Para Sa Mga Batang Babae - Church Of Jesus Christ

3y ago
43 Views
2 Downloads
542.11 KB
24 Pages
Last View : 23d ago
Last Download : 3m ago
Upload by : Julius Prosser
Transcription

PANANAMPALATAYASA DIYOSpara sa mga Batang Babae“Na ikaw ay makilala nila na iisangDios na tunay, at siyang iyong sinugo,sa makatuwid baga’y si Jesucristo.”Juan 17:3

Ang pangalanko ayAKO AY ANAK NG DIYOSAlam kong mahal ako ng Ama sa Langit,at mahal ko Siya.Makakapagdasal ako sa Ama sa Langitkahit kailan, kahit saan.Sinisikap kong alalahanin at sundin si Jesucristo.

Mahal Naming Batang Kaibigan,Ikaw ay anak ng Diyos. Siya ang iyong Ama sa Langit. Mahalka Niya at nagmamalasakit Siya sa iyo. Gusto Niyang manalig kaat manalangin nang madalas sa Kanya—kahit kailan, kahit saan.Umaasa Siyang tutuparin mo ang tipan na ginawa mo noongikaw ay binyagan at susundin ang mga turo at halimbawa niJesucristo. Ibinigay Niya sa iyo ang kaloob na Espiritu Santo paragabayan ka, ang pamilya para mahalin at turuan ka, at mga liderat guro sa Primary para tulungan ka.Naghahanda ka na ngayon para sa mga bagong oportunidadsa iyong buhay. Gamitin ang mga taon na ito para magkaroon ngmga katangiang tutulong sa iyo na maging mabuting kabataangbabae.Hinihikayat naming pag-aralan mo at ipamuhay angebanghelyo, paglingkuran ang iba, at gamitin ang mga talentongbigay sa iyo ng Ama sa Langit para matutuhan at magawa moang maraming mabubuting bagay. Ang pagtanggap ng Gawad naPananampalataya sa Diyos ay makakatulong sa iyo upangmaging uri ng taong nais mo at batid ng Ama sa Langit na kayamong maging.Mahal ka namin at ipinagdarasal ka namin.Ang Unang Panguluhan1

ANG TIPAN KO SA BINYAGNoong binyagan ako ay nakipagtipan akongtataglayin sa aking sarili ang pangalan ni Jesucristoat paglilingkuran Siya at magiging masunurin.Ibinigay sa akin ng Ama sa Langit ang Espiritu Santo.Sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo,mapapatawad ang aking mga kasalanan kapagnagsisi ako. Kung tutuparin ko ang tipan ko sa binyag,makababalik ako upang makapiling Siya.2

Kapag tumatanggap ako ng sakrament, sinasariwa koang tipan kong tataglayin sa aking sarili ang pangalanni Jesucristo, lagi Siyang aalalahanin, at susundin angKanyang mga kautusan. Kapag ginagawa ko ito,nadarama kong ginagabayan ako ng Espiritu Santo.(Tingnan sa Mosias 18:8–10 at D at T 20:37.)3

MGA KINAKAILANGAN SA GAWADNA PANANAMPALATAYA SA DIYOSMaaari mong simulan ang Gawad na Pananampalataya saDiyos pagsapit mo ng walong taong gulang. Para makamitang gawad, kumpletuhin ang mga kinakailangan sa gabay naaklat na ito bago ang ika-labindalawang taong kaarawan mo.Matutulungan ka ng mga magulang at mga lider mo sa Primarysa mga aktibiti.Pangunahing mga KinakailanganMahalagang bahagi ng pananampalataya sa Diyos ang pagtupadsa iyong tipan sa binyag at pananatiling malakas sa espirituwal.Para matulungan kang magkaroon ng pananampalataya at labanan ang tukso, gawin ang mga sumusunod: Manalangin araw-araw sa Ama sa Langit. Palaging basahin ang mga banal na kasulatan. Sundin ang mga kautusan at ipamuhay ang “MgaPamantayan Ko sa Ebanghelyo” (tingnan sa pabalat sa likod). Igalang ang iyong mga magulang at maging mabait saiyong pamilya. Bayaran ang iyong ikapu (tithing) at dumalo sa tithingsettlement. Palaging dumalo sa mga sakrament miting at Primary.Iba pang mga KinakailanganAng paggawa sa sumusunod na mga aktibiti ay magpapaunlad sapang-unawa at patotoo mo sa ebanghelyo:4

