Ang BINAGONG KODIGO NG ETIKA - Amazon Web Services

2y ago
59 Views
3 Downloads
270.58 KB
15 Pages
Last View : 11d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Mollie Blount
Transcription

Ang BINAGONG KODIGO NGETIKA“Pamantayan ng Pag-uugali at Etika sa Paggawa”Petsa ng Pagsalin: Disyembre 2011(Hango sa Pagbabago noong Setyembre 2010)

POLICY MANUALMANILA ELECTRIC COMPANYPM-CGO-2011-03Rev. Code: 0Page 1 of 12Section: Talaan ng mga NilalamanDate Translated: December 23, 2011Subject: Talaan ng mga NilalamanSensitivity Classification: Company UseTALAAN NG MGA NILALAMANPahinaPAUNAWA UKOL SA SALIN NG KODIGO SA WIKANG FILIPINO .2PAUNANG SALITA .3PAMANTAYAN NG PAG-UUGALI AT ETIKA SA PAGGAWA .4I.Pagsunod .4II.Patas na Pakikitungo .4III. Kompidensiyalidad ng Impormasyon at Wastong Paggamit ng Ari-Arian ngKumpanya .5IV. Magkasalungat na Interes .6V.Pagbibigay-Alam at Pagsisiwalat .9VI. Pangangasiwa sa mga Panganib sa Negosyo at Panloob na (Internal)Kontrol .10VII. Pakikipag-Ugnayan sa mga Kasosyo at mga Mamumuhunan .10VIII. Pakikipag-Ugnayan sa Pamahalaan at mga Tagapamalakad .11IX. Pakikipag-Ugnayan sa Komunidad .11X.Pagsasakatuparan at Pagsubaybay .12PAGKAKAROON NG BISA .14

POLICY MANUALAng Binagong Kodigo ng EtikaPM-CGO-2011-03Rev. Code: 0Page 2 of 14Section: Paunawa Ukol sa Salin ng Kodigo sa Wikang FilipinoDate Translated: December 23, 2011Subject: Paunawa Ukol sa Salin ng Kodigo sa Wikang FilipinoSensitivity Classification: Company UsePAUNAWA UKOL SA SALIN NG KODIGO SAWIKANG FILIPINOAng ”Revised Code of Ethics” o ang ”Ang Binagong Kodigo ng Etika” ayisinalin sa wikang Filipino upang mas maunawaan ng mga nakararaming empleyadoang mga nilalaman nito.May mga pagkakataon na walang tuwirang katumbas na salita sa Filipino angmga salita mula sa English version o di kaya ay hindi ganap ang kahulugan ng Salin.Kung sakaling may hindi maunawaan sa pagkakasalin, maaring balikan ang orihinalna English version upang makuha ang tunay na nilalaman (spirit of the provision) atkabuuan (context). Sa pagkakataong magka-iba ang orihinal kaysa sa Salin, angmananaig na kahulugan ay ang hango sa English version. Maaaring sumangguni saCorporate Governance Office (CGO) tungkol sa mga katanungan dito.Sinalin sa Filipino noong ika-23 ng Disyembre 2011.

