersa hanggang sa kahuli-hulihan. Gayang alam na natin, nangibabaw ang mga reaksyunaryongpwersa. Sinupil ang Neue Rheinische Zeitung. Idinistiyero siMarx, na binawian ng kanyang pagkamamamayang Prussiansa panahon ng kanyang destiyero. Lumahok si Engels saarmadong pag-aalsang popular, nakibaka para sa kalayaansa tatlong labanan, at matapos magapi ang mga rebelde,tumakas patungong London na dumaan ng Switzerland.Doon din nanirahan si Marx. Di naglaon, nagingkawani muli si Engels, at pagkatapos ay maysapi, sa bahay12komersyong kanyang pinagtrabahuhan noong dekada 1840.Tumira siya sa Manchester hanggang 1870, habang nakatirasa London si Marx, na magkagayunma'y hindi nakapigil sapinakamasiglang palitang intelektwal: halos araw-araw silangnagsusulatan. Sa sulatang ito, ang dalawang magkaibigan aynagpalitan ng pananaw at kaalaman at patuloy na nagtulungansa pagbabalangkas ng syentipikong sosyalismo. Lumipat saLondon si Engels noong 1870, at nagpatuloy ang kanilangkomun na buhay intelektwal na punung-puno ng mabigat napaggawa hanggang 1883, nang mamatay si Marx. Ang bunganito, sa panig ni Marx, ay ang Kapital, ang pinakadakilang akdatungkol sa ekonomyang pampulitika ng ating kapanahunan,at sa panig ni Engels – maraming mga akda, malaki at maliit.Hinarap ni Marx ang pagsusuri sa kompleks na penomenonng kapitalistang ekonomya. Hinarap naman ni Engels samadalas ay polemikal na akda at isinulat sa simpleng paraanang mas pangkalahatang syentipikong mga usapin at angmas kompleks na penomenon ng nakaraan at kasalukuyansa diwa ng materyalistang pananaw sa kasaysayan atteoryang pang-ekonomya ni Marx. Sa mga akdang ito niEngels, bababanggitin natin ang polemikal na akda labankay Duhring (kung saan sinuri niya ang napakahahalagangusapin sa larangan ng pilosopiya, syensya ng kalikasan atmga syensyang panlipunan), Ang Pinagmulan ng Pamilya,Pribadong Pag-aari at Estado* (isinalin sa Ruso, inilathala sa St.Petersburg, ikatlong edisyon, 1895), Ludwig Feuerbach** (mgasalin sa Ruso na may mga tala ni G. Plekhanov, Geneva, 1892),isang artikulo tungkol sa patakarang panlabas ng gubyernongRuso (isinalin sa Ruso sa Sotsial-Democrat ng Geneva, Blg.* Isang aklat na kahanga-hanga sa yaman at napakainstruktibo.6 Sa kasawiampalad, maliit na bahagi lamang nito na naglalaman ng istorikongbalangkas ng pag-unlad ng sosyalismo ang naisalin sa Ruso (Ang Pagunlad ng Syentipikong Sosyalismo, Ikalawang edisyon, Geneva, 1892).** “Si Ludwig Feuerbach at ang Wakas ng Klasikong Pilosopiyang German,” sa Marx at Engels, Piling mga Akda, Moscow, 1958, Tomo II, pp.358-402.13