Isulat ang iyong patotoo. Isaulo ang Mga Saligan ng Pananampalataya at ipaliwanagang ibig sabihin ng mga ito. Kumpletuhin ang mga aktibiti sa gabay na aklat para sa:Pagkatuto at Pamumuhay ng Ebanghelyo (pahina 6)Paglilingkod sa Iba (pahina 8)Pagpapaunlad ng mga Talento (pahina 10)Paghahanda para sa Young Women (pahina 12) Magpainterbyu sa isang miyembro ng iyong bishopric obranch presidency.Ang ilang mga ideya para sa mga aktibiti para makamit angGawad na Pananampalataya sa Diyos aynakalista sa gabay na aklat naito. Sa tulong ng mga magulang o ng lider mo sa Primary,maaari ka ring magplano atgumawa ng iba pang mgaaktibiti. Gamitin ang tsartna nasa pahina 20 paramasubaybayan angiyong pag-unlad.5

PAGKATUTO AT PAMUMUHAYNG EBANGHELYO“Matuto ng karunungan sa iyong kabataan; oo, matuto sa iyongkabataan na sumunod sa mga kautusan ng Diyos.”Alma 37:35Kumpletuhin ang kahit dalawa lamang sa sumusunod na mgaaktibiti sa bawat taon: Ipaliwanag kung paano nakakatulong ang pagtanggap ng sakrament sa pagpapanibago ng iyong tipan sa binyag. Sa familyhome evening, turuan ang iba ng mga bagay na maaari natinggawin para manatiling tapat. Magbigay ng aralin sa family home evening tungkol sa UnangPangitain ni Joseph Smith (tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:1–20). Talakayin kung paano sinasagot ng Amasa Langit ang taimtim nating mga panalangin. Markahan sa banal na kasulatan mo ang mga talatang itotungkol sa Espiritu Santo: Juan 14:16–17, 2 Nephi 32:5, atMoroni 10:5. Talakayin ang mga paraan kung paano ka tinutulungan ng Espiritu Santo. Basahin ang pananalita ng propeta sa kumperensya kailan lang.Pagpasiyahan ang magagawa mo upang sundin ang propeta, atgawin ito. Magbigay ng pambungad at pangwakas na panalangin sa familyhome evening o sa Primary. Ibahagi ang damdamin mo tungkolsa kung paano tayo pinoprotektahan ng panalangin at tinutulungang manatiling malapit sa Ama sa Langit at sa Tagapagligtas. Magkuwento mula sa Aklat ni Mormon na nagtuturo ng pananampalataya kay Jesucristo. Ibahagi ang patotoo mo tungkol saTagapagligtas.6

Basahin ang D at T 89. Talakayin kung paano tayo pinagpapalang Ama sa Langit kapag tapat nating ipinamumuhay ang Wordof Wisdom. Tumulong sa pagpaplano at pangangasiwa ng isangaktibiti para maituro sa iba ang Word of Wisdom. Maghanda ng pedigree chart na may pangalan mo at ng mgamagulang at lolo’t lola mo. Maghanda ng family group record parasa pamilya mo at magkuwento tungkol sa pamilya. Talakayin kungpaano binabasbasan ng paggawa sa templo ang mga pamilya. Pag-aralang awitin ang “Piliin ang Tama” (Mga Himno, blg. 145).Ipaliwanag kung ano ang kalayaang pumili at ang ibig sabihin ngmaging responsable sa iyong mga pagpili. Talakayin kung paanonakatulong ang pagpili ng mabuti sa pagkakaroon mo ng masmatatag na pananampalataya. Planuhin at kumpletuhin ang sarili mong aktibiti na tutulongsa iyo na matutuhan at ipamuhay ang ebanghelyo (isulat angaktibiti sa ibaba).7