POLICY MANUALAng Binagong Kodigo ng EtikaPM-CGO-2011-03Rev. Code: 0Page 3 of 14Section: Paunang SalitaDate Translated: December 23, 2011Subject: Paunang SalitaSensitivity Classification: Company UsePAUNANG SALITAAng tumpak na etika sa negosyo ay may ginagampanang mahalagangbahagi sa ikatatagumpay ng isang Kumpanya. Upang matiyak na ang mgapinahahalagahang etika sa paggawa ay napapangalagaan at naitataguyod salahat ng mga direktor, mga opisyal at mga empleyado, pinagtibay ng Lupon ngmga Direktor ng ating Kumpanya ang pakikiugali sa Kodigo ng Etikang ito (ang“Kodigo”). Ang Kodigong ito ang magsisilbing sagisag ng matibay napagtatalaga ng ating Kumpanya na panindigan ang mga pangunahing pangkorporasyong prinsipyo ng pagkamakatarungan, pagkamapagpanagot,pagkamatapat at pagkamaliwanag. Ito ay magsisilbing isang gabay sa atingKumpanya, mga direktor, opisyal at empleyado sa kung paano iaayos angkanilang sarili sa paggawa ng desisyon, mga transaksyon at interaksyon nanaaayon sa mga prinsipyo ng Kumpanya habang gumaganap sa kani-kanilangmga tungkulin at responsibilidad.Ang mga prinsipyong nilalaman ng Kodigong ito ay hindi na bago o lingidsa kaalaman ng lahat. Katunayan, ang mga ito ay bahagi na ng buhay,tradisyon, pamana at kultura ng ating Kumpanya sa mahigit sandaang taonnitong pamamalagi. Dumadaloy ito sa dugo ng bawat empleyado- “bahagi ngating buhay sa araw at gabi, baha man o bagyo”. Ang diwa nito’ynananatiling katulad pa rin ng dati – kahusayan ng serbisyong may katapatanhigit sa pagnenegosyo. Kaya, ang Kodigong ito ay magsisilbing pagpapaibayong ating pangako sa mga prinsipyong ito, habang ang ating Kumpanya aysumusulong at humaharap sa mga bagong pagsubok.Ang Kodigong ito ay hindi inilaan upang tugunan ang lahat ngkasalukuyan o hinaharap na katayuang etikal. Katulad nito, ang iba pang mgabagay o alalahanin na kung saan ay hindi tuwirang nasasakop ng Kodigong itoay maaring natugunan na sa iba pang mga umiiral na mga patakaran ngKumpanya, mga pamantayan, alituntunin, pamamaraan at mga kodigo.Sa kalaunan, ang lahat ay inaanyayahan na magpatupad ng tamangpaghatol at sumunod sa nasusulat at nilalaman ng Kodigong ito sa kanilangmga pakikipag-ugnayan sa kani-kanilang kasamahan, sa mga kustomer ngating Kumpanya, mga tagapanustos (suppliers), mga katuwang sa kad,mgapinagkakautangan, mga kasosyo at ang pangkalahatang publiko.Tayo, samakatuwid ay nangangakong mamumuhay at susunod sangayon sa mga etikal na pamantayan sa pag-uugali sa iba’t ibang pakikitungo sanegosyo.

POLICY MANUALAng Binagong Kodigo ng EtikaPM-CGO-2011-03Rev. Code: 0Page 4 of 14Section: Pamantayan ng Pag-Uugali at Etika sa PaggawaDate Translated: December 23, 2011Subject: Pagsunod / Patas na PakikitungoSensitivity Classification: Company UsePAMANTAYAN NG PAG-UUGALI AT ETIKA SA PAGGAWAI. Pagsunod1. Tayo’y susunod sa lahat ng mga batas, mga patakaran atregulasyong sumasaklaw sa pagpapatakbo ng negosyo ng atingKumpanya, pagbibigay karapatan sa kanyang pamamalagi,pagkakatala sa pamilihan ng saping-puhunan (stock exchange), atpalingkurang-bayang (utility) operasyon.2. Sa pagganap ng ating mga tungkulin, tayo, sa lahat ng oras, aydapat maging maalam at sumunod sa mga pangangailangan at mgakabawalan ng batas, mga patakaran, regulasyon at mga pangKumpanyang pamantayan, polisiya, patakaran at pamamaraan.II. Patas na Pakikitungo1. Tayo’y nangangakong magbibigay ng sapat, maasahan at mahusayna serbisyo sa makatarungan at makatwirang halaga sa lahat ngating mga kustomer sa loob ng prangkisang sakop ng atingKumpanya na laging isinasaisip ang atas ng ating Kumpanya bilangisang palingkurang-bayan (public utility).2. Tayo’y nakikitungo sa mga empleyado at mga aplikante sa trabahonang patas at tayo’y hindi magtatangi ng kasarian, relihiyon, edad,nasyonalidad, estado ng pamilya o iba pang mga dahilangipinagbabawal ng batas. Tayo’y umuupa, nagpapaunlad atnagtutumbas sa serbisyo ng mga empleyado at mga opisyal base sakanilang kakayahan, husay at paggawa.3. Tayo’y pumipili, kumakasundo at nagtutumbas sa mga konsultant,kontraktor at iba pang nagkakaloob ng serbisyo batay sa kanilangmga kakayahan at mga pamantayan sa pagtratrabaho at paggawa.4. Ang ating Kumpanya ay magpapaunlad ng magkakatugmangsamahan sa kanyang mga empleyado sa pamamagitan ngpagkakaunawaan, tiwala at respeto.