1 at 2),7 kahanga-hangang mga artikulo tungkol sa usapingpabahay,8 at panghuli, maliliit ngunit napakahahalagangartikulo tungkol sa pang-ekonomyang pag-unlad ng Rusya(Frederick Engels Tungkol sa Rusya, na isinalin sa Ruso niVera Zasulich, Geneva, 1894).9 Namatay si Marx bago niyamakumpleto ang kanyang napakalaking gawain sa Kapital.Gayunman, natapos na ito sa borador, at matapos mamatayang kanyang kaibigan, hinarap ni Engels ang mabigat nagawain na ihanda at ilathala ang ikalawa at ikatlong bolyumng Kapital. Inilathala niya ang Ikalawang Bolyum noong 1885at ang Ikatlong Bolyum noong 1894 (hindi na niya naihandaang Ikaapat na Bolyum dahil sa kanyang pagkamatay).10Ang dalawang bolyum na ito ay nangahulugan ngnapakalaking pagsisikap. Wastong ipinakli ni Adler, angSosyal-Demokratang Austrian, na dahil sa paglalathala niEngels ng Ikalawa at Ikatlong Bolyum ng Kapital, nagtayosiya ng dakilang monumento sa henyo ng kanyang kaibigan,isang monumento na di mabuburang nakaukit ang sariliniyang pangalan nang hindi niya inaadya. Tunay ngangang dalawang bolyum na ito'y akda ng dalawang tao: siMarx at si Engels. Maraming sinaunang salaysay tungkol sanakababagbag-damdaming halimbawa ng pagkakaibigan.Maaaring sabihin ng proletaryado na ang syensya nito'ynilikha ng dalawang iskolar at mandirigma, na ang relasyonsa isa't isa'y nakahihigit sa pinakanakababagbag-damdamingsalaysay ng pagkakaibigan sa hanay ng mga sinauna. Lagi– at sa kabuuan, tama naman – na

lumabas noong 1845: Ang Kalagayan ng Uring Manggagawa sa England. Nabanggit na natin ang pangunahing ambag ni Engels bilang may-akda ng Ang Kalagayan ng Uring Manggagawa sa England. Bago pa man kay Engels, marami turo ni Hegel. Ang pananalig ni Hegel sa kaisipan ng tao at mga karapatan nito, at ang pundamental na tesis ng pilosopiyang

Related Documents:

SeriesForeword Titles Published 1. Terrell Carver & Daniel Blank, A Political History of the Editions of Marx and Engels’s “German Ideology” Manuscripts, 2014. 2. Terrell Carver & Daniel Blank, Marx and Engels’s “German Ideol- ogy”

years ago, David McLellan, a prolific student of Marx and Marxism, published a very good introduction to Marx’s life and thought. 2 He justified his book in noting it was the first since Mehring’s biography in 1918 and in the mean-time the Marx–Engels correspondence as well as several of Marx’s unpub-lished writings had become available.

Friedrich Engels Origin of the Family, Private Property, and the State Written: March-May, 1884; First Published: October 1884, in Hottingen-Zurich; Source: Marx/Engels Selected Works, Volume Three; Translation: The text is essentially the English translation by Alick West published in 1942, but it has been revised against the German text as it appeared in MEW [Marx-Engels Werke] Volume

KARL MARX by Frederick Engels Short bio based on Engels' version written at the end of July 1868 for the German literary newspaper Die Gartenlaube -- whose editors decided against using it.

Mar 01, 2020 · into the muck then lend it to a ‘friend,’ even if the interest and capital were guaranteed.” Marx to Engels, 30 July 1862.1 “Without slavery North America, the most progressive of countries, would be transformed . is that the Pelasgians are descendants of the Semites.8 In Marx and Engels, .

Karl Marx and Frederick Engels Writings on the North American Civil War Karl Marx: The North American Civil War October, 1861 The Trent Case November, 1861 . the election of Lincoln as President, gave the signal for secession. On November 6, 1860, Lincoln was elected. On November 8, 1860, a message telegraphed from South .File Size: 304KBPage Count: 42

Select Critical Bibliography, 434 . Index, 456. List of Plates 1 Marx's birthplace 2 Karl Marx, aged eighteen 3 Jenny von Westphalen 4 Friedrich Engels . enormous fourth-century basilica were enduring monuments of Trier's . 9 36 KARL MARX: A BIOGRAPHY imperial glory. In the Middle Ages the city had been the seat of a Prince-

The Highway Asset Management Policy and the Highway Asset Management Strategy have been developed to help us to take account of these challenges. The policy is designed to drive continuous improvement in the way we maintain our highway network to ensure that it continues to be safe serviceable and sustainable. It sets out the principles that will ensure we adopt and develop a strategic .