PAGLILINGKOD SA IBA“At masdan, sinasabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upanginyong matamo ang karunungan; upang inyong malamanna kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao,kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos.”Mosias 2:17Kumpletuhin ang kahit dalawa lamang sa sumusunod na mgaaktibiti bawat taon: Basahin at talakayin ang talinghaga ng mabuting Samaritano(tingnan sa Lucas 10:30–37). Magplano at magkumpleto ngisang proyektong paglilingkod na nakakatulong sa miyembrong pamilya o kapitbahay. Matapos kumpletuhin ang proyekto,talakayin kung paano nito mas napatatag ang iyong pananampalataya.8

Sumulat ng liham sa isang guro, sa iyong mga magulang, o saiyong mga lolo at lola na isinasaad kung ano ang pinasasalamatan at iginagalang mo sa kanila. Gumawa ng listahan ng mga katangiang gusto mo sa isang tao.Pumili ng isang katangiang gusto mong taglayin. Talakayinkung paano nakapagpapalakas sa iyo, sa iyong pamilya, at sa ibaang pagpapakita ng paggalang at kabaitan. Magplano, maghanda, at maghain ng masarap na pagkain. Aliwin ang maliliit na bata sa mga awit o larong natutuhan moo ikaw mismo ang may gawa. Ipakitang kaya mong alagaan atprotektahan ang batang paslit. Matuto ng at magsanay sa kabutihang asal at paggalang. Magplano at magdaos ng aktibiting pangmagulang-at-anak,tulad ng hapunan, piknik, paglalakad, pagbibiyahe, o proyektongpaglilingkod. Basahin ang ikalabindalawang saligan ng pananampalataya.Talakayin ang kahulugan ng pagiging mabuting mamamayanat ang epekto ng mga kilos mo sa iba. Tulungan ang mga lider ninyo sa Primary na magplano atmagsagawa ng aktibiti tuwing ikatlong buwan. Magplano at magkumpleto ng sarili mong aktibiti na maglingkodsa iba (isulat ang aktibiti sa ibaba).9

PAGPAPAUNLAD NG MGA TALENTO“Sapagkat hindi lahat ay pinagkakalooban ng lahat ng kaloob;sapagkat maraming kaloob, at sa bawat tao ay ipinagkaloobang isang kaloob sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos.”Doktrina at mga Tipan 46:11Kumpletuhin ang kahit dalawa lamang sa sumusunod na mgaaktibiti sa bawat taon: Matutong magbadyet at mag-impok ng pera. Talakayin kungbakit mahalaga na tapat na magbayad ng ikapu at kung paanotayo pinagpapala ng Ama sa Langit kapag ginagawa natin ito(tingnan sa 3 Nephi 24:10–11). Bayaran ang iyong ikapu atmagsimulang mag-impok para sa pag-aaral. Matutong umawit, maglaro, o kumumpas sa isang kanta mulasa Aklat ng mga Awit Pambata. Ituro o ibahagi ang awitin safamily home evening o sa Primary. Talakayin kung paano nakakatulong ang pagpapaunlad ng ating mga talento sa paghahanda nating maglingkod sa Ama sa Langit at sa ibang tao. Sumulat ng tula, kuwento, o maikling dula na nagtuturo ng alituntunin ng ebanghelyo o tungkol sa mga likha ng Ama sa Langit. Gumawa ng isang bagay mula sa kahoy, metal, tela, o iba pangmateryal, o magdrowing, magpinta, o lumilok ng isang makasining na bagay. Idispley ang natapos mo para makita ng iba. Bumisita sa isang art museum o dumalo sa concert, dula, oiba pang cultural event. Ikuwento ang karanasan mo sa iyongpamilya o ka-grupo sa araw ng aktibiti. Basahin ang D at T 88:118. Talakayin ang ibig sabihin ng“maghangad na matuto, maging sa pamamagitan ng pag-aaral10

at gayon din sa pamamagitan ng pananampalataya.” Pagbutihinang sarili mong ugali sa pag-aaral sa paggawa ng mga bagay natulad ng pag-aaral kung paano mamili at magbasa ng mabubuting aklat o pagiging handa sa eskuwela sa bawat araw. Maglista ng limang bagay na magagawa mo para makatulong satahanan. Talakayin ang kahalagahan ng pagsunod at paggalangsa iyong mga magulang at pagkatutong magtrabaho. Magplano ng sarili mong programa sa pisikal na kalusugan namaaaring kapalooban ng pagkatutong maglaro ng isang isportso laro. Sumali sa programa sa loob ng isang buwan. Alamin at magkaroon ng mabuting nutrisyon, mabutingkalusugan, at pag-aayos ng katawan, kabilang na ang disentengpananamit. Magplano at magkumpleto ng sarili mong aktibiti na makakatulong sa iyo na mapaunlad ang iyong mga talento (isulat angaktibiti sa ibaba).11