POLICY MANUALAng Binagong Kodigo ng EtikaPM-CGO-2011-03Rev. Code: 0Page 5 of 14Section: Pamantayan ng Pag-Uugali at Etika sa PaggawaDate Translated: December 23, 2011Subject: Kompidensiyalidad ng Impormasyon at WastongPaggamit ng Ari-Arian ng KumpanyaSensitivity Classification: Company Use5. Tayo’y iiwas na magsamantala sa kahit kanino sa pamamagitan ngmanipulasyon, pagkukubli, pagabuso sa nalalamang impormasyon,pagsisinungaling o anumang uri ng panlilinlang.6. Tayo’y makikitungo sa lahat ng may respeto at may gabay ngpropesyonalismo, integridad, at mabuting hangarin sa ating mgatransaksyon at obligasyon sa mga kustomer, mga tagapanustos(suppliers), mga kasosyo, pamahalaan, mga tagapamalakad(regulators), mga pinagkakautangan, kakompetensiya at mgaempleyado.III. Kompidensiyalidad ng Impormasyon at Wastong Paggamit ng AriArian ng Kumpanya1. Sa paglilingkod o pagtatrabaho sa Kumpanya, ang mga direktor,opisyal at empleyado, sa iba’t ibang antas, ay nagkakaroon ngkaalaman sa mga kompidensyal na impormasyon. Tayo’y kumikilalana ang ganitong kompidensiyal na impormasyon ay isangmahalagang pag-aari ng Kumpanya na dapat ay pinangangalagaan.2. Tayo’y nagpapanatili at nangangalaga sa kompidensiyalidad ng mgaimpormasyong ipinagkatiwala sa mga direktor, opisyal, at empleyadong Kumpanya, maliban sa pagkakataon na ang pagsisiwalat ayawtorisado o legal na iniutos. Kabilang sa uri ng mga kompidensiyalna impormasyon ay ang anumang di-pampublikong impormasyon namaaaring gamitin ng ating mga kakompetensiya, o mgaimpormasyong makapipinsala sa Kumpanya kung isiniwalat.3. Ang kompidensiyalidad na obligasyon ay mananatili sa kabila ngating paghiwalay sa Kumpanya na sanhi ng pagreretiro, pagbibitiw,terminasyon, pagtatapos ng panahon ng pamamahala, pagwawakaso terminasyon ng kontrata, o iba pang dahilan.4. Tayo’y hindi nananamantala gamit ang mga materyal na hindipampublikong impormasyong para sa ating pangangalakal ng mga“securities” ng Kumpanya habang ang mga impormasyong ito aynasa ating pag-iingat. Ang mga materyal na hindi pampublikongimpormasyon ay ang anumang impormasyon na maaaringmakaapekto sa halaga sa merkado ng mga “securities”ngKumpanya at hindi pa naihahayag sa publiko.

POLICY MANUALAng Binagong Kodigo ng EtikaPM-CGO-2011-03Rev. Code: 0Page 6 of 14Section: Pamantayan ng Pag-Uugali at Etika sa PaggawaDate Translated: December 23, 2011Subject: Magkasalungat na InteresSensitivity Classification: Company Use5. Tayo’y gumagalang at umaalalay sa mga kompidensiyal atpagmamay-aring (proprietary) impormasyon ng iba pang mgaKumpanya. Tayo’y hindi sadyang kakamkam, lalabag o gagawa nghindi pinahintulutang paggamit ng isang tunay na tatakpangangalakal (trademark), patente (patent), lihim sa kalakaran oangking teknolohiya na pag-aari ng ating Kumpanya o ibang tao onino pa man.6. Tayo’y nagpapanatili sa integridad ng lahat ng impormasyon, datos,mga aklat, mga talaan, mga talaksan (files) at iba pang mgadokumentong ipinagkatiwala ng Kumpanya sa atin dahil sa atingtanggapan at pangalagaan sila mula sa hindi pinahintulutan o hindiwastong go, o pagsira.7. Tayo’y tumutupad, sa lahat ng oras, ang mga pamantayan satamang paggamit at pangangalaga ng mga pag-aari, sistema, oras,at mga gamit ng Kumpanya. Tayo’y nangangako na pangangalagaanang mga ito laban sa pagkawala, pinsala, maling paggamit, pagabuso o pagnanakaw.IV. Magkasalungat na Interes1. Tayo’y gumaganap nang pinakamainam para sa interes ngKumpanya at iniiwasan natin ang mga gawain, sitwasyon o mgakaugnayan na maaaring makasira sa ating mahusay na paggawa ngmga tungkulin para sa interes ng Kumpanya o kung anumangmaaaring pagmulan ng magkasalungat na interes. Angmagkasalungat na interes ay nangyayari:a.Kung ang mga pribadong interes ng isang direktor, opisyal oempleyado ay humahadlang o nakagagambala sa anumangparaan, sa mga interes ng ating Kumpanya; ob.Kapag ang isang direktor, opisyal o empleyado ay gumawa ngisang hakbang o siya ay may interes na kung saan aymahihirapan siyang maisakatuparan ang kanyang gawain saKumpanya ng ayon sa nilalayon nito at pagiging mainam.

