GAMIT NG PANG-URI AT PANG-ABAY/ IISANG BAYBAY MAGKAIBANG .

3y ago
285 Views
4 Downloads
724.64 KB
7 Pages
Last View : 12d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Jamie Paz
Transcription

GAMIT NG PANG-URI AT PANG-ABAY/IISANG BAYBAY MAGKAIBANG BIGKAS AT KAHULUGANMagandang araw! Sa pagtatapos ng modyul na ito,ikaw ay inaasahang: Makapagpapakita na ng pagkakaiba ng gamit ngpang-uri at pang-abay sa parirala o pangungusap. Makapagbibigay na ng kahulugan ng mga salitangiisa ang baybay ngunit magkaiba ng kahulugan atbigkas. Makapagpapabuti na ng pagkakasulat ng isangtalata sa tulong ng pang-abayPagbalik-aralan Mo1

Tingnang mabuti ang larawan.Ano ang mapapansin sa tabi ng bahay?Sino ang nagpaparada?Sinu-sino ang mga nanonood?Ganito ba ang sagot mo?1.isang puno.2.banda ng musiko.3.mga bata.Magaling!!!Pag-aralan MoPista sa Barangay“Heto na ang musiko. Baba na ako,” sigaw ni Bert sa mga kalaro.“Oo nga! Dali! Baka malampasan tayo,” nagmamadaling bumaba sapuno ng makopa ang mga bata.Nagkagulo ang mga bata nang makita ang Ati-atihan na sumasayaw sasaliw ng tugtog ng mga tambol.Buong siglang umiko’t-ikot ang mga majorette at ang kanilang batonhabang tumutugtog ang banda.Ang mga tao ay talagang nagkakagulo. Talagang ang saya ng pista sabarangay. Puno ng pagkain ang mesa, may adobong manok, mitsadong karneng baka, paksiw na pata at marami pang iba.May banda ng musiko sa umaga at sa gabi’y may prusisyon sila. Suotng mga matatanda ang kanilang saya at nakikihanay sa mga kabataang umiilawsa prusisyon.Ang problema ay nararamdaman sa kinabukasan o ilang araw pagkataposng pista. Pata at malata ang katawan ng mga tao. Kung wala silang natiranghanda ay magtitiis na lang sila sa mga de lata o di kaya’y sa ginataang gabi.Ganyan ang mga Pilipino noon. Subalit unti-unting nang nagbabago.Ipinagdiriwang pa rin ang kapistahan at ipinaghahanda, subalit sa abot na langng kanilang makakaya.2

Tapos ka nang bumasa. Sagutan mo naman ang mga tanong sa iyongkuwaderno.1.Anong sinabi ni Bert sa bagong mga kalaro?2.Paano mo mailalarawan ang pista sa barangay?3.Ano ang suot ng matatanda kung sila ay nagpuprusisyon?4.Anu-anong pagkain ang makikita sa mesa?5.Masaya ka rin ba kung pista sa inyong pook?Ganito ba ang mga sagot mo?1.2.3.4.5.Baba na tayo baka makalampas tayo.Ang saya ng pista sa barangay.Saya ang suot ng matatanda habang sila ay nagpuprusisyon.Puno ng pagkain ang mesa gaya ng adobong manok, mitsadongkarne, paksiw na pata at iba pa.Oo, masaya rin ako dahil may mga palabas, may banda ng musiko,may paligsahan at iba pa.May nabasa kang mga salita na magkatulad ang baybay ngunit magkaibaang kahulugan sa kuwentong iyong binasa. Piliin mo sa kuwento ang mga ito.Isulat mo sa kuwaderno.1.2.5.3.4.3