PAGHAHANDA PARASA YOUNG WOMEN“Tumayo kayo sa mga banal na lugar, at huwag matinag,hanggang sa ang araw ng Panginoon ay dumating.”Doktrina at mga Tipan 87:8Kumpletuhin ang sumusunod na mga aktibiti habang 11 taonggulang ka. Tutulungan ka nitong maghanda para maging mabuting kabataang babae at makisali sa programang Personal naPag-unlad ng Young Women. Matapos pag-aralan ang ika-labintatlong saligan ng pananampalataya, gumawa ng listahan ng mga bagay na nagpapasigla atkapuri-puri. Talakayin sa isang magulang o lider kung paanomo mahahangad ang mga bagay na ito. Kausapin ang panguluhan ng klase sa Beehive o isang miyembrong panguluhan ng Young Women tungkol sa layunin at kahalagahan ng programang Young Women. Isulat sa iyong journal kung paano mo mapaglilingkuran angPanginoon habang naninindigan ka sa katotohanan at kabutihan. Basahin ang D at T 88:77–80, 118 at D at T 130:19. Talakayinsa isang magulang o lider ng Primary kung gaano kahalaga angmabuting edukasyon at kung paano ka nito matutulungangtumatag sa iyong tahanan at pamilya at sa Simbahan.12

Basahin ang “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo.”Gumawa ng listahan ng mga bagay na magagawa mo paratulungang mapatatag ang iyong pamilya at lumikha ng maligayang tahanan. Ipakita ang listahan sa iyong mga magulang olider ng Primary.13

ANG AKING PATOTOOHabang natututuhan at ipinamumuhay mo ang ebanghelyo,patuloy na lalago ang iyong patotoo. Gamitin ang mga pahinangito para isulat ang iyong patotoo tungkol sa Ama sa Langit at saTagapagligtas. Isulat din ang kahulugan sa iyo ng tipan sa binyag.Maaari ka ring magdagdag sa isinulat mong patotoo sa sarilimong journal.14