POLICY MANUALAng Binagong Kodigo ng EtikaPM-CGO-2011-03Rev. Code: 0Page 7 of 14Section: Pamantayan ng Pag-Uugali at Etika sa PaggawaDate Translated: December 23, 2011Subject: Magkasalungat na InteresSensitivity Classification: Company Use2. Mga posibleng sitwasyong maituturing na may magkasalungat nainteres, ngunit hindi limitado sa mga sumusunod:a.Pagkakataong Mula sa Korporasyon (Corporate Opportunity)Iniiwasan natin ang mga pagkakataong gumamit ng mga pag-aaring Kumpanya, impormasyon o posisyon o impluwensya para sapansariling kapakanan, o upang makipagkompetensiya saKumpanya, o kumilos ng hindi naaayon sa interes ng atingKumpanya.b.Mga Ugnayan o RelasyonTayo’y umiiwas sa anumang aktwal o maliwanag namagkasalungat na interes at anumang materyal na transaksiyon ougnayan na inaasahang maaaring pagmulan nito. Ang ating mgadesisyon sa negosyo ay hindi nauudyukan ng mga personal nakonsiderasyon o/at mga ugnayan na maaring maging hadlang saating malayang pagpapasya na makakaapekto sa interes ngKumpanya habang ginaganap ang ating mga tungkulin.c.Mga RegaloTayo’y nagbabawal sa paghingi o pagtanggap ng anumang uri ngregalo sa ikatlong partido o organisasyon nang dahil sa tuwiran ohindi tuwirang hangarin sa ating mga gawain, o di pagtupad(omission) o transaksiyon ng Kumpanya na pabor sa nasabingikatlong partido na may kasalukuyang o ninanais na transaksiyonsa Kumpanya.Ang “regalo” ay maaring isang karapatan o bagay na may halaga,tulad ng pera o katumbas nito, pag-utang, bayad, gantimpala,komisyon, pang-gastos (allowance), trabaho, o mga paglalakbayat benepisyo.Ang mga pagtatakdang ito ay maaring pahintulutan kung ito ay: a)isang regalo na may naturingang halaga (nominal value) nakusang-loob na ibinigay ng isang ikatlong partido sa isangdirektor, opisyal, o empleyado ng Kumpanya bilang isang ala-alao dahil sa kagandahang-loob; o b) regalo na para sa mgaproyektong pang-kawanggawa para sa benepisyo ng mgamahihirap o ng pangkalahatang publiko.

POLICY MANUALAng Binagong Kodigo ng EtikaPM-CGO-2011-03Rev. Code: 0Page 8 of 14Section: Pamantayan ng Pag-Uugali at Etika sa PaggawaDate Translated: December 23, 2011Subject: Magkasalungat na InteresSensitivity Classification: Company Used.Panlabas na PamumuhunanTayo’y umiiwas lumahok o mang-impluwensiya sa mga desisyonng ating Kumpanya tungkol sa mga anumang transaksiyon kaninoman, na tayo’y may personal na ugnayan o malakingpananalaping interes.e.Panlabas na PaggawaTayo’y umiiwas sa mga gawain at interes na maaaringmakaapekto sa mga layunin o epektibong pagganap ng ating mgatungkulin at responsibilidad sa Kumpanya, o magdulot ngsitwasyon na maaaring makipagkompetensiya o maging salungatsa mga interes ng Kumpanya, kabilang na ang mga interes sanegosyo o hindi awtorisadong pagtrabaho sa labas ngKumpanya.Kabilang, ngunit hindi limitado sa mga sumusunod, sa mgapagganap ng panlabas na propesyonal na paggawa, na kungsaan ay nagpapakita ng mga potensyal na magkasalungat nainteres ay: Kapag ang isang direktor, opisyal o empleyado aynagtatrabaho o mayroong kasunduan sa pagsasangguni(consultancy) sa isang organisasyong kakompetensiya ngating Kumpanya. Kapag ang isang direktor, opisyal, o empleyado aynagsisilbi bilang isang direktor, tagapamahala, o miyembrong Lupon ng Mga Direktor ng isang organisasyongkakompetensiya ng ating Kumpanya.Sa loob ng isang (1) taon matapos ang pagkahiwalay mula saserbisyo, ang sinumang opisyal ng Kumpanya na may hawak naposisyon ng Chief Executive Officer, Chief Operating Officer,Treasurer, Chief Financial Officer, Comptroller, Chief Engineer,Senior Account Officer, at sinumang opisyal o empleyado namayroong regular na paglapit sa kumpidensyal, nauuri (classified)o pinaghihigpitang (restricted) impormasyon ay hindi dapatpumasok o tanggapin ang anumang trabaho, pagsangguni,pamamahala o anumang uri ng kontrata ng serbisyo sa sinumangtao, korporasyon o entity na direktang nakikipagkompetensiya sanegosyo ng Kumpanya.

