PAGPAPAHALAGA NG MGA I PILIPINO - Dlrciligan.weebly

2y ago
80 Views
2 Downloads
1.60 MB
9 Pages
Last View : 7d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Kaden Thurman
Transcription

Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)Distance Education for Elementary SchoolsSELF-INSTRUCTIONAL MATERIALSHEKASI6PAGPAPAHALAGA NG MGAPILIPINODepartment of EducationBUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION2nd Floor Bonifacio BuildingDepEd Complex, Meralco AvenuePasig City

Revised 2010by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS),DepEd - Division of Negros Occidentalunder the Strengthening the Implementation of Basic Educationin Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:“No copyright shall subsist in any work of theGovernment of the Republic of the Philippines. However,prior approval of the government agency or office whereinthe work is created shall be necessary for exploitation ofsuch work for profit.”This material was originally produced by the Bureau of ElementaryEducation of the Department of Education, Republic of the Philippines.This edition has been revised with permission for online distributionthrough the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal(http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supportedby AusAID.

GRADE VIPAGPAPAHALAGA NG MGA PILIPINOALAMIN MOMadalas nating naririnig ang awiting “Bayan Ko”. Subalit maaring hindinatin pinag-uukulan ng pansin ang kahulugan ng mga salita. Basahin mo ito.Napapaloob sa awiting ito ang ilang pagpapahalaga ng mga Pilipino. Anu-anongpagpapahalaga ang isinasaad sa awitin?“Ibon mang may layang lumipad,Kulungin mo at umiiyakBayan pa kayang sakdal dilagAng di magnasang makaalpasPilipinas kong minumutyaPugad ng luha ko’t dalitaAking adhikaMakita kang sakdal laya.”Sa araling ito, matutuhan mo ang mga bagay na pinahahalagahan natingmga Pilipino. Halika, alamin mo!Suriing mabuti ang mga larawan.AB1

Ano ang iniisip ng lalaki sa larawan A? sa larawan B? Magkatulad ba sila ng nais bilhin?Ang lalaki sa Larawan A ay nag-iisip na pagkain ang kanyang bibilhin.Para sa kanya ito ay mahalaga kaya ito ang una niyang naiisip?Ano naman ang iniisip ng lalake sa Larawan B? Para sa lalaking ito,alin ang higit na mahalaga, pagkain o bahay? Bakit?Sa mga larawang ito, maliwanag na ipinahihiwatig na magkaiba angpagpapahalaga ng dalawang lalaki.Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit magkaiba sila ngpagpapahalaga?Alam mo ba kung ano ang pagpapahalaga?Magpatuloy ka sa pag-aaral.PAG-ARALAN MOBasahin at pag-aralan mo ang bawat sitwasyon.Ang bawat tao ay may kani-kaniyang pagpapahalaga sa buhay.Basahin at pag-aralan ang mga sumusunod na halimbawa:a) May mga taong nais magtapos muna ng pag-aaral bago magtrabaho. Angiba naman ay trabaho agad kahit hindi pa tapos sa pag-aaral. Bakit kaya nagtatapos muna ng pag-aaral ang iba bago magtrabaho?Ano ang mahalaga sa kanya? Bakit kaya ang iba naman ay hindi na nagtatapos ng pag-aaral atnagtatrabaho na agad? Ano ang higit na mahalaga sa kanya?Ang sitwasyon Apinaniniwalaan.ay nagpapakita ng dalawang taong magkaiba ang2

Ang una ay naniniwala na mas mahalaga ang pag-aaral o edukasyon.Dahil mahalaga ang edukasyon, nagsisikap siya na makapagtapos,naniniwala siya na madaling makakahanap ng trabaho ang taong tapos ng pagaaral. Para sa kanya ito ay mahalaga at dapat ingatan.Para naman sa ikalawa higit niyang pinahahalagahan ang pagtatrabaho.Marahil, naniniwala siya na maaari niyang makamit ang mga bagay na gustoniya kung siya ay may trabaho.Basahin ang sumusunod at sabihin kung ano ang pinahahalagahan.b) May taong gustong mamasyal sa magagandang pook. Ang iba naman aynasisiyahan na lamang manood ng magagandang pook sa telebisyon. Ano kaya ang pinahahalagahan ng taong mahilig mamasyal? Bakit kaya ang iba ay nasisiyahan na nasa bahay na lamang?c) May taong mahalaga ang tumulong sa kapwa. Ang iba naman ay hindipinapansin ang mga nangangailangan. Alin sa kanila ang may pagpapahalaga? Bakit? Alin ang walang pagpapahalaga? Bakit?Suriin mo ito at sagutin sa iyong kuwaderno.ABAno ang ginagawa ng mga tao sa Larawan A? Sa inyong palagay, anoang mahalaga sa kanila? Larawan B?3