15

ANG MGA SALIGANNG PANANAMPALATAYANG ANG SIMBAHAN NI JESUCRISTO NG MGA BANAL SA MGA HULING ARAW9. NANINIWALA KAMI sa lahat ng ipinahayag ng Diyos, sa lahat ng Kanyangipinahahayag ngayon, at naniniwala rinkami na maghahayag pa Siya ng maraming dakila at mahahalagang bagayhinggil sa Kaharian ng Diyos.1. NANINIWALA KAMI sa Diyos, angAmang Walang Hanggan, at sa KanyangAnak, na si Jesucristo, at sa EspirituSanto.2. NANINIWALA KAMI na ang mga tao ayparurusahan dahil sa kanilang sarilingmga kasalanan, at hindi dahil sa paglabag ni Adan.10. NANINIWALA KAMI sa literal na pagtitipon ng Israel at sa pagpapanumbalikng Sampung Lipi; na ang Sion (angBagong Jerusalem) ay itatayo sa lupalop ng Amerika; na maghahari si Cristosa mundo; at, ang mundo ay babaguhin at matatanggap nito ang malaparaisong kaluwalhatian.3. NANINIWALA KAMI na sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Cristo, angbuong sangkatauhan ay maaaringmaligtas, sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas at ordenansa ngEbanghelyo.11. INAANGKIN NAMIN ang natatanging karapatang sambahin angPinakamakapangyarihang Diyos alinsunod sa mga atas ng aming sarilingbudhi, at pinahihintulutan ang lahatng tao ng gayon ding karapatan, hayaan silang sumamba, kung paano, kungsaan, kung anuman ang ibig nila.4. NANINIWALA KAMI na ang mga pangunahing alituntunin at ordenansa ngEbanghelyo ay: una, Pananampalatayasa Panginoong Jesucristo; pangalawa,Pagsisisi; pangatlo, Pagbibinyag sapamamagitan ng paglulubog para sakapatawaran ng mga kasalanan; pangapat, Pagpapatong ng mga kamay parasa kaloob na Espiritu Santo.12. NANINIWALA KAMI sa pagpapasailalimsa mga hari, pangulo, namamahala, athukom, sa pagsunod, paggalang atpagtataguyod ng batas.5. NANINIWALA KAMI na ang tao ay kinakailangang tawagin ng Diyos, sa pamamagitan ng propesiya, at ng pagpapatong ng mga kamay ng mga yaongmay karapatan, upang ipangaral angEbanghelyo at mangasiwa sa mgaordenansa niyon.13. NANINIWALA KAMI sa pagiging matapat, tunay, malinis, mapagkawanggawa,marangal, at sa paggawa ng mabuti salahat ng tao; sa katotohanan, maaarinaming sabihing sinusunod namin angpayo ni Pablo—Naniniwala kami salahat ng bagay, umaasa kami sa lahat ngbagay, nakapagtiis kami ng maramingbagay, at umaasang makapagtitiis salahat ng bagay. Kung may anumangbagay na marangal, kaaya-aya, o magandang balita, o maipagkakapuri, hinahangad namin ang mga bagay na ito.6. NANINIWALA KAMI sa samahan dingyaon na umiral sa Sinaunang Simbahan,alalaong baga’y mga apostol, propeta,pastor, guro, ebanghelista, at iba pa.7. NANINIWALA KAMI sa kaloob na mgawika, propesiya, paghahayag, mgapangitain, pagpapagaling, pagbibigaykahulugan sa mga wika, at iba pa.8. NANINIWALA KAMI na ang Biblia aysalita ng Diyos hangga’t ito ay nasasalinnang wasto; naniniwala rin kami naang Aklat ni Mormon ay salita ng Diyos.JOSEPH SMITH16

IMPORMASYON PARA SAMGA MAGULANG AT MGA LIDERResponsibilidad ng mga magulang na tulungan ang kanilang mgaanak na matutuhan at maipamuhay ang ebanghelyo. Tinutulunganng mga lider at guro sa Primary ang mga magulang sa mahalagangresponsibilidad na ito. Ang gabay na aklat na ito ng Pananampalatayasa Diyos ay makakatulong sa mga batang lalaki at babae na maabotang kanilang dakilang potensyal bilang mga anak ng Diyos.LAYUNINAng layunin ng mga gabay na aklat ng Pananampalataya sa Diyos aytulungan ang mga batang lalaki at babaeng edad 8 hanggang 11 naipamuhay ang mga alituntunin ng ebanghelyo, magkaroon ngpatotoo, magkaroon ng mga kaibigan, at maghandang tanggapinang Aaronic Priesthood o maging mabuting dalagita. Ang mgabatang kukumpleto ng mga kinakailangan ay maaaring kamtan angGawad na Pananampalataya sa Diyos.PAANO PINATATAKBO ANG PROGRAMAAng mga bata ay nakikisali sa mga aktibiting tumutulong sa kanilana magkaroon ng mga kaugalian sa ebanghelyo tulad ng pagdarasal, pagbabasa ng mga banal na kasulatan, at pamumuhay ng“Mga Pamantayan Ko sa Ebanghelyo” (tingnan sa pabalat sa likod).Nakikisali rin sila sa iba’t ibang mga aktibiti sa sumusunod na mgalarangan: (1) pagkatuto at pamumuhay ng ebanghelyo, (2) paglilingkod sa iba, (3) pagpapaunlad ng mga talento, at (4) paghahandapara sa priesthood o para sa Young Women.Ang mga aktibiti para sa programa ay nakabalangkas sa dalawanggabay na aklat: Pananampalataya sa Diyos para sa mga BatangLalaki at Pananampalataya sa Diyos para sa mga Batang Babae.Maaaring gawin ng mga bata ang mga aktibiti sa tahanan, kasamang kanilang pamilya, o sa araw ng aktibiti ng Primary (tingnan saibaba).17