POLICY MANUALAng Binagong Kodigo ng EtikaPM-CGO-2011-03Rev. Code: 0Page 9 of 14Section: Pamantayan ng Pag-Uugali at Etika sa PaggawaDate Translated: December 23, 2011Subject: Pagbibigay-Alam at PagsisiwalatSensitivity Classification: Company Use3. Agad nating inihahayag ang anumang aktwal o maaring salungat nainteres, at anumang materyal na transaksyon o relasyon na maaaringpagmulan ng magkasalungat na interes upang mabigyan ngnaaangkop na resolusyon at disposisyon.4. Ang mga direktor ay agarang maghahayag ng anumang mgapotensyal o aktwal na salungat na interes at dapat umiwas mula sapagsali sa anumang talakayan o desisyon na may kaugnayan sanasabing bagay kapag ito ay idinulog sa Lupon.V. Pagbibigay-Alam at Pagsisiwalat1. Tinitiyak natin na ang mga nilalaman ng, at mga nakahayag sa, mgaulat at dokumento na inihain ng ating Kumpanya, o ipinapasa saSecurities and Exchange Commission (SEC), Energy RegulatoryCommission (ERC), iba pang ahensya ng pamahalaan o mgatagapamalakad, at iba pang pampublikong lathalain ng Kumpanya aynararapat na kumpleto, makatarungan, tumpak, napapanahon atmadaling maintindihan alinsunod sa mga naaangkop na batas sapaghahayag, listing rules, at pamantayan ng materyalidad.2. Tayo’y: (a) titiyak sa pagsunod sa mga panuntunan (requirements)ng pagsisiwalat ng ating Kumpanya; at (b) hindi sadyang magbibigayng maling impormasyon, o maging dahilan upang makapagbigay angiba ng maling impormasyon tungkol sa Kumpanya sa ibang tao,maging sa loob o labas ng Kumpanya, kabilang ang mgaindependent awditor ng Kumpanya, mga tagapamalakad ngpamahalaan, at mga self-regulatory na organisasyon.3. Tayo’y nagtatatag ng iba’t ibang pamamaraan para sa bukas nakomunikasyon at gagawin ang naaangkop na paghahayag tungkolsa ating mga pang-korporasyong hangarin, mga layunin, patakaran,posisyong pananalapi, materyal na mga transaksiyon sa mgamagkakaugnay na partido, at mga hangarin sa lahat ng mga kasosyong Kumpanya.4. Tayo’y naghihikayat ng mga empleyado na aktibong lumahok sa mgatalakayan at maghayag ng anumang lehitimong isyu o alalahanin namay kaugnayan sa trabaho.