Alam ko na magaling ka!!!Tingnan mo nga kung ganito ang mga isinulat mo?puno ng makopapuno ng pagkainsaya ng pistaang suot na sayapaksiw na patapata ang katawanbaka malampasan tayomitsadong bakapagkaing de latalata ang katawanNarito ang iba pang halimbawa. Pansinin ang mga salitang maysalungguhit. Basahin ang mga pangungusap.1.2.3.4.5.6.7.8.9.10.11.Buhay na ang itinanim kong maliit na puno ng akasya.May kaya sa buhay ang napangasawa ni Kadyo.Malalakas ang tahol ng aso.Ang asong niluluto niya ay lumikha ng paso sa kanyang kamay.Nabasag niya ang magandang paso ng halaman.Maluluwang ang taniman ng tubo sa Negros.Maliit lang ang tubo ng perang inilagak niya sa bangko.Bunot na ang pananim.Bunot na halos ang pinto nawasak pa.Pito silang magkakaibigan na taga-Maynila.Binigyan ng tigi-tigisang pito ang mga pulis.Binigkas mo ba ng katulad ng sumusunod ang mga salitang maysalungguhit?1.2.3.4.4.5.6.7.8.9.10.11.buhay – mabilis ang bigkasbuhay – malumay ang bigkasaso – malumay ang bigkasaso – mabilis ang bigkaspaso – malumay ang bigkaspaso – mabilis ang bigkastubo – mabilis ang bigkastubo – malumay ang bigkasbunot – mabilis ang bigkasbunot – malumay ang bigkaspito – mabilis ang bigkaspito – malumay ang bigkas4

Isaisip MoMagkakaiba ang kahulugan ng ilang salitang iisa ang baybay dahilsa pagkakaiba sa diin ng pagbigkas dito. Nagkakaiba rin ayon sa gamitsa pangungusap.Ngayon, basahin mo ang sumusunod na usapan.Jose: Mataas ang punong iyon.Dahan-dahan ka.Roy: Naku, sanay si Deng umakyat.Jose: Kanina lang umaga umulan.Deng: Hayaan ninyo hahawak akong mabuti.Roy: Sige; hihintayin ka namin doon sa may sapa.Deng: Pumito ka kapag uuwi na tayo. Dali-dali akong bababa.Jose: Umuwi tayo agad pagbaba mo.Maingat na umakyat si Roy.Nagmamadali siyang bumaba nang marinig ang pito ni Jose.Napahawak siya sa isang marupok na sanga. Nabali ito, kasabay nitoang mabilis na paglagpak ni Deng sa lupa.Humahangos na sumaklolo sina Jose at Roy.Pag – aralan ang sumusunod na talahanayan.ASalitang tang kyatkaninang umagaumulanmarupoksangamabutihahawaksa may dalibumabamabilislumagpakhumahangossakloloAling hanay ng salita ang naglalarawan ng pangalan? Alin ang naglalarawan ngpandiwa?5

Isaisip MoAng salitang naglalarawan ng pangngalan ay pang-uri. Ang salitangnaglalarawan ng pandiwa ay pang-abay.Subukin Mo1Ngayon, basahin mo ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat mokung pang-uri o pang-abay ang mga salitang may salungguhit.1.2.3.2Mabilis na kumalat ang balita na namatay raw si Mang Diego.Nabagsakan daw siya ng malaking bato na nagbubuhat sa mataasna gusaling itinatayo.Kusang-loob na tumulong ang mga taga-nayon upang maipalibingnang maayos ang matanda.Isulat sa kuwaderno ang kahulugan ng salitang may salungguhit.1.2.3.4.5.3Kita pala ang napakalaking balat ng bata.Nahuli na ang kumuha ng sinturong balat.Halos mahuli na ang manggagawa sa trabaho dahil sa bigatng dala nitong pala.Malakas pa rin ang kita sa ibinebentang bata.Baka ngayon ay mahuli mo na ang nakawalang baka.Piliin mo at isulat sa iyong kuwaderno ang titik ng wastong kahulugan ngmga salitang may salungguhit.1.2.Naubo si Lola sa aso ng sinisigaang dahon.Hinabol ng aso ang magnanakaw.a.usokb.hayopc.ulapd.hangin6