DCAno ang ipinakikita ng mga larawan C at D?Alin sa dalawang larawan ang nagpapakita ng may magandangpagpapahalaga ang mga tao; ang C ba o D? Ipaliwanag mo ang iyong sagot.PAGSANAYAN MO1. Maglaro ng “Rank Order”.a) Kumuha ng 3 bagay sa loob ng bag o bulsa.b) Isulat sa bilang 1 ang pangalan ng pinakamahalagang bagay parasa iyo; sa bilang 2 ang susunod na mahalaga; at sa bilang 3 anghindi gaanong mahalaga. Ipaliwanag ang dahilan kung bakit mosila inayos ng 1,2,3.2. Basahin ito, tukuyin ang bagay na pinahahalagahan sa bawatpangungusap.a) Hindi baling mahirapang magbanat ng buto para may makainhuwag lamang kumain ng galing sa nakaw.b) Kahit hindi makatapos ng pag-aaral ang mga anak, bastamaraming anak.c) Hindi baleng magbigay palagi ng abuloy huwag lamang ikaw angaabuluyan.d) Hindi baleng maliit ang lupa’t bahay basta sarili naman.4

e) Kahit na anong uri ng relihiyon ang mahalaga ay naniniwala saDiyos.f) Kahit na hindi umasenso, huwag lamang magkakalayo ang maganak.3. Basahin.“Huwarang Pamilya ng Taon” ang mag-asawang Pedro at Nelia Cruz.Natanggap nila ang karangalang ito dahil sa magandang pag-uugali atpakikisama nila sa bawat isa at sa kapwa. Palagi silang nagbibigay ngtulong sa simbahan at sa mga nangangailangan. Naiimbitahan sa mgapagpupulong upang magbigay ng lektura. Hindi sila nakalilimot sa Diyos.Iniiwasan ang masasamang gawain o bisyo ng lipunan. Iginagalang atminamahal sila sa kanilang lugar dahil sa kanilang katapatan at pantay napagtingin sa kapwa. Katulad nila, naging matagumpay din sa kabuhayanang kanilang dalawang anak dahil sa nakatapos sila sa pag-aaral.a)b)c)d)Sino ang tinaguriang “Huwarang Pamilya ng Taon”?Bakit sila pinarangalan?Anu-anong bagay ang kanilang pinahahalagahan?Tama ba ang kanilang ginagawang pagpapahalaga? Bakit?TANDAAN MO Ang pagpapahalaga ay pagbibigay kabuluhan sa mgabagay na mahalaga o mahal sa atin. Bawat pangkat ng tao ay may mga pagpapahalaga. Isa itosa mga bagay na nagbubuklod sa isang pangkat. Ang mgaPilipino ay may mga magkakatulad na pagpapahalaga.5

ISAPUSO MO1. Ipalagay na pagkakalooban kayo ng parangal katulad nina Pedro atNelia Cruz, paano mo pahahalagahan iyon?2. Halimbawa ikaw ay kapitbahay nina Pedro at Nelia Cruz, ano anggagawin mo? Bakit?GAWIN MONarito ang tatlong salawikain. Basahing mong mabuti, pumili ng isa samga salawikain at ipaliwanag mo. Gawin mo ito sa iyong kuwadernong sagutan.a. Kung may isinuksok, may madudukotb. Maganda ang kinabukasan kung may pinag-aralanc. Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluwagPAGTATAYAA. Lagyan ng tsek ( ) ang kolum na naayon sa iyong pagpapahalaga.MgaPagpapahalagaNapakahalaga1. Katalinuhan2. Kayamanan3. Kalusugan4. Kaibigan5. Kagandahan6Hindi GaanongMahalagaMahalaga