POLICY MANUALAng Binagong Kodigo ng EtikaPM-CGO-2011-03Rev. Code: 0Page 10 of 14Section: Pamantayan ng Pag-Uugali at Etika sa PaggawaDate Translated: December 23, 2011Subject: Pangangasiwa sa mga Panganib sa Negosyo at Panloob naSensitivity Classification: Company Use(Internal) Kontrol / Pakikipag-Ugnayan sa mga Kasosyo at mgaMamumuhunanVI. Pangangasiwa sa mga Panganib sa Negosyo at Panloob na(Internal) Kontrol1. Tayo’y kumikilala sa pamamahala ng panganib sa negosyo at mgaproseso ng panloob na (internal) kontrol ay nakapagbibigay ngkakayahan para sa epektibong pamamahala ng Kumpanya. Ang mgaorganisasyon, proseso at mga sistemang paggamit sa atingKumpanya ay nakabalangkas upang matiyak na umiiral angpagrerepaso at pagbabalanse (checks and balance).2. Tayo’y tutunton at mangangasiwa ng panganib sa paghahatid ngmga ipinangako ng Kumpanya sa mga mamumuhunan nito. Angpagsubaybay at pag-uulat ng mga panganib ay nakapaloob bilangbahagi ng pag-uulat sa paggawa sa lahat ng antas sa Kumpanya.3. Tayo’y magtatalaga ng mga nagmamay-ari ng proseso (processowners) upang suriin ang mga panganib sa kani-kanyang proseso,magdi-disenyo at magpapatupad ng mga kinakailangang mga kontrolat pamamaraan upang mabawasan ang mga panganib.4. Titiyakin natin na may nakabilang na mga kontrol sa loob ngorganisayon at mga proseso upang suportahan ang operasyon ngiba't ibang organisasyon sa loob ng ating Kumpanya.VII. Pakikipag-Ugnayan sa mga Kasosyo at mga Mamumuhunan1. Tayo’y gumagalang at pumuprotekta sa mga karapatan ng ating mgakasosyo, kabilang ang kanilang karapatan sa patas na kita (fairreturn) ng kanilang puhunan. Sa pagkakataong ito, iniiwasan obinabawasan ng Kumpanya ang mga panganib sa negosyongmaaring magdulot ng peligro sa halaga ng mamumuhunan(shareholder value). Tayo’y ganap na susuri at mamamahala sa mgapanganib na kabilang sa pagsasagawa ng mga stratehiya,pagmamay-ari (acquisitions), mga gawain, produkto, serbisyo at ibapang mga gawaing pang-negosyo ng Kumpanya at pagtitibayin angmga stratehiya, aksyon, desisyon at transaksiyon upang mapataasang halaga ng mamumuhunan.

POLICY MANUALAng Binagong Kodigo ng EtikaPM-CGO-2011-03Rev. Code: 0Page 11 of 14Section: Pamantayan ng Pag-Uugali at Etika sa PaggawaDate Translated: December 23, 2011Subject: Pakikipag-Ugnayan sa Pamahalaan at mgaTagapamalakad/ Pakikipag-Ugnayan sa KomunidadSensitivity Classification: Company Use2. Titiyakin nating may sariling pagsusuri ang mga pananalapingpahayag (financial statements) ng ating Kumpanya mula sa mgapanlabas na awditor (external auditor).3. Tayo’y nagpapanatiling kumpleto at tumpak ang ating talaan ngkwenta alinsunod sa mga tuntunin ng batas at pangkalahatangtinanggap na mga prinsipyo’t pamantayan ng pagkukuwenta(generally accepted accounting principles and standards).4. Tayo’y susubaybay sa pagkahusto at pagkamabisa ng atingpananalaping ulat (financial reporting), pamamalakad, operasyon, atmga information systems, kabilang ang ganap na kahusayan at angkatapatan ng impormasyong pananalapi atpagpapalakad, atpagkamabisa at kakayahan ng pagpapalakad.VIII. Pakikipag-Ugnayan sa Pamahalaan at mga Tagapamalakad1. Tayo’y iiwas makagawa ng anumang bagay na mangangahulugangtuwiran o hindi tuwirang pagsusuhol at katiwalian, tulad ng tinukoy ngbatas, ng mga opisyal ng pamahalaan sa pagpapadali ng anumangtransaksyon o tumamo ng anumang nahihiwatigan o aktwal na tulongo pakinabang.2. Tayo’y nagpapanatili ng ating karapatan sa alin man at lahat ng legalna karapatang ipinagkaloob sa atin at igiitadministratibo, makatarungan, at iba pang lunas.anglahatng3. Tayo’y nakikipagtulungan sa ating mga tagapamalakad, nagsusulongng pagbabago at reporma alinsunod na saklaw ng batas.IX. Pakikipag-Ugnayan sa Komunidad1. Tayo’y nagtataguyod ng mga panlipunan at pang-ekonomiyangproyekto na nagpapabuti ng buhay ng mga taong atingpinaglilingkuran, lalo’t mga proyektong saklaw ng ating kasanayanpara sa ating prangkisang sakop (franchise area).