3.4,Ang paso ay nabasag.Ang paso ng bata ay napakalaki.a.lalagyan ng halamanb.pilatc.sugatd.palayan5.Sawa na ako sa adobo.Maraming sawa sa kagubatan.a.asob.hayopc.leond.di na gustoIsulat MoBasahin mo ang talatang nakakahon. Palawakin mo ito sa pamamagitanng paggamit ng pang-abay.Gawin mo ito sa iyong kuwaderno.Ipinahiram mo ang laruan mong robot sa iyong pinsan. Ngunithindi sinasadyang nahulog ito at nabasag. Nagalit ka sa iyong pinsanat pinilit mong papalitan.Ipakita sa iyong guro ang ginawang talata.Binabati kita at natapos mong muli ang modyul na ito.7

1. Kita pala ang napakalaking balat ng bata. 2. Nahuli na ang kumuha ng sinturong balat. 3. Halos mahuli na ang manggagawa sa trabaho dahil sa bigat ng dala nitong pala. 4. Malakas pa rin ang kita sa ibinebentang bata. 5. Baka ngayon ay mahuli mo na ang nakawalang baka. 3 Piliin mo at isulat sa iyong kuwaderno ang titik ng wastong kahulugan ng

Related Documents:

7 2. Kasanayang Panggramatika Talakayin ang paksa tungkol sa Kayarian ng Pang-uri. a. Payak ang pang-uri kung ito ay binubuo ng likas na salita lamang. Halimbawa: simple, payat, haba, bilog b. Maylapi ang pang-uri kung ito ay binubuo ng salitang ugat at panlapi. File Size: 1MB

FILIPINO 5 Ikatlong Markahan Gawain Blg. 5 Uri ng Gawain: pagtatala ng konsepto/pagbuo ng mga salita Paksang Aralin: Kayarian ng pang-uri Inaasahan sa Pagkatuto: Nakikilala ang iba’t ibang kayarian ng pang-uri: payak, maylapi, inuulit, at tambalan Nakabubuo n

gamit ng wastong panukat sa pagtatasa at . Tukuyin kung anong uri ng pagtataya. 1. Tawag sa mga binata at dalaga na naglalaro ng . Pagsulat ng komposisyon. b. Paggamit ng bantas, wastong bayba. y, malaking titik. URI NG PAGSUSULIT. Ayon sa Gamit ng Kinalabasan ng Pagsusulit.

Ang Gamit at Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Pagtuturo ng Agham: Panayam kay Prop. Fortunato Sevilla III . ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa

5. Nasusunod ang mga panuto upang makagawa ng concept map gamit ang web 2.0 applications at iba pang interactive websites. PANIMULANG PAGTATAYA Alamin natin ngayon kung may kaalaman ka sa araling tatalakayin. Sagutin mo ang panimulang pagtataya. I-klik lamang ang titik ng was

1 MGA SANGKAP SA PAGSULAT May iba pang uri ng bantas na pag-aaralan mo. Ngunit bago iyon, magbalik-aral muna tayo sa mga bantas na tuldok, pananong at pandamdam. A. Pansinin ang gamit ng bantas na tuldok, tandang pananong at pandamdam. Isulat sa sagutang papel kung Tama o Mali ang pagkakagamit ng bantas. Kung Mali isulat ang tamang Bantas Tama 1.

See attached e-mails from Dr. Lorrin Pang and Dr. Mike Reimer, and their resumes. AIR MONITORING ATTACHMENTS e-mails from Dr. Reimer to Cory Harden 9-25-09 (excerpts) 10-12-09 (excerpts) 10-27-09 5:05 PM 9-22-09 e-mail from Lorrin Pang to Jim Albertini (excerpts) Dr. Reimer’s resume Dr. Pang’s

Introduction to Digital Logic with Laboratory Exercises 6 A Global Text. This book is licensed under a Creative Commons Attribution 3.0 License Preface This lab manual provides an introduction to digital logic, starting with simple gates and building up to state machines. Students should have a solid understanding of algebra as well as a rudimentary understanding of basic electricity including .