B. Gumawa ng hagdan at isulat sa baitang ang sumusunod nang naaayon saiyong pagpapahalaga. Ilagay sa bilang 5 ang pinakamahalaga, bilang 4ang susunod na mahalaga, bilang 3 ang pangatlong mahalaga; bilang 2ang pang-apat na mahalaga; bilang 1 ang hindi gaanong mahalaga.Lagyan ng paliwanag ang sagot. EdukasyonPamilyaKaibiganMagagandang damitMaraming peraPAGPAPAYAMANG GAWAINKapanayamin mo ang iyong mga kasambahay. Itanong sa kanila kungano ang bagay na kanilang pinahahalagahan. Ipasabi mo rin ang dahilan ngkanilang pagpapahalaga. Isulat mo ito sa iyong kuwadernong sagutan.Binabati kita at matagumpay mongnatapos ang modyul na ito! Maaari mona ngayong simulan ang susunod namodyul.7

Bawat pangkat ng tao ay may mga pagpapahalaga. Isa ito sa mga bagay na nagbubuklod sa isang pangkat. Ang mga Pilipino ay may mga magkakatulad na pagpapahalaga. “Huwarang Pamilya ng Taon” ang mag-asawang Pedro at Nelia Cruz. Natanggap nila ang karangalang ito dahil sa magandan

Related Documents:

Ang mga Coronavirus ay isang malaking pamilya ng mga virus at napangalanan ang mga ito ng ganito dahil sa crown-like spikes na nasa labas nito. Ang mga ito ay pangkaraniwang uri sa mga hayop, tulad ng mga camel, baka, pusa, at mga paniki. Bihira na ang mga coronavirus ng mga hayop ay malilipat sa mga tao at kakalat mula tao sa tao.

pagpapahalaga ng tao batay sa hirarkiya ng mga pagpapahalaga ay gabay sa makatotohanang pag-unlad ng ating pagkatao Gawain 1: Ang Aking Pagpapahalaga Panuto: Muli ay iyong balikan ang iba’t ibang pagpapahalaga na natutunan mo sa nokaraang aralin. Punan ang mga patlang ayon sa

Ang Diyos ng mga taga-Europa ng Edad Medya ay dinala rito ng mga Espanyol noong Siglo 16. Ito ang ginamit nilang instrumento sa pasipikasyon ng mga katutubong dinatnan nila sa mga isla ng Filipinas. Naiiba ang Diyos ng mga Kristyano sa mga mumunting diyos na kilala ng mga katutubo. Para sa mga ito, may mga puwersang nagpapalago ng mga

Sa mga paaralan na ito, ang mga bata ay maaaring magpatala sa isang programa pagkatapos ng klase para sa musika, isports, tulong sa homework, o ibang mga gawain. Ang ilan sa mga paaralan ay sumisingil ng bayad para sa mga programang ito. Dapat ninyong ipatala ang inyong mga anak sa mga espesyal na programa at

Sa Unang Yunit ng aklat ay matatanto ang kahalagahan ng populasyon, kalusugan, at edukasyon, ang pagkilala sa tao bilang pinakamahalagang yaman ng bansa, at masusuri ang mga bumubuo sa sambayanang Pilipino. Matatalakay rin ang tungkol sa mga pagpapahalaga at paniniwala ng mga Pilipino. Mapag-aalaman sa Ikalawang Yunit ang heograpiya ng .

paraan ang mga tawag sa telepono, mga e-mail, mga hindi pormal na ulat ng progreso, mga pulong ng magulang at guro, mga komperensiyang pinamumunuan ang mag-aaral at mga newsletter ng paaralan. Ano ang dapat kong gawin kung nag-aalala ako tungkol sa pagganap ng anak ko sa

ng mga kopya ng kredito at mga pagkakakilanlan at mahalagang mga dokumento, tulad ng mga polisa ng seguro at mga rekord/ kasulatan na nauukol sa pananalapi. Mga kasangkapan. Bukod sa liyabe-de-tubo at gasuklay na liyabe (para sa pagsara ng balbula ng gas at tubig), dapat mayroon ka ring pansindi, mga istak ng posporo na nasa lalagyang hindi

The Audit and Accounting Thresholds . AAT is a registered charity. No. 1050724. 3. Accounting Threshold The . regulations apply in respect of financial years beginning on or after 1 January 2016 whereby the audit threshold and the accounting threshold have become the same for private limited companies. The requirements for a private limited company that is also a charity are different. Please .