POLICY MANUALAng Binagong Kodigo ng EtikaPM-CGO-2011-03Rev. Code: 0Page 12 of 14Section: Pamantayan ng Pag-Uugali at Etika sa PaggawaDate Translated: December 23, 2011Subject: Pagsasakatuparan at PagsubaybaySensitivity Classification: Company Use2. Tayo’y nagpapatakbo ng ating negosyo at nagpapanatili ng lugar napinagtatrabahuhan alinsunod sa mga naaangkoppangkalusugan, pangkaligtasan at pangkapaligiran.nabatas3. Tayo’y nagsasaalang-alang ng epekto ng ating mga pagpapatakbo,proyekto at transaksiyon sa kapaligiran at sa komunidad natingpinaglilingkuran at tinitiyak ang pagsunod sa mga pamantayangpangkapaligiran, pangkaligtasan at pangkalusugan.4. Tayo’y nagsasagawa ng agarang pagtulong sa panahon ng mgakalamidad at aksidente upang matiyak na ang anumang panganib sabuhay o ari-arian ay mababawasan at ang ating mga operasyon,instalasyon o pasilidad ay maisasaayos sa lalo’t madaling panahon.5. Tayo’y nagbibigay ng napapanahon at sapat na impormasyon ukolsa mga bagay na nakakaapekto sa pangkalahatang publiko.X. Pagsasakatuparan at Pagsubaybay1. Ang Corporate Governance Office ng ating Kumpanya ang maypartikular na gawain na magpatupad at magsubaybay sa mgapolisiyang pang-korporasyong pamamalakad sa buong organisasyonat ang pagtatalaga ng mga proseso na nagpapatupad atsumusubaybay sa mga patakarang ito.2. Ang bawat direktor, opisyal o empleyado ay hinihikayat nasumangguni sa Corporate Governance Office o sa naaangkop namga tanggapan na may kapangyarihan upang ipatupad ang mgakarampatang alituntuning inilathala ayon sa mga nasasaad saKodigo kapag may mga pagdududa tungkol sa mga partikular nasitwasyon na may kaugnayan sa paksang ito.3. Ang mga Pinuno ng mga Organisasyon ay ang may responsibilidadsa pagsusubaybay, pagtitiyak at pagpapatupad ng pagsunod saKodigong ito sa kanyang nasasakupan. Ang mga Pinuno ng mgaOrganisasyon ay siya ring may pananagutan sa pag-uulat ng mgapaglabag sa Kodigo sa nakatataas sa kanya o sa CorporateGovernance Office kung kinakailangan, kasama na rin dito angpagpapatupad ng kaukulang parusa pagkatapos ng nararapat nakaparaanan (due process).

POLICY MANUALAng Binagong Kodigo ng EtikaPM-CGO-2011-03Rev. Code: 0Page 13 of 14Section: Pamantayan ng Pag-Uugali at Etika sa PaggawaDate Translated: December 23, 2011Subject: Pagsasakatuparan at PagsubaybaySensitivity Classification: Company Use4. Ang mga direktor ng ating Kumpanya, mga opisyal at mgaempleyado ay may tungkuling mag-ulat ng anumang mga nakikitangpaglabag sa Kodigong ito at iparating ang nabanggit sa kanyangtagapagpanuto (supervisor) at kagyat na mga pinuno, o sa CorporateGovernance Office, kung kinakailangan. Ang ating Kumpanya aygagawa ng mga hakbang upang tiyakin ang proteksyon ng mga naguulat ng paglabag na walang masamang hangarin. Sa kabilangbanda, ang ating Kumpanya ay magpapataw ng mga parusa sa mganagtatangkang itago o hadlangan ang pagsisiyasat ng anumangpaglabag sa Kodigong ito.Ang ating Kumpanya’y seryosong tatanggapin ang lahat ng mga ulatng potensyal na paglabag sa Kodigong ito na maipapangakong lihim(confidentiality) at dadaan sa nararapat na paraan sa pagsisiyasatng mga bintang. Ang mga empleyadong sumasailalim saimbestigasyon sa potensyal na paglabag sa Kodigong ito aymagkakaroon ng pagkakataon upang marinig bago pa ang anumanghuling kapasyahan ng ating Kumpanya.5. Anumang administratibong imbestigasyon o parusang ipinataw sailalim ng mga probisyon ng Kodigong ito ay nabubukod sa, at walangpagkiling sa, anumang aksyong legal na maaaring ipataw laban sapartidong kinauukulan sa ilalim ng umiiral na mga batas atregulasyon.6. Lahat ng mga empleyado ay may tungkuling magkaroon ng ganap nakaalaman sa mga probisyon ng Kodigong ito at dapat sumang-ayongsumunod sa mga kondisyon nito. Lahat ng empleyado ay dapatlumagda sa isang katibayan ng pagtanggap (acknowledgement form)na nagpapatunay na kanilang nabasa ang Kodigong ito atsumasang-ayon sila na tutupad sa mga pamantayan ng pag-uugali atmga huwarang ipinahayag dito. Ang pagkabigong basahin at tiyakinang kaalaman sa Kodigong ito ay hindi magiging dahilan ng hindipagsunod.7. Ang ating Kumpanya ay magpapalaganap ng mga naaangkop namga polisiya at alituntunin para sa mabisang pagpapatupad ngKodigong ito.