MGA ARAW NG AKTIBITI NG PRIMARYLayon ng mga araw ng aktibiti ng Primary na bigyang-pagkakataonang mga batang lalaki at babaeng edad 8 hanggang 11 na gawin angmga aktibiti sa programang Pananampalataya sa Diyos. Ang mgaaraw ng aktibiti ay karaniwang ginaganap dalawang beses sa isangbuwan sa isang tahanan o sa meetinghouse. Ang budget allowanceng yunit ang dapat sumagot sa mga gastusin para sa mga araw ngaktibiti ng Primary. Ang mga araw ng aktibiti ay dapat simulan attapusin sa panalangin. Depende sa lokal na mga pangangailangan atkalagayan, maaaring isabay ang araw ng aktibiti sa iba pang aktibitisa Simbahan anumang araw maliban kung Linggo.Paminsan-minsan, maaaring anyayahan ng mga lider ang mas maliliitna bata sa Primary para makasama ng mga 8 hanggang 11 taonggulang sa isang araw ng aktibiti. Minsan lamang ito dapat ganapintuwing ikatlong buwan. Ang mga araw ng aktibiti kung saan kasaliang lahat ng bata ay pinaplano ng panguluhan ng Primary. Maramingideyang magagamit sa gabay na aklat na ito sa pagpaplano ng mgaaraw na ito ng aktibiti. Maaaring anyayahan ng panguluhan ang lidersa mga araw ng aktibiti at mga batang edad 8 hanggang 11 paratumulong sa pagpaplano at pagsasagawa ng aktibiti.MGA LIDER AT GURO SA PRIMARYSa pamamahala ng panguluhan ng Primary, isang guro sa Primaryo iba pang karapat-dapat na adult ang nagsisilbing lider sa mga arawng aktibiti. Ang mga araw ng aktibiti para sa mga batang babae aydapat pamunuan ng isang babaeng adult. Kapag nagpaplano ng mgaaktibiti, dapat isaalang-alang ng mga lider ang mga ideya mula sagabay na aklat na ito, sa “Mga Pamantayan Ko sa Ebanghelyo,” saAng Kaibigan, at sa mga bata mismo. Ang mga magulang at iba pana may mga natatanging kasanayan ay maaanyayahang tumulong.Matutulungan ng mga magulang ang kanilang mga anak na kumpletuhin ang mga aktibiti sa mga gabay na aklat, lalo na kapag mahiraptipunin ang mga bata para sa mga araw ng aktibiti ng Primary.PAGPAPAALAM AT PAGKILALAKapag nag-walong taong gulang na ang isang bata, ang isangmiyembro ng panguluhan ng Primary at ang lider sa mga araw ng18

aktibiti ay binibigyan ang bata at mga magulang niya ng kopya nggabay na aklat at ipinaliliwanag ang layunin ng mga araw ng aktibitiat kung paano nakakamit ang Gawad na Pananampalataya sa Diyos.Ang pagkilala sa mga nagawa ay dapat magpatuloy, tulad ng mgasumusunod:1. Sa pagkumpleto ng mga bata ng mga aktibiti, masusubaybayan nilaang kanilang pag-unlad sa pagmamarka sa tsart na nasa pahina 20ng gabay na aklat na ito.2. Kahit dalawang beses lang sa isang taon, dapat magkaroon ng mgapagkakataon ang mga bata sa isang araw ng aktibiti ng Primary namaibahagi ang natutuhan at nagawa nila.3. Kapag nakumpleto na ang lahat ng kinakailangang aktibiti, lalagdaan ng Primary president at ng bishop o branch president angsertipikong Gawad na Pananampalataya sa Diyos sa huling pahinang gabay na aklat na ito. Isang miyembro ng bishopric, panguluhan ng branch, o panguluhan ng Primary ang kikilala sa nagawang bata sa Primary.Dapat tulungan ng mga magulang at mga lider ang mga bata namaunawaan na ang galak sa pamumuhay ng ebanghelyo ang siyangpinakamahalagang gantimpala.19