POLICY MANUALPM-CGO-2011-03Ang Binagong Kodigo ng EtikaRev. Code: 0Page 14 of 14Section: Pamantayan ng Pag-Uugali at Etika sa PaggawaDate Translated: December 23, 2011Subject: Paunawa Ukol sa Pagkakasalin ng Kodigo sa WikangFilipinoSensitivity Classification: Company UsePAGKAKAROON NG BISAAng Binagong Kodigo ng Etika na ito ay pinagtibay ng Lupon ng MgaDirektor noong Setyembre 27, 2010. Ito ay ilalathala sa website ng Kumpanyaat magkakabisa sa Oktubre 1, 2010. Ito’y humahalili sa nakaraang Kodigo ngEtika na pinagtibay ng Kumpanya noong Marso 15, 2003.Nilagdaan:MANUEL V. PANGILINANMANUEL M. LOPEZPresident and CEOChairman of the Board

sa kaalaman ng lahat. Katunayan, ang mga ito ay bahagi na ng buhay, tradisyon, pamana at kultura ng ating Kumpanya sa mahigit sandaang taon nitong pamamalagi. Dumadaloy ito sa dugo ng bawat empleyado- “bahagi ng ating bu

Related Documents:

Etika Bisnis Etika Etika Umum Etika Khusus Etika Individual Etika Sosial Etika Lingkungan Hidup Etika terhadap sesama Etika Keluarga Etika Politik Etika Profesi . Keraf, A. Sonny. 1998. Etika Bisnis Tuntutan dan Relevansinya. Yogyakarta: Kanisius 2. Muslich. 1998. Etika Bisnis, Pendeka

Ang bawat isa sa atin ay may personal na responsibilidad na isama ang Kodigo ng Gawi sa ating trabaho. Kung kayo ay may katanungan tungkol sa Kodigo, o sa anumang aspeto ng pagsunod, mangyaring magtanong. Nagpapasalamat ako sa inyo sa pagpoprotekta sa tiwala na inilagay ng iba sa atin sa pamamagitan ng inyong mga pagsisikap upang makagawa ng

Jadi, filsafat etika adalah cabang ilmu filsafat yang mempelajari tingkah laku manusia yang baik dan buruk. Dasar filsafat etika yaitu etika individual sendiri. Menurut hukum etika, suatu perbuatan itu dinilai dari 3 tingkat, yaitu : a. Tingkat pertama: semasa belum lahir menjadi perbuatan, yakni berupa rencana dalam hati atau niat. b.

etika politik, Pancasila sebagai nilai dasar fundamental bagi bangsa dan negara Re-publik Indonesia, nilai-nilai Pancasila seba-gai sumber etika, dan tulisan akan diakhiri dengan pelaksanaan etika politik Pancasila. Pengertian Etika, Nilai, Moral, dan N. orma 1. Etika. Etika secara etimologi berasal dari kata Yu-nani . ethos. yang berarti watak .

Ang Harvestime International Institute curriculum ay nakatuon kung ano ang itinuro Ni Jesus upang ihanda ang mga lalaki at babae para maabot ang mundo ng Ebanghelyo. Ang isa sa dakilang katotohanan na Kanyang ipinahayag ay ang Dios ay nangungusap sa tao: Ako ang mabuting pastor: at nakikilala ko ang sariling akin, at ang

Ang mga Paglalakbay ni Juan Ang Pinagmulan ng Daigdig (Si Malakas at si Maganda) Ang Unang Unggoy Ang Alamat ng Palay Ang Pinagmulan ng Lamok Kung Paano Yumaman si Jackyo Ang Anting-anting ni Manuelito Ang Gamugamo at Ang Liwanag Kung Bakit Gusto ng Bagobo ang Pusa Mga Kuw e

BAB VI. PEMBELAJARAN ETIKA LINGKUNGAN 111 A. Rambu-Rambu Membelajarkan Etika Lingkungan 111 B. Pembelajaran Etika Lingkungan Melalui Model Pembelajaran OIDDE 121 C. Pengambilan Keputusan Etik dalam Kasus Etika Lingkungan 131 D. Pembelajaran Etika Lingkungan (Pengalaman di Beberapa Negara) 133 DAFTAR FUSTAKA 145 GLOSARIUM 159

Banking made clearer 3 You can ask a friend, family or member of bank staff to help you use the Quick Pay Point. You will also need your debit card. You will need to take the cash or cheques that you want to pay into your account. You can also use a paying-in book. A paying-in book is a set of paying in slips (special forms) to fill in when .