REKORD NG TAGUMPAY SAPANANAMPALATAYA SA DIYOSGamitin ang pahinang ito para subaybayan ang progreso mo sa pagkakamit ng Gawad na Pananampalataya sa Diyos. Tuwing makakakumpleto ka ng isang aktibiti, markahan ang isa sa mga kahon sailalim ng tamang pamagat. Kapag nakumpleto mo na ang lahat ngkinakailangan, rebyuhin ang iyong mga aktibiti at ang natutuhanmo mula sa iyong mga lider.PAGKATUTO AT PAMUMUHAY NG EBANGHELYO PAGLILINGKOD SA IBA PAGPAPAUNLAD NG MGA

nan ang tukso, gawin ang mga sumusunod: Manalangin araw-araw sa Ama sa Langit. Palaging basahin ang mga banal na kasulatan. Sundin ang mga kautusan at ipamuhay ang “Mga Pamantayan Ko sa Ebanghelyo” (tingnan sa pabalat sa likod). Igalang ang iyong mga magulang at maging mabait sa iyong pamilya.

Related Documents:

Ang mga Coronavirus ay isang malaking pamilya ng mga virus at napangalanan ang mga ito ng ganito dahil sa crown-like spikes na nasa labas nito. Ang mga ito ay pangkaraniwang uri sa mga hayop, tulad ng mga camel, baka, pusa, at mga paniki. Bihira na ang mga coronavirus ng mga hayop ay malilipat sa mga tao at kakalat mula tao sa tao.

Ang Diyos ng mga taga-Europa ng Edad Medya ay dinala rito ng mga Espanyol noong Siglo 16. Ito ang ginamit nilang instrumento sa pasipikasyon ng mga katutubong dinatnan nila sa mga isla ng Filipinas. Naiiba ang Diyos ng mga Kristyano sa mga mumunting diyos na kilala ng mga katutubo. Para sa mga ito, may mga puwersang nagpapalago ng mga

Sa mga paaralan na ito, ang mga bata ay maaaring magpatala sa isang programa pagkatapos ng klase para sa musika, isports, tulong sa homework, o ibang mga gawain. Ang ilan sa mga paaralan ay sumisingil ng bayad para sa mga programang ito. Dapat ninyong ipatala ang inyong mga anak sa mga espesyal na programa at

ng mga kopya ng kredito at mga pagkakakilanlan at mahalagang mga dokumento, tulad ng mga polisa ng seguro at mga rekord/ kasulatan na nauukol sa pananalapi. Mga kasangkapan. Bukod sa liyabe-de-tubo at gasuklay na liyabe (para sa pagsara ng balbula ng gas at tubig), dapat mayroon ka ring pansindi, mga istak ng posporo na nasa lalagyang hindi

paraan ang mga tawag sa telepono, mga e-mail, mga hindi pormal na ulat ng progreso, mga pulong ng magulang at guro, mga komperensiyang pinamumunuan ang mag-aaral at mga newsletter ng paaralan. Ano ang dapat kong gawin kung nag-aalala ako tungkol sa pagganap ng anak ko sa

pada batang AB terdapat gaya aksial tarik. Struktur semacam ini disebut Rangka Batang,m yang gaya dalamnya hanya berupa Gaya Aksial saja. Gambar 6.3 Portal Tiga Sendi, Bila Perletakan Diganti Rangka batang yang akan dibahas adalah rangka batang sederhana, yaitu

2.1. Rangka Batang (Truss) Rangka batang merupakan konfigurasi batang-batang lurus individual yang satu sama lain dihubungkan melalui sendi disetiap ujungnya sehingga keseluruhannya menyusun kesatuan struktural. Kesemua rangka batang pada hakekatnya merupakan struk

Keyboards Together 2 Music Medals Bronze Ensemble Pieces (ABRSM) B (T) In the Meadow Stood a Little Birch Tree Trad. Russian, arr. Mike Cornick: p. 3 B (T) Jazz Carousel Jane Sebba: p. 4 B (T) Heading for Home John Caudwell: p. 5 B (T) Don’t Mess with Me! Peter Gritton: p. 6